You are on page 1of 47

REHIYON XI

REHIYON NG
DAVAO
MGA KABUHAYAN
Sa rehiyon ng davao nagmumula ang mga produkto tulad ng
saging, ramie, goma, paminta, table, plywood, abaka, kape,
kopra at kasoy. Sagana rin ang rehiyon sa mga produktong
mula sa niyog tulad ng langis, suka at mga minatamis.

Ang mahabang baybayin naman ng Davao Oriental ay sagana


sa mga isda at iba pang yamang tubig. Bukod sa mga
nabanggit, nagmumula rin sa rehiyon ang mga mineral na
tulad ng ginto, marmol, limestone, pilak,
tanso, manganese, nickel, at semento.
-Malawak na kapatagan na may matataas na lugar
- Matatabang lupa na angkop na pang agrikultura

PANANIM :
Palay,Abaka,Tubo,Niyog,Rami,Pinya,Kape,Kalaw
,Saging,Dalanghita o Dalandan at mga Suha.

PINAGKAKAKITAAN : Pagsasaka,
Pangingisda at Pagtotroso
Kilala rin ang rehiyon sa pagiging pangunahing
pinagkukunan ng mga yamang mineral tulad ng
ginto gayundin ang mga marmol.

Naninirahan dito’y mga Cebuano, Tagalog, Ilokano


at Ilonggo

Wikang ginagamit : Cebuano, Tagalog, Ilokano


at Ilonggo.
MGA LUMAD NG DAVAO
Lumad is a Bisayan term meaning “native” or
“indigenous”.

1. BAGOBO – pinakamagarbong magdamit sa


lahat ng mga pangkat etniko
may pinakamalaking impluwensya ng Kristiyanismo
nagsasakripisyo ng tao tuwing may mga ritwal

2. B’LAAN - magarbo ring manumit ngunit


bihirang gumagamit ng mag “beads”
Pinakamapayapa at pinakamasipag sa lahat ng mga
pangkat etniko.
3. CALAGANES - Malay
Kadalasang napagkakamalang Moro, ngunit hindi

4. MANDAYA - “people from the uplang”


“headhunting”
Unang yumayakap sa “sibilisasyon” dahil sa maagang
kaugnayan sa mga Kastila.

5. MANOBO - hindi kalakihan ang katawan ngunit atletiko.


kadalasang nakatira sa tabi ng ilog.

6. DULANGANES - lubhang matatapang


- Walang saplot sa katawan maliban lamang sa mga dahon
at maliliit na sanga ng puno. Kadalasang naninirahan sa mga
kuweba o loob ng malalaking puno
- Ang mga armas ay matutulis na palaso
BAGOBO MANSAKA

MANDAYAS BILAAN
MGA PIYESTA
 Musikahan sa tagum (February 21 to 27)
 Araw ng Tagum (March 7)
 Summer Sports Festival(May 15-21)
 Durian Festival(July 18-August 17)
 Binuhat Festival(July 20-26)
 Kaimonan Festival(October 10)
 Pakaradjan Festival(Oct 29-Nov2)
 Indayog sa Tagum Dance CongressFestival
 Halal Food Festival
KATUTUBONG AWITIN

“TUWAANG” ng mga Bagobo na binibigkas sa mga


kasalan, lamayan, taniman at iba pang mga
pagdiriwang.

Mayaman din ang rehiyon sa mga bugtong at awiting


bayan.

“DAWOT” na natatanging awitin ng mga Mandaya


“ATINGAN” na awit ng mga Bagobo sa
lalawigan ng Davao bilang awit na panghele o
pag-ibig. Tinatawag namang “TUD- UM” ito
ng mga Mandaya-Mansaka

“OPPAD” ay isang mahabang awitin na ang


ipinahahayag ay ayon sa karanasan ng tao lalo
na kung kabayanihan.
LIKHANG KAMAY NG MGA T’BOLI :

Kahusayan sa pagtatali at paghuhukay ng abaka


na tinatawag nilang “TINALAK”.

