You are on page 1of 3

ARELLANO UNIVERSITY

Jose Abad Santos Campus


Basic Education Department – Senior High School
3058 Taft Avenue Pasay City
Kalinisan: 2
Kompleto: 3
Pangalan: _____________________________________________________ Malikhain: 2
Antas / Strand / Seksyon: ________________________________________ Nilalaman: 8
Kabuuan 15
Petsa: ________________________________________________________
Guro: ________________________________________________________

Asignatura: Pagsulat sa Filipino sa Larangan ng Tech-Voc Sanggunian: Rex Book Store: Fil sa Piling
Larangan (Tech-Voc)
Paksa: Flyers at Leaflets Uri ng Gawain: Concept Notes
Gawain Bilang: 10
Layunin:
- Natutukoy ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng materyal pampromosyon tulad ng
flyers at leaflets
- Nakagagawa ng mga materyal pampromosyon tulad ng flyers at leaflets

Panimula
Pagsulat ng Materyal Pampromosyon
Ang promosyon o promo ay isang espesyal na serbisyo na ginagawa sa larangan ng
negosyo. Sa pamamagitan nito, nakapagbibigay ang kompanya ng mas mababang halaga ng
kanilang mga produkto o serbisyo sa itinakdang panahon. Ginagawa ang promo upang makaakit
ng mga potensyal na kostumer.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng Promosyonal na Materyal
1. Sa promosyon, kailangang isaisip ang reputasyon at imahen ng kompanya habang inaakma ang
mga gawain sa target market.
2. Paghandaang mabuti ang mga materyal na gagamitin. Magsagawa ng testing sa particular na
mga materyales
3. Kinakailangang bumuo ng tema na angkop sa layunin ng promosyong isasagawa.
4. Isipin kung paano makakaapekto sa buhay ng mga mamimili ang prdukto o serbisyong
iniaalok.
5. Huwag maglagay ng hindi makatotohanang pahayag sa mga pasulat na patalastas.
6. Sumangguni sa mga empleyado at iba pang propeyonal kaugnay sa gagawing materyal
pampromosyon.
Paggawa ng Flyers
⮚ Ginagamit ang flyers sa diseminansyon o pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa isang
personal na Gawain o sa isang negosyo.
⮚ Mahalaga ito para sa mga mililiit o nagsisimulang negosyo sapagkat nakatutulong ito na
mapansin ng mga tao ang kanilang mga produkto o serbisyo.
⮚ Karaniwang isang maliit na papel lamang ito na may lamang larawan at maikling teksto =,
bagaman may mga disenyong maaaring isagawa depende sa nagpapakalat ng impormasyon.
Pagbuo ng Flyers
⮚ Maraming aplikasyon ang maaaring magturo o makatulong kaugnay sa paggawa ng isang
flyer. Kailangan ng mabisang layout o pagdidisenyo ng flyer sapagkat nagtataglay ito ng
mga mahahalagang impormasyon.
⮚ Maaring gumamit ng Microsoft Publisher o Adobe Photoshop sa pagbuo nito. Mayroong
gabay sa pagbuo ng layout kinakailangan lamang maging maingat at matalino sa isusulat na
nilalaman.
Tips sa Paggawa ng Flyer
1. Sumulat ng pamagat. Kinakailangang simple at Malaki ang pamagat.
i. Ang lettering ng pamagat nararapat na Malaki at makikita ng tao mula sa malayo.
ii. Gumamit ng malalaking titik (all caps).
iii. Sans serif tulad ng Arial. May serif ang mga pormal na font tulad ng Times New roman
at Book Antiqua. Maaring lagyan ng kulay ang pamagat.
2. Gawing simple ang mensahe. Dapat ay hindin kailangang basahin ng mambabasa ang
kabuuang flyers. Dapat maunawaan na agad ito ng titingin o babasa.
3. Magdagdag ng larawan o grapikong presentasyon. Iwasan ang sobrang dami ng larawan.
4. Maglagay ng deskripsyon sa ibaba ng larawan. Maikli ngunit detalyado. Maaaring dalawa
hanggang tatlong linya. Gumamit ng malalaking titik para sa mga susing salita at
mapanghikayat na mga salita.
5. Huwag kalimutang ilagay ang numerong dapat ilagay ng mga taong nais tumugon o interesado
sa nilalaman ng flyers.
6. Pagsasapubliko ng impormasyon ang pinakamahalagang bahagi sa pagbuo ng flyers. Mamigay
ng kopya nito sa mga pampubliko o matataong tao.

HALIMBAWA NG LEAFLETS
Referensyal:
https://www.postermywall.com/index.php/art/template/202acb596d50246d5fa4432d554393ae/bur
ger-menu-flyer-template

Pagsulat ng Leaflets
Ang leaflets, tulad ng flyers, ay uri din ng promosyon na materyal. Higit na Malaki at mas
komprehensibo ang nilalaman ng leaftlets kaysa flyers. May iba’t ibang dahilan sa pagpapalaganap
ng leaflets na tinatawag ding brochures o pamphlets. Karaniwang ginagawa ito ng mga
nagsisimula ng isang negosyo o kaya ay para sa isang kampanyang pangkamalayan para sa isang
adbokasiya o pangyayari. Karaniwang isang buong papel na itinupi sa dalawa o higit pang bahagi
na may iba’t ibang disenyo at teksto ayon sa particular na layunin.
Paggawa ng Leaflets
1. Planuhin ang mga detalyenf nais ilagay sa leaflet.
2. Gumamit ng mga parirala para sa mga pamagat at teksto.
3. Mas Malaki ang espasyong inilalaan sa leaflets at maaaring magdagdag ng impormasyon
tungkol sa produkto o serbisyo. Hindi pa rin kinakailangan ditto ang mahaba at detalyadong
paliwanag. Maglagay ng web link na maaring puntahan ng mga interesadong mambabasa kung
may karagdagang tanong.
4. Maaaring gumamit ng MS word, na popolar dahil karaniwan itong ginagamit sa halos lahat ng
kompyuter. BUkod sa MS word, ang Microsoft Publisher na mayroon nang nakahandang
templates ng mga disenyo na maaaring pagpiliian.
5. Magsama ng mga larawan upang maiwasan ang pagkakaroon ng bulto ng teksto na hindi
naman babasahin ng mga tao.
6. Tingnan kung may mga pagkakamali sa baybay at sa gramatika. Ang anumang pagkakamali ay
nakakasira sa magandang naisagawa.
7. Maglimbag ng mga sampol bago ipamahagi ang mga kopya.
HALIMBAWA NG LEAFLETS
Referensyal: https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?
q=tbn:ANd9GcSLqlpXpM1vGmkAiVYgCxDnoWZWgeYuzqJNMA&usqp=CAU

Gawain 1 (Pangkatang- Gawain)


Panuto: Gumawa ng isang flyer at leaflets na may paksang panghihikayat na mag-aral o mag-enroll sa
Senior High School ng Arellano University-JAS Campus.

Pamantayan Puntos

Kompeto at malinaw ang impormasyong inilahad 60

Wastong gamit ng mga salita at porma 20

Malikhaing paggamit ng biswal o larawan 20

Kabuuan 100

Mga Gabay ng Tanong:


1. Ano ang promosyon?
2. Ibigay ang pagkakaiba ng flyers at leaflets.
3. Bakit kinakailangan ng promosyonal na materyal sa isang negosyo?

You might also like