You are on page 1of 19

Promo Materials

Bernadith M. Babalo
MGA INAASAHANG KASANAYAN:
• Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang
halimbawang sulating teknikalbokasyunal

• Naililista ang mga katawagang teknikal kaugnay ng piniling anyo

• Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit


ng wika

• Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong tenikal-bokasyunal na sulatin

• Naipapaliwanag nang pasalita sa paraang sistematiko at malinaw ang


piniling anyo sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na mga termino

• Nakapagsusulat ng promo materials para sa ipakikilalang produkto.


Ang pamimili (Ingles: marketing) ay
tumutukoy sa pagbebenta o
pagpapalitan ng mga produkto,
serbisyo at/o salapi sa loob ng isang 
pamilihan. Malaki ang impluwensiya
nito sa pagpapalago at pagpapalakad
ng isang negosyo.
• Ang "pamamahala sa pamilihan" ay ang
pagplano at pagpapalakad ng isang
proyektong pamprodukto o serbisyo
upang tumugon sa mga hinihingi
(demands) at pangangailangan (needs)
ng isang pamilihan. Ginagamitan ito ng
mga estratehiya, batas at gabay na
tumutulong sa pagpapaunlad ng isang
negosyo
Apat na Konsepto ng Pamamahal sa Pamilihan
1. Proyektong pamprodukto at serbisyo
Tiyak na namamahagi ng produkto at/o serbisyo ang isang
negosyo kapalit ng pera. Sa pamamahagi ng mga produkto at
serbisyo, dapat bigyan nang pansin ng isang negosyante o
manedyer ang apat na "P" sa marketing. Nariyan ang:
1. Produkto (Product)
2. Presyo (Price)
3. Pagmamahagi (Distribution/Placement)
4. Pagpapalaganap (Promotion)
Apat na Konsepto ng Pamamahal sa Pamilihan
2. Ang Merkado o Market - ay isang grupo ng mga mamimili na hindi
nagkakaiba ang mga ninanais at pangangailangan na napapaloob sa
isang natatanging lugar.
• Naiiba ang merkado na "mga babae sa Pilipinas" at "mga babae sa
Tsina" dahil may malaking pagkakaiba sa pangangailangan nila. Ang
market ng sabon na "Safeguard" ay naiiba sa merkado ng "Likas
Papaya" dahil ang "Safeguard" ay tumutugon sa kabuuang
pangangailangan ng pamilya laban sa germs na dulot ng hindi
paggamit ng sabon sa pagligo man o paghugas ng kamay. Ang "Likas
Papaya" naman ay tumutugon sa pangangailangan ng mga babaeng
ninanais na pumuti ang kanilang kutis mula ulo hanggang paa.
Makikita nating pareho silang sabon na may kakayahang tumanggal
ng libag sa katawan,ngunit may kanya-kanya silang merkado o
market na binibigyan ng pansin.
Apat na Konsepto ng Pamamahal sa Pamilihan

3. Ang pangangailangan (Needs) ay


mga produkto o/at serbisyong
hinahangad ng mga tao sa isang
market.
Apat na Konsepto ng Pamamahal sa Pamilihan

