You are on page 1of 6

Ang Panitikan ng Rehiyon IX

https://www.scribd.com/upload-
document?archive_doc=315554507&escape=false&metadata=%7B%22context%22%3A
%22archive_view_restricted%22%2C%22page%22%3A%22read%22%2C%22action%22%3A
%22download%22%2C%22logged_in%22%3Atrue%2C%22platform%22%3A%22web%22%7D
 Zamboanga Peninsula

Ang rehiyong nasa katimugan ng Pilipinas ay ang Rehiyon IX.Ang Zamboanga del
Norte,Zamboanga del Sur,Zamboanga Sibugay at Basilan ang bumubuo ng rehiyong ito.May
apat itong Lungsod ang Dapitan,Dipolog,Pagadian at Zamboanga.Ang sukat ng buong rehiyon
ay humigit kumulang sa 15,997.3 kilometrong parisukat.Ito ay mabundok na rehiyon at  sa
Zamboanga del Norte matatagpuan ang  pinakamataas na bundokDabiah.Matataas ang
kinikita  sa pagsasaka dahil sa kalakihan ng rehiyon  subalit mababa ang
establisyemento.Pangunahing  hanapbuhay ng mga tao rito ang pangingisda lalo na sa Basilan.Sa
Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte naman ay pagsasaka,paghahayupan at kaunting
pangingisda.Hanapbuhay rin dito ang panghuhuli ng mga pawikan o pagong at ang
pangongolekta ng mga itlog nito.Sa mga nakalipas  na panahon dahil sa maraming  suplay ng
pangkagubatang produkto,nakilala ang rehiyon bilang angkatan ng mga kahoy.Sa kasalukuyan
ang mga troso na mula pa noong unang panahon ay nanggagaling na sa matandang kagubatan  ay
unti unti na ring nawawala.Ang lungsod ng Zamboanga ang sentro ng kalakalan ng rehiyon.Ang
Basilan ang itinuturing na may pinakamaraming produksyon ng goma sa buong mundo ng
Pilipinas at ang Zamboanga del Sur naman ay kinilala sa pagtotroso.

Ang Zamboanga na tinaguriang “Zambangan” na lalong kilala sa tawag na Lupain ng mga


Bulaklak ay tinanghal bilang primera klaseng lungsod.Noong ika-6 ng Hulyo,1952 ang lupain ng
mga bulaklak ay nahati sa dalawang probinsya ang Zamboanga del Norte at Zamboanga del
Sur.Ang Zamboanga del Norte ay mayaman sa mga yamang mineral na kadalasan ay non-
metallic .Ito ay mga durog na bato,asbestos ,buhangin,graba at iba pa.Dipolog ang kabisera ng
lalawigan.May magaganda rin itong tanawin   ang Aplaya o tabing dagat tulad ng Sinipang Bay
at may mahiwagang kwebang matatagpuan dito tulad ng Manuban,Katipunan,Roxas at
Labason.Isa sa mga mahalaga at makasaysayang lugar ng probinsya  ay ang Dapitan  Shrine
kung saan pinatapon bago pinatay si Dr.Jose Rizal.Ang Zamboanga del Sur ay galing sa salitang
Malay na ang ibig sabihin ay paso o lalagyan ng bulaklak.Pagadian City ang kabisera nito na
mas kilala sa tawag na Little Hongkong ng Pilipinas dahil sa heograpikal na pagkakatulad ng
lokasyon sa Hongkong.Naitatag ito sa bisa ng RA Blg. 711 noong Septyembre 17,
1952.Mayroon ding produksyon ng mineral ang lugar na ito pero karamihan ay metallic tulad ng
aluminum,ginto,tanso,tingga,nickel,chromite,pyrite,hematitie, at zinc.Ang mga non-metallic
naman ay uling,asin,lupa,buhanging,graba,asbestos,marmol,silica at iba pa.May magagandang
tanawin dito tulad ng Pasonanca Park,ang tatlong daang taong Fort Pilar na kung saan naroon
ang grotto ng Lady of Pilar,ang Sta.Cruz na isang islang may magagandang baybay-dagat at
makukulay na mga korales at ang Barter Trade Market na bilihan ng mga gamit pang
Muslim.Rehiyon ito ng magaganda at makukulay na mga vinta at layag.Matatagpuan sa rehiyon
ng Tangway ng Zamboanga sa Mindanao ang Zamboanga Sibugay.Ipil ang kabisera nito.Ito ay
ganap na naging lalawigan sa bisa ng Batas Republika Bilang 8973 noong 22 Pebrero 2001 at
binubuo ng 16 munisiplidad.Ang ikahuli ay ang Basilan na matatagpuan
sa katimugang bahagi ng Zamboanga del Sur.Dati itong bahagi ng Zamboanga del Sur subalit ng
lumaon ito’y inihiwalay sa pamamagitan ng Presidential Decree Blg.356 noong Disyembre 27,
1973.Ito ang pinakamaliit sa apat na lalawigan ng Rehiyon IX at binubuo ito ng tatlong
munisipalidad ang Isabela,na siyang kabisera nito,Lamitan at Maluso.

