You are on page 1of 101

Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang

(TECH VOC)
(Q2)

Jemalyn Orogo Maglasang, LPT


John Rey B. Saroay, LPT
Talaan ng Nilalaman

Pahina
Modyul 9: Flyers at Leaflets
Panimula 81
Bunga sa Pagkatuto (Learning Outcomes) 81
Aralin 1. Pagsulat ng Materyal Pampromosyon 82
Aralin 2. Flyers 83
Aralin 3. Leaflets 85
Pagsasanay 86
Paglalagom 90
Sanggunian 90

Modyul 10: Paalala, Babala at Anunsiyo


Panimula 91
Bunga sa Pagkatuto (Learning Outcomes) 91
Aralin 1. Anunsiyo 92
Aralin 2. Palala at Babala 94
Aralin 3. Babala 96
Aralin 4 Paalala 97
Pagsasanay 98
Paglalagom 102
Sanggunian 102

Modyul 11: Ulat ng Progreso at Ulat Panlaboratoryo

Panimula 104
Bunga sa Pagkatuto (Learning Outcomes) 104
Aralin 1. Ulat ng Progreso 105
Aralin 2. Mga Pangunahing Bahagi ng Ulat Progreso 106
Aralin 3. Ulat Panlaboratoryo 114
Aralin 4. Mga Komponent ng Ulat Panlaboratoryo 114
Pagsasanay 119
Paglalagom 121
Sanggunian 121
Modyul 12: Naratibong Ulat
Panimula 121
Bunga sa Pagkatuto (Learning Outcomes) 121
Aralin 1. Ang Naratibong Ulat 121
Aralin 2. Kahalagahan at Bentahe ng Pagsulat ng
Naratibong Ulat sa Komunikasyong Teknikal 124
Aralin 3. Paraan ng Pagsulat ng Naratibong Ulat 125
Pagsasanay 126
Paglalagom 128
Sanggunian 128

Modyul 13: Proposal

Panimula 130
Bunga sa Pagkatuto (Learning Outcomes) 130
Aralin 1. Pagsulat ng Proposal 130
Aralin 2. Mga Bahagi ng Proposal 133
Pagsasanay 137
Paglalagom 139
Sanggunian 139

Modyul 14: Feasibility Study


Panimula 140
Bunga sa Pagkatuto (Learning Outcomes) 140
Aralin 1. Feasibility Study 140
Aralin 2. Mga Dahilan sa Pagsasagawa ng Feasibilty Study 141
Aralin 3. Mga Uri ng Feasbility Study 142
Aralin 4. Mga Komponent o Bahagi ng Feasibility Study 142
Pagsasanay 145
Paglalagom 147
Sanggunian 147

Modyul 15: Ulat-Analitikal


Panimula 148
Bunga sa Pagkatuto (Learning Outcomes) 148
Aralin 1. Pagsulat ng Ulat- Analitikal 149
Aralin 2. Tunguhin ng Ulat-Analitikal sa iba’t ibang larangan 149
Aralin 3. Pormat ng Ulat-Analitikal 150
Pagsasanay 164
Paglalagom 167
Sanggunian 167
Modyul 16: Pagbuo ng Manwal
Panimula 168
Bunga sa Pagkatuto (Learning Outcomes) 168
Aralin 1. Pagbuo ng Manwal 169
Aralin 2. Iba’t ibang uri ng manwal ayon sa gamit: 169
Aralin 3. Komponent ng Manwal 170
Aralin 4. Balangkas ng Isang Manwal o Gabay sa Paggamit 171
Aralin 5. Mga Payo sa Pagsulat ng Manwal 174
Pagsasanay 175
Paglalagom 176
Sanggunian 177
MODYUL 9
Flyers at Leaflets

Panimula

Marahil ay may nakasalamuha ka na nag-aabot ng mga papel na naglalaman ng


impormasyon patungkol sa mga produkto o serbisyo. Alam mo ba na ito ay isa kanilang
paraan upang ikaw ay mahikayat na tangkilikin ang produkto o serbisyong na inaalok. At dahil
sa parang yan ay mas nakikilala ang pangalan ng kanilang kompanya. Ito ay mga
promosyonal na materyal na ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon patungkol sa isang
produkto o serbisyo ng isang negosyo o kompanya. Isa ito sa mga paraan upang mahikayat
ng mga negosyo o kompanya na tangkilikin ang kanilang produkto o serbisyo. Dito ay
malalaman mo ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa paggawa ng mga promosyonal na
materyal gaya ng leaflets at flyers.

Bunga sa Pagkatuto (Learning Outcomes)

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

 Natutukoy ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Flyers at Leaflets


 Natutukoy ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng material pampropomosyon
tulad ng flyers at leaflets; at
 Nakakagawa ng mga materyal pampromosyon tulad ng flyers at leaflets.
Aralin 1. Pagsulat ng Materyal Pampromosyon

Sinasalamin ng promosyonal na mga material ang kompanya at ang branding o


imahen na nais nitong ipakita sa publiko.

Pigura 9.1. Flyers and Brochures


Mula sa www.badudets.com (2010)
Mula sa: Www.Behance.Net (2013)

Ayon kina Francisco, Gonzales, at Batnag (2017), ang promosyon o promo ay isang
espesyal na serbisyo na ginagawa sa larangan ng negosyo. Sa pamamagitan nito
nakapagbibigay ang kompanya ng mas mababang halaga ng kanilang mga produkto o
serbisyo sa itinitakdang panahon. Ginagawa ang promo upang makaakit ng mga potensiyal
na kostumer. Karaniwang takaw-tawad ang mga mamimili. Mas mababa ang presyo, mas
dinudumog ito ng mga tao. Ito ang dahilan kung bakit ang mga kompanyang nag-aalok ng
produkto o serbisyo ay nagsasagawa ng mga promo. Sa promo, bukod sa mababang presyo,
nag-aalok din ng produkto o serbisyo na higit na kaysa sa makukuha ng mga mamimili sa
karaniwang araw.

Mga Dapat isaisip sa Paggawa ng Promosyonal na Materyal (Francisco et al., 2017)

1. Sa promosyon, kailangang isaisip ang reputasyon at imahen ng kompanya habang


iniaakma ang mga gawain sa target market. Kung halimbawa, ang promo ay para sa

82
isang family fast-food chain na kilalalng pambata at pampamilya, nararapat lang na
angkop sa nabanggit na grupo ng mamimili ang uri ng promosyon.
2. Paghandaang mabuti ang mga material na gagamitin. Magsagawa ng testing sa
partikular na mga material hanggang maging matagumpay sa material na
pinakatanggap ng mga konsyumer at pinakamalapit ang representasyon sa
kompanya.
3. Kinakailangang bumuo ng tema na angkop sa layunin ng promosyong isinasagawa.
Ang tema ang magsisislbing inspirasyon sa pagbuo ng mga ilalapat na salita at
disenyo sa material na promosyon.
4. Isipin kung paano makakaapekto sa buhay ng mga mamimili ang produkto o
serbisyong inaalok. Isaalang-alang ang kanilang mga nais at ang kanilang mga
pangangailangan.
5. Huwag maglagay ng hindi makatotohanang pahayag sa mga pasulat na patalastas.
Nilalayuan ng kostumer ang mga nag-aalok ng serbisyo nang may eksharasyon at
hindi beripikadong nilalaman. Ilarawan lamang kung ano ang kayang gawin ng
produkto.
6. Sumangguni sa mga empleyado at iba pang propesyonal kaugnay sa gagawing
material pampromosyon. Makakatulong ang pagiging bukas sa konstruktibong
kritisismo upang mapaunlad ang paglikha ng mabisang promosyonal na material.

Aralin 2. Paggawa ng Flyers

Binanggit nina Francisco et al. (2017), na


ginagamit ang flyers sa diseminasyon o
pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa isang
personal na gawain o sa isang negosyo.
Karaniwang ginagamit ito bilang promosyonal na
materyal.

Bukod sa mura ang flyers, madali rin itong


gawin. Mabisang paraan ito ng pagpapakalat ng
impormasyon lalo na kung maraming kopya ang Pigura 9.2 Halimbawa ng Flyers
inilalathala at ipamimigay o ipapaskil. Mahalaga ito Mula sa bandera.inquirer.net (2011)

83
para sa mga maliliit o nagsisimulang negosyo sapagkat nakatutulong ito na mapansin ng mga
tao na kanilang produkto o serbisyo (Francisco et al., 2017).
Karaniwang isang maliit na papel lamang ito na may lamang larawan at maikling teksto,
bagaman may mga disenyong maaring isagawa, depende sa nagpapakalat ng impormasyon
(Francisco et al., 2017).

Pagbuo ng Flyer

Inilihad nina Francisco et al. (2017), na maraming aplikasyon ang maaring magturo o
makatulong kaugnay sa paggawa ng isang flyer. Kailangan ng mabisang layout o
pagdidisenyo sa flyer sapagkat nagtataglay ito ng mahahalagang impormasyong nais
ipakalat.

Maaring gamitin ang aplikasyong Microsoft Publisher o Adobe Photoshop sa pagbuo


nito. Doon ay mayroon nang mga gabay sa bubuuing layout. Kailangan na lamang maging
maingat at matalino sa isusulat sa nilalaman.

Tips sa paggawa ng Flyer (Francisco et al., 2017)

1. Sumulat ng pamagat. Kailangang simple at malaki ang pamagat. Hindi dapat ito
hihigit sa limang salita. Kasya dapat sa isang linya sa pahina, at nakagitna. Dapat
mas malaki kaysa sa buong teksto ang lettering ng pamagat upang makita ito ng mga
tao mula sa malayo. Gumagamit ng malalaking titik (all caps) at sans serif font tulad
ng Arial. May serif ang mga pormal na font tulad ng Times New Roman at Book
Antiqua. Mas simple naman ang sans serif fonts. Maaring lagyan ng kulay ang
pamagat.
2. Gawing simple ang mensahe. Dapat ay hindi na kailangang basahin ng mambabasa
ang kabuuan ng flyer. Dapat maunawaan na agad ito ng titingin o babasa.
3. Magdagdag ng larawan o grapikong presentasyon. Mas natatandaan ng mga tao ang
mensahe sa tulong ng mga kasamang imahen. Iwasan ang sobrang daming larawan
upang hindi magmukhang siksik at magulo ang flyer.
4. Maglagay ng deskripsiyon sa ibaba ng larawan. Nararapat na maikli lamang ito,
ngunit detalyado na. Maari itong dalawa hanggang tatlong linya. Gumamit ng

84
malalaking titik para sa mga susing salita. Gumagamit ng mapanghikayat na mga
salita.
5. Huwag kalimutang ilagay ang numerong dapat tawagan ng mga taong nais tumugon
o interesado sa nilalamanng flyer.
6. Pagsasapubliko ng impormasyon ang pinakamahalagang bahagi sa pagbuo ng flyer.
Mamigay ng kopya nito sa mga pampubliko o matataong lugar.

Aralin 3. Pagsulat ng Leaflets

Pigura 9.3. Halimbawa ng Leaflets


Mula sa: http://g7filipinodrg.blogspot.com (2013)

Ang leaflets, tulad ng flyers, ay uri rin ng promosyonal na material. Gayunman higit na
malaki at mas komprehensibo ang nilalaman ng leaflets kaysa sa flyers. May iba’t ibang
dahilan sa pagpapalaganap ng leaflets na tinatawag ding brochures o pamplets. Karaniwang
ginagawa ito ng mga nagsisimula ng isang negosyo o kaya ay para sa isang kampanyang
pangkamalayan para sa isang adbokasiya o pangyayari (Francisco et al., 2017).

Karaniwan itong isang buong papel na itinupi sa dalawa o higit pang bahagi, na may
iba’t ibang disensyo at teksto ayon sa partikular na layunin.

Paggawa ng Leaflets (Francisco et al., 2017)


1. Planuhin ang mga detalyeng nais ilagay sa leaflet. Bumuo ng rough layout o guhit na
nagpapakita kung paano gustong posisyon ang mga larawan at teksto sa leaflet.
2. Gumagamit ng mga parirala para sa mga pamagat at teksto.

85
3. Kompara sa flyers mas malaki ang espasyong inilalaan sa leaflets at maaring
magdagdag ng impormasyon tungkol sa produkto o serbisyo. Gayunman, hindi pa rin
kinakailangang dito ang mahaba at detalyadong paliwanag. Maglagay ng web link na
maaring puntahan ng mga interesadong mambabasa kung may karagdagang tanong.
4. Maaring gumamit ng MS Word, na popular sapagkat karaniwan na itong ginagamit sa
halos lahat ng kompyuter. Madali ring gumawa ng mga kolum sa MS Word; ang mga
kolum na ito ay magagamit na leaflet. Bukod sa MS Word, maari ding gamitin ang MS
Publisher na mayroon nang nakahandang templates ng mga disenyo na maaring
pagpilian.
5. Magsama ng mga larawan para maiwasan ang pagkakaroon ng bulto ng teksto na
hindi naman babasahin ng mga tao.
6. Tingnan kung may pagkakamali sa baybay at sa gramatika. Ang anumang
pagkakamali ay nakakasira sa magdandang naisagawa.
7. Maglimbag ng mga sampol bago ipamahagi ang mga kopya.

 Ang flyers at leaflets ay tinatawag ring polyeto sa Filipino.

Pagsasanay

Pagsasanay 1. (mamarkahan bilang sulating gawain)

Panuto: Isulat sa patlang ang angkop na salita. Tingnan sa kahon sa ibaba ang mga

pagpipilian.

Ang 1.__________ ay isang espesyal na serbisyo na ginagawa sa larangan ng


2.__________, kung saan nagbibigay ng mas mababang halaga ang mga nagbebenta ng

mga produkto o serbisyo sa itinakdang panahon. Sa promosyon, kailangang isaisip ang


3.__________ at imahen ng kompanya habang inaakma ang mga gawain sa 4.__________.

Sa pagbuo ng promosyon, kailangang paghandaang mabuti ang mga 5.__________ na


gagamitin. Bumuo ng tema na angkop sa 6.__________ ng promosyon isaalang-alang ang

mga nais at ang mga 7.__________ ng mamimili. May dalawang pangunahing uri ng

promosyonal na materyal. Ginagamit ang 8.__________ sa diseminasyon o pagpapakalat

86
ng 9.__________ tungkol sa isang personal na gawain o sa isang negosyo. Karaniwang

isang maliit na papel lamang ito na may kasamang 10. __________ at maikling teksto.
Kailangang simple at malaki ang 11.__________, gawing simple ang 12. __________. Higit

na malaki at mas 13.__________ ang nilalaman ng leaflets. Karaniwang ginagawa ito ng

mga nagsisimula ng isang negosyo o kaya ay para sa isang kampanyang pangkamalayan

na may paniniwala o 14.__________. Kailangang ingatan ang pagsulat ng teksto at ang 15.

__________ parehong materyal.

materyal promosyon o promo komprehensibo


negosyo gramatika impormasyon
mensahe pamagat adbokasiya
layunin flyers larawan target market
pangangailangan desisyon reputasyon

Pagsasanay 2. (mamarkahan bilang performans na gawain)

1. Gumawa at Mag-print ng isang flyer tungkol sa alinman sa sumusunod:


a) Isang serbisyong pangmag-aaaral na ibinibigay ng inyong paaralan.
b) Isang organisasyong pampaaralan.
c) Negosyong nais pasukin.
d) Produktong nais ibenta
e) Serbisyong maaring ibigay at pagkakitaan.
2. Gumawa ng leaflet at mag-print kaugnay sa isang tema sa ibaba. Gawing malikhain
at malinaw ang mensaheng nais iparating.
a) Pinakamagagandang lugar sa Pilipinas.
b) Pinakamasarap at naiibang pagkain sa Pilipinas
c) Pinakamurang shopping centers sa Maynila.
Tiyaking sapat ang impormasyong ilalagay sa flyer sa pamamagitan ng
pakikipanayam sa mga awtoridad na may alam sa napiling paksa. Gawing kaakit-
akit ang disenyo ng flyer.
Pamantayan sa Paggagarado:
Pamantayan Puntos Iskor
1. Kompleto at malinaw ang impormasyong nailahad. 10
2. Mahusay ang paggamit ng wika. 10
3. Malikhain at gumamit ng biswal na element 10
4. Malinis at maayos ang kabuuang gawa. 10
Kabuuan 40
87
Gawain Isa (1)

88
Gawain Dalawa (2)

89
Paglalagom

 Ang Flyers at Leaflets ay mga materyal na maaring gamitin sa iba’t ibang paraan lalo
na sa pagbibigay ng impormasyon partikular sa isang bagay o gawain.
 Mas gamitin ang flyers at leaflets bilang promosyon na materyal, kadalasan ito ay
nagsisilbing estratehiya sa pagpapalaganap ng produkto o serbisyo ng isang
kompanya o negosyo
 Ang flyers ay karaniwang isang maliit na piraso ng papel na may lamang larawan at
maikling teksto na nagtataglay ng mahalagang impormasyong nais ipakalat.
 Ang leaflets ay isang uri din ng promosyonal na materyal ngunit ito ay higit na malaki
at mas naglalaman ng komprehensibong impormasyon kaysa sa flyers.
 Ang leaflets ay karaniwan itong isang buong papel na itinutupi sa dalawa o higit pang
bahagi na may iba’t ibang disenyo at tekso ayun sa isang layunin.
 Sa paggawa ng flyers at leaflets ay may mga aplikasyon na ginagamit rito sa
kasalukuyan; nariyan ang paggamit ng Microsoft Word, Publisher o Adobe Photoshop .

Sanggunian

 Alaban, S. (2013). Palawan Travel Brochure. Www.Behance.Net.


https://www.behance.net/gallery/12846371/Palawan-Travel-Brochure
 Bandera. (2011). Sa Bandera, May Negosyo. INQUIRER.Net.
https://bandera.inquirer.net/negosyo-flyer-study-2-4-2x6-inch-3
 De Guzman, D. (2013). Filipino Activities: Mga Brochure. Filipino Activities.
http://g7filipinodrg.blogspot.com/2013/02/mga-brochure.html
 Francisco, Gonzales, at Batnag (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Rex
Book Store Inc.
 Ronancapistrano. (2013). Brochure (Mga Sikat na larong Pinoy sa San Jose
Batangas). San Jose, Batangas.
https://ronancapistrano.wordpress.com/2013/12/03/brochure-mga-sikat-na-larong-
pinoy-sa-san-jose-batangas/
 Siazon, B. (2010). Takbo para sa Kalikasan | Badudets Everything Nice! Badudets.
https://www.badudets.com/tag/takbo-para-sa-kalikasan/

90
MODYUL 10
Paalala, Babala, at Anunsiyo

Panimula

Sa pang-araw-araw nating pamumuhay, simula paggising hanggang sa pagtulog ang


bawat galaw natin ay kontrolado ng iba’t ibang bagay na siyang nagdidikta sa ating gagawin
na kailangan ay angkop sa dapat gawin. Mahalaga na ang bawat galaw natin ay maayos nang
sa gayun ay naiiwasan natin ang magkamali o mapahamak. Sa mga gamit sa ating bahay
hanggang sa paglabas natin sa lansangan o sa ating kapaligiran ay may mga nakikita tayo
na mga karatola na gumagabay sa atin, ito ay mga nakasulat na nag-uutos sa atin upang
gawin nang tama ang isang bagay o kilos.

Sa araling ito ay matatalakay ang kahulugan ng paalala, babala at anunsiyo, na siyang


nagbibigay sa atin ng impormasyon at nag-uutos sa tamang gagawin natin. Malalaman din
natin ang kahalagahan at gamit nito, at gayun din ay malalaman mo ang mga payo sa
paggawa ng mga ito sa epektibong pamamaraan at masusubukan mo rin ang lumikha ng
sariling paalala, babala at anunsiyo.

Bunga sa Pagkatuto

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:


 Natutukoy ang kahulugan at gamit ng anunsiyo sa komunikasyong teknikal;
 Naiisa-isa ang mga karaniwang uri ng anunsiyo sa trabaho;
 Nailalapat ang mga payo sa pagsulat ng anunsiyo;
 Nakasusulat ng sariling anunsiyo;
 Nauunawaan ang kahulugan at kahalagahan ng mga paalala at babala;
 Naikokompara ang gamit ng paalala at babala; at
 Nakabubuo ng sariling mga paalala at babala.
Aralin 1. Ang Anunsiyo

Ayon kina Francisco et al. (2017), sinusulat ang anunsiyo upang makapagbigay at
makapagbahagi ng impormasyon. Sa pagsusulat ng anunsiyo, ipinapaalam ng isang tao ang
isang balita para sa mga kasama sa negosyo o sa mga katrabaho, gayundin sa mga
tagatangkilik ng negosyo o sa mga partikular na tao o sector na maapektuhan ng anunsiyong
kaugnay sa trabaho. Layunin ng anunsiyo na makapagbigay ng komunikasyon tungkol sa
mahahalagang detalye sa mga taong kailangang makaalam sa mga ito.

