You are on page 1of 34

12

FILIPINO SA
PILING LARANG
(TECH-VOC)
Ikalawang Markahan
Modyul 1
Katawagang Teknikal ng mga Piling
Anyo ng Teknikal-Bokasyunal na Sulatin
Karapatang-sipi@2020 ng DepEd Bohol
Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alin mang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o
ilabas sa ano mang anyo, kasama na rito ang mga video nang walang nakasulat na pahintulot
ang tagapaglathala at may-akda. Hindi sakop ng karapatang-sipi ang sariling-aklat na
ilalathala sa mga pahayagan at magasin.

Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng DepEd Bohol na may tanggapan sa 50 Lino Chatto Drive,
Cogon District, Tagbilaran City, Bohol.

May-akda:
Ginalyn O. Quimson

Tagasuri:
Wilfreda O. Flor, Ph.D.
Josephine D. Eronico, Ph.D.
Jocelyn T. Rotersos, R.L.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ginalyn O. Quimson


Tagasuri: Wilfreda O. Flor, Ph.D.
Josephine D. Eronico, Ph.D.
Jocelyn T. Rotersos, R.L.
Tagaguhit: Ginalyn O. Quimson
Tagalapat: Ginalyn O. Quimson
Tagapamahala: Bianito D. Dagatan, Ed.D., CESO V
Schools Division Superintendent
Carmela M. Restificar, Ph.D.
OIC, CID Chief
Josephine D. Eronico, Ph.D
EPS, LRMS
Wilfreda O. Flor, Ph.D.
EPS, Filipino

Inilimbag sa Pilipinas, Pansangay ng Bohol


Department of Education-Region VII, Central Visayas

Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Cogon District, Tagbilaran City, Bohol
Telephone No. (038) 412-2544 (308) 501-7550
Telefax: (038) 501-7550
Email address: deped.bohol@deped.gov.ph
12

FILIPINO SA
PILING LARANG
(TECH-VOC)
Ikalawang Markahan
Modyul 1
Katawagang Teknikal ng mga Piling
Anyo ng Teknikal-Bokasyunal na Sulatin
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul para sa araling “Katawagang Teknikal ng mga Piling Anyo ng Teknikal-
Bokasyunal na Sulatin”.

Ang modyul na ito ay sinadyang inihanda at binuo, nilinang at masinsinang sinuri ng mga
edukador mula sa pampublikong institusyon upang magsilbing gabay sa mga guro para
matulungang makamit ng mag-aaral ang mga pamantayan at mga kompetensi na itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtagumpayan ang pamayanang hamon sa pag-
aaral sa kabila ng hindi pagkakaroon ng harapang pagkatuto.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
mapunan ang kakulangan sa pagkatuto ng mga mag-aaral mula sa harapang talakayan sa
klase at mga kaalamang direktang nakukuha mula sa pagtatalakay ng guro.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa


“Katawagang Teknikal ng mga Piling Anyo ng Teknikal-Bokasyunal na Sulatin”.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang mga gawain ay maingat
na inihanda upang lubusang makilala at maunawaan ng mga mag-aaral ang mga katangian
ng isang teknikal-bokasyunal na sulatin ayon sa layunin at gamit nito sa kanilang napiling
larangan.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sinuman sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat nang may pagpapahalaga sa iyong kakayahan at
interes. Ito ay naglalayong matulungan kang matuto tungkol sa mga katawagang teknikal ng mga
piling anyo ng teknikal-bokasyunal na sulatin. Dito ay madidiskubre mo ang mga wastong
katawagan sa mga bahagi at katangian ng isang teknikal-bokasyunal na sulatin. Ang mga salitang
ginamit dito ay akma sa iyo at sa lebel ng iyong bokabularyo. Ang daloy ng mga aralin dito ay
alinsunod sa wastong pamantayan.

Ang modyul na ito ay may apat na aralin na may ibat-ibang kompetensi para sa unang linggo ng
Ikalawang Markahan. Ito ay ang mga:

Aralin 1 –Katawagang Teknikal ng mga Piling Anyo ng Teknikal-Bokasyunal na


Sulatin
• Unang Araw: Katawagang Teknikal ng mga Liham Pang-negosyo
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Naililista ang mga katawagang teknikal kaugnay ng piniling anyo
(CS_FTV11/12PT-0g-i-94)

• Ikalawang Araw: Katawagang Teknikal ng Flyers at Leaflets


Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Naililista ang mga katawagang teknikal kaugnay ng piniling anyo
(CS_FTV11/12PT-0g-i-94)
• Ikatlong Araw: Katawagang Teknikal ng Deskripsiyon sa Isang Produkto
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Naililista ang mga katawagang teknikal kaugnay ng piniling anyo
(CS_FTV11/12PT-0g-i-94)
• Ikaapat na Araw: Katawagang Teknikal sa mga Anunsiyo, Babala at mga Paunawa
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Naililista ang mga katawagang teknikal kaugnay ng piniling anyo
(CS_FTV11/12PT-0g-i-94)

5
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Titik lamang ang isulat.

