You are on page 1of 14

Ang Wika

Aralin 2

Panimula

Naranasan mo na bang makipag-usap sa di-kilala? O sa mga taong kilala sa


lipunan na may mataas na pinag-aralan? Paano naman sa mga taong di bihasa sa
paggamit ng wikang Filipino? Samakatuwid kailangan mong
malaman,maunawaan at matutunan ang wika upang kayo ay magkaintindihan.
Kung ito’y inyong napag-aralan, mapalawak mo na ang iyong kaalaman lalo na sa
kahalagahan ng wika sa pakikipag-komyunikeyt at pakikipag-ugnayan sa isang
tao.

Sa araling ito ay mapalalawak pa ang iyong kaalaman tungkol sa


mahalagang tungkulin ng wika sa bawat tao at ang kanyang paggamit nito upang
maayos nitong maipabatid ang kanyang saloobin sa kanyang kinakausap, lalo na
kapag ang isang indibidwal ay nakikisalamuha sa mga pangkat ng tao na may mga
iba’t ibang kultura. Lalo na’t ang kultura ay maituturing na komplikadong ideya
na nakapaloob sa kilos, galaw at iba pang anyo. At ang wika at kultura ay
maituturing na dalawang salita na nagsisilbing simbolo ng lipunan upang matuloy
ang identidad at pagkakakilanlan ng bawat tao sa lipunan.
Mga Layunin

Pagkatapos ng talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang ;

1. Nabibigyang depinisyon ang wika.

2. Napahahalagahan ang wika bilang mahalagang sangkap sa pakikipag-ugnayan at


pakikipagtalastasan ng bawat indibidwal.

3. Naiuugnay ang sariling karanasan tungkol sa mahalagang papel na


ginagampanan ng wika sa pakikipagkomyunikeyt sa ibang tao.

4. Naipaliliwanag ang pinagmulan ng wika ayon sa sariling pag-uunawa.

5. Naipaliliwanag ang iba’t ibang depinisyon ng wika

6. Naiuugnay ang sariling karanasan sa iba’t ibang teorya sa wika.

7. Nakapagbibigay ng sariling opinyon tungkol sa iba’t ibang pananaw sa wika.

________________________________________________

Balangkas ng Paksa

Aralin 2: Ang Wika

2.1 Wika

2.2 Pinagmulan ng Wika

2.3 Depinisyon ng Wika

2.4 Iba’t ibang Teorya sa Wika

2.5 Iba’t ibang Pananaw sa Wika


SUBUKIN NATIN !
A. Panuto : Subukin natin kung natatandaan pa ninyo ang
kahalagahan ng wika sa bawat indibidwal sa pagkakaroon ng
maayos at mabuting ugnayan.

Tagapagpadala ito
Ang wika ay nag- ng ideya at
uugnay sa mga tao naiimpluwensyahan
sapagkat ito ang nito ang ugali ng
nagbubuklod satin. tao, isip at
damdamin.

WIKA

Wika ang ginagamit Ang wika ang ginagamit


sa sa pakikipag-ugnayan at
sa pagtuturo sa iba. Ang
pakikipagtalastasan
sukatan ng karunungan
at pakikipag- at katalinuhan ay
ugnayan ng isang kakayahan nito sa
tao sa lahat ng pagsasalin ng mga
pagkakataon. natutunan sa ibang tao.
B. Panuto : Magbigay ng iyong konsepto tungkol sa wika.

WIKA Ang wikang Filipino ay demokratiko


dahil ang paglikha at paglinang ng
Ang wikang Filipino ang
wika ay hindi lamang ginawa ng
natural.
iisang tao.

Ang wika ay nagagamit bilang


Ang wikang Filipino ay dinamiko instrumento ng komunikasyon dahil
dahil ito ay pabago-bago batay sa ginagamit ang wika upang ipahayag
pag-gamit ng mga tao ditto. ang ating damdamin,
pangangailangan, at iniisip sapagkat

Ang wika ay may taglay na malalim,


malawak at natatanging kaalaman at Ang wika ay natatangi.
karunungan.

Samakatuwid, napakahalaga ng wika sapagkat ito ang nagbibigay buhay,


diwa at ang nagpapakilala sa bansa, ito ang sumasalamin sa kultura,
kaugalian, paniniwala, kaalaman at karunungan ng mga mamayan, ang
nagbabatid ng kakayahan ng mga tao, ito ang daluyan ng ating
komunikasyon, ito ang larawan na nagpapakita ng ating pagkakakilanlan,
kung paano tayo tatanawin at ituturing ng mga tao sa labas ng bansa.  

