You are on page 1of 37

Ang Mga Sikat na Panitikan

Ng
Rehiyon XI (Davao)

________________________

Isang Pananaliksik
Iniharap kay:
Dr.Ulrico B. Mustacisa
Dalubguro
Calbiga Western Samar College
Polangi, Calbiga

________________________

Bilang Bahagi ng Gawaing kailangan


sa Asignaturang Filipino 19
(INTRO.SA PANANALIKSIK NG WIKA AT PANITIKAN)

_________________________

Inihanda ni:
Rodemie L. Mustacisa

Oktubre 2017
DAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang isang bahagi ng mga gawaing kialangan na makumpleto para
sa Asignaturang Filipino 20 Introduksyon sa Pananaliksik ng Wika at
Panitikan, ang proyektong ito ay pinamagatang Ang Mga Sikat na
Panitikan ng Rehiyon XI(Davao) na inihanda ni RODEMIE L.MUSTACISA.

Dr.Ulrico B. Mustacisa
Dalubguro

_____________________________________________________________________

Inaprubahan ng Lupon ng Pasalitang Pagsusulit noong Oktubre___ 2017

May gradong ___________ .

LUPON NG PAGSUSULIT

MA.CORAZON D. DAVANTES, Ed.D.CAR MANUEL Z. ISANAN , Ph. D


Kasapi Kasapi

ULRICO B. MUSTACISA ,Ed. D


Tagapangulo

______________________________________________________________________

Tinanggap bilang isang bahagi ng mga gawaing kailangan sa pagkumpleto


ng Asignaturang Introduksyon sa Pananaliksik ng Wika at Panitikan.

ULRICO B. MUSTACISA , Ed. D


Bise – Prisedente at Dekano ng Kolehiyo

Petsa ng Pagpapatibay _______________.

ii
PAGHAHANDOG

Buong puso at pagmamahal na inihahandog ng tagapagsaliksik ang


pag-aaral na ito sa mga taong tumulong, gumabay at naging bahagi’t
inspirasyon upang matagumpay na maisagawa ang pananaliksik na ito.

Sa poong maykapal na siyang nagbigay ng katatagan, lakas,


pamatnubay, at walang hanggang biyaya upang maayos na maisakatuparan
ang pag-aaral na ito. Sa magulang ng tagapagsaliksik na walang sawang
umuunawa at sumusuporta. Sa Dalubguro na si Dr. Ulrico B. Mustacisa na
siayng naging gabay at isa sa mga naging daan upang ang pagsusuring
ito ay maisaganap nang matagumpay.

R.L.M

iii
PAGKILALA

Ipinaabot ng mananaliksik ang kanyang taos-pusong pasasalamat

sa mga sumsunod na nagbigay ng pasubaybay, inspirasyon at paghikayat

upang maisagawa ang gawaing ito.

Kay DR.Ulrico B. Mustacisa Bise Presidente at Dekano ng

paaralang Calbiga Western Samar College, na nagbigay payo s

mananaliksik, sa kanyang pamamatnubay at paghikayat na maipagpauloy

ang pag-aaral na ito at sa agbibigay suhisyon upang mapaganda ang

gawaing pananaliksik .

Kay Bb. Nelia F. Pulga ang libraryan ng paaralang Calbiga

Western Samar College ,sa walang sawa at pagtitiyagang mahanap ang

mga librong hinihiram ng mananaliksik, para sa karagdagang

impormasyon na makakalap para sa gawaing pananaliksik.

Kay Gng. Corazon D. Davantes sa walang atubiling kooperasyon sa

tuwing may tanong ang mananaliksik.

Sa kanyang mga mahal sa buhay, mga kapatid, mga magulang, mga

kaibigan at higit sa lahat sa Poong maykapal.

iv
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

DAHONG PAMAGAT
i
DAHON NG PAGPAPATIBAY
ii
PAGKILALA
iii
PAGHAHANDOG
iv
TALAAN NG NILALAMAN
v
Kabanata
1 ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO………………………………………………………………………………………… 1
PANIMULA……………………………………………………………………………………………………………………………… 1
PAGLALAHAD NG SULIRANIN……………………………………………………………………………………………………… 1
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL………………………………………………………………………………………………… 2
KATUTURAN NG TALAKAY…………………………………………………………………………………………………………… 3-4
2 KAUGNAY NA MGA LITERATURA AT PAG-AARAL……………………………………………………………………… 5-7
3 METODOLOHIYA………………………………………………………………………………………………………………… 8
DISENYO NGPANANALIKSIK……………………………………………………………………………………………………… 8
LOKAL NG PAG-AARAL……………………………………………………………………………………………………………… 8-10
FIGURA 1 ………………………………………………………………………………………………………………………………… 11
4 PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS……………………………… 12-25
5 LAGOM NG KINALABASAN, MGA KONKLUSYON AT REKOMENDASYON………………………………… 26
BIBLIOGRAPIYA…………………………………………………………………………………………………………………… 27
KURIKULUM VITA…………………………………………………………………………………………………………………… 28

v
Kabanata 1
ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO

PANIMULA

Para malaman ang mga bagay na hindi pa lubusng batid, tayo ay


gumagawa ng paraan upang ito’y matuklasan. Tayo ay nanaliksik na may
hangaring mapunan ang patlang na nasa ating isipan at maibsan ang mga
agam-agam na sa isipa’y nananahan.

Ayon kay Canlas, Kabayan: Online, ang ating kamalayan ay hindi


tumitigil sa pagtuklas ng iba’t ibang kaalaman, at natural lamang na
ating isipin at pilIting alamin ang pinagmulan ng mga bagay na nakikita.
Sa pag-aaral ng panitikan kinakailangan basahin o halungkatin ang
kanyang pinagmulan. Upang tayo ay makakuha ng impormasyon ng mga bagong
kaalaman at makapagbibigay ng pagpapahalaga sa mga tradisyon,kultura at
panitikan na nailathala ng mga manunulat na nagmula sa Rehiyon XI
(Davao).

Paglalahad ng Suliranin

Ang Pagsisiyasat na ito ay naaglalayong tuklasin ang iba’t- ibang


panitikan sa Rehiyon XI(Davao).
Sa Katiyakan, sinagot ang mga suusunod na katanungan:

1. Anong kultura at tradisyon mayroon ang Rehiyon XI(Davao)?


2.
3. Anu-ano ang iba’t ibang akdang pampanitikan ng Rehiyon
XI(Davao)?

1
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay may layuning masuri ang iba’t- ibang


anyo ng panitikan sa Rehiyon XI(Davao) upang makakuha ng mga bagong
kaalaman at impormasyon na magsisilbing daan sa pagpapalawak ng
pansariling kagalingan at kasanayan.

