You are on page 1of 10

FLYERS AT

LEAFLETS
FLYERS
• Ginagamit ang flyers sa diseminasyon o pagpapakalat ng impormasyon
tungkol sa isang personal na gawain o sa isang negosyo.
• Karaniwang ginagamit ito bilang promosyonal na material
• Bukod sa mura ang flyers, madali rin itong gawin.
• Mabisang paraan ito ng pagpapakalat ng impormasyon lalo na kung
maraming kopya ang ilalathala at ipamimigay o ipapaskil.
• Mahalaga ito para sa mga maliliit o nagsisimulang negosyo sapagkat
nakatutulong ito na mapansin ng mga tao ang kanilang mga produkto o
serbisyo.
FLYERS
• Karaniwang isang maliit na papel lamang ito na may lamang larawan
at maikling teksto, bagaman may mga disenyong maaaring isagawa,
depende sa nagpapakalat ng impormasyon.
PAGGAWA NG FLYER
1. Sumulat ng pamagat. Kailangang simple at Malaki ang pamagat.
2. Gawing simple ang mensahe. Dapat hindi kailangang basahin ng
mambabasa ang kabuuan ng flyer. Dapat maunawaan na agad ito ng
titingin o babasa.
3. Magdagdag ng larawan o grapikong presentasyon. Mas natatandaan ng
mga tao ang mensahe sa tulong ng mga kasamang imahen. Iwasan ang
sobrang daming larawan upang hindi magmukhang siksik at magulo ang
flyer.
4. Maglagay ng deskripsiyon ng deskripyon sa ibaba ng larawan. Nararapat
na maikli lamang ito, ngunit detalyado na. Maari itong dalawa hanggang
tatlong linya. Gumamit ng mapanghikayat na mga salita.
PAGGAWA NG FLYER
5. Huwag kalimutang ilagay ang numerong dapat tawagan ng mga
taong nais tumugon o interesado sa nilalaman ng flyer.
6. Pagsasapubliko ng impormasyon ang pinakamahalagang bahagi sa
pagbuo ng flyer.
7. Mamigay ng kopya nito sa mga pampubliko o matataong lugar.
LEAFLETS
• Ang leaflets, tulad ng flyers, ay uri din ng promosyonal na material.
• Higit na malaki at mas komprehensibo ang nilalaman ng leaflets kaysa
flyers.
• May iba’t ibang dahilan sa pagpapalaganap ng leaflets na tinatawag ding
brochures o pamphlets.
• Karaniwang ginagawa ito ng mga nagsisimula ng isang negosyo o kaya ay
para sa isang kampanyang pangkamalayan para sa isang adbokasiya o
pangyayari.
• Karaniwan itong isang buong papel na itinupi sa dalawa o higit pang bahagi,
na may iba’t ibang disenyo at teksto ayon sa particular na layunin.

You might also like