PAG-ISIPAN MO !

Panuto : Mag-isip ng dalawang senaryo tungkol sa sariling karanasan na may


kinalaman sa mahalagang papel na ginagampanan ng wika sa
pakikipagkomyunikeyt sa ibang tao.
SENARYO B

RUBRIKS
Pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa pagsulat ng komposisyon, talata at sanaysay.
Napakahusay Katamtaman Di-gaanong
Pamantayan (5) (3) Mahusay Marka
(2)
Napakalinaw at Hindi gaanong Mahirap
1.Sistematiko at malinaw sistematiko ang malinaw at maayos maintindihan ang
paglahad ng ang pagkalahad ng ipinahahayag na
na pagkalahad ng detalye detalye detalye detalye
Angkop ang Hindi gaanong Walang ibinigay na
2.Kaangkupan sa nilalaman ng angkop ang bago at angkop sa
paksa nilalaman ng paksa nilalaman ng paksa
nilalaman ng paksa
Mahusay na Hindi gaanong Hindi mahusay ang
3. Pagsunod sa tuntuning nasunod ang nasunod ang ilang pagsunod sa
tuntuning tuntuning tuntuning
panggramatika panggramatika panggramatika panggramatika
Napakalinis at Maayos subalit Madumi at magulo
4.Kalinisan at kaayusan napakaayos ang hindi gaano malinis ang paraan ng
pagkakasulat ang pagkakasulat pagkakasulat
sa pagsulat

KABUUAN

Pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa pagsagot ng mga pagsasanay .

Napakahusay Katamtaman Di-gaanong


Pamantayan (5) (3) Mahusay Marka
(2)
Malinaw na Hindi gaanong Mahirap
1.Malinaw ang pagkalahad ng malinaw ang malinaw ang intindihin ang
pagkalahad ng pagkalahad ng ipinahahayag
detalye. detalye detalye na detalye
Nasunod nang Hindi gaanong Hindi nasunod
3. Nasunod nang wasto ang wasto ang nasunod ang ang panuto
panuto panuti
panuto
Napakalinis at Maayos Madumi at
4.Kalinisan at kaayusan sa napakaayos subalit hindi magulo ang
ang gaano malinis paraan ng
pagsulat pagkakasulat ang pagkakasulat
pagkakasulat

KABUUAN
MAGBASA AT MAGNILAY-NILAY
2.1 Wika
ANG WIKA
Ang pinakamahalagang interes sa pag-aaral ng wika ay hindi ang wika mismo kundi ang
gamit nito, kung papaano ang wika nagpapakilala sa tao, ang sosyal niyang kaligiran, mga pangarap at
mithiin niya, persepsyon nila sa bawat isa, at ang sitwasyon sa lipunan na kung saan siya nabibilang.
(A.D. Edwards, 1979) .

Ang wika ay maituturing na isang espesyal na sistema ng komunikasyong oral at pasulat. Sa


aspektong ito, ang pagpapahayag ay nailalahad sa paraang berbal at di-berbal. Ito ay natututuhan sa
lipunang kanilang kinabibilangan at ang wikang natutuhan ay batay sa kultura ng lipunang kinalakhan.

2.2 PINAGMULAN NG WIKA

Saan nga ba nagmula ang wika? Paano nga ba nagkaroon ng wika ang mga tao sa sanlibutan?
Ito ang mga tanong na madalas na umuukilkil sa isipan ng bawat isa kung ang pag-uusapan ay
patungkol sa pinagmulan ng wika. Ayon sa iba’t ibang manunulat at teorista, ang may
pinakamatandang lahi ay ang mga Egyptian at maging ang kanilang wika ay kasing tanda na rin nila.

Mula sa aklat nina Fromkin, V.& R. Rodman (1983), ang lahat ng kultura ay may kani-
kanilang kuwento ng pinagmulan ng wika. Ayon naman kay Darsna Tyagi (2006), pinaniniwalaang
ang Son of Heaven na si Tien-Zu ang nagbigay ng wika at kapangyarihan. Sa bansang Hapon, si
Amaterasu ang tinaguriang manlilikha nila ng wika.

