You are on page 1of 13

I.

ANG WIKA: Katuturan, Ugnayan at Kalikasan ng Wika tungo sa Proseso ng


Komunikasyon

 Wika mula sa wikang Malay.


 Sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe.
 Nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin na
nangangahulugang “dila".
Bibliya
 Ang wika ang pinakadakila at pinakamagandang handog ng Diyos sa sangkatauhan
sapagkat ito ay pinakamahalagang kasangkapan ng tao sa kanyang pakikisalamuha sa
pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan.

Werner Girt
 The wonder of Man
 “Tanging ang tao ang may taglay na regalo- ang wika na naghihiwalay sa atin sa iba
pang hayop.” Bukod pa sa kanakailangang “software” para sa wika, binigyan pa rin tayo
ng “hardware” para rito.

Ayon kay Henry Gleason:

 “Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa


paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
 Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo ( letra) na
pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagpapahayag.”

Virgilio S. Almario
 Nasyunalismo ng Filipino (2003)
 Ang wika mismo ang patunay na tayo’y may katutubong wika. Isang wika itong patuloy
na nabuhay sa kabila ng mahabang pananakop na nagbibigay kaalaman at karunungan
tungkol sa ating lahi.

Ayon kay Noam Webster (1974)


“Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan
ng mga pasulat o pasalitang simbolo.”

Ayon kay Archibald A. Hill


“Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong pantao.”

Dagdag naman nina Mangahis et. al. (2005): “Ang wika ay may mahalagang papel na
ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito “ang midyum na ginagamit sa maayos na
paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.”

Zeus Salazar
 Naipapahayag sa wika ang mga kaugalian, isip at damdamin ng bawat grupo ng mga
tao at maging sa larangan ng kaisipan, ang wika rin ang impukan-kuhanan ng isang
kultura.

II. KATANGIAN NG WIKA


1. Ang wika ay masistemang balangkas.
 Tunog (Ponolohiya)- Salita (Morpolohiya)- Pangungusap (Sintaksis)- Diskurso
(Pragmatiks)

2. Ang wika ay sinasalitang tunog.


 Nalilikha ng ating aparato sa pagsasalita na nagmumula sa hanging galing sa
baga (enerhiya), nagdaraan pumapalag na bagay na lumilikha ng tunog o
artikulador at mino-modify ng resonador.
1
 Sinasabing makahulugan ang tunog kung nakapagpapaiba ito ng kahulugan ng
salita. (Ponemik)
bisa (talab) visa (pasaporte)
bapor (ship) vapor (hamog/gas)
port (daungan) fort (kuta)
 Di nagbabago ang kahulugan ng salita. (Ponetik)
café-kape fiesta-pista
ventana-bintana keso-queso

3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos.


 Ang ating kausap o ang pareho ay kailangang pumili ng komong wika kung
saang tayo magkakaunawaan.
 Sa epektibong komunikasyon, kailangan isaayos natin ang paggamit ng wika.
 Kasiya-siya, makinis, mabisa at wasto ang pagkakapili sa mga salita.

4. Ang wika ay Arbitraryo


 Lumitaw ang wika ayon sa napagkasunduang gamit ng tao sa loob ng kanilang
pamayanan.
 Iba-iba ang pinangmula ng mga grupo ng tao, may partikular na minoryang
grupo, may nakagisnan na katawagan para sa mga bagay-bagay.

5. Ang wika ay patuloy na ginagamit.


 Di humihinto ang tao sa pagtamo at pagdaragdag ng salitang kailangang
matutunan.
 Ang tao, patuloy na nangungusap, nakikipagpalitan ng ideya o damdamin.
Gobyerno, bisnes, edukasyon, midya, at lipunan ginagamit ang wika.

6. Ang wika ay nakabatay o kabuhol ng kultura


 Ayon kina Sapir at Benjamin Whorf
 Nadedetermina ng lenggawahe ang kultura.
 Natatangi at malikhain ang bawat wika sapagkat nakabuhol ito sa natatanging
kultura kung saan ito ginagamit.
 Sinasalamin ng wika ang kabuuang aspeto ng isang kultura. Produkto ng kultura
ang wika at produkto ng wika ang kultura.

7. Ang wika ay buhay at nagbabago/dinamiko


 Ang wikang stagnant ay maaaring mamatay tulad ng hindi paggamit nito.
 Bunga ng patuloy na pagsulong ng sibilisasyon, sa panahon ng teknolohiya-
imbensyon, likha, pangyayari at karunungan lumitaw ang karagdagang salitang
idinagdag sa ating wika.
8. Ang wika ay makapangyarihan
 Maaari maging wika ng pagpapalaya.
 Makapagdulot ng ibang kahulugan.
 Lumilikha ng saloobin.
 Humuhubog sa tamang pag-uugali ng tao.
 Kapangyarihan ng kultura.
9. Ang wika ay komunikasyon
 Ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa mga tao ang wika.
 Nagagamit sa pagpapahayag ng mga karanasan, kaalaman at damdamin.
10.Ang wika ay kagila-gilalas
 Kayraming mga salitang kay hirap ipaliwanag tulad ng …
 May ham daw sa hamburger, eggplant daw gayong wala namang itlog at gulay
ito; hotdog daw gayong hindi naman ito karne ng aso. Walang pine o apple sa
pineapple. Ang boxing ring ay hindi naman bilog at sa halip ay kwadrado.
 Sa wika natin, nakagawian natin ang pahayag na “Nandyan na ako… gayong ang
nagsasalita ay nasa ibang lugar pa.
2
III. WIKANG PAMBANSA: ANG KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NITO