Sa mga Estudyante. Sa pag-aaral na ito, inaasahan na mabigyan ang


mga estudyante ng kaalaman ukol sa isinagawang pag-aaral.

Sa Mananaliksik. Sa kinalabasan ng pag-aaral na ito ay


makakatulong ng Malaki sa mga nasa ganitong larangan. Ito’y
magsisilbing gabay sa pagsasagawa ng ganitong Gawain.

Sa mga Magulang. Ang pag-aaral ay nakapagbibigay daan sa mga


magulang ng mga estudyante upang mas mapatunayan nilang lalo ang pag-
aaral ng kanilang mga anak.

Katuturan ng mga Talakay


Inilalahad sa bahaging ito ang mga sumusunod na operasyunal na
katuturan ng mga katawagang may kinalaman sa pag-aaral:

Awit- isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na


taludtod. Ang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may
lalabingdalawahing pantig, at ang tradisyunal na dulong tugma ay
isahan.

Bugtong- Isang karunungang-bayan sa naglalayong palaguhin ang


kakayahang pangkaisipan. Gumagamit ito ng mga linyang may tugma.

Dula- Isang katha na ang layunin ay ilarawan sa tanghalan sa


pamamagitan ng kilos at galaw ng isang kapana-panabik na bahagi ng
buhay.
2
Maikling Kwento- May isang kakintalang nilikha ng mga inilarawang
pangyayari sa pamamagitan ng pinakamatipid na paggamit ng mga salita.

Nobela-ito’y naglalahad ng isang kawili-wiling pangyayari sa hinahabi


sa isang mahusay na pagkakabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap
ay ang paglalaban ng hangarin ng bayani sa isang dako at ng hangarin
ng kanyang katunggali sa kabilang dako. Ito ay tinatawag din sa
wikang tagalog na ang mg kasaysayang nyang isinasalaysay, kung hidi
man lubos ba gawa sa isip, ay hinahango ito sa mga pagyayaring tunay
na nagaganap sa buhay na maaraing nasaliksik, nasaksihan o
naobserbahan, napanayam, o kaya’y naranasan.
Panitikan – Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga
kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao.
Ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng
tuwiran o tuluyan at patula. At ito’y pagpapahayag na kinapapalooban
ng katotohanan at pagpapahayag sa parang nagpaparanas sa bumabasa ng
kaisipan at damdamin ng isang manunulat o mangangatha.

Tula- Ito’y isang pagbabagong hugis ng buhay, isang paglalarawan na


likha ng guni-guni ipinararating sa damdami ng mambabasa o nakikinig
sa mga salitang nakaka-aliw at higit sa lahat may sukat at tugma sa
bawat taludtoran. Ito rin ay isang uri ng panitikan na nagbibigay
diin sa ritmo, mga tunog, paglalarawan at mga paraan ng pagbibigay ng
kahulugan sa mga salita.

3
Kabanata 2
MGA KAUGNAY NA MGA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatng ito ay tumatalakay ukol sa pag-aaral at mga babasahin


na may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik na ito. Nagbibigay rin ng higit na
malinaw na kaalaman ang mga literature at pag-aaral na inilakip sa
pananaliksik na ang motibo ay madagdagan ang kaalaman ng mga mambabasa, lalo
na ang mga kasama sa bahaging kahalagahan ng pag-aaral.

Mga kaugnay na literature

Pamumuno ng mga Kastila (1848–1900)


Bago pa man dumating ang mga Espanyol, o mga Kastila, ang lugar na
ngayon ay Davao City ay pinamumunuan ng mga katutubong Bagobo. Ang
impluwensiya ng mga Espanyol ay hindi pa medyo naaabot sa nasabing lugar
hanggang 1848, nang sinakop ni Don Jose Uyanguren ng Guipuzcoa, España,
kasama ang mahigit 70 tauhan, ang lugar na pinamumunuan ni Datu Bago ng
Davao. Noong nasakop ni Don Uyanguran ang pook na kinatitirikan ng kaharian
ni Datu Bago, nagpagawa siya ng bayan na ang tawag ay Nueva Vergara (Davao)
noong taong yaon, galing sa kanyang bayang sa España.
Nabalitaan rin na sa pamumuno ni Don Uyanguren bilang gobernador ng
lalawigan ng Nueva Guipuzcoa, kung saan kabisera ang bayan ng Nueva Vergara
(ang tawag ng mga Kastila sa bayan ng Dabaw simula sa pagtatag ng bayan
hanggang 1867), nagkaroon ng malawakang kapayapaan sa rehiyon ng Golpo ng
Dabaw, bagaman walang sumusuporta sa kanya ni isa man sa kanyang mga ka-
osyoso sa Maynila sa kanyang pagsakop sa Dabaw. Sinubukan rin ng gobernador
na gumawa ng mga reporma para lumago ang lugar subalit walang nangyari sa
kanyang mga reporma.
Pamumuno ng mga Amerikano (1900–1946)
Ang pamumuno ng mga Amerikano ay nagsimula noong mga 1898.
Isang Hapones na negosyanteng si Kichisaburo Ohta ay binigyan ng pahintulot
ng Amerikanong Pamahalaan ng Pilipinas na suriin ang lugar noong 1903.
Ginawan niya itong mga plantasyon ng mga abaka at niyog. Sa mga panahong ito
ay ang pagsisimula ng paglobo ng populayon at paglago ng ekonomiya sa lugar
na ito.
Noong 16 Oktubre 1936, ang Davao ay ginawang ganap na lungsod sa
pamumuno ni Pangulong Manuel L. Quezon.

4
Noong 8 Disyembre 1941, binomba ng mga Hapones ang lungsod. Ang
kanilang pamumuno ay nagsimula noong 1942 hanggang 1945, nang sinakop ng
nagsasama-samang Amerikano at Pilipinong mga hukbo ang lungsod.

Pamumuno ng mga Pilipino (1946-kasulukuyan)


Noong 1967, ang lalawigan ng Davao ay pinaghati-hati ng mga tatlong
lalawigan: ang Davao del Sur Davao del Norte, at Davao Oriental. Ang lungsod
ng Davao ay dating kabisera ng dating lalawigan. Ginawa itong bahagi ng
Davao del Sur. Ang dating lalawigan ng Davao ay ang Rehiyon ng Davao o
Rehiyon XI sa kasalukuyan, at ang lungsod naman ang kabiserang pangrehiyon.

