You are on page 1of 25

6

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Maaaring Mangyari sa Teksto Gamit
ang Dating Karanasan/Kaalaman
Filipino – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Maaaring Mangyari sa Teksto Gamit ang Dating
Karanasan/Kaalaman
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Dexter E. Ferasol
Editor: Lilibeth D. Meliton
Tagasuri: Susan J. Quistadio
Junry M. Esparar
Celestino M. Dalumpines IV
Tagaguhit: Froilan T. Detoga Jr.
Tagalapat: Jeson A. Telesforo
Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma
Salvador O. Ochavo, Jr.
Elena P. Gonzaga
Segundino F. Dollete
Shirley A. De Juan
Merlie J. Rubio

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region VI


Office Address: Duran Street, IloIlo City
Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653
E-mail Address: region6@deped.gov
6

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Maaaring Mangyari sa Teksto Gamit
ang Dating Karanasan/Kaalaman
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 6 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Maaaring Mangyari sa Teksto Gamit ang Dating
Karanasan/Kaalaman.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, at
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul.

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 6 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Maaaring Mangyari sa Teksto Gamit ang Dating
Karanasan/Kaalaman.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang


marka o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Kamusta? Muli na naman tayong magsasama


kaibigan.
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat na
isinaalang-alang ang iyong kakayahan. Ang mga
wikang ginamit ay ayon sa antas ng iyong pang-
unawa. At ang aralin ay inihanay batay sa
pamantayan ng kagawaran. Kaya ‘wag kang mag-
aalala.
Pagkatapos ng aralin ay inaasahan na taglay mo na
ang kasanayang:
• Nakapagbibigay ng maaaring mangyari sa
teksto gamit ang dating
karanasan/kaalaman (F6PB-IIIg-17).

Subukin

Sige kaibigan, halika at magkasubukan


muna tayo. Aalamin natin kung hanggang
saan na ang naabot ng iyong pang-unawa.

Basahin ang teksto at magbigay ng dalawang maaaring mangyari gamit ang iyong
dating karanasan/kaalaman. Piliin and titik ng iyong nais na sagot, Isulat ito sa
sagutang papel.

1.
Mabait at matulunging bata si Carmel. Maging ang kaniyang mga kapatid
ay iniidulo siya. Nagunguna rin siya sa klase, siya ang palaging
ipinapadala ng kanilang paaralan sa mga tagisan ng talino. Isang araw, sa
araw ng patimpalak, masama ang pakiramdam ni Carmel.

A. Binilhan siya ng guro ng pagkain.


B. Pumunta sila ng kaniyang ina sa parke.
C. Sinamahan muna si Carmel ng kaniyang guro sa clinic.
D. Naglakad si Carmel papunta sa pinakamalapit na mall.

1
Masama na ang pakiramdam ni Fatima nang umuwi mula sa trabaho.
2. Gayonman nagluto siya ng hapunan para sa asawa at maliliit na mga
anak na masayang naglalaro sa sala. Naghahanda siya ng mesa ng
maramdaman niyang umiikot ang mga bagay sa paligid. Noon nama’y
papasok sa kusina ang panganay niyang anak para sabihing gutom na
sila. Nakita niya nang unti-unting bumagsak sa suwelo ang kaniyang
nanay. ______________________

A. Sumigaw ang kaniyang anak na wala na silang tubig.


B. Agad siyang pinatayo ng kaniyang anak at pinaupo sa upuan.
C. Hindi na nakaimik ang kaniyang anak sa napanood na balita.
D. Tumakbo palabas ng bahay ang kaniyang anak at bumili ng pansit.

3. Madalas na umiiyak si Shaina. Halos sumuko na siya sa tuwing


naririnig ang di-magandang puna ng hurado tungkol sa kaniyang pag-
awit. Gayonpaman, tinatagan niya ang kaniyang loob. Ipinangako niya
sa sariling pagbubutihan pa sa susunod nilang paghaharap ng limang
finalists sa patimpalak. Kaya naman wala siyang sinayang na sandali.
Nagpraktis siya nang nagpraktis. Hanggang sumapit ang gabi ng pagpili
ng tatanghalin na The Voice Teens Champion.____________________

A. Nagtanghal siya sa plasa.


B. Umuwi si Shaina ng bahay at nagluto ng lugaw.
C. Kabadong-kabado si Shaina sa paparating niyang kaarawan.
D. Magaling ang naging pagtatanghal ni Shaina pinuri siya ng mga hurado.

