Professional Documents
Culture Documents
ANYO NG PANITIKAN
TULUYAN PATULA
ANEKDOTA EPIKO
ALAMAT
NOBELA BALAD
PABULA SAWIKAIN
PARABULA SALAWIKAIN
MAIKLING KWENTO BUGTONG
DULA KANTAHIN
SANAYSAY TANAGA
TALAMBUHAY TULA
KWENTONG BAYAN
TULUYAN
1. ALAMAT
Noong araw, nang hindi pa dumarating si Raha Baginda upang ikalat ang mga
aral ni Mahoma, ay dadalawang pulutong pa lamang ng mga pulo ang
pinaninirahan ng mga tao sa Pilipinas. Ang isa na nasa dakong hilaga ay
pinamamahalaan ni Datu Lusong. Si Datu Lusong ay nagtataglay ng
pambihirang lakas at tapang.
Bago pa lamang nagbibilog ang buwan ay lulan na ng kanilang paraw sina Datu
Lusong, Minda, at mga kawal patungo sa pulo na pagdarausan ng kasal. Doon
nama'y naghihintay na ang mag-amang Datu Bisaya at Danaw at mga kawal
nito.
"Ang pulong ito ay inireregalo ko sa mga bagong kasal. Dito na sila maninirahan.
Sinumang may nais sumama sa kanila ay maaari nang maiwan dito. Mula
ngayon, ang pulong ito ay tatawaging Minda-Danaw."
Maraming kawal ang nagpaiwan sa pulo kasama ng mga bagong kasal. Doon na
sila nanirahan sa pamumuno ni Danaw.
Source: https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/ang-alamat-ng-mindanao/
Alamat ng Sari-manok
Mahalagang sagisag ng mga kapatid nating Muslim sa Mindanao ang sari-
manok. Mayaman sa katha at mga kuwentong-bayan ang tungkol sa simu-simula
ng sari-manok. Alamin natin.
May kaisa-isang anak na dalaga ang sultang Maranao sa Lanao. Maganda,
mabait, magulang, at matulungion si Sari. Hindi kataka-takang mapamahal sa
Sultan at sa mga tao si Sari.
Nang sumapit ang ikalabingwalong kalarawan ni Sari, isang malaking piging ang
iginayak ng USltan para sa kanya. Ipinagdiwang ito sa malawak na bakuran nina
Sari. Nagagayakan ang buong paligid. Talagang marangya at masaganang salu-
salo ang inihanda ng Sultan sa pinakamamahal niyang anak.
“Naparito ako upang kunin ang dalagang minamahal ko. Siya ay Matagal ko
nang inalagaan, binantayan, at minahal,” ang sabi ng mahiwagang prinsipe.
Lalong nagulat ang lahat at halos walang nakakilos o nakapagsalita man lamang.
Muling nag-anyong tandang ito at kinuha ang dalagang binaggit niya na walang
iba kundi si Sari. Lumipad itong paitaas. Mula noon ay hindi na nakita pa si Sari
at ang manok.
Ilang taon ang nagdaan. Ang dati ay makukulit na mga bata ay malalaki na
ngunit si Tandang During ay gayon parin.
Nag-iisa sa kubo sa paanan ng bundok at hindi nakikisalamuha sa mga tao.
4. . PABULA
Isang araw, nagwika siya sa mga asawa niya na dalhan siya ng pananghalian sa
bukid nang sa ganoon ay di masayang ang kanyang oras sa pag-uwi.
Nagkasundo at nagpasya ang dalawa niyang asawa na mula noon ay dadalhan
siya ng pagkain sa bukid.
Matalik na magkaibigan ang pagong atang ahas. Isang araw, hinamon ng ahas
ang pagong para magkarerahan. Noong una, tumanggi ang pagong dahil batid
niyang siya
ay mabagal. Ngunit nagpumilit ang ahas kung kaya’t napapayag din nito na
tanggapin ng pagong ang kaniyang hamon.
“Ang ganda naman ng punong ito. Ang daming sanga at dahon. Masarap
mamahinga rito,” buong kasiyahang pinagmasdan ng ahas ang puno.
Ngunit ang lamig na dulot ng hangin ng lilim ay nagpaantok sa kaniya. Sa
paniwalang hindi siya maaabutan ng pagong, nagpasiya siyang matulog muna.
“Hhhm! Inaantok ako. Ang mabuti pa’y matulog muna ako. Tiyak, malaki na ang
distansiya ko kay pagong. Matatalo pa ba naman ako? Balita ng kabagalan
niyan,” may kayabangang sambit ng ahas sa sarili.
“Aba, narito pala ang hambog na ahas. At himbing na himbing. Mabuti naman,”
punong-puno ng pag-asang sambit ng pagong.
“Tiyaga, kaibigan. Mabagal ako ngunit matiyaga. Samantalang ikaw, mabilis nga
ay tamad naman,” ang sagot ng pagong.