1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi naglalarawan sa flyers?


a. Madaling gawin
b. Gumagamit ng papel na may sukat na A4/A5
c. Hindi natutupi
d. Naglalaman ng kaunting impormasyon
2. Ito ay tinatawag ding brochure o pamphlets?
a. flyers
b. promotional materials
c. magasin
d. leaflets
3. Ang kaasalang pagbati na siyang panimula ng isang liham, nasa kaliwang bahagi.
a. bating panimula
b. patutunguhan
c. pamuhata
d. bating pangwakas
4. Naglalaman ng tirahan o lugar ng sinusulatan, ang pangalan ng bahay- kalakal, kalye,
lungsod at bilang ng zip code.
a. pamuhatan
b. address
c. patutunguhan
d. sanggunian
5. Ito ay tumutukoy sa mga maaaring mapakinabangan o makukuha ng mga mamimili sa
produkto.
a. benepisyo b. katangian c. gamit d. estilo
6. Ito ang taglay na kagandahan at kakanyahan ng isang produkto kung bakit karapat-
dapat itong tangkilikin.
a. benepisyo b. katangian c. gamit d. presyo
7. Ito ay nagbibigay sa mga mamimili ng impormasyon kung saan at paano
mapapakinabangan ang isang produkto.
a. benepisyo b. katangian c. gamit d. presyo
8. Ito ay nagsasabi kung ano ang maaari at hindi maaaring gawin.
a. anunsyo b. babala c. paunawa d. patalastas
9. Ito ay nagpapabatid ng mahalagang kaganapan at mga detalyeng kaugnay nito.
a. anunsyo b. babala c. paunawa d. patalastas
10. Ito ay nagsasaad ng maaaring panganib sa buhay, estado o nararanasan ng tao.
a. anunsyo b. babala c. paunawa d. patalastas

6
Aralin
Katawagang Teknikal ng mga
1
Unang Araw
Liham Pang-negosyo

Matutunghayan sa araling ito ang mga wastong termino o katawagang teknikal ng mga
bahagi ng isang liham pang-negosyo. Ang araling ito ang gagabay sa inyo upang mas
maunawaan ang mga wastong termino o katawagan kapag pinag-uusapan o gumagawa ng isang
liham pang-negosyo. Sinusuri din sa araling ito ang iyong kakayahang makilala at maisa-isa ang
katawagan tungo sa maayos na pagsusulat ng isang liham pang-negosyo.

Balikan

Upang masubok ang iyong naunang kaalaman, subukang sagutin ang mga sumusunod
na katanungan.

1. Ano ang naalala ninyo tungkol sa pagsulat ng liham?


2. Kanino tayo madalas sumulat?
3. Tungkol saan ang kadalasang nilalaman ng liham na sinusulat?

Tuklasin

Panuto: TAMA O MALI. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi.
Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang.
________ 1. Tinatawag na kalatas o sulat ang liham.
________ 2. Isa sa mga uri ng liham ang liham-pangnegosyo.
________ 3. Iisa lamang ang pormat na ginagamit sa pagsulat ng liham.
________ 4. Hindi mahalaga ang paglalagay ng petsa kung susulat ng liham-pangnegosyo.
________ 5. Ang liham-pangnegosyo ay hindi pwede sa trabaho o sa ibang larangan.

7
Suriin

Basahin mo…

Basahin ang isang halimbawa ng liham pag-aaplay at suriing mabuti ang mga bahagi nito.

Blk. 38, Lot 17 Area 3


Bgy. San Miguel I
Dasmariñas, Cavite

Santos Engineering
Fairview, Quezon City

Mahal na Ginoo:

Nabasa ko ang inyong palathala sa Daily Bulletin, Hulyo 10, 2005 na nangangailangan
kayo ng mekaniko. Nais ko po sanang mamasukan sa inyong tanggapan.
Nag-aaral po ako ng pagmemekaniko sa Guzman Institute of Technology at
nakapagtrabaho bilang mekaniko sa loob ng 2 taon sa Motorworks na matatagpuan sa
Tundo, Maynila.
Handa po akong humarap sa inyong interbyu sa araw at oras na inyong itatakda.

Lubos na gumagalang,
Cesar Domasian

Naunawaan mo ba ang binasang halimbawa ng liham pag-aaplay at ang mga bahagi nito?

Ngayon ay handa ka nang sagutin ang sumusunod na mga gawain batay sa paksang iyong
binasa.