 TAGALOG ang wika sa Bulacan, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon, Cavite, Mindoro,
Marinduque, ilang bahagi ng Nueva Ecija, Puerto Princesa at maging sa Metro Manila.
Kung gayon, ang Tagalog ay isang wikang natural at may mga katutubo itong
tagapagsalita.
 Isa itong partikular na wika na sinasalita ng isa sa mga etnolinggwistikong grupo sa
bansa na tinatawag ding Tagalog (Constantino, sa Bernales et. al. 2002).
 PILIPINO bilang wikang pambansa noon ngang 1959. Bunga ito ng kalituhang
ibinunga ng pagbatay sa wikang Tagalog noong 1937. Naging madalas ang pagtukoy sa
wikang pambansa mula noon bilang Tagalog na isa ngang pagkakamali.
 FILIPINO ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino
ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng paghihiram sa mga
wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng iba’t ibangbarayti ng
wika para sa iba’t ibang saligang sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at
iskolarling pagpapahayag.

Kasaysayan ng Wikang Filipino

Saligang-Batas ng Biak-na-Bato (1896)


 Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas.

Saligang-Batas ng 1935 ( Seksyon 3, Artikulo XIV)


 Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng
isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
Hanggang hindi nagtatadhanang iba ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy ng
gagamiting mga wikang opisyal.

Nobyembre 13, 1936


 Pinagtibay ng Batas ang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nilagdaan ng
Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L. Quezon na lumilikha ng isang Surian ng
Wikang Pambansa.
 Kagawad
Tagapangulo Jaime C. Veyra (Visayang Samar)
Kalihim at Punong Tagapagpaganap Cecilio Lopez (Tagalog)
 Kagawad
Santiago A. Fonacier (Ilokano)
Filemon Sotto (Cebuano)
Felix Salas-Rodriguez (Hiligaynon)
Casimiro F. Perfecto (Bikolano)
Hadji Butu (Muslim)
Disyembre 30, 1937
 Naiproklama ng Pangulong Quezon na ang wikang Tagalog ang magiging
batayan ng Wikang Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang taon
matapos itong mapagtibay.

3
Batas Komonwelt Blg. 184, s. 1936, Seksyon 8 talatang 5
 Batayan sa Paghirang sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa:
 (1) sapagkat napatunayang ang wikang “higit” na maunlad sa istruktura/kayarian
 (2) maunlad sa mekanismo
 (3) mayaman sa literatura
 (4) tinatanggap at ginagamit sa kasalukuyang panahon ng pinakamaraming mga
Pilipino”.
 TAGALOG ang ginawang saligan ng wikang pambansa sa dahilang ito’y nahahawig sa
maraming wikain sa bansa.
 Mayaman ang Tagalog sa pamamagitan ng paglalapi at pagtatambal ay dumarami ang
mga salita niyon.
 Madaling nauunawaan ang diwa, kahulugan at nilalaman ng mga Tagalog na
pangungusap.

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 (Enero, 1987)


 Nilagdaan ng Pangulong Corazon Aquino ang paglikha ng Linangan ng mga Wika
sa Pilipinas (LWP) bilang pamalit sa dating SWP at makatugon sa panibagong iniatas
na gawain nitong patuloy na pagsasaliksik at pagpapaunlad ng wikang pambansa.

Batas Republika Blg. 7104 (Agosto 14, 1991)


 Itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), bilang pagsunod sa itinatadhana
ng Saligang Batas ng 1987, Seksiyon 9. Ito rin ay pamalit sa dating SWP at LWP.

Abril 1, 1940
 Pagpapalimbag ng Diksyunaryong Tagalog-Ingles at Balarila ng Wikang
Pambansa para magamit sa mga paaralan sa buong kapulungan. Lope K. Santos
(Ama ng Balarilang Wikang Pambansa)

Hunyo 19, 1940


 Sinimulan ang pagtuturo ng Wikang pambansa sa lahat ng pampubliko at pribadong
paaralan sa buong bansa.

Hunyo 4, 1946
 Nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagproklama na ang Wikang
Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal.

Agosto 13, 1959


 Ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran
Blg. 7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawagin nang Pilipino.