Ang palaka at ang daga ay matalik na magkaibigan. Ang tawag nila sa isa’t isa
ay Manayu o Mayumi. Sa kanilang magandang pagsasamahan, nakaisip ang
daga na sila ay
magpaligsahan sa paglundag upang malaman kung sino sa kanila ang
pinakamataas lumundag. Kaya sinabi ng
daga sa palaka, “Manayu, magpaligsahan tayo kung sino ang makalulundag
nang pinakamataas.” “Sige. Mabuti kung may paligsahan tayo. Saan
gaganapin?” ang sagot ng palaka. “Doon sa bahay ni Walu. Aakyat tayo at
lulundag. Manayu, halika na,” ang sabi ng daga.
Hindi nagtagal dumating sila sa isang lugar na may isang matandang babaeng
gumagapas ng damo. “Ale, maaari mo bang ayusin itong nabaling paa ni
Manayu?” ang tanong ng daga. “Oo. Pero maghintay muna kayo hanggang
matapos ko itong paggapas ko,” ang sagot ng matandang babae. “Iiwan ko muna
siya dito at babalik ako bukas ng umaga upang kunin siya.” Iniwan ng daga ang
palaka at umalis.
Inimbita ng daga ang iba’t ibang hayop kagaya ng pukyutan, tamaing, langgam,
lapinig, linta, alupihan at ahas at sinab niyang magtipon-tipon sila sa bahay ng
matanda sa gabi. Pagdating ng mga insekto, nilusob nila ang matanda. Nagtago
siya sa kulambo ngunit kinagat siya ng mga linta, langgam at alupihan. Tumakbo
siya sa hagdanan at dito, kinagat siya ng ahas. Sa wakas, namatay ang
matanda.
4. PARABULA
5. MAIKLING KWENTO
“PAGISLAM”
Oh! Aminah, wala na akong mahihiling pa pa kay Allah. Dininig niya ang ating
panalangin,” wika niyang sabay haplos sa pawisang noo ng asawa.
“Ano kaya ang mabuting ipangalan sa ating anak? Sabik na tanong ni Ibrah
kay Aminah.
“Kay gandang pangalan, Abdullah. Bagay talaga sa ating anak.” Pagmamalaki
ni Ibrah”.
At sumapit ang araw ng paggunting. Sa bahay ay marami nang tao, halos
naroon na ang lahat ng mga kapitbahay na tutulong. Maaga pa’y kinatay n ani Ibrah
ang limang kambing na sadyang inihanda bilang alay at pasasalamat sa
pagkakaroon nila ng supling. Samantala, ang mga kababaihan naman ay abala sa
PAg-aayos ng hapag-kainan at paghahanda ng masasarap na kakainin para sa
mga panauhin.
Sapat na itong narinig nina Ibrah at Aminah upang umapaw ang kagalakan
sa kanilang mga puso. Nakapipiho silang papatnubayan ni Allah ang paglaki ng
anak. Maganda ang hinaharap nito sa buhay.
I
pinagbunyi ng mga tao ang kinalalabasan sa seremonya. Bawat isa sa mga
panauhin ay nagbigay ng pera at regalo para sa bata. Siyang-siya ang mag-asawa sa
kanilang nasaksihan. Abot-abot ang kanilang pasasalamat sa mga dumalo sa
paggunting ni Abdullah.
“Pihong mas malaking handaan iyon, ano Ibrah? Biro ng isa pa.
Mula noon, lalong nakilala ang kaharian ni Reyna Sima dahil sa kahigpitan
nito sa pagpapatupad ng kautusan tungkol sa katapatan.
Mula sa https://bit.ly/3cz0VAC
6. DULA
ISMAIL AT ISABEL
Ang kabuuang tagpuan ng dula ay isang liwasan kung saan maraming mga pulubing
bata ang namamalimos. Ang mga pulubing ito na madalas nating nakikitang kumakatok
sa mga kotse, naglilinis ng mga sapatos ng pasahero sa jeep, tumutugtog, kumakanta,
sumasayaw, ay galing sa malayong isla ng Mindanao. Isasalaysay nila ang kuwento ng
dalawang bata: si Ismail (10, Muslim) at Isabel (8, Kristiyano) na noo’y naninirahan sa
tahimik na Bayan ng Dalingawen, isang maliit na baryo malait sa Pikit, Cotabato. Sa
pamamagitan ng pagkuwento ng mga alamat at kuwentong bayan, isasalaysay ng mga
PULUBING BATA, at sa katauhan nina Ismail at Isabel, ang pakikipagsapalaran nila sa
digmaan at kahirapan.
Muling nagkita ang magkaibigang Ismail at Isabel nang dukutin ang alaga ni Isabel.
Sa eksenang ito, ibabalik ni Isabel sa kamalayan si Ismail ang dating “hiwaga”ng
kanilang bayan sa Dalingawen, kung saan walang poot sa kapwa , tanggap ang
pagkakaiba ng ugali’t pananampalataya.
Mula simula hanggang katapusan, ang tapang at lakas ng loob ng mga batang ito
ay nakasandig sa mga kuwentong bayan at alamat na kanilang sinasalaysay. Subalit
para kay Ismail, tila wala nang epekto ang pagsasalaysay ng mga kuwentong ito. Aniya,
pinatay na rin ng realidad ang kapangyarihan ng mga kuwento. Pero hindi maniniwala si
Isabel. Sa huling pagkakataon, magkukwento silang muli. Sandaling mabubuhayan ng
loob si Ismail. Tutulungan niyang tumakas ang kaibigan at ang alaga nito. Ibabalik nila
ang alaga sa kaniyang pamilya.