Panuto: Suriin ang mga bahagi at nilalaman ng isang liham pag-aaplay bilang isang
halimbawa ng liham pang-negosyo at sagutin ang mga sumusunod na katangungan.
1. Ang sumulat ng liham ay nakatira sa __________
2. Ang kumpanyang sinulatan ay matatagpuan sa _________

8
3. Nabasa ng sumulat ang anunsiyo noong __________ sa pahayagang 4. __________
5. Ang papasukang trabaho ay __________
6. Ang sumulat ay nakaranas nang makapatrabaho bilang mekaniko sa
tanggapang__________
7. Ang pangalan ng sumulat ay __________
8. Ang uri ng liham-pangangalakal na nabasa ay isang __________
9. Ang bahagi ng liham na binasa ay binubuo ng __________
10. Ang dapat na paghandaan ng sumulat sa pakikipagharap sa may-ari ng tanggapan ay
__________

Pagyamanin

Panuto: Basahing mabuti ang halimbawang liham-pangangalakal. Pagkatapos,


sagutin ang mga katanungan.

Manila Science High School


P. Faura, Taft Ave., Manila
Setyembre 5, 2005

Dr. Dolores S. Abad Puno,


Sangay ng Edukasyong Sekundaryo
Pambansang Punong Rehiyon
Kagawaran ng Edukasyon
Misamis St., Quezon City

Sa ngayon po ay kumukuha ako ng Bachelor of Science in Education sa Philippine


Normal University. Ako po ay nagpapakadalubhasa sa Filipino. Bahagi po ng aking pag-
aaral ay pagtuklas sa mga naging epekto ng patakarang bilinggwal sa pagtuturo ng
Filipino sa hayskul. Sanhi po nito, nais ko po sanang magkaroon ng kabatiran kung ako
ay may mga mga talang makukuha sa inyong tanggapan tungkol sa nabanggit na paksa.
Nais ko rin po sanang mabatid kung mayroon na pong mga kaukulang batas na
ipinatutupad tungkol dito.

Batid ko po na kayo’y lubhang abala sa inyong mga gawain subalit ang inyo pong
kasagutan sa aking mga tanong ay makapagbibigay sa akin ng mga sapat na
impormasyong kailangan sa aking pag-aaral. Sana po ay huwag ninyo akong bibiguin.

Umaasa at nagpapasalamat,

Arturo S. Cabuhat

9
Panuto: Piliin at isulat ang letra ng pinakawastong sagot sa bawat bilang.

1. Ang binasang liham ay liham-pangangalakal na:


a. humihingi ng pahintulot c. nagtatanong sa isang eksperto
b. naglalahad ng suliranin d. humihiling ng trabahong mapapasukan

2. Alin sa mga sumusunod ang nararapat ilagay o isulat pagkatapos ng bating pangwakas
at lagda?
a. patutunguhan
b. sangguniang tao
c. katungkulan
d. hanapbuhay

3. Kanino ipinadala ang liham?


a. Sangay ng Edukasyong Sekundaryo
b. Pambansang Punong Rehiyon
c. Kagawaran ng Edukasyon
d. Dr. Dolores S. Abad Puno

4. Ano ang kahilingan ng sumulat ng liham?


a. Pagtuklas sa epekto ng bilinggwal sa pagtuturo ng Filipino sa hayskul
b. Tulungan maging dalubhasa sa paggamit ng wikang Filipino
c. Nais mabatid kung mayroon bang kaukulang batas na ipinatutupad tungkol sa
wikang Filipino
d. Upang magkaroon ng kabatiran tungkol sa wikang Filipino

Isaisip

Sa gitna ng makabagong teknolohiya ay hindi naman dapat isantabi ag kaalaman sa


pagsulat ng liham. Isa sa mga uri nito ay ang liham pangnegosyo na kalimitang ginaamit sa
korespondensiya at pakikpagkalakalan. Katulad ng iba pang uri ng liham, tinataglay rin nito
ang mga bahagi gaya ng ulong sulat, petsa, patunguhan, bating pambungad, katawan ng
Anopangwakas
liham, bating ang kahalagahan ng liham
at lagda. pangnegosyo?
Nakatuon Nakakatulong
ang liham ba ito sa
pangnegosyo sa atin?
mga transaksyon
sa pangangalakal katulad ng pagkambas ng halaga ng mga product o kaya’y liham ng
kahilingan at liham pag-uulat. Pormal ang paggamit ng wika sa ganitong uri ng liham. Maaari
ring magtaglay ng kalakip ang mga nasabing halimbawa.

10
Isagawa

Suriing mabuti ang balangkas sa pagsulat ng isang liham pang-negosyo at gamiting itong batayan
o gabay sa wastong pagsulat ng nasabing liham.
__________________
__________________ Pamuhatan

__________________
_________________ Patutunguhan
__________________

__________________
__________________ Bating Pambugad

_____________________________________________________________________
N ______________________________Pinagkukunan ng anunsiyo at layunin sa pagsulat
______________________________o kahilingan ng isang tiyak na
I
______________________________gawain._________________________________
L _____________________________________________________________________
A _____________________________________________________________________
____________________________ Mga katangian- natapos na pag-aaral at karanasan
L ______________________________kaugnay sa posisyon o gawaing
A ______________________________hinahangad______________________________
______________________________Kaalaman tungkol sa sariling-pagkatao/ mga
M
______________________________katangian at mga taong mapagtatanungan tungkol
A ______________________________sapagkatao_______________________________
N
______________________________Pangwakas na pananalita/ paghiling sa
______________________________pakikipag________________________________
______________________________ugnay___________________________________

__________________ Bating Pangwakas

__________________ Lagda

Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na impormasyon batay sa modelong balangkas na


ibinigay sa taas. Bilang lamang ang isulat.