PAGDIRIWANG NG WIKANG PAMBANSA

Proklamasyong Blg. 12 ni Pang. Ramon Magsaysay


 Pagdiriwang ng Linggo na Wikang mula sa Marso 29 hanggang Abril 4 bilang
pagbibigay kahalagahan sa kaarawan ni Francisco “Balagtas” Baltazar at kanya ring
kaarawan ayon sa mungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa.

Proklamasyon Blg. 186


 Paglilipat ng petsa sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13-19 bilang
parangal sa kaarawan ng Ama ng Wikang Pambansa (Agosto 19).

Proklamasyon Blg. 1041 (1997)


 Ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, Agosto 1-31.
Nilagdaan ito ni Pangulong Fidel V. Ramos.
4
Kontribusyon ng mga Pangulo sa Pagkilala sa Wikang Pambansa

Oktubre 24, 1967


(Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96)
Pang. Ferdinand Marcos
 Pagpangalan sa Pilipino ng mga gusali, episidyo at tanggapan ng pamahalaan.
 Pagsasalin sa Pilipino maging ng mga letterhead, kaukulang teksto sa Ingles at
pormularsyon sa mga kagawaran, tanggapan at sangay pampamahalaan.

Nob. 14, 1962


Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 na nilagdaan ni
Pang. Diosdado Macapagal
 Pagsasa-Pilipino ng mga sertipiko at diploma ng mga paaralan

Agosto 25, 1988


Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335
 Ipinag-utos ng Pangulong Corazon Aquino na gamitin ang Filipino sa lahat ng
transaksyon at komunikasyon ng pamahalaan.

BATAS NA NAGTATAKDA SA PAGKAKATATAG NG WIKANG PAMBANSA

WIKANG FILIPINO: PAMBANSA


 FILIPINO ang wikang pambansa ng Pilipinas at may kontitusyunal na batayan ang
pagiging pambansang wika ng Filipino.
 Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6
 “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito’y dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang
mga wika.”
 Ang Wikang Filipino ay…
1. Sumisimbolo sa ating pambansang pagkakakilanlan.
2. Sinasalamin ang ating kalinangan at kultura, gayundin an gating damdamin bilang mga
Pilipino.
3. Ang nagbabandila sa mundo na hindi na tayo alipin ng alimang bansa at hindi tayo
nakikigamit ng wikang dayuhan.
4. Sumasagisag sa ating kalayaan.
5. Nagdadala sa atin sa pambansang pagkakaisa at pagbubuklod.

WIKANG FILIPINO: PANTURO


 Sa ikalawang bahagi ng Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6
 “Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasiya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”
 Maraming Sikolohista sa wika ang naniniwala na katulong ng utak sa pagproseso
ng kaalaman ay ang wikang nauunawaan ng tao.
 Pinapatunay na ang wikang Filipino ay gamitin sa pagtuturo hindi lamang para sa
epektibong pagtuturo kundi pati na rin sa mas makabuluhang pagkatuto ng mga
mag-aaral.

WIKANG FILIPINO: OPISYAL NA WIKA


 Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 7
 "Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
 Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo roon.“

5
 Ang Filipino bilang opisyal na wika sa pag-akda ng mga batas at mga dokumento ng
pamahalaan. Ito rin ang wikang gagamitin sa mga talakay at diskurso sa loob ng bansa.
 Nagsisilbing lingua franca o tulay ng komunikasyon sa bansa.
 Bilang mga opisyal na wika, may tiyak at magkahiwalay na gamit ang FILIPINO at
INGLES.
 Ang Ingles bilang opisyal na wika ng Pilipinas sa pakikipag-usap sa mga banyagang
nasa Pilipinas at sa pakikipagkomuniksayon sa iba’t ibang bansa sa daigdig.

BILINGGUWALISMO AT MULTILINGGUWALISMO: Kahulugan at kalikasan sa mayamang


komunikasyon

BILINGGUWALISMO
• Tumutukoy sa kakayahan ng isang taong makapagsalita ng dalawang salita.
• Maaring ilapat ang konsepto sa isang buong komunidad kung saan ginagamit ng mga
mamamayan ang dalawang magkaibang wika o kaya naman ay ang politikal o
institusyonal na pagkilala sa dalawang wika.

SISTEMA NG EDUKASYON
• Ipinatupad ang Bilingual Education Policy (BEP) sa Pilipinas sa pamamagitan ng
National Board of Education (NBE) Resolution No. 73-7, S. 1973.
• Noong 1994, ipinatupad ang polisiya sa pagpapalabas ng DECS ng Depart. Order No.
25, s. 1974 na may titulong Implementing Guidelines for the Policy on Bilingual
Education.
• Bilang patakarang pang-edukasyon sa Pilipinas, nangangahulugan ito ng paggamit ng
Ingles at Filipino bilang panturo sa iba’t ibang magkakahiwalay na subject.
• Ayon sa polisiya, Pilipino (ngayon ay Filipino) ang gagamitin bilang wikang panturo sa
mga asignaturang may kinalaman sa Araling Panlipunan/Agham Panlipunan, Musika,
Sining, Physical Education, Home Economics at Values Education.
• Ingles gagamitin sa Siyensya, Teknolohiya at Matematika.
• Sa kasalukuyan, hindi na bilingguwalismo kundi multilingguwalismo ang umiiral na
patakarang pangwika sa edukasyon. Ang pagpapatupad ng mother tongue-based
multilingual education o MTB-MLE ay nangangahulugan ng pagkagamit ng unang
wika ng mga mag-aaral sa isang partikular na lugar.