Mga Tauhan: ang mga tauhan ng dula ay isang grupo ng mga batang pulubi. Dalawa sa
kanila ang gaganap sa papel na
MGA MILF
MGA SUNDALO
DEBOTO SA SIMBAHAN
RICH DAUGHTER
SAMIR
MGA KIDNAPPER
Tagpuan: Magaganap ang dula sa isang plaza o parkeng punong-puno ng mga pulubi.
Magbabago ang mga tagpuan sa pagbabago lamang ng ilaw.
Unang Tagpo
Sa simula ng palabas, bukas ang mga ilaw ng buong teatro. Papasok ang malaking
bahagi ng ensemble. Kasama rito si Ismail at si Isabel. Nakasuot sila ng mga sira-sirang
t-shirt; ang ilang mga babae ay may suot na luma at marungis na malong. Si Isabel ay
nakasuot ng marungis na damit. Dalawa sa mga aktor na ito ay may dalang mga
tambol. Lahat sila ay mag-aabot ng mga sobre sa mga manonood.
Pagkaraang maipamahagi ang mga sobreng ito, magsisimulang tumugtog sa
improvised na tambol ang dalawang artista. Kakanta sila ng isang awiting bayan na
madalas kantahin ng mga tribung ito. Magsasayaw naman ang mga babae.
Importanteng marungis silang lahat. May dalang malalaking plastik bag ang ilan. Ang
iba naman ay magpapalimos sa ibang manonood na nakaupo. Ang buong teatro ay
magiging kalsadang puno ng mga pulubing tribu.
LAHAT: kahit hindi araw ng kahit na ano! Wala kasing araw na pinipili ang tiyan ko!
Haniyo, haniy, hindi man kami makabayad sa inyo....
po.
naman kaming
MUSLIM NA BABAE: Oy simulan na! Ang dami pang po, e. Baka magsialisan ang
mga iyan, magbibigay pa iyan.
lang ito.
ginagalang ng isa.
ISMAIL AT ISABEL: Dahil noong unang panahon , doon po sa amin , kaming lahat ay
iisa. Mga anak ng araw. Mga anak ng araw ng iisang lumikha. Iba-iba ang kulay ng
balat,
nating bayan.
ISMAIL: (sasambutin ang kuwento kay Isabel) Pero ang hinubog niyang babae at lalaki
ay walang kulay. Parang kulay ng tubig!
IBANG MGA TAUHAN: Walang kulay? Kulay tubig? Paano nagkakulay ang unang mga
tao ng Dalingawen? ISMAIL: Itinapat niya ang dalawang tao sa bukang-liwayway.
Pasikat pa lang noon ang araw! Pagkaraan ng umaga, may kulay na sila.
ISMAIL: Pagkaraan, humubog muli si Bathala ng babae at lalaking tao mula sa putik.
Pero wala rin silang kulay, kulay tubig! Dali-dali niya itong itinapat sa araw.
ISABEL: Pero wala yun sa amin. Iba-iba man ang kulay ng mga balat namin,
magkakaibigan kami.
ISMAIL: Iba-iba man ang paniniwala, iisa ang nilalaro naming mga bata! Mainam kung
makakapaglaro ng isang game ang mga tauhan na nagmula sa bayan ng Cotabato.
pagmulat ng mata, iba ang unang nakita. Ibang karanasan at ibang kinalakhan. Bawat
isip ay isa, naiiba sa iba pa. Ngunit sa kalauna’y nagkakaisa. Iba-iba ang pananaw,
ibang daan, ibang araw. Ngunit kung tutuusin mo ay iisa . Ang ibig sabihin ng mabuhay
sa ‘ting daigdig na kay aming kulay at tinig! (Iisa, iba-iba! Ang mundo’y magkabila. Sa
marami, nakikita ang isa! Iba-iba iisa! Ang libo-libo ay iisa! Ang mundo’y bilog,
sarisaring mukha!
ISMAIL: Bakit ang tawag ko sa Panginoon ay Allah? At ang tawag naman ni Isabel ay
God.
Magugulat ang lahat. Pati na rin ang mga nagpapahingang mga pulubi sa gilid ng
entablado.
IBRAHIM: MILF.
ROGELIO: Isabel!
IBRAHIM: Ismail!
ISMAIL: Hindi ko alam. Baka nariyan na ang mga kaaway. Matatagpuan ng dalawang
pair ng magulang ang kanilang mga anak. Magsasama silang apat.
IBRAHIM: Mga MILF. Dito raw muna silla. Kailangan nila ng mapagtataguan.
FATIMA: Bakit?
Babati in ang mga rebelde. Lalabas ang MGA MAGULANG, si Ibrahim, kasama ng
mga MILF. Maiiwan sina Isabel at Ismail.
ISMAIL: Gusto raw nilang magtanggol sa karapatan ng mga tao para sa kalayaan ng
Bangsa Moro.
