Dolores R. Taylan, Jayson D. Petras at Jonathan V.
Geronimo 2016 Komunikasyong at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino RBSI
Sampaloc Manila Komunikasyong at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino https://link.quipper.com/ Dolores R. Taylan, Jayson D. Petras at Jonathan V. Geronimo 2016 Komunikasyong at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino RBSI Sampaloc Manila Komunikasyong at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino https://link.quipper.com/ Ang mga mag-aaral ay inaasahang makakamit ang mga kasanayang pampagkatuto: 1. Nalalaman ang kahuluhan ng wika batay sa iba’t ibang Dalubhasa. 2. Naisasapuso ang kahalagahan ng Wikang Pambansa. 3. Naipapaliwang ang kasabihan “ Ang hindi maghamal sa sariling wika ay daig pa ang hayop at malansang isda” ayon kay Dr. Jose Rizal. Ang Kahulugan ng WIKA
Pinakagamitin at popular ang kahulugan ng
wika na ibinibigay ng lingguwistang (mula sa Austero et. Al 1999). Ayon sa kaniya, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. Ang Wika Ang salitang Latin na Lingua ay nangangahulugang “ dila” at “wika” o “lengguwahe”. Ito ang pinagmulan ng salitang Pranses na langue na nangangahulugan ding dila at wika. Kalaunan ito’y naging Language na siya ring ginagamit na katumbas ng salitang lengguwahe sa wikang Ingles. Sa aklat nina , mababasa ang kahulugan ng wika bilang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal. Sa aklat naman nina binabanggit na may mahalagang papel na ginagampanan ang wika sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan. Ayon sa mga edukador na sina , “Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao. Binanggit ng Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura na si na parang hininga ang wika. Gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang bawat pangangailangan natin. Para naman sa Lingguwistang si “wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad, paniniwala, at mga kaugalian ng tao sa lipunan.” Ayon sa ang wika ay “Lawas ng mga salita at sistema ng paggamit sa mga ito na laganap sa isang sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura at pook na tinatahan. 01 02 03 04 01 Ang wika ay kabuuan ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog na binibigkas o sinasalita at ng mga simbolong isinusulat. 02 Ang wika ay nasasalamin sa kultura at pinagdaanang kasaysayan ng isang bansa. 03
Ang wika ay isang
instrument sa komunikasyon Mahihirapang magtagumpay ang komunikasyon kapag walang wikang ginagamit. 04
Mahalaga ang wika sa
pagpapanatili, pagpapayabong, at pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo ng tao. Mahalaga ang wika bilang bilang tulay para magkausap at magkaunawaan ang iba’t ibang grupo ng taong may kani-kaniyang wikang ginagamit. Mas nagkakaunawaan ang mga tao sa isang bansa at nakabubuo ng ugnayan ang bawat bansa sa daigdig sapagkat may wikang nagsisilbing tulay ng komunikasyon ng bawat isa. Ginagamit ang Ang wika Ang wika wika ng ay may pangkat ng masistemang ay mga taong Balangkas arbitraryo kabilang sa isang kultura. Binubuo ng mga makabuluhang tunog o ponema ang wika na nakalilikha ng mga yunit ng salita na kapag pinagsama-sama sa isang maayos at makabuluhang pagkakasunod-sunod ay nakabubuo ng mga parirala, pangungusap, at talata. Pinagkakasunduan ang anomang wikang gagamitin ng mga grupo ng tao para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Magkaugnay ang wika at kultura at hindi maaaring paghiwalayin. Katulad ng nabanggit, ang kultura ang nagpapayaan sa wika samantalang ang wika naman ang nagbibigay ng ngalan o salita sa lahat ng mga gawaing nakapaloob sa kultura. Binubuo ng mga makabuluhang tunog o ponema ang wika na nakalilikha ng mga yunit ng salita na kapag pinagsama-sama sa isang maayos at makabuluhang pagkakasunod- sunod ay nakabubuo ng mga parirala, pangungusap, at talata. Pinagkakasunduan ang anomang wikang gagamitin ng mga grupo ng tao para sa kanilang pang-araw- araw na pamumuhay. Magkaugnay ang wika at kultura at hindi maaaring paghiwalayin. Katulad ng nabanggit, ang kultura ang nagpapayaan sa wika samantalang