MULTILINGGUWALISMO
• Tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na makapagsalita at makaunawa ng
iba’t ibang wika. Sa antas ng lipunan, ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng
iba’t ibang wika na sinasalita ng iba’t ibang grupo ng tao sa mga lalawigan at
rehiyon.
• Sa Pilipinas ipinatupad ang Multilingguwal na Edukasyon sa pamamagitan ng
Department of Education Order 16, s. 2012 (Guideline on the
Implementation of the MTB-MLE) may layuning:

1. Pagpapaunlad ng wika sa matatag na edukasyon sa habambuhay na pagkatuto;


2. Kognitibong pag-unlad na may pokus sa higher education thinking skills (HOTS);
3. Akademikong pag-unlad na maghahanda sa mga mag-aaral na paghusayin sang
kakayahan ng iba’t ibang larang ng pagkatuto; at
4. Pag-unlad ng kamalayang sosy-kultural na magpapayabong sa pagpapahalaga at
pagmamalaki ng mag-aaral sa kanyang pinagmulang kultura at wika.

HOMOGENOUS at HETEROGENOUS ng Wika sa LINGGWISTIKONG KOMUNIDAD

• Ang pagiging homogenous at heterogenous ng isang wika ay tumutukoy sa


pagkakaroon ng iisang porma o estandard na anyo nito o kaya ay pagkakaroon ng iba’t
ibang porma o barayti.

6
HOMOGENOUS
• Merriam Webster Dictionary, ang salitang homogenous ay nagmula sa Griyego na
homogenes mula sa homo- (uri o klase) at genes (kaangkan o kalahi).
• Homogenous isang klase mula sa iisang lahi o angkan.
• Kung ilalapat sa wika, tumutukoy ito sa pagkakaroon ng iisang anyo at katangian
ng wika.
• Mahalaga ang language uniformity o ang pagkakaroon iisang estandard ng
paggamit ng isang partikular na wika.

HETEROGENOUS
• Maaaring magkakaiba ang paggamit ng isang wika batay sa iba’t ibang salik at
kontekstong pinagmumulan ng nagsasalita nito. Dito pumapasok ang pagiging
heterogenous o pagkakaiba-iba ng uri at katangian ng isang wika. Nakapaloob
sa palagay na ito ang iba’t ibang konsepto ng dayalektal na baryasyon sa wika.
• Halimbawa: British America, American English o kaya mga Third World Englishes gaya
ng Filish(Filipino-English), Singlish (Singapore English) o kaya Inlish (Indian English)
• Kabaligtaran ng homogeneity sa wika, ipinapakita ng pagiging heterogenous na
natural na penomenon ang pagkakaiba-iba ng paggamit ng wika kung kaya’t
mahirap takdaan ang hangganan ng estandardisasyon ng wika.

LINGGWISTIKONG KOMUNIDAD
• Isang termino sa sosyolingguwikstiks na tumutukoy sa isang grupo ng mga taong
gumagamit ng iisang uri ng barayti ng wika at nagkakaunawaan sa mga
ispesipikong patakaran o mga alituntunin sa paggamit ng wika. Gayundin,
nagkakasundo ang mga miyembro ng linggwistikong komunidad sa kahulugan ng
wika at interpretasyon nito, maging ang kontektong kultural na kaakibat nito.

Unang Wika (W1 o L1)


 Kadalasang tinatawag na katutubong wika o sinusong wika (mother tongue) ay ang
wikang natutuhan at ginagamit ng isang tao simula pagkapanganak hanggang sa
panahon kung kalian lubos nang nauunawaan at nagagamit ng tao ang nasabing wika.
 Sa ibang lipunan, tinutukoy ang katutubong wika o mothe tongue bilang wikang
etnolingguwistikong grupo kung saan nabibilang ang isang indibidwal, at hindi ang
unang natutuhang wika.
 Lee (2003) sa kanyang artikulong The Native Speaker: An Achievable Model? na
nailathala sa ASIAN EFL Journal, narito ang mga gabay upang matukoy kung ang isang
tao ay katutubong tagapagsalita ng isang wika.
1. Natutuhan ng indibidwal ang wika sa murang edad,
2. Ang indibidwal ay may likas at instiktibong kaalaman at kamalayan sa wika;
3. May kakayahan ang indibidwal na makabuo ng mataas at ispontanyong diskurso
gamit ang wika;
4. Mataas ang kakayahan sa komunikasyon ng indibidwal gamit ang wika;
5. Kinikilala ang sarili bilang bahagi at nakikilalala bilang kabahagi ng isang
lingguwistikong komunidad; at
6. May puntong dayalektal ang indibidwal na taal sa katutubong wika.