ISMAIL: Hindi ko rin alam. Kami raw mga Moro, dapat magkaisa.
ISABEL: Tayo?
ISMAIL: Kami.
ISMAIL: Kami, mga Muslim. Matagal na raw kasing inaapi kaming mga Muslim.
ISABEL: Nino?
ISABEL: Kaaway ang mga sundalo. Pero si Tatay, tagapatag. E , magkaibigan ang
tatay mo at tatay ko.
ISMAIL: Yun nga ang sabi ko. Pero ....sa karamihan daw, mga Christian daw nanggulo.
Mga Muslim lang naman daw ang andito nun. Bakit daw kayo tumira rito?
ISMAIL: E, saan daw kayo galing? Hindi naman tubong Mindanao ang tatay mo.
Tagasaan daw siya?
ISMAIL: Baka daw may mas malaking gulo, pagdating ng mga sundalo.
MGA BATA: Ang mga tonong! Diwata ng gubat. Nakatira sa pagitan ng wasiwas ng
mga dahon, sa ilalim ng natutulog na lupa, sa bulong ng hangin, sa kislap ng langit. Pag
ika’y nalingat at sa dulo ng paningin, may mabilis na tumawid sa kabilang dingding,
bahagyang puslit, biglang nawawala sa paningin. Hindi mo maabutan.
MGA BATA: Magtanong sa mga tonong. Magbabago ang ilaw. Iikot sina Isabel at
Ismail. Nasa gitna sila ng gubat. Madilim.
ISABEL: (mapapalingon sa paligid) Naalala mo, Ismail, noong gusto nating hulihin sa
ating bunganga ang dagta ng puso ng saging.
IBRAHIM: Alam niyo, tahimik kami dito. Maliit lang ang bayang ito. Di kami kasama sa
gulo.
MILF 2: Kapatid, wala nang hindi kasali sa gulo. Andito na kami. Nasa panig ka ba ng
mapagpalayang hukbo o ng mga sundalong kaaway?
MILF 3: Sa ayaw niyo’t gusto, kasangkot na kayo. Kung diyan kayo sa gitna, maiipit
kayo.
Magbabago muli ang ilaw. Tatayo ang mga bata. Haharap sa manonood
ISABEL: Ang mga rebelde, Tatay? Sila’ng unang nagpaputok sa bayan natin. Sila’ng
unang nagdala ng baril.
Magsisimula ang tugtugan. Isang kanta, at ang kuwento. Parang cowboy a la Fred
Panopio. Na hinaluan ng mala-Yoyo’y na estilo.
ISMAIL: Ipasok natin sa sako ko ang palay mo. Tapos penge lang ako ng isa.
ISMAIL: Anteka, anteka! Yung pangako mong isa. Sa akin na, di ba?
ISMAIL: Aba, oy, sandali. Mga sako ko’ng pinaglagyan ng palay mo. Pumasok ang
palay mo sa sako ko. Kung tutuusin, ang anumang pumasok sa sako ng iba, kanya na.
PRINSIPE: Bastos ka. Di mo ‘ko kilala? Ako’ng prinsipe ng kahariang ito. Pag di ka
umayos, ipakukulong kita. (Hahambalusin si Ismail)
MGA BATA: Si Baddon! Ang bandidong Cimarron! Pumasok sa’ming baryo, sakay ng
kaniyang kabayo!
At silang apat, pumasok sa bayan. Parang mga Robin Hood, bayani ng bayan!
laban.
Mga kamaong asero, mga yodelehihung katapangan itong apat na bandido, Cimarron
ng Mindanao. Kalaban ang may kapangyarihan.
Magbabarilan. Ang mga bandido, gamit ang mga “rebolber” a la Fernando Poe Jr,
iisa-isahin ang mga pulis na pawang namamatay at muling tumatayo. Hindi maubos-
ubos.
ISABEL: Apat lang sila! Pero di sila matalo. Kaya’t ilang batalyon pa ang pinadalang
sundalo!
Pinaligiran ng PC, Metrocom, pulis, army at marino. Lumaki, naging giyera. Naging
giyerang pambansa. Dahil sa isang sakong palay na ayaw ang ipaubaya.
MGA BATA: Si Baddon! Ang bandidong Cimarron! Pumasok sa ‘ming baryo, sakay nfg
kaniyang kabayo! At nagbang-bang bang, ping ping ping.
Takbuhan ang mga duling!
Nang kanilang lapitan, naglahong bigla. Tinago raw ng mga tonong, tinakas ng
taumbayan. Kaya hanggang ngayon, ang laban dito sa Mindanao. Ayaw tumigil,
kumakalat at umaabot na rito. Sa munti nating Dilangawen.
ISMAIL: Kung kaya nga ang alamat ni Baddon, ang bandidong Cimarron, (patuloy pa
rin hanggang – hindi matatapos ang sasabihin ni Ismail dahil puputulin ito ng mas
malaking mga putok ng baril at/o kanyon.
ISABEL AT ISMAIL: at isang gabi ng a.... Ang gulong binabala ng mga bagong salita
gerilya ay dumating.
