You are on page 1of 4

Mindoro State College Main Campus Bongabong Campus Calapan City Campus

of Agriculture and Alcate, Victoria Labasan, Bongabong Masipit, Calapan City

Technology e-mail address: minscat_bongabong@yahoo.com

Labasan, Bongabong, Oriental Mindoro 5211 Philippines Tel .: +639178156228 Fax: (+63) (43) 2862368

FONETIKS/ PALATINIGAN

❖ ANG TAWAG SA SANGAY NA ITO NG LINGWISTIKS. PINAG-AARALAN DITO


ANG MGA KATANGIAN NG MGA TUNOG NG WIKA AT KUNG PAANO
BINIBIGKAS ANG MGA ITO.
Ang unang layunin ng Fonetiks- ay kilalanin at ilarawan ang mga tunog sa isang partikular na wika
o sa mga wika sa pangkalahatan. Dahil ang mga tunog sa pagsasalita ang ginagamit para maghatid
ng impormasyon, pwedeng tingnan ang mga tunog na ito mula sa Tatlong Perspektib:

A. Artikulatori-Fonetiks pinag-aaralan ang pisikal na mekanismo ng prodaksyon ng mga


tunog, sa madaling salita, kung papano binubuo ng nagsasalita ang mga tunog.
B. Akustiks- Fonetiks pinag-aaralan ang transmisyon ng mga tunog bilang mga alon na
nagdadala ng mga tunog.
C. Perseptwal –Fonetiks tinitingnan kung papano nauunawaan at nakikilala ng nakikinig
ang mga tunog.

Tatlong Bahagi ng Artikulatori Fonetiks/Palatinigan

1. Tinitingnan natin ang artikulasyon o prodaksyon ng mga tunog o kung pano binubuo ang mga
ito sa bibig at lalamunan.

2. Sa pagbigkas ng alinman sa mga yunog ng sariling wika, sangkot ang dila’t mga labi bukod sa
hangin o hiningang pinalalabas sa bibig o di kaya sa ilong.

3. Uriin ang mga tunog ayon sa kanilang katangian

Dalawang Sistema ng Representasyon ng Tunog


1. International Phonetic Alphabet
2. Sistemang gamit ng mga Linggwist sa Amerika (US)

2.1 FONETIK NA TRANSKRIPSYON


Karaniwan, hindi sitematik na nirerepresent ang mga tunog ng mga salita sa Ortografi ng
maraming wika. Siguro masasabing pumapangalawa lamang ng wikang Ingles sa wikang Franses
sa pagiging komplikado sa bagay na ito.

Ang di- pagkakaayon ng ispeling at ng mga tunog ang pinagsimulan ng kilusan ng mga pagbabago
sa ispeling sa mga nasabing wika na naglalayong makabuo ng isang Fonetik Alfabet kung saan
tumutugon sa isang tunog ang isang letra, at ang isang letra sa isang tunog (Fromkin at
Rodman1988) .

Dalawang Sistema ng Representasyon ng Tunog sa Pagsasalita

a. Ang IPA na syang ipinakakilala at pangunahing sistema na gamit sa buong mundo ng


sinumang gustong isagisag ang salitang oral.

b. Ang mga simbol na gamit ng mga linggwist sa US sa halip ng mga simbol ng IPA

2.2. Prodaksyon ng mga Tunog

Ang mekanismo ng prodaksyon ng salita ay binibuo:

MinSCAT upholds Responsibility Involvement Commitment Excellence


Mindoro State College Main Campus Bongabong Campus Calapan City Campus

of Agriculture and Alcate, Victoria Labasan, Bongabong Masipit, Calapan City

Technology e-mail address: minscat_bongabong@yahoo.com

Labasan, Bongabong, Oriental Mindoro 5211 Philippines Tel .: +639178156228 Fax: (+63) (43) 2862368

a. sors ng hangin
b. sors ng tunog na nagpapagalaw sa hangin
c. set ng mga filter at mga resonador na baguhin ang mga tunog sa iba’t ibang paraan.

