Professional Documents
Culture Documents
WIKANG PAMBANSA
(UNANG BAHAGI)
Ang Pinagmulan ng Wika
Emmert at Donaghy (1981)
- ang wika kung pasalita, ay isang sistema
ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog:
kung pasulat, ito ay iniuugnay natin sa
mga kahulugang nais nating iparating sa
ibang tao.
Ang pinagmulan ng wika ay
matatagpuan sa Banal na Aklat
(mga teologo).
1. Paniniwala sa Sa Genesis 2:20 naisulat na,
“At pinangalanan ng lalaki ang
Banal na lahat ng mga hayop, at ang mga
ibon sa himpapawid, at ang
bawat ganid sa parang.”
Pagkilos ng Sa Genesis 11:1-9 naman ay
ipinakikita ang pinagmulan ng
Panginoon pagkakaiba-iba ng wika (Ang
Tore ng Babel).
1. Teoryang Ding Dong
nagmula ang wika sa
panggagaya ng mga
sinaunang tao sa mga tunog
sa kalikasan. 2. Ebolusyon
Ipinakikita ng teoryang ito
ang lahat ng bagay ay may
sariling tunog na maaaring
gamitin upang pangalanan
ang isang bagay.
2. Teoryang Bow-Wow
nagmula ang wika sa panggagaya
ng mga sinaunang tao sa mga
tunog na nilikha ng mga hayop
(bow-wow para sa aso, ngiyaw
para sa pusa, kwak-kwak para sa
2. Ebolusyon
pato, at moo para sa baka).
Pinaniniwalaang nabuo ng mga
primitibong tao ang kanilang mga
unang salita sa panggagaya sa
mga ito.
3. TeoryangPooh-Pooh
nagmula ang wika sa mga
salitang namutawi sa mga
bibig ng sinaunang tao 2. Ebolusyon
nang nakaramdam sila ng
masisidhing damdamin
tulad ng tuwa, galit, sakit,
sarap, kalungkutan, at
pagkabigla.
4. Teoryang Ta-ta
Batay sa teoryang ito, may
koneksiyon ang kumpas at
galaw ng kamay ng tao sa
paggalaw ng dila. 2. Ebolusyon
Ayon sa mga nag-aral ng
ebolusyon ng tao, ang salita
raw ay nagmula sa mga galaw
at kumpas na humantong sa
pagkilala ng wika.
5. Teoryang Yo-he-ho
ang wika ay nabuo mula sa
pagsasama-sama, lalo na kapag
nagtatrabaho nang
magkakasama. Ang mga tunog 2. Ebolusyon
o himig na na namumutawi sa
mga bibig ng tao kapag sila ay
nagtatrabaho nang sama-sama
ay sinasabing pinagmulan ng
wika.
Jean-Jacques Rosseau
Sa kanyang sanaysay, ang pagkalikha ng wika ay hindi
nagmula sa pangangailangan nito ngunit nanggagaling
sa silakbo ng damdamin. Ang pangangailangan ay
maaaring makapaghati-hati sa mga tao at magtulak sa
kanilang magkanya-kanya, ngunit ang silakbo ng
damdamin ang nagtutulak na mamutawi sa bibig ng
mga tao ang iyak, halakhak, sigaw, galit na maaaring
pinagmulan ng sinaunang wika.
KASAYSAYAN NG
WIKANG PAMBANSA
(UNANG BAHAGI)
PANAHON NG
KATUTUBO
TEORYA TUNGKOL SA UNANG TAONG
NANIRAHAN SA BANSANG PILIPINAS
1.Teoryang Pandarayuhan
2.Teorya ng Pandarayuhan mula
sa Relihiyong Austronesyano
kilala rin bilang
1. Teorya Wave Migration
Theory na pinasikat
ng Pandarayuhan ni Dr. Henry Otley
Beyer
(Amerikanong
antropologo, 1916)
Nasira ang teorya ni Dr.
Beyer dahil nakakita ng
1. Teorya bungo at isang buto ng
panga ang pangkat ng
ng Pandarayuhan arkeologo na
pinangunahan ni Dr.
Robert B. Fox sa
yungib ng Tabon sa
Palawan noong 1962.
