You are on page 1of 54

Kasaysayan ng

Wikang Pambansa
Unang Bahagi

Pinagyamang Pluma
Ang mga mag-aaral ay inaasahang makakamit
ang mga kasanayang pampagkatuto:

1. Natatalakay ang naging Kasaysayan ng


Wikang Pambansa .
2.Naisasabuhay ang kahalagahan ng Wikang
pambansa.
3. Natutukoy ang mga pinagdaanang
pangyayari tungo sa pagkakabuo at pag-unlad
ng wikang pambansa
Hindi natin matatawaran ang
kahalagahan ng pagkakaroon ng isang
wikang pambansang magbibigkas sa
mamamayan. Gamit ang isang wika,
mabilis na magkakaunawaan sa isang
lipunan. Sa mga nagdaang aralin,
naunawaan natin kung paano isinilang
ang wikang pambansa sa kabila ng
mahigit na isangdaang wikang umiiral sa
iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sinasabing ang mga wika sa Pilipinas ay
kabilang sa malaking pamilya ng mga wikang
Austronesian. Kabilang sa pamilyang ito ang
mga sumusunod:

 Mga wika mula sa Formosa sa


hilaga hanggang New Zealand
sa timog.
 Mula isla ng Madagascar sa may
baybayin ng Africa hanggang
Easter Islands sa gitnang
Pasipiko.
Ang limang daang wikang kasali sa
pamilyang Austronesian ay sangwalo(1/8) ng
mga wika sa mundo. Ang relasyon ng mga wika
ay sinasabing nagbibigkis ng wikang katutubo
sa Pilipinas sa kadahilanang kahit nagsasariling
wika ay may mga nagkakaisang katangian ang
mga wikang katutubo sa gramatika, sa
estruktura ng pangungusap, sa leksikon, at iba
pa. ito ang itinuturing na dahilan kung bakit
nagiging madali para sa isang Pilipino ang
matuto ng iba pang wikang katutubo sa
Pilipinas. Sanggunian: Almario, Virgilio S. Madalas. Itinanong ukol sa Wikang
Pambansa: Komisyon sa Wikang Filipino, [C.2004]
Ang Pinagmulan ng
Wika
Batid natin ang kahalagahan ng wika sa ating
buhay. Ito ay isang instrumento ng
pagkakaunawaan. Ayon sa mga propesor sa
Komunukasyon na sina Emmert at Donaghy
(1981), ang Wika, kung ito ay pasalita, ay isang
sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog;
kung ito naman ay pasulat, ito ay inuugnay natin sa
mga kahulugang nais nating iparating sa ibang tao.
Ngunit saan nga ba nagmula ang wika? Walang
nakaaalam kung paano ito nagsimula ngunit
maraming mga haka-haka at teorya tungkol sa
pinagmulan ng wika.
1. Paniniwala sa Banal na Pagkilos ng
Panginoon
Ang mga teologo ay naniniwalang ang
pinagmulan ng wika ay matatagpuan sa
Banal na Aklat. Sa Genesis 2:20 naisulat na
“2oPinangalanan ng lalaki ang lahat ng mga
hayop, atang mga ibon sa himpapawid, at
ang bawat ganid sa parang.” Ayon sa
bersong ito, magagamit kasabay ng
pagkalalang sa tao ay ang pagsilang din ng
wika na ginagamit sa pakikipagtalastasan.
Sa Genesis 11:1-9 naman ay ipinakikita
ang pinagmulanng pagkakaiba-ina ng wika.
Basahin ang mga sumusunod na berso mula
sa bibliya.
Genesis 11:1-9 Ang Bagong Magandang Balita
Bibliya
Ang Tore ng Babel
1 Sa simula’y iisa ang wika at
magkakapareho ang mga salitang
ginagamit ng lahat ng tao sa daigdig. 2 Sa
kanilang pagpapalipat-lipat sa silangan,
nakarating sila sa isang kapatagan sa
Shinar at doon na nanirahan.
3Nagkaisa silang gumawa ng maraming
tisa at lutuin itong mabuti para tumibay.
Tisa ang ginagamit bilang bato at alkitran
ang kanilang semento. 4Ang sabi nila,
“Halikayo at magtayo tayo ng isang
lunsod na may toreng abot sa langit
upang maging tanyag tayo at huwag ng
magkawatak-watak sa daigdig.” 5 Bumaba
si Yahweh upang tingnan ang lunsod at
ang toreng itinatayo ng mga tao.
6 Sinabi niya, “Ngayon ay nagkakaisa
silang lahat at iisa ang kanilang wika.
Pasimula pa lamang ito ng mga
binabalak nilang gawin hindi
magtatagal at gagawin nila ang
anumang kanilang kagustuhan. 7 Ang
mabuti’y bumaba tayo at guluhin ang
kanilang wika upang hindi sila
magkaintindihan.”
8 At ginawa ni Yahweh na ang mga tao
ay magkawatak-watak sa buong
daigdig, kaya natigil ang pagtatayo ng
lunsod.9 Babel ang itinawag nila sa
lunsod na iyon, sapagkat doo’y ginulo
ni Yahweh ang wika ng mga tao. At
mula roon, nagkawatak-watak ang mga
tao sa buong daigdig dahil sa ginawa ni
Yahweh.
2. Ebolusyon
Ayon sa mga antropologo,
masasabi raw na sa pagdaan ng
panahon ang mga tao ay nagkaroon ng
mas sopistikadong pag-iisip. Umuunlad
ang kakayahan ng taong tumuklas ng
mga bagay na kakailanganin nila
upang mabuhay kaya sila ay
nakadiskubre ng mga wikang kanilang
ginagamit sa pakikipagtalastasan.
Teoryang Ding Dong

