You are on page 1of 14

9

FILIPINO
Ikatlong Markahan - Modyul 3
Mga Akdang Pampanitikan ng
Kanlurang Asya
Aralin 4: Alamat
Karapatang-sipi©2020 ng DepEd Bohol
Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o ilabas
sa anumang anyo, kasama na rito ang mga video nang walang nakasulat na pahintulot ang
tagapaglathala at may-akda. Hindi sakop ng karapatang-sipi ang sariling-aklat na ilalathala sa mga
pahayagan at magasin.

Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng DepEd Bohol na may tanggapan sa 50 Lino Chatto Drive,
Cogon District, Tagbilaran City Bohol.

May-akda:

Rovelyn L. Taylaran

Tagasuri:

Wilfreda O. Flor, Ph.D.


Josephine D. Eronico, Ph.D.
Jocelyn T. Rotersos, R.L.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rovelyn L. Taylaran

Tagasuri: Wilfreda O. Flor, Ph.D.


Josephine D. Eronico, Ph.D.
Jocelyn T. Rotersos, R.L.

Mga larawang guhit ni: Jonnie Mar M. Taylaran

Tagalapat: Rovelyn L. Taylaran

Tagapamahala: Bianito D. Dagatan, Ed.D, CESO V


Schools Division Superintendent

Carmela M. Restificar, Ph.D.


OIC-CID Chief

Josephine D. Eronico, Ph.D.


EPS, LRMS

Wilfreda O. Flor, Ph.D.


EPS Filipino

Inilimbag sa Pilipinas Pansangay ng Bohol


Department of Education-Region VII, Central Visayas

Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Cogon District, Tagbilaran City, Bohol
Telephone No. (038)412-4938 (038) 411-2544 (308) 501-7550
Telefax: (038) 501-7550
Email address: Deped.bohol@deped.gov.ph
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul


para sa araling “Alamat”.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampublikong institusyon upang gabayan ang guro para matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtagumpayan ang pansarili,
pamilya at pamayanang hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay -sa aaral.
mag

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa


“Alamat”.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan
ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng
mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay


at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na


ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob
sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa


pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
magaalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sinuman sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto


at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat nang may pagpapahalaga sa iyong kakayahan at interes.
Ito ay naglalayong matulungan kang matuto tungkol sa tunay na kahulugan ng konsepto ng
nasyonalismo o damdaming makabayan. Dito ay madidiskubre mo rin kung paano sumibol ang
kaisipang liberal ng mga sinaunang Pilipino at kung paano ito humantong sa pagkagising ng
kanilang damdaming makabansa. Ang mga salitang ginamit dito ay akma sa iyo at sa lebel ng
iyong bokabularyo. Ang daloy ng mga aralin dito ay alinsunod sa wastong pamantayan.

Ang modyul na ito ay may apat na aralin na may iba’t ibang kompetensi para sa
ikalimang linggo ng Ikatlong Markahan. Ito ay ang mga:
Aralin 4.1 - Unang Araw: Pagtukoy sa Kilos, Gawi at Karakter ng mga Tauhan
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:

Nabibigyang-kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng mga tauhan batay sa


usapang napakinggan (F9PN-IIIf-53)

Aralin 4.2 - Ikalawang Araw: Pagpapatunay sa Pagiging Makatotohanan/Di Makatotohanan


ng Akda

Napatutunayan ang pagiging makatotohanan/di makatotohanan ng akda. (F9PB-IIIf-53)

Aralin 4.3 - Ikatlong Araw: Pagtukoy sa Pang-abay na Pamanahon, Panlunan at


Pamaraan sa Pangungusap

Nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan sa pagbuo ng alamat


(F9WG-IIIf-55)

Aralin 4.4 - Ikaapat na Araw: Paggamit ng Pang-abay na Pamanahon, Panlunan at Pamaraan


sa Pagbuo ng Alamat

Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:

Nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan sa


pagbuo ng alamat (F9WG-IIIf-55)
Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin at isulat sa sagutang papel
ang titik na nagtataglay ng wastong sagot.

