You are on page 1of 40

MGA WIKA /

WIKAIN SA
PILIPINAS
Sa Aking Kabata
`To My Fellow Youngsters’
~ Jose Rizal (1861-1896) ~
“Ang hindi magmahal sa kanyang salita “He who does not love his language
Mahigit sa hayop at malansang isda; Is worse than a beast and putrid fish;
Laya ang marapat pagyamaning kusa So it has to be nourished
Na tulad sa inang tunay na nagpala.” Like a loving mother does.”
Mga wika sa Pilipinas (panimula)
• Isa ang Pilipinas sa mga bansang may
pinakamaraming wika sa buong daigdig. Maliban sa
pambansang wikang Filipino, kasama nang mahigit sa
sandaang katutubong wika.
• Sinasalita rin ang mga wikang banyaga tulad ng Ingles,
Mandarin, Kastila, Arabe at iba pa.....
• Ang mga katutubong wika sa Pilipinas ay napapaloob
sa pamilya ng mga wika na kung tawagin ay mga wikang
Austronesyo.
• Ang mga ito ay ang pangkat ng mga wika na ginagamit ng mga
tao mula sa Tangway ng Malay hanggang sa mga watak-
watak na pulo ng teritoryong Polynesia sa karagatang
Pasipiko.
Mga banyagang wika
nakapaloob sa mga wikain
ng Pilipinas...
INGLES
• Ang Ingles ay isang wika na nagmula sa mga wikang Aleman
na isang sangay ng Indo-Europeong pamilya ng mga wika.
• Dahil sa impluwensiya ng Kaharian ng Britanya at Estados
Unidos, naging lingua franca ito sa iba't ibang mga bansa.
• Ito'y ginagamit pangkalawakan sa mga Komonwelt at mga
internasyonal na mga organisasyon.
• Tinatala na ang total ng mga nanalita ng Ingles bilang unang
o ikalawang wika ay 500 milyon hanggang 1.8 bilyon na
katao.
MANDARIN
• Ang Mandarin ay ang wika ng pagtuturo sa Tsina at Taiwan.
• Isa ito sa limang pangunahing mga wikang pangrehiyon ng Tsina.
• Ang Mandarin ay isinusulat sa pamamagitan ng mga panitik o karakter
na Intsik na tinatawag na Hàn zì.
• Bawat Hànzì ay may kani-kaniyang bigkas at kahulugan.
• Maglalaman ang isang pangkaraniwang talahuluganan o diksyunaryo
ng nasa bandang 10,000 mga panitik.
• Ang Sinasalitang Mandarin ay gumagamit ng napakaraming mga
pinagtambal-tambal na mga salita, mga salitang nagsasama-sama ng
mga kahulugan katulad ng sa paraan ng pagtatambal sa Tagalog,
halimbawa na ang "buntot-page", "bahay-kubo", "pook-pasyalan", at
iba pa.
KASTILA
• Ang Wikang Kastila ay ang opisyal na wika ng Pilipinas noong simula ng
pamumuno ng mga Kastila noong mga huling bahagi ng ika-16 na siglo, hanggang
sa pagtatapos ng Digmaang Kastila-Amerikano noong 1898.
• Nanatili ito, kasama ng Ingles, bilang de facto at opisyal na wika hanggang sa
inalis ito noong 1973 sa pamamagitan ng pagbabago sa saligang-batas.
• Ang wikang Kastila ay naging lingua franca ng mga Pilipino hanggang sa unang
gitnang bahagi ng ika-20 siglo.
• May ilang libong mga hiram na salita mula sa Kastila ang nasa 170 mga
katutubong wika sa Pilipinas
• Ayon sa senso ng Pilipinas noong 1990, may 2,660 mga katutubong mananalita
ng wikang Kastila sa Pilipinas.
• Noong 1998, may 1.8 milyong nagsasalita ng wikang Kastila kasama ang mga
nagsasalita nito bilang kanilang pangalawang wika.
ARABE
•Ang Arabo ang pinakamalaking kasapi ng
sangay Semitiko ng pamilya ng mga wikang
Aproasyatikoat malapit na kamag-anak
ng Ebreo at Arameo.