Mga Tao at Kultura


Marami sa mga naninirahan dito ay mga Muslim,Pagano at mga Kristiyano.May ibat ibang
pangkat ng Muslim gaya ng Tausog,Subanon,Yakan at Samal na naninirahan sa
Basilan.Maraming mga Sebuano ang naninirahan dito kaya’t Cebuano ay isa sa mga diyalektong
sinasalita.
Mahilig sila sa mga musika at mga sayaw sa saliw ng mga gong.Makukulay ang mga
kasuotan.May iba’t-ibang wikain tulad ng
Bagjao,Cebuano,Kalibugan,Tausog,Subanum,Sanduka,Sibuku,Sama at Chabakano.
Ang mga Muslim ay may tradisyong tinatawag na Ramadan o Pausa.Ito ay ang hindi pagkain
ng mahabang panahon bilang sakripisyo at alay kay Allah,ang diyos ng mga
Muslim.Matapos  ang mahabang panahon ng hindi pagkain o sakripisyo ay nagdiriwang naman
sila ng kapistahan na kung tawagin ay Hariraya Hadji.Mayroon pa rin silang isang tradisyon na
ginaganap isang buwan sa isang taon at apat na beses sa isang buwan tuwing Huwebes.Ang mag-
aanak ay sabay-sabay na maliligo sa dagat.Ang tawagdito ayTulak Bala
May paniniwalang ang mga Muslim na ang isang namatay ay dapat suotan ng kanyang
paboritong damit at bigyan o pabaunan ng tubig at pagkain dahil malayo ang lalakbayin nito.
Ang mga Muslim ay hindi kumakain ng baboy dahil para sa kanila ito ay marumi.Dito rin
matatagpuan ang mga Samals na magagaling sa paggawa ng Bangka na ang tawag
ayVintas.Itinuturing silang matatapang na mandirigma sa dagat.Magaling din silang magsaka ng
lupa at balita rin sa paggawa ng tanso.Nanatili pa rin ang kaugalian ng mga Tausog na ang mga
magulang ang mag-aasikaso upang makasal ang kanilang mga anak kahit na hindi pa nila halos
kilala ang bawat isa.Dapat na magbigay ng dote ang lalaki sa magulang ng babae na maaring
alahas,pera,lupa o mga ani.
Nararapat na magsuot ang mga babaeng muslim ng damit na mahaba ang manggas  at ang tabas
ng damit sa leeg ay makipot o “closed neck”.Ang kanilang palda ay sarong.Ang mayamang
muslim  ay nagsususuot ng sedang sarong na magaganda ang kulay at disenyo  na may
palamuting perlas.Sa mga lalaki naman ang mahigpit na jacket  at mahigpit na manggas.Ang
pantalon ay koton,may mahabang sash na nakapalibot sa kanilang baywang.At kapag sila ay
nagtatrabaho sa init ng araw ay nagsusuot sila ng sarong na sumbrerong kahawig ng salakot.

Sining
Kung sining ang pag-uusapan ang Rehiyon IX ay may natatanging sayaw tulad:
* SUA-SUA- isang sayaw sa pag-iisang dibdib,
*SINGKIL- ang sayaw ng isang prinsesa na pinapayungan habang madamdaming humahakbang
sa apat na kawayan.Halos katulad ito ng Tinikling; at ang
 *KOPARANGKAMANIS-ay sayaw panghukuman.

Panitikan
May ibat-ibang anyo ng Panitikan ang rehiyong ito tulad ng mga sumusunod:
a   A.    Iringa o Kwentong Bayan
Hal. Si-amo ago si bowaya at Manik Buangsi
b   B.  Kwentong Subanon
c   C.    Alamat ng Yakan
d   D. Kabaraperanga-mga tulang papuri sa bayani ng digmaan.
e   E.     Panaroon-mga salawikain
     F     Antoka-bugtong (sa Tausog Tigum-Tigum) 
    G. Dedao so wata-awit sa pagpapatulog ng bata.

Mga Halimbawa ng Akda:


a.       Alianapia(Tausog)
b.      The Guman of Dumalinao(Subanon of the Samboanga Peninsula)
c.       Ang tobig Nog Kibiklagan-kwentong panghimagsikan (Subanon)
d.      Su Guksugan Mikatag de Taibun-kwentong pag-ibig
e.       Se Ketubo ni Daugbulawan-Buhay ni Daugbulawan(Subanon)

 Alamat
Kahulugan ng Alamat

     Isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa


daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao
at pook at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang
"legend" ng ingles.