Isang karaniwang katangian ng mga anunsiyo ang pagiging malinaw at maikli. Ito ay
sapagkat ayaw ng mga tao ng mahahabang diskusyon. Ang nais ng mga tagatanggap nito ay
impormasyong tuwiran at kaugnay sa sitwasyon (Francisco et al., 2017).

Sa sulating teknikal, karaniwang itong nasa anyong liham o memorandum lalo na kung
ito ay ipinapadala sa mga empleyado sa loob ng isang kompanya o organisasyon o kaya ay
isang patalastas na ipinapaskil. (Francisco et al. 2017).

Ilan sa mga paksa ng anunsiyo sa trabaho ay tungkol sa (Francisco et al., 2017):


 bagong negosyo, tindahan, o sangay ng opisina
 bagong lokasyon ng negosyo
 pagtatanggal sa trabaho o pagbabawas ng tauhan
 pagbubukas para sa pagtanggap ng mga bagong empleyado
 masamang panahon o plano kapag may di-inaasahang sitwasyon
 labis na badyet o plano ng kompanya sa pagtitipid
 anibersaryo ng negosyo o kompanya
 mga pagbabago sa patakaran o halaga ng bayarin
 plano ng pamunuan kapag welga
 pagapapalit ng pangalan ng negosyo
 programa sa drug testing
 pagpapatigil sa pagtanggap ng bagong empleyado (freeze hiring)

Mga Payo sa Pagsulat ng Anunsiyo (Francisco et al. 2017)


1. Mangalap ng Impormasyon. Sinisimulan ang pagsulat ng anunsiyo sa pangangalap
ng lahat ng impormasyon may kaugnayan at kailangang maipahatid sa mambabasa.

92
Ilista ang mga ito ayon sa pinakamahalaga o kaugnayan sa sitwasyon. Kung ito ay
isang pangyayari, unang banggitin ang oras at lokasyon. Isama ang mga karagdagang
detalye sa huling talata, ngunit dapat sabihin muna ang lahat ng kailangang malaman
ng mga babasa nito.

2. Gawing direkta at maikl ang anunsiyo upang madaling maunawaan ng


pinatutungkulang tao o sector kung para saan ang anunsiyo.

3. Gumamit ng tamang tono. Kung mag-


aanunsiyo naman ng pag-alis sa trabaho o
pagbabawas ng empleyado, kinakailangang
tahimik at propesyunal ang tono. Sa tamang
tono, maging ang mga hindi magandang balita
ay magiging magaang basahin para sa mga
kinauukulan nito. Nagpapakita rin ito ng
magandang imahen ng taong nagpapadala o
ng kompanya. Kung masamang balita ang
Pigura 10.1. Halimbawa ng Anunsiyo
iaanunsiyo, isulat ito sa pamamagitang ng
Mula sa facebook.com (2017)
tuwirang pahayag. Magbigay din ng mensahe
ng pag-unawa at pag-asa sa tonong may respeto.

4. Kilalanin ang natamo ng ibang tao sa anunsiyo. Bigyan sila ng motibasyon upang mag-
asam ng katulad na mga tunguhin at tagumpay

5. Ipresenta ang impormasyon sa paraang kokompleto at payak upang maiwasan ang


pauli-ulit o maraming tanong mula sa mga mambabasa.

6. Tiyaking tama ang gramatika, bantas, at baybay ng anunsiyo. Magsagawa ng rebisyon


bago ipadala o ipalabas ang pinal na anunsiyo.

93
Aralin 2. Ang Paalala at Babala

Ang paalala at babala ay kadalasang bahagi ng pagsulat ng instruksyon. Ang instruksyon


ang pangkalahatang tawag sa mga sulating karaniwang ginagamit para sa manwal, mga
assembly at maintenance, mga polyeto, at mga korespondensiyang pagnenegosyo. Isinusulat
ang instruksiyon sa pormat na sunod-sunod, may mga numero ng bawat hakbang, at anyong
pautos. Makakatulong din kung gagamit ng grapikong presentasyon at mga larawan. Sa
pagsulat ng instruksiyon, kailangang gumamit ng maiikli at malilinaw na mga pahayag sa
bawat hakbang. Gumamit ng terminolohiyang pamilyar sa gagamit (Borowick, 2000).

Ang mambabasa ng instruksiyon ay ang mga taong kailangang magsagawa ng isang


gawain o tungkulin o kailangang maunawaan kung paano isinasagawa ng ibang tao ang isang
gawain. Ang waiter o waitress na magsasara ng isang restawran ay kailangang maunawaan
ang mga proseso o pamamaraang ng pagsasara. Kailangang malaman ng isang gamer kung
paano gumagana ang kaniyang control keys (Mehlich 1997).

Inilalagay ang mga paalala at babala bago ang mga instruksiyon kung saan sila kaugnay
upang maiwasan ang pagkasira o panganib ng mga gagamit o magbabasa ng instruksisyon
(Francisco et al. 2017).

Balangkas ng Instruksiyon (Francisco et al., 2017).

A. Paggawa ng ___________
________________________
________________________:
1. ________________________________________________________
2. ________________________________________________________
3. ________________________________________________________
4. ________________________________________________________
5. ________________________________________________________

94
B. Paano __________________________________________________
Intorduksyon:
________________________________________________________
________________________________________________________
Mga Materyal na Kakailanganin:
________________________ ________________________
________________________ ________________________
Pamamaraan:
1. ______________________________________________________
2. ______________________ Tingan ang Pigura 1.
3. _______________________________________________________
4. BABALA: _______________________________________________
5. _______________________________________________________

C. Pagbuo ng _________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
Depinisyon ng Termino:
___________________ ___________________
___________________ ___________________
Paalala: ______________________________________________

1. ________________________________________________________
2. ________________________________________________________
 _______________________________________________
 _______________________________________________
3. ________________________________________________________
BABALA: __________________________________________________
4. ________________________________________________________
5. ________________________________________________________

95
Aralin 3. Ang Babala

Ayon kina Francisco et al. (2017), ang babala (warning) ay isang insturksiyon na
inilalagay upang makaiwas na masaktan ang tagapagsagawa (operator) at/o maiiwasan ang
pagkasira ng equipment o kagamitan sa normal na operasyon. Nagbibigay ng espesyal na
atensyon ang babala sa anumang maaring makasakit o makapahamak sa mambabasa. Sa
teknikal na sulatin, ang babala ay nagpapaliwanag ng mga panganib na maaring magresulta
sa kamatayan o panganib, sakit, o pagkabalda. Pautos at awtoritatibo ang tono upang
magbigay ng pakiramdam ng pagiging alisto o takot sa magbabasa.

Gumamit ng attention icon para sa epektong babala.


Halimbawa (Francisco et al., 2017):

BABALA: Hugutin ang saksak ng kompyuter bago tanggalin ang lalagyang panlabas
kung hindi, maaring makuryente.

Dagdag pa nina Francisco et al. (2017), na


ang paunawa (caution) ay isa ring uri ng babala.
Dito, ang instruksiyon ay para sa tagapagsagawa
at tinutukoy para sa kaniya ang mga pag-iingat na
akma sa ilalim ng partikular na sirkumstansya
upang maiwasan ang pagkasira ng kagamitan.
Pinupukaw ng paunawa ang atensiyon ng tao
tungkol sa anumang bagay na maaring makasira Pigura 10.2. Halimbawa ng Babala
Mula sa: commons.wikimedia.org (2019)
ng kagamitan o makapagdulot ng pagkawala ng
datos. Inilalarawan nito ang maaring mangyari kapag hindi pinapansin ang paunawa.

PAUNAWA: Huwag muna hugutin ang saksakan kung hindi pa napapatay ang
monitor. Maaring masira ang monitor. Patayin muna ang monitor bago hugutin ang
saksak.

96
Pigura 10.3. Halimbawa ng Paunawa
Mula sa: pinoyfunnypictures.blogspot.com (2010)

Aralin 4. Ang Paalala

Ayon kina Francisco et al. (2017), ang paalala


(note) ay ginagamit upang tukuyin ang aytem na
nagbibigay lamang ng impormasyon at makatutulong sa
taong gumagamit upang maunawaan ang layunin ng
isang instruksiyon. Hindi ginagamit ang paalala upang
magbigay ng impormasyong kaugnay sa kaligtasan ng
mga tagapagsagawa o sa pagkasira ng kagamitan.
Pigura 10.4. Halimbawa ng Paalala
Ito ay para lamang sa dagdag na kaalaman na
Mula sa: twitter.com (2018)
maaring mapukaw ng interes ng mambabasa. Mas
magaan o natural ang tono nito kaysa sa awtoritatibong tono ng babala, sapagkat ito ay
nagpapaliwanag lamang o nagdadagdag ng mahalagang detalye na walang panganib na
maaring idulot sa sinuman.

Maaring maglagay ng raised hand icon bago ang paalala upang madali itong
mapansin ng mambabasa.
Halimbawa:
Paalala: Mapapadali nito ang pagdidikit ng turnilyo kapag itinaas na ang beam.

Mga payo sa Pagsulat ng Paalala at Babala (Francisco et al., 2017)


1. Simulan sa simple at malinaw na utos.
2. Sumulat para sa pinatutungkulan, halimbawa para sa tagapangasiwa o sa technician.
3. Pumili ng mga tiyak na salita.
4. Maaring kailanganin ang pagdagdag ng paliwanag upang mas maging malinaw ang
mga panganib. Mapapahaba nito ang babala o paunawa ngunit mas magiging
epektibo ito.

97
5. Ilista ang mga kondisyong kailangan bago magsimula ng isang Gawain o
pamamaraan.
6. Maglagay ng headings o grapikong presentasyon kasama ng babala at paalala.

Pagsasanay

Pagsasanay 1. (mamarkahan bilang sulating gawain)

A. Isulat sa patlang kung ang mga sumsunod ay paunawa, paala, o babala.

_________ 1. Tiyakin ang boltahe ay katugma ng boltaheng nakalagay sa makina. Maaring


sumabog ang baterya ng makina kapag napabayaang nakasaksak sa labis na boltahe.

_________ 2. Ihiwalay ang puting damit sa de-kolor upang hindi huwama ang kulay ng
damit na de-kolor.

_________ 3. Huwag punuin ang dryer. Para sa mabisang pag-dry, dapat ay may espasyo
sa pagitan ng mga damit. Maaring masira ang dryer kapag ang punong-punong ito.

_________ 4. Lagyang ng mga turnilyo ang mga pader para sa make-shift house. Tiyaking
matibay ang pagkakadikit at kung hindi, maari ito bumagsak at magbunga ng aksidente.

_________ 5. Bago sumakay ng bisikleta, alamin muna kung saan ang bike lanes sa mga
daraanang lugar.

B. Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag at isulat ang Mali sa pahayag kung di-wasto.

__________ 1. Ang anunsiyo ay karaniwang nasa anyo ng isang liham.

__________ 2. Sa teknikal na sulatin, kadalasang ginagamit ang instruksiyon sa pagsulat


ng manwal at pamamaraan.

__________ 3. Nagbibigay ng dagdag-kaalaman ang paalala, habang nagsasabi ng


panganib sa katawan ng tao ang paunawa.

__________ 4. Mahalaga ang babala upang maiwasan ang pagkasira ng kagamitan at


maiwasan ang sakit o panganib sa tagapaggawa.

98
__________ 5. Attention icon ang nararapat na grapikong larawan na makikita sa tabi ng
isang paalala.

Pagsasanay 2. (mamarkahan bilang performans na gawain)

1. Sumulat ng isang babala para sa jaywalking. Isulat ito sa maikling. Gumamit ng


malalaking titik, disenyo, at kulay na angkop sa babalang nais iparating.

2. Gamit ang halimbawang pormat ng instruksiyon na makikita sa aralin, bumuo ng isang


instruksiyon sa paggawa, pagbuo, o pag-iingat sa/ng isang bagay. Lagyan ito ng mga
babala, paunawa, at paalala.

Pamantayan sa Paggagrado:
Pamantayan Puntos Iskor

1. Malinaw ang babala/paalala/instruksiyon 10


2. Malinis ang pagkakagawa at mahusay ang disenyo. 10
3. Kompleto ang mga bahagi at tama ang pormat 10
4. Mahusay ang paggamit ng wika at angkop ang tono ng pananalita. 10
Kabuuan 40

99
Gawain Isa (1).

100
Gawain Dalawa (2)

101
Paglalagom

 Sinusulat ang anunsiyo upang makapagbahagi at makapagbahagi ng impormasyon.


 Isang karaniwang katangian ng mga anunsiyo ang pagiging malinaw at maikli. Sa
sulating teknikal, ito ay nasa anyo ng liham o memorandum.
 Ang instruksyon ang pangkalahatang tawag sa mga sulating karaniwang ginagamit
para sa manwal, mga assembly at maintenance, mga polyeto, at mga
korespondensiyang pagnenegosyo.
 Ang babala (warning) ay isang instruksiyon na inilalagay upang makaiwas na
masaktan ang tagapagsagawa (operator) at/o maiiwasan ang pagkasira ng equipment
o kagamitan sa normal na operasyon
 Isang uri ng babala ang paunawa (caution). Dito, ang instruksiyon ay para sa
tagapagsagawa at tinutukoy para sa kaniya ang mga pag-iingat na akma sa ilalim ng
partikular na sirkumstansya upang maiwasan ang pagkasira ng kagamitan.
 Ang paalala (note) ay ginagamit upang tukuyin ang aytem na nagbibigay lamang ng
impormasyon at makatutulong sa taong gumagamit upang maunawaan ang layunin
ng isang instruksiyon.
 Ang babala at paunawa ay gumagamit ng attention icon, samantalang ang
paalala ay gumagamit ng raised hand icon o pointing finger icon.

Sanggunian

 Borrowick, J. (2000). Technical Communication and It Application . 2nd Ed, New


Jersey: Prentice Hall
 Estrada, J. (2017). Public Advisory. Manila Mayor Joseph Estrada.
Www.Facebook.Com. https://web.facebook.com/ mayorjosephestrada/photos/public-
advisorynagpadala-ng-anunsyo-si-manila-mayor-joseph-estrada-
nasuspendido/189041574994839/?_rdc=1&_rdr
 Exec8. (2019). English: CCTV Warning 24-hour Video Surveill. Wikimedia Commons.
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:CCTV_Warning_24-hour_Video_
Surveillance_--_Babala_Nakabantay_24-Oras.svg

102
 Francisco, Gonzales, at Batnag (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Rex
Book Store Inc.
 Melich, S., at Smith-Worthington, D. (1997). Technical Writing for Success: A School-
to-Work Approach. Ohio: South-western Educational Publishing.
 Navotas City. (2018).Status. Twitter.com
https://twitter.com/navotas_city/status/1052844694193893376?lang=bg

 Pinoy Funny Pictures. (2010). Sa Loob ng Swimming Pool.


https://pinoyfunnypictures.blogspot.com/2010/08/sa-loob-ng-swimming-pool.html

103
MODYUL 11
Ulat ng Progreso at Ulat Panlaboratoryo

Panimula

Sa anumang propesyon, asahan mo na ikaw ay pasusulatin ng ulat o report sapagkat


dito nalalaman ang kalagayan ng isang proyekto o kaganapan sa isang bagay mahalaga ito
upang malaman ng isang tao o kompanya kung ano ang kalagayan o nasaan na ba ang
nararating ng isang proyekto ng kompanya. Iba’t iba ang haba at uri ng mga ulat. Nakatuon
ang araling ito sa pagbuo ng maiikling ulat (isa hanggang limang pahina) lamang.

Sa araling ito, nakatuon ang pagtalakay sa dalawang uri ng report: una, sa ulat ng
progreso na sumasagot sa tanong na “Ano ang estado natin o ng ating trabaho?” at
pangawala, sa ulat panlaboratoryo na sumasagot naman sa tanong na, “paano natin ginawa
ang trabaho?”

Bunga sa Pagkatuto (Learning Outcomes)

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

 Natutukoy ang kahulugan ng ulat ng progreso at panlaboratoryo;


 Nailalapat sa pagsulat ang mga bahagi at pormat ng ulat ng progreso at
panlaboratoryo; at
 Nakapagsusulat ng ulat ng progreso at/o panlaboratoryo.
Aralin 1. Ulat ng Progreso

Halaga ng mga Ulat (Francisco et al., 2017)

1. Magkaroon tala o rekord ng naisagawang gawain o tungkulin.


2. Makapagrekord at makapagbigay-linaw sa mga komplikadong impormasyon bilang
sanggunian sa hinaharap.
3. Magpresenta ng impormasyon sa
malaking bilang ng tao.
4. Magtala ng mga suliraning kinaharap.
5. Makapagdokumento ng iskedyul,
talahanayan ng panahon, at
mahahalagang pangyayari o nagawa.
6. Magbigay ng rekomendasyon para sa
mga susunod na aksiyon.
7. Maidokumento ang kasalukuyang
Pigura 11.1. Halimbawa ng Paglalarawan sa
kalagayan.
Progreso
8. Makapagrekord ng mga pamaraan. Mula sa: seanheritage.com (2013)

Pagsulat ng Ulat ng Progreso (Francisco et al., 2017)


Sa trabaho nais malaman ng mga superbisor kung:
 Ano ang iyong ginawa
 Progreso ng proyekto
 Ikaw ay nasa iskedyul
 Pagsubok na kinaharap
 Plano sa susunod na pag-uulat

Ang ulat progreso ay (Francisco et al., 2017):


 Isang maikling ulat sa progreso ng ginagawang proyekto
 Nagbibigay ng maikling buod sa estado ng proyekto
 Inilalarawan ang mga gawaing bumubuo sa proyekto at
 Sinusuri ang progresong naisagawa upang makompleto ang gawain

105
Sa ulat ng progreso kailangang ipaalam sa superbisor ang tatlong (3) bagay
(Francisco et al., 2017):
 Ang problemang sinosolusyonan
 Ang solusyon na ipinatutupad, at
 kung gaano kahusay na ang nagagawa.

Aralin 2. Mga Pangunahing Bahagi o Komponent ng Ulat


Progreso (Francisco et al., 2017)

Ang haba ng ulat ng progreso ay depende sa pangangailangan, ngunit kadalasang


may 1-3 haggang pahina ang isang ulat ng progreso (Francisco et al., 2017).

Ulo ng Memorandum
Minsan ipinapaloob ang ulat progreso sa memorandum

Petsa:
Para sa/kay:
Mula sa/kay:
Paksa

Ulo ng Liham
Ang ulat progreso ay ginagawa rin sa anyong liham. Nagtataglay ito ng; a) pamuhatan;
b) petsa; c) patunguhan; d) bating pambungad; at e) panimulang pangungusap ng liham ,
bago isunod ang introduksiyon (Francisco et al., 2017).

WXYZ Advertising, Inc


155 U.N. Avenue
Manila, 56789
Marso 1, 2015

G. Lamberto Sikatuna
Uptown Ads, Inc.
1443 Dinaluyong Street
Yolanda, Metro Manila 26111

106
I. Introduksiyon (Kaligiran)
Sa loob ng 1-2 pangungusap , ipakilala ang proyekto at ang ulat, at ibuod ang estado
ng proyekto. Kadalasang nilalagyan ito ng pamagat na “Introduksiyon” o “Buod.” Banggitin
ang dahilan sa pagsusulat ng ulat (Francisco et al., 2017).

Mga Layunin
Sa patalatang paraan, ilahad at ipaliwanag ang sumusunod:
1. Bakit mo ginagawa ang proyektong ito? (Rasyunal)
2. Ano ang mga suliranin na naging motibasyon mo sa paggawa ng proyekto?
3. Ano ang inaasahan mong matatamo o maisasagawa?
4. Sino ang nagpasimula ng gawain?

Saklaw
Ilarawan ang mga kabilang sa tatalakayin sa ulat at ang hindi.

Mahahalagang Tao
Sino ang mga mahahalagang tao o personnel na kasama sa pagbuo ng
proyektong ito? Banggitin ang work team, departamento, o grupong kasali sa gawaing
pinaplano, at ang mga kontak na kailangan upang maisagawa ang proyekto.

II. Diskusyon (Estado ng Proyekto, Mga Natuklasan, Katawan, at Adyenda)


Mga Naisagawang Gawain (Francisco et al., 2017)
 Ilarawan ang mga bagay na natapos na.
 Ilarawan kung gaano katagal ang ginugol para matapos ang gawain
 Mga suliranin kung mayroon man.
 Ibuod ang mga nagawa sa panahong sakop ng ulat.
 Bigyang pansin ang mga kailangang malaman sa ngayon.
 Gumamit ng bulleted o numbered list.

Mga Suliranin
Ibuod ang mga problemang hinarap at ipaliwanag kung paano ginawan ito ng
solusyon. Banggitin ang mga pagbabago bunga ng bagong iskedyul, pokus, dagdag
na panahon sa pananaliksik. Gumamit din ng bulleted list.