•Sinasalita ito sa buong daigdig Arabo at malawakang
inaaral at naaalam sa buong daigdig Muslim.
•Ang Arabo ay isang wikang pampanitikan mula pa
noong mga ika-6 dantaon at ang wikang panliturhiya
ng Islam.
WIKANG AUSTRONESYO
• Ang mga wikang Austronesyo o Awstronesyo ay
isang pamilyang wika na malayang nakakalat sa mga
kapuluan ng Timog-Silangang Asya at ng Pasipiko, na may
ibang kasapi ginagamit sa mismong kontinente ng Asya.
• Katulad siya ng mga mag-anak na wikang Indo-
Europeo, Apro-Asyatiko, at Uraliko bilang isa sa mga
tanging establisadong mga sinaunang pamilyang wika.
• Ang pangalang Awstronesyo ay nagmula
sa Lating auster (hangin mula sa timog), uster, at
ng Griyegong nêsos (pulo)
PALAUGNAYAN
NG MALAYO
POLINESYA
Pandarayuhan sa Pilipinas
Ayon sa kasaysayan ng Kapuluang Pilipinas, noong mga unang panahon, nagdaan
ang mga Indian sa mga pulo ng Indonesia sa Borneo at nakasapit sa ating pook.
Nakarating din sa ating mga pulo ang mga Arabe na may dalang sulat at wikang
Sanskrito. Nagsipaglakbay din sa Borneo, Palawan at Panay ang mga Siam (unang
kaharian sa Cambodia).

Nangagsiparito at nanakop sa mga tao rito ang mga Instik, gaya rin ng pananakop ng
mga kaharian ng Madjapahit at Shri-Bisaya. Saka pa nandayuhan dito ang mga Kastila
at pagkaraan ng ilang dantaon, sumakop naman sa atin ang mga Amerikano.
Naghahanapbuhay na ritong una pa kaysa mga Kastila ang mga Hapones. Sa lahat ng
mga lahi at bansang nasabi, nakapulot at nanghiram ng mga salita ang mga wika sa
Pilipinas ayon sa karanasang panlipunan, pangkamag-anak, pampamahalaan at
pangkabuhayang ating tinularan sa kanila.

Ayon sa tsart na nasa Webster’s New International Dictionary (Merriam Company), ganito
ang pagkakaugnay (o pagkakahiwa-hiwalay) ng mga wikang Malayo-Polinesya:
I. Malay Subpamilya ng mga Wika
A. Sangang Malayo-Javanese
1. Pangkat Malay (Malay Peninsula, Sumatra, Borneo,
Celebes, Nicobras, atb.)
2. Pangkat Javanese (Java, Madura, Sundra, atb.)

B. Sangang Tagala
1. Pangkat Tagala (Pilipinas)
2. Formosan (Formosa)
3. Malagasy (Madagascar)
4. Pangkat Cham-Selung (Cambodia, Malay Peninsula,
Mergui Arkipelago)
II. Polynesian Subpamilya ng mga Wika
A. Sangang Sawairori
1. Pangkat Hawaiian
2. Pangkat Tahitian
B. Sangang Hahori
1. Pangkat Maori
2. Pangkat Samoa
III. Melanesian Subpamilya ng
mga Wika
A. Micronesian o Tarapon (Caroline,
Gilbertese, Ladrone, Marshall)
B. Melasenian o Fijian (Banks Islands, Fiji,
atb.)
C. Melano-Papuan (Kiriwina, Misina, Tagala,
atb.)
PANGUNAHING
WIKA/ WIKAIN
SA PILIPINAS
TAGALOG
• Ang Wikang Tagalog na kilala rin sa payak na pangalang Tagalog, ay isa sa mga
pangunahing wika ng Pilipinas at sinasabing ito ang de facto ("sa katunayan") ngunit hindî de
jure ("sa batas") na batayan na siyang pambansang Wikang Filipino (mula 1961 hanggang
1987: Pilipino).