Ikalawang Wika (W2, W3... o L2, L3…)


 Wikang natutuhan at ginagamit ng isang tao labas pa sa kanyang unang wika.
 Isang wikang ginagamit din sa lokalidad ng taong nagsasalita.

Iba ang ikalawang wika sa dayuhan o banyagang wika sapagkat ang dayuhang wika ay
tumutukoy sa isang wikang inaral lamang ngunit hindi ginagamit o sinasalita sa lokalidad ng
taong nag-aral nito.

7
Varyasyon at Varayti ng Wika
• May unikong katangian ito na ipinagkaiba nito sa iba.
• Samantala, ang varyasyon ay ang mga linguistic systems na nakapaloob sa wika.
• Varayti naman ang tawag sa isang set ng mga linguistic systems na may
magkakaparehong distribusyon.
• Ang wikang Filipino o alinmang wika sa bansa ay may iba’t ibang varyasyon ng wika.
• Bagama’t iisa ang wikang sinasalita ng mga interlokyutor o gumagamit ng wika at
socially distributed ito, may pagkakaiba pa rin ang paggamit ng tao sa isang speech
community.
• Samakatwid, ang varayti ay maaaring maliit o mas malaki kaysa sa wika o dayalekto.
• Ang varayti ay fleksibol o walang tiyak na limitasyon o distinction.
• Ito ay maaaring maging bahagi ng isa pang wika.
• Matutukoy ito ayon sa relasyon nito sa lipunan (sino at kailan ginagamit ang wika).

DIYALEKTO
 Batay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay.
 Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o grupo ng
tagapagsalita sa isa sa tatlong dimensyon: espasyo, panahon at katayuang sosyal.
 Nagkakaiba rin sa tono, bigkas, at talasalitaan.
 Ang dayalek ay isang varayti na naimpluwensyahan ng heograpiko o sosyal na
konteksto.

EKOLEK
 Karaniwang malilikha ito at sinasalita sa loob ng mga kabahayan.
 Taglay nito ang kaimpormalidad sa paggamit ng wika subalit nauunawaan naman ng
mga taong gumagamit nito.
 Hal. Pappy, Mumsy, Lady Gaga, Paparatsi, Mamita, Papabol

ETNOLEK
 Nalikha ang wikang ito sa mga etno-linggwistikong pangkat.
 Hal. Ifugao, Kankanai, Ivatan, Tausug

IDYOLEK
 Isang varayti na kaugnay ng personal na kakanyahan ng tagapagsalita o wikang
ginagamit ng partikular na indibidwal.
 Kumakatawan din ito sa paraan ng pananalita ng pamayanang ito.
 Pampersonal na gamit ito ng wika na kadalasang yunik sa kanyang pagkatao indibidwal
na pagkakaiba.
 May pekulyaridad sa pagsasalita ng isang indibidwal.
 Ang varayti ng wika sa personal na kakanyahan ng tagapagsalita, ang varayting
ginagamit ng indibidwal.
 Idyosintrikong katangian na istatistikal tulad ng tendesyang gumagamit ng partikular na
bokabularyo nang napakadalas.
 Madaling magbago depende sa lenggwahe na ginagamit sa bahay.
 Ang idyolek ay ang paraan ng pagsasalita ng bawat isa tulad na lang nina Mike
Enriquez, Noli de Castro at Mel Tiangco.
 Makikita at maririnig ang magkaibang idyolek ng mga ito.

PIDGIN
 Nabuo ang wikang ito dahil sa pangangailangan ng mga tagapagsalita sa at wala itong
pormal na anyo.
 Hal. Grabe talaga pards, mainlababo na yata ako.
Dyusku day! Paminta eber ang istatus symbol niya!
 Ang pidgin sa Ingles ay tinatawag na "nobody's native language". Ang halimbawa nito
ay ang sa mga Tsino gaya ng "Suki, ikaw bili tinda, mura".

8
SOSYOLEK
Ang sosyal na varayti ng wika.
Ito ay tumutukoy sa mga register o jargon na salitang nabubuo.
Ito ay nagbabago o pabagu–bago. Kabilang dito ang mga salitang balbal.
Wikang ginagamit ng bawat partikular na grupo ng tao sa lipunan. Maaaring ang grupo
ay nagkakaiba ayon sa edad, seks, uri ng trabaho, istatus sa buhay, uri ng edukasyon,
atbp.
Makikilala ang iba't ibang varayti ng wika sa pagkakaroon ng kakaibang rehistro na
tangi sa pangkat na gumagamit ng wika.
Pansinin kung paanong inilalantad ng rehistro ng mga sumusunod na pahayag ang
pinagmulan ng mga ito:
Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!
Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven!
Kosa, pupuga na tayo mamaya.
Girl, bukas na lang tayo mag-lib. Mag-malling muna tayo ngayon.
Pare, punta muna tayo mamaya sa Mega. Mejamming dun, e.

