You are on page 1of 13

1 sa 13

LUNURIN SA DAGAT ANG LAHAT NG PILIPINO! (SAGOT KAY JAMES SORIANO)


(Paunawa: Sinadya kong pasimplehin ang lenggwahe ng artikulong ito. Hindi ganito ang normal kong Filipino pero dahil hindi naman ito tesis, disertasyon o papel na pangkumperensya kaya wala namang masamang simpleng lenggwahe ang gamitin. Tutal, ang habol koy maintindihan ng ordinaryong mamamayan sa Facebook. Ipagpaumanhin kung hindi ako nag/magtagumpay sa layuning ito.) Senior student sa Ateneo de Manila University si James Soriano. Regular na kontribyutor (o mas akmang sabihing student correspondent) sa Manila Bulletin. Subuking iGoogle ang kanyang pangalan at as of September 1, 2011, may mahigit 3,000,000 results ang iyong makikita. Wala siyang inilabas na sex video. Wala rin siyang ibinulsang tongpats o pabaon. At lalong di siya nagwagi sa isang international contest. Pero sabi nga ng mga sanay mag-Bekimon, winner ang isang artikulo niyang lumabas sa Manila Bulletin noong Agosto 24, 2011. Makikita sa link na ito ang nasabing artikulo: http://mb.com.ph/articles/331851/language-learning-identity-privilege . Pinag-usapan sa Facebook, Twitter at iba pang media ang nasabing artikulo. Palakpakan nating lahat si James Soriano dahil nadaig pa niya ang karamihan ng mga (mas) seryosong tagapagtanggol ng wikang Filipino. Dahil sa aroganteng tono ng kanyang artikulo, maraming makabayan ang naobligang magsalita laban sa mga elitistang maka-Ingles at/o Inglesero. Muling nahati ang bayan sa isyung pangwika na binuhay ng kanyang panulat. Sinimulan niya ang kanyang unang artikulo sa pamamagitan ng pagyayabang sa kanyang all-English education: English is the language of learning. Ive known this since before I could go to school. As a toddler, my first study materials were a set of flash cards that my mother used to teach me the English alphabet. My mother made home conducive to learning English: all my storybooks and coloring books were in English, and so were the cartoons I watched and the music I listened to. She required me to speak English at home. She even hired tutors to help me learn to read and write in English.

2 sa 13

In school I learned to think in English. We used English to learn about numbers, equations and variables. With it we learned about observation and inference, the moon and the stars, monsoons and photosynthesis. With it we learned about shapes and colors, about meter and rhythm. I learned about God in English, and I prayed to Him in English. Walang problema sa pagyayabang na iyan, dahil totoo naman na hanggang ngayon, ang mga magulang ng elite at ng middle class sa buong Pilipinas (may mga kapuri-puring exception din siyempre) ay laging ipinipilit ang all-English education para sa kanilang mga anak. Maraming beses na akong nakaengkwentro ng mga estudyanteng elite/middle class na ganito ang problema: SA BAHAY PO KASIY INGLES LANG ANG GINAGAMIT NAMIN; PATI PO KATULONG/KASAMBAHAY AY INGLESERO/INGLESERA RIN UTOS NI MOMMY at DADDY. Noong nagtuturo pa ako sa isang high school sa loob ng isang gated subdivision, ilang beses na rin akong nakipag-usap (pinigilan ko lang makipag-away) sa mga magulang na nagpupumilit na ipasok sa Special Filipino class ang kanilang mga anak kahit na purong Pilipino naman sila na sa Pilipinas na nakatira. Kesyo malapit na raw silang magmigrate sa so and so na bansa. Kesyo ano raw ba ang silbi ng Filipino. Kesyo bakit daw pinahihirapan ang mga bata. Madalas ko tuloy sabihin sa klase noon na dapat ay ipatawag ng Kagawaran ng Filipino ang lahat ng mga magulang para ipaunawa sa kanila na hindi matututo ng Filipino ang mga anak nila kung sa eskwelahan lang ito gagamitin at kung sa bahay ay lagi silang pipiliting mag-Ingles lang. Karagdagang problema pa siyempre ang opisyal na pangingibabaw ng Ingles sa paaralang iyon na sa buong taon, kahit Agosto ay nagsasabit ng dambuhalang tarpaulin na may nakalagay SPEAK ENGLISH: THE LANGUAGE OF LEADERS (natatawa na lang kami kapag naaalalang ang patron ng paaralang iyon ay di rin sanay mag-Ingles at kung tutuusin, di uubrang masanay ng Ingles dahil sa kanyang kapanahunan, Latin ang lingua franca sa kanyang lugar). Eto na ang nakakainis na sinabi ni James: Filipino, on the other hand, was always the other subject almost a special subject like PE or Home Economics, except that it was graded the same way as Science, Math, Religion, and English. My classmates and I used to complain about Filipino all the time. Filipino was a chore, like washing the dishes; it was not the language of learning. It was the language we used to speak to the people who washed our dishes. Bakit ba inerereklamo ng mga Inglesero ang pag-aaral ng Filipino? E kaming mga ipinanganak na Filipino ang nakagisnang wika, di naman nagreklamo nang pilitin ng kindergarten teacher na magsabing A is for apple etc. Dahil di kami nagreklamo, natuto rin naman kaming mag-Ingles, lagpas pa sa street English.