1. Nakahanda po akong makipanayam anumang oras na inyong itatakda.

2. Reyes Beauty Salon


514 Tayuman St.,
Sta. Cruz, Manila

11
3. 615 Tindalo St.,
Tondo, Manila
Marso 28, 2005

4. Lubos na gumagalang,
Rodelia Volante

5. Tinitiyak ko po sa inyong magiging masipag po ako sa trabahong inyong ipagkakatiwala sa


akin.

6. Ako po ay 18 taong gulang at nakapagtapos ng isang taong kursong kosmetolohiya sa


panggabing klase sa Mataas na Paaralang Araullo.

7. Mapatutunayan po iyan ni Gng. Atienza, ang aking guro sa T.H.E. at ni Gng. Murillo, na aking
tagapayo.

8. Nakapagtrabaho na rin po ako bilang beautician sa loob ng 8 buwan sa Ellen’s beauty Parlor
sa Sta. Cruz, Maynila.

9. Mahal na Ginoo:

10. Napag-alaman ko po sa aking kaibigan na ang inyong shop ay nangangailangan ng


beautician. Interesado po ako sa posisyong ito.

Tayahin
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang letra ng tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang titik lamang.

A. B

1. Ang kaasalang pagbati na siyang A. patutunguhan


panimula ng isang liham, nasa
kaliwang bahagi. B. pag-aaplay
2. Naglalaman ng tirahan o lugar ng
sinusulatan, ang pangalan ng bahay- C. mga katangian
kalakal, kalye, lungsod at bilang ng
zip code.
3. Ang kaasalang pamamaalam D. bating pambungad
ng sumulat.
4. Bahaging katatagpuan ng sumulat E. sanggunian
at kung kailan sinulat.
5. Ang paksang nilalaman ng unang talata F. pamuhatan
sa liham-pag-aaplay.
6. Tawag sa listahan ng mga taong maaaring G. layunin sa pagsulat
sangguniin ng pinadalhan ng liham-pag- aaplay.
Matatagpuan ito sa pinakababang bahagi ng liham.
7. Ang uri ng liham sa nararapat isulat kung nagnanais H. bating pangwakas
na makapasok sa isang trabaho.

12
i

Karagdagang Gawain

Panuto: Punan ng angkop na impormasyong makikita sa ibaba ang bawat patlang sa bawat
bilang.

1. 1365 Ricafort Street


Tondo, Manila
________________

2. The Central Recruitment Office


Rustan Investment and Management Corp.
______________________________

3. Lubos na gumagalang,
__________________

4. Ayon po sa _____________________, 2005,


napag-alaman kong ang inyong kumpanya ay
nangangailangan ng kalihim.
5. Natapos ko po ang kursong bokasyonal sa
______________________________________

Pagpipilian:

Ang nagmamahal
pahayagang Malaya
Eugenia Arellano
Mataas na Paaralang Torres noong Marso, 2004
2150Almeda Bldg., Pasong Tamo
Marso 30, 2004
karatula ng inyong bahay

13
Aralin
Katawagang Teknikal ng Flyers at
1
Ikalawang
Leaflets
Araw

Matutunghayan sa araling ito ang mga wastong termino o katawagang teknikal ng mga
bahagi ng mga flyers at leaflets. Ang araling ito ang gagabay sa inyo upang mas maunawaan ang
mga wastong termino o katawagan kapag pinag-uusapan o gumagawa ng mga promotional
materials. Sinusuri din sa araling ito ang iyong kakayahang makilala at maisa-isa ang katawagan
tungo sa maayos na paggawa ng mga flyers at leaflets.

Balikan

Panuto: Punan ang patlang ng wastong sagot upang mabuo ang mga pahayag.
1. Ang flyer/leaflet at brochure ay ilang halimbawa ng ___________________.
2. Isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat ng flyer ang ________________ ng mga
mamimili.
3. Ang __________________ ay kadalasang binubuo lamang ng isang pahinang
nagtataglay ng impormasyon tungkol sa isang produkto o serbisyo.
4. Ang ________________ ay kalimitang mas mahabang uri ng promotional material at may
pagkakahati-hati ng mga impormasyong nakalagay rito.
5. Naglalaman ang ____________________ ng mas kakaunting teksto at mas nakatuon sa
larawan o ibig iparating na mensahe sa biswal na paraan.