4. Ang hinihingi (Demands) ay ang mga


hinahangad na produkto o/at serbisyo na
kayang gastusan ng mga tao sa isang
market.
MGA PILOSOPIYANG PANGKALAKALAN SA PAMILIHAN
1.Konseptong pamprodukto
Ang prinsipyo ng Konseptong Pamprodukto ay
umiikot sa produktong binebenta ng isang
kompanya. Binibigyang diin ang gamit at kalidad ng
produkto dahil pinaniniwalaan ng konseptong ito na
binibili ng mamimili ang isang produkto ayon sa
tibay,bilis ng paggamit at mga katangian ng
produkto
MGA PILOSOPIYANG PANGKALAKALAN SA PAMILIHAN
2. Konsepto sa pagbebenta
Ang dami at bilis ng pagbenta ang tinututukan ng
konseptong ito. Ang pangunahing layunin nito ay maparami ang
benta(sales) ng produkto sa likod ng hindi magandang kalidad
at mababang presyo. Naniniwala ang konseptong ito na kahit
maliit ang kita sa bawat piraso ng produkto,tataas ang kita kung
maramihan ang mabebenta. Malaki ang binabayad sa mga
sales force ng isang kompanyang naniniwala sa konseptong ito
dahil dito nakasalalay ang pagtaas ng kanilang kita. Isang
magandang halimbawa ang produktong kwaderno sa
konseptong ito. Hindi na kailangan ng mga kompanya ng papel
ang magpatalastas ng kanilang mga tatak sa telebisyon o sa
radio dahil ang presensiya ng kanilang mga tatak sa pamilihan
ay magdudulot ng mataas na
MGA PILOSOPIYANG PANGKALAKALAN SA PAMILIHAN
3. Konseptong pamproduksiyon
Ang teknikal at proseso ng paggawa ng isang produkto ang binibigyang
diin ng Konseptong Pamproduksiyon. Naniniwala ang pilosopiyang ito na
kung masmura ang halaga ng paggawa sa isang produkto,masmalaki ang
kita ng kompanya. Ang simplengformula ng kita o profit ay :
KITA = PRESYO NG PAGBENTA - HALAGA NG PAGGAWA
Kung ibababa ng kompanya ang halaga ng paggawa sa isang produkto
nang hindi ginagala ang presyo ng pagbenta,tataas ang kita. Napapaloob
din sa konseptong pamproduksiyon ang tinatawag na Economies of Scale
(EOS) o "mga ekonomiya ng sukatan". Ayon sa EOS, kung mas madalas
na ang paggawa sa isang produkto at maramihan ang paggawa dito,
bumababa ang halaga nito upang mabuo. Kung hindi ibababa ang presyo
ng pagbenta sa produkto siguradong madaragdagan ang kita ng
kompanya sa pagbenta
MGA PILOSOPIYANG PANGKALAKALAN SA PAMILIHAN
4. Konsepto ng Pagmamarket
Ito ang pangunahing pilosopiya sa negosyo na ginagamitan ng
mga paniniwala at mga konsepto sa marketing. Pinahahalagahan
ng konseptong ito ang market o mga mamimili. Ang mga
desisyon sa produkto o serbisyo ay napapalibot sa mga
pangangailangan at hinihingi ng market. Binibigyan diin din ng
konseptong ito ang apat na "P" ng Pagmamarket na tinatawag
nating Produkto, Presyo, Pamamahagi at Pagpapalaganap.
MGA PILOSOPIYANG PANGKALAKALAN SA PAMILIHAN
5. Konsepto ng pagmamarket: panlipunan
Ang konseptong ito ay hango sa Konsepto ng Marketing. Ngunit binibigyan
ng diin ng konseptong ito ang kapakanan ng lipunan. Binibigyan ng pansin
ang kapakanan ng lipunan bago mabuo at ibenta ang mga produkto at
serbisyo. Pumapasok din sa konseptong ito ang tinatawag nating
Pamamahala ng Kapaligiran (o Environmental Management) sa larangan ng
Pagnenegosyo. Isang halimbawa dito ang paglabas ng mga unleaded o
walang tinggang gasolina sa pamilihan. Hindi maganda ang naidudulot ng
paglaganap ng mga sasakyang gumagamit ng diesel at gasolina sa lipunan
dahil ang mono-oksidong karbon na ibinubuga ay unti-unting sumisira sa
Saping Osona ng daigdig na siyang sumasangga sa atin laban sa mga sinag
na ultra-biyoleta ng araw.
Mga Punto ng Estratehiya sa Pamamahala na Pangmerkado
Pananaliksik na pangmerkado
 layunin nitong alamin ang mga pangangailangan, kaugalian,
paraan ng pamimili at paniniwala ng isang market. Ginagamit din
ito sa pagtuklas ng mga bagong market sa isang lugar.
 Kadalasang ginagamit ang pagtatanong, pakikipanayam, at
diskusyong panggrupo sa Pananaliksik na Pampamilihan.
Mga Punto ng Estratehiya sa Pamamahala na Pangmerkado
Pananaliksik na pangmerkado
dalawang pangunahing pamamaraan ng pagkalap ng impormasyon.
 Ang paraang kuwantitatibo ay ginagamit sa
 Ang Paraang Kuwalitatibo ay ginagamit upang
mga impormasyong nabibilang tulad ng
edad, kasarian at ginagamit na tatak. malaman ang saloobin ng isang market. Sa
Inaalam natin kung ilang porsyento ang tulong ng Paraang Kuwalitatibo, maaari nating
lalaki at babae na bumubuo sa mga malaman kung ano ang kadalasang dahilan ng
naservey,kung ilang porsyento ang market kung bakit Tatak A at hindi Tatak B ang
matanda,binata o dalaga. Maaari rin kanilang binibili at ginagamit. Nalalaman din
malaman sa paraang ito kung ilan ang mga
natin ang paraan ng mga mamimili sa
lalake na gumagamit ng Tatak A laban sa
mga lalakeng gumagamit ng Tatak B.
paggastos ng kanilang mga salapi, ang
Limitado ang mga maaaring makuhang kanilang pang-araw-araw na buhay at ang
impormasyon sa Paraang Kuwantitatibo nakikitang nilang imahe sa mga kilalang Tatak
dahil hindi nito kayang alamin ang ugali, ng mga produkto o serbisyo.
pagkilos at pag-iisip ng mga tinatanong.
Mga Punto ng Estratehiya sa Pamamahala na Pangmerkado
Pananaliksik na pangmerkado
Ginagamit din sa pananaliksik na  Ang mga nakalap na
Ang diskusyong
pampalihan ang mga interbyu panggrupo ay tulad nang impormasyon sa mga surveys
upang mas makilala ng mga sa Interbyu ngunit imbes at interviews ay maaaring
marketer ang kanilang mga
na isa,mga lima pataas ang gawan ng mga trends o
mamimili. Dito isa-isang
sinasagot ng iniinterbyu kasapi sa mga gabay ukol sa market.
(mamimili) ang mga tanong ng interbyuwees. Ang Ginagamitan ito ng
interbyuwer o tagapanayam paraang ito ay magbibigay
pamamaraan sa estadistika o
(marketer o nagtatanong). Kung sa marketer ng mga sagot
kaya maspersonal ang dating ng na karaniwansa buong mga Statistical Tools upang
mga impormasyon. Hindi ito grupo kung kaya't magamit ng isang marketer.
madalas nagagamit ng mga masmainam ang paggamit Sa simpleng statistika,
marketers dahil may pagkamahal
ang gastusin para maisagawa
ng Diskusyon Panggrupo ginagamit ang
ang mga interbyus. Liban dito ay kaysa sa pag-iinterbyu. mapaglarawang estadistika.
ang oras na dapat ibigay ng Sa maspinalawak na
interbyu para sa mga
pananaliksik at estadistika
kinakapanayam
ginagamit ang imperensiyang
estadistiko.
Mga Punto ng Estratehiya sa Pamamahala na Pangmerkado