3 sa 13

May problema si James at ang mga gaya niya. Siguro, pati ang mga magulang nila. Itinuturing nilang walang silbi at walang kwenta ang Filipino, isang pabigat, isang pahirap dahil para sa kanila, aminin man nila at hindi, ENGLISH IS THE LANGUAGE OF LEADERS; ENGLISH IS THE LANGUAGE OF SUCCESS etc. Subconsciously, iyan ang mantra nila. Iyan ang motto nila. Iyan ang way of life nila. Kunsabagay, sa kalagayan ng Pilipinas ngayon na walang ipinag-iba sa isang masunuring asong bungal na bubuntut-buntot sa mga dayuhang imperyalista gaya ng mga Amerikano at ng mga Intsik, wikang dayuhan lang talaga ang language of leaders and success. Siguro ngayon English, baka sa susunod na dekada, Mandarin naman. Ang mali lang ng mga gaya ni James, lalo na ng kanilang mga magulang, tinanggap na nila nang buung-buo ang ganitong sistema. Nagpalamon na sila sa sistema. Ayaw na nilang baguhin at/o labanan ang status quo, sa halip, pinagbutihan nilang maigi ang pagsasanay para magtagumpay sa ganitong sitwasyon. Ayun, nag-Ingles na lang tuloy sila nang nag-Ingles. Kung mag-aral man ng Filipino ay para lamang kausapin ang mga naghuhugas ng kanilang pinggan. Tandaan na si James mismo ang nagbigay ng gayong distinct na gamit ng Filipino sa mga gaya niya. Siya mismo ang nagpilit na gawing other ang Filipino at ang mga nagsasalita at/o gumagamit nito. Siya mismo ang tila nagsasabing: Dito kami, ang mga Ingleserong elite at middle class. Diyan kayo, mga hampaslupang Filipino lang ang alam. Sa bandang huli ng artikulo, binigyang-diin ni James ang kanyang pangmamaliit sa Filipino: For while Filipino may be the language of identity, it is the language of the streets. It might have the capacity to be the language of learning, but it is not the language of the learned. Siyempre, isang malaking katangahan ito. Hindi raw lenggwahe ng marurunong, ng intelektwal ang Filipino. Ang naghuhugas ng plato moy di marunong? Ang Filipino teacher moy di intelektwal? Ang karpinterong gumawa ng mga kasangkapang kahoy mo, di marunong? Si National Artist for Literature Amado V. Hernandez na nagsulat ng nobelang Mga Ibong Mandaragit na naisalin na sa maraming lenggwahe, di intelektwal? Ang mga sinulat ni National Artist for Literature Bienvenido Lumbera sa Filipino, di intelektwal? Si Dr. Zeus Salazar, Pilipinong istoryador na bihasang-bihasa (at nagsusulat/nagsulat) sa Filipino, Bikolano, Pranses, Ruso, Aleman atbp. ay di intelektwal? Ang mga sanaysay na taun-taon ay inilalathala ng Komisyon sa Wikang Filipino, pambobo ba? Sino ba ang learned para kay James? Ang nakakapag-quote kay Gramsci, kay Anderson, kay Foucault, kay Derrida, kay iek, kay Marx, kay Chomsky at sa 100+ intelektwal na di Pilipino? Kung tutuusin, marami sa mga ganyang intelektwal na kinikilala sa daigdig ay di naman English ang lenggwahe. Si Gramsci ay Italyano. Si Foucault at Derrida ay Pranses. Si iek ay Slovenian. Si Marx ay Aleman.