Tuklasin

Panuto: Sagutin ang katanungan batay sa inyong kaalaman, opinyon o ideya. (5 puntos)

Ano ang pangunahing layunin ng paggamit ng flyers at leaflets?

14
Suriin

Basahin mo…

Basahin at unawain ang mga katawagang teknikal ng flyers, leaflets at iba pang promotional
materials.

FLYERS

• Ginagamit ang flyers sa diseminasyon o pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa


isang personal na gawain o sa isang negosyo.
• Karaniwang ginagamit ito bilang promosyonal na material
• Bukod sa mura ang flyers, madali rin itong gawin.
• Mabisang paraan ito ng pagpapakalat ng impormasyon lalo na kung maraming
kopya ang ilalathala at ipamimigay o ipapaskil.
• Mahalaga ito para sa mga maliliit o nagsisimulang negosyo sapagkat nakatutulong
ito na mapansin ng mga tao ang kanilang mga produkto o serbisyo.
• Karaniwang isang maliit na papel lamang ito na may lamang larawan at maikling
teksto, bagaman may mga disenyong maaaring isagawa, depende sa
nagpapakalat ng impormasyon.
• Hindi matutupi
• Sukat ng papel A6
• Naglalaman ng kaunting impormasyon
LEAFLETS

• Ang leaflets, tulad ng flyers, ay uri din ng promosyonal na material.


• Higit na malaki at mas komprehensibo ang nilalaman ng leaflets kaysa flyers.
• May iba’t ibang dahilan sa pagpapalaganap ng leaflets na tinatawag ding
brochures o pamphlets.
• Karaniwang ginagawa ito ng mga nagsisimula ng isang negosyo o kaya ay para
sa isang kampanyang pangkamalayan para sa isang adbokasiya o pangyayari.
• Karaniwan itong isang buong papel na itinupi sa dalawa o higit pang bahagi, na
may iba’t ibang disenyo at teksto ayon sa particular na layunin.
• Maaaring matupi
• Sukat ng papel A4/A5
• Naglalaman ng maraming impormasyon

15
Naunawaan mo ba ang binasang mga katawagang teknikal ng flyers at leaflets?

Ngayon ay handa ka nang sagutin ang sumusunod na mga gawain batay sa paksang
iyong binasa.

Panuto: Ibigay ang pagkakatulad at kaibahan ng flyers at leaflets. Gamitin ang dayagram sa
pagsagot.

FLYERS

LEAFLETS

Pagyamanin

TAMA o MALI

Panuto: Isulat ang titik T kung ang pahayag ay tama at isulat ang titik M kung ang
pahayag ay mali.

1. Ang flyers at leaflets ay mga halimbawa ng promotional materials.


2. Ang flyers ay ginagamit sa pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa isang produkto.
3. Higit na malaki at mas komprehensibo ang nilalaman ng flyers kaysa leaflets.

16
4. Ang leaflets ay naglalaman ng maraming impormasyon.
5. Ang flyers ay maaaring matutupi.

Isaisip

TANDAAN
Ang promotional materials gaya ng flyers at leaflets ay kalimitang binubuo ng pangalan ng
produktong nais ipakilala o ikampanya, mga tiyak na impormasyong hinggil dito, mga piling
larawan upang higit na maging malinaw ang pagpapakita sa ibig ipatangkilik, tagline, at iba
pang mahalagang impormasyong makatutulong sa layunin ng ginagawang flyer o promotional
material.

Isagawa
Panuto: Sagutin ang katanungan ayon sa iyong sariling opinyon. Ipaliwanag.
(10 puntos)

Kung ikaw ang papipiliin, alin ang mas maayos o epektibong promotional material
batay sa mga katangiang tinalakay, Flyers o Leaflets? Ipaliwanag kung bakit?

Tayahin
Panuto: Isulat ang F kung ang pahayag ay tumutukoy sa flyers at L kung ito ay
naglalarawan sa leaflets.

1. Mabisang paraan ito ng pagpapakalat ng impormasyon lalo na kung maraming kopya


ang ilalathala at ipamimigay o ipapaskil.
2. Mas mura at madaling gawin.
3. Tinatawag din itong brochures or pamphlets.
4. Mas malaki at komprehensibo.

17
5. Karaniwang isang maliit na papel lamang ito na may lamang larawan at maikling teksto,
bagaman may mga disenyong maaaring isagawa, depende sa nagpapakalat ng
impormasyon.
6. Maaaring matupi.
7. Gumagamit ng papel na may sukat na A6.
8. Naglalaman ng maraming impormasyon.
9. Gumagamit ng papel na may sukat na A4/A5.
10. Hindi natutupi.