4. Naging napakahirap ng buhay ni Waldo mula nang siya ay maulila sa


mga magulang. Wala siya ni-isang kamag-anak na maaaring kumupkop
sa kaniya. Kalye ang naging tahanan at nabuhay siya sa pagtitinda ng
diyaryo. Isang araw habang siya ay naglalakad, anong gulat niya ng
isang bag ang inihagis sa kaniya ng isang nagmamadaling lalaki. Agad
siyang nagkubli at nagmasid sa paligid. Mayamaya_____________.

A. bumalik ang lalaki at sumayaw.


B. nanginginig at naiihi na sa takot si Waldo dahil may multo.
C. dahan-dahang lumabas si Waldo at tiningnan ang laman ng bag.
D. may mga tao sa paligid at nag-uusap tungkol sa pagbukas ng klase.

2
5. Kinamulatan na ni Sherwin ang ginagawang pagtulong ng kaniyang
mga negosyanteng magulang sa mahihirap. Pinauutang nila ang mga
kababayan nang may napakaliit na tubo upang may mapuhunan sa
paghahanapbuhay. Nang siya’y makatapos sa pag-aaral, siya’y may
masidhing pagnanais na makatulong sa mahihirap na gaya ng
kaniyang mga magulang. Kaya nagpasiya siyang______________.

A. magtayo ng isang foundation na handang tumulong sa mahihirap.


B. magpautang na may malaking tubo upang lalong kumita.
C. magpatayo ng isang malaking mansiyon at resort.
D. mag-organisa ng isang pagtitipon at kasiyahan.

Habang namamalengke ang mag-amang sina Mang Cardo at Bugoy


6.
napansin nilang walang suot na face mask ang ilang mamimili doon,
nang biglang dumating ang mga pulis,
___________________________________.

A. at namili sila ng gulay.


B. at naglaro ang mga ito nang habol-habulan.
C. nagsipag-uwian ang mga mamimili at nagluto ng tanghalian.
D. pinagsabihan ng mga pulis ang mga mamimili na kailangan nilang
magsuot ng face mask.

7. Nakikinig sa radyo si Mang Ambo habang humihigop ng isang


tasang mainit na kape nang marinig niya na mayroon ng positibo
sa COVID-19 sa kanilang lugar. _______________________________.

A. Sinabayan ni Mang Ambo ang kumakanta sa radyo.


B. Pinatulog agad niya ang kaniyang asawa at mga anak.
C. Pagkaubos niya ng kaniyang kape, hinugasan niya ang pinagkainan
ng kaniyang mag-iina.
D. Tinawag ni Mang Ambo ang asawa at mga anak para pagsabihan na
huwag lumabas ng bahay para hindi mahawaan.

Masayang nagkukuwentuhan ang magkumare na sina Aling Delia at


Aling Meriam. Nagkamustahan ang mga ito tungkol sa kanilang
karanasan bilang mga nanay sa panahon ng home quarantine nang
may naamoy silang sunog na sinaing. ___________________.
8.

A. Inaya ni Aling Meriam ang kaniyang kaibigan para magsimba.


B. Dali-daling pumasok ng bahay si Aling Delia at natulog sa kuwarto.
C. Tinawag ni Aling Meriam ang anak at pinatingnan ang kaniyang
sinaing.
D. Tumakbo silang dalawa papasok sa kani-kanilang tahanan para
sumilong.

3
9. Inutusan ni Bebeng ang kaniyang nakababatang kapatid na bumili
ng asin sa tindahan ni Aling Nena ilang metro lang ang layo sa
kanilang bahay, ngunit mag-iisang oras na ay hindi pa ito
nakauwi. ________________.

A. Nag-ensayo ng sayaw si Bebeng.


B. Lumabas siya ng bahay para maglaro.
C. Nakatulog si Bebeng habang nanonood ng telebisyon.
D. Sinundo niya ito sa tindahan at nadatnan niyang nawili sa paglalaro
ang kapatid.

10. “Araaay! Ang sakit!” sigaw ni Marco habang namimilipit sa sakit ng


kaniyang tiyan dahil sa gutom na ito. Gusto niyang kumain ngunit
nasa trabaho ang kaniyang mga magulang at wala pang naihandag
pagkain _________________________________.

A. Namasyal sa mall si Marco.


B. Pumunta siya sa kaniyang tiyahin para makakain.
C. Tiniis na lamang ni Marco ang sakit ng kaniyang tuhod.
D. Tinawagan ang kaniyang kaibigan para magtanong tungkol sa
kanilang takdang-aralin.