Mekanismo sa Pagsusuri ng Tunog


Baga- nagsusuplay ng hangin
Laringks- na tinatawag sa Ingles na Adam’s Apple ang sors ng tunog na kung saan naroroon
Vokal – kord isang pares ng manipis na masel na pinagagalaw ang daan ng hangin

Ang mga Filter naman ay ang mga organ sa itaas ng laringks:


a. faringks – ang bahagi ng lalamunan sa pagitan ng laringks at ng oral –kaviti
b. oral –kaviti
c. ang neysal -kaviti na siyang daanan sa loob ng ilong

2.3. KLASIPIKASYON NG MGA TUNOG O SEGMENT


1. Mga Katinig (voiced) ay ganap na ginagawa ang pagsasara o pakipot sa vocal track
/ b c d f g h j k l m n p r q s t v w x y z ?/

2. Mga patinig ( Voiceless) karaniwang may tunog ang gingawa sapagkat halos walang gingawa
sa vocal track / a, e, i ,o, u /

3. Mga Malapatinig (Glayd) ay hindi katulad ng atinig na isang nucleus, ito ay mabilis na
binibigkas
Tagalog (y) – ( l ) kami’y tulay
Waray ( w ) – (u) Wara- Wala
Tawo- Tao
2.4 Artikulesyon ng mga Konsonant

Mga Katinig
sinasabi ang Dila ang pangunahing artikulador maaari itong ilagay sa iba’t ibang posisyon sa
ating bibig.

Bahagi ng Dila
Tip – makitid na erya sa dulo
Bleyd- parteng kasunod ng tip
Katawan – pangunahing bahagi
Likod- pinakalikod na bahagi
Ugat- parteng nakakabit sa lalamunan

ARTIKULEYSYON NG MGA KONSONANT

a)Punto ng artikulesyon

Mga Punto ng Artikulesyon

MinSCAT upholds Responsibility Involvement Commitment Excellence


Mindoro State College Main Campus Bongabong Campus Calapan City Campus

of Agriculture and Alcate, Victoria Labasan, Bongabong Masipit, Calapan City

Technology e-mail address: minscat_bongabong@yahoo.com

Labasan, Bongabong, Oriental Mindoro 5211 Philippines Tel .: +639178156228 Fax: (+63) (43) 2862368

1. Lebyal – sinasabing lebyal ang anumang tunog na gingawa ng makasara ang mga labi. (b),(p),
(m) (Ᵽ)/ (ф),(ѣ)/ (ß)
Baylebyal- ang tawag sa mga tunog na gamit ang dalawang labi. (f), (v)
Labyodental naman ang tawag sa mga tunog kung nilalapit ang ibabang labi sa mga ngipin sa
itaas. (w)

2. Dental – Sa paggawa ng mga tunog na dental, tinatamaan ng tip o bleyd ng dila ang likod ng
mga ngipin sa itaas. (t) (d)
Interdental- ang tawag sa mga tunog kung nilalagay ang tip ng dila sa pagitan ng mga ngipin.
(đ), (ϴ).

3. Alvyolar- tinatawag na alvyolar ang mga tunog kung tinatamaan ng tip o bleyd ng dila ang
alvyolar –rij. (t), (d), (n), (s), (z), (l), (r)

4. Alvyopalatal - Sa pagitan ng alvyolar –rij at ngalangala , ang eryang kasunod o pagkatapos


ng alvyolar –rij ang tinatawag na alvyopalatal . Kapag inaakyat ang tip o di kaya ang bleyd ng
dila sa alvyopalalatal ang tunog. (ch), (dge), (sh), (z), (L)

5. Palatal- Ang ngalangala ang pinakamataas na parte ng loob ng bibig. Palatal ang tunog kapag
tumatama o lumalapit dito ang dila. (ň) (y) / ( j)

6. Velar – Velum ang tawag sa malambot na erya ng ngalangala na malapit sa lalamunan.


Tinatawag na Velar ang mga tunog kapag tumatama o lumalapiot ang likod ng dila sa velum.
(k),(g),(ǥ)/(ɣ),(x),(ɳ)

7. Uvular- ang nakalawit na laman sa may velum ay tinatawag na uvula o Tag. Tilao/
tilaukan. Kapag tumatama o lumalapit dito ang likod ng dila , tintawag ang tunog na
uvular. Hal. ( rouge), (prẻtre-
priest)

8. Farinjal- ang faringks ang erya sa lalamunan sa pagitan ng uvula at ng laringks. Farinjal ang
tunog kapg inuurong ang ugat ng dila o di kaya ay sinisikipan ang faringks. Matatagpuan ang
mga ganitong tunog sa ilang mga wikang Semitik at Arabik. Hal. Arab hamala

9. Glotal - maliban sa voysing nagagawa rin sa pag-impit ng glotis ang tinatawag n glotal
ng mga tunog. (Ɂ) ,(h)

Mga Paraan ng Artikulesyon


Oral at Nesyal
Oral na Tunog -ang nagagawa kung sa bibig lamang dumadaloy ang papalabas na hangin.
Tunog na Nesyal – resulta kung dumadaloy anng hangin sa neysal –kaviti kapag nakababa ang
velum at pinalalabas ang hangin sa ilong.