Karagdagang Gawain

Hatiin ang isang buong bond paper, iguhit sa magkabilang bahagi ang format ng flyers
at leaflets batay sa pagkakaiba ng mga ito. (20 puntos)

18
Aralin
Katawagang Teknikal ng
1
Ikatlong
Deskripsiyon sa Isang Produkto
Araw

Matutunghayan sa araling ito ang mga wastong termino o katawagang teknikal ng


deskripsiyon ng isang produkto. Ang araling ito ang gagabay sa inyo upang mas maunawaan ang
mga wastong termino o katawagan kapag pinag-uusapan o gumagawa ng deskripsiyon ng isang
produkto. Sinusuri din sa araling ito ang iyong kakayahang makilala at maisa-isa ang katawagan
tungo sa maayos na paggawa ng deskripsiyon ng isang produkto.

Balikan

Panuto: Ilista ang mga katangian ng isang produkto o gamit na gustong-gusto mo. Ano-
ano ang mga katangian nito na naging dahilan kaya mo binili o nais bilhin ang bagay na
ito? Punan ang talaan na ibinigay.

Produkto o gamit na gustong-gusto ko: _____________________________________________

Mga Katangian ng bagay o produkto na gustong-gusto ko


1.
2.
3.
4.
5.

Tuklasin

Panuto: Hulaan kung anong mga salita ang tinutukoy sa mga pahayag. Ito ay naglalahad
ng mga impormasyong dapat nakapaloob sa isang deskripsiyon ng produkto.

NESOYEBIP 1. Ito ay tumutukoy sa mga maaaring mapakinabangan o makukuha ng


mga mamimili sa produkto.
TANGNAIKA 2. Ito ang taglay na kagandahan at kakanyahan ng isang produkto kung
bakit karapat-dapat itong tangkilikin.
TMAGI 3. Ito ay nagbibigay sa mga mamimili ng impormasyon kung saan at
paano mapapakinabangan ang isang produkto.

19
TELSOI 4. Ito ang impormasyon ng isang produkto kung ano ang pamamaraan sa
paggamit at kung ano ang pagkakaiba nito sa ibang produkto.
SOYRPE 5. Ito ay tumutukoy sa halaga ng isang produkto.

Suriin

Basahin mo…

Basahin at unawain ang mga katawagang teknikal ng deskripsiyon ng isang produkto.

DESKRIPSIYON NG PRODUKTO
Ang deskripsyon ng produkto ay isang maikling sulatin na ginagawa para sa pagbebenta
ng mga produkto para sa isang negosyo. Kinakailangan ang paglalarawan sa produkto
upang maging kaakit-akit at maibenta ito sa mga target na awdiyens o mamimili.

Mahalaga ang deskripsyon ng produkto upang mabigyang impormasyon ang mamimili


tungkol sa mga benipisyo, katangian, gamit, estilo, presyo, at iba pa ng produktong nais
ibenta. Sa gayong paraan, nabibigyan ng pagkakataon ang mga mamimili na
magdesisyon kung bibilhin o tatangkilikin ang produkto o hindi. Mahalaga rin ang
deskripsiyon ng produkto upang maipakita sa mamimili na ang produkto ay akma sa
kanilang mga pangangailangan.

Mahalaga ito sa larangan ng kalakalan o negosyo dahil napakalakas ng kompetisyon ng


iba’t ibang kompanya. Sa modernong panahon, hindi na lamang boutique o mga pisikal
na istruktura ng mga tindahan ang gumagawa ng mga deskripsyon ng produkto, na dati
ay inilalagay lamang sa mga magasin.

Laganap na rin ang mga online store na totoong may mas mahigpit na kompetisyon dahil
mas malawak ang maaaring marating ng produktong at mas maraming potensyal na
kliyente. Kaya mahalaga na sa dinami-dami ng produktong nakalagay sa iba’t ibang online
shop ay maging natatangi ang produkto ng isang negosyante para ito ay mas mapansin
at maibenta.

Karaniwang, ang deskripsiyon ng produkto ay isang maikling talata lamang. Maaaring


gumamit ng bulleted lists sa pagsulat sa produkto lalo na kung sa online stores.

Naunawaan mo ba ang binasang mga katawagang teknikal ng deskripsiyon ng produkto?

Ngayon ay handa ka nang sagutin ang sumusunod na mga gawain batay sa paksang iyong
binasa.

20
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan tungkol sa paksang binasa.
1. Bakit kailangan ang paglalarawan sa isang produkto?
2. Bakit mahalaga ang deskripsiyon ng isang produkto?
3. Bakit mahalaga sa larangan ng negosyo ang deskripsiyon ng isang produkto?
4. Ano-ano ang mga impormasyong dapat nakapaloob sa isang deskripsiyon ng produkto?

Pagyamanin

Panuto: Pumili ng isang produkto na palagi ninyong ginagamit sa bahay at ibigay ang
mga sumusunod na impormasyon at paglalarawan tungkol dito.