Mga Kaugnay na Pag-aaral


May mga lokal na mga mananalaysay na sinasabing ang salitang "Dabaw"
ay nanggaling sa palabigkasang paghahalo ng salita ng mga tatlong grupo ng
mga katutubong Bagobo na tumutukoy sa ilog na tinatawag ring Ilog Dabaw sa
kasalukuyan. Para sa mga katutubong Obo, "Davoh" ang tawag sa ilog na
umaagos patungong ngayon ay tinatawag na Golpo ng Dabaw, habang "Dahwaw" o
"Davau" naman ang tawag ng mga Clatta o mga katutubong Guianga sa ilog.
"Dabu" naman ang tawag sa ilog para sa mga katutubong Tagabawa; gayunpaman,
"dabu" rin ang tawag sa mga pook na matatagpuan sa mga matataas na bahagi ng
baybaying-ilog. Kung sinuman ang nagtatanong sa mga katutubo na saan sila
patungo, ang kadalasang sagot ay "davoh" habang tinutukoy ang direksiyon
patungo sa bayan. Ang salitang "Dahwaw" ay tumutukoy rin sa isang pook kung
saan nakipagkalakalan ang mga katutubo sa kanilang produkto galing sa mga
kagubatan kapalit ng asin o iba pang mga produkto.

5
Kabanata 3
Metodolohiya

Inilalahad sa kabanatang ito ang pamamaraan ng pag-aaral. Sa


pagbanggit ng mga ito : Disenyo ng Pananaliksik at Lokal ng Pag-aaral.

Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng descriptive sarbey upang malaman
ang mga pananaw at opinyong mga responde tungkol s mga nabanggit na layunin,
sulirani at pokus ng pananaliksik na ito. SaPAg-aaral ng mananaliksik, ang
paggamit ng katanungan ay isang produktibo at mas magandang paraan upang
makalap ang mga impormasyon, saloobin at komento na kailangan mula sa mga
responde.

Lokal ng Pag-aaral
Makikita sa Pigura 1 ang mapa ng Rehiyon XI (Davao). Matatagpuan ang
Dabaw sa 7°30' Hilaga, 126°0' Silangan (7.5, 126.0) at may higit na 2,443.61
kilometro kwadrado. Pampolitika ring pinaghati-hati ang lungsod sa 3
kongresyonal na distrikto, 11 admistratibong distrikto, at 182 mga barangay.
Halos 50% bahagdan ng lupain ay kagubatan; 43% bahagdan ay ginagamit para sa
agrikultura, karamihan sa mga ito ay mga plantasyon ng mga kape, niyog,
saging, at pinya. Ito ang nagpapatunay na ang agrikultura pa rin ang
pangunahing sektor ng ekonomiya sa lungsod. Ang limang probinsya ng Rehiyon
XI (Davao) ay ang Davao Oriental, Compostela Valley, Davao del Norte, Davao
City, Davao del Sur. Ang Davao Oriental (Silangang Davao) ay
isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Rehiyon ng
Davao sa Mindanao. Mati ang kapital nito at napapaligiran ng Compostela
Valley sa kanluran, at Agusan del Sur at Surigao del Sur sa hilaga. Pinaka-
silangang lalawigan ang Davao Oriental kasama ang Punto ng Pusan (Pusan
Point) bilang ang pinaka-silangang lokasyon. Nakaharap ang Davao Oriental
sa Dagat Pilipinas, bahagi ng Karagatang Pasipiko, sa silangan. Nasa walang
pangalang tangway ang lalawigan na sinasara ang Golpo ng Davao sa
kanluran. Populasyun: 446, 191.

6
Ang lalawigan ng Davao Oriental ay nahahati sa 10 bayan at 1 lungsod.

Mga Bayan at Lungsod

 Baganga  Lupon

 Banaybanay  Manay

 Boston  Mati

 Caraga  San Isidro

 Cateel  Tarragona

 Governor Generoso

Ang Bayan ng Compostela ay isang ika-2


klaseng bayan sa lalawigan ng Lambak ng Compostela, Pilipinas. Ayon sa senso
noong 2000, ito ay may populasyon na 61,667 katao sa 12,151 na kabahayan.

Ang bayan ng Compostela ay nahahati sa 16 mga barangay.

 Bagongon  Osmeña

 Gabi  Panansalan

 Lagab  Poblacion

 Mangayon  San Jose

 Mapaca  San Miguel

 Maparat  Siocon

 New Alegria  Tamia

 Ngan  Aurora

Ang Davao del Norte (Filipino: Hilagang Davao), dating kilala


bilang Davao lamang, ay isang lalawigan sa Pilipinassa Mindanao. Lungsod ng
Tagum ang kapital nito at napapaligiran ng mga lalawigan ng Agusan del
Sur sa hilaga, Bukidnon sa kanluran, Compostela Valley sa silangan, at
ang Lungsod ng Davao sa timog.

7
Ang lalawigan ng Davao del Norte ay nahahati sa 8 bayanat 3 lungsod.

Bilang ng Densidad
Sukat Populasyon
Mga Lungsod/Bayan mga (bawat
(km²) (2000)
Barangay km²)

Asuncion 26 411.52

Braulio E. Dujali 5 91.00

Carmen 20 275.16

Kapalong 14 1,012.87

New Corella 21 321.48

Lungsod ng Panabo 39 259.72

Samal, Island Garden City


46 301.30
of

San Isidro

Santo Tomas 19 320.41

Lungsod ng Tagum 23 192.00 179,531

Talaingod 3 454.96

Matatagpuan sa Rehiyon ng Davao sa Mindanao ang lalawigan ng Davao del


Sur. Lungsod Digos ang kabisera nito. Napapaligiran ng lalawigan ng Davao
del Norte sa hilaga, at Cotabato, Sultan Kudarat, South Cotabato,
at Sarangani sa kanluran ang Davao del Sur. Nasa silangan naman nito
ang Golpo ng Davao.

 Bansalan
 Don Marcelino
 Hagonoy
 Jose Abad Santos (Trinidad)
 Kiblawan
 Magsaysay

8
 Malalag
 Matanao
 Padada
 Santa Cruz
 Santa Maria
 Sarangani
 Sulop

Charter City o Lungsod ng Dabaw


Ang kasalukuyang alkalde ng lungsod ay si Sara Duterte-Carpio; ang dating
alkalde naman na si Rodrigo Duterte ay bise-alkalde na ngayon. May tatlong
distrito ng pambatasan ang lungsod na pampolitika pang pinaghati-hati sa
mahigit 182 barangay. Ang Pamahalaang Panglungsod ng Dabaw ay ngayong
nagmungkahi na magdagdag ng dalawa pang distritong kongresyonal upang mas
mahusay na paglingkuran ang kailanman-lumalagong populasyon.