4 sa 13

Simple lang punto ko: ang kahit anong wika ay may kanya-kanyang intelektwal, kaya ang bawat wika ay intelektwal, wika ng mga learned. Ayaw kong maglagay ng bibliyograpiya rito ng mga intelektwal na Filipino ang ginagamit dahil baka sabihin na ako naman ang nagyayabang. Puntahan nyo ang Filipiniana section ng mga library at magbasa roon. Wala pang isang araw ay mapagtatanto nyong ang Filipino ay lenggwaheng intelektwal din. Pulutin din ang ilang ideya ni Gramsci. Ayon kay Gramsci, may tinatawag na organic intellectual. Kumbaga, intelektwal na street-wise. Ganun din ang mga tagahugas ng plato ni James at ng mga gaya nilang may sapat na pera para umupa ng labor ng ibang tao. Ang paghuhugas ng plato ay isang gawaing intelektwal dahil may mga estudyante at guro sa mga paaralang elite na kahit kabisado ang lahat ng sinabi ni Foucault o ni iek ay ni hindi naman sanay maghugas ng plato. Di ba? Daig pa ng tagahugas ng plato ang ilang may PhD sa ibang bansa! Ang gusto yata kasi ni James at ng mga gaya niyang mag-isip, instant language of the learned sa lahat ng field kaagad ang Filipino. Walang ganun. Bata-bata pa ang Filipino at ayan nga o, laging minamaliit ng elite at middle class sa Pilipinas. Pero given the chance, gaya ng Bahasa Indonesia na mas bata pa sa Filipino, uunlad din ang Filipino bilang language of the learned sa lahat ng fields. Kaya lang, sa Indonesia, ang elite at middle class ay makabayan din gaya ng masa, lalo na noong kalalaya lang nila sa mga Dutch. Dito sa Pilipinas, mayorya ng elite at middle class ay utak-kolonyal. Kunsabagay, wala silang lubay sa paglamon ng American beef, cheese, cholocate at paglaklak ng American softdrinks, coffee atbp. Pati isip tuloy ay Kanong-kano na. Ang sumatotal, gustong sabihin ni James sa unang artikulo niya na: Split-level Filipino ako. Sorry naman. Kasalanan ng edukasyong neokolonyal. Bravo! Pero ang problema, tila nasasarapan si James sa pagiging split-level Filipino at walang interes na maging purong Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa: I may be disconnected from my being Filipino, but with a tongue of privilege I will always have my connections. Kung tutuusin, pwedeng modang from-now-on-I-will-break-free-from-the-shackles-ofneocolonial-education-by-using-Filipino-as-a-language-of-learning-and-recognizing-itas-the-language-of-the-learned ang ending niya para masaya. Pero mas pinili niyang ipagyabang pa ang benepisyo, ang perks ng pag-Iingles sa Pilipinas. Hindi bat subtle na pagsasabi ito na Salamat at akoy Inglesero dahil sa Pilipinas, English is the language of success. Nilubos ni James ang (sarkastikong) pasasalamat sa neokolonyal na edukasyong ipinataw ng ngayoy mahigit 100 taon nang imperyalismong Amerikano sa Pilipinas: So I have my education to thank for making English my mother language.