 Batay sa teoryang ito, nagmula raw ang wika


sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa
mga tunog ng kalikasan.
 Ipinapakita ng teoryang ito na ang lahat ng
bagay ay may sariling tunog na maaring
gamitin upang pangalanan ang bagay na
iyon. Malaking tulong ang paggaya ng mga
tunog sa paglikha nila ng sariling wika.
Teoryang Bow-Wow

 Katulad ng Teoryang Ding Dong, ang wika


raw ay nagmula sa panggagaya ng mga
sinaunang tao sa mga tunog na nilikha ng
mga hayup, katulad ng bow-wow sa aso.
Ngiyaw para sa pusa at iba pa.
 Pinaniniwalang nabuo nabuo ng mga
primitibong tao ang kanilang mga unang
salita sa panggagaya sa mga ito.
Teoryang Pooh-Pooh

 Isinasaad ng teoryang ito na


nagmula raw ang wika sa mga
salitang namutawi sa mga bibig ng
sinaunang tao nang nakaramdam
sila ng masidhing damdamin tulad ng
tuwa, galit, sakit, sarap kalungkutan
at pagkabigla.
Teoryang Ta-ta

 Batay sa teoryang ito, may koneksiyon ang


kumpas o galaw ng kamay ng tao sa paggalaw
ng dila. Ito raw ay naging sanhi ng pagkatuto
ng taong lumikha ng tunog at matutong
magsalita.
 Ayon sa mga nag-aral ng ebolusyon ng tao,
ang salita raw ay mula sa mga galaw at
kumpas na humahantong sa pagkilala ng wika.
Teoryang Yo-he-ho

 Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nabuo


mula sa pagsasama-sama lalo na kapag
nagtatrabaho nang magkakasama. Ang
mga tunog o himig na namumutawi sa
mga bibig ng tao kapag sila’y
nagtatrabaho nang sama-sama ay
sinasabing pinagmulan ng wika.
Teoryang Yo-he-ho

 Sa sanaysay na isinulat ni Jean-Jacques


Rosseau, ang pagkalikha ng wika ay hindi
nagmula sa pangangailangan nito ngunit
nanggaling sa silakbo ng damdamin. Ang
pangangailangan ay maaaring
makapaghati-hati sa mga tao at magtulak
sa kanilang magkanya-kanya.
Kasaysayan ng
Wikang Pambansa
Panahon ng mga katutubo
Sadyang naging isang malaking palaisipan para
sa mga siyentipiko at antropologo kung paano
umusbong o saan nagmula ang mga taong unang
naninirahan sa Pilipinas. Maraming alamat at
teorya sng nabuo patungkol sa tunay na
pinagmulan ng lahing Pilipino. Narito ang ilan sa
mga ito: 1. Teorya ng Pandarayuhan 2. Teorya ng
Pandarayuhan mula sa Rehiyong Austronesyano