 Acacia  Biao Joaquin

 Agdao  Binugao

 Alambre  Bucana

 Alejandra Navarro (Lasang)  Buda

 Alfonso Angliongto Sr.  Buhangin (Pob.)

 Angalan  Bunawan (Pob.)

 Atan-Awe  Cabantian

 Baganihan  Cadalian

 Bago Aplaya  Calinan (Pob.)

 Bago Gallera  Callawa

 Bago Oshiro  Camansi

 Baguio (Pob.)  Carmen

 Balengaeng  Catalunan Grande

 Baliok  Catalunan Pequeño

 Bangkas Heights  Catigan


 Cawayan
 Bantol
 Centro (San Juan)
 Baracatan
 Barangay 1-A (Pob.)  Colosas

 Barangay 2-A (Pob.)  Communal

 Barangay 3-A (Pob.)  Crossing Bayabas

 Barangay 4-A (Pob.)  Dacudao

 Barangay 5-A (Pob.)  Dalag

 Barangay 6-A (Pob.)  Dalagdag

 Barangay 7-A (Pob.)  Daliao

 Barangay 8-A (Pob.)  Daliaon Plantation

 Barangay 9-A (Pob.)  Datu Salumay

 Barangay 10-A (Pob.)  Dominga

 Barangay 11-B (Pob.)  Dumoy

 Barangay 12-B (Pob.)  Eden

 Barangay 13-B (Pob.)  Fatima (Benowang)

 Barangay 14-B (Pob.)  Gatungan

 Barangay 15-B (Pob.)  Gov. Paciano Bangoy

 Barangay 16-B (Pob.)  Gov. Vicente Duterte

 Barangay 17-B (Pob.)  Gumalang

 Barangay 18-B (Pob.)  Gumitan

 Barangay 19-B (Pob.)  Ilang

 Barangay 20-B (Pob.)  Inayangan

 Barangay 21-C (Pob.)  Indangan

 Barangay 22-C (Pob.)  Kap. Tomas Monteverde Sr.

 Barangay 23-C (Pob.)  Kilate

 Barangay 24-C (Pob.)  Lacson

 Barangay 25-C (Pob.)  Lamanan

 Barangay 26-C (Pob.)  Lampianao

 Barangay 27-C (Pob.)  Langub

 Barangay 28-C (Pob.)  Lapu-lapu

 Barangay 29-C (Pob.)  Leon Garcia Sr.


 Barangay 30-C (Pob.)  Lizada

 Barangay 31-D (Pob.)  Los Amigos

 Barangay 32-D (Pob.)  Lubogan

 Barangay 33-D (Pob.)  Lumiad

 Barangay 34-D (Pob.)  Ma-a

 Barangay 35-D (Pob.)  Mabuhay

 Barangay 36-D (Pob.)  Magsaysay

 Barangay 37-D (Pob.)  Magtuod

 Barangay 38-D (Pob.)  Mahayag

 Barangay 39-D (Pob.)  Malabog

 Barangay 40-D (Pob.)  Malagos

 Bato  Malamba

 Bayabas  Manambulan

 Biao Escuela  Mandug

 Biao Guianga  Manuel Guianga

11

Rehiyon XI (Davao)
12
Kabanata 4
Paglalahad, Pagsusuri at Pagpapakahulugan ng mga Datos

Inilahad sa kabanatang ito ang paglalahad, pagsusuri at pagpapakahulugan ng


mga nalikom na datos sa resultang nakuha sa pag-aaral.

• Ang kultura at tradisyon ng Rehiyon XI (Davao)


• Ang mga Akdang Pampanitikan Rehiyon XI (Davao)

Ang kultura at tradisyon ng Rehiyon XI(Davao)

HANAPBUHAY AT PRODUKTO

HANAPBUHAY

•Pangangalakal na panlabas

•Pagtotroso

•Pangingisda

•Pagsasaka

•Paggawa ng Semento

MGA PRODUKTO
Sa rehiyon ng Davao nagmumula ang mga produktong tulad ng
saging,ramie,goma,pamimta,tabla,plywood,abaka,kape,kopra, at kasoy.Sagana
rin ang rehiyon sa mga produktong mula sa niyog tulad ng langis, suka, at
mga minatamis.Ang mahabang baybayin naman ng Davao Oriental ay sagana sa mga
isda at iba pang yamang tubig.Bukod sa mga nabanggit, nagmumula rin sa
rehiyon ang mga mineral na tulad ng ginto, marmol, limestone, pilak,
tanso, manganese, nickel, at semento.

13
MGA PISTA at mahahalagang pangyayari
• Araw ng Natibo – pagdiriwang ng mga Tagacaolos, B’laan, Manobo na may
labanan ng mga kabayo at pagpapamalas ng mga katutubong sayaw at awit.

• Araw ng Dabaw – isang linggong pista na may katutubong seremonya,


tinatanghal ang mga produktong agricultural at industriyal, malaking parada
at paligsahan ng ganda.

• Summer Island festival – sa pulo ng Samal, may iba’t ibang larong tubig,
paligsahan ng Bangka.

• Kadayawan sa Davao – pagtatanghal ng mga bulaklak at prutas, produktong


etniko.

• Ginum – ginaganap ng mga Manobo tuwing kabilugan ng buwan bilang


pasasalamat. Isinasalay ang buhay ng kanilang mga bayani sa pamamagitan ng
sayaw Layunin nito na maisalin at matiyak na manatiling buhay ang lahing
Bagobo.

• Lemlunay – parada ng mga T’boli na suot ang kanilang pinakamakukulay na


damit.

• Paskuhan sa Dabaw – paligsahan ng parol at parada at pagganap ng mga


pangkat rondalya.

KATUTUBONG PANGKAT

• Ata – mangangaso, mangangahoy; mga babae’y nakapulseras na tanso at


kwintas na abaloryo
• Bagobo – naninirahan sa gulod ng Bundok Apo, may kasuotang puno ng
abaloryo, kabibe, metal, burda at disenyo.
• B’laan – sa kalibliban ng Davao naninirahan
• Guiangan – sa kabundukan at kagubatan naninirahan
• Tagacaolos – pangkat na lumalaban sa kumbersyon ng mga Muslim.
• Maguindanaoan – naninirahan sa bahagi ng Golpo ng Davao at Pulo ng
Sarangani
• Samal – sa pulo ng samal naninirahan
• Mansaka – mahilig sa musika, mahuhusay na platero, mga babae’y nakasuot ng
alahas. Pula ang suot ng bagani o pinuno.
14
• Mandaya – Makukulay na kasuotan gawa sa dagmay (hibla ng abaka) na may
disenyo ayos sa kanilang tribo
• Kalangan – nakatira sa baybay dagat ng Golpo ng Davao.