5 sa 13

Kung sarkastiko nga ang kongklusyon niyang iyon, e mainam. Ibig sabihin, alam niya na neokolonyal ang edukasyon sa Pilipinas na ipinataw ng mga imperyalista...na itoy instrumento ng paghahari ng dayuhan sa ekonomya, pulitika at iba pang larangan. Para maintindihan kung bakit lagi nating sinasabing ang Ingles ay imposisyon ng mga imperyalista, basahin ang Wikileaks document na ito: http://wikileaks.org/cable/2006/08/06MANILA3561.html . Kung babalikan ang sinabi ni James na I may be disconnected from my being Filipino, but with a tongue of privilege I will always have my connections, mas madaling paniwalaan na literal ding nagpapasalamat si James sa neokolonyal na edukasyon niya. Kumbaga, hes thankful na Inglesero siya dahil ang English sa Pilipinas ay language of leaders, language of success etc. Siyempre, di riyan dapat matapos ang pagsusuri sa mga sinulat ni James. May inilabas siyang pangalawang artikulo (na sa wikang Filipino na): http://mb.com.ph/node/332639/wika-bilang-gunita . Iba na ang tono ng artikulong ito. Tipong Sinabi ko lang naman ang totoo. Nakakainis pa rin ang pangalawang artikulo. Bakit? Tinatangka nitong buhayin ang ilang mga isyung patay na. Halimbawa, sa opinyon ni James, meron pa rin daw tensyong rehiyonal na nananatili ukol sa konsepto ng wikang Filipino, sapagkat para sa marami, sadyang magkatumbas ang Tagalog at Filipino. Naniniwala pa rin si James sa mga nag-aakalang magkatumbas ang Tagalog at Filipino. Nakakainis dahil napakaraming beses na itong sinagot ng mga tagapagtanggol ng wikang Filipino gaya ni National Artist for Literature Virgilio Almario. Basahin ang UP Diksiyonaryong Filipino para makitang ibang-iba na ang Tagalog at Filipino. Bahagi na ng Filipino ang napakaraming salitang di-Tagalog gaya ng kawatan, xaddan, vugi, bana at marami pang iba. Ang hirap, tamad magbasa ang mga Ingleserong elite at middle class sa Pilipinas. Akusa nang akusa na Filipinos so deep! Its just like Tagalog! pero ni hindi pa yata nababasa ang UP Diksiyonaryong Filipino. Magkaiba ang Tagalog at Filipino pero dahil di kayo nagbabasa, e hindi nyo nga magegets kung bakit. Magbasa! Magbasa! Magbasa! Aba, gising mga Inglesero, ang Filipino ay wikang pambansa na ang corpus ay ang wikang Pilipino (na batay sa Tagalog) ngunit pinauunlad batay sa iba pang wikang umiiral sa Pilipinas! Kaysa muling magreklamo na Tagalog ang Filipino, aba, pwede bang tumulong na lang kayo sa paghahanap ng mga salitang di-Tagalog na pwedeng gamiting panumbas o equivalent ng mga salitang banyaga na walang eksaktong salin o translation sa Tagalog. Kumambyo si James sa ikalawang artikulo para bigyang-diin na makabayan din siya at nabiktima lamang ng edukasyong neokolonyal: Mahirap sabihing isinasabuhay nang nakararami ang wika bilang tanda ng pagiging Filipino. Mahirap, sapagkat, sa

6 sa 13

kongkreto, Ingles ang wikang binibigyang pribilehiyo sa ating opisyal na mga gawain. Mahirap, sapagkat maraming katulad kong pinalaki sa wikang Ingles na nag-aral, natuto, at nag-iisip sa wikang Ingles na itinuturing bilang suliranin ang kanilang pagiging split-level Filipino....Masakit ring sabihin na ang wikang Filipino ay wikang pangkalye. Ngunit may nailabas rin itong diskurso ukol sa relasyon ng wika sa kondisyong panlipunan. Kung pantay-pantay nga ang ating tingin sa bawat isa, bakit nga ba masakit marinig na ang wika natin ay wikang pangkalye? Sa madaling salita: bakit magkatumbas sa ating isipan ang "wikang pangkalye" at "wikang mababang-uri"? Sa bansang Pransiya, hindi ba't wikang pangkalye rin ang wikang Pranses? Hindi ba't ito ang wikang ginagamit ng mga trabahador, ng mga nagproprotesta? Ang pagkakaiba, sa madaliang tingin, ay wika ng lahat ang wikang Pranses. Maituturing talaga ito bilang wikang pambansa. Hindi ganito ang trato sa wikang Filipino. Ang diskurso ng wika bilang tanda ng pinagaralan ay halimbawa ng pagkakawatak-watak ng ating lipunan. Filipino ang wika ng mga militanteng nagproprotesta sa harap ng Malacanang, ngunit sa Ingles naman isinulat ang mga batas, executive order, at court order na pinoprotesta nila. Filipino ang wikang ginagamit natin kapag kakuwentuhan ang ating mga kaibigan at kasambahay ukol sa maiinit na isyu ng lipunan, ngunit inuulat ang mga isyung ito sa Ingles na "broadsheet o pangunahing diyaryo. Dagdag pa, suriin natin ang estado ng Filipino bilang wikang opisyal; kaakibat ito ng Ingles. Kung isinasalin man ang mga batas natin sa wikang pambansa, kakaunti lamang ang makikita mo sa internet. Laging nasa Ingles ang mga official memorandum, deed of sale at judicial issuances. Isandaang porsyento akong sang-ayon sa mga sama ng loob niya sa hegemonya ng Ingles sa Pilipinas. Matagal na rin naming reklamo iyan. Ang kaibahan lang, nakikinabang si James sa hegemonya ng Ingles (inamin na niya iyon sa una niyang artikulo). Nakikiiyak si James sa kakaunting publikasyon sa Filipino: Sa mga bilihan ng aklat, kakaunti na ang mga aklat na isinulat ng mga Filipino, mas kakaunti pa ang talagang nasa Filipino. Kasi naman, kayong mga elite at middle class na may pambili ng libro, Ingles ang gusto nyo. Ang tatamad ninyong magbasa ng aklat sa wikang sarili (na ayaw nyo nga palang angkinin dahil ang feeling nyo ay para kayong si Obama, si Queen Victoria o si Harry Potter na English ang mother tongue). Sa bandang huli, inulit na naman ni James ang isang maling akala: Ang punto ko rito ay dapat din natin pansinin na sa ibang rehiyon, ibang wika ang nangingibabaw. Sa bahaging ito, tila naging isang propagandista na naman ng kampong maka-Ingles si James. Ayaw niyang tanggapin na Filipino na ang dominanteng wika kahit sa ibang