7. SANAYSAY
8. TALAMBUHAY
/………………../’;;;;;
9. KWENTONG BAYAN
Manik Buangsi
(Zamboanga)
Noon, may isang sultan na may pitong anak na dalaga. Ang bunso ang
pinakamaganda sa lahat. Ang kanyang pangalan ay Tuan Putli. Nang magdalaga
si Tuan Putli ay maraming dugong bughaw ang lumigaw sa kanya. Ngunit hindi
niya
pinansin ang mga ito, sapagkat sa kanyang panaginip nakita na niya ang lalake
na kanyang iniibig. Siya si Manik Buangsi.
Dumating ang araw na hindi na matiis pa ni Manik Buangsi ang kanyang pag-ibig
kay Tuan Putli. Kung kaya’t kinausap niya si Allah. Pumayag naman si Allah na
bumaba si Manik Buangsi sa lupa.
Itinanim ni Tuan Putli ang bunga. Tumubo agad ito at nagbunga ng marami.
Pinitas nito ang pinakamalaki at pinakamagandang bunga at iyon ay dinala niya
sa
kanyang silid.
Ngumiti si Manik Buangsi. “Oo,” wika niya. “At narito ako upang pakasalan ka!”
Naganap ang kasalan nina Manik Buangsi at Tuan Putli at sa piging na iyon ay
bumaba ang mga bathala mula sa kalangitan upang masaksihan ang pag-iisang
dibdib
ng dalawa.
Nanatili sina Manik Buangsi at Tuan Putli sa lupa. Sa kabilang dako, nangimbulo
ang mga kapatid ni Tuan Putli sa kanyang magandang kapalaran. Hanggang sa
maisip ng tatlong dalaga na sirain ang magandang ugnayan ng dalawa.
“Hindi ka dapat magtiwala sa asawa mo,” sabi ng isa kay Tuan Putli.
“Maganda siyang lalake,” wika naman ng isa pa. “Sigurado mo bang ikaw lang
ang babaeng minamahal niya?”
“Sa tingin ko ay isa ka lamang sa mga babaeng dumaan sa buhay niya,” sabi sa
kanya ng isa pa. “Paluluhain ka niya balang araw!”
Mahigpit ang yakap ni Tuan Putli sa beywang ng asawa. “Hindi ako magdidilat ng
mata,” pangako niya. “Pipikit ako!”
Wala nang nagawa si Manik Buangsi. At alam niyang nawala na sa kanya nang
tuluyan si Tuan Putli. Mahirap talaga para sa isang tao ang umakyat sa langit
sapagkat kadalasan ay hindi siya nakikinig sa paalala.
At marami ang katulad ni Tuan Putli. Marami ang katulad niyang ayaw tumulong
sa sarili.
(Kataasang Bagobo)
Muling isinalaysay buhat sa Upland Manobo Narratives
ni Arsenio Mauel
Abala ang mga busaw sa mga halaman kayat hindi nila napansing may
umaakyat sa punong ginto. Ngunit nung naarooon na si Lakivot sa ibabaw ng
puno, may mga bulaklak na nanghuhulog sa lupa. Ikinagulat iyon ng mga busaw.
Tumingala sila sa ibabaw ng puno at nakita nila roon si Lakivot. Sinubok ni
Lakivot na ibaling ang pansin ang mga busaw sa pamamagitan ng pag-awit.
Nakining ang mga busa sa awit ni Lakivot. Ngunit nang matapos na ang
kanayang pag-awit, tinalon siya ng mga busaw. Nakipaglaban si Lakivot
hanggang sa mapatay sa ang mga iyon.
Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang buhay. Naging pihikan
ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan.
Sa tulong ng matiyagang pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho,
natuto ring umibig ang datu. Ngunit hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu
kundi dalawang dalagang maganda na ay mababait pa. Dahil sa wala siyang
itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal kaya pinakasalan niya
ang dalawang dalaga.
Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu. Kapag tulog na ang datu,
palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa.
Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya sa buhay
ang datu. Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya kung bakit di
kaagad siya nag-asawa. Ngunit gayon na lamang ang kanyang pagkabigla nang
minsang manalamin siya, Hindi niya nakilala ang kanyang sarili.
Kalbo! Kalbo, ako! sigaw ng datu.
Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni Farida.
(source: http://kapitbisig.com/philippines/information/arts-and-literature-mga-
kuwentong-bayan-folktales.190)
Ang Kalapati
(B’laan)
Muling isinalaysay buhat sa teksto ni Victor Hurley’
Southeast of Zambonga
Nang bat pa ang mundo, may isang dakilang pinunong nanirahan malapit sa
Bundok Matutum. Masayang namumuhay ang kanyang mga sakop sa kanilang
masaganang pook. Ang pinakamaligaya sa lahat ay ang magandang anak na
babae ng pinuno.
Isang araw, nagpunta sa bukid ang anak ng pinuno para manguha ng kamote.
Tinambangan siya at itinakas ng mga taong-lambak.
Nang mabatid ng amang pinuno ang nangyari sa anak, agad siyang nagdala ng
mga sakop at pinamunuan ang paghahanap sa kanyang anak. Naging mahaba
ang kanilang paglalakbay sa kagubatan. Isang araw, may nakita silang limocon,
isang maliit na ibon.