Napapanatili pa rin nila ang mga katutubong


paraan ng pagbuburda, paggawa ng basket at
pag-ukit magpahanggang ngayon.

Musika at mga katangi-tanging katutubong


sayaw ang mga di mapapantayang ambag ng
mga katutubo sa kanilang kultura.
KATUTUBONG SAYAW

“TANGONGO” sayaw ng mga may edad na at


ng mga mag-asawa; “BEE” para sa pagtataboy
sa mga diwata sa puno at bundok.

Ang “BALITI” at “KAMARAG” ay mga uri


ng sayaw na ang sumasayaw ay sabay sa
galaw ng sahon ng baliti; “SAMPAK” naman
ang sayaw ng mga lalaking nag-aaway.
“KULINTANG” na ang pag-awit ay
sinasabayan ng tugtog ng instrumentong
“BOLANGBOLANG”, isang uri ng tambol na
ginagamit ng mga babae.

“GIMPAN” isang tambol na kahoy ng mga


Bagobo at ang “T’ONGGONG” para sa mga
T’boli na may kasamang balat ng baboy at
tinutugtog sa pamamagitan ng kamay o patpat.
May mga instrumento silang pang musika na
yari sa kawayan tulad ng tinatawag nilang
“ALPA” na higit sa kilala na tawag na “LUD”,
ang “DILAAN” ay tinatawag namang “K’ ring”
ng mga Bagobo at ang “LANTOY” o
“TOWALI” ng mga Mandaya.

Ang “DIWAGAY” naman ang sinaunang biyulin


mula sa B’laan. Ang “TEU” naman ay
instrumentong hinihipan ng mga T’boli.
PANINIWALA AT KAUGALIAN

Ang mga Mansaka ay gumagamit ng iba’t ibang katawagan sa


pagbubuklod ng kanilang pamilya tulad ng : ama,Anakun
para sa “niece/nephew”; ina,Arrayon para sa
“parents/relatives”; Babo para sa “aunt”, Igagaw para sa
“cousin”; Bana para sa “husband”; Kimod para sa bunsong
anak; bayaw at hipag para sa “sister in law”
APAT NA BAHAGI NG KASAL
O PANUNUYO

PASAKAYOD : pagbisita ng magulang ng


lalake sa babaeng mapapangasawa nito upang
makilala.

PAMUKU : magkikita ang pamilya ng


magkabilang panig para pag-usapan ang
halaga ng dote.
PAGTAWAN : ang lalake ay maninilbihan na
sa mga magulang ng babae.

KASAMONGAN : magpapasya na ang


mga magulang tungkol sa kasal. Kung
payag na ang magkabilang panig, itatakda
na ang araw ng kasal at paghahandaan ito.
Isa ito sa pinakabagong lalawigan ng Pilipinas.Napapaligiran ng
Davao at Davao Gulf sa kanluran, Agusan del Sur sa Hilaga at
Davao Oriental sa Silangan at Timog.

Sa buong taon ang Compostela Valley ay hindi dinadalaw ng


anumang bagyo bagamat nakakaranas din ito ng tag-ulan. Ang
kapital nito ay binubuo ng 235 na barangay.

Ito ay naging isang “Melting Pot of Migrants” tulad ng mga


tagalog at bisaya.Mayroon din namang pangkat ng mga
Mansaka,Mandaya,Manobo,Dibabawon.Manguangon at
Talaingod. Ang lambak ay lupang agrikultural, kung kaya ang
pangunahing produkto ay
bigas,mais,saging,niyog,gulay,prutas,kape at “timber”.
Itinuturing lugar o mina ng mga saging
Kilala bilang “Green Gold Country” dahil sa
malawak na taniman ng saging at mayaman
din ito sa ginto.
Ang Kapital nito ay Tagum. Bimubuo ng 203
barangay at walong munisipalidad. Marami sa
populasyon ay migrante mula Visayas at
Luzon. Pangunahing sinasalita dito ay
Cebuano at minsan ay Tagalog.