• Ito ang katutubong wika ng mga lalawigan sa Rehiyon IV (CALABARZON at MIMAROPA),
ng Bulacan, at ng Kalakhang Maynila.
• Ang wikang ito ay ginagamit din sa Hilagang Kapuluang Mariana, kung saan ang mga Pilipino
ang pinakamalaking pangkat-etnolinguistico.
• Bilang isang pangunahing wika sa Pilipinas, ang karaniwan at pamantayang anyo nito ang
pangunahing wika sa pambansang telebisyon at radyo, bagaman halos nasa Ingles ang buong
kayarian ng mga pahayagan.
• Malawak na ginagamit ang Tagalog bilang lingua franca o "pangkaraniwang wika" sa buong
bansa, at sa mga pamayanang Pilipino na nasa labas ng Pilipinas.
• Tinatawag na mananagalog o mananalita ang isang may mataas, may kahusayan, at kaalaman
sa pananagalog.
KAPAMPANGAN
• Ang Wikang Kapampangan ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas.
• Ito ang pangunahing wika ginagamit sa Pampanga.
• Ang naturang wika ay tinatawag ding Pampango, Capampangan ͠
/Capampañgan, Pampangueño, at Amanung Sisuan (wikang pinasuso).
• Ang salitang "Kapampangan" ay nagmula sa salitang-ugat na pampang na
ang ibig sabihin ay tabing ilog (ang pampang din ay salitang Tagalog na may
kaparehong kahulugan).
• Mangilan-ngilan lang ang may nakakaalam sa naturang wika bago dumating
ang mga Espanyol noong ika-16 siglo.
• Sa kasalukuyan, ang paggamit sa Kapampangan, kahit na sa mga lugar na
kung saan tradisyunal na ginagamit ang wika ay unti-unti nang
nababawasan.
PANGGASINENSE
• Ang Wikang Pangasinan o Pangasinense ay nasasailalim sa
sangay Malayo-Polynesian ng pamilya ng mga wikang Austronesian.
• Sinasalita ang Panggasinan ng higit pa sa dalawang milyong tao sa
lalawigan ng Pangasinan, ng iba pang mga
pamayanang Pangasinan sa Pilipinas, at ng kapansin-pansing bilang ng
mga Amerikanong may kanunununuang Pangasinan.
• Ang Pangasinan ang isa sa labindalawang pangunahing wika sa
Pilipinas.
• Ang tinatayang kabuuang populasyon ng lalawigan ng Pangasinan ay 2
434 086, ayon sa sensus ng 2000.
• Ang pinapalagay na bilang ng mga katutubong mananalita ng wikang
Pangasinan ay 1.5 milyon.
ILOKANO
• Ang Iloko (o Iluko, maaari ring Ilokano o Ilocano) ay isa sa mga pangunahing wika
ng Pilipinas. Ito ang wikang gamit (lingua franca) ng halos kabuuan ng
Hilagang Luzon lalo na sa Rehiyon ng Ilocos, sa Lambak ng Cagayan at sa
maraming bahagi ng Abra at Pangasinan.
• Marami ring mga nagsasalita ng Iloko sa Nueva Ecija, Tarlac, Mindoro at sa ilang
lalawigan sa Mindanao.
• Ang katawagang "Iloko" at "Ilokano" ay walang kaibhan kung ang wikang Iloko
ang tinutukoy.
• Ang tanging kaibahan nito ay ang wika o salita at ang taong gumagamit ng wika o
ang katutubong nagsasalita. Karaniwang Iloko o Iluko ang tawag sa wika o salita,
at Ilokano o Ilocano naman sa mga tao.
• Ang wikang Ilocano ngayon, bukod sa gamit nito bilang lingua franca ng Hilagang
Luzon, ay kinikilala rin bilang Heritage Language ng Estado ng Hawaii.
BIKOLANO
• Ang mga wikang Bikol ay mga wikang Austronesyano na
ginagamit sa Pilipinas tangi sa tangway ng Bikol sa silangan ng
pulo ng Luzon, sa pulo ng Catanduanes, Burias at sa lalawigan
ng Masbate.
• Bicol-Naga ang isa sa mga halimbawa nito.
