You are on page 1of 6

OCTOBER 18, 2019

Di-Masusing Banghay Aralin sa Filipino sa Piling Larangan (Tech Voc)


1:00 – 3:00 GRADE 12- COREL

I: LAYUNIN
 Nasasagot ang mga tanong ng tama;
 Naipapakita ang katapatan at kasiyahan sa pagsagot sa mga tanong;
 Nakasusunod sa panuto.

II: PAKSA AT KAGAMITAN


PAKSA: Pangalawang Markahan Pagsusulit Sa Filipino Sa Piling Larangan (Tech. Voc.)
SANGUNIAN: Filipino sa Piling Larangan (Tech-voc) nina Christian George C. Francisco at
Mary Grace H. Gonzales
KAGAMITAN: Test questionnaire, ballpen, papel

III: PROSESO NG PAGKATUTO


A. BALIK ARAL
 Nag-aral ba kayo ng inyong mga aralin?

B. PAGHAHANDA/PANIMULANG GAWAIN
 Paghahanda ng mga kagamitang gagamitin sa pagsusulit.

C. PAGTATALAKAY
 Pagpapaliwanag ng mga panuto.
 Pagbibigay ng mga pamantayan sa pagkuha ng pagsusulit

D. PAGSUSURI
 Naintindihan nang mga mag-aaral ang mga panuto at pamantayan sa pagkuha ng
pagsusulit at handa na silang sagutan ang mga tanong.

E. PAGLALAPAT
 Pagkuha ng pagsusulit.

IV: PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuting ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang sinasalamin ng promosyonal na mga material?

A. Ang mamimili C. Ang kompanya


B. Ang produkto D. Ang publiko

2. Anong espesyal na serbisyo kung saan nakapagbibigay ang kompanya ng mas mababang halaga
ng kanilang mga produkto o serbisyo sa itinakdang panahon?

A. Promosyon C. Flyers
B. Leaflets D. Manwal

3. Ito ay ginagamit sa diseminasyon o pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa isang personal na


gawain o sa isang negosyo. Ano ito?

A. Promosyon C. Flyers
B. Leaflets D. Manwal

4. Ito ay kinakailangan sa pagdedesinyo ng flyers. Ano it?

A. Imahe C. Graphics
B. Letra D. Layout

5. Kinakailangang mas malaki ito kaysa sa buong teksto upang madali itong Makita ng mga tao
mula sa malayo. Ano ito?
OCTOBER 18, 2019

A. Pamagat C. Imahe
B. Nilalaman D. Address

6. Ito ay karaniwang ginagawa ng mga nagsisimula ng negosyo o kaya ay para sa isang kampanyang
pangkamalayan para sa isang adbokasiya o pangyayari. Ano ito?

A. Promosyon C. Flyers
B. Leaflets D. Manwal

7. Ang leaflets ay tinatawag ding ano?

A. Brochure C. Templates
B. Pamphlets D. Maaring a at b

8. Anong aplikasyon sa computer ang maaring gamitin sa paggawa ng leaflets?

A. MS Publisher C. Lahat ng nabanggit


B. MS Word D. Wala sa nabanggit

9. Anong aplikasyon sa computer ang maaring gamitin sa paggawa ng flyers?

A. MS Publishert C. Lahat ng nabanggit


B. Adobe Photoshop D. Wala sa nabanggit

10. Ano ang pagkakaiba ng leaflets at flyers?


A. Higit na malaki at mas komprehensibo ang nilalaman ng leaflets kaysa sa flyers
B. Ito ay isang uri ng promosyonal na material.
C. Lahat ng nabanggit
D. Wala sa nabanggit
11. Ito ay ginagamitan ng attention icon. Ano ito?

A. Anunsiyo C. Paalala
B. Babala D. Paunawa

12. Ito ay nakapagbibigay at nakapagbabahagi ng impormasyon. Ano ito?

A. Anunsiyo C. Paalala
B. Babala D. Paunawa

13. Anong uri ng instruksiyon ang ginagamit upang makadagdag ng kaalaman na maaaring
makapukaw ng interes ng mambabasa?

A. Anunsiyo C. Paalala
B. Babala D. Paunawa

14. Anong uri ng instruksiyon ang inilalagay upang makaiwas na masaktan ang tagapagsagawa o
maiwasan ang pagkasira ng kagamitan sa normal na operasyon?

A. Anunsiyo C. Paalala
B. Babala D. Paunawa

15. Anong uri ng instruksiyon ang pinupukaw ang atensiyon ng tao tungkol sa anumang bagay na
maaring makasira ng kagamitan o makadulot ng pagkawala ng datos?

A. Anunsiyo C. Paalala
B. Babala D. Paunawa

16. Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng babala?