7 sa 13

rehiyon. Hindi ba niya narinig noong buhay pa ang lider ng Abu Sayyaf na si Abu Sabaya sa mga kagubatan ng Basilan? Filipino ang ginagamit ni Abu Sabaya! Diyatat daig pa ni Abu Sabaya ang ibang Pilipinong wala naman sa gubat? Pansinin ang media. Mula telebisyon hanggang radyo. Pansinin din ang mas malawak na circulation ng mga tabloid kaysa sa mga broadsheet. Filipino na ang wika sa buong Pilipinas! Kakaunti na lang ang matitigas ang ulo na ayaw magkaisa ang Pilipinas! Ang kaibigan ni James na di raw pinansin ng taxi driver dahil nag-Filipino ay exception at hindi rule. Makikita sa website ( http://kwf.gov.ph/index.php?paged=3 ) ng Komisyon sa Wikang Filipino/KWF ang table na ito na nagpapakita na ang Tagalog na siyang batayan ng wikang Pilipino, na siya namang corpus ng wikang Filipino ang dominanteng wikang sinasalita ng mayorya ng mga pamilya SA BUONG PILIPINAS!

Pambansa na ang Filipino, sa ayaw at sa gusto ng mga gaya ni James na sarap na sarap sa privilege at connections na dulot ng pag-Iiingles nila. Kahit nga ang presidente ng Pilipinas na nangakong dadalhin ang bayan sa tuwid na landas ay Filipino na ang mas madalas gamitin. Ang ayaw mag-Filipino dapat ipatapon o i-exile sa ibang bansang idolo nila para di na nila mahadlangan ang tuluy-tuloy na pagsulong ng wikang Filipino. Ang mga elite at middle class, ang mga edukado na ayaw mag-Filipino dahil mahirap daw itong pagaralan ay dapat ding ipatapon o i-exile. Kasuhan na rin sila ng pagtataksil sa bayan o pagtatangkang magpasimuno ng rebelyon. Anong gusto nila, mamili ulit ng wikang katutubo na gagamiting wikang pambansa? Ang kukulit nila! Tapos na ang debate! Tinapos na yan sa deliberasyon sa pagbuo ng Konstitusyon ng 1987: wikang Filipinong ang corpus ay wikang Pilipino (na batay sa Tagalog) NA PAUUNLARIN SA TULONG NG IBA PANG WIKANG UMIIRAL SA PILIPINAS. Pambansa ang Filipino! Traydor sa bayan at sa Konstitusyon ang magsasabing hindi ito pambansa. Isa pa, dapat bigyangdiin na ang estruktura at talasalitaan ng Filipino ay malapit na malapit sa iba pang wika