Taong Tabon
1. Teorya Tawag sa labing
natagpuan
ng Pandarayuhan Nanirahan sila sa
yungib may 50,
000 taon na ang
nakararaan
Pinatunayan ni Landa
Jacano sa kanyang pag-
1. Teorya aaral sa kasaysayan ng
Pilipinas sa UP Center of
ng Pandarayuhan Advanced Studies noong
1975 at ng mga
mananaliksik ng National
Museum na ang bungong
natagpuan ay kumakatawan
sa unang lahi ng Pilipino.
1. Teorya
ng Pandarayuhan
Natagpuan naman ni Dr.
Armand Mijares ang
1. Teorya isang buto ng paa sa
kuweba ng Callao,
ng Pandarayuhan Cagayan. Sinasabing mas
matanda pa raw ito sa
Taong Tabon at tinawag
nila itong Taong Callao
na nabuhay nang 67, 000
taon na ang nakalilipas.
Ang mga Pilipino raw
ay nagmula sa lahi ng
mga Austronesian
2. Teorya ng
(hango sa salitang Pandarayuhan
Latin na auster na ibig
sabihin ay “south mula sa
wind” at nesos na Rehiyong
nangangahulugang
“isla”.) Austronesyano
Ayon kay Wilheim
Solheim II (Ama ng
Arkeolohiyang Timog-
2. Teorya ng
Silangang Asya), Pandarayuhan sa
nagmula ang mga
Austronesian sa mga Relihiyong
isla ng Sulu at Celebes Austronesyano
na tinawag na
Nusantao.
Ayon din kay Peter
Bellwood ng Australia
National University,
2. Teorya ng
ang lahing ito ay Pandarayuhan sa
nagmula sa Timog
Tsina at Taiwan at Relihiyong
nagtungo sa Pilipinas Austronesyano
noong 5,000 B.C.
Kinilala ang mga Pilipino
bilang unang nakatuklas ng
bangkang may katig.
Ang mga Austronesian ang
2. Teorya ng
kinikilalang nagpaunlad ng rice
terraces.
Pandarayuhan sa
Naniniwala rin ang lahing ito sa
mga anito. Relihiyong
Naniniwala rin sila sa
paglilibing ng bangkay sa Austronesyano
banga tulad ng natagpuang
Manunggul Cave sa Palawan.
Kung susuriin, batay sa mga nabanggit na mga
teorya, ang unang taong nanirahan sa Pilipinas ay
nagtataglay na ng mga patakarang pangkabuhayan,
kultura, at paniniwalang panrelihiyon. Gayundin,
mahihinuha na sila man ay may sarili nang wikang
ginagamit bagama’t pinaniniwalaang walang isang
wikang nanaig sa Pilipinas noon. Gayunpaman,
napatunayang marunong sumulat at bumasa ang mga
katutubo.
Ang mga gawa ng mga katutubo noon ay
sinunog ng mga Kastila dahil ito raw ay
gawa ng demonyo.
Maliban sa dahilang iyon, nabuo sa
kanilang sarili na magiging sagabal iyon sa
pagpapalaganap ng pananampalatayang
Katoliko.
Baybayin
tawag sa paraan ng pagsulat ng
mga katutubo
Binubuo ng 17 na titik (3
patinig at 14 na katinig)
Baybayin
Kung nais bigkasin ang katinig
kasama ang /e/ o /i/, nilalagyan ng
tuldok sa itaas. Kung nais bigkain ang
katinig kasama ang /o/ o /u/,
nilalagyan ng tuldok sa ibaba.
Baybayin
Kung nais kaltasin ang anumang
patinig kasama ng katinig sa hulihan
ng isang salita, ginagamitan ito ng
krus (+), pananda sa pagkaltas ng
huling tunog.
Baybayin
Gumagamit ng dalawang pahilis
na guhit (//) sa dulo ng
pangungusap hudyat ng
pagtatapos.
Baybayin
Halimbawa
Halimbawa
PANAHON NG
KASTILA
(ESPANYOL)
Layunin ng Kastila sa Pagsakop
God (Kristiyanismo) – pinalaganap ang
Kristiyanismo sa mga Pilipino
Gold (Kayamanan) – maraming likas na
yaman ang ating bansa
Glory (Karangalan) – bilang karangalan sa
mga nasakop na bansa.
Ayon sa mga Espanyol,
nasa kalagayang barbariko,
di sibilisado, at pagano ang
mga katutubo noon.