Mahirap= maitim ikaw ay isang "negrita“


Mayaman= maitim ikaw naman ay "Morena“
Mayamang= malikot ang kamay “kleptomaniac",
Mahirap = malikot ang kamay "magnanakaw”.

REGISTER O JARGON
 Tawag sa mga salita/wikang nabubuo ng mga grupong propesyunal o sosyal bunga ng
okupasyon o trabaho o kaya’y ginagawa sa grupo.
 Isang ispisipikong vokabularyo at/o balarila ng isang aktibidad o propesyon.
 Set ng mga salita o ekspresyon na nauunawaan ng mga grupong gumagamit nito na
maaaring hindi nauunawaan ng mga taong hindi kasali sa grupo o hindi familyar sa
profesyon, uri ng trabaho o organisasyong kinabibilangan.
 Ang sosyolek ay maaari ring may okupisyunal na rehistro. Pansinin ang mga sumusunod
na termino. Kung maririnig mo ang mga ito sa isang taong hindi mo kilala, ano ang
agad mong iisiping trabaho niya?
notaryo affidavit fiskalya
Lesson plan curriculum guide demonstration
injection BP dextrose ringilya
ripple kalibre tsapa baril
debit credit account balance
nitso pormalin ataul
CREOLE
 Ang creole naman ay ang wika na dating pidgin ngunit naging likas na wika. Isa sa mga
halimbawa ay ang wikang Chavacano na hindi puro dahil naiimpluwensyahan ito ng
katutubong istruktura. 

TENOR/ESTILO
 Kung pormal ang pagtitipon/meeting, pormal din ang wika.
 Kung simpleng talakayan o tsismisan lang, impormal o casual ang wika (lalo kung ang
kausap ay malapit na kaibigan)
 Batay sa kausap at/o sa okasyon, nagbabago ang antas ng pormalidad ng wika.

MODA
 Paraan ng pagpapahayag (pasalita ba o pasulat?)
 May mga pagkakaiba ang paraang pasalita at pasulat
 Mas mahigpit ang pagpapatupad ng mga tuntuning gramatikal sa paraang pasulat at
mas maluwag naman ang paraang pasalita (bagamat sa internet, lalo na sa mga social
networking site, maluwag.)

9
KAANTASAN NG WIKA

a. PORMAL

1. PAMBANSA
 Ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/ pambalarila sa lahat
ng mga paaralan.
 Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.

2. Pampanitikan o Panretorika
 Pinakamataas na lebel ng wika sapagkat mayamn ito sa paggamit ng mga tayutay,
idyoma, at matatalinhagang salita.
 Ito naman ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akdang
pampanitikan.
 Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalim, makukulay at masining.

3. Pang-edukado
 Ang wika ay ginagamit ng mga grupo ng mga propesyunal o grupo ng mga nakapag-
aral.

b. IMPORMAL
Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa
pakikipag-usap at pakikipagtalastasan

1. Lalawiganin
 Ginagamit ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang.
 Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono o ang tinatawag ng marami na
punto.
2. Kolokyal “Country Talk”
 Ito’y mga pang – araw –araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal.
 Maaaring may kagaspangan ng kaunti ang salita ngunit maaari rin itong refinado ayon
sa kung sino ang nagsasalita.
 Ang pagpaikli ng isa, dalawa o higit pang salita lalo na sa pasalitang komunikasyon ay
mauuri rin sa antas nito.

3. Balbal
 Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito; ikalawa sa antas bulgar.
 Isang paglihis sa istandard na Filipino na popular sa mga kabataan na naging malawak
din ang paggamit sa lipunan.
 Isang varyasyon ng wika na gamit ang makabagong terminolohiya na binubuo/binuo ng
ilang grupo sa lipunan batay sa napagkasunduang konteksto sa paggamit nito.
 Madalas gamitin bilang wika sa upang pangkanto at palaging nagbabago.

Bulgar o Taboo
 Pinakamababang antas ng wika tulad ng pagmumura at pagbanggit ng mga bahagi ng
katawan ( ang ganitong mga salita ay “bawal” sa kulturang Pilipino).

Gay lingo o Swardspeak


 Karaniwang sa mga salitang ito ay ang grupo lamang nila ang nagkakaintindihan dahil
sa malayung-malayo ito sa dalisay na Tagalog. Imbensyon ito ng kanilang malikhaing
isip.
Teknikal na Wika-matematika at siyensya.
Cybernetic-teknolohiyang computer

10
TUNGKULIN/GAMIT NG WIKA

Ayon kay Michael Halliday (1973)


• Pitong Frame na tungkulin ng wika na dapat sanayin upang ang isang indibidwal ay
higit na magamit ang kasanayang pangwika sa isang sitwasyon.