1. “Pupunta ako sa siyudad, Inang,” sabi ng binatang Brahman isang araw. “Kikita ako ng malaking
pera roon at saka ako uuwi. Sa gayon , makapag asawa ako at tayong lahat ay mamumuhay nang
maligaya.” Ipinakilala nito ang binata ay __________.
A. Mahilig sa adventure C. Nais makaiwas sa mga gawain sa taniman
B. May ambisyon sa buhay D. Mukhang pera
2. Nalungkot ang kanyang ina. “Huwag kang umalis,” pakiusap nito. “Mas gusto ko pa ang maging
mahirap ngunit kapiling kita kaysa mawala ka at magkaroon ako ng buong yaman ng mundo.”
Ipinakilala nitong ang ina ay __________.
A. Matatakutin at nerbiyosang ina C. Maalalahanin
B. Ayaw umunlad ang buhay ng kanyang anak D. Mapagmahal at mapag-arugang ina
3. “O Inang! Hindi ko matagalang isiping maiiwan kita,” sagot ng espiritung nagpapanggap na anak ng
babae. “Nagbago ang isip ko. Nagpasiya akong manatili na lang sa nayon, at mabubuhay tayo kahit
anumang kaunting mayroon tayo.” Ipinakilala nitong ang espiritu ay __________.
A. Mapanlinlang at mapagsamantala C. Mapag-imbot
B. Mapagpanggap pero mabait D.Nananabik talaga sa pagmamahal ng isang pamilya
4. “Ang impostor ay isang espiritung nagkukunwaring ang kawawang lalaking ito,” paliwanag ng batang
lalaki sa raha, at matagumpay niyang naloko ang lahat, maging ang sariling ina ng lalaking ito.” A.
Mapagmalaki subalit mapagmalasakit C. mahusay gumanap ng isang papel
B. Matalino at mahusay magpasya D. Lahat ng nabanggit
5. Isang espiritung tuwang-tuwa sa nakikinitang tagumpay ang agad nagpaliit ng anyo at naging isang
munting insektong lumilipad papasok sa bote. Mabilis na tinakpan ng batang lalaki ang bote.
Pagkatapos ay iniutos niya sa binatang Brahman na kunin ang bote at itapon sa dagat. Ang
pangyayaring ito ay di makatotohanan dahil _________.
A. Nagawa ng insektong pumasok sa bote.
B. Walang sinumang tao ang makapagpalit anyo tulad ng ginawa ng espiritu.
C. Madali lang sa espiritu na magpalit anyo
D. Hindi pwedeng utusan ng bata ang binata.
6. Ipinasya ng binatang magpunta sa siyudad at huwag umuwi hangga’t hindi siya nagiging mayamang
tulad ng mga kababayan niyang nangibang-bayan at yumaman. Ang pangyayaring ito
ay makatotohanan dahil ______________.
A. Maaaring makamit niya ang tagumpay sa kanyang pagbabalik
B. Kung ang tao ay may ambisyon sa buhay malayo ang mararating.
C. Ang tao ay nangangarap na makaahon sa kahirapan.
D. Lahat ng nabanggit.
7. Tuwing umaga, ang mag-asawang Brahman at Mela ay masayang tinatanaw ang nagtataasang mga
puno. Anong uri ng pang-abay ang sinalungguhitang salita?
A. Pamanahon B. Panlunan C. Pamaraan D. Pang-agam
8. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nasa pang-abay na pamaraan?
A. Marahil naging mahirap ang humanap ng matutuluyan noon.
B. Sa India matatagpuan ang pinakamatandang sibilisasyon.
C. Kapag araw ng Linggo, nagsisimba ang buong mag-anak.
D. Masayang nilalaro ng mga bata ang larong tumba-lata.
9. Sa India nagsimula ang larong chess. Ang salitang may salungguhit ay nasa uri ng pang-abay na .
A. Pamanahon B. Panlunan C. Pamaraan D. Pang-agam
10. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang kuwento na alamat?
A. Naganap sa mga tanyag na lugar
B. Naglalaman ng makatotohanang pangyayari
C. Nagsalaysay ng pinagmulan ng bagay o lugar
D. Naglalahad ng patunay sa pinagmulan ng mga bagay-bagay
Aralin
4
Ikalimang
ALAMAT
Linggo