Aralin Maaaring Mangyari sa Teksto

1 Gamit ang Dating


Karanasan/Kaalaman

Balikan

Bagong aralin naman ngayon ang


iyong mapag–aaralan kaibigan. Ito
ay tungkol sa pagbibigay ng
maaaring mangyari sa teksto gamit
ang dating karanasan/kaalaman.

Ngunit bago iyon halika balikan


natin ang nakaraan.

4
Basahin ang teksto at ibigay ang maaaring nagbago sa iyong dating
karanasan/kaalaman. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang Corona Virus ay isang nakamamatay na virus na ang pinupuntirya ay


ang immune system ng isang tao, pinapahina niya ang iyong katawan. Ang
sintomas ng sakit na ito ay panghihina ng katawan, nahihirapang huminga,
matigas at walang plemang ubo at pananakit ng ulo.

A. Isang nakamamatay na sakit pala ang Corona Virus.


B. Walang sustansiyang makukuha sa pagkain ng marami.
C. Masama sa katawan ang pagpapatubo ng mga halaman.
D. Nakabubuti pala sa katawan ang virus.

2. Maaaring maiwasan ang madapuan ng virus kung mananatili lamang tayo


sa loob ng bahay at ginagawa natin ang safety health protocols na itinalaga
ng Inter-Agency Task Force (IATF), tulad ng tamang paghugas ng kamay,
paggamit ng alcohol o hand sanitizer, pagsusuot ng face mask at face shield
kapag
H lumalabas ng bahay at ang pag-obserba ng social distancing.
i
A. Hindi nakakahawa ang virus.
B. Walang patutunguhan ang pagtatanim.
C. Makakaiwas sa anomang sakit kapag sumusunod sa batas.
D. Mas magandang manatili na lamang sa mall kaysa sa bahay.

Ang gobyerno ay patuloy sa pagbabantay at pagpapatupad ng batas para


3. hindi na kumalat ang virus at mapuksa na ito kaagad para makabalik na
sa normal ang pamumuhay ng mga tao dito sa ating bansa.

A. Wala nang makukuhang pagkain sa kalikasan.


B. Nakababagot ang maghintay sa tulong mula sa ibang tao.
C. Walang silbi ang pagtatanim sa panahon ngayon.
D. Mahalagang malaman ang tamang gawain sa panahon ng pandemya
para maging ligtas.

4.
Ang matagal na panonood ng TV, pagbababad sa paglalaro sa computer
at cellphone ay nakasisira na ng ating mata, makakaramdam ka ng
panghihilo at panlalabo ng paningin at kung hindi ito maagapan ay
maari mo itong ikabulag.

A. Ang tamang pangagalaga sa mata ay mahalaga.


B. Masama sa kalusugan ang pagiging maalaga sa katawan.
C. Hindi naman mapagkakatiwalaan ang nabanggit sa teksto.
D. Walang maidudulot na maganda ang pagpapaniwala sa kuro-kuro.

5
5. Sa panahon ng pandemya ipinagbabawal ang paglabas ng bahay ng
mga matatanda edad 60 pataas at mga bata edad 20 pababa, dahil sa
mahihina pa ang kanilang resistensya at sila ang may malaking
tsansang madapuan ng sakit na Corona Virus.

A. Wala namang naitulong ang tekstong ito sa bansa.


B. Lumala pa lalo ang panghihina ng katawan ng mga matatanda.
C. Naging masaya ang mga Pilipino nang umalis ang mga taong
may virus.
D. Nararapat lamang ang pagbabawal sa kanila para rin naman
ito sa kanilang kaligtasan.

Mga Tala para sa Guro

Ito ay panimulang pagtatasa lamang. Maaaring itala


ang iskor para matukoy ang kahinaan ng mag-aaral.

Tuklasin

Galugarin naman natin ang mula sa dako


pa roon. Ano kaya ang kaalamang hatid sa
atin ng pag-aaral na ito.

Piliin ang titik ng tamang sagot ayon sa hinihiling ng teksto batay sa dating
karanasan/kaalaman sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Nakagawian na ni Jhon na manguha ng mga puting bato sa tabing ilog
tuwing hapon, nang biglang may kumagat sa kaniyang binti.

A. Sa pagkabigla natumba siya sa palayan at naputikan ang kaniyang


damit.
B. Natakot siya sapagkat maaaring ahas ang kumagat sa kaniya.
C. Kumaripas siya ng takbo papuntang tindahan.
D. At bigla niya itong kinamot at dumugo.

6
2. Maraming ginagawa sa bahay si Mayie, nagluluto, naghuhugas ng pinggan,
umiigib ng tubig at nagwawalis ng sahig. Buong araw siyang walang
pahinga. Samantalang nakahilata lamang ang kaniyang kapatid sa may
pintuan.

