You are on page 1of 1

PAGSUSULIT NG FILIPINO SA PILING LARANGAN(Tech-Voc)

(FLYERS-LEAFLETS/DESKIPSIYON NG PRODUKTO)

PANGALAN________________________________ PETSA________________

I panimulang Pagsusulit. IDENTIPIKASYON.

Punan ang patlang ng wastong sagot upang mabuo ang mga pahayag.(2 puntos bawat isa)

1.Ang flyers /leaflets at brochure ay ilang mga ng _________________.

2.Isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat ng flyers ang _____________ng mga mamimili.

3. kadalasang binubuo lamang ng isang pahinang nagtataglay ng impormasyon tungkol sa isang produkto o
serbisyo ay ang _______________.

4.Kalimitang mas mahabang uri ng promotional materials at may pagkakahati-hati ng mga impormasyon
nakalagay. ito ay ang _________________.

5. Naglalaman ng mas kakaunting teksto at mas nakatuon sa larawan o ibig iparating ng mensahe sa biswal na
paraan ito ay isang __________________.

II. TAMA O MALI. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag . Kung MALI, tukuyin ang salitang nagpamali sa
pahayag .(2 puntos bawat isa )

_____1. Sa pagsulat ng deskripsiyon ng produkto ,gumagamit ng pangangatwiran ang manunulat.

_____2. Inilagay sa deskripsiyon ng produkto ang detalyadong paglalarawan dito.

_____3. kolokyal ang ginagamitng wika sa pagsulat ng deskripsiyon ng produkto.

_____4. Mararapat na panatiliing payak ang pagkakabuo ng mga pangungusap kung susulat ng deskripsiyon ng
produkto.

_____5. Mahalaga ang deskripsiyon ng produkto upang higit na masuri at makilatis ang isang produkto.

_____6. Sa pagbuo ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto ,isinasaad ang mga
kinakailangan sa proseso ng paggawa ng produkto.

_____7. Mahalaga ang kronolohiya ng mga hakbang na nakasaad sa dokumentasyon sa paggawa ng isang
bagay o produkto.

_____8. Maaaring maglagay ng ilustrasyon kung susulat ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o
produkto.

_____9. Masasabing teknikal ang pagkakaayos ng mga proseso kung nasa tamang pagkakasunod-sunod ang
mga ito.

____10. Nagsisilbing gabay ang dokumentasyon sa sinumang nais gumawa ng isang bagay o produkto.

You might also like