Ang araling ito ay naglalaman ng alamat na pinamagatang Ang Pinagmulan ng Tatlumpu’t


Dalawang Kuwento ng mga Tauhan, alamat na mula sa India. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay
sa pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan na makatutulong sa pag-unawa sa alamat at
pagbuo ng sariling alamat.

Dito lilinangin sa iyo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa alamat. Dito mo rin mababatid ang
iyong angking kakayahan o kasanayan sa pagsulat at pagsagot sa mga gawain. Higit pa rito,
marami kang mapupulot na aral na tiyak magagamit mo sa pang-araw-araw na buhay.

Tuklasin

Makikilala mo ba!

Gawain 1: Makikilala mo kaya ang kahulugan ng mga kilos, gawi, at karakter ng mga tauhan batay sa
kanilang mga ginawa o sinabi? Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. “Asawa ko, bakit kailangan mo pang umalis. Masaya ako kahit mahirap ang ating buhay basta’t
magkakasama tayo.” Ipinakikilala nitong ang asawa ng Brahman ay________.
a. matatakutin at nerbiyosa
b. selosa at walang tiwala
c. mapagmahal na asawa
2. “Kailangan kong umalis Mela. Tingnan mo nga ang buhay natin, napakahirap. Gusto kong
magkaroon ng malaking bahay at maraming salapi.” Ipinakilala nitong ang Brahman ay________.
a. may mataas na ambisyon at labis na mapaghangad
b. gustong makaranas ng naiibang buhay sa lungsod
c. nagnanais makipagsapalaran at tuloy makaiwas sa mga gawain sa bukid
3. “Hindi na ako tumuloy. Hindi ko pala kayo kayang iwan,”ang masayang sabi nito sabay yakap sa
dalawang babaeng naiiyak sa tuwa dahil sa pagbabalik ng inaakala nilang Brahman. Ipinakilala nitong
ang espiritu ay_______.
a. mapanlinlang at mapagsamantala
b. mapagpanggap pero mabait
c. nananabik talaga sa pagmamahal ng isang pamilya
4. “”Ang tronong ito ay pag-aari ng dakilang Raha Vikramaditya. Bago ka maupo rito, ipakita mo
munang kapantay mo siya sa tapang at dunong. Makinig ka at sasabihin naming sa iyo kung gaano
siya kadakila. Ipinakilala ng pahayag na ito na ang kanilang Raha Vikramaditya ay________.
a. isang tanyag at kilalang pinuno
b. isang mahusay at iginagalang na pinuno
c. iang mayaman at hindi malilimutang pinuno
5. “Pupunta ako sa siyudad, Inang,” sabi ng binatang Brahman isang araw. “Kikita ako ng malaking
pera roon at saka ako uuwi. Sa gayon , makapag asawa ako at tayong lahat ay mamumuhay nang
maligaya.” Ipinakilala nito ang binata ay __________.
a. may ambisyon sa buhay
b. mahilig sa adventure
c. nais makaiwas sa mga Gawain sa taniman
Suriin
Simulan natin ang iyong pag-aaral….
Ang isang pahayag ay makatotohanan kung ito’y may suportang datos, pag-
aaral pananaliksik, at suportang impormayong napatunayang tama o mabisa para sa
lahat. Ang ganitong uri ng pahayag ay karaniwang may siyentipikong batayan gaya
ng agham at siyensiya. Samantalang, ang mga bagay na di-makatototahanan ay
batay sa opinion, pananaw,o palagay ng isa o iilang tao lamang o pangkat. Ang
ganitong uri ay walang datos, suporta o siyentipikong batayan.