Naninirahan din dito ay mga


Mandaya,Mansaka,Dibabowon at Ata. Ang
kanilang kasuotan ay ay mahabang manggas na
damit para sa lalaki at malong para sa babae.
Ang Kapital ng Davao del Sur ay Digos binubuo ng 517 na
barangay. 15 ang munisipalidad. Karamihan sa naninirahan dito
ay mula ssa Visayas at Luzon.
Laging sinasalita ay Cebuano at Tagalog at mangilanngilan na
Davaoeno
– kung saan ito ay “Pidgin Spanish" na sinasalita sa
lungsod ng Zamboanga” nananahan din dito ang mga
Bilaan,Bagobo,Manobo,Tagalacao at Samal.

Ang produkto dito ay mga


mais,bigas,niyog,saging,tubo,kape,kakaw,durian,mangga at
lanzones. Mayaman din sa lugar na ito sa “Fish Product”,
mineral tulad ng ginto,tanso,lead copper at chromium.
Ginaganap dito ang “Kadayawan Festival of Davao” tuwing
ikatlong linggo ng Agosto ay kababakasan ng mayamang
kultura ng lalawigan.
Ang lalawigan ay napapaligiran sa gawing kanluran ng Compostela
Valley at ng Davao Gulf at ng probinsya ng Agusan del Sur at ng
maliit na bahagi ng Surigao del Sur sa Hilaga.
Binubuo ng 183 na barangay at 11 na munisipalidad.

Bumubuo sa populasyon nito karamihan ay mula sa Visayas o


“Visayan Migrants” at iba ring naninirahan tulad ng Mandayas at
Manobo.

Wika : Cebuano,Ilonggo at Filipino. Marami sa kanilang produkto


ay saging abaca, mais,palay, prutas, kape, tabako, gulay at isda.

Mayaman din sila sa ginto, nickel, manganese, bato at


buhangin at chromite.
BUGTONG NG MGA
MANDAYA

Tuong san tutukanon ko Hulaan mo ito


Tagbi na dadalaga ay Maliit pang bata
Matigam mana I sang Nananahi na sa dilim
kasigulman Sagot: LIGWAN Sagot: Honey Bee

Yakataligpag yang Ang bata ay


Nakalilipad
mangod Wayang Nagbubuntong hininga nalang
ang matanda
magulang Sagot: Pana at Busog
Sagot: Pana
Hintayin mo ako
Tagadi ako Hintayin mo
Tagadi ako Sagot : Paa
ako
BUGTONG NG MGA MANOBO
(ATUKON)

Linew man duntaa heya Isang lawa Napapaligiran ng


ne Nelingut te ligewana Fishing Pole Sagot: Mga Mata
Sagot: Sikan is mata

Isang bundok na di halos makita


Buntud man
ngunit abo ito ng mga kamay
guntaanheyan ne emun
Ed-ahaah nu ne
Sagot: Ilong
egkiramkiram da, Ne emun
egkewaan nu ne egkekawe
mo
Sagot: Sikan is izung
SALAWIKAIN NG MGA
MANDAYA
1. Yang ataog aw madudog di da mamauli
= Ang itlog kapag nabasag na, di na maaaring maisauli pa.

2.Eng makaan sang kalumluman mamaimo sang makupo


= Ang kumain ng bugok na itlog ay sinasabing tamad.

3.Kallandong pa ng syumbang kabilae pa nang similat


= Walang maitatago sa ilalim ng sikat ng araw.
SALAWIKAIN NG
MANOBO
1. Anoy man tu karabaw na upat tu kubong di paka hidjas
= Kung ang kalabaw na apat ang paa ay nagkakamali pa,
paano na ang tao.

2.Bisan bato nu bantilis mai duon panahons nu ug kahilis


gihapon
= Ang bato kahit gaano katigas, matitibag kapag nababad sa
tubig.

