Professional Documents
Culture Documents
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Ang mga Layunin at Mahahalagang
Pangyayari sa Pananakop ng mga Hapones
Araling Panlipunan – Baitang 6
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Ang mga Layunin at Mahahalagang Pangyayari sa Pananakop ng
mga Hapones
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilimbag sa Pilipinas ng
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
ii
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka
sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
iii
Tayahin Ito ay Gawain na naglalayong matasa o masukat
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain
gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sanatutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Susi sa Pagwawasto gawain sa modyul.
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
iv
Kumusta na? Marahil marami kanang nabasa at narinig tungkol sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig at ang pananakop ng Japan sa atin. Alam mo ba kung ilang daang buhay ang
nasawi at dugong dumanak ng ating mga bayani upang maipagtanggol ang ating bansa at
kalayaan? Dahil sa kanila tayo ngayon nabubuhay na mayroon kalayaan. Karapat dapat
lamang silang pasalamatan at igalang sa kagitingan kanilang nagawa para sa ating bayan
at sa ating mga Pilipino.
Ikaw ba ay handa rin ialay ang iyong buhay kung sakaling ang bayan ay muling
tangkaing sakupin ng ibang bansa? Ayon nga kay Jose Abad Santos “Hindi lahat ay
nagkakaroon ng pagkakataong mamatay para sa bayan.”
Kaya ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa ikauunlad ng iyong kaalaman at
higit mo maunawaan ang kahalagahan ng kalayaan. Dito tatalakayin ang mga
pangyayari sa Pilipinas noong ikalawang digmaang pandaigdig at ang pagsakop ng mga
Hapon saatin.
1
5. Natatalakay ang Labanan sa Corregidor bilang mahalagang pangyayari
sa pananakop mg mga Hapones;
6. Napahalagahan ang mahalagang pangyayari na ito;
7. Napakita ang katapatan at pamamahal sa bansa; at
8. Naipagmamalaki ang ipinakitang kagitingan ng mga Pilipino laban sa Hapon.
Bago tayo magsimula sa ating bagong aralin, subukan mo munang sagutan ang katanungan
sa ibaba.
2
5. Anong bansa ang nangunguna sa Asya sa pagpapalawak ng teritoryo?
A. China C. Japan
B. Myanmar D. Laos
8. Nahirapang sakupin ng mga hapones ang gawing silangan nga Bataan dahil sa
katatagan nito. Sino ang namumuno dito?
A. Hen. Jonathan M. Wainwright
B. Brigadier Hen. Vicente Lim
C. Hen. Douglas MacArthur
D. Hen. Edward P. King
10. Sino ang humalili kay Hen. Douglas MacArthur bilang pinuno ng USAFFE?
A. Hen. Jonathan M. Wainwright
B. Hen. Masaharu Homma
C. Hen. Edward P. King
D. Brigadier Hen. Vicente Lim
3
11. Ilang kilometro ang nilakad ng mga kawawang kawal na Pilipino at
Amerikano sa tinatawag na Death March?
A. 150 kilometro C. 75 kilometro
B. 100 kilometro D. 80 kilometro
14. Ano ang pinasakyan sa mga sundalong nakaligtas sa Death March patungong
Capas, Tarlac?
A. eroplano C. barko
B. kotse D. Tren
4
18. Mga ilang sundalong Pilipino at Amerikano ang sumuko kay Hen. Masaharu
Homma?
A. humigit sa 50 libo C. humigit sa 70 libo
B. humigit sa 60 libo D. humigit sa 100 libo
19. Bakit hindi lahat ng mga sundalong Pilipino ay sumunod sa utos ni Hen.
Wainwright na sumuko sa mga Hapones?
A. Dahil ayaw nila
B. Dahil para sa kanila hindi pa tapos ang laban
C. Dahil wala silang alam
D. Dahil gusto pa nila ng labanan
5
Aralin
1 Pagsiklab ng Digmaan
Magaling! Ngayon, handa kana bang alamin ang tungkol sa Pagsiklab ng Digmaan? Bakit
nag away ang Japan at Amerika? At kung paano tayo nasangkot sa digmaang ito? Ano ba
ang kanilang layunin at kung ano ang kinahinatnan nito?