MAGAGANDANG TANAWIN

• Philippine Eagle Sanctuary & Wildlife Preserve, Lungsod ng Davao


• Sa Lungsod ng Davao:
Orchid Gardens: Puentespina, Yuchico, Malagos Garden Resort
Bago Ochiro Experimental Station: Abaca Plantation, cross-breeding ng mga
prutas at bulaklak
Gap Farming Resort: 10 ektaryang taniman ng pomelo, rambutan at matamis na
sampaloc
• Pulo ng Samal: Magagandang babay-dagat at Davao Pearl Farm Resort
• Compostela Valley: Eden Nature Park
• Bundok Apo – pinakamataas na bundok sa Pilipinas, tahanan ng mga kakaibang
hayop at bulaklak
• Davao Museum – Ipinamamalas ang kulturang Mindanao sa pamamagitan ng iba’t
ibang pamamaraan
• Etnika Davao – isang kopya o replica ng tahanan ng mga Mandaya
Waling-waling o Vanda Sanderiana – reyna ng mga orkidyas sa Pilipinas dahil
ito’y marikit, maganda at mahalaga. Ang ibig sabihin ng waling-waling ay
paruparong magara ang lipad.
Durian – masarap na prutas ngunit di kanais nais ang amoy. Ginagawang kendi,
halayang palaman sa tinapay, pampalasa ng kape o panghalo sa alak na
lambanog.

WIKA
Davaoeño, Cebuano,Mandayan, Dibabawon,Mansakan, Manobo, Tagalog

RELIHIYON

•Christian

•Catholic

•Muslim

•Baptist

•Jehovah’s Witnesses
15
Ang mga Akdang Panitikan ng Rehiyon XI(Davao)

 MGA AWIT

DAVAO REGION
(MOTHER TONGUE)

Davao Region, Pinanggang Yuta


May Bukid Aponga labing taas
Haring agila, hara sa kabulakan
May bulawan ug haring durian
Lubi ug saging, bugas lami-an
Yutang gimahal sa Dabawenyo
Makugihong mga tawo.

Ang milangkob mga probinsya


Mga dakbayang nagkahiusa
May gitoho-an nga Diyos

Probinsya Comval
Davao Oriental
Davao Del Norte
Davao Del Sur
Syudad sa Davao
Panabo, Tagum
Samal Island, Mati ug Digos

16
Davao Region, gipanalipdan
Mga bahanding kinaiyahan
Yutang tabunok, daghan ang nindot
Nga kapanginabuhian
Garbo sa tanan ang Davao Region
Among yuta nga gipangga.

“Tayo Ay Dabawenyo”
Ni: Pedro O. Sanvicente
Sa dakong timog ng Mindanaw
May isang lungsod na hinirang
Ang likas niyang kayamanan
Ay walang kapantay

Mga bundok, dagat, lupain


Laging sagana sa pagkain
At ang magagandang tanawin
Kadluan ng aliw

Mutyang lungsod ng Dabaw


Sa iyong paglalakbay
Sa mithing kaunlaran
Ikaw ay paglilingkuran

Tayo ay Dabawenyo
Na tapat at totoo
Pangarap ay matamo
Kaluwalhatian mo
Lungsod ng paraiso
17
MGA BUGTONG

1. Kung kelan pinatay, saka humaba ang buhay. Ampalaya

2. Baboy ko sa pulo, balahibo'y pako Anino

3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. Balimbing

4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay. Ballpen

5. Ako'y may kaibigan, kasama ko kahit saan. Banig

6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon. Baril

7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. Basket

8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. Kampana

9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo. Batya

10. Abot na ng kamay, ipinaggawa pa sa tulay. Bayabas

11. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob. Bote

12. Maliit pa si kumare, malakas na kung humuni. Gamu-gamo

13. Baka sa palupandan, ang unga ay nakakarating kahit saan. Gumamela

14. May bintana, walang bubungan may pinto, walang hagdanan. Ilaw

15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. Kamiseta

16. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa. Kandila

17. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari. kasoy

18. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.


Kubyertos

19. Kay lapit-lapit na sa mata, hindi mo pa rin makita. Kulambo

18
20. Sa isang kalabit, may buhay na kapalit. Kulog

 MGA TULA

Ang Tinig ng Laruan


ni Marvin Ric Mendoza

Bagay na hawak-hawak pa ni Nene kahapon,


anak-anakan daw niyang laging kalong-kalong.
Sa kanyang pagtulog,sa tabi niya’y naroon,
Pagsapit ng umaga’y hahanapin pagbangon.

Sa hapag-kainan mangyari’y sinusubuan,


sa pagligo ay sabay ding pinaliliguan,
pagkatapos nito’y una pang bibihisan
at saka muling pupunta sa pook-libangan.

Ang bagay na ito ay ang mumunting laruan


na sa pagkabata ay lubhang kinagiliwan,
ngunit sa paglaki ay dagling kinalimutan
na parang ang halaga ay pangkahapon lang.

Masdan mo ang laruan sa sulok ng tahanan


na kahapon ay ngumingiti at parang may buhay.
Siya’y lumuluha,tumatangis,namamanglaw.
Sa yakap ng kaibigan,siya’y nauuhaw.

19
Iba na’t di na hilig ni Nene ang laruan,
Pera na kasi ang higit niyang kailangan.
“Kung araw at gabi ako ay maglalaro lang,
bukas ng umaga’y kakalam ang aking tiyan”

“Kahit ilang oras lang na tayo’y maglalaro,


wala na rin kasi sa aki’y nagpapaligo.
Dati,sa akin, yakap mo ang sumusuyo
ngunit ngayo’y alikabok sa’ki’y dumarapo.

Kapag ang laruan ay makapagsasalita,


Ang sasabihin n’ya ay “maglaro tayo bata”.
Kapag ang laruan ay maaaring lumuha,
sa kaydaming buhay,kalungkutan ang babaha.

“Dati ay may ningning pa ang aking mga mata.


Ang aking mga pisngi’y lubhang napakaganda.
Sa silong ng langit tayo ay laging masaya
bagaman ang lahat niyon ay hiram lang pala.

Kaligayahan mong ituring na ako’y sa’yo


at ligaya ko rin naming ako’y iyong-iyo.
Dati’y kaydaming batang sa’yo’y naninibugho
dahil sa iyong laruan,laruan mong si ako.

Ngayong ika’y malaki na’t hilig mo’y iba na,


‘wag mo akong pabayaang laging mag-isa.
Hiling ko,kung ang silbi ko sa iyo’y tapos na,
sa munting bata naman, ako ay ipamana….”