Dumapo ang limoconsa balikat ng pinuno. Binalaan nito ang pinuno sa panganid
na kanilang mararanasan sa paligid at daraanan.
Iniwan ng pinuno ang kaniyang tauhan. Maingat niyang niligid ang gubat.
Nagmatyang siya hanggang sa namataan niya ang mga taong-lambak na may
hawak-hawak na pana at handing lumusob at manambang. Laking gulat ng mga
taong-lambak nang Makita ang pinuno, nasa bahaging ito ay nasundan na ng
kaniyang tauhan. Naglaban ang dalawang pangkat at nasawi rito ang mga taong-
lambak.
Nakiusap ang bulag na nais niyang subuking pagtugtugin ang agong. Pumayag
naman si Pilandok at pinakausapan niya ang bulag na umuurong nang kaunti
papuntang likuran habang pinapatugtog nito ang instrumenting pangmusika. Si
Pilandok naman ay tatawa- tawang lumayo.
Isa lamang ang tao na nasa barko- ang kapitan nito. Dahil mahaba ang
paglalakbay, nainip ang kapitan. Upang mawala ang kaniyang paglabagot.
Inuutusan niyang sumayaw ang mga aso. Sinunod ng mga aso ang kaniyang
utos. Ngunit nakita ito diyos ng mga hayop. Galit nag alit siya dahil sinaway ng
mga aso ang kaisa-isang bagay na di nila dapat gawin. Pinarusahan niya ang
kapitan at ang mga aso. Pinatamaan niya ng kidlat ang mga ito. Namatay ng
mga aso at ang kapitan ng barko ay naging isla.
Punta Flechas
(Iranun)
Mulung Isinalaysay buhat sa kuwento ni Francisco Combes SJ, “ Natives of
the Southern Islands” na kasama sa mga ttomo The Philippine Islands nina
Emma Helen Blair at James Robertson ( Mga Patnugot)
Ang lupain sa pagitan ng La Caldera sa Zambonga at Rio Grande de Mindanao
sa Cotabato ay bahagi ng tangway ( peninsula sa Ingles at punta sa Espanyol)
na nakaungos sa Dagat Mindanao.
Bulubundukin ito. Pagdating sa baybayin, bigla-biglang lumalalim ang tubig ng
dagat. Malalaki ang alon na humahampas sa malalaking batong nakapaligid sa
Tangway ng Zamboanga.
Nang magising siya ng sumunod na araw, ang bulsa ng kaniyang polo ay nakita
niyang punung-puno ng bigas. Inilagay niya ang mga ito sa isang bayong.
Kinabukasan, nakita niya ang bayong na punung-puno ng bigas. Inilagay niya
ang bigas sa isang tabig, isang lalagyan ng bigas na gawa sa kawayan.
Kinabukasan, ang tabig ay puno ng bigas. Inilagay niya ang bigas sa kamarin,
isang malaking lugar na imbakan ng bigas. Nang sumunod na araw, itp ay
napuno ng bigas. Simula noon tumigil na sa pagtitinda ng isda si Gorio at
nagsimulang magbenta ng bigas.
Naawa ang diyos sa mga Teduray/Tiruray kaya pinuntahan niya ang ama ng lahi.
Tinipon ng ama ang mga mangbgaso. Tinahak nila ang maliwanang na daan
mula sa langit patungo sa kagubatan sa lupa. Nang araw na iyon, maraming usa
at baboy-ramo ang napana. Tinioun nila ang mga ito saka umakyar sa
kalawakan habang lumuluang ang kadiliman at naglaho na ang liwanag ng
buwan.
Nagalit ang diyos sa kaniyang nasaksihan. Isa sa mga napatay na usa ay puri.
Mahigpit na ipinagbawal ang pagpatay sa mga outing usa. Dahil sa pagkamatay
ng isang putting usa noon kayat itinigil niya ang pagpasok ng silahis ng araw sa
gubat. At ngayon, binale-wala iti ang ama at mga mangangaso dahil sa
pagkaaliw sa panganagaso. Pinarusahan sila ng diyos. Habambuhay na nililibot
ng ama at mga manganagaso ang kagubatan.
Inihaon nila ang mga kawayan sa dagat nang sumunod na araw. Pinutol nila ang
mga ito nang isang metro ang haba ng bawat isa , saka nilinis lahat. Nakagawa
sila ng limang pambitag mula sa sampung kawayan na iyon. Sa bawat dulo ng
kawayan, naglagay sila ng bato.
Naging balitasa bayan nila kung paano sila nakahuli ng mga isda sa
pamamagitan ng mga pambitag. Nagsimula na ring gumamit ng pambitag ang
ibang mangngisda sa panghuhuli ng mga isda.
PATULA
1. EPIKO
Bidasari
(Epikong Mindanao)
Ang epikong Bidasari ng Kamindanawan ay nababatay sa isang romansang Malay.
Ayon sa kanilang paniniwala, upang tumagal ang buhay ng tao, ito'y pinaalagaan at
iniingatan ng isang isda, hayop, halaman o ng punongkahoy.
Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang ibong
ito ay mapaminsala sa mga pananim at maging sa buhay ng tao. Ang ibong ito ay ang
ibong garuda. Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga
tao upang magtago sa mga yungib. Takot na takot sila sa ibong garuda pagka't ito'y
kumakain ng tao.
Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang kunin
ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag araw ito'y ipinakukuwintas kay
Lila Sari at sa gabi'y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay.
Pumayag si Lila Sari. Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari.
Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig kung
gabi. Kaya't si Bidasari ay nakaburol kung araw at muling nabubuhay sa gabi. Nag-
alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng isang
magandang palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.
Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang isang
magandang palasyo. Ito'y nakapinid. Pinilit niyang buksan ang pinto. Pinasok niya ang
mga silid. Nakita niya ang isang napakagandang babae na natutulog. Ito ay si
Bidasari. Hindi niya magising si Bidasari. Umuwi si Sultan Mongindra na hindi
nakausap si Bidasari. Bumalik ang sultan kinabukasan. Naghintay siya hanggang gabi.
Kinagabihan nabuhay si Bidasari. Nakausap siya ni Sultan Mongindra. Ipinagtapat si
Bidasari ang mga ginawa ni Lila Sari. Galit na galit ang sultan. Iniwan niya si Lila Sari
sa palasyo at agad niyang pinakasalan si Bidasari. Si Bidasari na ang naging reyna.
https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mga-epiko-bidasari-
epikong-mindanao_606.html/page/0/1
Indarapatra at Sulayman
(Epikong Mindanao)
Sumakay si Sulayman sa hangin. Narating niya ang Kabilalan. Wala siyang nakitang
tao. Walang anu-ano ay nayanig ang lupa, kaya pala ay dumating ang halimaw na si
Kurita. Matagal at madugo ang paglalaban ni Sulayman at ni Kurita. Sa wakas,
napatay rin ni Sulayman si Kurita, sa tulong ng kanyang kris.
Pumunta si Sulayman sa Bundok ng Bita. Wala rin siyang makitang tao. Ang iba ay
nakain na ng mga halimaw at ang natirang iba ay nasa taguan. Luminga-linga pa si
Sulayman nang biglang magdilim pagkat dumating ang dambuhalang ibong Pah. Si
Sulayman ang nais dagitin ng ibon. Mabilis at ubos lakas ng tinaga ito ni Sulayman.
Bumagsak at namatay ang Pah. Sa kasamaang palad nabagsakan ng pakpak ng ibon
si Sulayman na siya niyang ikinamatay.
Hinanap niya ang mga tao. May nakita siyang isang magandang dalaga na kumukuha
ng tubig sa sapa. Mabilis naman itong nakapagtago. Isang matandang babae ang
lumabas sa taguan at nakipag-usap kay Indarapatra. Ipinagsama ng matandang babae
si Indarapatra sa yungib na pinagtataguan ng lahat ng tao sa pook na iyon. Ibinalita ni
Indarapatra ang mga pakikilaban nilang dalawa ni Sulayman sa mga halimaw at
dambuhalang ibon. Sinabi rin niyang maaari na silang lumabas sa kanilang
pinagtataguan. Sa laki ng pasasalamat ng buong tribu, ipinakasal kay Indarapatra ang
anak ng hari, ang magandang babaeng nakita ni Indarapatra sa batisan.
https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mga-epiko-indarapatra-
at-sulayman-epikong-mindanao_605.html
Agyu
(Epikong Manobo)
Ang pangongolekta ng sera ang pinanggagalingan ng kabuhayan ng mga Ilianon.
Ipinapalit nila ang sera sa mga Moro, sa kanilang mga pangunahing pangangailangan
tulad ng palay, asin at asukal. Nagkaroon ng di-pagkakaunawaan si Agyu at ang datu
ng mga Moro dahil sa pagkakautang nila ng isandaang tambak ng sera. Upang
maiwasan ang madugong labanan, si Agyu at ang kaniyang pamilya ay umalis sa
Ayuman at pumunta ng Ilian. Ngunit hindi hahayaan ng mga Moro na mamuhay sila
nang payapa. Sinundan nila ang mga ito upang patayin siya at ang kanyang pamilya.
Lumaban nang buong tapang si Agyu at ang kanyang pamilya at lumabas na panalo sa
laban sa mga Moro. Pagkatapos ng tagumpay ay naisip ni Agyu na lisanin ang Ilian at
pumunta ng Bundok ng Pinamatun. Doon ay nagtayo sila ng mga bahay sa paanan ng
bundok.
“Bakit ayaw mong kumuha ng karne at pulot para sa iyo, at sa iyong asawa sa Ayuman,
Banlak?” tanong ni Agyu sa kanyang kapatid na lalaki. Ang asawa ni Banlak na si
Mungan ay naiwan sa Ayuman sapagkat nagkaroon ito ng ketong.
Nang bumalik si Lono sa Panamutan, sinabi niya kina Agyu at Banlak kung ano ang
narinig. Nais ni Banlak na makita si Mungan ngunit pinigilan sila ni Agyu. Bagkus ay
binagtas ni Agyu ang daan pababa ng Ayuman upang makita si Mungan ngunit huli na
ang lahat. Pumunta na si Mungan sa langit. Ang natira lamang ay isang gintong bahay.