3.Tu buhi angod tu atoijog basta maguong on kunad ug kaolin


= Ang babae ay tulad ng itlog kapag nabasag na hindi na
mabubuo pa.
“Kung ang aking bigas ay ninakaw ng kung sinuman
sumpain siya at paluwain ang kanyang mata
pamagain ang kanyang buong katawan
hanggang siya’y mawalan ng hininga.”
KUWENTONG BAYAN
- The Lost Children
- Bakiwos and the woman who had wartz

MAIKLING KWENTO
-Tinampikan
TULA
(Davao del Sur) – PAGGIKAN SA SUMILON
ni Jeneen Garcia

(Davao Oriental) – PAYAG ni Errol Merquita


EPIKONG BAYAN

Indarapatra at Sulayman
Ang Indarapátra at Suláyman ay isang epikong-bayan
ng mga Magindanaw sa Mindanao. Inaawit na ito bago
pa man dumating ang paniniwalang Islam sa isla.
Pangunahing tauhan nitó ang magkapatid na sina Raha
Indarapatra at Raha Sulayman at kung paano nilá
iniligtas ang Mindanao laban sa mga halimaw.

Hari si Indarapatra ng Mantapuli, isang malaki at


dakilang lungsod na pinamamahayan ng maraming
tao, samantalang magiting na mandirigma si
Sulayman. Bukod sa epikong-bayang ito, lagi ring
nababanggit si Indarapatra sa ibang kuwentong-
bayang Magindanaw, at maituturing siyáng kanilang
maalamat na bayani.
Nagsisimula ang Indarapatra at Sulayman nang
mababalitaan ni Indarapatra ang malimit na pananalakay ng
mga dambuhala at mababangis na hayop sa ibang panig ng
Mindanao, sa labas ng kaniyang kaharian ng Mantapuli.
Ipinatawag niya ang kapatid na si Sulayman. Papakiusapan
niya itong puksain ang mga halimaw, at ipahihiram ang
kaniyang mahiwagang singsing at mahiwagang kris, ang Juru
Pakal, na animo’y may sariling isip sapagkat káya nitóng
lumusob sa kalaban nang mag-isa. Pagkatapos ng iba pang
tagpo at labanan, sa dulo ng salaysay ay ipanganganak sina
Rinamuntaw at Rinayung, kambal na anak na lalaki at babae
ni Indarapatra at sinasabing ninuno ng ilan sa mga tribu ng
rehiyon ng Lawang Lanao.
Ayon sa aklat ni Damiana L. Eugenio, umaayon ang
lunan ng epikong-bayan sa lupaing pamilyar sa mga
Magindanaw, tulad ng mga bundok Kabalalan,
Matutun, Bita, at Gurayn. Kahit may nakapasok na
mga pangalang Arabe, nananatili pa rin daw tapat
ang naratibo sa katutubong tradisyon ng mga
Magindanaw.
TUWAANG
Tuwáang ang pamagat ng epikong-bayan ng mga
Manobo, mga táong nakatira sa hanggahan ng
Cotabato, Bukidnon, at Davao, at tungkol sa
pakikipagsapalaran ng bayaning si Tuwáang.
Sinasabing may mahigit sa 50 kanta ang mga
Manobo tungkol kay Tuwáang. Dalawa sa mga ito
ang naitalâ at ipinalathala ni E. Arsenio Manuel,
ang Mangovayt Buhong na Langit (Ang Dalaga ng
Langit Buhong) at Midsakop Tabpopowoy (Pagdalo
ni Tuwaang sa Kasalan).
Sa Ang Dalaga ng Langit Buhong, pumunta si Tuwaang
sa lugar ni Batooy upang pakasalan ang kararating
lámang na dalaga ng Langit Buhong. Matapos ang
mahabàng paglalakbay, nagpahinga si Tuwáang malapit
sa dalaga, at naikuwento nitó na may isang higanteng
binata ng Pangumanon na nais siyáng pakasalan. Nang
hindi pumayag ang dalaga sa kahilingan ng binata,