107
Mga Susunod o Natirang Gawain
 Dito binabalangkas ang mga gawain dapat tapusin.
 Gumawa ng timetable.
 Magbanggit ng estratehiya sa pagtapos ng gawain.
 Ilarawan ang mga panganib at dulog o approach.
 Ibalangkas ang natitirang gawain para sa proyekto, kabilang ang petsa ng
pagtapos ng gawain at pagtataya sa oras na kailangan.

III. Kongklusyon/Rekomendasyon (Francisco et al., 2017)

Konklusyon

1. Ibuod ang kasalukuyang estado ng proyekto (maaring magbigay ng papuri dito.)


2. Sunod, dapat na magbigay ng ebalwasyon o pagtataya sa progresong ginawa sa
panahon ng pagsulat ng ulat. Magbigay ng prediksyon o forecast tungkol sa kung
paano mabubuo o kailan ang proyekto. Ibuod ang mga nagawang gawain at ilagay sa
target na petsa.
3. Mag-iwan ng contact o e-mail na maaring ugnayan para sa dagdag na impormasyon.

Rekomendasyon (Francisco et al., 2017)

Kung may mga suliraning ipiniresenta sa diskusyon, maaring magrekomenda ng


pagbabago sa isykedyul, mga tao, badyet, o mga materyal na makatutulong sa iyo upang
makahabol sa deadline.

Makikita sa ibaba ang halimbawa ng balangkas ng ulat ng progreso. Sa paglalapat


nito sa mga tunay na sitwasyon sa trabaho, bawat bahagi ay dapat buuin ng mga talatang
tumatalakay sa detalye ng progreso ng isang gawain.

108
Progreso sa Pagsasagawa ng Isang Proyekto.
I. Introduksyon
A. Inuulat ko ang tungkol sa isinisagawang proyekto.
B. Saklaw ng ulat na ito ang nagawa kong trabaho sa nakaraang dalawang linggo.
C. Nakatuon ako sa pamimigay ng cash incentives para sa mga empleyado.
II. Natapos na Gawain
A. Natuklasan ko ang problema sa bangkong kasalukuyang humawahawak ng sahod
ng mga empleyado.
B. Natuklasan ko ang pagkahuli o delay sa pagtanggap ng cash incentives.
III. Mga Susunod na Gawain

A. Sa susunod na dalawang linggo, personal kong pupuntahan ang ABC Bank upang
makipag-usap sa tagapamahala.

B. Tinitingnan ko rin ang mga posibleng dahilan ng pagkahuli sa pagpapadala ng cash

incentives.

IV. Kongklusyon

A. Nahuhuli na ako sa tinakdang oras, sana ay hayaan ninyong tulungan ako ni G.

Santos
B. Mayroon akong dalawang rekomendasyon:
1. Pagpapadala ng normal na liham ng pagrereklamo sa tagamahala ng ABC
Bank

2. Paghahanap ng bagong bangko para sa sahod ng mga empleyado.

109
Petsa: Abril 25, 2015

Para sa/kay: Elias Absalon

Mula sa/kay: Jessie Madlansakay

Paksa: UNANG TRAYSEMESTRAL NA REPORT – KONSTRUKSIYON NG PROYEKTO 83

INTRODUKSYON

Bilang tugon sa inyong hinihingi noong Enero 8, 2015 ang sumusunod ay ang aming unang
traysemestral na ulat tungkol sa Konstruksiyon ng Proyekto Bonifacio (Lokal na Paliparan)

Ang Departamento ng Konstruksiyon ay nasa proseso na ng pagsisimula sa mga plano ng


ating kompanya sa pagtatayo ng lokal na paliparan at pagsasaayos ng kapaligiran. Ang mga plano

para sa konstruksiyon ay ang mga sumusunod:

110
1. Pagtatayo ng airport – kabilang ang mga terminal, runway, daanan, toreng pang-

obserbasyon, paradahan, at pasilidad.


2. Pagpapaganda ng kapaligiran – paglalagay ng mga hardin, lawang gawa ng tao,

pagsasagawa ng landscaping, at pagsasaayos ng mga paskil.

DISKUSYON

Mga Naisagawang Gawain

Sa unang bahagi ng taon, nakompleto namin ang mga sumusunod:

1. Kontraktor. Nakipag-ugnayan na ang departamento sa mga pangunahing kontraktor (Malay


Engineering at EAN Architecture and Design). Binisita nina Reymond Montes at Trish
Almonte ang napagkasunduang lugar at nakumpirma na ang iskedyul ng konstruksiyon.
Natapos ang gawaing ito noong Pebrero 10, 2015.
2. Mga Permit. Nang matapos ang pagbisita sa lugar at napagkasunduan ang iskedyul ng
pagtatayo, kumuha sina Montes at Almonte ng building permit mula sa lungsod. Natapos
nila ang gawaing ito noong Pebrero 18, 2015.

Pahina 2

Jessie Madlansakay

Abril 25,2015

3. Pagpapadala Gamit ang Barko. Naipadala sa tamang oras ang mga kongkreto, aspalto, at
mga bakal sa unang bahagi ng taon. Tatlumpung araw na mas maaga sa iskedyul ang
dumating na probisyon ng mga bahaging kailangan. Dumating ang mga materyales noong
Marso 1, 2015.

4. Pahintulot ng DENR. Inaprubahan ng DENR ang ating plano ng konstruksiyon. Sumunod


tayo sa mga patnubay sa mga paglalabas ng mga usok o kemikal, polusyon at maging sa
mga konsern hinggil sa panganib sa kalikasan. Malapit ang lugar na ating pagtatayuan sa
isang santuwaryo ng mga ibon at may mga punong matatamaan, Nakipagkasundo kami sa
DENR na hindi gagalawin ang 50-ektarya na kabilang sa nabanggit na lugar. Gayunman,
dahil sa makikinabang ang komunidad, natutuwa kaming nabigyan ng permiso sa
proyektong ito. Dumating ang pahintulot ng DENR noong Marso 12, 2015.

111
Mga Susunod o Natitirang Gawain

Upang makompleto ang aming proyekto, kailangan naming maisagawa ang sumusunod:

1. Pagpapatalastas. Gumawa na ang Departamento ng Pag-aanunsiyo ng mga materyal


pamporomosyon, inaayos ang mga timeslot para sa radyo at telebisyon, at mga paskil sa
daanan. Layunin ng naturang departamento na ang ating konstruksiyon ng paliparan ay
maipagmalaki at maipagdiwang ng komunidad.
2. Mga Paskil. Dahil sa pagtatayo ng mga bagong kalsada, ang Departamento ng
Transpotasyon ay gumagawa ng paskil sa kalsada upang tulungan ang publiko sa pagtahak
sa ating mga bagong daanan.
Karagdagan dito, bumuo ang departamento ng espesipikong logo o disenyo para
sa mga paskil sa kalsada. Layunin nitong lumikha ng logo na sumusuporta sa
pangangalaga sa kalikasan at nagpapakita ng progreso at paglago ng komunidad.

Pahina 3

Jessie Mandlansakay

Abril 25, 2015

3. Pagpapaganda sa Kapaligiran. Nakikipagtulungan kami sa Silangan Lawn sa pagpapa-


landscape ng paliparan, daanan, at dalawang lawa. Pumipili at bumibili ng iba’t ibang
disenyo ng halaman ang mga arkitekto ng grupo at nagtatakda ng araw ng pagtatanim.
Magpapahukay para sa man-made lake at si Almonte ang kontak namin sa gawaing ito.
4. Konstruksiyon. Kailangan maitayo ang buong Paliparan. Ito ang pinakamalaking bahagi ng
trabahong nalalabi.

Sa ibaba ay makikita ang talahanayan ng porsiyento ng aming estado sa ngayon:

112
Progreso ng Trabaho ng Construction Team

Pahina 4

Jessie Madlansakay

Abril 25, 2015

Mga Suliranin

Ang ilang bahagi ng lupa na pagtatayuan ng lawa ay may matitigas na bato, at ito ay
nagbubunga ng pagbagal ng trabaho. Sinabi rin ng DENR na kailangang mailipat ang mga ito sa
santuwaryo. Ang mga ginagawang mga hakbang sa paglilipat sa mga ibon at sa pagtatanggal ng
mga bato ay nakakadagdag sa oras ng pagtatrabaho, maapektuhan din nito ang ating badyet.

KONKLUSYON/REKOMENDASYON

Bagaman nagsisimula pa lamang ang ating proyekto, kasalukuyang nasa 20 porsiyento na


ang ating naisagawa. Inaasahan natin na matagumpay na matatapos ang proyektong ito lalo na
sapagkat maagang dumating ang mga materyales.

Tanging pagkaantala sa paghuhukay sa lawa ang nagiging problema sa ngayon. Nahuhuli


tayo sa iskedyul at lumalabis sa gastos. Kung madaragdagan ang mga tauhan para mapabilis ang
pagtatanggal ng mga bato at kung magkakaroon ng dagdag na pondo, makakaabot tayo sa target
na petsa. Maari rin tayong makipag-ugnayan kay G. Arnold Embarkadero, ang ating kontak sa
lungsod ng Tabak, para humingi ng suporta sa gobernador. Siya ang nakakaalam ng bagay kaugnay
sa pondo ng lunsod na posibleng makatulong sa pinansiya o magbigay ng endowment o donasyon.
Sa tulong ninyo at ni G. Embarkadero, makakahabol tayo sa ating iskedyul.

Pigura 11.3. Halimbawa ng Ulat Progreso


Mula sa: Francisco,G., et.al (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Pahina 112

113
Aralin 3. Ulat Panlaboratoryo

Ayon kina Francisco et al. (2017), pinahahalagahan ng mga propesyunal sa larangan


ng eletroniks, inhenyeriya, medisina, kompyuter, at iba pang teknolohiya ang husay sa
komunikasyon, hindi lamang ang husay sa kasanayan. Mahalagang maibahagi sa mga
kasamahan at superbisor ang mga resulta ng mga eksperimento sa laboratoryo upang
makinabang ang mas nakararami sa mga natuklasan sa mga pag-aaral na ito. Ang layunin
ng ulat laboratoryo ay maidokumento ang mga natuklasan matapos ang pagsasagawa ng
pagsusuring panlaboratoryo.

Ang ulat panlaboratoryo ay pormal na tala o rekord ng isang eksperimento. Ito ay


diskusyon ng mga layunin, pamamaraan at
espesipikong resulta (Francisco et al., 2017).

Isa itong uri ng siyentipikong


komunikasyon. Ang layunin ng ulat
panlaboratoryo ay ipaliwanag ang layunin,
metodo, at resulta ng isang pag-aaral sa
paraang malinaw at maikli upang maunawaan
ng isang di-espesyalista o di-siyentipikong
mambabasa (Francisco et al., 2017). Pigura 11.4. Lab Report
Mula sa: flickr.com (2009)

Aralin 4. Mga Komponent ng Ulat Panlaboratoryo

Ang isang ulat panlaboratoryo ay karaniwang may ganitong estruktura (Francisco et al.,
2017):
I. Pamagat – maikli ngunit impormatibo ang pamagat ng ulat panlaborotaryo. Sinasagot
nito ang tanong na “tungkol saan?” ang isinigawang gawain sa laboratoryo.
Halimbawa: Epekto ng Non-Steriodal Anti-inflammatory Drugs na uri ng mga Gamot
sa Digestive System ng Kabataan Edad 15-17.

114
II. Abstrak – binubuo ng 50-200 salita na ibinubuod ang layunin, metodo at mga
pangunahing resulta ng eksperimento.
III. Ulo ng Memorandum o Liham – Inilalagay ito bilang panimula ng ulat. Kapag nasa
loob ng organinsayon o kompanya, gamitin ang Ulo ng Memorandum at kung nasa
labas naman, gamitin ang Ulo ng Liham.

Petsa:

Para sa/kay:
Mula sa/kay
Paksa:

216 Halaman Street


Karaniwan, Bulacan 3456
(032) 897-0987

Abril 5, 2015
G. Andres Jacinto
Blackledge Coal Company
4532 Sta. Anan
Manila, Philippines

IV. Introduksiyon (Francisco et al., 2017)


Inilalarawan nito ang layunin at ang siyentipikong konteskto ng eksperimento.
Sinasagot nito ang tanong na, “Bakit gagawin ang eksperimentong ito?” at “Bakit
gagawin ang eksperimentong ito sa ganitong paraan?”, inilalahad din nito ang kaligiran
o background ng pag-aaral o ang teoryang gagamitin o ilalapat sa eksperimento.

Balangkas ng Introduksyon (Francisco et al., 2017)


1. Rasyonal (Anong suliranin ang naging motibasyon sa pagbuo ng ulat na ito?)
2. Mga Layunin (Ano ang inaasahang mapatunayan sa ulat na ito?)
3. Awtorisasyon (Para kanino ang isinusulat na ulat na ito?)
Kaligiran
1. Teorya – karaniwang may sinusubok na teorya o kaya ay nakasalig sa isang
teorya ang isang eksperimento. Ilarawan at ipaliwanag ang teoryang basehan
o saligan ng mga interpretasyon o ang teoryang nais patunayan o subukin.

115
2. Research Test at Ebalwasyon – ilagay rito ang mga naunang pag-aaral na may
kaugnayan sa pananaliksik na ito.
3. Apparatus – ilarawan ang mga kagamitang kailangang gamitin sa pananaliksik
na ito.

V. Diskusyon (Katawan at Metodolohiya) (Francisco et al., 2017)


Sa diskusyon makikita ang katawan ng ulat.
1. Metodo – ang bahaging ito ang naglalarawan kung paano isinasagawa
eksperimento – ang mga kagamitang ginamit, pagsukat na isinagawa, at
natatanging pag-iingat na kinakailangang gawin.
2. Pagsusuri – sumasagot ito sa tanong na “Ano ang sunod-sunod na hakbang
na iyong sinusunod sa pagsasagawa ng pagsusuri sa laboratoryo?” Dito
inilalarawan ang pagsusuring ginawa sa datos upang maisalin ito sa
kuwantitatibong impormasyon na magagamit sa interpretasyon. Kailangan
ipakita ang raw data (mga datos bago ang kumbersasyon manipulasyon)
upang mapanindigan ang mga lumabas na variables. Gumamit ng talahanayan
o table.

VI. Kongklusyon at Rekomendasyon (Francisco et al., 2017)


Ang kongklusyon ng ulat panlaboratoryo ang nagpepresenta ng iyong mga
natuklasan. Dito makikita kung ano ang iyong natutuhan, nadiskubre, nahanap? Ano ang
implikasyon ng mga ito.
Ang rekomendayon naman ang naglalaman ng mga mungkahi para sa
susunod pang aksyon na dapat isagawa, kung mayroon.

216 Halaman Street


Karaniwan, Bulacan 3456
(032) 897-0987

Abril 5, 2015
G. Andres Jacinto
Blackledge Coal Company
4532 Sta. Anan
Manila, Philippines

116
ULAT PANLABORATORYO
FOSSIL SAMPLES CAMARIN
TABING ILOG, STA. ELENA, CAMARIN NORTE

INTRODUKSIYON
Noong nakaraang linggo nagpadala kayo sa amin ng mga sample mula sa Tabing Ilog, Sta.
Elena. Mula sa pagsusuri ng mga sample sa aming laboratoryo, naniniwala kaming nagpapakita ang
mga ito ng presensiya ng batong nagtataglay ng karbon. Tulad ng inyong hinihigi, ang ulat na ito ay
magbibigay ng buod ng mga materyal at pamamaraang aming ginagamit sa proyektong ito, kasama
na ang anumang suliraninng hinarap namin.
Ang aming metodolohiya sa uri ng gawaing ito ay tukuyin ang maliit na fossils na taglay ng samples,
magbibigay ng taya sa edad ng bato, at bumuo ng mga pagpapalagay kung ang mga nakapaligid
na bato ay maaring nagtataglay ng karbon.

MATERYAL
Ang aming pagsusuri sa laboratoryo ay nakasalalay sa isang piraso ng espesyal na
kagamitan na tinatawag na Honeton Microscope. Bukod sa Honeton, gumagamit din kami ng
simpleng manwal na mikroskopyo na may 400-power at mga karaniwang instrumento sa geology
lab tulad ng filtering screens at burners.

PAMAMARAAN
Una muna naming sinubukan ang pagtukoy sa eksaktong uri ng fossils na taglay ng mga
bato. Ang espesipikong mga hakbang na isinagawa sa laboratoryo ay ang sumusunod:
1. Gumamit kami ng 400-power na mikroskopyo upang matukoy ang uri ng fossils na naroroon.
Batay sa inspeksiyon na aming isinagawa, ang kongklusyon namin ay may dalawang
pangunahing uri ng microfossils: ang nannoplankton at foraminifera.

G. Andres Jacinto
Abril 5, 2015
Pahina 2
2. Nag-extract kami ng microfossils mula sa mga sample na inyong ibinigay. Gumamit kami ng
dalawang magkaibang teknik:
A. Pag-ekstrak sa Nannoplankton
 Pumili ng maliit na piraso ng sample na sinliit ng butil ng pebble.
 Dinurog ng husto sa ilalim ng tubig.

117
 Gumamit ng dropper upang matanggal ang ilang materyal na lumulutang
sa ibabaw ng tubig (taglay nito ang nannoplankton).
 Tinuyo ang kombinasyon ng nannoplankton at tubig.
 Inilagay ang nannoplankton sa isang slide.
B. Pag-ekstrak sa Foraminifera
 Pinakuluan ang maliit na bahagi ng sample
 Gumamit ng microscreen upang tanggalin ang clay at iba pang materyal
na hindi kailangan.
 Pinatuyo ang natitirang materyal (Foraminifera).
 Inilagay ang Foraminifera

MGA SULIRANING KINAHARAP


Nasunod ang plano nang maayos. Maliit lamang ang naging problema at naganap ito nang
tinatanggal namin ang isa sa mga sample mula sa lalagyan nito noong ipinadala ang mga ito.
Habang tinatannggal ang bag mula sa kahon, bigla itong nabuksan. Nabasag ang sample nang ito
ay malaglag sa mesa ng laboratoryo. Mabuti na lamang, mayroon kaming ekstrang sample mula
sa parehong lokasyon.

KONGKLUSYON
Sa pagsusuri sa mga fossils na nilalaman ng mga sample, nagmula ang mga ito sa
matatandang bato na maaring nagtataglay ng karbon o uling. Ang kongklusyon na ito ay batay sa
limitadong pag-aaral, kaya iminumungkahi namin na magsagawa ng karagdagang mga pagsusuri
sa mas maraming sample mula sa lugar. Ikalulugod namin ang matulungan kayo sa karagdagang
pagkuha ng sample at pagsusuring inyong isasagawa.
Tatawagan ko kayo ngayong linggo upang talakayin ang aming pag-aaral at anumang
posibleng follow-up na nais ninyong gawin namin.

Gumagalang,

Maryo Buenaobra
Chief Geologist

Pigura 11.5. Halimbawa ng Ulat Panlaboratoryo


Mula sa: Francisco,G., et.al (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Pahina 117

118
Pagsasanay
Pagsasanay 1. (mamarkahan bilang sulating gawain)

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang sa kaliwa.

____ 1. Ang bahaging ito ang nagpapakilala sa ulat at dahilan ng pagsulat ng ulat.
____ 2. Grupong kasali sa pagsasagawa ng mga plano sa proyekto, gayundin ang mga
kontak sa pagsasagawa nito.
____ 3. Mahalagang Sulatin na naglalaman ng tala o rekord ng naisagawang gawain o
tungkulin.
____ 4. Nagtataglay ito ng pamuhatan, petsa, patunguhan, bating pambungad, at
panimulang pangungusap ng ulat bago ang introduksiyon.
____ 5. Mga natapos na gawain na kailangan ding banggitin sa kasalukuyang ulat.
____ 6. Naglalaman ng mga suliranin na naging motibasyon sa paggawa ng proyekto at
mga inaasahang maisagawa.
____ 7. Mga gawaing nakompleto na at mga mahahalagang natuklasan.
____ 8. Nagtataglay ng mga mungkahi sa iskedyul, tao, badyet, o materyal kaugnay sa
proyekto.
____ 9. Isang talata na binubuo ng 50 hanggang 200 salita na nagtataglay ng paksa,
layunin , metodo, resulta, at kongklusyon ng isang eksperimento.
____ 11. Uri ng ulat na sumasagot sa tanong na, “Ano ang estado ng ating trabaho?”.
____ 12. Dahilan kung bakit ginagawa ang isang proyekto.
____ 13. Sakop ng tatalakayin at hindi tatalakayin sa isang ulat.
____ 14. Balangkas o timetable ng mga gawaing hindi naisasagawa.
____ 15. Mga problemang hinaharap sa pagsasagawa ng proyekto at kung paano
tutugunan ang mga ito.