20
Payag
Ni: Errol A. Merquita
(Lungsod ng Davao)

Ginabuslotan sa ulan
ang atop nga
hinimo sa sulirap.

Hinay-hinay’ng

ginapahumok sa mga
kadlawon ug kagabhion
ang mga bungbong nga
nagkaanam na og kadugta
sa tumang katugnaw.

Ug samtang ginakitkit
sa mga anay ang
nahibiling bagakay
sa salog, hinay-hinay’ng
ginaputos sa mga lawa-lawa
ang mga siradong bintana.

Ang kaniadtong
lig-on ug masadya
nga payag hinay-hinay
nang nangagum-og ang
mga tukod niini.

Ing-ana kining akong dughan


sukad imo kong giluiban.

Ahh, patya na lang ko!

21
 ALAMAT
Alamat Ng Perlas Sa Mindanao
Ni: Dyenbeloso

Isang binatang mangingisda ang nagkaroon ng kasintahang dalagang


Muslim sa isang pook sa Mindanao noong unang panahon. Ang
magkasintaha’y nagsumpaang pakakasal pagsapit nila sa ika-dalawampu’t
isang taon. Limang taon pa silang maghihintay.
Tuwing sila’y mag-uusap, ipinaaalala ng isa’t isa na huwag makalimot
sa sumpaan. Laging nangangako ang binata na ang dalaga lamang ang
tanging pakaiibigin.
“Pinakamamahal kita Leoniza,” ang magiliw na sabi ng binata. “Ikaw
lamang ang babaing iibigin ko habang buhay. Gugustuhin ko pa ang
kamatayan kung hindi rin lamang ikaw ang aking magiging kapalaran.”
“Salamat, mahal ko,” natutuwang tugon ni Leoniza. “Napaka-dakila ng
iyong pag-ibig. Sana’y palarin ka sa iyong paghahanap-buhay upang
makapag-impok tayo para sa ating pag-iisang-dibdib. Huwag ka sanang
magpapabaya sa iyong kalusugan. Mag-ingat ka sa iyong paglalayag,”
dugtong pa.
“Maraming salamat, mahal ko, sa iyong mga paalaala,” tugon ng binata,
sabay paalam.
Laging nagsusunuran at waiang pagkukulang ang magkasintahan sa isa’t-
isa. Kapuwa sila tapat sa sumpa. Walang madilim na panginorin sa
kanilang pag-ibig. Laging bukang-liwayway. Walang pagmamaliw ang
kanilang pagtitinginan. Subali’t mapagbiro ang tadhana. Biglang
nawala ang binata at hindi na napakita sa kanyang kasintahan.
Parang mababaliw si Leoniza. Araw at gabi’y nasa daungan upang magba-
sakaling magkita sila ng kanyang minamahal. Umulan at umaraw ay
nananatili siyang nag-aabang sa daungan, hanggang sa iluwal sa
maliwanag ang bunga ng kanilang pagkakasala.
Naging tulala ang dalaga. Sa tuwina’y nakatayong walang kibo na
animo’y isang rebulto. Walang katinag-tinag na napako ang paningin sa
laot ng dagat. Minsa’y maluha, minsa’y humahalakhak. Dumating ang
saglit na hindi sukat asahan. Siya’y naging isang taong-bato.
22
Diumano, isang araw ay nakita ng mga nagmamasid na lumuluha ng perlas
ang taong-bato. Biglang lumaganap ang balita. Ang taong-bato ay
dinumog ng mga tao upang sila’y manlimot ng perlas.
Isang inang dukha ang nagtiyagang naghintay ng iluluhang perlas.
Kasama niya ang anak na pipituhing taong gulang. Yumakap sa rebulto
ang ina’t nagmakaawa, “Bigyan mo kami ng iyong perlas.” Nang ang ina
ay bumitaw sa pagkakayakap sa rebulto ay hindi niya makita ang
kanyang anak. Hanap dini, hanap doon. Inabot ng dilim ang ina sa
paghahanap subali’t nawalan ng saysay.
Nang magsawa ang bata sa paglalaro sa may dalampasigan, saka pa niya
naalaala ang kanyang ina. Kanyang pinagbalikan at tinalunton ang
kinaroroonan ng taong-bato. Hindi niya naratnan doon ang kanyang ina.
“Inay, inay, narito ako…! Saan ka naroon?” ang sigaw ng bata, tuloy
yakap sa paanan ng rebulto.
Naantig ang damdamin ng taong-bato. Kanyang naalaala ang kanyang
yumaong anak. Ang kanyang mga mata’y dinaluyan ng masaganang luha.
Kinabukasan, ang ina ay nagbalik sa lunan ng taong-bato. Natuklasan
niyang nagkalat ang mga perlas sa paligid ng rebulto. Siya’y nanlimot
ng perlas. Kinamaya-maya’y dumating ang nawalay na anak.
Alamat ng Perlas sa Mindanao
“Saan ka nanggaling? Kahapon pa kita hinahanap! Hanggang ngayon ikaw
ay aking hihintay!”
“Akopo’y nanlimot ng kabibi. Nagbalik po ako sa rebulto, ngunit
kayo’y wala na roon!”
“Bakit hindi ka umuwi sa atin?”
“Hindi ko alam ang daan sa pag-uwi. Sa bahay po ng kaibigan ko ako
natulog. Ako’y kanyang ipinagsama nang makitang iyak kayo nang iyak!”
“Tulungan mo akong manlimot ng perlas. Pagkatapos ay uuwi na tayo.”
Nang malaunan ang kinatatayuan ng taong-bato ay nakarating ng
talpukan ng alon. Ang rebulto ay tinangay ng alon. Ito’y napalaot sa
pusod ng dagat hanggang sa nawala.
Ang luha ng dalagang nabigo sa pag-ibig ang pinagmulan ng maraming
perlas sa dagat ng Mindanao.