8 sa 13

ng Pilipinas kaya napakadali nitong pag-aralan ninuman sa buong Pilipinas. Hindi pwedeng mag-inarte ang elite at middle class sa mga rehiyong di-Tagalog dahil ang mga wika sa Pilipinas ay malapit na malapit sa Filipino. Kung ang Ingles nga na napakalalayo ang estruktura at talasalitaan sa mga wika ng Pilipinas ay natutuhan nila at namaster, e di lalo pa ang wikang Filipino! Kung gusto nilang mag-Filipino, matututo sila kaagad! Kami ngang pinilit lang noon na mag-Ingles ay natuto naman ng maayos na Ingles. Hindi maaaring Ingles ang maging wikang pambansa kahit na ito pa rin ang language of power sa bansa dahil wala pang 1% ng populasyon ng Pilipinas ang totoong makapagsasabing ito ang mother language nila. Iminumungkahing lunurin ang bawat Pilipino at pakinggang mabuti ang isisigaw nila habang nalulunod. Pupusta akong wala pang 1% ang magsasabing HELP! o kayay LORD GOD, SAVE ME! o IM DROWNING!

Mabuhay ang wikang Filipino! Mabuhay ang sambayanang Pilipino! Itakwil ang imperyalistang imposisyon sa edukasyon! Isulong ang ganap na Filipinisasyon ng edukasyon! Itaguyod ang wikang Filipino bilang wika ng edukasyon at gobyerno!

- David Michael M. San Juan Instruktor, Departamento ng Filipino, De La Salle University-Manila

(Para sa mas detalyadong pagtalakay sa mga isyung pangwika: http://www.scribd.com/doc/63081521/Sanaysay-Buwan-Ng-Wika2011 http://www.scribd.com/doc/56032425/Multilinggwalismo-Salbabida-Ng-Wikang-Filipinoat-Mga-Dayalekto-Bagong-Kahingian-Sa-Global-is-a-Dong http://www.scribd.com/doc/47172392/Paper-on-Nationalist-and-Socially-ConsciousEducation ) Narito ang mga artikulo ni James Soriano:

9 sa 13

Language, learning, identity, privilege Ithink By JAMES SORIANO August 24, 2011, 4:06am MANILA, Philippines English is the language of learning. Ive known this since before I could go to school. As a toddler, my first study materials were a set of flash cards that my mother used to teach me the English alphabet. My mother made home conducive to learning English: all my storybooks and coloring books were in English, and so were the cartoons I watched and the music I listened to. She required me to speak English at home. She even hired tutors to help me learn to read and write in English. In school I learned to think in English. We used English to learn about numbers, equations and variables. With it we learned about observation and inference, the moon and the stars, monsoons and photosynthesis. With it we learned about shapes and colors, about meter and rhythm. I learned about God in English, and I prayed to Him in English. Filipino, on the other hand, was always the other subject almost a special subject like PE or Home Economics, except that it was graded the same way as Science, Math, Religion, and English. My classmates and I used to complain about Filipino all the time. Filipino was a chore, like washing the dishes; it was not the language of learning. It was the language we used to speak to the people who washed our dishes. We used to think learning Filipino was important because it was practical: Filipino was the language of the world outside the classroom. It was the language of the streets: it was how you spoke to the tindera when you went to the tindahan, what you used to tell your katulong that you had an utos, and how you texted manong when you needed sundo na. These skills were required to survive in the outside world, because we are forced to relate with the tinderas and the manongs and the katulongs of this world. If we wanted to communicate to these people or otherwise avoid being mugged on the jeepney we needed to learn Filipino. That being said though, I was proud of my proficiency with the language. Filipino was the language I used to speak with my cousins and uncles and grandparents in the province, so I never had much trouble reciting.