A. Mapapadali nito ang proseso ng pagdidikit ng turnilyo kapag itinaas na ang beam.
OCTOBER 18, 2019

B. Hugutin ang saksak ng kompyuter bago tanggalin ang lalagyang panlabas. Kun
hindi, maaring makuryente.
C. Huwag munang hugutin ang saksakan kung hindi pa napapatay ang monitor. Maaaring
masira ang monitor. Patayin muna ang monitor bago hugutin ang saksak.
D. Lahat ng nabanggit.
17. Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng paalala?
A. Mapapadali nito ang proseso ng pagdidikit ng turnilyo kapag itinaas na ang beam.
B. Hugutin ang saksak ng kompyuter bago tanggalin ang lalagyang panlabas. Kun hindi,
maaring makuryente.
C. Huwag munang hugutin ang saksakan kung hindi pa napapatay ang monitor. Maaaring
masira ang monitor. Patayin muna ang monitor bago hugutin ang saksak.
D. Lahat ng nabanggit.
18. Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng paunawa?
A. Mapapadali nito ang proseso ng pagdidikit ng turnilyo kapag itinaas na ang beam.
B. Hugutin ang saksak ng kompyuter bago tanggalin ang lalagyang panlabas. Kun hindi,
maaring makuryente.
C. Huwag munang hugutin ang saksakan kung hindi pa napapatay ang monitor.
Maaaring masira ang monitor. Patayin muna ang monitor bago hugutin ang saksak.
D. Lahat ng nabanggit.
19. Ano ang maaring ilagay bago ang paalala upang madali itong mapansin ng mambabasa?

A. Raised hand icon C. Exclamation sign


B. Attention icon D. Lahat ng nabanggit

20. Babala: Warning ; Paalala:______

A. Caution C. Warning
B. Note D. Wala sa nabanggit

21. Anong ulat ang may layuning maidokumento ang mga natuklasan matapos ang pagsasagawa ng
pagsusuring panlaboratoryo?

A. Ulat Analitikal C. Ulat Progreso


B. Ulat Panlaboratoryo D. Ulat Pangnegosyo

22. Ito ay isang maikling ulat na nagpapaliwanag sa pagkakaunlad ng ginagawang proyekto o mga
proyekto. Ano ito?

A. Ulat Analitikal C. Ulat Progreso


B. Ulat Panlaboratoryo D. Ulat Pangnegosyo

23. Ito ay pormal na tala o record ng isang eksperimento. Ano ito?

A. Ulat Analitikal C. Ulat Progreso


B. Ulat Panlaboratoryo D. Ulat Pangnegosyo

24. Ang mga sumusunod ay dahilan ng pagsulat ng ulat ng progreso maliban sa isa. Ano ito?
A. Upang malaman ang progreso ng proyekto
B. Upang malaman kung nakapasa ka
C. Mga plano sa susunod na pag-uulat.
D. Upang malaman ang mga pagsubok na iyong ikinaharap
25. Anong bahagi ng introduksiyon ng ulat ng progreso na kung saan inilalarawan ang mga kabilang
sa talakayin sa ulat na ito at ang hindi?

A. Mga layunin C. Mahahalagang tao


B. Saklaw D. Nakaraang gawain
OCTOBER 18, 2019

26. Ano ang ginagamit kung ang padadalhan ng ulat panlaboratoryo ay nasa loob ng organisasyon o
kompanya?

A. Abstrak C. Ulo ng liham


B. Ulo ng memorandum D. Panimula

27. Ano ang ginagamit kung ang padadalhan ng ulat panlaboratoryo ay nasa labas ng organisasyon o
kompanya?

A. Abstrak C. Ulo ng liham


B. Ulo ng memorandum D. Panimula

28. Anong component ng ulat panlaboratoryo ang naglalarawan ng layunin at ang siyentipikong
konteksto ng ekspiremento?

A. Introduksiyon C. Konklusyon
B. Diskusyon D. Rekomendasyon

29. Anong component ng ulat panlaboratoryo na naglalaman ng mga mungkahi para sa susunod pang
aksiyon na dapat isagawa?

A. Introduksiyon C. Konklusyon
B. Diskusyon D. Rekomendasyon

30. Anong component ng ulat pan paboratoryo ang nagprepresenta ng iyong mga natuklasan?

A. Introduksiyon C. Konklusyon
B. Diskusyon D. Rekomendasyon

31. Anong component ng ulat pan paboratoryo ang naglalaman ng mga mungkahi para sa susunod
pang aksiyon na dapat isagawa?

A. Introduksiyon C. Konklusyon
B. Diskusyon D. Rekomendasyon

32. Anong bahagi ng diskusyon na naglalarawan kung paano isinagawa ang eksperimento?

A. Metodo C. Apparatus
B. Teorya D. Pagsusuri

33. Anong bahagi ng diskusyon ang naglalarawan ng pagsusuring ginawa sa datos upang maisalin ito
sa kuwantitatibong impormasyon na magagamit sa interpretasyon?