1. BENEPISYO - _______________________________________________________

2. KATANGIAN - _______________________________________________________

3. GAMIT - ____________________________________________________________

4. ESTILO - ___________________________________________________________

5. PRESYO - __________________________________________________________

Isaisip

TANDAAN
• Maglagay ng kaakit-akit na ulo o headline
• Gumamit ng subheadings
• Lakihan ang font size para madaling basahin ng sinuman.
• Gumamit ng video o mga litrato para mataas ang pagkakagusto ng
mamimili na bilhin ang produkto.
• Gumamit ng maraming puting espasyo upang maging kaaya-ayang
basahin.

21
Isagawa

Panuto: Suriin ang halimbawang deskripsiyon ng produkto at kilalanin kung paano ito inilarawan
batay sa mga sumusunod na impormasyon.

1. BENEPISYO - __________________________________________________________

2. KATANGIAN - __________________________________________________________

3. GAMIT - _______________________________________________________________

4. ESTILO - ______________________________________________________________

5. PRESYO - _____________________________________________________________

22
Tayahin

Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na impormasyon ayon sa katawagang teknikal na


ipinapahayag. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang titik lamang.

A. BENEPISYO
B. KATANGIAN
C. GAMIT
D. ESTILO
E. PRESYO

1. Gawa sa mula sa mangosteen, resveratrol at green tea extract.


2. Para sa mga gustong pumayat at magpaseksi.
3. Mabibili sa halagang P 15.00 bawat pakete.
4. Nakakatulong sa pagpapabilis ng metabolism at pagbawas ng timbang.
5. Sa 10% discount kapag bumili ng 5 boxes ng produkto.

Karagdagang Gawain

Manaliksik ng isang deskripsiyon ng produkto sa mga online products na ipinost sa mga


social media platforms. Itala ang mga benepisyo, katangian, gamit, estilo at presyo. Isulat sa
kalahating papel.

23
Aralin
Katawagang Teknikal sa mga
1
Ika-apat na
Anunsiyo, Babala at mga Paunawa
Araw

Matutunghayan sa araling ito ang mga wastong termino o katawagang teknikal ng mga
anunsiyo, babala at mga paunawa. Ang araling ito ang gagabay sa inyo upang mas maunawaan
ang mga wastong termino o katawagan kapag pinag-uusapan o gumagawa ng mga anunsiyo,
babala at mga paunawa. Sinusuri din sa araling ito ang iyong kakayahang makilala at maisa-isa
ang katawagan tungo sa maayos na paggawa ng mga ito.

Balikan
Sa kasalukuyan, dahil sa pandemyang dulot ng COVID 19 marami sa ating normal na
pamumuhay ang nagbago, kung kaya tinatawag na itong NEW NORMAL. Kadalasan ay naririnig,
napapanood at nababasa natin ang mga paalala, babala at mga anunsiyo upang maiwasan ang
sakit na ito.

Sa larangan ng edukasyon, maglista ng ilang mga anunsiyo na inyong narinig, nabasa o


napanood mula sa mga paaralan.

1. ___________________________________________________________________

2. ___________________________________________________________________

3. ___________________________________________________________________

Tuklasin

Panuto: Hulaan kung ang mga sumusunod na larawan ay Babala, Anunsyo o Paunawa.

1. _______________________

24
2. ______________________

3. ______________________

Suriin

Basahin mo…

Basahin at unawain ang mga katawagang teknikal ng isang anunsyo, babala o paunawa.

KATAWAGANG TEKNIKAL NG MGA ANUNSYO, BABALA AT PAUNAWA

Pangkalahatang tinatawag na patalastas ang anumang paunawa, babala, o


anunsiyo. Nagsasaad ang mga ito ng mahalagang impormasyon sa tao.

ANUNSYO - Ang mga sulating pag-aanunsyo ay ang paraan ng paglalahad ng mga


kaisipan na nais iparating sa mga nakikinig, mambabasa o manonood. Layunin ng
sulating ito na ipabatid ang mahalagang kaganapan at ang mga detalyeng
nakaugnay rito.

Karaniwang ginagamit ito sa pagpapabatid tungkol sa isang bagong tuklas na produkto,


isasagawang programa, makabagong tuklas na kaalaman, gagawing kaganapan at
marami pang iba.

25
PAUNAWA - Ang isang paunawa ay isang mensahe na nagsasaad ng mahalagang
impormasyon at mistula din itong magsasabi kung ano ang maaari at hindi
maaaring gawin. Maaari ding pumaksa ang paunawa tungkol sa anumang pagbabago
ng naunang nabanggit na impormasyon.

BABALA - Ang babala ay nagsasaad ng maaaring maging panganib sa buhay, estado,


o nararanasan ng tao. Maaaring sa pamamagitan ng salita o larawan maisaad ang
babala.

Naunawaan mo ba ang binasang katawagang teknikal ng mga babala, anunsyo at mga


paunawa?

Ngayon ay susuriin ninyo ang mga halimbawang mga sulatin ayon sa target na gagamit nito.

Panuto: Suriin ang kaibahan ng babala, anunsiyo at paunawa.