Anghel sa Kalangitan
 (alamat kung bakit umuulan)
Nooong unang panahon ang mga tao sa mundo ay nagtataka kung bakit umuulan. Umaga
hanggang gabi ay nag-iisip sila, subalit wala ni isa sa kanila ang makapagsabi. Ngunit isang
araw, ang kanilang katanungan ay umabot sa Diyos. Sabi ng Bathala.” Gabriyel, magtungo kasa
mundo at sabihin mo sa mga tao na umuulan dahil ang mga anghel ay naliligo. Dahil dito
pumunta si Gabriyel, sa mundo ng mga tao at sinabi sa mga tao na umuulan dahil naliligo ang
mga anghel. At pagkatapos noon ay bumalik na si Gabriel sa langit.

ANG DALAWANG BUNBOK


(alamat ng dalawang bundokna nakatayo sa karatagan sa pagitan ng Zamboanga at Jolo.)

     Noong unang panahon, may isang mag-asawang bagong kasal lamang. Gustong-gusto nilang
bisitahin ang mga magulang sa Zamboanga. Isang araw, nagpaalam sila sa mga magulang ng
babae na pupunta sila sa Zamboanga. Nang sila ay payagan, hiniram nila ang vinta at layag ng
ama ng babae.Inayos ng lalaki ang vinta at layag. Sinibukan niya ang layag na ito at maayos
naman.Pagkatapos nila sa paghahanda ng vinta, pinuno nila ito ng pagkain at sila ay naglayag
isang araw ng Biyernes. Umaga pa lamamg ng araw ay nagsimula na silang maglayag. Habang
sila ay naglalayag naitulak ng malakas ng hangin ang kanilang vinta patungo sa karagatang ng
Sulu hangang marating nila ang Lampinigan sa Basilan. Pagkatapos ng isang lingo ay narating
din nila ang Zambaoanga, nagtungo sila sa bahay ng magulang ng lalaki .Masaya ang mga
magulang ng lalaki at ang kanilang anak ay nakapangasawa ng mabait at magandang babae.
 Isang araw, pagkalipas ng isang taon, nagpaalam naang babae sa kanyang biyenan. Araw din ng
Biyernes ng sila ay umalis patungo sa Jolo. Ang dagat ay tahimik at walang makitang alon.
Naghintay sila na umihip ang hangin. At nagsimula nga umihip ang hanging amihan. At nang
hatinggabi na, ang ihip ng hangin ay nagbago at ang kapaligiran ay dumilim bigla, nagkaroon ng
bagyo. Wala na silang masisilungan dahil sila nasa gitna ng karagatan. Hindi nila mapigil ang
kanilang vinta
sa lakas ng hagin. Habang hinahampas ang kanilang bangka ng mga alon, sila ay nagdarasal na
lamang sa Diyos. “ O Diyos ko pagpalain mo po kami. At kung kami po ay mamamatay, sana po
ang katawan namin ay maging dalawang kabundukan”, sabi ng lalaki. Pagkatapos nilang
magdasal sa Diyos at sa propeta nilang si Mohammed, nagyakapan silang dalawa. Pagkalipas ng
isang sandali tinamaan sila ng malakas na alon at sila ay tumilapon sa dagat. Hindi na sila nakita.
Pagkatapos ng bagyo ay lumitaw ang dalawang bundok sa gitna ng karagatan. Ito ang
pinagmulan ng dalawang kabundukan na nakatayo sa karatagan sa pagitan ng Zamboanga at
Jolo.

KWENTONG BAYAN (Zamboanga)

MANIK BUANGSI
Hitik sa pakikipagsapalaran at hiwaga ang bumabalot sa kwentong Manik Buangsi.Puno rin ito
ng damdaming makamandag, pagkainggit, kawalan ng tiwala sa kapwa, at kahinaan ng
tao.Tunghayan natin ang mga pangyayari.

Noon ay may isang sultan na may pitong anak na dalaga. Ang bunso ang pinakamaganda sa
lahat. Ang kanyang pangalan ay Tuan Putli. Nang magdalaga si Tuan Putli ay maraming dugong
bughaw ang lumigaw sa kanya. Ngunit hindi niya pinansin ang mga ito, sapagkat sa kanyang
panaginip ay nakita na niya ang lalaki na kanyang iniibig. Siya ay si Manik Buangsi. Datapwat si
Manik Buangsi ay hindi isang pangkaranwang tao. Siya ang nilalang na walang kamatayan at
nakatira sa pook ng mga bathala. Sa panaginip lang niya dinadalaw si Tuan Putli. Dumating ang
araw na hindi na matiis pa ni Manik Buangsi ang kanyang pag-ibig kay Tuan Putli. Kung kayat
kinausap niya si Allah. Pumayag naman si Allah na bumaba isi Manik Buangsi sa lupa.  Si
manik Buangsi ay nag-anyong isang ginuntuang bayabas. Napasakamay siya

You might also like