• Ang Bikol Sentral Partido o Bikol-Partido ay isang diyalekto ng
mga wikang Bikol sa mga bayan ng Tigaon, Ocampo,
Sagñay, San José, Goa, Lagonoy, Caramoan at Garchitorena sa
lalawigan ng Camarines Sur, gayundin sa mga bayan
ng Tiwi, Albay at San Andres, Catanduanes.
SEBWANO
• Ang Wikang Sebwano (Sebwano: Sinugboanon; Kastila: idioma cebuano) ay isang wikang
Awstronesyo na sinasalita sa Pilipinas ng humigit kumulang 33 milyong tao at nasa ilalim o
kasapi ng pangkat ng mga wikang Bisaya.
• Ito ang may pinakamalaking bilang ng katutubong mananalita sa Pilipinas, kahit na ito ay hindi
pormal na itinuturo sa mga paaralan at mga pamantasan.
• Ito ang katutubong wika sa Gitnang Kabisayaan at sa ilang bahagi ng Mindanao.
• Nanggaling ang pangalan ng wika mula sa pulo ng Pilipinas ng Cebu, na hinulapi ng Kastilang -
ano (nangangahulugang likas, o isang lugar).
• Ang Sebwano ay maraming salitang hango sa wikang Kastila, tulad ng krus [cruz], swerte
[suerte] at brilyante [brillante].
• Marami rin itong nahiram na salita sa Ingles.
• Mayroon din na galing sa salitang Arabo.
• Ang ibang wikain ng Sebwano ay nabibigyan ng iba't ibang pangalan ang wika.
• Ang mga naninirahan sa Bohol ay tinatawag itong Bol-anon samantalang sa mga tapagsalita ng
Sebwano sa Leyte ay tinatawag naman itong Kana.
WARAY
• Ang Wináray, Win-áray, Wáray-Wáray o Waráy (karaniwang binabaybay bilang Waray;
tinutukoy din bilang Winaray o L(in)eyte-Samarnon) ay isang wika sa mga lalawigan
ng Samar, Hilagang Samar, Silangang Samar, Leyte (silangang bahagi), at Biliran sa Pilipinas.
• Ang pangkat ng mga wikang Waray ay binubuo ng Waray, Waray Sorsogon
at Masbate Sorsogon.
• Bisakol ang tawag naman sa mga wikang Waray Sorsogon at Masbate Sorsogon dahil
komplementaryo sila ng mga wikang Bisaya at Bikolano.
• Ang Samarnon-Lineyte ay tinatawag lamang na Waray dahil iisa lamang ang kanilang lingguahe
na sinasalita.
• Ayon sa Sanghiran san Binisaya ha Samar ug Leyte (Academy of the Visayan Language of Samar
and Leyte) na nagsaliksik at nagrekomenda ng ortograpiya, ay wala pa ring opisyal na labas ukol
sa natural na gamit nito. Ang epekto, magiging katanggap-tanggap ang anumang salita at bigkas
gaya ng: diri o dire ("hindi")
hira o hera ("sila")
maopay o maupay ("mabuti")
HILIGAYNON
• Ang Wikang Hiligaynon ay tumutukoy sa wika at kultura na may kaugnayan sa Negros
Occidental, Bacolod, Iloilo at Capiz.
• Kilala rin sa tawag na Wikang Ilonggo.
• Ginagamit rin ito sa mga grupo ng isla sa Panay, at probinsiya na rin tulad ng
Capiz, Antique, Aklan, Guimaras, at mga parte ng Mindanao tulad ng Koronadal, Timog
Cotabato, Sultan Kudarat at gayundin ang malalaking parte ng Hilagang Cotabato.
• Maraming salitang Kastila sa Hiligaynon, mas marami kaysa Tagalog.
• Kadalasang "Ilonggo" ang tawag sa Wikang Hiligaynon sa Iloilo at Negros Occidental.
• Kung tutuusin, ang Ilonggo ay isang pangkat ng ethnolinggwistiko na tumutukoy sa mga
mamamayan ng Iloilo at gayundin ang kulturang Hiligaynon.