119
Pagsasanay 2. (mamarkahan bilang performans na gawain)

Panuto: Sumulat ng isang ulat progreso o ulat panlaboratoryo. Para sa susulat ng ulat
progreso, maaring pumili mula sa mga larangan at grupo ng mga tao sa ibaba na maaring
gawan ng sitwasyong ilalapat sa isusulat na ulat ng progreso (maari ring mag-isip ng
sariling larangan at sitwasyon na hindi nabanggit.)

a. Midya – direktor at manunulat ng iskrip

b. Edukasyon- prinsipal at guro

c. Negosyo – tagapamahala ng mga benta at tagapagbenta

Panuto: Para sa susulat ng ulat panlaboratoryo, isagawa ang sumusunod na mga


eksperimento sa laboratoryo ng paaralan o sa bahay. Sumulat ng panlaboratoryo kaugnay
ng isa sa mga ito. Maaring magsagawa ng iba pang eksperimentong hindi nabanggit dito.

a. Alin ang mas mabisa sa pagpapaputi ng damit – kalamansi, suka, o chlorine?

b. Obserbasyon sa pagtatanim at pagtubo ng monggo o anumang gulay na


madaling tumubo.

Gumamit ng grapikong larawan o talahanayan o chart sa pagsasagawa ng ulat


panlaboratoryo.

*Short bond paper. Arial 12, 1.5 Spacing, Indent 1 st line of the paragraph, at ang margin
1.5 left, 1 inch the rest.

Pamantayan sa Paggagrado:
Pamantayan Puntos Iskor
1. Impormatibo ang Nilalaman 10
2. Kompleto ang mga bahagi at tama ang pormat 10
3. Tama ang gamit ng wika at tono ng pananalita 10
4. Maayos ang pagkakasulat 10
5. Malikhain at mabisa ang mga ginamit na biswal pantulong 10
Kabuuan 50

120
Paglalagom

Ang ulat progreso ay:


 Ang ulat progreso ay isang maikling ulat sa progreso ng ginagawang proyekto
 Nagbibigay ng maikling buod sa estado ng proyekto
 Inilalarawan ang mga gawaing bumubuo sa proyekto at
 Sinusuri ang progresong naisagawa upang makompleto ang gawain
 Ang bahagi ng ulat progreso ay binubuo ng; ulo ng liham/ulo ng memorandum,
indtroduksyon, diskusyon (Estado ng Proyekto, Mga Natuklasan, Katawan, at
Adyenda), at Kongklusyon/Rekomendasyon.

Ang Ulat Panlaboratoryo ay:


 Ang ulat panlaboratoryo ay pormal na tala o rekord ng isang eksperimento. Ito ay
diskusyon ng mga layunin, pamamaraan at espesipikong resulta.
 Ang layunin ng ulat panlaboratoryo ay ipaliwanag ang layunin, metodo, at resulta ng
isang pag-aaral sa paraang malinaw at maikli upang maunawaan ng isang di-
espesyalista o di-siyentipikong mambabasa.
 Ang mga komponent ng ulat panlaborotoryo ay; Pamagat, Abstrak, Ulo ng
Memorandum Liham, Introduksiyon, Diskusyon (Katawan at Metodolohiya), at
Kongklusyon at Rekomendasyon.

Sanggunian

 Francisco, Gonzales, at Batnag (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc).


Rex Book Store Inc.
 Heritage, S. (2013). When People Impede Progress. (Guest Post) - Sean Heritage.
Sean Heritage.
https://seanheritage.com/blog/people-impede-progress-guest-post/
 Jimmie (2009). Lab report. Flickr.
https://www.flickr.com/photos/jimmiehomeschoolmom/3391469181

121
MODYUL 12
Naratibong Ulat

Panimula

Ginagamit ang naratibo ng mga propesyunal na nangangailangang mag-ulat ng isang


kronolohikal na salaysay. Ayon kay Vrouvas (2010), ginagamit ito ng mga opisyal ng pulisya
sa paglalarawan sa isang aksidente, ng mga doktor na naglalarawan ng mga operasyon at
kalagayan ng pasyente. Maari rin itong gamitin ng mga gurong naglalahad ng kanilang
karanasan sa pagtuturo sa partikular na mga mag-aaral, at ng mga proppesyonal sa larangan
ng teknolohiya sa pagpapaliwanag ng pagbabagong teknikal.

Bunga sa Pagkatuto
Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:
 Naibibigay ang kahulugan ng naratibong ulat;
 Natutukoy ang bentahe ng pagsulat ng naratibong ulat sa komunikasyon
 Naiisa-isa ang mga paaraan sa pagsulat ng naratibong ulat; at
 Nakapagsusulat ng isang naratibong ulat ayon sa larangang nakatala.

Aralin 1. Ang Naratibong Ulat

Binigyang kahulugan nina Francisco et al. (2017), na ang naratibong ulat ay kailangan
sa iba’t ibang larangan. Ito ay isang dokumentadong ulat ng isang pangyayari na isinusulat
sa paraang kronolohikal. Ang pagsulat sa paraang naratibo o ang pagsulat na nagsasalaysay
ng kuwento ay pinakaakma sa mga ulat na may mga pangyayaring may simula, gitna, at
wakas.
Dagdag pa nila, na karaniwang nakikita ang naratibong ulat mula sa ibat- ibang
ahensiya o kompanya na nagbubuo ng mga ulat hingil sa gawain o kaya’y mahalagang
pangyayari sa isang organisasyon o institusyon. Layunin nito ay mapag ugnay ang mga
pangyayaring naging karanasan, namasid o nasaksihan (Francisco et al., 2017).

Ang naratibong ulat ay nagtataglay ng mga katangian na (Pascua 2017):


1. Mabuting pamagat na maikli, kawili-
wili, kapana-panabik, nagtatago ng
lihim, orihinalidad at hindi katawa tawa.
2. Mahalagang Paksa.
3. Wastong pagkakasunod-sunod.
Simula - Gitna - Wakas - Nagbabalik
sa tunay na simula at nagtatapos sa
tunay na wakas na ginagamit na
simula ng may akda.
Pigura 12.1. Naratibong Ulat
4. Kawili-wiling Simula at Wakas. Mula sa: slideshare.net (2017)

Karagdagan, ito ay pagpapahayag na naglalayong maghayag ng sunod- sunod na


pangyayari na palasak na kinakailangan ng tao (Pascua 2017).

Ayon kina Onega at Landa (1996), ang naratibo ay isang representasyon ng serye ng
mga pangyayari. Kailangang tandaan na sa isang naratibong ulat, may isinasalaysay o
ikinukuwento, kaya ang sumusulat nito ay kailangang may ideya ng banghay o
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Ayon sa artikulong How to Write A Solid Narrative
Report mula sa International.vaquiero.com, ang pangunahing katangian na kailangang
tandaan sa pagsulat ng mahusay na naratibo ay ang paglilista ng mga detalye sa kronolohikal
na ayos habang ipinapasok ang personal na punto de bista sa kabuuan ng papel.
Nagkakaroon ng saysay ang mga pangyayari kapag ginagamitan ng pagkukuwento.
Pinupukaw ng mga salaysay o naratibo ang atensyon at emosyon ng mambabasa (Legitt
2011).

123
Ayon kina Francisco et al. (2017), pormal ang gamit na wika sa naratibong ulat,
maaring magaan upang mas komportable sa mambabasa. Natural na pagkukuwento ang
tono. Nagsasalaysay ng kuwento ang nagsusulat. Ang pangkaahatang pormat ng naratibong
salaysay ay dapat may taglay na panimula na maaring may kaligiran (ng sitwasyon o ng
kompanya) at mga layunin, banghay o mga pangyayari, mga tauhang kasangkot sa
pangyayari, mga lugar o tagpuan, kasukdulan, mga naging problema at mga aral na maaring
matutuhan at, isang kongklusyon.

Dagdag pa nina Francisco et al. (2017), ang susi sa matagumpay na introduksyon ng


naratibong ulat ay magkaroon ng “pamukaw” o elementong interesante para makuha ang
atensiyon ng mambabasa. Nararpat ding may kasukdulan o climatic moment na magbibigay
ng pagkakataon upang makapaglahad ng resolusyon o mga paraan para sa pagpapaunlad.
Kapag nakapagtatag na ng resolusyon, dapat ihayag ang kongklusyon na magsisislbing
pinakabuod ng mpangunahing aral o solusyon.

Ayon kay Pascua (2017), maaring Pasalita o Pasulat ang pagsasalaysay. Ang
dalawang paraang ito ay maaring hanguin sa mga sumusunod; 1). Sariling Karanasan, 2).
Pangyayaring Nakita o Nasaksihan, 3). Pangyayaring Narinig o Napakingan, 4).
Pangyayaring Nabasa o Natunghayan, at 5. Bungang Isip o Likhang Isip.

Aralin 2. Kahalagahan at Bentahe ng Pagsulat ng Naratibong


Ulat sa Komunikasyong Teknikal

Ayon kay Legitt (2011), batay ang agham sa mga obserbasyon,


katotohanan,estadistika, at pagsusuri, gayundin ang mga ulat teknikal ay nararapat na
obhetibo, masinsin, at nagtataglay ng ilang tuyot na nilalaman. Sa pamamagitan ng dulog na
naratibo, magagawa ng isang mapanghikayat at malakas na salaysay ang isang pag-aaral o
papel na nakakamanhid ng utak.

Ang mga bentahe ng naratibong ulat ayon kay Barton (1988) ay:
1. Mas madaling maunawaan ng mambabasa at mas mabilis basahin ang teksto;
2. Mas epektibong napoproseso sa utak ng mambabasa;
3. Mas natatandaan ang daloy ng mga isinasalaysay na pangyayari at; at

124
4. Higit na kapani-paniwala at mapanghikayat kaysa sa paglalahad.

Aralin 3. Paraan ng Pagsulat ng Naratibong Ulat


(Francisco et al., 2017)

1. Sundin ang SAKS-BP (Sino-Ano-Kailan-Saan-Bakit/Paano). Simulan ang borador o


draft ng ulat sa pamamagitan ng pagtatala ng isang talata na nagtataglay ng mga
detalye kung sino ang kasangkot, ano ang nangyari, kailan ito nangyayari, at saan
nangyayari.
2. Pahalagahan ang elemento ng oras at detalye.
3. Iwasan ang paggamit ng aktwal na na pangalan kung ang iniimbistigahan ay isang
kaso o di-tiyak na salarin o pangyayari. Ilagay ang mga pangalan kung tiyak ang
aksiyong kanilang ginawa o mahahalagang kasangkot ang taing babanggitin, kung
hindi naman, itago sila sa mga pangalan o katawagan, halimbawa Inspektor 1 o
Drayber 2.
4. Piliin ang pinkaakmang anyo ng naratibo. May dalawang anyo ng naratibo ayon sa
website ng Northern Illinois University. Una, ang pagsulat na walang diyalogo o ang
simpleng pagsulat sa bawat aksiyon ayon sa mga pangyayari. Pangalawa, ang
anyong may kasamang diyalogo na ikinukuwento ang pangyayari ayon sa bawat
eksena at may kasamang usapan ng lahat ng kasangkot.
5. Gumamit ng unang panauhan ngunit gamitin lamangito sa mga ulat na hindi kahingian
ang apgiging obhetibo.
6. Gawaing detalyado ang ulat. Ilarawan ang mahahalagang katangian ng mga taong
kasangkot sa pangyayari. Ilarawan ang mga pisikal na katangian, mental na
kakayahan, emosyonal na kalagayan, mabubuting katangian ng isang bagay o tao
kung kailanagn sa ulat.
7. Gumamit ng anekdota kung kailangan. Ipaliwanag ang mga eksena, araw, oras, o
sitwasyon kung kailan sinabi o ginawa ang isang bagay.
8. Gumamit ng teknik tulad ng maayos na pagkakasunod-sunod at karaterisasyon, at
paglalarawan sa mga karanasan, kasukdulan, at resolusyon.

125
Pagsasanay

Pagsasanay 1. (mamarkahan bilang sulating gawain)

Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot

Ang 1.___________ ay dokumentong isinulat bilang pagkaskasunod-sunod ng


pangyayari na nakaayos sa paraang kronolohikal. Ang isang mahusay na naratibo ay
dapat isinaalang-alang ang paglilista ng mga detalye sa 2.___________ na ayos habang
ipinapasok ang 3. ___________ na punto de bista sa kaubaan ng papel. Nagkaroon ng
saysay ang mga pangyayari kapag ginagamit ng 4. ___________. Pinupukaw ng mga
salaysay o naratibo ang 5. ___________ at ang mga 6. ___________ ng mambabasa.

Ang gamit ng wika sa naratibong ulat ay maaring 7. ___________ upang gawing


mas komportable ang mababasa upang hindi sila mabigatan sa naratibong ulat,

Sa pagsulat ng naratibong ulat, kailangang masagot ang mga tanong na sino, ano,
kailan, saan, bakit, at 8. ___________. Mahalaga ang elemento ng 9. ___________ upang
matiyak kung kailan naganap ang pangyayari at ang detalye ng kuwento.

Upang maipadama sa mambabasa na personal mong nasaksihan ang pangyayari,


gumamit ng unang 10. ___________ sa pananalita sa ulat.

Pagsasanay 2. (mamarkahan bilang performans na gawain)

A. Ikaw ay isang doktor . Sumulat ng naratibong ulat sa larangan ng medisina na ipapasa


sa isang awtoridad na nangangailangan ng detalye ng medikal na kondisyon ng pasyente
matapos ang isang aksidente sa trabaho. Kumausap ng isang kunwaring pasyente at itala
sa paraang naratibo ang kaniyang salaysay. Sundin ang mga gabay sa pormat sa ibaba.

126
Pangalan ng Pasyente: ______________________________
Pangalan ng Doktor: ________________________________
Deskripsyon ng tinamong injury: _________________________________________
Inisyal na mga daing o reklamo: _________________________________________
Kasaysayang medikal ng kasalukuyang sakit:
Nakalipas na kasaysayang medikal, pampamilyang kasaysayang, sosyal na kasaysayang
medikal: __________________________________________________________
Impormasyon s nakaraang pagpapagamot: ______________________________
Pangunahing reklamo o daing ng pasyente: _____________________________
Obhetibong Pagsusuri: ______________________________________________
Pangkalahatang Eksaminasyon Pisikal: _________________________________

Ebalwasyon:
_________________________________________________________________
Dayagnosis:
_________________________________________________________________
Prognosis:
_________________________________________________________________
Paggamot:
_________________________________________________________________
Kasalukuyang Pamamaraan: __________________________________________

Plano sa Hinaharap: ________________________________________________


Mga Layuning matamo sa paggamot: ___________________________________
Mga Pangwakas na komento: _________________________________________

Pagsasanay 3. (mamarkahan bilang performans na gawain

B. Sumulat ng isang naratibong ulat tungkol sa isa sa sumusund na mga paksa.


a) Artikulo sa magasin ng iyong interes
b) Artikulo sa isang blog
c) Isang pangyayari tungkol sa isports sa bansa
d) Isang pangyayari tungkol sa musika o kultur ana iyong nasaksihan
e) Isang pelikula
f) Isang talumpati ng isang kilalang tao

127
Pamantayan sa paggagarado:
Pamantayan Puntos Iskor
1. Maayos ang naratibo ayon sa sitwasyon. 10
2. Angkop ang nilamaman ayon sa larangang ibinigay. 10
3. Kompleto ang mga bahagi ayn sa gabay na ibinigay. 10
4. Mahusay ang gamit ng wika at tono ng pagsasalaysay. 10
5. Presentableng tingnan ang naratibong ulat. 10
Kabuuan 50

Paglalagom

 Ang naratibong ulat ay isang dokumentadong ulat ng isang pangyayari na isinusulat


sa paraang kronolohikal. Ang pagsulat sa paraang naratibo o ang pagsulat na
nagsasalaysay ng kuwento ay pinakaakma sa mga ulat na may mga pangyayaring
may simula, gitna, at wakas.
 Ayon kina Onega at Landa (1996), ang naratibo ay isang representasyon ng serye ng
mga pangyayari.
 Ang susi sa matagumpay na introduksyon ng naratibong ulat ay magkaroon ng
“pamukaw” o elementong interesante para makuha ang atensiyon ng mambabasa.
 Sa pamamagitan ng dulog na naratibo, magagawa ng isang mapanghikayat at
malakas na salaysay ang isang pag-aaral o papel na nakakamanhid ng utak.
 Ginagamit ang naratibo ng mga propesyunal na nangangailangang mag-ulat ng isang
kronolohikal na salaysay.

Sanggunian

 Barton, M. (1988). Narrative and Researchin Professional Communication. US: Sage


Publications.

128
 Francisco, Gonzales, at Batnag (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Rex
Book Store Inc
 Legitt, R. (2011). “The Importance of Narrative in Technical Reporting.” Opine Experts.
http://opinexperts.com/journal/2011/12/12/the-importance-of-narrative-in-technical-
report-wt/
 Onega, S., at Landa, J. (1996). Narratology: An Introduction. London: Longman.
 Pascua, G. W. (2017). Naratibong Ulat. SlideShare.
https://www.slideshare.net/GeorgeWilliamPascua/naratibong-ulat

129
MODYUL 13
Proposal

Panimula

Sa araling ito ay malalaman mo ang isang uri ng dokumento na ginagamit madalas


ng mga propesyunal gayun din sa negosyo, na isa rin gamit upang ihain ang panibagong
ideya o kaya naman ay isang paraan para malutas ang problema na kinakaharap ng isang
kompanya. Ito ay tinatawag na Proposal na maaring narinig mo na kung saan man at ito ay
hindi naiiba sa pananaliksik. Sa araling ito malalaman mo ang kahulugan at kahalagahan, at
ang paglikha nito.

Bunga sa Pagkatuto

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:


 Naibibigay ang kahulugan ng proposal;
 Naiisa-isa ang layunin ng proposal;
 Nailalapat sa gawain ang pormat ng presentasyon ng isang proposal; at
 Nakabubuo ng proposal.

Aralin 1. Pagsulat ng
Proposal

Sinabi nina Francisco et al.


(2017), ang mga proposal ay mga
espesyalisado at teknikal na
dokumentong pangnegosyo na
Pigura 13.1. Larawan ng isang Proposal sa pagitang
nagbibigay ng mapanghikayat na
ng tao o kompanya
solusyon sa mga suliranin. Lahat Mula sa: wpepitome.com (2019)

Mula sa: wpepitome.com


ng dokumentong teknikal ay kinakailngang makapagpahayag ng malinaw at obhetibong mga
ideya.

Ang isang proposal ay isa ring pananaliksik. Taglay nito ang mga elementong
kailangan sa pananaliksik, mula introduksyon hanggang kongklusyon.

Tatlong Pangunahing Layunin ng Pagsulat ng Proposal (Francisco et al., 2017)

1. Maglarawan, magtukoy, o maghain ng problema na kailangang masolusyunan. Sa


paglalahad ng paglalarawan ng problema, nagkakaroon ang naghahain ng proposal
ng kredebilidad na nagpapakita sa mambabasa na nauunawaan niya ang problema.

2. Maghain ng solusyon para sa problema. Kailangang maipakita sa mambabasa na ang


dulog na inihahain ay magiging epektibo at mahusay na solusyon sa problema.

3. Magpatupad ng solusyon. Ipakita na may kakayahan at mga kagamitang


kinakailangan upang maisagawa ang inihahain. Maaring higit na makahihikayat kung
ipapakita ng naghahain ng proposal na nagawa na niya dati ang inihahaing proyekto,
at nagawa niya ito nang mahusay.

Mga Bahagi ng Proposal (Francisco et al., 2017)


Sa pagsulat ng proposal,
kinakailangang masagot ang mga tanong na
ano ang inihahain, paano itong plano
isasagawa, kalian itong plano isasagawa, at
magkano ang kakailanganin para
maisagawa ito.
Binubuo ang isang proposal ng
simula (introduksiyon), gitna (katawan ng Pigura 13.2. Proposal
Mula sa: salesforce.com (2016)
materyal na ihahain), at wakas
Mula sa: wpepitome.com
(Kongklusyon o Rekomendasyon).

131
Pormat ng Presentasyon ng Isang Proposal (Francisco et al., 2017)

1. Talaan ng Nilalaman
Binubuo ito matapos sulatin ang proposal. Makakatulong ang pagkakaroon ng
talaan ng nilalaman upang madaling mahanap ng mga mambabasa ang proposal, ang
mga bahagi at nilalaman nito.

2. Pagpapahayag ng Misyon
Isinusulat ang misyon ng proyekto sa loob ng 50 salita o mababa pa rito.
Makakatulong ito upang mabigyang-linaw ang pangunahing tunguhin ng proyektong
inihahain.

3. Abstrak o Buod ng Proposal


Isa sa pinakamahalagang bahagi ng proposal sapagkat dito ay makikita na
agad ng magbabasa ng proposal ang kabuuan ng pananaliksik nang hindi
kinakailangang basahin ang mga pahina sa loob.
Binubuo ng 250 salita at hindi lalagpas rito. Kailangang ibinubuod nito ang
binigyang-diin at pangunahing mga punto ng ulat.
Ang wikang gamit sa proposal ay nararapat na madaling intindihin para sa
karaniwang mambabasa at angkop ilathala. Isinusulat ito sa ikatlong panauhan.