Itinuro ng mga Kastila ang
Kristiyanismo sa mga
katutubo upang maging
sibilisado diumano ang mga
ito.
Naniniwala ang mga Espanyol noong
mga panahong iyon na mas mabisa
ang paggamit ng katutubong wika sa
pagpapatahimik sa mamamayan kaysa
sa libong sundalong Espanyol.
Ang pamayanan ay pinaghati-hati sa
apat na ordeng misyonerong Espanyol
na pagkaraa’y nading lima (Agustino,
Pransiskano, Dominiko, Heswita, at
Rekolekto) upang pangasiwaan ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
Ang paghahati ng pamayanan
ay nagkaroon ng malaking
epekto sa pakikipagtalastasan
ng mga katutubo.
Upang mas maging epektibo ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo, ang
mga misyonerong Espanyol mismo ang
nag-aral ng mga wikang katutubo dahil
mas madaling matutuhan ang wika ng
isang rehiyon kaysa sa ituro sa lahat ang
wikang Espanyol.
Gobernador Francisco Tello de
Guzman – nagmungkhai na turuan ang
mga Indio ng wikang Espanyol
Carlos I at Felipe II – naniniwalang
kailangang maging bilinggwal ng mga
Filipino
Carlos I – iminungkahi niya
na ituro ang Doctrina
Christiana gamit ang
wikang Espanyol
Haring Felipe II – muling inulit
ang utos tungkol sa pagtuturo ng
wikang Espanyol sa lahat ng
katutubo noong ika-2 ng Marso,
1634.
Carlos II – lumagda ng
isang dikreto na inuulit
ang probisyong nabanggit
na kautusan.
Carlos IV – lumagda ng isa pang
dekrito na nag-uutos na gamitin ang
wikang Espanyol sa lahat ng
paaralang itatatag sa pamayanan ng
mga Indio noong 29 ng Disyembre
1972.
Mababatid sa parte ng kasaysayang ito
na nanganib ang wikang katutubo sa
panahong ito lalong nagkawatak-
watak ang mga Pilipino. Matagumpay
na nagapi at nasakop ng mga
Espanyol ang mga katutubo.
PANAHON NG
REBOLUSYONG
PILIPINO
Sa panahong ito, marami na ring
mga Pilipino ang naging matindi
ang damdaming nasyonalismo.
Nagtungo sila sa ibang bansa
upang kumuha ng mga
karunungan.
Nagkaroon din ng kilusan ang
propagandista noong 1872 na
siyang naging simula ng
kamalayan upang maghimagsik.
Andres Bonifacio – ang nagtatag
ng Katipunan, wikang Tagalog ang
ginamit nila sa mga kautusan at
pahayagan. Ito ang unang hakbang
sa pagtataguyod ng wika.
Nang panahong iyon, sumibol sa
mga manghihimagsik na Pilipino
ang kaisipang “isang bansa, isnag
diwa” laban sa mga Espanyol.
Sa pamumuno nina Jose P. Rizal,
Marcelo H. del Pilar, Antoinio Luna,
at Graciano Lopez Jaena, ginamit ang
wikang Tagalog sa pagsulat sa mga
pahayagan ng mga akdang
pampanitikan.
Jose P. Rizal – kilala sa sagisag
panulat na Laong-laan at
Dimasalang. Isinulat niya ang
kanyang unang nobela na Noli
Me Tangere.
Noli Me Tangere – ipinapakita ang
masamang pamamalakad ng mga
Kastila sa Pilipinas at ang mga
maling kalakaran sa lipunan na
para lang sa mga may sakit.
El Filibusterismo – karugtong ng
Noli Me Tangere. Ito ay
tumatalakay sa pampolitika,
kasamaan at katiwalian sa
pamahalaan at simbahan.
Marcelo H. del Pilar – kilala sa
sagisag panulat na Plaridel,
Dolores Manapat, Piping Dilat.
Isinulat niya ang Pag-ibig sa
Tinubuang Lupa (tagalog ng “Mi
Amor Patrio”
Dasalan at Tocsohan - kahawig ng
dasal na tinuro ng mga prayle sa
Pilipino. Makikita rin dito ang
lantarang pagtuligsa sa maling
kaasalan ng mga prayle noon.
Graciano Lopez Jaena – kilala sa
sagisag panulat na Fray Botod.