A. Pinuntahan niya ito at sinabihan na kung puwede siyang tulungan.


B. Kumain ng agahan si Mayie kasama ang kaniyang kuya.
C. Pinuntahan ni Mayie ang kaibigan at nakipaglaro.
D. Masayang nakikinig sa musika si Aling Ester.

3. Laking gulat ng mga mag-aaral nang pagdating nila sa paaralan ay malayo


sa isa’t isa ang pagkaayos ng kanilang mga upuan.

A. Nagwalis ang mga ito sa harap ng kanilang silid-aralan.


B. Hinayaan na lamang nila ang pagkaayos ng mga upuan.
C. Kaagad silang nagkuwentuhan tungkol sa kanilang bakasyon.
D. Pinuntahan nila ang kanilang guro at nagtanong kung bakit ganoon ang
ayos ng kanilang upuan.

4. Masayang naglalaro ng habol-habolan ang mga mag-aaral ni Bb. Turalba


nang biglang may narinig siyang malakas na kalabog.

A. Bumili ang mga bata ng pagkain sa may tindahan.


B. Nasagi ng bata ang cabinet at nahulog ang mga libro
C. Masayang nagkukuwentuhan ang magkaklase papanhik ng hagdan.
D. Nagulat si Bb. Turalba nang biglang pumasok ang kanilang punongguro.

5. Nagpalabas ng ordinansa ang tanggapan ng mayor ng Tapaz na


pagmumultahin ang sinomang mahuli na lumalabas ng kanilang bahay na
hindi nagsusuot ng face mask. Isang araw sa sobrang pagmamadali ay
nakalimutan ni Raymond na magsuot ng face mask.

A. Biglang naiisip ni Raymond na meron siyang panyo at ito na lang ang


ginawa niyang face mask.
B. Nahuli si Raymond ng mga pulis dahil wala siyang suot na helmet.
C. Matulin ang pagpapatakbo ni Raymond ng kaniyang motor.
D. Umiiyak si Raymond sa sobrang sakit ng kaniyang ulo.

7
Suriin

Ngayon naman ay bibigyan natin ng


paglilinaw kung paano ang pagbibigay ng
maaaring mangyari sa teksto gamit ang
dating karanasan/kaalaman.
Matutunghayan sa ibaba ang mga
paliwanag rito. Halika at basahin nang maigi
at unawain.

Ang pagbibigay ng maaaring mangyari sa teksto ay maaaring nababatay sa


mga ikinikilos ng mga tauhan o daloy ng mga pangyayari at maaaring iayon ito sa
sariling karanasan/kaalaman.

Sa pagbibigay ng maaaring kinalabasan ng pangyayari sa teksto ay maaaring


sumasang-ayon o sumasalungat sa kaisipan ng nagsasalita at ikinikilos ng tauhan.

Halimbawa:

Matulin ang takbo ni Rene papuntang paaralan ngunit pagdating niya sa gate ay
naalala niyang hindi pala niya dala ang kaniyang takdang-aralin sa Filipino,
_________________________________.

Sagot: Tumuloy pa rin si Rene sa pagpasok at ipinaliwanag na lang sa guro ang


dahilan kung bakit niya nakalimutang dalhin ang kaniyang takdang-aralin.

Maaari rin ito: Dali-daling tumakbo pauwi si Rene upang kunin ang kaniyang
takdang- aralin.

Ang sagot ay nababatay sa kilos ng tauhan at ginamitan ito ng dating karanasan o


kaalaman na magpapaliwanag na lang sa guro o di kaya’y babalikan ito sa bahay,
na iyon din ang kalimitang ginagawa ng mga mag-aaral na tulad mo.

8
Pagyamanin

Gawain 1
Basahin at unawain ang teksto. Pagkatapos ay ibigay ang maaaring mangyari
gamit ang dating karanasan/kaalaman at isulat ang sagot sa nakalaang sagutang
papel.
Totsie

“Inay!” malakas na sigaw ni Totsie sa kaniyang kuwarto, habang ang


kaniyang ina ay nasa kusina at nagluluto ng kanilang agahan. “Araaay! ko po
inay ang sakit di ko na po talaga kaya”, _____________1________________________.

Agad pinuntahan ni Aling Trining ang anak. “Ano ‘yon anak, anong
nangyari sa iyo?” tanong niya sa anak na namimilipit na sa sakit ng kaniyang
ngipin. “Bilisan mo na riyan at pupunta tayo ngayon sa dentista.” “Ayaw ko po
inay takot po ako,” nanginginig na sagot ni Totsie sa ina.
_____________________2_________________.