F1-INTERAKSYUNAL
• Tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagpapanatili at pagpapatatag ng relasyong
panlipunan o sosyal.
• Halimbawa: pagbati, pagpapaalam, pagbibiro, panunudyo, pag-aanyaya, paghihiwalay,
pagtanggap, atbp.
• Sa isang malawak na kaisipan, tumutukoy ang gamit na ito sa lahat ng gamit ng wika
upang mapanatili ang mga lipon/ grupo: salita ng mga teenager; mga biruan ng
pamilya/ mag-anak; mga katawagan sa bawat propesyon (jargon), mga palitan sa mga
ritwal; mga wikang panlipunan at panrehiyon, atbp.
• Dapat matutuhan ng mga tao ang mga iba’t ibang uri ng gamit ng wika kung nais
nilang makisalamuha nang mahusay sa iba.
• PASALITA Pormulasyon panlipunan, pangungumusta, pagpapalitan ng biro.
• PASULAT Liham pangkaibigan

F2-INSTRUMENTAL
• Ginagamit ang wika upang magawa ng isang indibidwal ang kanyang nais gawin.
• Nagagamit ang wika upang mag-utos, makiusap, humingi, magmungkahi at
magpahayag ng sariling kagustuhan.
• Ginagamit ang wika ng tagapagsalita para mangyari / maganap ang mga bagay-bagay.
Pinababayaan ng wikang pagalawin (manipulate) ng tagapagsalita ang kanyang
kapaligiran. Maaaring humiling ang mga tao ng mga bagay at maging dahilan ng
paggawa at pagkaganap ng mga bagay-bagay sa paggamit ng mga salita lamang.
• Halimbawa:
• Mga bigkas na ginaganap (performative utterances) – pagpapangalan/ pagbabansag,
pagpapahayag, pagtaya.
• Iba pa – pagmumungkahi, panghihikayat, pagbibigay-panuto, pag-uutos, pagpilit.
• PASALITA Pakikitungo, Pangangalakal at Pag-uutos
• PASULAT Liham Pangangalakal

F3-REGULATORI
• Kontrolado/kumokontrol/ gumagabay sa kilos at asal ng iba.
• Kaya niyang pakilusin ang sinuman matapos niyang magamit nang ganap ang wika.
• Gamit ng wika para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap (pag-alalay o
maintenance of control). Maaaring kasangkot ang sarili o iba. Inaalalayan ng wika ang
pakikisalamuha ng mga tao; itinatakda nito ang mga papel na ginagampanan ng bawat
isa, nagbibigay-daan para alalayan ang pakikisalamuha at nagbibigay ng talasalitaan
para sumang-ayon, di-sumang-ayon at pag-alalay at pag-abala (disrupt) sa gawa/ kilos
ng iba.
• Ito ang gamit ng wika na nagbibigay sa mga tao para alalayan ang mga pangyayaring
nagaganap.
• Halimbawa: pag-ayon, pagtutol, pag-alalay sa kilos/ gawa, pagtatakda ng mga tuntunin
at alintuntunin sa paglalaro, pagsagot sa telepono, pagtatalumpati sa bansa.
• PASALITA Pagbibigay Direksyon
• PASULAT Resipe

F4-PAMPERSONAL
• Naipapahayag ang mga sariling damdamin, pananaw, opinyon at maging personalidad
ng isang indibidwal.
• Gamit ng wika para ipahayag ang katauhan ng isang tao, alam ng bawat isa na bahagi
ng kanyang katauhan ang wika. May “tinig” o kinalalaman ang mga tao sa nangyayari
11
sa kanila. Malaya silang magbuka ng bibig o hindi, magsabi ng marami o magsawalang-
kibo kung nais nila, ang pumili ng kung paano sasabihin ang kanilang sasabihin.
• Binibigyan din ng wika ang bawat tao ng paraan ng pagpapahayag ng damdamin
maging ito ay sa anyo ng mga padamdam, pagrerekomenda, pagmumura o sa
pamamagitan ng maingat na pagpili ng salita. Maaaring ding magkaroon ng
pagkukuyom sa sarili o pagbubulas ng damdamin.
• Halimbawa: pagsigaw, pagrerekomenda, pagmumura, pagpapahayag ng galit, paghingi
ng paumanhin.
• PASALITA Pormal o di-pormal na talakayan
• PASULAT Editoryal at Liham sa patnugot

F5-PANG-IMAHINASYON
• Nalulubos ang gamit ng wika kapag nailapat sa pagsulat o pagbigkas ng mga akdang
pampanitikan.
• Malikhain ang tunguhin nito kung kaya karaniwan nang mapapansin ito sa mga gawang
masining o estetiko.
• Gamit ng wika sa pagbuo ng isang sistema ng haraya maging mga akdang
pampanitikan, sistemang pampilosopiya, o huwarang pangarap (utopian visions) sa
isang dako o pangarap at pag-iisip ng walang magawa sa kabilang dako.
• PASALITA Paglalarawan Pagsasalaysay
• PASULAT Akdang Pampanitikan