ang wika naman ang nagbibigay ng ngalan o salita sa lahat ng mga gawaing nakapaloob sa kultura. Ang Wika ay sumasabay sa pagbabago ng panahon. Malaya itong tumatanggap ng mga pagbabago upang patuloy na yumaman at yumabong. Namamatay ang wika kapag hindi nakasabay sa pagbabago ng panahon o kapag hindi tumatanggap ng mga pagbabago. Nagbabago ng anyo, gamit, at kahulugan ng mga salita ayon sa takbo ng panahon at sa mga taong gumagamit nito. Dahil nagbabago ang wika, may mga salitang namamatay o hindi na ginagamit sa paglipas ng panahon, at may nadaragdagan o naisisilang namang mga bagong salita sa bokabularyo. TANDAAN KLASE Unique o natatangi ang wika. Walang wikang may magkatulad na magkatulad na katangian. May kani- kaniyang lakas o kahinaan din ang wika. May mga salitang mahirap hanapan ng eksaktong salin o katumbas sa ibang wika dahil sa magkakaibang kulturang pinagmulan. Gayundin, hindi dahil mas mayaman, malakas, at mas maunlad ang isang bansa ay mas superior o mas makapangyarihan na ang wika ng bansang ito kaysa sa ibang mas mahirap na bansa. Walang wikang superior sa isa pang wika. Lahat ng wika ay pantay-pantay sapagkat mayroon itong kaniya-kaniyang katangian taglay natatangi sa isa’t isa. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang binayayaan ng maraming wika, di kukulangin na nasa 180 ang wikang sinasalita sa Pilipinas. Dalawang Sitwasyong nangyayari sa Wika maaaring;
Heterogenous ang Homogenous ang
sitwasyon sitwasyon pangwika sa pangwika sa isang Pilipinas dahil bansa kung iisa maraming wikang ang wikang umiiral dito at may sinasalita ng mga mga diyalekto o mamamayan dito. varayti ang mga wikang ito. Ang Tagalog, Bisaya, Ilokano, Hiligaynon, Samar-Leyte, Pangasinan, Bikol, at iba pa ay mga Wika, hindi diyalekto at hindi rin wikain. Bilingguwalismo at Multilingguwalismo Ang Bilingguwalismo ay tumutukoy sa dalawang wika. Isang pananaw sa pagiging bilingguwal ng isang tao kung nakapagsalita siya ng dalawang wika nang may pantay na kahusayan. Bilang patakarang pang- edukasyon sa Pilipinas, nangangahulugan ito ng paggamit ng Ingles at Filipino bilang panturo sa iba’t ibang magkakahiwalay ng subject: Ingles sa matematika at siyensiya, Filipino sa agham panlipunan at iba pang kaugnayan na larangan. Ngayon, hindi na bilingguwalismo kundi multilingguwalismo ang pinapaiiral na patakarang pangwika sa edukasyon. Ang pagpapatupad ng Mother Tongue-based Multilingual Education o MTB-MLE ay nangangahulugan ng paggamit ng unang wika ng mga estudyante sa isang partikular na lugar, sa Ilokos, Ilokano ang wikang panturo sa mga estudyante mula kindergarten hanggang ikatlong baiting. Ituturo naman ang Filipino at Ingles pagtuntong nila sa ikaapat na baiting pataas. Ipinatupad ang ganitong pagbabago sa wikang panturo dahil napatunayan ng marami pag-aaral na mas madaling natututo ang mga bata kapag ang unang wika nila ang ginagamit na panturo. Mas madaling rin silang matututong makabuo ng kritikal na pag-iisip kapag naturuan sila sa kanilang unang wika. Artikulo XIV, Artikulo XIV, Konstitusy Seksiyon 6 ng Seksiyon 7 on ng 1973 Konstitusyon ng (artikulo XV ng 1987. Konstitusyo sek. 3) n ng 1987. Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987, nakasaad na, “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na wika sa PIlipinas at sa iba pang mga wika. Artikulo XIV, Seksiyon 7 ng Konstitusyon ng 1987, nakasaad na, “Alinsunod sa tadhana ng batas at sang- ayon sa nararapat na maaaring ipasaya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at pusposang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang- edukasyon.” Ayon sa Konstitusyon ng 1973 (artikulo XV sek. 3) ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino,at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Samantala, gagamitin naman ang Ingles bilang isa pang opisyal na wika ng Pilipinas sa pakikipag- usap sa mga banyagang nasa Pilipinas at sa pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang bansa sa daigdig. Ingles ang itinuturing na lingua franca ng daigdig. Ito ang ginagamit ng mga tao mula sa iba’t ibang bansa para mag-usap at magkaunawaan.