Pagkalipas ng ilang araw ay pabalik-balik na naman si Totsie sa tindahan


ni Aling Nena, halos matatamis lahat ang binibili, ____________3________________.

Nakaugalian na kasi niyang kumain ng matatamis at hindi nagsisipilyo


bago matulog kaya palaging sumasakit ang kaniyang ngipin. Takot din siyang
magpatingin sa dentista tuwing niyayaya siya ng kaniyang ina,
___________4_______.

Isang gabi, nanaginip si Totsie na nagsilabasan ang mga ngipin niya sa


kaniyang bibig at nagsipagtakbuhan. “Ayaw na namin sa iyo hindi mo kami
inaalagaan nang maayos, hindi ka kumakain ng masusustansiyang pagkain,
puro nalang matatamis ang kinakain mo”, wika ng isang ngipin. “Maawa naman
kayo bumalik na kayo sa loob ng bibig ko huwag na kayong umalis, pangako
aalagaan ko na kayo. Palagi na akong magsisipilyo at babawasan ko na ang
pagkain ng matatamis”, pagmamakaawa ni Totsie. _________5__________________.
Personal: Dexter E. Ferasol

Gawain 2
Basahin ang pangungusap at ibigay ang maaaring mangyari gamit ang dating
karanasan/kaalaman, isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Nakatutok si Jaspher sa paglalaro sa cellphone habang naglalakad, biglang may
narinig siyang malakas na busina.
A. Hinabol si Jaspher ng aso at sa sobrang bilis ng kaniyang pagtakbo
naitapon niya ang dalang pansit.
B. Napatakbo si Jaspher papuntang ospital sa sobrang pag-aalala sa
kaniyang ina.
C. Walang pakialam si Jaspher at patuloy pa rin sa paglalaro ng bola.
D. Muntik nang mabundol si Jaspher ng isang kotse.

9
2. Palaging nakasasabay ni Martin sa paglalakad papuntang paaralan si Remart,
ngunit nitong nakaraang dalawang araw, napansin niyang parang hindi na
pumapasok si Remart.
A. Nangunguna na kasi sa klase si Remart.
B. Masaya si Remart sa kapapasok sa klase dahil may feeding.
C. Palaging pumapasok si Remart sa klase kahit wala siyang baon.
D. Nagtatrabaho kasi si Remart sa palaisdaan ni Mang Pedring dahil
wala siyang pambaon.

3. Palaging naghuhugas ng kamay si Brenda at naglalagay pa ng alcohol dito


pagkatapos maghugas.
A. Palaging nagkakasakit si Brenda dahil sa alcohol
B. Agad naligo si Brenda ng alcohol na bitbit-bitbit niya.
C. Palaging namamasyal sa mall dahil may dala-dala siyang alcohol.
D. Hinangaan si Brenda ng kaniyang guro dahil sa kaniyang magandang
pag-uugali.

4. Naghahabulan, naghaharutan at naglalaro sa ulan ang magbabarkadang sina


Simon, Harold at Jeroy nang biglang kumulog nang malakas at sinundan pa ng
nakatatakot na kidlat.

A. Nagpatuloy pa din ang mga magbabarkada sa kanilang ginagawa.


B. Nagsiiyakan ang magbabarkda sa sobrang takot sa multo.
C. Kumaripas ng takbo papasok ng bahay ang magbabarkada dahil sa
takot.
D. Tiningnan at nagpalakpakan ang magkaibigan nang makita ang
malakas na kidlat.

5. Mangiyak-ngiyak si Jolly habang hawak-hawak ang ibon niyang parang wala


nang buhay. Pilit niya itong pinapakain at pinaiinom ng gamot at tubig.

A. Hindi nagtagal naging mabuti na rin ang kalagayan ng ibon at muli


itong naging masigla.
B. Matamlay pa rin ang pakiramdam ni Jolly kahit uminom na siya ng
gamot at nakapagpahinga.
C. Pagkalipas ng ilang araw, nagkaroon ng paligsahan sa pagandahan
ng alagang aso at sumali ang alaga ni Jolly.
D. Masayang-masaya si Jolly nang makita niyang matataas na ang lipad
ng kanilang guryon ipinagmalaki niya ito.