1. Teorya ng Pandarayuhan

 Kilala rin ang teoryang ito sa taguring


wave migration Theory na pinasikat ni
Dr. Henry Otley Beyer, isang
Amerikanong antropologo noong
1916. naniniwala si Beyer na may
tatlong pangkat ng taong dumating sa
Pilipinas.
Negrito Indones Malay
1. Teorya ng Pandarayuhan

 Ngunit bunga ng masigasig na pananaliksik at


pag-aaral ang mga haka-haka at pag-
aalinlangan ukol sa mga unang lahing
naninirahan sa bansaay unti-unting
nagkaroonng liwanag. Nasira ang teorya ni
Beyer nang matagpuanng pangkat ng mga
arkeologo ng Pambansang Museo ng Pilipinas
sa pangunguna ni Dr. Robert B. Fox.
1. Teorya ng Pandarayuhan
 Ang harap ng isang bungo at
isang buto ng panga sa yungib
ng Tabon sa Palawan noong
1962. Ang natagpuang bungong
ito ng tao ang nagpatunay na mas
unang dumating sa Pilipinas ang
tao kaysa sa Malaysia na
sinasabing siyang pinanggalingan
ng mga tao.
1. Teorya ng Pandarayuhan
 Tinawag na Taong Tabon ang mga labing
kanilang natagpuan dito. Tinatayang
naninirahan ang mga unang taong ito sa
yungib ng Tabon may 50,000 taon na ang
nakaraan. Kasama samga nahukay na labi
ng taong tabon ay ang ilang kagamitang bato
tulad ng chertz, isang uri ng quartz, gayundin
ang mga buto ng ibon at paniking
nagpapatunay na nabubuhay ang mga taong
ito sa pagkuha ng pagkain sa kapaligiran.
1. Teorya ng Pandarayuhan

 Sa mga makabagong impormasyong nakalap


noong 1962, lumabas na unang nagkaroon ng
tao sa Pilipinas kaysa sa Malaysia at sa
Indonesia. Pinatunayan din nina Landa
Jocano sa kanyang pag-aaral ukol sa
kasaysayan ng Pilipinas sa UP Center for
Advanced Studies noong 1975
1. Teorya ng Pandarayuhan
at ng mga mananaliksik ng
National Museum na ang bungong
natagpuan ay kumakatawan sa
unang lahing Pilipino sa Pilipinas.
 Ayon din sa kanilang ginawang
pagsusuri, ang taong tabon ay
nagmula sa specie ng Taong
Peking na kabilang sa Homo
Sapiens o modern man at ang
Taong Java na kabilang sa
Homo Erectus.
1. Teorya ng Pandarayuhan

 Ngunit makalipas ang ilang taon ay


natagpuan naman ni Dr. Armand Mijares
ang isang buto ng paa na sinasabing mas
matanda pa sa taong Tabon sa kuweba ng
Callao, Cagayan. Tinawag itong Taong
Callao na sinasabing nabuhay nang
67,000 taon na ang nakalipas.
2. Teorya ng Pandarayuhan mula sa
Rehiyong Austronesyano
 Isa sa pinakabagong teorya tungkol sa
pinagmulan ng lahing Pilipino ang teorya ng
Pandarayuhan mula sa rehiyong
Austronesyano. Pinaniniwalaan ng teoryang
ito na ang pilipino ay nagmula sa lahing
Austronesian ay hinango sa salitang latin na
auster na nangangahulugang “south wind” at
nesos na ang ibig sabihin ay “isla.”
2. Teorya ng Pandarayuhan mula sa
Rehiyong Austronesyano

 May dalawang pinaniniwalang teorya


kung saan nagmula ang mga
Austronesian. Ayon kay Wilheim Solheim
II, Ama ng Arkeolohiya ng Timog-
Silangang Asya, ang mga Austronesian ay
nagmula sa mga isla ng sulo at Celebes
na tinatawag na Nusantao .
2. Teorya ng Pandarayuhan mula sa
Rehiyong Austronesyano