F6-PANHEURISTIKO
• Tungkuling ng wika na ginagamit sa paghahanap o paghingi ng mga impormasyon.
• Gamit ng wika bilang kagamitan sa pagkatuto ng mga kaalaman at pag-unawa.
Maaaring gamitin ang wika para malaman ang mga bagay sa daigdig. Nagbubunga ng
sagot ang mga tanong, konklusyon ang pangangatwiran, mga bagong tuklas na
pagsubok sa hypothesis, atbp.
• Halimbawa: pagtatanong, pagsagot, pangangatwiran, pagbibigay-konklusyon, paggawa
ng hypothesis, pagbibigay katuturan, pagsubok/pagtuklas, pagpapaliwanag, pagpuna,
pagsusuri, pagbuo, pageeksperimento, pagsang-ayon, di-pagsang-ayon, pag-uulat,
pagtaya.
• Naging institusyon na ang gamit na ito ng wika sa mga kalagayang pang-edukasyon at
sa mga gawaing pangkaalaman ngunit patuloy pang makapupukaw ng iba-ibang
panananaliksik ang mga posibleng paraan ng pagkaalam sa pamamagitan ng wika at
hindi paggamit ng wika. Isa ring suliranin ay kung paano nabubuo, inaaayos at
nililinang ang kaalaman. Mahalaga ang papel ng wika sa mga pagbabagong nangyayari
sa retorika ng iba-ibang disiplina.
• PASALITA Pagtatanong, Pananaliksik, at Pakikipanayam
• PASULAT Sarbey

F7-PANG-IMPORMATIB/ REPRESENTASYUNAL
• Nagbibigay ng impormasyon o mga datos.
• Halimbawa: pag-uulat, paglalahad, pagpapaliwanag, paghahatid ng mensahe,
pagbibigay ng tama/ maling impormasyon, pagsisinungaling, pagpapahayag.
• Karamihan sa pang-araw-araw na gamit ng wika ang gamit na ito.
• Magiging dahilan ng pagturing sa isang tao na henyo/ pantas (genius) o nasisiraan ng
bait; mapangarapin o di kaya’y tagapagligtas ang ilang uri ng pagiging iba
(peculiarities). Maaaring mag-iba-iba sa iba-ibang panahon ang isipan ng karamihan
(consensus) na nagiging batayan ng pagpapasya ng iba-ibang kinatawan ng pagbabago
sa daigdig (world shifts), patag ang daigdig; maliliit (particles) ng atom, patay ang
Diyos; marumi ang sex, pasalita ang wika, atbp.
• Gamit ng wika sa pagpaparating ng kaalaman tungkol sa daigdig, pag-uulat ng mga
pangyayari, paglalahad, pagpapaliwanag ng mga pagkakaugnay-ugnay, paghahatid ng
mga mensahe, atbp.

12
• May nagaganap na pagpapalitan ng kaisipan. May mga tuntunin upang alalayan ang
gawi/ ugaling pangwika kapag may pagpapalitan ng impormasyon ay dapat maging
totoong-totoo at hindi kalahati lamang ang dapat gumawa ng palagay (assumptions)
tungkol sa alam ng tagapakinig; hindi dapat kulang o pumupuri ang impormasyong
ibinibigay; at kung tapat ang intensyon, dapat iwasan ang ano mang misrepresentasyon
at kalalabisan.
• Sa mga pagkakataong naiiba (idiosyncratic view) ang pananaw ng isang tao tungkol sa
kung ano ang daigdig; maaaring ituring na naiiba (peculiar) ang mga bigkas na
nagsasaad ng pagkatawan sa daigdig.
• PASALITA Pag-uulat at Pagtuturo
• PASULAT Pamanahong Papel

II. Ayon kay Roman Jakobson

MICHAEL HALLIDAY (1973) ROMAN JAKOBSON (2003)


Phatic Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan - panimula sa
Interaksyunal isang usapan o pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Pakikipagkapwa-tao
Instrumental
Conative Paghihikayat - ginagamit ang wika upang
mag-utos, manghikayat o magpakilos.
Regulatori
Paghimok at pag-impluwensya sa iba sa pamamagitan
ng mga pag-uutos at pakiusap.
Emotive Pagpapahayag ng Damdamin- palutangin ang
karakter ng nagsasalita.
Personal
Pandamdamin, Pagpapahayag ng mga saloobin,
damdamin at emosyon.
Poetic Patalinghaga- masining na paraan ng
Imahinatibo
pagpapahayag gaya ng panulaan,prosa atbp.
Referential Paggamit bilang Sanggunian-ginagamit ang
wikang nagmula sa aklat at iba pang babasahin bilang
Heuristik
sanggunian o batayan ng pinagmulan ng kaalaman.
Pagpaparating ng mensahe at impormasyon.
Metalinnguwal Pagbibigay ng Kuro-kuro- ginagamit
ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng komentaryo
Impormatib sa isang kodigo o batas.
Paglinaw sa mga suliranin tungkol sa mga layunin
(intensyon) ng mga salita at kahulugan.

13

You might also like