2.3 DEPINISYON NG WIKA

Ang wika ay nabigyan ng depinisyon ayon sa mga iba’t ibang awtor ;

Buensuceso- ang wika ay isang arbitraryong Sistema ng mga tunog o ponema na ginagamit ng
tao sa pakikipagtalastasan.

Caroll (1954) – ang wika ay isang Sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng
lipunan.

Edward Sapir (1949) – ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng
mga kaisipan, damdamin at mithiin.

Todd ( 1987 ) - ang wika ay isang set ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon.

Tumangan, Sr. et al. (1997)- Ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na panandang
binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa at nagkakaugnay-ugnay ang
isang pulutong ng mga tao.
2.4 IBA’T IBANG TEORYA SA WIKA

Ang pinagmulan ng wika ay may pinaniniwalaang mga teorya kung saan at


paano ito nagsimula ;

Teoryang Bow-wow – ang teoryang ito ay naninindigan na ang wika ay nagsimula


sa pamamagitan ng panggagaya sa mga likas na tunog gaya ng ngiyaw ng pusa at tilaok
ng manok.

Teoryang Pooh-pooh – ang teoryang ito ay naniniwalang, nabuo ang wika sa


instinktibong pagbulalas na nagsasaad ng sakit, galak, galit, tuwa at iba pa.

Teoryang Dingdong - Ito ay kilala rin sa tawag na teoryang natibisko na may


ugnayang misteryo ang mga tunog at katuturan ng isang wika at bagay-bagay sa paligid.

Teoryang Yum-Yum - ang teoryang ito ay nagsasaad na ang tao ay tumutugon sa


pamamagitan ng kumpas sa alinmang bagay na nagangailangan ng aksyon.

Teoryang Yo-he-ho - ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga ingay na
nalilikha ng mga taong magkatuwang sa kanilang pagtatrabaho o puwersng pisikal.

Teoryang Tarara-boom-de-ay-Ang teoryang ito ay naniniwalang, ang mga tunog


na mula sa ritwal ng mga sinaunang tao na naging daan upang magsalita ang tao.

2.5 IBA’T IBANG PANANAW SA WIKA

 Ayon kay Virgilio Almario, “Kung ano ang wika mo, iyon ang pagkatao mo.”

 Trudgill (2000) “Ang wika ay isang panlipunang tungkulin ng tao”.

 Tumangan Sr. et al. (1977), “Ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na
panandang binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa
at nagkakaugnay-ugnay ang isang pulutong ng mga tao”.

 Malinowski (1998 ), “ Wika ang pangunahing kaisipan ng pagkakaisa at


pakikipagtalamitam ”.
GAWAIN 1

PANUTO : Ipaliwanag ang ipinahihiwatig sa ilustrasyon .

Tao

Wika Wika

Tao

Nakasusuri ng mga teksto at usaping panlipunan na nagtatampok


ng kalagayang pangwika at implikasyong kultural sa Pilipino.

Gawain 2

Panuto : Ibigay ang iyong sariling opinyon tungkol sa tanong.

1. Bakit ang wika ay maituturing na isa sa mga mahalagang sangkap sa pakikipag-


ugnayan at pakikipagtalastasan ng bawat indibidwal ?
Gawain 3

Ipaliwanag sa sariling pag-unawa ang pananaw ng mga awtor tungkol sa wika.


Mga Pananaw tungkol sa wika Paliwanag

1.Ayon kay Virgilio Almario, “Kung ano Ang wika ay sumasalamin sa kultura,
ang wika mo, iyon ang pagkatao mo.” kaugalian, o paniniwala ng mga tao. Wika
ang instrumento upang makilala ang isang
tao.

2. Trudgill (2000) “Ang wika ay isang


panlipunang tungkulin ng tao”. Ipinapahiwatig nito na ang wika ang
sumasalamin sa pagkatao sa bawat indibidwal
ng ating bansa.

3. Malinowski (1998 ), “ Wika ang


pangunahing kaisipan ng pagkakaisa at Ang wika ang itinuturing na pangunahing
pakikipagtalamitam ”. kaisipan ng pagkakaisa at pakikipagtalamitan
dahil ang wika ay ginagamit ng bawat tao
upang makipag komyunika sa ating kapwa.
Sa pamamagitan ng wika ay nakakapaglahad
tayo ng mga saloobin sa isa't - isa.