Gawain 3
Basahin ang teksto sa loob ng kahon at magbigay ng limang maaaring mangyari sa
kuwento at isulat sa sagutang papel.
_______________________________________________________________________
Si Asiong at Pusalita
1. _______________________________________________________________________
Sa bayan ng Dako Paroon ay may nakatirang isang matandang lalaki na
nagtatrabaho sa palaisdaan malapit sa kanila. Kapag nasa trabaho siya ay
naiiwan sina Asiong at Pusalita sa bahay.
Si Asiong ay isang aso at si Pusalita naman ay isang pusa, silang dalawa
ay mga alaga ni Mang Carlito.

10
Ang dalawa ay palaging nag-aaway at nag-aagawan sa higaan malapit sa
may pintuan. Gustong-gusto nila doon kasi nag-uunahan silang salubungin ang
kanilang amo kapag uuwi galing sa trabaho. Palagi nilang pinagtatalunan kung
sino ang paboritong alaga ng kanilang amo. “Ako ang paborito ni tatay Carlito dahil
binabantayan ko ang kaniyang bahay kung wala siya”, sambit ni Asiong. “Hindi!
ako ang paborito ni tatay Carlito kasi binabantayan ko ang kaniyang bahay sa mga
makukulit na daga at katabi niya ako sa pagtulog”, pagmamayabang naman ni
Pusalita. Ganito palagi ang nangyayari sa bahay ni Mang Carlito kapag wala siya.
Isang makulimlim na hapon habang papanhik ng hagdan si Mang Carlito ng
magkasalubong at nagkatinginan ang mortal na magkaaway na sina Asiong at
Pusalita.
Sariling akda: Ni: Dexter E. Ferasol

1. _______________________________________________________________________
2. _______________________________________________________________________
3. _______________________________________________________________________
4. _______________________________________________________________________

Isaisip

Ang pagbibigay ng palagay tungkol sa maaaring mangyari sa teksto ay nababatay


sa ikinikilos ng mga tauhan o daloy ng mga pangyayari at maaari din gumamit ng
mga dating karanasan/kaalaman
Kaya natin ito!
A. Punan ang sumusunod na talahayanan tungkol sa pagbibigay palagay sa
maaaring mangyari sa teksto.

Ano ang iyong mga dapat Gaano ito kahalaga?


tandaan?

B. Kompletuhin ang sumusunod na pahayag.

Ang pagbibigay ng palagay tungkol sa maaaring mangyari sa teksto ay


mahalaga sapagkat _______________________________________________________
__________________________________________________________________________.

11
Isagawa

Basahin ang akda sa ibaba at gawin ang ipinapagawa sa huling bahagi nito. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.
Awra Ang Mayabang na Cobra

May isang Cobra na ang pangalan ay Awra nakatira siya sa isang maliit
na butas sa punong santol. Nang maliit pa siya ay kinakain niya ang mga maliit
na hayop na lumalapit sa bahay niya. Paglipas ng panahon ay lumaki na si Awra
at kaya na niyang kainin ang mga malalaking hayop tulad ng manok, kuneho,
palaka at ang mga katulad niyang ahas.

Lahat ng hayop sa gubat ay takot sa kaniya, kaya naging mayabang si


Awra. “Ngayong ako na ang pinakamalakas na hayop sa kagubatan masasabi
kong ako na ang hari dito”, pagmamayabang ni Awra. “Hindi na ako komportable
sa maliit na butas na ito, maghahanap na ako ng bago at magandang butas para
mapagpahingahan”, dagdag ni Awra.

Habang namamasyal may nakita siyang isang maganda at may


kalakihang butas sa puno ng Narra, agad niya itong pinuntahan at doon
namahinga. Sa kalagitnaan ng kaniyang pagpapahinga ay may naramdaman
siyang may gumagapang sa kaniyang tagiliran, ng ito’y kaniyang tingnan ay
nakita niya si Igam-langgam. Sinabihan niya itong umalis, ngunit pagdungaw
niya sa ibaba ay nakita niya ang bahay ni Igam-langgam kasama ang kaniyang
mga kamag-anak, dali-daling gumapang si Awra pababa para sirain ang bahay
ng mga langgam.

Nagsigawan ang mga langgam at nagsipagtakbuhan palayo ng kanilang


bahay sa mayabang na si Awra ngunit tinawag sila ni Igam- langgam at
sinabihang magtulungan silang kagatin siya.
Personal: Dexter E. Ferasol

Ang akdang iyong binasa ay halimbawa ng isang akdang walang wakas.


Sadyang hindi tinapos ang pabula. Magbigay ng tatlong posibleng mangyari sa
katapusan ng akda gamit ang iyong dating karanasan/kaalaman. Gawing makulay
ang maaaring susunod na mangyayari sa akda.
1. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

12
2. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Tayahin

Binabati kita at natapos mo ang mga


gawain sa modyul na ito at umabot
ka na sa Tayahin. Pagbutihin mo ang
pagsagot ha!