At nang bumalik siya sa Pinamutan, iniwan nilang muli ang lugar at nagpunta sa
Tigyangdang. Ngunit hindi nila nakita ang kapayapaan sa Tigyangdang. Napakaraming
kaaway ang nagpapaalis sa kanila sa Tigyangdang. At kahit anong gawin nila ay hindi
nila matalo ang kalaban.
“Marahil nga ay bata ako ngunit ako ay matalino, ama,” pilit ni Tanagyaw.
“Humayo ka at nawa ay tulungan ka ng mga diyos. Ingatan mo ang sarili mo!” At umalis
na si Tanagyaw upang pumunta sa labanan. At natalo niya ang mga kalaban.
_________
Darangan
(Epikong Maranao)
Mayroong isang hari sa isang malayong kaharian sa Mindanao ang may dalawang anak
na lalaki. Ang nakatatanda ay si Prinsipe Madali at ang nakababata ay si Prinsipe
Bantugan. Sa murang edad ay nagpakita si Prinsipe Bantugan ng magagandang
katangian na higit sa kanyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali. Laging
sinasabi ng kanilang guro sa kanilang ama na si Prinsipe Bantugan ay napakatalino.
Mabilis siyang matuto, kahit sa paggamit ng espada at palaso. Taglay niya ang lakas na
kayang makipaglaban sa tatlo o limang tao sa mano-manong labanan.
Ang unang tanda na siya ay magiging isang magaling na sundalo nang Makita siya
nang mapatay niyang mag-isa ang isang malaking buwaya na pumatay sa ilang taong
bayan. Hindi makapaniwala ang mga taong bayan sa kanilang nakita pagkatapos ng
pagtutuos.
“Napakalakas niya! ang sabi ng isang matandang lalaki nang makita ang patay na
buwaya.Paano na kaya ang isang tao na ganito kabata na patayin ang buwaya?
Sinasapian siguro siya ng mga diyos! “ sabi naman ng isa.
“Halika, pasalamatan natin ang prinsipe sa pagpatay niya sa halimaw!” sabi ng pinuno
ng bayan.
Hindi ito pinansin ni Prinsipe Bantugan. Alam niya na ang kanyang kapatid ang karapat-
dapat na tagapagmana ng trono dahil si Prinsipe Madali ang panganay sa kanilang
dalawa. Siya mismo ang nagpatunay sa kanyang kapatid.
Nararapat lamang na ang kapatid ko ang maging bagong hari dahil napag-aralan na
niya kung paano magpatakbo ng gobyerno, sinabi niya sa kapwa niya sundalo at mga
ministro sa kaharian.
Alam niya kung paano ang pamamalakad sa ugnayang panlabas. At marami siyang
magandang ideya upang mapaganda ang buhay ng bawat mamamayan!
Tumango na lamang ang mga ministro at mga kawal. Ngunit nagkaroon ng isang bitak
sa pagitan ni Prinsipe Bantugan at Prinsipe Madali. Sapagkat si Prinsipe Bantugan ay
hindi lamang matapang at malakas, siya rin ay napakakisig. Maraming magagandang
babae sa kaharian ang nahuhumaling sa kanya. Kahit ang mga babaeng gusto ng
kanyang kapatid na si Prinsipe Madali ay sumuko sa kanyang gayuma. Dahil sa galit at
inggit, nagpahayag ang hari ng kautusan.
“Hindi ko gusto na kahit sino, kahit sino, ang makikipag-usap sa aking kapatid na si
Prinsipe Bantugan. Sino man ang makita na nakikipag-usap sa kanya ay ipapakulong o
kaya ay parurusahan ng malubha.”
Nalungkot si Prinsipe Bantugan sa iniutos ng kanyang kapatid. Nakita niya ang sarili na
parang mayroong nakakahawang sakit. Lahat ay lumalayo sa kanya, kahit ang mga
kababaihan. Kahit ang mga taong kanyang minahal. Walang gustong kumausap sa
kanya sa takot na baka makulong at maparusahan ng hari. Dahil hindi na niya
matagalan ang mga ito, nagpasiya ang prinsipe na lisanin ang kaharian at manirahan
sa malayong lugar kung saan siya nanirahang habambuhay.
Bantugan
(Epikong Mindanao)
Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin
ang kaluluwa ni Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali, dala ang kaluluwa ni
Bantugan, ay dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang bangkay ni
Bantugan. Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Bantugan. Nabuhay na muli si Bantugan
at nagdiwang ang buong kaharian pati na si Haring Madali.
2. BALAD
3. SAWIKAIN
4.
5. SALAWIKAIN
6. BUGTONG
REHIYON IX TAGALOG SAGOT
Inaku duringding
Umaga na yata
Nagtitilaukan na
Ang manok sa lupa
Kayat ang sabi ko
Sa matanda’t bata
Matulog n ngayon
Bukas ay gawa.
BALÉLENG TAGALOG
ISINALIN NINA: Rey Gob / EmiL Losenada
INAWIT NI: ROEL CORTEZ
VISAYAN VERSION
8. TANAGA
9. TULA