Mga Stap(Stop) – ganap na pagpigil o pagbara ng daloy ng hangin sa bibig sa paggawa ng mga
stap (minsan tintawag na plosiv)

Mga Frikativ- (Fricative)


pinapadaloy ang hangin sa masikip na daanan ngunit tuloy-tuloy pa rin ang daloy nito at
nagkakaroon ng hagod parang sumsagitsit ang hangin dahil sa makitid na daanan nito.

Mga Afrikeyt (Africate)


May pagpipigil ng hangin sa simula at sinusundan kaagad ng pagbibitiw nito tulad ng frivative.

Mga Likwid ( Liquid)


Nabibilang sa mga kontinuwant ,pero hindi sapat ang obstraksyon ng daloy ng hangin sa bibig
par magkaroon ng friksyon gaya ng nangyayari sa frikativ/fricative

MinSCAT upholds Responsibility Involvement Commitment Excellence


Mindoro State College Main Campus Bongabong Campus Calapan City Campus

of Agriculture and Alcate, Victoria Labasan, Bongabong Masipit, Calapan City

Technology e-mail address: minscat_bongabong@yahoo.com

Labasan, Bongabong, Oriental Mindoro 5211 Philippines Tel .: +639178156228 Fax: (+63) (43) 2862368

2 Klase ng mga Likwid


1. Lateral- Sa paggawa ng tunog na ito, inaangat ang tip ng dila sa dental o alvyolar na
posisyon pero nakababa ang mga gilid kaya nakakalabas dito ang hangin..

Palatal –Lateral- ginagawa nang nakaangat ang katawan ng dila sa ngalangala.

2. Mga iba’t ibang klase ng r – karaniwang voys ang r, pero may mga voysles din i, e.
May sari-saring r sa mga wika sa mundo:
a. Tap r)/(ɾ)- tinatapik ng tip ng dila ang likod ng mga ngipin o ng alvyolar rij.
b. Retroflex- (r )/ (ʵ) - kinukurbang palikod ang tip ng dila at ang ilalim nito ang tumatama sa
alvyolar rij. (ride,car)
c. Tril- . (ṝ) Ang alvyolar-tril ay nagagawa sa pag vavaybreyt ng tip ng dila.(rizza, burro)
d. Uvular- inaangat ang likod ng dila sa may uvula. Hal. Standard, rose.

- Mga Silabik-Likwid at Neysal


- Mga Glayd o Semivawel/Semikonsonant

Mga Vawel - nagiging reasoning chamber ang bibig kapag binibigkas ang mga vawel kaya
nagiging buo ang mga tunog ng mga ito.
Monoptong- ay isang simpleng vawel
Diptong – ay sekwens ng vawel at glayd

-Deskripsyon ng mga Vawel


-Posisyon at Parte ng Dila

Paharap Pasentral Palikod


Pataas i u
Pagitna e o
Pababa a
di - pabilog Pabilog

Mga Suprasegmental
1. Tono- Isang iskala mula mababa hanggang mataas depende kung gaano kabilis mangatal ang
vokal –kord. Kapag mas mabilis ang panginginig, mas mataas ang tono ng boses, kung d gaano
ang panginginig mas mababa naman ito. Tinatawag na tono at intonasyon ang dalawang klase
na kinokontrol na pitch movement sa wika. Tonal ang isang wika kapag nababago ang kahulugan
ng isang salita kapag binago ang tono nito.
2. Haba- Sa maraming wika, may mga vawel o consonant na binibigkas nang mas mahaba kesa
sa ibang mga vawel o consonant. Masasabing doble ang mga haba nito kaysa sa karaniwan. . Sa
palatinigan transkripsyonipinahihiwatig ang haba ng kolon [:] pagkatapos ng mahabang segment
o di kaya’y dinodoble ang symbol ng tunog. Ang German, Cree, at Yap ang ilan sa mga wikang
may mahahaba at maiikling mga Vawel. Ang Italyano, Turkish at ilang mga WP tulad ng
Ilokano, Ibanag,Itawes, Gaddang, Yogad, Inabaloi at Bagobo naman ay may mahahaba at
maiikling konsonant . Parehong may mahahaba at maiikling vawel at konsonant ang ilang wika
tulad ng Hungarian, Finnish at Hapon.
3. Stres – Sa maraming wika binibigkas ang ilang mga silabol o mga vawel na may pagbabago
sa tono(karaniwang mataas) : binibigkas ang mga ito nang malakas at mas mahaba kesa sa ibang
mga vawel sa salita o sentens. Tinatawag na stres –vawel/silabol ang mga ito.

MinSCAT upholds Responsibility Involvement Commitment Excellence

You might also like