Basahin ang teksto at ibigay ang maaaring mangyari gamit ang iyong dating
karanasan/kalaman. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Masayang naglalaro sa parke ang magkaibigang Marvin at Jhimar nang


biglang napansin ni Marvin na walang suot na Face mask si Jhimar,
__________________________.
A. Tumakbo pauwi si Jhimar dahil hinabol sila ng aso.
B. Inaya na lang ni Marvin si Jhimar na pumunta sa simbahan.
C. Nagtago si Jhimar sa likod ng mga puno para hindi siya makita ni
Marvin.
D. Pinagsabihan ni Marvin si Jhimar na huwag kakalimutan magsuot ng
face mask.

2. Sa sobrang pagmamadali ni Marta sa paglilinis ng tukador, nakabig niya


ang mamahaling plorera ng kaniyang lola, ____________________________.
A. Nahulog ito at nabasag.
B. Nagluto ng pagkain si Marta.
C. Tumakbo papuntang palikuran si Marta.
D. Nagbihis at namasyal sa parke si Marta kasama ang kaniyang lola.

3. Napasigaw nang malakas si Fatima nang makita niyang nabundol ng


kotse ang alaga niyang aso. ______________________________________.
A. Mangiyak-ngiyak siya sa sobrang galak.
B. Hinimatay siya sa sobrang pagkagutom.
C. Bumili siya ng laruang aso upang hindi malungkot.
D. Tumakbo siya patungo sa kaniyang aso at tiningnan ang kalagayan
nito.

13
4. Umuwi ang ina ni Rhegan mula sa ibang bansa gustong-gusto niyang
lapitan at yakapin ang ina ngunit sinabihan siya na hindi pa maaaring
gawin ito kailangang maghintay muna sila ng dalawang linggo.
_______________________________.
A. Nagpumilit si Rhegan na maglaro sa kabilang bahay.
B. Naglupasay sa pag-iyak si Rhegan sa sobrang sakit ng ngipin.
C. Tumakbo papasok ng kuwarto si Rhegan at natulog dahil inaantok.
D. Walang magawa si Rhegan kung hindi ang sundin na lang ang sinabi
sa kaniya.

5. Maraming bunga ang mangga ni Aling Fe kaya palaging namamasyal


doon ang magkakapatid na sina Rico, Jona at Ruffa,
______________________.
A. nagselfie sila sa ilalim ng punong santol.
B. tumulong maglinis ng bakuran ang magkakapatid.
C. Umiigib ng tubig ang magkakapatid sa balon ni Aling Fe.
D. nanghingi ng bunga ng mangga ang magkakapatid at dinala sa
kanilang ina.

6. Masinsinang nag-uusap sina Bb. Fara-on at Gng. Animas sa labas ng


paaralan ng biglang may mga batang naghahabulan papasok sa paaralan
at nasagi ng isang bata si Bb. Fara-on at natumba ito.
_____________________________________.
A. Nagtawanan ang dalawang guro.
B. Naglaro ang mga bata sa parke.
C. Nagkayayaan ang mga batang mamasyal sa malapit na mall.
D. Humingi ng paumanhin ang batang nakabangga sa kay Bb.
Fara-on.

7. Nagwawalis ng bakuran si Aling Magding nang biglang kumidlat ng


malakas. __________________________________.
A. Nagtawanan ang mga batang naglalaro.
B. Sa pagkagulat ay tumakbo siya papasok ng bahay.
C. Nagbihis siya at nagtungo sa palengke para bumili ng lulutuing ulam.
D. Pumasok siya sa bahay at nagluto ng pagkaing ihahain sa mga
bisitang dadating.

8. Mabilis magpatakbo ng motor si Johnald ipinagmamayabang pa niya ito


sa kaniyang mga kaibigan. Isang araw niyaya pa niya si Leo na
magkaroon sila ng karerahan. _________________________________.
A. Nagtungo ang magkaibigan sa mall.
B. Naglaro ang mga bata sa bakuran nila Johnald.
C. Nagkarera silang dalawa at nanalo si Johnald.
D. Naglaro ng basketball ang magkakaibigan.

9. Tutok na tutok sa panonood ng balita ang mag-anak na Turalba ng


biglang namatay ang TV at ang ilaw. __________________________.
A. Nagsayawan ang mga bata.
B. Namasyal ang mag-anak sa parke.
C. Natakot ang mga bata at nagtakbuhan papunta sa kanilang
magulang.
D. Nagluto ng hapunan ang nanay habang ang itay naman ay nag-iigib
ng tubig.