Segmentasyon ng merkado at puntiryang merkado


ginagawa ng mga marketer upang malaman nang husto ang
tutugmang target market para sa kanilang produkto o serbisyo.
Ginagamit din ang stratehiyang ito upang malaman ang mga
market segment o parte ng market na hindi pa natutustusan ng
angkop na produktong kanilang hinihingi.
 . Halimbawa, ang "Young's Gel" na isang sikat na pamada ay isa sa nagpauso sa pagbebenta ng tingi sa
nasabing produkto. Nang malaman nilang mabigat para sa mga kabataang lalaki ang bumili ng isang buong
bote ng gel, nagawa nilang bigyan sila ng pagkakataon na makapag-ayos ng kanilang buhok na
sumusunod sa uso at modernong fashion.

 Tulad din ng produktong feminine wash(Lactacid,PH Care), nalaman ng mga kompanya na ang imahe ng
feminine wash sa mga kababaihang Pilipino ay gamot at hindi pang-araw-araw. Sinubukan ng mga
naturang produkto na ipatalastas ang feminine wash bilang isang paraan ng paglilinis sa katawan ng isang
babae na walang kaibahan sa paggamit ng shampoo sa buhok. Nagdulot ito ng malawakang paggamit ng
mga kababaihan sa feminine wash bilang isang pangangailangan upang maging malinis sa katawan.
Pamamaraang ginagamit upang mahati
ang isang market sa iba't-ibang mga segment.
1. Demograpiya - Tinutukoy ang isang puntiryang merkado ayon sa
kanilang kasarian, edad, halaga ng suweldo, edukasyon at trabaho.
2. Heograpiya- Dito naaayon ang target market sa kanilang lugar o
lokasyon, klima ng lokasyon at kalakihan ng lugar.
3. Sikolohiya - Tinutukoy din ang target market ayon sa kanilang pag-
iisip at kaugalian. Maaaring ayon sa kanilang mga
pangangailangan, personalidad at kabuhayan(lifestyle).
4. Sosyo-kulturaL- Sa larangan ng Sosyo-kulturang segmentasyon,
inaalam ng mga marketer ang kabansaan, relihiyon at klaseng
panlipunan.
 
THANK YOU

You might also like