Professional Documents
Culture Documents
KARUNUNGANG PILIPINO
ni BAYANI S. ABADILLA
HINGGIL SA EPISTEMOLOHIYA
pagsasaayos ng mga tunog ng mga salita o baybayin. Mga korelasyon ang tunog ng
wika sa mga ingay na nalilikha ng kalikasan. Ito ang sensasyon sa kalikasan. Tao
ang pinakamalakas na anyo ng kalikasan.
1. Talino—paggawa
2. Kalayaan at kasarinlan
3. Masaganang likas na yaman ng kapaligiran.
Sa loob ng 333 taon (1565-1898) luno ang katinuan at lumpo ang pagkatao
ng madlang indiyo. Nangyari iyon bunga ng sistematikong indoktrinasyon ng
simbahan at panikil ng gobyerno sa talino ng madla. Mahigpit ang sensura ng
gobyernong Praylokrasya. Habang masigsasig ang simbahan sa pagpapatatag ng
kulturang ungas sa pamamagitan ng dasal, misa, binyag, kumpisal, piyesta na
kumondisyon o humutok sa kaisipang alipin. Diwang torang-garing ang katangian
ng malaganap na isipan: nasa diyos ang biyaya ang tao ang dapat magmakaawa.
Ang kulturang ungas ay isang litanya ng duyan at kabaong. Ibig sabiin ang
tangang madla ay kumakain, nagbabawas, nagugutom, gumigising—nang gayun at
gayon lang—habang nagtatrabaho hindi nila natatamasa ang makatwirang kaparte
sa mga biyayang kanilang pinagpapawisan. Sapagkat sa kairalan ang madalng
REPUBLIKANG BASAHAN
ang dominante. Ang nasa ilalim ng madlang isip (mind set or zeitgeist) ang sikil ng
nagkamalayang makabayan, maka-uri at makatao. Ang patuloy na lumilinang sa
namamayaning balintunang kamalayan ay mga aparato na ideolohiya ng estado:
pamilya, simbahan, pabatirang madla, edukasyon atgobyerno. Ang mga aparato ng
idelohiy ay kontrolado ng mga dayuhan at lokal na mga naghaharing uri sa
lipunanang Pilipino.
HIDWAAN-DIWA SA DAIGDIG