Basahin mo…
Ang Pinagmulan ng Tatlumpu’t Dalawang Kuwento ng Trono
( Isang Alamat mula sa India)
BUOD

May isang binatang naninirahan kasama ang kanyang ina sa nayon. Ang tanging pag-aari nila
ay isang maliit na dampa at kapirasong lupang tinatamnan ng gulay. Gusto ng ina na makitang
may asawa na ang anak at magkaroon ng isang mabuting manugang para makatulong sa
kanya sa mga gawaing-bahay. Dahil sa pagnanais ng binatang Brahman na magkaroon ng
asawa, nangutang siya sa kanilang kamag-anak at kaibigan. Natuloy ang kasal dahil sa
limpak-limpak na pera na ibinigay sa kanila.

Ang kanyang asawa ay nagngangalang Mela. Laging pinag-iingat si Mela ng ina ng binata
dahil sa mga shakchunni o mga espiritung may hangad na magpanggap bilang asawa. Sa
kalaunan, naubusan ng salapi ang mag-asawa at sila’y naghihikahos na sa buhay. Kung kaya’t
naisipan ng binata na siya’y magtungo sa siyudad upang magtrabaho. Umalis ang binata sa
kanilang tirahan para magtrabaho. Naulinigan ng espiritu ang pag-uusap ng mag-asawa kung
kaya siya ay nagpalit-anyo para maging asawa ni Mela pagkatapos umalis ang kanyang
asawa.

Samantala, ang tunay na binatang Brahman ay nagtrabaho sa lungsod. Naging labis siyang
abala sa trabaho para makapag-ipon ng maraming pera, dahil dito nakalimutan niyang
dumalaw at sumulat sa kanyang ina at asawa kung kaya’t nagpasya siyang bumalik sa
kanilang nayon.

Pagdating niya sa kanilang tahanan, nagulat siya sa kanyang nakita dahil isang lalaking
kamukhang-kamukha niya ang nagbukas ng pinto. Sobrang litong-lito si Mela at ang ina ng
binatang Brahman kung sino ang totoong Brahman. Nagpaliwanag ang binata at pinagpilitan
na siya ang tunay na Brahman subalit nabigo siyang makumbinsi ang kanyang ina at asawa.

Sa pangyayaring ito, nawalan siya ng pag-asa ngunit naisipan niyang humingi ng tulong sa
raha. Ikinukuwento niya sa raha ang lahat ng nangyari kung kaya’y ipinag-utos ng raha na
silang dalawa ay paharapin. Sa huli, hindi rin nakapagpasya ang raha kung sino sa kanila ang
tunay na Brahman.

Habang papauwi na siya mula sa korte ng raha, nadaanan niya ang isang grupo ng mga
batang lalaki na naglalaro sa bukid. Isa sa kanila ang lumapit sa binatang Brahman at
tinanong kung bakit siya malungkot. Sinabi ng binata ang kanyang pinagdaanan kung kaya
hinimok ng bata ang Brahman na lumapit sa kanilang raha. Dinala ang binata sa isang batang
nakaupo sa bunton ng lupa. Ang batang lalaki ay tinatawag na “Inyong Kamahalan.”
Ikinuwento ng totoong Brahman ang lahat ng pangyayari at sinabi ng batang lalaki na
tutulungan siyang lutasin ang kanyang problema kung papuntahin sa bukid ang raha at ang
kanyang mga ministro at lahat ng tao sa nayon. Pumayag naman ang raha na pumunta sa
bukid kasama ang kanyang mga ministro.
Kinaumagahan, nagsama-sama sa bukid ang raha, mga ministro, binatang Brahman at ang
lahat ng tao sa nayon upang masaksihan ang pagbibigay katarungan ng isang batang lalaki sa
problemang kinakaharap ng binatang Brahman.
Sinabi ng batang lalaki na sinuman sa kanilang dalawa ang maunang pumasok sa bote ay
magpapatunay na siya ang anak ng matandang babae at tunay na may-ari ng dampa.
. Bago pa nakatutol ang tunay na Brahman, ang impostor ay agad nagpalit-anyo bilang
insekto at pumasok sa bote. Mabilis na tinakpan ng bata ang bote at nakulong ang espiritu.
Inutusan ng batang lalaki ang binatang Brahman na kunin ang bote at itapon sa dagat.

