You are on page 1of 2

Matalam Polytechnic College Inc.

Final na Eksaminasyon sa
Pilipino sa Piling Larangan 11
Tech-voc

Pangalan: _____________________ Petsa: ________________ Iskor: _________


Panuto: Piliin at bilugan ang tamang sagot. (Total magaling ka naman mag-isip.)isulat mo ang tamang
kasagutan. If nalilito ka, take your time.Pag-isipan mong mabuti.Pag nagdadalawang –isip ka,palitan mo na yong
sagot mo.Baka magsisi ka pa sa huli kapag di ka pa nag let go. “Don’t cheat” (Galingan mo MAKE ME PROUD).
I.PAGPILIAN
________1. Nagbibigay ng pangunahing ideya sa kung ano ang nilalaman ng manwal?
a. Pamagat b. Talaan ng nilalaman c. Pambungad d. Nilalaman
________2. Matatagpuan dito ang pangalan, lokasyon at impormasyon sa pagkontak sa ahensiyang pagmumulan
ng liham; kalimitan itong nagtataglay ng logo ng nasabing kompanya o institusyon?
a. Bating Pangwaka b. Bating Pambungad c. Ulong-sulat d. Patunguha
________3. Kadalasang inililimbag sa isang pahina lamang. Kalimitang ginagamit ang mga ito bilang handout,
ipinamimigay upang maipakilala ang isang produkto o taong ikinakampanya. Ginagamit din ito bilang pabatid sa
mga okasyon o bilang talaan ng mga impormasyon tungkol sa isang bagong kainan, pasyalan o produkto, at ibang
patalastas, ano ito?
a. Manwal b. brochure c. Menu d. flyer at leaflet
________4. kalimitang mas mahaba sa isang pahina. Kalimitan ding nakatupi ang mga ito na siyang nagtatakda ng
pagkakahati-hati ng mga impormasyong nakasulat dito, anong promotional material ang tinutukoy dito?
a. Manwal b. brochure c. Menu d. flyer at leaflet
________5. Ito ay nagtataglay ng paglalarawan sa isang produkto?
a. Deskripsiyon ng produkto b.Feasibility Study c. manwal d brochure
________6.Isang pag-aaral na ginagawa upang malaman ang iba’t ibang sangkap at epekto ng iminumungkahing
produkto at/o serbisyo at kung ito ay naaayon sa pangangailangan sa pamilihan?
a. Manwal b.Feasibility Study c. Menu d. flyer at leaflet
________7. Itinatakda sa bahaging ito ang panahon kung kailan dapat magawa ang mga produkto/serbisyo?
a. Iskedyul b. Mga Taong may Gampanin sa Produkto at/o Serbisyo
c. Estratehiya sa Pagbebenta d. Kakailanganging Teknikal na Kagamitan
________8. Nagbibigay ng kabuuang pagtanaw ng lalamaning feasibility study. Madalas, huli itong isinusulat
kapag buo na ang lahat ng iba pang bahagi?
a. Pangkalahatang Lagom / Executive Summary b.Mga Taong may Gampanin sa Produkto at/o
Serbisyo c. Estratehiya sa Pagbebenta d. Kakailanganging Teknikal na Kagamitan
________9. Inilalahad sa huling bahagi ang paglalagom at pagbibigay-mungkahi batay sa ikalawa hanggang
ikawalong bahagi?
a. Iskedyul b. Rekomendasyo c. Projection sa Pananalapi at Kita d. Marketplace
________10. Isang dokumento na nagsasaad ng pagkakasunod-sunod na pangyayari o kaganapan sa isang tao o
grupo ng tao?
a. Manwal b. Feasibility Study c. Naratibong ulat d. Menu
_________11. Isang mensahe na nagsasaad ng mahalagang impormasyon at mistula din itong magsasabi kung ano
ang maaari at hindi maaaring gawin. Maaari ding pumaksa ang paunawa tungkol sa anumang pagbabago ng
naunang nabanggit na impormasyon?
a. Pag-unawa b. Babala c. Menu d. Manwal
__________12. Nagbabahagi ng mahalagang impormasyon na makapagbibigay ng sapat na kaalaman sa sinumang
tao. Maaari din itong isang panawagan sa ilang importanteng gawain o aktibidad?
a. Pag-unawa b. Babala c. Anunsiyo d. Manwal
__________13. Nagsasaad ng maaaring maging panganib sa buhay, estado, o nararanasan ng tao?
a. Pag-unawa b. Babala c. Anunsiyo d. Manwal
__________14. Mahalagang kagamitan sa restwaran at nagsisilbi itong pangunahing pinagkukuhanan ng
impormasyon ng mga tao kung nais nilang kumain sa isang napiling restawran?
a. Manwal b. Feasibility Study c. Naratibong ulat d. Menu
__________15. Matatagpuan dito ang mga kalakip na impormasyon hinggil sa manwal katulad ng mga
impormasyon sa pagkontak, mga tala, atbp?
a. Apendise b..Talan ng nilalaman c. Pambungad d. Nilalaman
II. TAMA o MALI. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi.
_______1.Maaaring magtaglay ng mga ilustrasyon ang isang manwal.
_______2. Nagsasaad ng panuntunan, kalakaran, at proseso ang isang manwal.
_______ 3. Hindi kailangan ng talaan ng nilalaman sa isang manwal.
_______4. Sa pagsulat ng deskripsiyon ng produkto, gumagamit ng pangangatwiran ang manunulat.
_______5. Inilalagay sa deskripsiyon ng produkto ang detalyadong paglalarawan dito.
_______6. Kolokyal ang ginagamit na wika sa pagsulat ng deskripsiyon ng produkto.
_______7. Marapat na panatilihing payak ang pagkakabuo ng mga pangungusap kung susulat ng
deskripsiyon ng produkto.
_______8. Mahalaga ang deskripsiyon ng produkto upang higit na masuri at makilatis ang isang
produkto.
_______9. Isa sa mga uri ng liham ang liham-pangnegosyo.
______10. Hindi maaaring maglagay ng kalakip kung susulat ng liham.