23
 EPIKO

BANTUGAN (Epiko ng Mindanao)


Ni: Arnel Jr. Clavero
Si Bantugan ay isang prinsipe sa kaharian ng
Bumbaran. Si prinsipeng bantugan ay kapatid ng haring Madali
na hari naman sa kaharian ng Bumbaran. Si prinsipeng Bantugan ay
kilala na makisig at sobrang matapang kaya marami ang nagkakagusto na
dalaga na siya ay maging asawa . Kaya madalas na mainggit ang
kanyang kapatid na si haring Madali kay prinsipe Bantugan . Nang
dahil sa inggit ay gumawa ng panibagong utos ang haring Madali na
bawal kausapin si Prinsepe Bantugan at kung sino man ang lumabag sa
kautusang ito ay magkakaroon ng parusa . Nang dahil sa panibagong
utos ng haring Madali ay naging malungkot ang prinsipeng Bantugan at
ito ay nagkaroon ng malubhang sakit at ito ang naging dahilan ng
kanyang pagkamatay . Si prinsipeng Bantugan ay namatay sa pintuan
ng kaharian na nasa pagitan ng dalawang dagat . si haring Rito at
ang kanyang kapatid na babaeng si prinsesa Datimbang ay naguguluhan
dahil hindi nila kilala ang namatay na si prinsipeng Bantugan. Kaya
ang mga ito ay tumawag sa mga Pulo ng mga tagapayo habang
tinitingnan ang namatay na si prinsipeng Bantugan . May isang ibon
ang pumasok at ang ibon na ito ay isang Loro at sinabe ng Loro na ang
namatay na yan ay si prinsipe bantugan na nagmula sa Bumbaran at agad
itong binalita ng loro sa haring Madali .
Nang mabalitaan ni haring Madali ang nangyare kay prinsipeng Bantugan
siya ay nalungkot at ito ay agad na pumunta sa langit upang bawiin
ang kaluluwa ng prinsipe . Habang dala ng hari ang kaluluwa ng
prinsipe, dala naman ng prinsesa Datimbang ang katawan ng prinsipe sa
Bumbaran . Doon pinagsanib ang kaluluwa at katawan ni prinsipe
Bantugan . Dun muling nabuhay ang prinsipe Bantugan . Dahil nabuhay
muli ang prinsipe ay nagdiwang ang kaharian ng Bumbaran .
Nang mabalitaan ng kaharian ng Miskoyaw ang nangyari kay prinsipe
Bantugan nilosob agad nito ang kaharian ng Bumbaran . Lumaban si
prinsipe Bantugan sa mga lumusob sa kanilang kaharian ngunit dahil
mahina pa siya dahil sa kakabuhay nya lang . Siya ay nabihag at
nahule ng mga lumusob sa kanilang kaharian at dinala siya ng mga
ito. Si prinsipe Bantugan ay ginapos, ngunit ng magbalik ang
kanyang lakas agad niya nilagot ang pagkakagapos sa kanya .
24
Dun niya nilusob ang kaharian ng Miskoyaw . Niligtas niya ang
kanilang kaharian sa kamay ng kaharian Miskoyaw at naligtas naman
niya ng ligtas ang kanilang kaharian . Nang maligtas niya ang
kanilang kaharian, tinuloy nila ang kanilang pagdiriwang. dun na
nagsimula na mawala ang pagkaingit ni haring Madali sa kanyang
kapatid na prinsipeng Bantugan. at dahil sa nangyareng iyon dinalaw
niya ang lahat ng prinsesang kanyang kapitan at ito ay kanyang
pinakakasalan at inuuwe sa kanilang kaharian. Buong puso naman
itong tinatangap ng haring Madali . Dun na namuhay si Prinsipeng
Bantugan ng mapayapa at maligaya.

 MAIKLING KWENTO

Ang Munting Ibon


Ni: Alma M. Dayag

(Ang mga sumusunod ay mga halaw mula sa maikling kwento upang


magkaroon ang mambabasa ng haylayt na perspektibo)

"Noong unang panahon, may mag-asawang nanininrahan sa malayong bayan


ng Agamaniyog. Sila sina Lokes a Babay at Lokes a Mama.

...

Bago sumapit ang takipsilim ay inilalagay na ng mag-asawa ang kani-


kanilang bitag sa gubat at ang mga ito’y kanilang binabalikan sa
madaling araw.

...

Isang gabi, laking gulat ni Lokes a Mama, nang makitang ang kanyang
bitag na nakasabit sa puno ay nakahuli ng isang munting ibon
samantalang ang bitag ng kanyang asawang nasa lupa sa tabi ng ugat ng
isang malaking puno ay nakahuli ng isang malusog na usa.

...
25
"Alam ko na. Pagpapalitin ko ang mga hayop na nahuli ng aming mga
bitag,” ang nakangising wika ni Lokes a Mama habang inililipat ang
usa sa kanyang bitag at saka itinali ang ibon sa bitag ng asawa.

Umuwi si Lokes a Mama nang nasisiyahan sa kanyang ginawa kahit alam


niyang isang panloloko ito sa kanyang asawa.

...

Kinabukasan...

Gulat na gulat si Lokes a Babay nang makita ang matabang using


nakasabit sa bitag ng asawang nasa itaas ng puno samantalang ang
kanyang bitag na nasa tabi ng puno ay nakahuli lang ng isang maliit
na ibon.

...

Iniuwi niya (Lokes a Babay) ang munting ibon at inilagay ito sa isang
hawla.

Samantalang, iniuwi naman ni Lokes a Mama ang kanyang huli at saka


iniluto. Umaamoy sa kapaligiran ang nakakagutom na amoy ng nilulutong
usa subalit nang handa na’y agad itong nilantakan ng lalaki nang
hindi man lang nag-alok sa kanyang asawa.

Sinolo niyang kainin ang buong usa sa loob ng tatlong araw kahit alam
niyang gusto rin ito ng kanyang asawa. Isa pa’y ang bitag naman
talaga ni Lokes a Babay ang totoong nakahuli sa usa.

...

Nang maubos niya ang nilutong usa ay muling niyaya ni Lokes a Mama
ang asawa.

...

Muli, naglagay ang dalawa ng kani-kanilang mga bitag. Subalit hindi


marunong umakyat ng puno si Lokes a Babay at dahil hindi man lang
siya tinulungan ni Lokes a Mama ay inilagay na lang niya uli ang
kanyang bitag sa tabi ng puno kung saan siya dating naglalagay.

26
Hatinggabi nang mamalayan ni Lokes a Babay ang kanyang asawang
bumangon at dahan-dahang lumabas ng pinto. Nagkunwari siyang tulog.
Matalinong babae si Lokes a Babay at nahulaan niya ang ginagawa ng
asawa.

...

Nagising na lang siya dahil tinatawag na pala siya ni Lokes a Mama


para tingnan ang kanilang mga bitag. Subalit wala na siyang interes
sa bitag.

...

Sanay na siya (Lokes a Babay) sa pagiging tuso at madamot ng kanyang


asawa. Wala rin itong pagpapahalaga sa kanya at hindi niya
naramdamang mahal siya nito.
Pagkaalis ng kanyang asawa ay agad niyang pinuntahan ang kanyang
munting ibon. Kumuha siya ng palay at ipinatuka sa ibon.

Gayon na lang ang kanyang panggigilalas nang makitang pagkalunok nito


sa palay ay biglang nangitlog ng isang maningning na diyamante ang
ibon.

Dinampot niya ang diyamante.

...