4. Tumangan Sr. et al. (1977), “Ang wika


ay isang kabuuan ng mga sagisag na
panandang binibigkas na sa pamamagitan Sinasabi dito na mahalaga ang wika sapagkat
nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa at ito ang nagiging tulay upang magkaunawaan
nagkakaugnay-ugnay ang isang pulutong at magkaisa ang mga tao.
ng mga tao”.

RUBRIKS
Pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa pagsulat ng komposisyon, talata at sanaysay .

Napakahusay Katamtaman Di-gaanong


Pamantayan (5) (3) Mahusay Marka
(2)
Napakalinaw at Hindi gaanong Mahirap
1.Sistematiko at malinaw sistematiko ang malinaw at maayos maintindihan ang
paglahad ng ang pagkalahad ng ipinahahayag na
na pagkalahad ng detalye detalye detalye detalye
Angkop ang Hindi gaanong Walang ibinigay na
2.Kaangkupan sa nilalaman ng angkop ang bago at angkop sa
paksa nilalaman ng paksa nilalaman ng paksa
nilalaman ng paksa
Mahusay na Hindi gaanong Hindi mahusay ang
3. Pagsunod sa tuntuning nasunod ang nasunod ang ilang pagsunod sa
tuntuning tuntuning tuntuning
panggramatika panggramatika panggramatika panggramatika
Napakalinis at Maayos subalit Madumi at magulo
4.Kalinisan at kaayusan napakaayos ang hindi gaano malinis ang paraan ng
pagkakasulat ang pagkakasulat pagkakasulat
sa pagsulat

KABUUAN

Pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa pagsagot ng mga pagsasanay .

Napakahusay Katamtaman Di-gaanong


Pamantayan (5) (3) Mahusay Marka
(2)
Malinaw na Hindi gaanong Mahirap
1.Malinaw ang pagkalahad ng malinaw ang malinaw ang intindihin ang
pagkalahad ng pagkalahad ng ipinahahayag
detalye. detalye detalye na detalye
Nasunod nang Hindi gaanong Hindi nasunod
3. Nasunod nang wasto ang wasto ang nasunod ang ang panuto
panuto panuti
panuto
Napakalinis at Maayos Madumi at
4.Kalinisan at kaayusan sa napakaayos subalit hindi magulo ang
ang gaano malinis paraan ng
pagsulat pagkakasulat ang pagkakasulat
pagkakasulat

KABUUAN

KABANATANG PAGSUSULIT
EEBAALWASYON BALWASYON

Pangalan : Luvern Dianne V. Majen_________ Petsa : 09-07-21_______


Kurso at Taon: BS CD 2A______________________ Marka : _____________
I-PANUTO : Isulat sa patlang ang tamang sagot tugon sa ibinigay na pahayag o
pangungusap.

TODD1. Ang wika ay tumutukoy sa isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o
natututuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.
KULTURA 2. Ito ay maituturing na komplikadong ideya na maaaring nakapaloob sa
kilos,galaw, at iba pang anyo.
WEBSTER 3. Ang wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog kundi, ito
ay sinusulat din.
A.D. EDWARDS 4. Ayon sa kanya, ang pinakamahalagang interes ng pag-aaral ng wika ay
hindi ang wika mismo kundi, ang gamit nito.
BERNALES 5. Ang konseptong ito ay simbolikong natututuhan
VILGIRIO S. ALMARI 6. Ayon sa kanya, “ Kung ano ang wika mo, iyon ang pagkatao
mo “.
TEORYANG POOH-POOH 7. Ipinalalagay sa teoryang ito na ang unang mga pananalitang
nalikha ay mga padamdam na nagpapahayag ng biglang sulak at masidhing damdamin
NALILIKHA SA MGA RITUAL 8.Ang teoryang Tarara-boom-de-ay ay mga tunog na
mula sa na naging daan upang magsalita ang tao.
TEORYANG YO-HE-HO 9.Ayon sa teoryang ito,Ang wika ay nagmula sa mga ingay na
nilikha ng mga taong magkatuwang sa kanilang pagtatrabaho o puwersang pisikal.
ALFONSO O. SANTIAGO 10. Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan , damdamin at mithiin

II – PANUTO : Ipaliwanag ang mahalagang ambag ng wika sa tao. (5 pts.)

Dahil ang wika ang daan sa pag kakaisa at pag kakaintindihan dahil kung
mag kakaiba ang ating wika tayo ay hindi mag kakasundo at maaaring
hindi maging payapa ang ating mundo.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

You might also like