Nararapat na mabasa sa proposal ang:


 paksa;
 saklaw;
 mga layunin;
 mga metodong gagamitin;
 mga resulta ng pag-aaral kabilang na ang rekomendasyon at
kongklusyong nabuo, o mga posibleng implikasyon ng proyekto.
Tandaan: Maaring hindi isama ang mga ito sa maikling propesyunal na proposal.

132
Aralin 2. Mga Bahagi ng Proposal (Francisco et al., 2017)

I. Pamagat
Dito matutunghayan ang paksa at kung ano ang ginagawang pag-aaral,
proposal o proyekto.
II. Introduksiyon
Ito ang nagpapakilala sa kaligiran o background ng suliranin. Sa bahaging ito
inihahain at ibinubuod ang kasalukuyang suliraning nais solusyunan.

III. Kaligiran
Sa bahaging ito ipiniprensenta ang pinagmulan o background ng suliraning
sinusubukang solusyunan. Kapag sinabing kaligiran, ito ay ang mga sitwasyon o
pangyayari, kalakaran, mga kaugnayan na programang ipinatupad o hindi ipinatupad
o anumang naganap na sanhi o dahilan ng kasulukuyang suliraning nagaganap.
Gumagamit ng lohikal na paglalahad sa pagpapahayag ng pangangailangan.
Kailangang mapatunayan ng naghahain ng proposal na siya ay may malawak na
kaalaman sa problema at sa mga pinakabagong pananaliksik na kaugnay nito.
IV. Mga Kasalukuyang Suliranin
Ito ang mga tiyak na karanasan, kalakaran, proyekto at programa sa isang
kompanya o institusyon sa larangan ng empleyo o trabaho na nagbibigay ng suliranin
sa organisasyon o sa paritkular na mga empleyado.
Ito ang hinahangad ng tagapaghain ng proposal o ng mananaliksik na
mabigyang solusyon at magbago para sa higit na ikabubuti ng isang partikular na
propesyon.

V. Rasyonal at Kaugnay na Literatura


Sa rasyonal, tuwirang binabanggit ang dahilan kung bakit kailangang
maisagawa ang proyekto o programang inihahain bilang solusyon sa kasalukuyang
suliranin.
Ang rasyonal ng proyekto ay magmumula sa kung ano ang nilalaman ng
literatura, kung ano ang mabisa at hindi mabisa, kung ano ang kakulangan, kung ano
ang mga pangangailangang dapat tingnan sa bagong anggulo, o kung paano dapat
ang pagdulog sa sumusunod na mga proyektong isasagawa.

133
Kapag sinabing literatura, ito ay ang kalipunan ng mga papel, dokumento,
babasahin, partikular na mga pag-aaral, o pananaliksik na nasusulat na kaugnay ang
isang konsepto, ideya, isyu o problema sa ano mang larangan.
Sa pagsulat ng kaugnay na literatura, nararapat nailagay ang pinagkunan o
source ng impormasyon. Mainam na gamitin ang pormat na American Psychological
Association (APA) sa pagdodokumento ng iyong resources. Karaniwang inilalagay sa
APA pormat ang sumusunod:
 Sarah t. Trenholm (awtor)
 2008 (taon ng paglalathala ng libro)
 Thinking through Communication (pamagat ng libro)
 Pearson (publisista o publisher)
 USA (lugar ng paglalathala)

Isinusulat naman ang mga ito sa ganitong paraan:


Trenholm, S.T. (2008). Thinking through Communication.USA:Pearson.

VI. Diskusyon
Ang katawan ng proposal o ang tinatawag na diskusyon ang nagpapaliwanag
sa kompletong detalye ang panukalang solusyon.
a. Panukalang Solusyon – ang bahaging naglalaman ng mga mungkahi o
panukala kung paano isasagawa ang trabaho upang masolusyunan ang mga
inihaing solusyon.
b. Metodolohiya – mga tiyak na aksyon at pamamaraang gagamitin para
maisagawa ang mga panukalang solusyon sa problema. Nilalaman nito kung
ano ang mga materyales ang kakailanganin, sino ang mga taong kinakailngan
para sa trabahong ito, kalian magsisimula ang trabaho, at kailan ito
inaasahang matatapos.

VII. Kongklusyon at Rekomendasyon


Sa bahaging ito, kailangan ang tonong mapanghikayat, may tiwala sa sarili at
may paninindigan.

134
Sa pagbanggit ng mga natuklasan, mga mabuting dulot na natagpuan, at
kaugnay sa proyekto, binabanggit din ang mga posibleng rekomendasyon kaugnay sa
pagpapatupad ng proyekto.

VIII. Mga Kalakip na Dokumento o Apendiks


Maaring maglakip ng ng mga dokumento sa proposal gaya ng talaan ng
gastos, ipon, kita o pagkalugi, materyales at tauhan, bibliyograpiya, presentasyon
ng mga tsart, grap o ilustrasyon.

IX. Talaan ng Reperensiya


Dito itinatala ang mga dokumentong ginagamit na pinaghanguan ng
impormasyon na matatagpuan sa diskusyon o sa anumang bahagi ng
proposal. Maaring wala ito sa maikling proposal.

PROPOSAL PARA SA EKSPERIMENTAL NA ADMINISTRASYON


NG BATAYANG PAGSUSULIT BILANG PAGTATAYA
SA ANGKOP NA LEBEL NG KAKAYAHAN NG MGA
BANYAGANG MAG-AARAL NG FILIPINO

Abstrak

Layuniin ng proposal na ito na makabuo at magpatupad ng mga batayang pagsusulit para


sa pagtataya ng antas ng kakayahan ng mga banyagang mag-aaral na kumukuha ng kursong
Filipino para

sa banyaga sa Pamantasang De La Salle-Dasmarinas. Nagsagawa ng interbyu at sarbey ang mga


guro ng nasabing kurso at lumalabas na nahihirapan ang mga banyaga sa paghabol sa mga aralin
sapagkat sa klase ay magkakahalo ang mga estudyateng may magkakaibang antas ng kaalaman
sa Filipino.

Natuklasan na kinakailangang paghiwa-hiwalayin ang mga mag-aaral ayon sa label nila,


katulad ng mga ginagawa sa kurso sa Ingles.Inirerekomenda ang agarang pagbuo at pagpapatupad
ng batayang pagsusulit. Gayundin, isinusulong na maisagawa ang rebisyon at pagpapaunlad sa
silabus para sa kursong ito.

Introduksyon

Simula nang mahiwalay at maging isang bukod na departamento ang Kagawaran ng


Filipino at Panitikan noong 2003, wala pang pagtatangkang magkaroon ng batayang pagsusulit sa
pagtukoy sa lebel ng kakayahan sa Filipino ng mga banyagang mag-aaral.

135
Ang mga guro sa Filipino para sa banyaga ay lubhang nahihirapan sa pagtuturo ng Filipino
sa mga Filipino-American, Chinese, Korean at iba pang banyagang lahi. Napakahirap para sa
kanilang kalagayan ang makatukoy ng mga paraan sa pagkilala sa lebel ng kakanyahan sa
pagkatuto at matiyak na may pag-unlad sa kasanayan at kaalaman ng mga banyaga sa paggamit
ng wikang Filipino.

Gayundin naman ang mga mag-aaral na may iba’t ibang kakayahan ay kinakailngang
makaunawa ng pasalita at pasulat na gamit ng wika batay na rin sa isang paraan at dulog sa
pagdidisenyo ng aralin ng gurong humahawak nito. Sa labas ng klase sa Filipino, may mga
pagkakataong nagkakaroon ng hadlang sa kanilang pag-unawa sa iba pa nilang asignatura
sapagkat ilan sa mha ito ay itinuturo o naipapaliwanag gamit ang pagpapalit-koda o dili kaya’y
natatalakay gamit ang Filipino. Sa huli, lumilitaw na imposibleng matukoy nang malinwa “kung ano
ang saklaw ng pagtuturo ng Filipino para sa banyaga at kung epektibo bang natututuhanng mga
mag-aaral” ang wikang ito.

Rasyonal

Upang tugunan ang kasalukuyang suliranin sa ganitong kalakaran sa kurikulum, ang


Kagawaran ng Filipino at Panitikan ay nagpapanukala ng eksperimental na administrasyon ng
batayang pagsusulit sa angkop na lebel ng kakayahan sa Filipino para sa Banyagang mag-aaral.

Sa proposal na ito, babalangkasin ang paraan sa eksperimental na administrasyon ng


pagsusulit at ipapaliwanag ang mga hakbang sa pagtuturo. Ang magiging resulta at ang mga
angkop na lebel ay bibigyang-interpretasyon batay sa Common European Framework of Reference
for Languages (CEFR) na iminumungkahi ng European Union noong 2001.

Mga Kasalukuyang Suliranin

1. Sa kasalukuyan, ang karamihan sa mga mag-aaral na banyaga ay nakaenrol sa regular


na kalse sa Filipino batay sa nakahanay na asignatura sa kani-kanilang kurso.
2. Sa ganitong kalagayan, sa unang pagkikita lamang ng regular na klase nabibigyan ng
instruksiyon ang mga banyaga na kailangang i-drop ang asignatura at mag-enrol sa Filipino
sa Banyaga na nagkaklase kapag araw ng Sabado.
3. Nagdudulot ito ng problema sa mga mag-aaral sapagkat naapektuhan nito ang kanilang
kahandaa dahil sa hindi inaasahang pagbabago sa iskedyul gayundin naman sa
pagpoprosesong muli ng kanilang mga dokumento.
4. Ang pag-iiskedyul ng espesyalisadong klase sa Filipino ay isang malaking suliranin
sapagkat nagmumula sa iba’t ibang dalubhasaan at kurso ang mga banyagang mag-aaral.
Dulot nito, hindi kaagad madetermina kung anong oras ang ilalaang iskedyul ng Filipino
para sa banyaga.
5. Bukod sa suliranin sa iskedyul, bagaman natutukoy ng guro ang antas ng kakayahan sa
Filipino ng mga mag-aaral sa banyaga, sila ay hindi nahihiwalay sa nararapat na klister o
band.

136
6. Kaugnay nito, wala pang pormal na kalipunan ng mga daloy ng aralin at ng mga Gawain
para sa Filipino para sa banyaga. Kinakailangan na ring rebisahin at paunlarin ang silabus
nito.

Kongklusyon at Rekomendasyon

Ipinapanukalang solusyon ang eksperimental na implementasyon ng batayang pagsusulit.


Isasagawa ito sa loob ng dalawang Sabado para sa pre-test at post-test. Pitong Sabado ang
gagawing talakayan ng guro para sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa A1 o pagsusuri sa unang
label para sa pre-test at pitong Sabado rin para sa A2. Ang resulta ay iuulat sa pamamgitan ng
Ehekutibong Buod na ipepresenta sa Komite, Dekano, Direktor ng ISO (International Student
Office) at OVCAR (Office of the Vice Chancellor for Academics and Research). Sakaling
maaprubahan sa ikatlong lingo ng Nobyembre ang Ehekutibong BUod, hihilingin ang pag-
apruba sa ganap na implementasyon ng Filipino para sa Banyaga 2014-2015 nang may
rebisyon sa silabus at ayon sa angkop na lebel ng mga mag-aaral. Inirerekomenda ang
pagrerebisa ng silabus at ang pagsasaayos ng mga seksyon ayon sa angkop na lebel bago
magsimula ng T.P. 2014-2015.

Pigura 13.3. Halimbawa ng Proposal


Mula sa: Francisco, G., et.al (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Pahina 139

Pagsasanay

Pagsasanay 1. (mamarkahan bilang sulating gawain)


Pagtataya
Ipaliwanag sa maiikling pangungusap ang dapat na nilalaman ng sumusunod na
mga bahagi ng proposal.
1. Introduksyon
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Mga Kasalukuyang Suliranin
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

137
3. Panukalang Solusyon
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
____________________________________________________________________
4. Kongklusyon at Rekomendasyon
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
____________________________________________________________________
5. Abstrak
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
____________________________________________________________________
6. Talaan ng Reperensiya
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Pagsasanay 2. (mamarkahan bilang performans na gawain)

Gawain:
Sumulat ng isang proposal batay sa mga paksa o suliraning nakasulat sa ibaba,
maari ring gumawa ng sariling paksa ayon sa iyong interes o sa iba pang mga suliranin na
hindi nabanggit dito.
 Dumaraming bilang ng mga estudyanteng gumagawa ng cutting classes dahil sa
paglalaro ng DOTA
 Pagiging mababa ng marka sa Matematika
 Hirap sa pagsulat o pagbasa sa wikang Filipino o wikang Ingles
 Labis na pagkahumaling ng kabataan sa social networking sites
Pamantayan sa Paggrado:
Pamantayan Puntos Iskor
1. Tiyak ay malinaw ang paksa o suliranin ng proposal 10
2. Tama ang pagkakasunod-sunod sa mga bahagi ng 10
proposal
3. Tama ang gamit ng wika 10
4. Mahusay ang kabuuang nilalaman 10
Kabuuan 40

138
Paglalagom

 Ang mga proposal ay mga espesyalisado at teknikal na dokumentong pangnegosyo


na nagbibigay ng mapanghikayat na solusyon sa mga suliranin.
 Ang isang proposal ay isa ring pananaliksik.
 Ang proposal ay binubuo ng iba’t ibang bahagi, nag-uumpisa sa; introduksiyon,
kaligiran, mga kasalukuyang suliranin, rasyonal at kaugnay na literature, diskusyon,
kongklusyon at rekomendasyon, mga kalakakip na dokumento o apendiks at talaan
ng reperensiya. Ang ilan sa mga bahagi nito ay maaring mawala kung ang isang
proposal ay maikli lamang.

Sanggunian

 Francisco, Gonzales, at Batnag (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc).


Rex Book Store Inc.
 Velarde, O. (2019). How To Land Your Next Client With a Well Designed Proposal.
WP Epitome.
https://wpepitome.com/how-to-land-your-next-client-with-a-well-designed-
proposal/
 Wong, D. (2016). 9 Aspects of The Perfect Sales Proposal. Salesforce Canada
Blog.
https://www.salesforce.com/ca/blog/2016/03/aspects-of-the-perfect-sales-
proposal.html

139
MODYUL14
Feasibility Study

Panimula
Gayundin ito ay isang pananaliksik. Maraming proyektong pangnegosyo at pang-
empleyo ang hindi nagtatagumpay dahil hindi sapat ang pagpaplano at pananaliksik. Sa
pagpapalano, lalago ang kaalaman ng isang tao tungkol sa kaniyang target market o target
na mamimili, sa mga kostumer , at s a kapaligiran kung saan isasagawa ang negosyo o
anumang proyekto. Sa pamamagitan ng pananaliksik, madidiskubre ng isang tao o
organisasyon ang mga hadlang sa kanilang ideya at mga balak, gayundin ang mga solusyon
para harapin ang mga ito.

Bunga sa Pagkatuto (Learning Outcomes)


Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:
 nabibigyang kahulugan ang feasibility study;
 natutukoy ang mga dahilan sa pagbuo ng feasibilty study;
 naiisa-isa ang mga uri ng feasibilty study
 nailalapat sa pagsulat ang mga komponent o bahagi ng feasibilty study; at
 nakasusulat ng feasibility study.

Aralin 1. Feasibilty Study

Ang feasibility study ay isang ebalwasyon ng hinaing proposal o aksiyon kaugnay sa


mga proyekto ng pagpapaunlad sa mga sitwasyon o mga bagay sa trabaho (Francisco et al.,
2017).
Nabanggit nina Francisco
et al. (2017), na may mga
pagkakataon na ang isang
kompanya ay nagpaplano ng
proyekto pero hindi nakatitiyak
kung maaring isagawa o
maisakatuparan ang proyektong
iyon. Mahalaga ang feasibilty
Pigura 14.1. Pagpupulong para sa isang Feasibility Study
study upang makapagdesisyon
Mula sa: hmhub.me (2019)
ang kompanya sa
pinakamainam na aksiyong dapat gawin. Halimbawa, sa pagdedesisyon ng isang negosyante
kung magpapakilala ng bagong produkto sa merkado, kailangan ng anumang proyekto o
magsagawa ng anumang aksiyon, upang matiyak ang tagumpay

Sa makatuwid, tungkulin ng feasibilty study na pag-aaralan o suriing mabuti ang


pangkalahatang kalagayan ng mga bagay, tao, o sitwasyong nakaaapekto sa negosyo o sa
kompanya bago magpatupad ng anumang proyekto o magsagawa ng anumang aksiyon,
upang matiyak ang tagumpay (Francisco et al., 2017).

Dagdag pa nila, sa feasibility study tinitingnan ang posibilidad kung maisasagawa


ang isang proyekto. Iisa lamang ang tinitingnang solusyon sa feasibilty study at dinetermina
nito kung ang solusyong iyon ay kayang isagawa.

Tulad ng isang proposal, ang feasibilty study ay isang dokumentong nangangailangan


ng pananaliksik. Sinasaliksik dito ang lugar ng negosyo, ang mga taong magiging bahagi nito,
ang merkado, at ang kaangkupan ng produkto o serbisyong ihahain sa tao.

Aralin 2. Mga Dahilan sa Pagsasagawa ng Feasibilty Study

Ang feasibility study ay isang pormalisadong pasulat na dulog na ginagamit sa


pagtataya ng ideya upang matukoy kung ang ideyang ito ay (Francisco et al., 2017):
 maisasagawa o hindi

141
 isang makabuluhang impormasyon at datos na makakatulong sa pagbuo ng desisiyon;
 maaring gawing alternatibong dulog at solusyon upang maisagawa ang isang ideya.

Aralin 3. Mga Uri ng Feasbility Study (Francisco et al., 2017)

1. Deskripsiyon ng Proyekto – tinutukoy nito ang kalidad at uri ng produkto o serbisyong


inihahain at kung maari itong isagawa para sa isang partikular na larangan, grupo, o
negosyo.
2. Market feasibility – binibigyang-pansin sa pag-aaral na ito ang merkado (mga
posibleng kostumer) ang laki at lawak nito, potensyal nito, at/o akses dito.
3. Teknikal feasibilty – binibigyang-pansin sa pag-aaral na ito ang laki at uri ng mga
pasilidad pamproduksyon, mga gusali, kagamitan, teknolohiya, at hilaw na materyal
na kailangan ng negosyo.
4. Financial/Economic feasibility – tinataya sa pag-aaral na ito ang kakayahan ng
puhunan, mga pangangailangan sa pag-utang, mga halagang kailangan upang
makabawi (break-even) ang negosyo, at iba pang aspektong pinansiyal.
5. Organizational/Managerial feasibilty – ang tuon nito ay ang pamamahala at legal na
estrukstura ng negosyo.

Aralin 4. Mga Komponent o Bahagi ng Feasibility Study


(Francisco et al., 2017)

1. Ehekutibong Buod – ang


pinakalayunin nito ay tawagin ang
pansin ng mambabasa. Huli itong
isinusulat at hindi dapat hihigit sa
dalawang pahina.

2. Produkto/Serbisyo – ang produkto


ay kahit anong nahahawakan
(tangible) at maaring magamit at Pigura 14.2. Feasibility Study
maubos (consumable) na Mula sa: sportadvisory.com (2016)

142
ginagawa o pinoprodyus at ibinebenta sa publiko. Ang serbisyo naman ay mga
gawaing ibinibigay o inilaan para sa mga tao. Kailangan matukoy sa bahaging ito kung
gumagana ang konsepto ng negosyo at ng produkto o serbisyo. Gumawa ng listahan
ng mga produkto o serbisyong balak ihain. Tingnan kung gaano katagal ang
produksiyon o ang pagbili ng mga ito. Tukuyin kung magkano ang aabutin kung bibili
o ipoprodyus ang mga ito, at kung magkano ito maaring ibenta.

3. Presyo at Posibleng Kita - magkano pepresyuhan ang produkto o serbisyong


inilalako? Kinakailangan na ang presyo ay sapat upang mapunuan ang mga gastusin
(expenses).

4. Plano para sa susunod na aksiyon – ipinapakita ba ng plano na ang ideyang nais


gawin ay may halaga at maisasagawa?
a) Ideya – ilarawan ang ideya o ang nais gawin sa negosyo o ang plano para sa
isang proyekto.
b) Mahahalagang tao – sa pamamagitan nito, matutuklasan ang mga potensyal
na pinuno, supplier, partner, ahente, operasyonal na grupo, mga taong
maalam sa pagpapatakbo ng negosyo (management), gayundin ang mga
kahinaan nila. Staffing ang tawag sa pagpili ng mga tauhan, may mataas man
o mababang tungkulin o ranggo para sa negosyo o anumang trabaho.