 Sa pamamagitan ng kalakalan, migrasyon at


pag-aasawa ay kumalat ang mga Austronesian
sa iba’t ibang panig ng rehiyon. Ayon naman
kay Peter Bellwood ng Australia National
University, ang mga Austronesian ay nagmula
sa Timog Tsina at Taiwan na nagtungo sa
Pilipinas noong 5,000 BC.
2. Teorya ng Pandarayuhan mula sa
Rehiyong Austronesyano

 Napatunayang marunong sumulat at bumasa


ang mga katutubo. May sinusunod silang
pamamaraan ng pagsulat na tinatawag na
baybayin . Ang mga ito ay matatagpuang
nakasulat sa biyas ng kawayang matatagpuan
sa Museu ng Aklatang Pambansa at ng
Unibersidad ng Santo Tomas.
2. Teorya ng Pandarayuhan mula sa
Rehiyong Austronesyano

 Sinasabing malaking bahagi ng kanilang


ginagawa noon ay hindi na matagpuan
sapagkat sinunog na ng mga dayuhanng
Espanyol ang mga ito sa dahilang kagagawan
daw ito ng diyablo. Maliban sa dahilang iyon,
nabuo sa kanilang sarili na magiging sagabal
iyon sa pagpapalaganap nila ng
pananampalatayang Katoliko.
2. Teorya ng Pandarayuhan mula sa
Rehiyong Austronesyano

 Ang baybayin ay binubuo ng labimpitong titik- tatlong


patinig at labing-apat na katinig. Binibigkas ang
katinig namay kasamang tunig na patinig na /a/.
Kung ang patinig ay bibigkasin ng may kasamang
patinig na /e/ o /i/ nilalagyan ang titik ng tuldok sa
itaas , samantalang tuldok sa ibaba naman kung ang
nais isama ay /o/ o /u/. Ang baybayin ay gumagamit
ng dalawang guhit na pahilis (//) sa hulihan ng
pangungusap.
2. Teorya ng Pandarayuhan mula sa Rehiyong
Austronesyano
2. Teorya ng Pandarayuhan mula sa Rehiyong Austronesyano

Na Ne/Ni No/Nu
2. Teorya ng Pandarayuhan mula sa Rehiyong Austronesyano
Panahon ng mga Espanyol

 Pagkatapos ng mga katutubo, ang mga kastila


naman ang nandayuhan sa Pilipinas. Layunin
nilang ikintal sa isip at puso ng mga katutubo
ang Kristyanismo. Ayon sa mga Espanyol, nasa
kalagayang “barbariko, di sibilisado at pagano”
ang mga katutubo noon kung kaya’t dapat
lamang nilang gawing sibilisado ang mga ito sa
pamamagitan ng kanilang pananampalataya.
Panahon ng mga Espanyol

 Ngunit naging malaking usapin ang wikang


gagamitin sa pagpapalawak ng Kristiyanismo.
Naniniwala ang mga Espanyol noong mga
panahong iyon na mas mabisa ang paggamit ng
katutubong wika sa pagpapatahimik sa
mamamayan kaysa sa libong sundalong
Espanyol. Ang pananakop ng mga Espanyol sa
Pilipinas ay naging katumbas na ng
pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
Panahon ng mga Espanyol

 Ang mga prayleng Espanyol ang siyang


naging institusyon ng mga Pilipino. Upang
maisakatuparan ang kanilang layunin, inuna
nila ang paghahati ng mga isla ng mga
pamayanan. Nakita nila na mahirap
palaganapin ang relihiyon, patahimikin at
gawing masunurin angmga Pilipino kung iilan
lamang ang prayleng mangangasiwa.
Panahon ng mga Espanyol

 Ang pamayanan ay pinaghati-hati sa apat


na orden ng misyonerong Espanyol na
pagkaraa’y naging lima. Ang mga ordeng
itoay ang Agustino, Pransiskano,
Domikano, Heswita, at Rekoleto.
Panahon ng mga Espanyol

 Upang mas maging epektibo ang


pagpapalaganap ng Kristiyanismo, ang mga
misyonerong Espanyol mismo ang nag-aaral
ng mga wikang katutubo. Nakita nilang mas
madaling matutuhan ang wika ng isang
rehiyon kaysa ituro sa lahat ang wikang
Espanyol. Dahil dito ang mga prayle ay
nagsulat ng mga diksiyonaryo at aklat-
panggramatika,
Panahon ng mga Espanyol