10 sa 13

It was the reading and writing that was tedious and difficult. I spoke Filipino, but only when I was in a different world like the streets or the province; it did not come naturally to me. English was more natural; I read, wrote and thought in English. And so, in much of the same way that I learned German later on, I learned Filipino in terms of English. In this way I survived Filipino in high school, albeit with too many sentences that had the preposition ay. It was really only in university that I began to grasp Filipino in terms of language and not just dialect. Filipino was not merely a peculiar variety of language, derived and continuously borrowing from the English and Spanish alphabets; it was its own system, with its own grammar, semantics, sounds, even symbols. But more significantly, it was its own way of reading, writing, and thinking. There are ideas and concepts unique to Filipino that can never be translated into another. Try translating bayanihan, tagay, kilig or diskarte. Only recently have I begun to grasp Filipino as the language of identity: the language of emotion, experience, and even of learning. And with this comes the realization that I do, in fact, smell worse than a malansang isda. My own language is foreign to me: I speak, think, read and write primarily in English. To borrow the terminology of Fr. Bulatao, I am a split-level Filipino. But perhaps this is not so bad in a society of rotten beef and stinking fish. For while Filipino may be the language of identity, it is the language of the streets. It might have the capacity to be the language of learning, but it is not the language of the learned. It is neither the language of the classroom and the laboratory, nor the language of the boardroom, the court room, or the operating room. It is not the language of privilege. I may be disconnected from my being Filipino, but with a tongue of privilege I will always have my connections. So I have my education to thank for making English my mother language. ******* Wika bilang gunita Ithink By JAMES SORIANO August 31, 2011, 12:45am MANILA, Philippines Malawak ang diskurso ukol sa wikang Filipino. Sa isang banda, may mga nagsasabing tapos na ang debate, sapagkat humantong na tayo sa punto ng

11 sa 13

ating kasaysayan na dapat matutunan ito at gamitin bilang pangunahing wika sa pakikipag-ugnayan. Sa madaling salita, nagwagi na ang wikang Filipino, at ang paggamit ng nasabing wika ang tanda ng pagiging Filipino. Sa kabilang banda, pinag-uusapan pa rin ito, lalo na sa akademya at mga umpukan ng intelektwal. May mga nagtatanong pa rin tungkol sa kalagayan ng wika: sa paggamit ng wikang Filipino bilang "second language" sa wikang Ingles, at sa tensyong rehiyonal na nananatili ukol sa konsepto ng wikang Filipino, sapagkat para sa marami, sadyang magkatumbas ang Tagalog at Filipino. Subalit ang nakagagambalang katotohanan ay naiiwan ang diskursong ito sa mga palihan at silid-aralan. Sa palagay ko, malay tayong lahat na may ganitong uri ng diskurso. Nakabaon nga lamang siguro ito sa ating kubling-malay, at hindi binibigyang boses o panahon. Kaya naman ninais kong bigyang-pahayag nang pahapyaw ang diskursong ito sa konteksto ng aking pagpapalaki -- sapagkat sa aking karanasan, "English-speaking" pa rin ang ating bayan. Mahirap sabihing isinasabuhay nang nakararami ang wika bilang tanda ng pagiging Filipino. Mahirap, sapagkat, sa kongkreto, Ingles ang wikang binibigyang pribilehiyo sa ating opisyal na mga gawain. Mahirap, sapagkat maraming katulad kong pinalaki sa wikang Ingles na nag-aral, natuto, at nag-iisip sa wikang Ingles na itinuturing bilang suliranin ang kanilang pagiging "split-level Filipino." Sa nakaraang artikulo, ninais kong magambala ang mambabasa para basahin ang dinakasulat. Inimbitahan ko siyang suriin ang kaisahan ng aking tono sa estadong panlipunan na isiniwalat ko. Tinangka kong hamunin ang mismong pag-unawa ng mambabasa sa kondisyon ng ating wika at identidad bilang Filipino. Minarapat kong isiwalat ang kondisyon ng wikang Filipino sa aking mga mata upang maabot ang madla, sapagkat ang kondisyon ng wikang Filipino ay kondisyong pangmadla. At dahil kondisyon ang aking tinatalakay, kundisyonal o "descriptive" rin ang aking mga pahayag. Hindi ako nagdududang may mga dalubhasang nagsusulat, nagtuturo, at nakikipagtalastasan sa Filipino; ngunit hindi rin natin maikakaila na, sa kabuuan, ang wikang Ingles ang pinipiling gamitin sa mga pamantasan. Masakit ring sabihin na ang wikang Filipino ay wikang pangkalye. Ngunit may nailabas rin itong diskurso ukol sa relasyon ng wika sa kondisyong panlipunan. Kung pantaypantay nga ang ating tingin sa bawat isa, bakit nga ba masakit marinig na ang wika