Mga kailangang ikonsidera sa staffing o pagpili ng staff:


 Sino-sino sila?
 Magkano ang kakailanganin sa pagpapasuweldo sa kanila?
 Ano ang kanilang magiging tungkulin?
 Ano ang mga alternatibo bukod sa pagkuha (hire) ng mga tauhan o
staff?
c) Mga personal na layunin – dito inilalahad ng negosyante ang dahilan kung
bakit nais niyang simulan ang negosyo. Kailangan niyang tingnan ang
kaniyang mga short-term (isang taon pababa), medium term (isa hanggang
tatlong taon) at long term (higit sa tatlong taon) na layunin o goals.
d) Ang merkado – Ilarawan ang merkado pagdating sa dami ng mga kostumer at
ng kakayahan ng mga ito sa pagbili. Nangangailangan ito ng intensibong

143
pananaliksik at ito ang pinakamahirap na bahagi, ngunit ito rin ang
pinakamahalaga. Mahalaga ring banggitin dito kung sino ang target market ng
organisasyon o negosyo.
 Kustomer – sino ang mga potesyal na kostumer? Sino ang indibidwal
na bibili sa iyo? Ano ang kaniyang mga gusto, pangangailangan, at
demograpikong katangian? Gumawa ng listahan ng mga ito.
 Kompetisyon – ito ay ang tunggaliang pangnegosyo o pampinansyal
ng mga negosyo.

5. Pangkalahatang pagtingin sa negosyo – dito matatagpuan ang pagtingin o pagtanaw


sa mga kakailanganin sa negosyo na makaaapekto sa pangkalahatang kalagayan o
kita nito, tulad ng lugar kung saan itatayo ang negosyo at mga plano kaugnay dito.
a) Lokasyon – tukuyin kung saan ang lokasyon, lugar, o pwesto ng negosyo at
kung bakit doon itatayo.Tukuyin din ang mga bentahe at disbentahe ng
lokasyon.
b) Site plan, floor plan, assets – buuin ang: (a) plano ng lugar na pagtatayuan; (b)
ang arkitektular na plano ng itsura ng lugar; at (c) ang mga kagamitang bibilhin
para sa negosyo.

6. Puhunan o Kapital – sa pagpapakalkula kung magkano ang kailangang puhunan,


paghandaan ang hanggang anim (6) na buwang pondo. Ito ay dahil maaring hindi pa
makabawi sa benta (sales) mula sa pagkakaroon ng utang (credit), sa pamumuhunan
ng labis na kagamitan, o sa hindi inaasahang pagtaas ng mga bayarin o gastusin
(overheads).

7. Rekomendasyon - mula sa isinagawang pag-aaral tungkol sa posibilidad ng pagtatayo


ng isang negosyo, mahalagang banggitin ang rekomendasyon kung nararapat itong
ituloy o hindi. Nararapat na ito ay maging tapat, maikli, at direkta.

144
Pagsasanay
Pagsasanay 1. (mamarkahan bilang sulating gawain)

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at ilagay sa kahon.


1. Bakit kailangan ang feasibility study sa mga kompanya o negosyo?

2. Ano-ano ang kinakailangan sa pagbuo ng feasibilty study?

3. Ano-ano ang mga uri fesbility study?

4. Bakit itinuturing na isang pananaliksik ang feasibilty study?

Pagsasanay 2. (mamarkahan bilang sulating gawain)

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita. Para sa mga naka-ingles na
termino, ibigay ang katumbas ng mga ito sa Filipino, saka ibigay ang maikling deskripsyon
nito.
1. kapital -

2. expenses -

3. staffing -

4. business idea -

5. sales -

145
6. market -

7. market segments -

8. assets -

9. overheads -
10. produkto –

Pagsasanay 3. (mamarkahan bilang performans na gawain)

Panuto: Paggawa ng Balangkas. Sumulat ng mga pangungusap bilang ulat na ihahain sa


iyong guro. Sundin ang sitwasyon sa ibaba.
Ikaw ay isang opisyal ng Filipino Club at sa inyong palagay ay kailangan mo nang
bumili ng mga bagong kagamitan, mga libro, at mga materyales para sa inyong opisina.
Ang nilalaman nito dapat ay magtataglay ng:
1. Paglalatag ng problema at pangangailangan tungkol sa bibilhing kagamitan;
2. Posibleng solusyon
3. Mga kagamitang dapat bilhin;
4. Criteria sa pagpili ng mga kagamitang dapat bilhin;
5. Halaga ng mga kagamitang bibilhin at pondo ng club
6. Mungkahi sa guro.

Pamantayan Puntos Iskor


1. Komprehensibo ang nilalaman 10
2. Kompleto ang bahagi at tama ang pormat 10
3. Tama ang gamit ng wika 10
4. Mahusay ang presentasyon at pagsulat ng feasibility study 10
5. Malinaw at tiyak ang rekomendasyon 10
Kabuuan 40

146
Paglalagom

 Ang feasibility study ay isang ebalwasyon ng hinaing proposal o aksiyon kaugnay sa


mga proyekto ng pagpapaunlad sa mga sitwasyon o mga bagay sa trabaho.
 Tungkulin ng feasibilty study na pag-aaralan o suriing mabuti ang pangkalahatang
kalagayan ng mga bagay, tao, o sitwasyong nakaaapekto sa negosyo o sa kompanya
bago magpatupad ng anumang proyekto o magsagawa ng anumang aksiyon, upang
matiyak ang tagumpay.
 Tulad ng isang proposal, ang feasibilty study ay isang dokumentong nangangailangan
ng pananaliksik.
 Ang feasibility study ay may iba’t ibang uri, nariyan ang: deskripsyon ng proyekto;
market feasibility, technical feasibilty, financial feasibilty at organizational feasibilty.
 Ang feasibility study ay binubuo ng ehukitibong buod, produkto/serbisyo, presyo at
posibleng kita, plano para sa susunod na aksiyon, pangkalahatang pagtingin sa
negosyo, puhunan at rekomendasyon.

Sanggunian

 Francisco, Gonzales, at Batnag (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Rex


Book Store Inc.
 Rajak, H. (2019). Feasibility Report. Hmhub.
https://hmhub.me/feasibility-report/
 The Sports Facilities Company. (2016). Feasibility Studies: Plans I Sports Facilities
Advisory. Sports Facilities Companies.
https://sportadvisory.com/feasibility-studies-attribute-facility-planning/

147
ARALIN 15
Ulat- Analitikal

Panimula

Ang araling ito ay nakapokus sa uri ng ulat o report na isang dokumento na


ginagamit sa iba’t ibang larangan at isang halimbawa nito ay ang tinawatawag na ulat-
analitikal na nagsisilbing gabay sa mga propesyunal upang maresolba ang isang problema
o suliranin.

Ang mga ulat o report ay may iba’t ibang tungkulin sa trabaho. Sa anumang larangang
papasukin, maaring maatasang gumawa ng isang ulat para (Francisco et al., 2017):
1. magbigay o maglipat ng pangkalahatang impormasyon;
2. magpresenta ng resulta o imbestigasyon; at
3. gumawa ng mapanghikayat na argumento.
Ang mahusay na ulat ay dapat makatulong sa iyo para makuha ang positibong
atensyon ng mga ehuketibo at kalaunan ay makatutulong sa pag-unlad ng iyong karera.
May iba’t ibang uri ang ulat. May mga ulat na pangkaraniwan. Mayroon ding
komprehensibong ulat gaya ng ulat-analitikal.

Bunga sa Pagkatuto (Learning Outcomes)

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:


 natutukoy ang kahulugan ng ulat-analitkal;
 naiisa-isa at nagagamit ang mga tunguhin ng ulat-analitikal sa iba’t ibang
larangan;
 nailalapat sa gawain ang mga bahagi at pormat ng ulat-teknikal; at
 nakasusulat at nakapaglalahad ng ulat-analitikal.

Aralin 1. Pagsulat ng Ulat-Analitikal

Ayon kina Francisco et al. (2017),


ang isang ulat-analitikal ay isang
teknikal o propesyunal na dokumento
na isinusulat para gamitin sa
pamahalaan o negosyo. Nagmumula
ang mga impormasyong inilalagay sa
isang ulat-analitikal sa mga sarbey,
rekord-pinansyal, at iba pang
Pigura 15.1 Halimbawa ng Grap para ualt-analitikal
mapagkakatiwalaang hanguan ng
Mula sa penpath.com (2017)
impormasyon. Tinutulangan nitong
makabuo ng mahahalagang desisyon ang mga opisyal ng gobyerno o mga ehekutibo ng isang
negosyo. Taglay ng isang ulat-analitikal ang mga katangian ng isang ulat at ng isang
pananaliksik.

Aralin 2. May Tunguhin ang Ulat-Analitikal sa iba’t ibang


larangan (Francisco et al., 2017)

1. Magtaya ng mga oportunidad. Nagbibigay ng impormasyon sa mga decision-maker


ng isang kompanya o institusyon tungkol sa bago, kapana-panabik, at matagumpay
na gawain. Halimbawa, sa isang matagumpay na kompanya ng mga sabon, maaring
magmungkahi na magkaroon din ng produksyon ng lotion.

2. Bumuo ng mga solusyon. Ang mga ulat na nagbibigay-solusyon sa mga problema ay


naghahain ng mga solusyon, nagbibigay ng mga halimbawa ng mga dating kaso,
tumitimbang sa mga pagpipiliang solusyon, at nagbibigay ng mga rekomendasyon sa
mga decision-maker batay sa pananaliksik na inipon. Halimbawa paano sosolusyonan
ng isang fastfood chains ang problema na maraming branch ang nalulugi at
nagsasara ngunit ayaw nilang mawalan ng trabaho ang napakaraming tao.

149
3. Sumuporta sa mga desisyon. Sa isang malaking organisasyon o kompanya na
magkakaroon ng isang malaking pagbabago, ang ulat-analitikal ay magagamit upang
suriin ang positibo o negatibong epekto ng malaking desisyong ito.

4. Maglarawan ng problema. Maari ring masusing pag-aaralan ang isang problema at


ilarawan ito gamit ang ulat-analitikal. Ang paghahain ng problema ay susundan ng
pagbuo ng mga solusyon.

5. Pagsusuri ng mga produkto. Nagsusuri rin ng mga produkto at serbisyo ang isang
ulat-analitikal. Pinaghahambing sa ulat ang hindi bababa sa apat na pangunahing
katagian ng dalawang produkto o serbisyo upang malaman kung alin sa dalawa ang
angkop sa pangangailngan ng kliyente.

6. Magrekomenda ng produkto. Nagrerekomenda ang ulat-teknikal ng pinakamahusay


na produkto at hinihikayat ang mambabasa upang tanggapin ang mga
rekomendasyon.

7. Magsuri ng mga napapanahong isyu. Ang ulat-analitikal sa larangan ng midya ay


ipinapalabas sa pamamagitan ng mga lathalaing balita (new-feauture), mga
natatanging ulat (special report) mga dokumentaryo, at editoryal- na lahat ay binubuo
sa pamamagitan ng intensibong pananaliksik.

8. Magbigay ng mga bagong pananaw kaugnay sa dati nang isyu. Maari ring gumawa
ng pagsusuri sa isang makabuluhang isyu sa lipunan, at sumulat ng ulat-analitikal
tungkol dito. Sa ganitong paraan, hindi subhetibo ang ulat, sapagkat ibinatay sa mga
nakalap na datos sa pananaliksik.

Aralin 3. Pormat ng Ulat-Analitikal (Francisco et al., 2017)

I. Pahina ng Pamagat
Sa bahaging ito, inilalagay sa gitna ang pamagat ng ulat-analitikal. Sa ilalim
nito ay ilagay ang mga pangalan ng mga taga-ulat o ang mga taong sumulat at

150
nagpasa ng ulat. Susunod na ilagay ang pangalan ng taong pinadadalhan.
Pinakahuling ilagay ang petsa ng pagpapasa ng ulat.

II. Liham Paglilipat o Memorandum Paglilipat (Letter/Memorandum of Transmittal)


Ang liham paglilipat ay isang liham para sa taong nagtatalaga sa nagsulat ng
ulat-analitikal. Kadalasang ginagamit ang liham paglilipat kung tagalabas ng
kompanya ang pinagsusulat ng ullat-analitikal. Memorandum naman ang ginagamit
kung mga empleyado ng iisang organisasyon ang nag-utos ng paggawa ng ulat-
analitikal at ang magsusulat ng ulat.

III. Talaan ng Nilalaman


Dito inalalagay ang pahina ng bawat bahagi ng ulat, ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod ng mga ito. Maaring magsama dito ng talaan ng mga pigura o
ilustrasyon na nagtataglay ng mga grap, at/o iba’t ibang uri ng tsart, at/o iba pang
larawan. Talaan ng talahanayan naman ang tawag sa listahan ng mga ginagamit na
talahanayan (tables) sa loob ng mismong ulat.

IV. Ehekutibong Buod


Ang bahaging ito ay karaniwang isa hanggang dalawang pahina ang haba at
ibinubuod ang bawat puntong isinagawa sa papel, kabilang dito ang layunin ng ulat at
mga limitasyong hinarap, ang proseso at pananaliksik, at ang kongklusyon at
rekomendasyon.

V. Introduksyon
Sa introduksyon ng ulat-analitikal, isinusulat ang pangunahing pahayag na
naglalarawan ng layunin ng papel. Kasama rin dito ang bahaging naglalarawan kung
saan nagmula ang impormasyon, gayundin, inilalarawan ang saklaw o kung aling
bahagi ng paksa ang tatalakayin, at alin ang binibigyang-tuon ng papel at ang mga
limitasyon na nagsasabi kung alin sa mga bahaging kaugnay sa paksa ang hindi
isasama sa papel.

151
VI. Diskusyon
Ang nilalaman ng ulat ay inilalahad sa pamamagitan ng maiikling talata na may
iba’t iba ngunit, magkakaugnay na paksa (subsections). Gumagamit din ng mga
impormatibong pamagat na may kaugnayan sa paksang tinatalakay (subheadings),
upang tulungan ang mambabasa na madaling makaunawa sa isang paksa patungo
sa isa pang paksa. Gumagamit dito ng mga larawan (images) na makaktulong sa pag-
unawa sa teksto. Inilalahad din sa bahaging ito ang paghahambing at pagsusuri sa
mga resulta upang malaman kung alin ang mas kapakipakinabang sa mga kliyente.

VII. Kongkluston at Rekomendasyon


Inilalahad sa bahaging ito ang mga sagot, solusyon, o pangwakas na
argumentong mula sa isinagawang pagkalap ng datos at pagsusuri. Ang kongklusyon
ay sinusundan ng rekomendasyon o plano ng gawain para sa kompanya. Sa
rekomendasyon, sinasagot ang tanong na, “Ano ang nararapat kong gawin kaugnay
nito?”.

VIII. Sanggunian
Kadalasang gumagamit ng MLA o APA Format sa paglalagay ng sipi o
citations. Ito ang bahagi na kailangang ilista ang mga pinaghanguan o sanggunian na
binasa, kinonsulta, ginamit, o kinopya sa pananaliksik para sa ulat.

IX. Apendiks
Inilalagay rito ang mga halimbawa ng sarbey at talatanungan (questionaire)
na ginamit at iba pang dagdag na impormasyon.

152
Pahina ng Pamagat

MEDIKAL NA PAGKILATIS AT MASUSING


PANANALIKSIK SA STEM CELL THERAPY

Buela, Polene Blaire A.


Ofren, Ma. Leodelene B.
Santos, Nicole Joan P.

Marso 2013

Liham Paglilipat o Memorandum ng Paglilipat (Letter/Memorandum of Transmittal

Para kay: Bb. Susana Gaco

Mula kina: Buela, Polene Blaire A.; Ofren, MA LeodeleneB.; at Santos, Nicole Joan P.

Petsa: Marso 2013

Paksa: Ulat-Analitikal Tungkol sa Stem Cell Therapy

Nakalakip ditto ang ulat-analitikal na nagsusuri sa stem cell treatment.

Nagpapasalamat kami sa suporta at gabay na ibinigay ninyo sa amin sa pagbuo ng ulat na ito.

Maari ba kaming humingi ng inyong oras upang mapag-usapan nang personal ang nilalaman ng
ulat? Maraming salamat po.

Talaan ng Nilalaman

INTRODUKSIYON
Ehekutibong Buod 1
Memorandum ng Transmittal 2
Layunin 3
Saklaw at Limitasyon 7

DISKUSYON 16-29

153
Kongklusyon 30-31
Rekomendasyon 31-32

Ehekutibong Buod

Sa mabilis na pagbabago ng panahon, bumibills din ang pag-usbong ng mga produkto at proseso
sa larangan ng medisina. Mas maunlad ang teknolohiya na siyang nagiging dahilan ng mas
magagandang resulta ng panggagamot o pagpapaganda na gaya na lamang ng stem cell therapy.
Kailangan ng masusing pag-aaral upang mapatunayan ang bisa ng stem cell therapy at ng
dokumentasyon ng mga posibleng karaniwang dahilan ng pagtangkilik dito ng mga tao sa
kasalukuyan.

Iniuulat sa papel na ito ang mga epekto ng stem cell therapy at ang mga dahilan ng
patuloy na pagtangkilik dito ng mga tao.

Introduksiyon

Ang stem cell therapy ay isang proseso ng pagpapalit ng panibagong selula sa mga lumang
selula sa loob ng katawan ng tao upang mapabuti ang kalusugan o magpagaling ng karamdaman.
Bukod pa rito, maaari din itong gamitin bilang prosesong pampaganda ng hitsura.

Ayon sa mga peminista, ang kababaihan ngayon sa ating lipunan ay mas nakikilala dahil
sa kanilang pangangatawan kaysa sa mga lalaki at mas pinapahalagahan batay sa kanilang hitsura
(Bordo, 1993). Upang tumaas ang pagtanggap ng lipunan, maraming mga babae ang napipilitang
itama ang kanilang pangangatawan at hitsura at sumunod sa ideyal na pambabaeng hitsura ng
kanilang panahon o ang tinatawag na "pamantayan ng pambabaeng anyo" (Saul, 2003). Dahil nga
sa pagkakaroon ng impresyon sa pagpapaganda ng kaanyuan ang mga babae, nagiging tanyag na
ang stem cell therapy sa bansa, kahit na hindi kinakailangan upang mapanatili ang magandang
kalusugan at pangangatawan.

Ang mga Pilipino ay likas na mahilig sa mga produktong pampaganda at pampabata.

Dahil sa mainit na klimang taglay ng Pilipinas at mga problemang kinakaharap ng isang

indibidwal, hindi maiwasan ang mabilis na pagtanda lalong-lalo na ang mukha. Ayon kay

154
Dra. Vicki Belo, isang sikat na doktor sa larangan ng pagpapaganda sa Pilipinas, "Ang mga stem
cell ay ang mga reserbang selula ng katawan na maaaring gamitin para sa ikabubuti ng sariling
kalusugan. Nabanggit niya ito sa isang programa sa telebisyon. lpinakita sa nasabing programa
ang proseso ng pagtatanggal ng labis na taba sa isang parte ng katawan, pagkatapos ay kumukuha
ng fat stem cel mula sa tinanggal na taba na siyang ituturok sa mukha ng pasyente upang mapabata
ang hitsura niya. Sa paraang ito, hindi masasabing retoke ang ginawang proseso sa pasyente dahil
sa mismong katawan din niya galing ang ginamit sa kanya.

Ayon sa explorable.com, ang stem cell therapy ay makatutulong sa pag-aayos ng nasirang


organo upang mapanumbalik ang dating maayos na takbo nito. Kung sakaling mapatunayan ng
mga eksperto ang potensiyal nitong makalikha ng panibagong organo, gaya na lamang ng puso,
magiging isang malaking tagumpay ito sa pag-aaral sa medisina. Masosolusyonan nito ang
humahabang listahan ng mga nangangailangan ng organo gamit ang paggawa ng panibagong
organo galing sa selula ng orihinal na organong pasyente.

Base sa artikulong "Hope For Infertile Cancer Survivors" ni Fish (2013), ang nasabing
prosesong medika ay maari ring maging alternatibong lunas sa kanser na siyang magiging pamalit
sa nakasanayang proseso ng panggagamot na chemotherapy. Sinasabi sa pag-aaral na maaaring
mapalitan ng stem cells ang mga selula ng kanser upang maiwasang kumalat ito sa katawan ng
tao na siyang nagiging dahilan sa unti-unting pagkamatay ng selula ng katawan. Ang chemotherapy
ay maaari ding makapagdulot ng side-effect na puwedeng makapagpabaog sa isang pasyente dahil
sa labis na radyasyon. Ngunit sa tulong ng stem cell therapy, maaaring maiwasan o mapagaling
ang mga baog na pasyente na madalas ay wala nang lunas.

Ayon naman sa pag-aaral ng ALS Therapy Development Foundation, may mga kaso na
walang mabuti o masamang dulot ang maaaring maibigay sa kalusugan ng isang pasyenteng
sumailalim sa stem cell therapy. Inobserbahan ng mga eksperto ang mga taong naging instrumento
sa kanilang eksperimento upang matukoy kung mayroong masama o mabuting epekto nga ba
talaga ito sa katawan ng tao. Makalipas ang ilang linggo, walang

naging pagbabago sa kalusugan ng mga taong kasangkot sa eksperimento. Sa kabilang banda,


nakagigimbal naman ang resulta ng eksperimento ng ibang mga eksperto at natuklasan nilang
maaaring maging mitsa ito, sa pagkabuo ng mga bukol sa parting tinurukan dahil hindi maayos ang
pagdaloy ng selula sa ugat. Naging tipak ng kalamnan ang selula dahil hindi na makontrol ang
mabilis na pagdami nito.