Namangha ang raha sa kanyang nakita at tinanong ang bata kung paano niya nakuha
ang ganung katalinuhan. Sinabi ng bata na ang mahiwagang bunton ng lupa ang nagbigay sa
kanya ng dakilang katalinuhan. Dagdag pa niya, ang sinumang umupo rito ay nagkakaroon ng
pambihirang katalinuhan at nakalulutas ng anumang problema. Dahil dito, pinag-utos ng raha
na hukayin ang bunton ng lupa. Nakita nila ang magandang tronong tila plataporma.
Nababalutan ito ng mga alahas magagandang inukit na mga pigura ng tatlumpu’t dalawang
tagalangit.
Lumakad paakyat sa trono ang raha upang maupo ngunit isang tinig ang kanyang
narinig at pinigilan siya sa kanyang gagawin dahil sabi ng mga anghel ang trono ay
pagmamay-ari ng dakilang Raha Vikramaditya. Ikinuwento ng tatlumpu’t dalawang pigura ang
matalino at magiting na si Vikramadity. Sa huli, binuhat ng mga anghel ang trono paitaas nang
paitaas sa kalawakan at lumipad sila kasama niyon sa malayong-malayo. Habang ang raha ay
naiwang nag-iisip nalang na hindi niya taglay ang mga katangian tulad ng kabutihan, lubos na
katapatan, pagiging patas, at walang kinikilingan at pagiging makatarungan.

Kinopya mula sa Pluma 9, pahina 327 - 332

Gawain 2:
Maraming pangyayari sa binasang alamat ang maituturing na makatotohanan o maaaring
mangyari sa totoong buhay subalit marami rin ang hindi makatotohanan at bunga lang ng
mayamang imahinasyon ng manunulat. Mababasa sa ibaba ang ilang bahagi ng akda. Tukuyin
kung ang mga bahaging ito ay makatotohanan o di makatotohanan. Lagyan ng tsek (√) ang kahon
ng iyong sagot at saka ipaliwanag o patunayan kung bakit ito ang pinili mong sagot.

1. Gustong-gusto ng ina na makitang may asawa na ang anak. Mabilis siyang tumatanda at ibig
niyang magkaroon ng isang mabuting manugang na makatutulong sa kanya. Ang pangyayaring ito
ay makatotohanan di makatotohanan dahil
____________________________________________________________________________
2. Ipinasya ng binatang magpunta sa siyudad at huwag umuwi hangga’t hindi siya nagiging
mayamang tulad ng mga kababayan niyang nangibang-bayan at yumaman. Ang pangyayaring
ito ay makatotohanan di makatotohanan dahil
____________________________________________________________________________
3. Isang espiritung tuwang-tuwa sa nakikinitang tagumpay ang agad nagpaliit nang anyo at naging
isang munting insektong lumilipad papasok sa bote. Mabilis na tinakpan ng batang lalaki ang bote.
Pagkatapos ay iniutos niya sa binatang Brahman na kunin ang bote at itapon sa dagat. Ang
pangyayaring ito ay makatotohanan di makatotohanan dahil
____________________________________________________________________________
4. Isang raha ang hindi makapagbibigay ng pagpapasya dahil magkamukhang-magkamukha
ang dalawang lalaki at hindi niya matukoy kung sino ang impostor at kung sino ang tunay na
binatang Brahman. Ang pangyayaring ito ay makatotohanan di makatotohanan dahil
____________________________________
5. Isang espiritu ang nagnais na magbalatkayo para makatira sa maginhawang dampa, at ipagluto
ng isang ina dahil siya’y sawa nang tumira sa itaas ng punungkahoy at sawa na sa pagiging
espiritu. Ang pangyayaring ito ay makatotohanan di makatotohanan
dahil_______________________________________________.
Isaisip
Uri ng Pang- abay