12 sa 13

natin ay wikang pangkalye? Sa madaling salita: bakit magkatumbas sa ating isipan ang "wikang pangkalye" at "wikang mababang-uri"? Sa bansang Pransiya, hindi ba't wikang pangkalye rin ang wikang Pranses? Hindi ba't ito ang wikang ginagamit ng mga trabahador, ng mga nagproprotesta? Ang pagkakaiba, sa madaliang tingin, ay wika ng lahat ang wikang Pranses. Maituturing talaga ito bilang wikang pambansa. Hindi ganito ang trato sa wikang Filipino. Ang diskurso ng wika bilang tanda ng pinagaralan ay halimbawa ng pagkakawatak-watak ng ating lipunan. Filipino ang wika ng mga militanteng nagproprotesta sa harap ng Malacanang, ngunit sa Ingles naman isinulat ang mga batas, executive order, at court order na pinoprotesta nila. Filipino ang wikang ginagamit natin kapag kakuwentuhan ang ating mga kaibigan at kasambahay ukol sa maiinit na isyu ng lipunan, ngunit inuulat ang mga isyung ito sa Ingles na "broadsheet o pangunahing diyaryo. Dagdag pa, suriin natin ang estado ng Filipino bilang wikang opisyal; kaakibat ito ng Ingles. Kung isinasalin man ang mga batas natin sa wikang pambansa, kakaunti lamang ang makikita mo sa internet. Laging nasa Ingles ang mga official memorandum, deed of sale at judicial issuances. Sa madaling salita: kung nakabababa man ang wikang Filipino, hindi ito dahil mas mababa ang Filipino bilang wika, kundi dahil mababa ang tingin natin dito sa ating mismong lipunan. Masakit pakinggan, ngunit ganito natin itinuturing ang wikang "pambansa." Pinagtatawanan din natin kapag isinasalin sa Filipino ang mga pelikula't palabas na banyaga; hindi ko alam kung may susubaybay pa ba sa Gossip Girl kung naka-dub ito sa wikang Filipino. Sa mga bilihan ng aklat, kakaunti na ang mga aklat na isinulat ng mga Filipino, mas kakaunti pa ang talagang nasa Filipino. Sa ilang paaralan, "Language" pa ang tawag sa asignaturang "English," samantalang hindi "Wika" ang tawag sa "Filipino." Dagdag pa, tinuturo ang sipnayan, agham, at "Reading" sa Ingles; kaya siguro mas gusto nating magbasa ng Noli at Fili sa SparkNotes pagtuntong natin sa mataas na paaralan. Nakapagtataka pa rin bang marami pa rin sa atin, mayaman man o hindi, ang nahihirapan pa ring magbasa at magsulat sa Filipino? Mapapansin sa mga bumabatikos sa akin ang sumusunod na argumento: dapat itaguyod ang wikang Filipino sapagkat isa kang Filipino. Dito, makikita nating nakatali ang ideya ng pagiging Filipino sa paggamit ng wikang Filipino. Kung gayon, ibig sabihin bang ang mga hindi marunong o tahasang hindi gumagamit ng wikang Filipino ay hindi na Filipino?

13 sa 13

Ang punto ko rito ay dapat din natin pansinin na sa ibang rehiyon, ibang wika ang nangingibabaw. Ang wikang Filipino ay nakabase sa wikang Tagalog, na isa lamang sa napakaraming wikang basehan ng indibidwal na identidad. Dahil dito, hindi ito tinatanggap ng lahat; may narinig na rin akong kuwento ng kaibigang nag-taxi, na hindi pinansin ng tsuper sapagkat kinausap niya si manong sa wikang Filipino. Kung gayon, talaga ngang limitado ang ating karanasan: iba ang kondisyon ng wikang pambansa sa labas ng Maynila. Sa kabisera mismo, Ingles pa ang ginagamit ng marami sa nakapag-aral. Wala akong inambisyon kundi maisulat ang totoong nadarama nang walang takot. Ngayong napag-uusapan ang isyu ng wikang pambansa sa internet at media, naghahanap ako ng masusing tugon mula sa madla; sapagkat, sa palagay ko, walang mas mainam na paraan upang suriin ang gunitang pambansa kundi sa pagdiskurso tungkol sa Filipino bilang bansa sa Buwan ng Wika.

You might also like