• Ang Hiligaynon ay maraming hiram na salita mula sa wikang Espanyol mula sa mga pangngalan
(hal., santo mula sa santo), pantukoy (hal., berde mula sa verde, luntian), pang-ukol (e.g., antes
mula sa antes, bago), at pangatnig (hal. pero mula sa pero).
• Marami pa ring wikang Espanyol ang hiniram ng wikang Hiligaynon tulad ng barko (barco),
sapatos (zapatos), kutsilyo (cuchillo), kutsara (cuchara), tenedor, plato (plato), kamiseta
(camiseta), and kambiyo (cambio).
MGA BUHAY NA WIKAIN
SA PILIPINAS
Tinatayang mayroong 175 wika
sa Pilipinas, 171 dito ay nanatiling gamit
pa at 4 ay tuluyang lumipas na.
• Agta (Alabat • Aklanon • Ayta (Mag-Indi) • Blaan (Sarangani)
Island) • Alangan • Ayta (Sorsogon) • Bolinao
• Agta (Camarines • Alta (Northern) • Balangao • Bontoc (Central)
Norte)
• Alta (Southern) • Balangingi • Buhid
• Agta (Casiguran
Dumagat) • Arta • Bantoanon • Butuanon
• Agta (Central • Ata • Batak • Caluyanun
Cagayan) • Ati • Bicolano (Albay) • Capampangan
• Agta (Dupaninan) • Atta (Faire) • Bicolano (Central) • Capiznon
• Agta (Isarog) • Atta (Pamplona) • Bicolano (Iriga) • Cebuano
• Agta (Mt. Iraya) • Atta (Pudtol) • Bicolano (Hilagang • Cuyonon
• Agta (Mt. Iriga) • Ayta (Abenlen) Catanduanes) • Davawenyo
• Agta (Remontado) • Ayta (Ambala) • Bicolano (Timog • English / Ingles
Catanduanes)
• Agta (Umiray • Ayta (Bataan)
Dumaget) • Binukid
• Ayta (Mag-Anchi)
• Agutaynen • Blaan (Koronadal)
• Espanyol / Kastila / • Ifugao (Amganad) sur at parte ng • Wikang Ivatan
Zamboanga[kailangan ng
Spanish / Castillian • Ifugao (Batad) sanggunian • I-wak
• Filipino • Ifugao (Mayoyao) • Iraya • Kagayanen
• Finallig • Ifugao (Tuwali) • Isinai • Kalagan
• Ga'dang • Iloko • Isnag • Kalagan (Kagan)
• Gaddang • Ilongot • Itawit • Kalagan
• Giangan • Inabaknon • Itneg (Adasen) (Tagakaulu)
• Hanunoo • Inonhan • Itneg (Banao) • Kalinga (Butbut)
• Higaonon • Intsik (Mandarin) • Itneg (Binongan) • Kalinga (Limos)
• Hiligaynon • Intsik (Min Nan) • Itneg (Inlaod) • Kalinga (Lower
• Ibaloi Tanudan)
• Intsik (Yue) • Itneg (Maeng)
• Ibanag • Iranon (probinsiya ng • Itneg (Masadiit)
• Ibatan Shariff Kabunsuan,
• Itneg (Moyadan)
Maguindanao, Lanao Del
• Kalinga (Mabaka • Kasiguranin • Manobo
Valley) • Kinaray-a (Dibabawon) • Palawano (Brooke's
• Kalinga • Magahat • Manobo (Ilianen) Point)
(Madukayang) • Manobo • Palawano (Central)
• Maguindanao
• Kalinga (Southern) (Matigsalug) • Palawano
• Malaynon
• Kalinga (Upper • Manobo (Obo) (Southwest)
Tanudan) • Mamanwa
• Manobo (Rajah • Pangasinense