155
Maraming klase ang stem cell therapy, iba't iba ang maaaring mapagkuhanan ng mga
selula na gagamitin sa proseso ngunit magkakaiba ang bilis ng aksyon nito depende kung saan ito
nakuha. Ang embryonic stem cell therapy ay isang uri ng nasabing proseso na gumagamit ng stem
cell na galing sa mga namumunong embryo dahil mas mabisa at aktibo ito sa pagdedebelop ng
mga organo at kalamnan. Sinasabing hindi etikal ang prosesong ginagawa rito dahil ikinamamatay
ng supling ang pagkuha sa kanila ng mga selula na maaari ding maisahalintulad sa aborsyon dahil
sa pagkitil ng murang bunay. Nagiging instrumento na lamang ang mga ito upang mapaganda ang
kalusugan ng ibang tao.

Layunin

Ang ulat-analitikal na ito ay naglalayong maipabatid sa mga mambabasa ang proseso ng


stem cell therapy at ang mga posibleng masasamang epekto na maidudulot nito sa mga taong
sumailalim na rito. Naglalayong masagot ng pag-aaral sa stem cell therapy ang mga sumusunod:

1. Ano-ano ang posibleng masamang epekto ng stem celltherapy sa katawan ng tao?


2. Ano-ano ang kapaki-pakinabang na dulot ng stem cell therapy at ang pagiging posibilidad
nito bilang lunas sa kanser?
3. Ano-ano ang rason sa patuloy na pagtangkilik ng mga tao sa stem cell therapy?

Saklaw

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mambabasa


tungkol sa sumisikat na prosesong medikal na stem cell therapy upang hindi basta-bastang
tumangkilik ang mga tao sa nasabing proseso. Nakatuon din ito sa mga pangunahing impormasyon
na dapat malaman ng isang tao tungkol sa prosesong medikal upang hindi mapasama sa kanilang
kalusugan ang pagtangkilik dito. Inilarawan sa pag-aaral ang mga posibleng mabubuti at
masasamang epekto ng stem cell therapy, patunay na maaaring makapagpagaling ito ng mga
malulubhang sakit gaya ng kanser at ang patuloy na pagdlami ng pagtangklik ng mga tao rito.

156
Limitasyon

Nakabatay lamang ang pag-aaral na ito sa ebidensiyang mula sa mga iba’t ibang
babasahin, mga balita, programang pangkalusugan, mga nakapanayam na doktor, at mga opinyon
ng mga tagatugon sa isinagawang sarbey. Hindi ito batay sa mga eksperimento o resulta ng mga
pagsusuring medikal mula sa mga taong aktuwal na nakaranas ng Mabuti o hindi mabuting epekto
ng stem cell therapy.

Diskusyon

Mga Posibleng Masamang Epekto ng Stem Cell Therapy sa Katawan ng Tao

Ang pangunahing suliranin ng pag-aaral sa stem cell therapy ay tungkol sa pagkilanlan sa


mga masasamang epekto nito sa katawan ng tao. Ayon sa mga natuklasan ng mga mananaliksik,
kahit na marami ang mga mabubuting dulot nito sa katawan ng tao, mayroong kaakibat naman ito
na posibleng makapagdulot ng masamang epekto ngunit hindi gaanong karami gaya ng inaasahan
ng mga mananaliksik. Ang mga masasamang dulot ng nasabing prosesong medikal ay ang
sumusunod:

1. Pagkabuo ng mga bukol sa katawan ng tao. Sinasabi na kapag hindi nabantayan ang mga
selulang itinurok, namumuo ang mga ito sa isang parte ng katawan ng tao na siyang
nagiging bukol na gawa sa laman. Sa mabuting palad, hindi naman nakakamatay ang mga
bukol na natuklasang epekto ng proseso.
2. Ataxia telangiectasia o abnormal na pagtubo ng spinal cord at utak. Base sa pag-aaral ng
mga eksperto, isang lalaki na sumailalim sa embryonic stem cell therapy ang nagkaroon ng
nasabing karamdaman. Ang nabanggit na sakit ay isang hind pangkaraniwan na
karamdaman na nagreresulta sa pagiging inkapasidad ng isang tao at paghina ng
sistemang imyuno at baga.

3. Pagiging hindi etikal na gawain partikular na ang embryonic stem cell therapy. Hindi man
ito isang masamang epekto sa kalusugan ay masasabing hindi naman ito nararapat na
gawain upang ipalit ang murang buhay sa ibang taong may malubhang karamdaman. Isang
napakakontrobersilyal na usapin ito dahil nababangga nito ang karapatan ng taong
mabuhay at ang batas na bawal kumitil ng buhay.

157
4. Sanhi ng stroke at pamamaga ng parte ng utak dahil sa hindi maayos na pagsasagawa ng
proseso. Bumabara ang stem cells sa mga ugat na nagiging sanhi ng pagputok nito kapag
hindi na makadaloy ang dugo rito. An9 pagdami ng mga hindi mapagkakatiwalaang website
na nag-aalok ng nasabing proseso ay isa sa mga pinagkukuhanan ng pag-asa ng mga may
wala nang lunas na sakit, ngunit ang masama rito ay niloloko lamang sila ng mga ito upang
kumita, imbis na makatulong sa kalusugan ay lalo pa nitong nailalagay sa piligro ang buhay
ng umaasang pasyente.

5. Posibilidad na walang maging epekto ang pagtuturok ng stem cell dahil sa sistemang
imyuno ng tao sa kadahilanang pinapatay kaagad nito ang mga itinurok na selula. Mula sa
ika-walong tanong sa talatanungan, 77 tagatugon ang sumagot ng Oo, samantalang 67
naman ang sa Hindi. Halos sampung sagot lamang ang ikinalamang ng Oo sa Hindi at mula
rito ay makikita na mas pumapanig ang mga tagatugon na hindi etikal o imoral ang
pagsasagawa ng embryonic stem cell therapy dahil sa proseso nitong pangangalap ng mga
selula sa mga namumuong embryo. sa kabilang banda, marami pa rin ang mga sumang-
ayon na hindi ito imoral. Ngunit kung sakaling ipagpatuloy ang ganitong pangangalap ng
selula, mas maiging sa napalaglag nang mga sanggol ang kuhanan nila ng mga selulang
kakailanganin sa proseso.

Mula sa ika-pitong tanong ng talatanungan, 66 tagatugon ang sumagot na


"Nakakapagpabata ito 33 sa "Nakakapag-ayos ng nasirang organo 30 sa
"Nakakapagpagaling ng malulubhang sakit'; 18 sa "Nakakalakas ng sistemang imyuno" 12
sa Nakakapagpabalik ng paningin'; 5 sa Nakakamatay ito'; 4 sa "Mas nakakapagpalala ng
sakit" 3 sa "Nakakatulong sa pag-iwas sa pagkabaog' 2 sa "Nagreresulta sa mga bukol sa
katawan"; at parehong 1 sa "Walang masama o mabuting epekto sa katawan

Ang grap 4 ay nakapokus sa pagdaragdag ng datos para sa suliranin bilang 1 at 2.


Naipakita sa resulta na mas maraming magagandang dulot ang alam ng mga kalahok kaysa sa
mga masasamang epekto nito. Sinabi na hindi pa talaga lingid sa kaalaman nila ang mga
masasamang dulot nito kaya naman sa tulong ng pag-aaral tungkol sa paksang ito, malalaman ng
mga mambabasa ang mga posibleng maging negatibong dulot nito sa katawan ng tao.

158
Malaking puntos ng sagot ng mga tagatugon ay nasa epektong nakakapagpabata ito. Gaya
ng nabanggit kanina, maraming kilalang personalidad ang nagsasabing nakakapagpabata ito, kaya
naman ito ang unang pumapasok na pangunahing magandang dulot nito sa katawan ng tao. Mas
ginagamit kasi ang nasabing proseso bilang pampaganda ng panlabas na anyo dahil mabilis makita
ang resulta nito hindi gaya ng mga produktong pinapahid lamang sa mukha.

Pakinabang na Dulot ng Stem Cell Therapy sa Katawan ng Tao

Ang pangalawang suliranin naman ay ang pakinabang na dulot ng nasabing prosesong


medikal at ang posibilidad nito bilang lunas sa malulubhang sakit gaya ng kanser, Ayon sa mga
nakalap na datos ng mga mananaliksik, napakarami ng mga posibleng mapagaling ng stem cel
therapy. Ang mga ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

1. Parkinsons Disease
2. Alzheimer's Disease
3. Heart Diseases, Stroke, at Diabetes (Type 1)
4. Birth defects o kapansanan simula noong ipinanganak
5. Pinsala sa spinal cord
6. Pagsasaayos sa mga nasirang organo
7. Pagpapabata ng mukha

Mula sa pangatlong tanong sa talatanungan, 116 tagatugon ang sumagot ng Oo, samantalang
28 naman ang sa Hindi.

Lahat ng mga bagay na walang siguradong pagkakakilanlan ay natural na pinagsasliksikan ng


mga eksperto upang mahasa ang mga posibleng potensiyal na kontribusyon nito. Maraming bilang
ng tagatugon ang sumang-ayon na dapat bigyang importansya ang pag-aaral sa sterm cell therapy.
Hindi kasi maikakaila ang mga positibong balita ng nasabing prosesong medikal dahilan upang
makilala ito ng mga tao sa iba’t bang bansa. Inilagay ng mga tagatugon ang kani-kanilang mga
rason sa pagsang-ayon at hindi pagsang-ayon sa nasabing pag-aaral sa stem cell therapy. Pagiging
malaking ambag nito sa larangan ng medisina ang pangunahing sagot ng mga kalahok dito,
samantalang para sa iba hindi ito mahalaga sapagkat ginagamit lang ito bilang pampaganda.

Sa ikalimang tanong sa talatanungan, 113 tagatugon ang sumagot ng 0o, samantalang 31


naman ang sa Hindi.

159
Karamihan ng mga tagatugon ay sumang-ayon na maaaring maging lunas ang stem cell
therapy sa sakit na kanser. Kahit na wala pang kasiguraduhan ang pagiging gamut nito, naniniwala
pa rin ang mga tao sa kakayahan nito.

Ayon sa pag-aaral ng mga mananaliksik, mayroong kakayahan ang nasabing proseso na


masolusyonan ito dahilsa taglay nitong aktibidad sa katawan na maaaring makapagpalit ng mga
selula ng kanser. Natural na sa mga stem cell na bumuo ng panibagong selula kaya naman
akmang-akma ito bilang lunas sa nasabing sakit. Ang pagiging posibilidad nitong maging lunas sa
kanser ay hindi pa rin sigurado kung kaya nitong mapagaling ang isang daang porsiyento ang
naturang sakit. Ngunit maraming eksperto na ang nagsasabi na malaki ang potensiyal nitong
maging pamalit sa chemotherapy na pangunahing lunas sa kanser. Kaya naman ay patuloy pa rin
ang pagsasaliksik ng mga eksperto sa mga maaaring maging kapaki-pakinabang na dulot nito
upang magamot ang mga malulubhang sakit na walang lunas gaya ng kanser.

Mga Rason sa Patuloy na Pagtangkilik ng mga Tao sa Stem Cell Therapy

Ang panghuli at pangatlong suliranin ay tungkol sa mga rason kung bakit patuloy ang
pagtangkilik ng mga tao sa stem cell therapy bilang pampaganda ng hitsura at kalusugan. Ayon sa
teorya ni Bartky at Bordo na pinag-aralan ng mga mananaliksik, malimit sa ilang kababaihan na
tumangkilik ng mga prosesong pampaganda upang maging kaaya-aya sa paningin ng mga tao sa
lipunan. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang pagiging mapanghusga ng lipunan ang nag-
uudyok sa kanila na sumailalinm sa nasabing proseso katulad ng stem cell therapy. Ngunit sa
naging resulta sa isinagawang sarbey, kakaunti lamang ang pumayag na magpasailalim sa stem
cell therapy. lan sa mga dahilan nila ay hindi sila sigurado kung ano ang mga puwedeng maidulot
nito sa kanilang kalusugan at ang ilan naman ay kontento na sa kung ano ang ibinigay ng Panginoon
sa kanila. Kahit papaano, mayroon namang mga tagatugon na gustong sumailalim sa nasabing
prosesong medikal kung bibigyan sila ng tsansa; malimit na kadahilanan nila ay ang magagandang
dulot nito sa kalusugan na kanilang nabalitaan tungkol dito.

Mula sa ika-anim na tanong sa talatanungan, 77 tagatugon ang sumagot ng Hindi,


samantalang 67 naman ang sa Oo. Isa sa mga dahilan ng mga tumatangkilik nito ay ang kakayahan
nitong makapagpabata at makapagpaganda ng hitsura. Marami na ring mga patunay na galing pa
sa mga sikat na personalidad ang nagsabing epektibo itong paraan sa pagtatanggal ng wrinkies at
iba pang signs of aging. Ngunit ayon sa resulta na isinagawang sarbey, hindi lahat ay naniniwala
sa kakayahan nitong makapagpabata.

160
Mula sa ika-siyam na tanong naman, 131 tagatugon ang sumagot ng Hindi, samantalang
13 naman ang sa Oo. Ang lahat ng mga sumagot sa Oo ay hiningan ng dahilan kung ano ang rason
sa likod ng pagsasailalim sa nasabing prosesong medikal. Lisa lamang ang naging sagot na mga
tagatugon: ito ay dalhil sa dulot ng stem cell therapy na makapagpabata ng mukha.

Ayon sa isinagawang sarbey sa katanungang Ano-ano ang kalimitang dahilan ng mga tao
sa pagsasailalim sa stem cell therapy?", 78 tagatugon ang sumagot na "Para sa pagpapaganda ng
hitsura"; samantalang 25 sa "Dahil sa magandang dulot nito sa kalusugan"; 24 sa “Dahil gusto
nilang sumubok ng bagong lunas para sa kanilang sakit"'; 18 sa "Dahil may pera silang pambayad
para sa pagsasailalim dito"; 15 sa "Dahil pinayuhan sila ng doktor na sumailalim sa prosesong
medikal na ito'; 12 sa "Para subukan kung totoo ang mga balita tungkol dito"; 4 sa "Dahil gusto
nilang magyabang'; at 1 sa ibang sagot.

Gaya ng inaasahan, karamihan sa mga tagatugon ang sumagot ng mayroong kinalaman


sa pagpapaganda. Mas nagiging tanyag kasi ang nasabing proseso bliang gamit sa pagsasaayos
ng hitsura ng mukha. Ito rin ang nauusong paggamit ng naturang proseso dahil na rin sa malakas
na impluwensiya ng mga artista na nagkokomento tungkol sa pagiging mabisa nitong pampabata.

Kongklusyon

Ang stem cell therapy ay makabubuti lamang sa ating kalusugan kapag tama ang paggamit
dito at kung ang dahilan ng pagsailalim ay pinayo ng isang espesyaista o eksperto, dahil ang
medikal na prosesong ito ay hindi lamang basta parmpaganda o pampabata, ito rin ay isang medikal
na proseso na maaaring magbigay ng bagong pag-asa sa mga may karamdaman o maging
katapusan ng sang buhay, Mahalaga ang ating kalusugan; ito ay isang kayamanang kailangan
nating ingatan kayat huwag basta- basta isailalim ang sarili sa anumang medikal na proseso para
lang sa walang katuturang bagay.

Masasabing kahit hindi man isang daang porsiyentong nakuha ng mga mananaliksik ang
kanilang mga inaasahang resulta sa pagsasagawa ng sarbey, naging bukas ang isipan nila sa iba
pang dahilan kung bakit hindi ito nangyari. Maaaring hindi pa talaga gaanong popular ang stem cell
therapy sa buong bilang ng mga kalahok dahil marami sa kanila ang hindi handang magpasailalim
sa nasabing prosesong medikal.

Marami lamang ang nakakaalam sa terminong stem cell therapy ngunit ilan lamang sa mga
ito ang nakaalam sa mga proseso kung paano isinasagawa ito. Mahalaga rin na bigyang-

161
importansiya ang masusing pag-aaral ng stem cell therapy upang mabigyang linaw at kasagutan
ang mga kuro-kuro kaugnay rito. Sa kabilang banda, maraming sakit naman ang kayang bigyang
lunas ng stem cell therapy ngunit kailangan munang alarmin o siguraduhin mula sa mga eksperto
kung ano-ano lang ba talagang sakit ang angkop sa ganitong uri ng panggagamot.

Rekomendasyon

Para sa lahat ng taong gustong magpasailalim sa stem cell therapy, nararapat lamang na
sa mapagkakatiwalaang ospital o medikal na institusyon lamang magsagawa nito. Maging maingat
sa pagtitiwala sa mga makabagong medikal na proseso lalo na't kung hindi pa ito napapatunayang
maigi ng siyensiya, at hindi pa ito subok ng panahon. Hindi lamang dapat basta-basta tinatangkilik
ang isang proseso lalo na kung wala pang sapat na kaalaman tungkol dito. Hangga't maaari,
basahin ang mga pahayag ng mga eksperto o mga taong may awtoridad, gaya na lamang ng
sekretarya ng Department of Health (DOH) upang malaman kung maaaring magpasailalim dito.

Para sa mga susunod na mananaliksik, makatutulong ang mga programang


pangkalusugan sa telebisyon para makapagbigay ng mga impormasyong may kinalaman sa
pangkalahatang kalusugan, lalong-lalo na kung walang makuhang eksperto na maaaring
makapanayam ng personal. Maging masipag at matiyaga rin sa paghahanap ng mga reperensiyang
magagamit ng lubusan sa pag-aaral

Para sa iba pang maipapayo ng mga mananaliksik, maging kuntento na sa kung ano ang
ibinigay ng Diyos lalo na sa mga nagbabalak na sumailalim sa stem cel therapy para sa
pagpapaganda ng pisikal na anyo. Hindi sagot ang medisina upang masabing magandaang hitsura
ng isang tao.

Sanggunian

Barrett, S. (M.D.). (2012, September 14). The Shady Side of Embryonic Stem Cell Therapy.

Retrieved December 19,2012, from http://www.quackwatch.org/06Research Projects/

stemcell.html/

Stem Cell Research: Pros and Cons in Research. (2008). Retrieved December 19, 2012, from

http://explorable.com/stem-cell-pros-and-cons.html/

162
Fish, C. (2012, December 13). Hope For Infertile Cancer Survivors Provided By Stem Cell

Research Medical News Today). Retrieved December 19, 2012, from http://www.

medicalnewstoday.com/releases/253864.php

Heger, M. (2010, January-February). Stem Cell science takes off. Discovery Magazine, XXx,

23.

Maienschein, J. (2003). Whose view of life? Embryos cloning and Stem cells. London:

Harvard University Press.

Odorico, J., Zhang, S.C., Pedersen, R, et. al. (2005). Human Embryonic Stem Cells. USA:

Garland Science/BIOS Scientific Publishers.

Panno, J. (Ph.D.). (2005). The New Biology: Stem Cell Research: Medical Applications and

Ethical Controversy. USA: Facts on File Inc.

Papadaki, E. (2012, December 21). Feminism Objectifcation. Retrieved March 1, 2013, from

http://plato.stanford.edu/entries/feminism-objectification/#FemApp0bj

Park, A. (2011, June 25). Stem Cell Miracle? New Therapies May Cure Chronic Condition

like Alzheimers. Retrieved December 15, 2012, from http://www.time.com/time/

magazine/article/0,9171,2078130,00.html

Pelley, S. (2012, January 8). Stem Cell Fraud: A 60 minutes Investigation. Retrieved March

1,2013, from http://www.cbsnews.com/8301-18560_162-57497588/stem-cell-fraud-a-60


minutes-investigation/?pageNum=2

Ross, V. (2012, January-February). Stem Cell research hits more painful setbacks. Discovery

Magazine, 69.

Pigura 15.2. Halimbawa ng Ulat-Analitikal


Mula sa: Francisco, G., et.al (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Pahina 164

163
Pagsasanay

Pagsasanay 1. (mamarkahan bilang sulating gawain)

A. Panuto: Gumamit ng kompletong pangungusap sa pagsasagot sa mga tanong sa


ibaba.

1. Ano ang kahalagahan ng ulat-analitikal para sa iba’t ibang larangan?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________

2. Para saan ang liham paglilipat o letter of transmittal?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
__________________________________________
3. Bakit mahalagang gumamit ng talaan ng nilalaman?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
__________________________________________

4. Ano ang dapat nilalaman ng Ehukitibong Buod?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
__________________________________________

B. Panuto: Sa paraang patanong, isulat sa patlang ang posibleng paksa ng ulat-


analitikal para sa mga larangang makikita sa ibaba. Ang unang numero ay
magsisilbing halimbawa ninyo.