Katekismo at mga kumpesyonal para sa mas


mapabilis ang pagkatuto nila ng katutubong
wika.
 Nasa kamay ng mga misyonerong nasa
ilalim ng pamamahala ng simbahan ang
edukasyon ng mamamayan noong panahon
ng mga Espanyol. Naging usapinang wikang
panturong gagamitin sa mga Pilipino.
Panahon ng mga Espanyol

Inuutos ng Hari na gamitin ang wikang katutubo


sa pagtuturo ngunit hindi naman ito nasunod.
 Nagmungkahi naman si Gobernador Tello na
turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol.
Sina Carlos I at Felipe II naman ay niniwalang
kailangan maging bilingguwal ng mga Pilipino.
Iminungkahi naman ni Carlos I na ituro ang
Doctrina Christiana gamit ang wikang
Espanyol ang gamit nila.
Panahon ng mga Espanyol

 Muling inulit ni Haring Felipe II ang utos


tungkol sa pagtuturo ng wikang
Espanyol sa lahat ng katutubo noong
ika-2 ng Marso 1634. Nabigo ang
nabanggit na kautusan kaya si Carlo II
ay lumagda ng isang dekrito na inuulit
ang probisyon ng nabanggit na
kautusan.Nagtaka rin siya ng parusa
para sa mga hindi susunod dito.
Panahon ng mga Espanyol

 Noong Disyembre 29, 1972, si Carlos IV


ay lumagda sa isa pang dekrito na nag-
uutosna gamitin ang wikang Espanyol.

 Mababatid sa parte ng kasaysayan ito na


nanganganib ang wikang katutubo. Sa
panahong ito.
Panahon ng Rebolusyong Pilipino

• Matapos ang mahigit na tatlong daang


taong pananahimik dahil sa pananakop ng
mga Espanyol, namulat ang mga
mamamayan sa kaapihang kanilang
dinaranas. Sa panahong ito, maraming
Pilipino ang naging matindi ang
damdaming nasyonalismo.
Panahon ng Rebolusyong Pilipino

• Nagkaroon din ng kilusan ang propagandista


noong 1872 na siyang naging simula ng
kamalayan upang maghimagsik. Itinatag din
nina Andres Bonifacio ang Katipunan. Ang
wikang Tagalog ang ginamit sa kanilang mga
kautusan at pahayagan. Ito ang sinasabing
unang hakbang tungo sa pagtataguyod ng
wikang Tagalog.
Panahon ng Rebolusyong Pilipino

• Nang panahong iyon sumibol sa mga


manghihimagsik na Pilipino ang kaisipang
“Isang Bansa,isang Diwa “laban sa mga
Espanyol.Pinili nilang gamitin ang Tagalog
sa pagsulat ng mga Sanaysay, tula,
kuwento, liham at mga talumpati na
punumpuno ng damdaming makabayan.
Panahon ng Rebolusyong Pilipino

• Si Rizal at iba pang propagandista na


sumusulat na gamit ang wikang
Espanyol ay nakababatid na ang
wika ay malaking bahagi upang
mapagbuklod ang mga kababayan
nila.
Panahon ng Rebolusyong Pilipino

• Masasabing ang unang konkretong


pagkilos ng mga Pilipino ay nang
pagtibayin ang Konstitusyon ng Biak-na-
bato noong 1899. Ginawang Opisyal na
wika ang Tagalog bagama’t walang
isinasaad na ito ang magiging wikang
pambansa sa republika.
Panahon ng Rebolusyong Pilipino

Nang itinatag ang Unang Republika sa


pamumuno ni Aguinaldo,isinaad sa Konstitusyon
na ang paggamit ng wikang Tagalog ay Opisyal.
Doon lamang sa mga gawaing nangangailangan
ng paggamit ng wikang Tagalog ito ang gamitin.
Nakalulungkot isiping naging biktima ng
politika ang wikang Tagalog.
“ANG HINDI MAGMAHAL
SA SARILING WIKA AY
HIGIT SA HAYOP AT
MALANSANG ISDA; KAYA
ATING PAGYAMANING
KUSA, GAYA NG INANG
SA ATIN AY NAGPALA.”

HTTPS://MARYDENAPRIL.WORDPRESS.COM/2015/08/12/HELLO-WORLD/

You might also like