• Kallahan (Kayapa) • Mandaya Kabunsuwan)
(Cataelano) • Paranan
• Kallahan (Keley-i) • Manobo (Sarangani) • Philippine Sign
• Mandaya (Karaga)
• Kallahan (Tinoc) • Manobo (Kanlurang Language
• Mandaya (Sangab) Bukidnon)
• Kamayo • Porohanon
• Manobo (Agusan) • Mansaka
• Kankanaey • Ratagnon
• Manobo (Ata) • Mapun
• Kankanay • Romblomanon
(Northern) • Manobo • Maranao
(Cinamiguin)
• Karao • Masbatenyo
• Manobo (Cotabato)
• Karolanos • Molbog
• Sama (Central) • Subanon • Tawbuid (Eastern) Cavite)
• Sama (Pangutaran) (Western) • Tawbuid (Western) • Ternateño;
• Sama (Southern) • Subanon (Lapuyan)• Tboli Chavacano
• Sulod (Chabacano de
• Sambal • Tiruray Barra)
• Sangil • Surigaonon • Waray-Waray • Ermiteño;
• Sorsogon • Tadyawan • Yakan Chavacano
(Masbate) • Tagabawa • Yogad (Chabacano de
• Sorsogon (Waray) • Tagalog Ermita)
• Zamboangueño;
• Subanen (Central) • Tagbanwa Chavacano • Wikang Bolinao
• Subanen • Tagbanwa (Chabacano de • Wikang Hernan
(Northern) (Calamian) Zamboanga)
• Subanon • Tagbanwa • Caviteño;
(Kolibugan) (Central) Chavacano
(Chabacano de
• Tausug
PAGHAHAMBING NG WIKA NG MGA TAGAPULONG TIMOG
INGLES one three person dog day new what
Tagalog isa tatlo Tao aso araw bago ano
Bikol saro tulo tawo ayam aldaw ba-go ano
Cebuano usa tulo tawo iro adlaw bag-o unsa
Waray usa tulo tawo ayam adlaw bag-o ano
Tausug hambuuk tu tau iru' adlaw ba-gu unu
Kinaray-a sara tatlo taho ayam adlaw bag-o ano
Kapampangan metung atlu tau asu aldo bayu nanu
Ilonggo isa tatlo tawo ido adlaw bag-o ano
Ilokano maysa tallo tao aso aldaw baro ania
Ivatan asa tatdo tao chito araw va-yo ango
Ibanag tadday tallu tolay kitu aggaw bagu anni
Gaddang antet tallo tolay atu aw bawu sanenay
T’boli sotu tlu tau ohu kdaw lomi tedu
Indonesian satu tiga orang anjing hari baru apa
Hawaiian 'ekahi 'ekolu kanaka 'īlio ao hou aha
Mga
dayalekto sa
loob ng mga
wikain
MGA DAYALEKTO SA LOOB NG MGA WIKAIN AT ANG MGA NAGSASALITA NITO

1. Tagalog -Tagalog Bulakan, Tagalog Noboesihano, Tagalog Tayabasin,


Tagalog Batangas, Tagalog Marindukihin, atb.
2. Sebwano- Bisayang Sugbuanong - Sugbuanong-Sebu, Sugbuanong
Negros, Sugbuanong Bohol, atb.
3. Hiligaynon - Ilonggo, Kinaray-a, Akalanon, Pantikanon, Kuyuan,
Palawanon, atb.
4. Bikol - Bikol Naga, Bikol Legaspi, Bikol Buhi, Bikol Baao, Bikol Bato,
Bikol Katanduan, Bikol Albay, Bikol Sorsogon, Bikol Masbate,
atb.
5. Ilokano – Ilokanong Samtoy, Ilokanong Kagayan, Ilokanong Ibanag at
maraming mumunting Ilokanong Bulubundukin, sa mga
lalawigang bulubunduking gaya ng Baguio.