sinunog ng lalaki ang kaharian ng babae. Tumakas siyá
sa kalupaan upang magtago. Nang matapos ikuwento
ito ng dalaga ay dumating ang binata ng Pangumanon,
pinatay ang mga tao, at hinamon si Tuwáang sa
labanan. Natálo ni Tuwáang ang taga-Pangumanon.
Sa Ang Pagdalo ni Tuwaang sa Kasalan,
naimbitahan si Tuwáang sa kasalan ng Dalaga ng
Manawon at ng Binata ng Sakadna. Dumating si
Tuwáang sakay ng gungutan, isang malaking ibon.
Nang dumating ang lalaki sa Manawon, minasamâ
ng binata ng Sakadna ang pagdalo ni Tuwáang.
Sinabi ni Tuwáang na isa rin siyáng bagani kung kayâ
nása kasalan. Nang sinimulan na ang paghahandog
ng mga regalo, hindi naibigay ng Binata ng Sakadna
ang gintong gitara at plawta.
Sinagip ni Tuwáang ang binata at siyá na ang
nagbigay ng mga ito. Lumabas ang dalaga at
inutusan ang lalagyan ng kaniyang ngangà na
magbigay nitó sa mga bisita. Huminto ang
mahiwagang lagayan ng ngangà sa tapat ni
Tuwáang. Tumabi pa ang dalaga kay Tuwaang.
Nagalit ang binata ng Sakadna at hinamon si
Tuwáang na maglaban. Matagal ang labanan at
nahirapan si Tuwáang bago natuklasan ang lihim
ng lakas ng kalaban. Sakay ng gungutan, umuwi si
Tuwaang sa kaniyang kaharian kasáma ang dalaga
ng Manawon. (SJ) (ed VSA)
ULOD
Ang Ulod ang epikong-bayan at pangalan ng bayani sa
epikong-bayan ng mga Matigsálug, ang isa sa mga
pangkating etniko ng mga Bagobo na naninirahan sa
hilagang kanluran ng Davao. Sa mga Matigsalug,
tinatawag na ad-ulahing ang pag-awit ng epikong-bayan.
Tulad ng Tuwaang, ang epikong-bayan ng mga Manobo,
binubuo rin ang Ulod ng ilang awitin, at karaniwang
inaawit upang maging libangan tuwing may libing at
kasal, at isinasagawa rin bilang ritwal ng pagpapasalamat
para sa masaganang ani o tagumpay na pangangaso.
Ang teksto ng Ulod ay binigkas ni Abbiyuk
Ansavon sa tahanan ni Datu Duyan sa Lumut
noong 1956. Isinaayos ito sa 416 na linya ni
Sadani Pagayaw, at upang awitin ito’y binibigkas
ng Matigsalug ang ad-indakko: Ulahing.
MGA MANUNULAT NG
REHIYON XI

Jose Angliongto
-Sumulat ng nobelang “THE SULTENATE” na handog niya sa mga
“young overseas Chinese”.
-Siya ay mula sa lungsod ng Davao
-Naging kolumnista siya ng Mindanao Time at naging tagapamahala
ng Mindanao Publishers Inc.
-Siya’y naging pangulo rin ng Davao Jaycees at Continental
Containers Corporation.
-Naging miyembro rin siya ng Armed Forces of the Philippines, Corps
of Engineers at may ranggong First Lieutenant.
Josephine Malay Dischoso
-Naging isa sa mga manunulat ng UP Summer Writers Workshop
noong 1974.
-Kilala rin sa larangan ng panitikan at sa pagpinta

Aida Rivera Farol


-Naging editor ng “Lands and Coral”
-Sumulat ng maikling kwento na “Bridge of Tomorrow” noong
1948

Pepito Deiparine
-Kilala sa palayaw na Peps.
-Kilala rin siya sa “bi-lingual Fictionist” makata at kolumnista
IBA PANG MANUNULAT NG
REHIYON XI

Marili Fernandez-Ilagan (Davao


Oriental)

Jeneen Garcia (Davao City)

You might also like