Itinatag niya ang La Solidaridad sa
Espanya (opisyal na pahayagan ng
Kilusang Propaganda)
Ginamit ang wikang tagalog sa
iba’t ibang genre ng panitikan
upang pag-alabin ang
damdaming makabayan ng mga
Pilipino.
Itinanghal ang Tagalog bilang opisyal
na wika ayon sa pinagtibay na
Konstitusyon ng Biak na Bato noong
1899 bagamat walang isinasaad na ito
ay magiging Wikang Pambansa ng
Republika.
Nang maitatag ang unang republika sa
pamumuno ni Aguinaldo, isinaad sa
Konstitusyon na ang Tagalog ay
opsiyonal(gamitin ng kung sino
lamang nangangailangang gumamit).
Nais maakit ni Aguinaldo ang mga di-
tagalog. Ang wikang Tagalog ay
naging biktima ng politika. Nag-
uumpisa pa lamang sana itong lumago
ay napailalim na naman ito sa
dayuhang wika.
PANAHON NG
AMERIKANO
Pagkatapos ng kolonyalistang
Espanyol, dumating ang mga
Amerikano sa pamumuno ni
Almirante Dewey.
Ingles ang naging wikang panturo
noong panahong ito.
Ginamit na instrumento ang
pambansang sistema ng edukasyon
sa pagnanais na maisakatuparan
ang mga plano alinsunod sa
mabuting pakikipag-ugnayan.
Ang komisyong pinangungunahan ni Jacob
Schurman ay naniniwalang kailangan ng
Ingles sa edukasyong primarya
Nagtakda ang Komisyon ng Batas Blg. 74
noong ika-21 ng Marso, 1901 na nagtatag ng
mga paaralang pambayan at nagpahayag na
Ingles ang gagawing wikang panturo
Hindi naging madali para sa mga
nagsisipagturo ang paggamit agad ng
Ingles sa mga mag-aaral sa ikauunawa ng
3R’s(reading, writing, arethmetic)
Hindi maiwasan ng mga guro ang
paggamit ng bernakular sa kanilang
pagpapaliwanag
Naging dahilan ito upang ang Superintende Heneral
ng mga paaralan ay magbigay ng rekomendasyon sa
Gobernador Militar na ipagamit ang bernakular
bilang wikang pantulong.
Pinagtibay ng Lupon ng Superyor na Tagapayo ang
resolusyon sa pagpapalimbag ng mga librong
pamprimarya (I-I, I-T, I-B at I-B) noong 1906
Ang mga sundalo ang kinikilalang unang guro at
tagapagturo ng Ingles na kilala sa tawag na
Thomasites.
Noong taong 1931, ang Bise Gobernador Heneral
George Butte ay nagpahayag ng kanyang panayam
ukol sa paggamit ng bernakular sa pagtuturo sa
unang apat na taong pag-aaral.
Sumang-ayon kay Bise Gobernador
Heneral George Butte sila Jorge
Bocobo at Maximo Kalaw.
Ayon sa Kawanihan ng Pambayang
Paaralan, nararapat na Ingles ang ituro
sa pambayang paaralan.
Ilan sa mga dahilang nagtataguyod ng paggamit
ng Ingles:
1.) Ang pagtuturo ng bernakular sa mga
paaralan ay mag-reresulta sa suliraning
administratibo.
2.) Ang paggamit ng iba’t-ibang bernakular sa
pagtuturo ay magdudulot lamang ng
rehiyolanismo sa halip na nasyonalismo.
3.) Hindi magandang pakinggan ang magkahalong
wikang Ingles at bernakular.
4.) Malaki na ang nagasta ng pamahalaan para sa
edukasyong pambayan at paglinang ng Ingles upang
maging wikang pambansa.
5.) Ingles ang nakikitang pag-asa upang magkaroon ng
pambansang pagkakaisa.
6.) Ingles ang wika ng pandaigdigang pangangalakal.
7.) Ang ingles ay mayaman sa
katawagang pansining at pang-
agham.
8.) Dahil nandito na ang wikang
Ingles ay kailangang hasain ang
paggamit nito.
Ilan sa mga katwiran ng mga tagapagtaguyod ng
bernakular ay ang mga sumusunod:
1.) Walumpung porsiyento ng mag-aaral ang
nakaaabot ng hanggang ikalimang grado lamang.