PAKSA
1. Food and Beverage Business
Ano ang magandang produktong pwede nating buuin at ibenta na tatangkilikin
ng mga mag-aaral sa kolehiyo._______________________
_________________________________________________________

2. Internet o Computer Café Business


______________________________________________________________
______________________________________________________________
____________________________

164
3. Photography Business
______________________________________________________________
______________________________________________________________
____________________________

4. Animation Industry
______________________________________________________________
______________________________________________________________
____________________________

Pagsasanay 2. (mamarkahan bilang sulating gawain)

Panuto: Basahin ang talata sa ibaba. Punan ang patlang ng tamang sagot. Nasa kahon sa
ibaba ang mga pagpipilian.
Ang 1. __________ ay may iba’ ibang tungkulin sa trabaho tulad ng pagbibigay o
paglilipat ng pangkalahatang impormasyon, pagpepresenta ng resulta ng 2. _________, at
paggawa ng mapanghikayat na 3. ___________.
Ang isang 4. __________ ay isang teknikal o propesyunal na dokumento na
isinusulat para gamitin sa pamhalaan o sa 5. __________. Nagmumula ang mga
impormasyong inilalagay sa isang ulat-analitikal ang mga katangian ng isang ulat at ng
isang 7. __________.
Iba’t iba ang tunguhin ng ulat-analitikal depende sa larangan. Ilan sa mga
tunguhing ito ay magtaya ng mga 8. __________, bumuo ng mga 9. __________, sumuporta
sa mga desisyon at 10. __________ ng mga napapanahong isyu.
May iba’t ibang bahagi ang ulat-analitikal na wala sa ibang uri ng ulat. Ang 11.
__________ ay isang liham na ginagamit kung tagalabas ang gagawa ng ulat-analitikal. 12.
__________ ang listahan ng mga imahen tulad ng mga grap at dayagram upang maglahad
ng mga komplikadong ideya sa kanilang mambabasa.
Tulad ng anumang pananaliksik, ang ulat analitikal ay nararapat na may 13.
__________, diskusyon, 14. __________, at rekomendasyon. 15. __________ naman ang
bahagi kung saan inillilista ang mga pinaghanguan, sinipi, o ginagamit sa pananaliksik.

165
desisyon magsuri kongklusyon pananaliksik
liham paglilipat negosyo argumento ulat
sanggunian imbestigasyon solusyon talaan ng ilustrasyon
opurtunidad introduksiyon ulat-analitikal

Pagsasanay 3. (mamarkahan bilang performans na gawain)

Panuto: Sumulat ng isa hanggang dalawang pahinang ulat-analitikal kaugnay sa isang


paksa mula sa alinmang larangan sa ibaba.

1. midya
2. teknolohiya
3. sikolohiya
4. medisina
5. batas
6. turismo
7. edukasyon
8. politika
9. inhinyeriya
10. marketing

Pamantayan sa Paggagrado:
Pamantayan Puntos Iskor
1. Malinaw ang layunin sa pagpili ng paksa 20
2. Kompleto ang mga bahagi ng ulat-analitikal at tama ang gamit ng 20
wika
3. Mahusay ang pagkakasulat at tama ang gamit ng wika. 20
4. Gumagamit ng wastong sanggunian at may mahusay na 20
kongklusyon at rekomendasyon
5. Pinaghandaan ang presentasyon sa harap ng klase at gumagamit 20
ng biswal na pantulong para rito.
Kabuuan 100

166
Paglalagom

 Ang isang ulat-analitikal ay isang teknikal o propesyunal na dokumento na isinusulat


para gamitin sa pamahalaan o negosyo.
 Nagmumula ang mga impormasyong inilalagay sa isang ulat-analitikal sa mga
sarbey, rekord-pinansyal, at iba pang mapagkakatiwalaang hanguan ng
impormasyon.
 Tunguhin ng ulat-analitikal na: magtaya ng opurtnidad, bumuo ng mga solusyon,
sumuporta sa mga desisyon, maglarawan ng problema, pagsusuri ng produkto,
magrekomenda ng produkto, magsuri ng napapanahong isyu, magbigay n mga
bagong pananaw kaugnay sa dati nang isyu.

Sanggunian

 Francisco, Gonzales, at Batnag (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Rex


Book Store Inc.
 Sukla, R. (2017). An Analysis Report In 3 Steps (Your Boss Will Like This!). PenPath.
https://penpath.com/blog/3-steps-analysis-report-boss-will-like/

167
MODYUL 16
Pagbuo ng Manwal

Panimula

Sa pang-araw-araw nating pamumuhay sa ngayon ay atin nang kaakibat ang


mga tekonolohiya na gawa ng tao, ang ilan dito ay ang mga gadgets na laging bitbit,
makinarya na ginagamit sa produksyon at appliances na makikita sa sulok ng bawat tahanan.
Marahil ang mga bagay na ito ay pamilyar na sa iyo lalo na kung araw-araw mo itong
ginagamit, ngunit bago mo lubusang magamit nang husto ay marahil ay naranasan mo ang
magbuklat ng manwal na kasama ng bago mong biling appliances. Sa araling ito ay
malalaman mo ang kahulugan at kahalagahan ng manwal, gayundin ay dapat mong
maranasan ang lumikha ng isang halimbawa ng manwal.

Bunga sa Pagkatuto

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:


 natutukoy ang kahulugan ng manwal;
 naiisa-isa ang mga uri ng manwal ayon sa gamit;
 nailalapat ang mga payo sa pagsulat ng manwal para sa paggamit; at
 nakasusulat ng manwal para sa paggamit ayon sa balangkas ng mga bahagi nito.

168
Aralin 1. Pagbuo ng Manwal

Inilahad nina Francisco et al. (2017),


na ang manwal ay mga pasulat na gabay o
reperensiyang materyal na ginagamit sa
pagsasanay, pag-oorganisa ng mga gawain
sa trabaho, pagbuo ng mga mekanismo,
pagpapatakbo ng mga kagamitan o
makinarya, pagseserbisyo ng mga produkto Pigura 16.1. Manwal
o pagkukumpuni ng mga produkto. Ang mga Mula sa: home.bt.com (2018)

gamit tulad ng appliances sa bahay, mga


gamit sa opisina tulad ng kompyuter, fax machine, printer, cellphone, at iba pa ay laging may
tinatawag na user manual o user guides. Tungkulin ng isang teknikal na manunulat ang
pagsulat ng mga manwal na ito.

Ang manwal ay nagtuturo sa isang tao kung paano gagamitin o gagawin ang isang
bagay. Higit na komprehensibo at malawak ang saklaw nito kaysa sa instruksiyon. Ang
manwal ay nagbibigay ng mga panuto para sa mga komplikadong gawain katulad ng eroplano
o sasakyan, maraming magkahiwalay na manwal ang kinakailangan (Francisco et al. 2017).

Aralin 2. Iba’t ibang uri ng manwal ayon sa gamit


(Francisco et al. 2017):

1. Manwal ng Pagbuo (Assembly Manual) – para sa konstruksiyon o pagbuo ng isang


gamit, alignment, calibration, testing, at adjusting ng isang mekanismo.

2. Manwal para sa Gumagamit o gabay sa Paggamit (User Manual o Owner’s Manual)


– naglalaman ng gamit ng mekanismo, routine maintenance o regular na
pangangalaga at pagsasaayos ng mga kagamitan, at mga pangunahing operasyon o
gamit ng isang mekanismo.

169
3. Manwal na Operasyonal (Operational Manual) – kung paano gamitin ang mekanismo
at kaunting maintenance.

4. Manwal-Serbisyo (Service Manual) – routine maintenance ng mekanismo,


troubleshooting, testing, pag-aayos ng sira, o pagpapalit ng depektibong bahagi.

5. Teknikal na Manwal (Technical manual) – nagtataglay ng espesipikasyon ng mga


bahagi, operasyon, calibration, alignment, diagnosis, at pagbuo.

6. Manwal para sa Pagsasanay (Training Manual) – ginagamit sa mga programang


pampagsasanay ng particular na mga grupo o indibidwal.

Aralin 3. Komponent ng Manwal

Karaninwang nilalaman ng isang manwal ang alinman sa sumusunod (Francisco et al. 2017):
1. tiyak na depinisyon;
2. deskripsyon ng mga mekanismo
3. sunod-sunod na hakbang o instruksiyon; at/o
4. pagsusuri ng mga proseso.

Nakatuon ang bahaging ito sa manwal para sa Gumagamit o Gabay sa Paggamit (User
Manual o User Guide) dahil ito ang pinakakaraniwang uri ng manwal.

Awdiyens
Pangunahing konsiderasyon sa pagbuo ng manwal para sa gumagamit ay ang
awdiyens. Ang wika at teknikal na detalye ay dapat na angkop at nauunawaan ng inaasahang
gagamit ng isang produkto o mekanismo. Kailangan ng deskripsyon ng mekanismo,
depinisyon ng mga termino, instruksiyon sa pagpapagana o pagpapatakbo, at solusyon sa
mga posibleng problema sa operasyon ng produkto. Kailangan din ng grapikong ilustrasyon
upang malinaw na makita ang mga bahagi ng produkto. (Francisco et al., 2017)
Kahit papaano pa kakomplikado ang isang produkto o mekanismo, kailangang gawing
malinaw, simple, at tiyak ang wika sa user manual. Kailangan ding ikonsidera ang mga

170
pagpapaikli ng mga salita o mga simbolong gamit sa manwal upang maging akma sa
kakanyahan ng gagamit nito (Francisco et al., 2017).

Disenyo
Narito ang mga gabay sa pagbuo ng mabisang manwal (Francisco et al., 2017):
1. Madaling sabihin at madaling masundan ang mga panuto;
2. May kaakit-akit na disenyo;
3. May mga ilustrasyon para palawakin ang pag-unawa ng mambabasa;
4. Magagamit na reperensiya sa hinaharap;
5. Naglalaman ng tungkol sa mga paksa, gawain, pamamaraan, at iba pang
impormasyong nakaayos sa lohikal na pagkakasunod-sunod.

Aralin 4. Balangkas ng Isang Manwal o Gabay sa Paggamit


(Francisco et al. 2017)
1. Pabalat na Pahina – kailangan may malinaw na pamagat. Ang pamagat ay sumasagot
sa tanong na, “Tungkol saan ang manwal na ito?” o “ano ang nilalaman ng manwal?”
Ang pamagat ay maaring may disenyo na angkop sa larangang pagagamitan nito.

2. Talaan ng Nilalaman – dito itinatala ang mga pahina at ang pagkakasunod-sunod ng


mga gawain sa loob ng manwal.

3. Introduksyon – nagpapaliwanag tungkol sa Ano-Paano-Sino. Ano ang nilalaman ng


manwal o tungkol saan ang manwal? Paano gamitin ang manwal? Sino ang gagamit
o para kanino ang manwal?

4. Navigational Tips – pahina na may biswal na simbolo na mgagamit upang unawain


ang mga bahagi ng manwal.

a. Gamit at Tungkulin – dito nakalahad kung paano ginagamit o saan ginagamit


ang isang bagay.

171
 Saklaw – dito nakasulat kung ano lamang ang mga paksang tatalakayin
sa manwal, partikular sa mga gamit at tungkulin. Naglalagay din dito ng
mungkahi kung saan maaring pumunta o tumawag kung ang isang
problema ay hindi na sakop ng manwal.
 Takdang Gamit – dito isa-isang nakalahad ang mga gamit o usage ng
isang bagay.
 Deskripsyon – dito inilalarawan ang bawat bahagi ng bagay at
kadalasang karugtong ito ng mga takdang gamit.
 Espesipikasyon – dito iniisa-isa ang mga katangian ng gamit at
gayundin kung may espesyal na mga katangian ang mga ito na wala
sa ibang kagamitan.
Dito rin nakalagay kung ito ay isang bago o updated na bersiyon ng
isang gamit na nauna nang ilabas.

b. Prinsipyo ng Operasyon – binabanggit dito kung ano ang disenyo at kung bakit
ito idinisenyo nang gayon. Kung may iba’t ibang operasyon para sa bawat
bahagi ng kagamitan, iniisa-isa itong ilarawan.
 Introduksyon – ipinapakilala nito kung ano ang katawagan sa gamit o
instrumento. Inuulit at binibinigyang-diin din ang mga takdang gamit
nito.
 Teoritikal na Kaligiran – isinasaad ang mga pinagbatayang teorya at
mga pag-aaral na naging dahilan sa pagkabuo ng gamit o instrumento.
 Gamit at Instrumento – isinasaad dito ang pangkalahatang gamit ng
instrumento.
 Pagsusuri ng Datos – dito inilalagay ang pagsusuri o analisis ng mga
datos na pinag-aralan sa pagbuo at produksyon ng gamit o
instrumento. Ito ay magiging patunay na ang gamit o instrument ay
dumaan sa masusing pag-aaral, eksperimentasyon, at pagkakabuo
kung kaya masasabing matibay at kapaki-pakinabang ito para sa mga
gagamit.

172
c. Instruksyon sa Operasyon – dito inilalagay ang sinusunod na mga panuto at
pamamaraan sa paggamit ng mga bagay o kung paano gagamitin o paandarin
ang mga ito.
 Ang Gumagamit – dito inilalarawan kung sino ang mga maaring
gumamit ng instrumento.
 Mga Kontrol at Indikasyon – Ito ay may guhit, ilustrasyon o larawan ng
mga kontrol na pinipindot o ginagalaw upang magamit ang instrumento.
Nilalagyan din ng pangalan at paliwanag ang mga simbolo sa mga
kontrol at ipinapaliwanag ang mahahalagang indikasyon tulad ng mga
kulay ng ilaw na makikita depende sa sitwasyon.
 Pamamaraan sa Pagsisimula – dito iniisa-isang ipaliwanag ang bawat
hakbang na kailangang sundin upang mabuksan at magamit ang
instrumento, kung ano ang kailangang kuryente o baterya, at kung ano-
ano ang buton na pipindutin.
 Mga hakbang sa Paggamit – isa-isang nakalahad kung paano
gagamitin ang bawat bahagi ng gamit o instrumento. Ipinapaliwanag
din dito ang mga bawat bahagi ng gamit o instrumento. Ipinapaliwanag
din dito ang mga prosesong kailangang sundin upang maisagawa ang
isang tungkulin ng instrumento.

d. Serbisyo at Pagmementena – dito nakasulat ang mga paraan ng pagsasaayos


ng gamit o instrumento kung sakaling magkaroon ng anumang di-inaashanag
problema sa paggamit nito at nakalagay din dito kung saang lugar o opisina
maaring magtungo upang ipagawa ang gamit o instrumento.
 Karaniwang Problema – dito iniisa-isang ilahad ang mga posibleng
maranasang problema ng gamit o instrumento at ang mga posibleng
dahilan kung bakit umuusbong ang mga problemang ito. Halimbawa.
Mali o di-maingat na paggamit ng taong gumagamit nito.
 Simpleng Solusyon – dito nagbibigay ng mga mungkahing solusyon sa
mga karaniwang problemang nararanasan ng gamit o instrument, at
mga solusyong maari at kayang gawin ng user nang hindi na
kailangang pumunta sa opisinang nagseserbisyo.

173
5. Apendiks – ito ang mga kalakip na dokumentong may kaugnayan sa kabuuan ng
nilalaman ng manwal.

a. Glosaryo para sa mga termino – nakatala nang paalbeto ang mga termino ng
mga bagay, proseso, gamit ng instrumento, at kahulugan ng mga ito,
b. Talahanayang Reperensiya – nasa anyong talahanayan o table ang mga
reperensiyang ginagamit sa mga pagsusuri ng datos o alinmang bahagi ng
papel o manwal.

6. BIbliograpiya – paalpabetong talaan ng mga reperensiya o mga binasang dokumento,


lumilitaw o nababanggit man ang mga ito sa mismong papel ng manwal o hindi.

Aralin 5. Mga Payo sa Pagsulat ng Manwal


(Francisco et al. 2017)
1. Gumamit ng payak na salita. Iwasan ang mga jargon o teknikal na salita, maliban kung
sadyang kinakailangan. Ipaliwanag ang teknikal na salita sa unang beses na
gagamitin ito.
2. Buuin ang mga unang akronim sa unang banggit.
3. Maging konsistent sa paggamit ng terminolohiya, tono, at estilo ng pagsulat.
4. Gumamit ng maiikling pangunugusap at parirala.
5. Gumamit ng numbered list.
6. Gumamit ng ilustrasyon (larawan, grap, flowchart, o screen display) kung angkop sa
tinatalakay na konsepto at para sa pagpapadali sap ag-unawa. Dapat lagging malapit
ang posisyon ng mga biswal na element sa inilalarawang tekso.
7. Tingnan at rebisahin ang mga posibleng mali sa ispeling at gramatika.

174
Pagsasanay

Pagsasanay 1. (mamarkahan bilang sulating gawain)

Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot.

__________ 1. Pasulat na gabay o dokumento na ginagamit sa pagsasanay, pag-oorganisa


ng mga gawain sa trabaho, pagbuo ng mga mekanismo, o pagtuturo sa isang tao kung
paano gawin ang isang bagay.
__________ 2. Uri ng manwal na naglalaman ng gamit ng mekanismo o ng pangunahing
operasyon ng isang mekanismo
__________ 3. Uri ng manwal na ginagamit sa mga programang pampagsasanay ng
partikular na mga grupo ng indibidwal.
__________ 4. Ang pahinang ito ay may mga biswal na simbolo na magagamit upang
unawain ang mga bahgi ng manwal.
__________ 5. Sa bahaging ito nakalahad ang mga gamit o usage ng isang bagay.
__________ 6. Sa bahaging ito ng manwal, iniisa-isang ipaliwanag ang bawat hakbang na
kailangang sundin upang mabuksan at masimulang gamitin ang instrumento.
__________ 7. Dito nagbibigay ng mga mungkahing solusyon sa mga karaniwang
problemang nararanasan ng gamit o instrumento.
__________ 8. Nakatala dito nang paalpabeto ang mga termino ng mga bagay, proseso,
gamit ng instrumento, at ang kahulugan ng mga ito.
__________ 9. Sa bahaging ito ay may ilustrasyon o larawan ng mga kontrol na pinipindot
o ginagalaw upang magamit ang instrumento.
__________ 10. Ito ang bahaging naglalaman ng patunay na ang gamit o instrumento ay
dumaan sa masusing pag-aaral, eksperimentasyon, at pagkakabuo.

175
Pagsasanay 2. (mamarkahan bilang performans na gawain)

Sumulat ng isang manwal para sa paggamit ng alinman sa sumusunod. Sundin ang mga
pangunahing bahgi ng manwal. Pumili lamang ng isa (1). Ilagay sa short bond paper.
 Isang bagay na ginagamitan ng teknolohiya
 Isang bagay na mahalagang ginagamit sa bahay
 Isang bagay na kailangan ng baterya o kuryente upang gumana
 Isang bagay na hindi mo kayang mabuhay kung wala ito
 Isang bagay na kadalasang gamit ng mga kabataan
 Isang bagay na magagamit tuwing may emergency o sakuna

Pamantayan sa Paggagrado:
Pamantayan Puntos Iskor
1. Malinaw ang mga panuto sa ginawang manwal 15
2. Gumamit ng mga ilustrasyon para ipaliwanag ang nilalaman 15
3. Simple ang mga salita, konsistent sa paggamit ng terminolohiya,
15
tono, at estilo sa pagsulat
4. Sinunod ang espesipikong mga bahagi ng isang manwal 15
5. Malinis ang pagkakagawa at presentable 10
Kabuuan 70

Paglalagom

 Ang manwal ay mga pasulat na gabay o reperensiyang materyal na ginagamit sa


pagsasanay, pag-oorganisa ng mga gawain sa trabaho, pagbuo ng mga mekanismo,
pagpapatakbo ng mga kagamitan o makinarya, pagseserbisyo ng mga produkto o
pagkukumpuni ng mga produkto.
 Ang manwal ay nagtuturo sa isang tao kung paano gagamitin o gagawin ang isang
bagay.

176
 Ang manwal ay may iba’t ibang uri ayon sa gamit; Manwal ng Pagbuo (Assembly
Manual), Manwal para sa Gumagamit o gabay sa Paggamit (User Manual o Owner’s
Manual), Manwal na Operasyonal (Operational Manual), Manwal-Serbisyo (Service
Manual), Teknikal na Manwal (Technical manual), at Manwal para sa Pagsasanay
(Training Manual)
 Karaninwang nilalaman ng isang manwal ang alinman sa sumusunod; tiyak na
depinisyon, deskripsyon ng mga mekanismo, sunod-sunod na hakbang o instruksiyon;
at/o pagsusui ng mga proseso.

Sanggunian

 Francisco, Gonzales, at Batnag (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Rex


Book Store Inc.
 Prokaza, J. (2018). How to find instruction manuals for computers, phones and other
gadgets online. BT.Com.
https://home.bt.com/tech-gadgets/internet/how-to-find-instruction-manuals-for-
computers-phones-and-other-gadgets-online-11363969224179

177

You might also like