Ang pang-abay ay mga salitang nagbibigay-turing sa isang pandiwa, pang-uri at kapwa


pang-abay. Ito ay may iba’t ibang uri ngunit tatlo lamang sa mga ito ang ating tatalakayin.
1. Pamanahon – nagsasaad ng panahon kung kalian ginawa ang kilos ng pandiwa. Sumasagot
ito sa tanong na kailan.
Halimbawa: A. Ang templo ng Vishnu sa Lungsod ng Tirupathi ay binuo noon pang
ikasampung siglo.
B. Inabutan kanina ng mangingisda ang tagabantay ng tindahan.
2. Panlunan – nagsasaad ng pook, lunan o lugar na pinaggaganapan ng kilos. Sumasagot ito sa
tanong na saan.
Halimbawa: A. Sa India matatagpuan ang pinakamatandang sibilisasyon.
B. Ang magkapatid na sina Susan at Anton ay nagbabasa sa silid-aklatan.
3. Pamaraan - nagsasaad kung paano ginawa o ginagawa ang kilos. Sumasagot ito sa tanong
na paano.
Halimbawa: A. Masigasig na nakilahok sa pagdiriwang ang 60 milyong taong dumalo sa
Kumbh Mela.
B. Mahusay bumigkas ng tula si Melvin.

Gawain 3: Sipiin ang sumusunod na pangungusap sa sagutang papel. Bilugan ang pang-abay sa
bawat bilang at isulat sa patlang ang uri nito.

_______________________1. Niyakap niya nang mahigpit ang kanyang ina.


_______________________2. Magalang niyang tinanggap ang mga panauhin.
_______________________3. Naghuhulog siya ng pera buwan-buwan.
_______________________4. Nakatira sa gubat ang mababangis na hayop.
_______________________5. Sumama siya sa akin sa lungsod.
_______________________6. Natulog siya nang patagilid.
_______________________7. Kailangan niyang mangisda tuwing umaga upang sila’y may maulam.
_______________________8. Namasyal sa Luneta ang magkasintahan.
_______________________9. Matiyaga siyang nag-aaral sa kanyang mga aralin.
_______________________10.Umpisa kahapon hanggang ikapitong araw ay walang pagod niyang
nilakbay ang daan patungo sa kabayanan.
Isagawa

Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga
bagay-bagay sa daigdig. Mga kwento ng mga mahiwagang pangyayari na nagpasalin-salin sa
bibig ng mga tao kaya’t walang nagmamay-ari o masasabing may akda nito. Mga kuwento na
kathang isip lamang na kinasasangkutan ng kababalaghan o ‘di pagkaraniwang pangyayari na
naganap nuong unang panahon.

Mga Bahagi ng Alamat


1. Simula - Sa simula inilalarawan ang mga tauhan sa kwento. Sinu-sino ang mga gumaganap
sa kwento at ano ang papel na kanilang ginagampanan. Maging ang tagpuan o lugar at
panahon ng pinangyayarihan ng insidente ay inilalarawan din sa simula.
2. Gitna - Kabilang sa gitna ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan ng kwento. Ang
saglit na kasiglahan ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan. Ang
tunggalian ay nagsasaad ng pakikipagtunggali o pakikipagsapalaran ng tauhan. Samantalang
ang kasukdulan ay ang bahaging nagsasabi kung nagtagumpay o hindi ang tauhan.
3. Wakas - Kabilang naman sa wakas ang kakalasan at katapusan ng kwento.