14
10. Habang kumakain ay may kinakausap sa cellphone si Kennan kaya’t
hindi niya namalayan na ang isdang kaniyang sinubo ay may tinik pa.
______________________________________.
A. Napasigaw si Kennan sa sobrang saya.
B. Sumayaw siya ng Tiktok kasama ang kaniyang mga kaibigan.
C. Nabulunan siya at humarang ang tinik sa kaniyang lalamunan.
D. Mangiyak-ngiyak si Kennan dahil aalis na ang kaniyang nanay
papuntang Hongkong.

Karagdagang Gawain

Basahin ang teksto at gamit ang natatanging pagbasa magbigay ng tatlo (3)
na maaaring mangyari gamit ang dating karanasan o kaalaman. Isulat sa sagutang
papel ang iyong sagot.
Heleana at Paziena

May dalawang magkaibigan na sina Heleana at Paziena. Maliban na sila ay


magkaibigan, magkapitbahay pa ang dalawa at magkaklase sa baitang 6 sa
Mababang Paaralan ng Sigma, Lalawigan ng Capiz.
Araw ng Biyernes sa klase nila sa Filipino nagkaroon sila ng gawain na
magsulat ng tula na may temang “buhay bata”. Pagkatapos ay itatanghal nila
ito sa klase na nilapatan ng makalumang awitin. Gagawin ito ng dalawahan.
“O! ano mga mag-aaral naunawaan ba ninyo ang magiging gawain ninyo?”
tanong ni Ginang Cadeleńa guro nila sa Filipino. “Opo mam,” sagot ng dalawa.
Araw ng Sabado pagkatapos mananghalian nagkasundo ang dalawa na
gumawa ng kanilang gawain dahil nga magkapitbahay madali lang silang
nagkita.
“O ano leron leron sinta na lang ang ilalapat nating tunog sa ating ginawang
tula,” sabi ni Paziena. “Oo nga, maganda iyon,” wika naman ni Heleana na
parang kinikilig sa sobrang saya.
Napansin nila na gabi na pala kaya umuwi na ang mga ito. Sa daan maraming
aso ang gumagala at tahol nang tahol pa ang mga ito. “Aw, aw, aw!” tahol ng
aso. “Naykupo Paziena,” nanginginig na humawak sa kamay ni Paziena si
Heleana.
Sariling akda: Susan J. Quistadio

Sagot:
1._____________________________________________________________
2._____________________________________________________________
3._____________________________________________________________

15
Tala para sa Guro
Iwawasto ng guro ang posibleng sagot ng mag-aaral. Isaalang-
alang na maaaring magkakaiba ang kanilang mga tugon sa bawat
sitwasyon.

Nasagot mo ba nang tama ang mga tanong?


Binabati kita dahil natapos mo ang lahat ng
pagsubok sa ating paglalakbay.
Batid kong naging masaya ka sa ating
paglalakbay kaya naman sa susunod mong pag-
aaral, asahan mong ako ay iyong makakasama sa
Modyul 6: Wastong Gamit ng Kayarian at
Kailanan ng Pang-uri sa Paglalarawan ng Iba’t
ibang Sitwasyon.

16
17
Karagdagang Gawain Isagawa Tayain Pagyamanin
Nakadepende sa mag-aaral Nakadepende sa mag- 1. D 6. D Gawain 1 at 3
ang sagot aaral ang sagot
2. A 7. B Nakadepende sa mag-
3. D 8. C aaral ang sagot.
4. D 9. C Gawain 2
5. D 10. C 1. D
2. D
3. D
4. C
5. A
Isaisip
A
ANO ANG IYONG MGA DAPAT TANDAAN? GAANO ITO KAHALAGA?
Ipinakikita sa kilos ang nararamdaman ng isang
Nakabatay sa ikinikilos ng tauhan
tao
Ang karanasang ang siyang pinakamahusay na
Paggamit ng dating karanasan
tagapagturo
B. ito ang paraan higit na mapalawak ang imahinasyon ng mambabasa at mapahahalagahan ang tunay
na naranasan sa buhay.
Tuklasin Balikan Subukin Mo
1. B 1. A 1. C 6. D
2. A 2. C 2. B 7. D
3. D 3. D 3. D 8. C
4. B 4. A 4. C 9. D
5. A 5. D 5. A 10. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

• 2016 K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino


• Most Essential Learning Competencies 2020, (F6PB-IIIg-17) pahina 222
• Sariling akda

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like