A. Metodo C. Apparatus
B. Teorya D. Pagsusuri

34. Ito ay isang representasyon ng serye ng mga pangyayari. Ano ito?

A. Proposal C. Naratibo
B. Manwal D. Feasibility study

35. Anong espesyalisado at teknikal na dokumentong pangnegosyo ang nagbibigay ng


mapanghikayat na solusyon sa mga suliranin?

A. Proposal C. Naratibo
B. Manwal D. Feasibility study

36. Anong ang SAKS-BP?

A. Sino-Ano-Kailan-Saan/Bakit- B. Sosyal-Akademiks-Kaunlaran-
Paano Sa/Bukas-ngPilipino
OCTOBER 18, 2019

C. Lahat ng nabaggit D. Wala sa nabanggit

37. Alin sa mga sumusunod ang anyo ng naratibo?

A. Pagsulat na walang dialogo C. Lahat ng nabaggit


B. Pagsulat na may dialogo D. Wala sa nabanggit

38. Anong bahagi ng proposal na kung saan makikita na agad ng magbabasa ng proposal ang
kabuuan ng pananaliksik?

A. Talaan ng nilalaman C. Abstrak


B. Pagpapahayag ng misyon D. Rekomendasyon

39. Anong bahagi ng proposal na kung saan medaling mahahanap ng mga mambabasa ng proposal
ang mga bahagi at nilalaman nito?

A. Talaan ng nilalaman C. Abstrak


B. Pagpapahayag ng misyon D. Rekomendasyon

40. Anong bahagi ng proposal ang makatutulong upang mabigyang-linaw ang pangunahing tunguhin
ng proyektong inihahain?

A. Talaan ng nilalaman C. Abstrak


B. Pagpapahayag ng misyon D. Rekomendasyon

41. Anong bahagi ng proposal ang tuwirang binabanggit ang dahilan kung bakit kailangang
maisagawa ang proyekto o programang inihahain bilang solusyon sa kasalukuyang suliranin?

A. Pamagat C. Rasyonal
B. Introduksiyon D. Kaugnay na literature

42. Anong bahagi ng proposal ang nagpapakilala sa kaligiran o background ng suliranin?

A. Pamagat C. Rasyonal
B. Introduksiyon D. Literatura

43. Anong bahagi ng proposal na kung saan makikita kung ano ang ginagawang pag-aaral, proposal o
proyekto?

A. Pamagat C. Rasyonal
B. Introduksiyon D. Literatura

44. Ito ang kaugnay na mga papel o dokumento, babasahin, particular na mga pag-aaral, o
pananaliksik na nasusulat na kaugnay ang isang konsepto, ideya, isyu, o problema sa anumang
larangan. Ano ito?

A. Literature C. Sarbey
B. Rasyunal D. Programa

45. Ano ang ibig sabihin ng APA na pormat ng pagsipi ng dokumento?

A. Association Perfect Authors C. American Psychiatric Author


B. American Psychological D. Authors of the Philippines
Association Association

46. Ano ang ulat analitikal?


A. Isang isang teknikal o propesyonal na dokumento na isinusulat para gamitin sa
pamahalaan o negosyo
B. Nagmumula ang impormasyon sa sarbey, record-pinansyal, atbp
OCTOBER 18, 2019

C. Tumutulong upang makabuo ng mahahalagang desisyon ang mga opisyal ng gobyerno o


mga ehekutibo ng isang negosyo
D. Lahat ng nabanggit
47. Alin sa mga sumusunod ang tunguhin ng Ulat-Analitikal?

A. Magtaya ng mga oportunidad C. Magsuri ng mga napapanahong


B. Sumuporta sa mga desisyon isyu
D. Lahat ng nabanggit

48. Ayusin ayon sa pagkakasunod-sunod ang pormat ng Ulat-Analitikal

I. Pahina ng pamagat V. Konklsyon at Rekomendasyon


II. Diskusyon VI. Introduksiyon
III. Talaan ng nilalaman VII. Sanggunian
IV. Liham paglilipat o VIII. Ehekutibong buod
Memorandum ng Paglilipat IX. Apendiks

A. I, II, III, IV, V, VI, VII, VIII, C. I, III, VIII, V, VII, IV, II, VI,
IX IX
B. I, IV, III, VIII, VI, II, V, VII, D. I, VII, V, IV, VIII, II, III, VI,
IX IX

49. Dito inilalagay ang mga halimbawa ng sarbey at talatanungan na ginamit at iba pang dagdag na
impormasyon. Ano ito?

A. Ehekutibong buod C. Sangunian


B. Introduksiyon D. Apendiks

50. Anong pormat ang kadalasang ginagamit sa paglalagay ng sipi o citation?

A. MLA Format C. Lahat ng nabanggit


B. APA Format D. Wala sa nabanggit

V: TAKDANG ARALIN
Magsaliksik tungkol sa Pagbuo ng mga Elementong Biswal.

INIHANDA NI:

JUNEDINE MITZE P. QUINONES

You might also like