Gawain 4: Maraming kabataan ang hindi na gaanong nagbabasa ng katutubong panitikan tulad ng
mga alamat. Ikaw ngayon ay isang manunulat na maglalapit at magpapakita sa kabataan sa
kagandahan ng ating mga alamat upang makumbinsi silang tangkilikin at basahin ang mga ito.
Bubuo ka ng sarili mong alamat tungkol sa isang bagay na makikita sa iyong kapaligiran. Gumamit
ka ng mga pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan sa susulatin mong alamat. Sikaping
makabuo ng 2 – 3 talataan na may tig-limang pangungusap. Ito ay dapat makasunod sa
pamantayang nasa ibaba:

Pamantayan Punto Puntos na Nakuha


s
Nakapupukaw ng interes, may orihinalidad at kakintalan. 5
Makabuluhan at maiuugnay sa maraming pagpapahalaga. 3
Ang simula ay kawili-wili at kaakit-akit basahin at ang 5
wakas ay naikikintal o nag-iwan ng marka sa isipan ng
mambabasa.
Nakapupukaw ng kamalayan at damdamin ng mambabasa 3
Nakagagamit ng mga pang-abay na pamanahon, panlunan 4
at pamaraan.
Kabuuan 20
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin at isulat sa sagutang papel
ang titik na nagtataglay ng wastong sagot.
1. “Pupunta ako sa siyudad, Inang,” sabi ng binatang Brahman isang araw. “Kikita ako ng malaking
pera roon at saka ako uuwi. Sa gayon , makapag asawa ako at tayong lahat ay mamumuhay nang
maligaya.” Ipinakilala nito ang binata ay __________.
A. Mahilig sa adventure C. Nais makaiwas sa mga gawain sa taniman
B. May ambisyon sa buhay D. Mukhang pera
2. Nalungkot ang kanyang ina. “Huwag kang umalis,” pakiusap nito. “Mas gusto ko pa ang maging
mahirap ngunit kapiling kita kaysa mawala ka at magkaroon ako ng buong yaman ng mundo.”
Ipinakilala nitong ang ina ay __________.
A. Matatakutin at nerbiyosang ina C. Maalalahanin
B. Ayaw umunlad ang buhay ng kanyang anak D. Mapagmahal at mapag-arugang ina
3. “O Inang! Hindi ko matagalang isiping maiiwan kita,” sagot ng espiritung nagpapanggap na anak ng
babae. “Nagbago ang isip ko. Nagpasiya akong manatili na lang sa nayon, at mabubuhay tayo kahit
anumang kaunting mayroon tayo.” Ipinakilala nitong ang espiritu ay __________.
A. Mapanlinlang at mapagsamantala C. Mapag-imbot
B. Mapagpanggap pero mabait D.Nananabik talaga sa pagmamahal ng isang pamilya
4. “Ang impostor ay isang espiritung nagkukunwaring ang kawawang lalaking ito,” paliwanag ng batang
lalaki sa raha, at matagumpay niyang naloko ang lahat, maging ang sariling ina ng lalaking ito.” A.
Mapagmalaki subalit mapagmalasakit C. mahusay gumanap ng isang papel
B. Matalino at mahusay magpasya D. Lahat ng nabanggit
5. Isang espiritung tuwang-tuwa sa nakikinitang tagumpay ang agad nagpaliit ng anyo at naging isang
munting insektong lumilipad papasok sa bote. Mabilis na tinakpan ng batang lalaki ang bote.
Pagkatapos ay iniutos niya sa binatang Brahman na kunin ang bote at itapon sa dagat. Ang
pangyayaring ito ay di makatotohanan dahil _________.
A. Nagawa ng insektong pumasok sa bote.
B. Walang sinumang tao ang makapagpalit anyo tulad ng ginawa ng espiritu.
C. Madali lang sa espiritu na magpalit anyo
D. Hindi pwedeng utusan ng bata ang binata.
6. Ipinasya ng binatang magpunta sa siyudad at huwag umuwi hangga’t hindi siya nagiging mayamang
tulad ng mga kababayan niyang nangibang-bayan at yumaman. Ang pangyayaring ito
ay makatotohanan dahil ______________.
A. Maaaring makamit niya ang tagumpay sa kanyang pagbabalik
B. Kung ang tao ay may ambisyon sa buhay malayo ang mararating.
C. Ang tao ay nangangarap na makaahon sa kahirapan.
D. Lahat ng nabanggit.
7. Tuwing umaga, ang mag-asawang Brahman at Mela ay masayang tinatanaw ang nagtataasang mga
puno. Anong uri ng pang-abay ang sinalungguhitang salita?
A. Pamanahon B. Panlunan C. Pamaraan D. Pang-agam
8. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nasa pang-abay na pamaraan?
A. Marahil naging mahirap ang humanap ng matutuluyan noon.
B. Sa India matatagpuan ang pinakamatandang sibilisasyon.
C. Kapag araw ng Linggo, nagsisimba ang buong mag-anak.
D. Masayang nilalaro ng mga bata ang larong tumba-lata.
9. Sa India nagsimula ang larong chess. Ang salitang may salungguhit ay nasa uri ng pang-abay na .
A. Pamanahon B. Panlunan C. Pamaraan D. Pang-agam
10. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang kuwento na alamat?
A. Naganap sa mga tanyag na lugar
B. Naglalaman ng makatotohanang pangyayari
C. Nagsalaysay ng pinagmulan ng bagay o lugar
D. Naglalahad ng patunay sa pinagmulan ng mga bagay-bagay
i