III. IDENTIPIKASYON. Punan ang patlang upang maibigay ang hinihingi sa bawat pahayag.
1. Tinatawag na ____________ ang isang uri ng babasahing naglalahad ng iba’t ibang impormasyon
katulad ng mga alituntunin, paraan ng paggamit, proseso, at iba pang detalye hinggil sa isang paksa na
nagsisilbing gabay sa mga mambabasa.
2. Ang flyer / leaflet at brochure ay ilang mga halimbawa ng ________________.
3. Isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat ng flyer ang _______________ ng mga mamimili.
4. Ang _______________ ay kadalasang binubuo lamang ng isang pahinang nagtataglay ng
impormasyon tungkol sa isang produkto o serbisyo.
_________5. Isang pag-aaral na ginagawa upang malaman ang iba’t ibang sanhi at epekto ng
iminumungkahing produkto at/o serbisyo
________6. Isang dokumento na nagsasaad ng pagkakasunod-sunod na pangyayari o kaganapan sa
isang tao o grupo ng tao
________7. Kahalagahan ng isang pag-aaral na ginagawa upang malaman ang iba’t ibang sanhi at
epekto ng iminumungkahing produkto at/o serbisyo
________8. Kahalagahan ng isang dokumento na nagsasaad ng pagkakasunod-sunod na pangyayari
________9. Madalas na isinusulat na huli sa isang feasibility study
________10. Bahagi ng feasibility study na naglalarawan ng produkto at/o serbisyo
________11. Bahagi ng feasibility study na tumutukoy sa pamamaraan kung paano magagamit ng tao
ang produkto/serbisyo
_______12-14 Tatlong tanong na dapat masagot ng isang naratibong ulat
________15. pangkalahatang tawag sa anumang pagbabatid ng mahalagang impormasyon sa tao
________16. nagsasaad ng mahalagang impormasyon at mistulang din itong magsasabi kung ano ang
maaari at hindi maaaring gawin
________17. nagsasaad ng maaaring maging panganib sa buhay ng tao
________18. mahalagang impormasyon na makapagbibigay ng sapat na kaalaman sa sinumang tao.
________19. ang nagsisilbing pangunahing pinagkukuhanan ng impormasyon ng mga tao hinggil sa
nais kainin sa isang restawrant.
________20. huling bahagi ng proseso sa pagbuo ng menu.
IV. SANAYSAY. Sagutin ang tanong:
 Ano ang pagkakaiba ng isang feasibility study at naratibong ulat? (5 Puntos)

You might also like