MGA DAYALEKTO SA LOOB NG MGA WIKAIN AT ANG MGA NAGSASALITA NITO

6. Waray: Winaray o Leyte-Samarnon [Eastern Visayas: Samar,


Northern Eastern Samar; Eastern Leyte & Biliran]
7. Tausug: Taw Sug, Sulu, Suluk, Tausog, Moro Joloano [Jolo,
Sulu Archipelago; Kalimantan, Indonesia & Sabah,
Malaysia]
8. Kinaray-a: Kinarayan [Iloilo & Antique; Western Panay]
9. Ivatan [Batanes Islands; North of Luzon]
10. Ibanag [Cagayan in Northeast Luzon]
11. Gaddang [Central Isabela, Bagabag, Solano, & Bayombong,
Nueva Vizcaya]
11. Tboli: Tiboli, T'boli, "Tagabili" [South Cotabato;
Southwestern Mindanao]
Salin sa iba’t
ibang wikain
Filipino:
“Ang hindî marunong lumingón sa pinanggalingan ay hindî
makararatíng sa paroroonan.”
(Ingles)
[ "He who does not look back at his past, will not reach his
destination."]
1). Aklanon:
“Ro uwa' gatan-aw sa anang ginhalinan hay indi makaabut sa anang
ginapaeangpan.”
2). Bikol (Albay):
“Su indi tataw makarumdom nung ginitan, indi makaabot sa adunan.”
3). Cebuano:
“Kadtong dili molingi sa gigikanan, dili makaabot sa gipadulongan.”
4). Ibanag:
“I tolay nga ari mallipay ta naggafuananna, ari makadde ta angayanna.”
5). Ilokano:
“Ti saán a tumaliaw iti naggapuanna, saán a makadánon iti papanánna.”
6). Kapampangan:
“Ing e byasang malikid king kayang ibatan, e ya makaratang king
kayang pupuntan.”
7). Obo Manobo:
“Iddos minuvu no konnod kotuig nod loingoy to id pomonan din, konna mandad od
poko-uma riyon tod undiyonnan din.”
8). Sambal Botolan:
“Hay ahe nin nanlek ha pinag-ibatan, ay ahe makarateng ha lalakwen.”
9). Sangil:
“Tao mata taya mabiling su pubuakengnge taya dumanta su kadam tangi.”
10). Tausug:
“Amu in di' maingat maglingi' pa bakas liyabayan niya, di' magsampay pa kadtuun
niya.”
11). Waray-Waray:
“An diri maaram lumingi han tinikangan, di maulpot ha kakadtoan.”
12). Yakan:
“Gey tau mayam sibukutan, gey tau tekka kaditaran.”
ANG
pagkakaiba ng
dayalekto
Filipino: “Matagal ka ba roon sa palengke?”
[“Were you there at the market for a long time?”]
(BIKOL)
1). Haloy ka duman sa saod? (Naga, Camarines Norte)
2). Naeban ika sadto sa sa-ran? (Iriga, Camarines Sur)
3). Uban ika adto sa saod? (Libon, Albay)
4). Huray ka doon sa saod? (Pandan, Catanduanes)
5). Naegey ika adto sa sa-ran? (Buhi, Camarines Sur)
6). Eley ka idto sa sed? (Oas, Albay)
7). Dugay ka didto sa palengke? (Ticao, Masbate)
8). Awat ka didto sa plasa? (Gubat, Sorsogon)
Taglish: Tagalog at English
1). Natapos mo na ba yung homework mo?
Have you finished your homework?
2). Pakitawag ang drayber.
Please call the driver.
3). Magsya-shopping ako sa mall mamaya.
I will shop at the mall later.
4). Na-print mo ba ang report?
Have you printed the report?
5). Mag-LRT ka papuntang school.
Use the LRT in going to school.
6). I went to school, kaso wala pa palang pasok.
.. but there was no class.
7). Nahihiya sila na mag-ask ng favor from you,
kasi hindi mo na trabaho ito.
They are shy asking a favor from you, because this isn't your
job anymore.
Engalog: English at Tagalog
1). Let's make tusok the fishballs.
Let's pierce [onto the stick] the fishballs.
Note: Fishballs are a Filipino delicacy.
2). Make cuento to me what happened..
Tell me the story about what happened.
Note: Cuento is a Spanish [account /story] which is also used in
Tagalog.
3). I'm so init na; make paypay me naman o.
I'm so hot; please fan me now.
4). You make hintay here while I make sundo my kaibigan.
You wait here while I fetch my friend.
5). He’s so galing.”
He’s so competent / good / skillful.

You might also like