Karagdagang Gawain
Maaaring magkaparehong-pareho ang anyo ng binatang Brahman at ng impostor kaya’t
nakapanlinlang siya ng maraming tao kabilang na ang ina ng binata. Kung ngayon nangyari ang
ganitong panlilinlang at ikaw ang tunay na binatang Brahman, ano-anong hakbang ang gagawin mo
upang mapatunayang ikaw ang tunay na anak? Mag-isip ka ng mga estratehiya at ilahad sa mga
kahon sa ibaba.

Ang mga estratehiyang gagawin ko


para mapatunayang ako ang tunay na
anak ng aking ina

Unang Hakbang Ikalawang Hakbang Ikatlong Hakbang

Paano ko ito Paano ko ito Paano ko ito


naisagawa? naisagawa naisagawa

Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN
1. B 6. D
2. D 7. A
3. A 8. D
4. C 9. B
5. B 10. C
TUKLASIN
1. C 4. B
2. A 5. A
3. A

SURIIN
1. Makatotohanan dahil may mga magulang na gustong mag-asawa ang anak at magkaroon ng mabuting
manugang lalo na’t kung matanda na ang mga magulang at gusto nilang magkaroon agad ng apo.
2. Makatotohanan dahil may mga taong mataas ang ambisyon sa buhay at gustong makaahon sa hirap.
3. Di-makatotohanan dahil walang sinumang tao na magagawang magpapalit ng anyo bilang insekto o
anupamang imahe.
4. Makatotohanan dahil may mga magkakambal na magkamukhang-magkamukha na mahirap mong
matukoy o hindi mo makikilala maliban lamang kung may palatandaan o lubos mo ng kilala ang dalawa.
5. Di-makatotohanan dahil ang espiritu ay hindi mo makikita. Ang mga sabi-sabi tungkol dito ay pawang
kathang isip lamang, haka-haka o hindi kapani-paniwala

ISAISIP
1. Mahigpit – pamaraan 6. Patagilid - pamaraan
2. Magalang – pamaraan 7. Tuwing umaga - pamanahon
3. Buwan-buwan – pamanahon 8. Sa Luneta - panlunan
4. Sa gubat – panlunan 9. Matiyaga - pamaraan
5. Sa lungsod – panlunan 10. Umpisa kahapon - pamanahon

ISAGAWA
Nasa pamamatnubay na ng guro ang pagmamarka

TAYAHIN
1. B 6. D
2. D 7. A

3. A 8. D

4. C 9. B

5. B 10. C

Sanggunian: Pluma 9, pahina 327 - 332

You might also like