Araw-araw nga, pagkaalis ng kanyang asawa upang kunin ang anumang


nahuli ng kanilang bitag ay pinakakain naman niya ng palay ang ibon
at saka mag-aabang sa ilalabas nitong diyamante.

Isang araw, habang mag-isa na namang kinakain ni Lokes a Mama ang


kanyang inilutong huli ay nagsalita si Lokes a Babay. “Hindi ko na
matiis ang pakikitungo mo sa akin. Alam ko na ang ginagawa mong
panloloko sa akin. Bukod pa riyan hindi ko na rin kayang tiisin ang
pagiging maramot mo at kawalan mo ng pagpapahalaga sa akin,” ang
buong kapaitan niyang sabi sa asawa na hindi man lang tumingala mula
sa pagngasab sa niluto niyang ligaw na pato.

“Payag na ako sa dati mo pang sinasabing pakikipaghiwalay sa akin.


Magmula ngayon, lilipat na ako ng tirahan at hindi na kita aabalahin
subalit huwag na huwag mo na rin akong aabalahin.” ang pangwakas na
sabi ni Lokes a Babay.
27
...

Nag-impake si Lokes a Babay ng kanyang mga gamit at dala ang


pinakamamahal niyang ibon at umalis siya ng bahay. Naiwan naman si
Lokes a Mama at ipinagpatuloy lang ang kanyang pangangaso.

...

Samantala si Lokes a Babay... naging maayos at masagana ang kanyang


pamumuhay. Nabalitaan ni Lokes a Mama ang napakagangdang kalagayan sa
buhay ng kanyang dating asawa kaya’t muli siyang nagplano.

...

Subalit napaghandaan na pala ito ni Lokes a Babay. Kilala niya kasi


ang pagiging tuso at manloloko ng asawa kaya’t pinabilinan niya ang
kanyang mga guwardiya na huwag na huwag itong palalapitin man lang sa
kanyang magarang tahanan.

Kahit anong gawin ni Lokes a Mama ay hindi na nagpaloko sa kanya ang


asawa.

At magmula noon, namuhay sa bayan ng Agamaniyog si Lokes a Babay nang


maligaya, masagana, at payapa."

MGA MANUNULAT NG REHIYON XI

Jose Angliongto
- Sumulat ng nobelang “THE SULTENATE” na handog niya sa mga “young
overseas Chinese”.
- Siya ay mula sa lungsod ng Davao.
- Naging kolumnista siya ng Mindanao Times at naging tagapamahala ng
Mindanao Publishers Inc.
- Siya’y naging pangulo rin ng Davao Jaycees at Continental
Containers Corporation.
28
- Naging miyembro rin siya ng Armed Forces of the Philippines, Corps
of Engineers at may ranggong First Lieutenant.

Josephine Malay Dischoso


- Naging isa sa mga manunulat ng UP Summer Writers Workshop noong
1974.
- Kilala rin sa larangan ng panitikan at sa pagpinta
Aida Rivera Farol
- Naging editor ng “Lands and Coral”
- Sumulat ng maikling kwento na “Bridge of Tomorrow” noong 1948
Pepito Deiparine
- Kilala sa palayaw na Peps.
- Kilala rin siya sa “bi-lingual Fictionist” makata at kolumnista
-Marili Fernandez-Ilagan (Davao Oriental)
-Jeneen Garcia (Davao City)

29
Kabanata 5
LAGOM NG KINALABASAN, MGA KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

LAGOM NG KINALABASAN
Ang buong pananaliksik na ito ay tungkol sa pag-aaral ng Kasaysayan at
Mga Sikat na Panitikan ng Rehiyon XI (Davao). Ito ay tumatalakay sa mga
iba’t-ibang anyo ng panitikan sa Rehiyon XI (Davao) na kung saan binibigyang
diin ang mga sinaunang panitikan sa Rehiyon XI at kung papaano ito umunlad
at nagbigay ng kasiglahan sa kanilang kasaysayan.

MGA KONKLUSYON
Sa isinagawang pag-aaral ay makikita natin ang iba’t- ibang Sikat na
Panitikan ng Rehiyon XI (Davao), ang rehiyon na ito ay simple lamang ngunit
mayroong tinatagong ganda dahil ang rehiyon XI ay isang magiliw at
nakakabighani, kaya maraming tao ang dumadayo. Ang Davao ay isa sa mga
nangungunang lungod na napakalinis.

MGA KONKLUSYON
Para sa mga susunod na mananaliksik ang maipapayo ko lamang ay
magbigay kayo ng mahabang panahon sa inyong isinasagawang pananaliksik at
mas lalo pa ninyong halungkatin ang kaibuturan ng inyong suliranin. Maglaan
ng maraming oras upang mas lalo pang mapag-aralan ang isinasagawang
pananaliksik. Kinakailangan din na ang isang mananaliksik ay hindi lamang
bumatay sa isang material o reference dapat ay sumangguni pa sa iba’t-ibang
aklat.

30
BIBLIOGRAPIYA

A. Mga aklat

Ligaya Tiamson Rublin ; et. al. Panitikan sa Pilipinas . Manila ,


Philippines : Rex Printing Company. INC ., 2005.

Arthur P. Casanova ; et .al Panitikang Filipino . Manila, Philippines


: Rex Printing Company . INC., 2001.

Erlinda M. Santiago ; et.al. Panitikang Filipino Mandaluyong City :


Cacho Hermanos. INC., 2010.

B. Iba Pang pinagkunang Websites

https : // www. google. com. Ph/ search? Source=hp&


=rehiyon+xi+sikat+na+panitikan.
http://www.bamtoi.com/s.php?t=panitikan_ng_rehiyon_11
https:// documents. Tps/educational / region-11-davao region. html.

31
KURIKULUM VITA

Pangalan : RODEMIE L. MUSTACISA


Kapanganakan:
Petsa : SETYEMBRE 30, 1997
Lugar : LUNGSOD NG DAVAO
Tirahan : YAKAL ST. ECOLAND DAVAO CITY
Mga Magulang :
Tatay: RODOLFO B. MUSTACISA
Nanay: MILA L. MUSTACISA

Sanligang Edukasyon

Elementarya MARIAN FOUNDATION SCHOOL OF DAVAO 2004-2010


Ecoland, Davao City

Sekundarya DANIEL R. AGUINALDO NATIONAL HIGH SCHOOL 2010-2014


Matina , Davao City

Tersisarya CALBIGA WESTERN SAMAR COLLEGE 2014-Kasalukuyan


Polangi, Calbiga, Samar

Kurso: BATSILYER SA SEKUNDARYANG EDUKASYON


Medyor: FILIPINO

32

You might also like