BABALA ANUNSYO PAUNAWA

Pagyamanin

Panuto: Isulat ang B kung ang pahayag ay tumutukoy sa babala, A kung ito ay
tumutukoy sa anunsyo at P kung paunawa.

_____ 1. Ito ay nagsasabi kung ano ang maaari at hindi maaaring gawin.
_____ 2. Ito ay nagpapabatid ng mahalagang kaganapan at mga detalyeng kaugnay nito.
_____ 3. Ito ay maaari ding pumaksa sa mga pagbabagong nagaganap sa naunang
impormasyon.
_____ 4. Ito ay nagsasaad ng maaaring panganib sa buhay, estado o nararanasan ng tao.
_____ 5. Ito ay nagpapabatid ng impormasyon sa isang bagong tuklas na produkto,
isasagawang programa, makabagong tuklas na kaalaman, gagawing kaganapan
at marami pang iba.

26
Isaisip

TANDAAN
Karapatan ng tao ang mabuhay. Kabilang sa karapatan ng mga ito ang pagsasabuhay sa
kanilang mga karapatan. Gayunman, may limitasyon ang lahat upang hindi abusuhin ng tao ang
kanyang karapatan. Dahil dito, may mga nabubuong batas upang sundin ng tao. Sa kabilang
banda, may mga pahayag na naririnig o nababasa ang tao na nagbibigay sa kanila ng babala,
anunsyo at paunawa. Ang mga ito ay nagtataglay ng mga impormasyon na maaaring
makaapekto sa gawi o kinikilos ng tao.

Isagawa

Panuto: Bumuo ng larawan ng isang babala na inyong nabasa o napanood. Pagkatapos,


ipahayag kung ano ang panganib na maaaring idulot kung hindi mo sinunod ang babalang
ito.

Pamantayan sa Pagmamarka:

Pamantayan Puntos Puntos na


Nakuha
1. Maayos na pagkabuo ng mga pahayag o babala 5
2. Malikhain na pagkabuo ng disenyo 5
3. Malinaw na pagpapahayag kung ano ang panganib na 5
naidudulot nito
4. Kalinisan ng pagkagawa 5
Kabuuan 20

27
Tayahin

Panuto: Suriin ang mga halimbawang babala, anunsyo at paunawa. Pagkatapos, itala ang
mga impormasyong hiningi batay sa mga gabay na tanong.

1. Ano ang panganib na ipinapahayag ng halimbawang babala?


__________________________________________________________________

2. Batay sa halimbawang paunawa sa itaas, ano ang hindi maaaring gawin ng mga mag-
aaral?
___________________________________________________________________

3. Ano ang dapat nilang gawin?


___________________________________________________________________

28
4. Batay sa halimbawang anunsyo, ano ang kaganapang mangyayari sa mga mag-aaral
sa Tech-Voc?
___________________________________________________________________

5. Kailan at saan ito mangyayari?


___________________________________________________________________

Karagdagang Gawain

Mag-drowing ng larawan ng isang babala na alam ninyo at ilahad ang panganib na


maaaring idudulot nito. Gumamit ng kalahating papel.

29
PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Titik lamang ang isulat.

1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi naglalarawan sa flyers?


a. Madaling gawin
b. Gumagamit ng papel na may sukat na A4/A5
c. Hindi natutupi
d. Naglalaman ng kaunting impormasyon
2. Ito ay tinatawag ding brochure o pamphlets?
a. flyers
b. promotional materials
c. magasin
d. leaflets
3. Ang kaasalang pagbati na siyang panimula ng isang liham, nasa kaliwang bahagi.
a. bating panimula
b. patutunguhan
c. pamuhata
d. bating pangwakas
4. Naglalaman ng tirahan o lugar ng sinusulatan, ang pangalan ng bahay- kalakal, kalye,
lungsod at bilang ng zip code.
a. pamuhatan
b. address
c. patutunguhan
d. sanggunian
5. Ito ay tumutukoy sa mga maaaring mapakinabangan o makukuha ng mga mamimili sa
produkto.
a. benepisyo b. katangian c. gamit d. estilo
6. Ito ang taglay na kagandahan at kakanyahan ng isang produkto kung bakit karapat-
dapat itong tangkilikin.
a. benepisyo b. katangian c. gamit d. presyo
7. Ito ay nagbibigay sa mga mamimili ng impormasyon kung saan at paano
mapapakinabangan ang isang produkto.
a. benepisyo b. katangian c. gamit d. presyo
8. Ito ay nagsasabi kung ano ang maaari at hindi maaaring gawin.
a. anunsyo b. babala c. paunawa d. patalastas
9. Ito ay nagpapabatid ng mahalagang kaganapan at mga detalyeng kaugnay nito.
a. anunsyo b. babala c. paunawa d. patalastas
10. Ito ay nagsasaad ng maaaring panganib sa buhay, estado o nararanasan ng tao.
a. anunsyo b. babala c. paunawa d. patalastas

30
31
32

You might also like