Bago ka magpatuloy, tingnan natin kung may naalala ka sa ating nakaraang aralin. Para
malalaman natin iyan, gawin mo ang nasa ibaba.
Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan o opinion. Isulat sa linya
ang titik K kung ito ay may katotohanan at O kung ito’y opinion.
6
Bravo! Bago ka tumungo sa ating araling nauukol sa Kilusang Pagsiklab ng Digmaan sa
Pasipiko gawin mo muna ang nasa ibaba.
Panuto: Palitan ng titik ang bawat bilang sa loob ng kahon ayon sa pagkakasunod-sunod
ng alpabetong Ingles upang mabuo ang sagot.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15
A B C D E F G H I J K L M N O
16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26
P Q R S T U V W X Y Z
Halimbawa:
12 1 11 1 19 1 24 9 19
L A K A S A X I S
1. 10 1 16 1 14
2. 16 9 12 9 16 9 14 1 19
3. 7 5 18 13 1 14 25
7
4. 9 20 1 12 25
5. 16 15 12 1 14 4
6. 6 18 1 14 3 5
7. 13 1 14 9 12 1
8. 8 1 24 1 9 9
9. 6 18 5 14 3 8
9 14 4 1 3 8 9 14 1
10. 3 8 9 14 1
8
Sa maraming taong pakikipaglaban, unti-unti nang nakararanas ng kaunlaran at
malasariling kalayaan ang Pilipinas sa panahon ng Pamahalaang Komonwelt. Sa
panahong ito inihanda ng pamahalaan ang Pilipinas sa pagsasarili. Naudlot ang
paghahanda ng kasarinlan ng Pilipinas nang biglang dumating ang sigwa ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig at muli itong naligalig. Pinangambahan ang maraming Pilipino sa
pangunguna na rin ni Pangulong Quezon at ni Claro M. Recto, isang makabayang lider,
ang maaaring pagsabog ng digmaan at pagkasangkot ng Pilipinas sa digmaang iyon.
Sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong Setyembre 1, 1939 nang simulang
lusubin ng Alemanya o Germany ang Warsaw, Poland bahagi ng Europe sa pamumuno ni
Adolf Hitler ang pinuno ng Germany. Isinunod ni Hitler na sakupin ang Norway, Denmark,
Netherlands at Belgium. Noong Hunyo 22, 1940 nasakop nila ang France at binomba nila ang
Britain. Ngunit lumaban ang mga sundalo ng British Royal Air Force at nailigtas ang Britain
sa mga Nazi.
Habang sumisiklab ang digmaan sa Europa noong 1939 ay nakipagkasundo ang Hapon sa
Alemanya at Italya. Ang tatlong bansang ito’y tinawag na Axis Powers o Lakas Axis.
9
pangkalakalan sa Japan, kaya nawalan ng magamit na metal sa paggawa ng mga
kagamitang pandigmaan ang mga Hapones.
Nangunguna sa Asya ang Japan sa pagpapalawak ng teritoryo, kilala ang Japan bilang
“Energetic People”. Noong 1931 sinakop ng Japan ang Manchuria. Pagkatapos ng anim na
taon sinunod niya ang bahagi ng China at French Indochina o Indotsinang Pranses
(binubuo ito ng Myanmar, Laos, Cambodia, Thailand, at Vietnam).
Nang masakop ng Hapon ang Indochina, pinutol ng Estados Unidos ang pagtutustos ng
langis sa Japan. Dahil dito nagpasya ang Japan na makipagdigma sa Estados Unidos.
10
Pagkaraang ng apat na oras mula sa pagbomba ng Japan sa Pearl Harbor, sumalakay ang
mga Hapon sa Pilipinas. Binomba ng mga Hapon ang lungsod ng Davao, Clark Air Field,
Baguio, Aparri, Nichols Air Base, at Sangley Point sa Cavite. Nawasak ang maraming
eroplanong Amerikano, kaya’t namayani ang mga Hapon sa himpapawid. Naging malaya
sila sa pagbomba sa maraming lugar sa kapuluan na ikinabigla at ikinagimbal ng lahat.
Pinasabog maging ang mga imbakan ng gasolina ng Shell at Caltex.
Unang dumaong ang Hukbong Pandagat ng Hapon sa Aparri at Vigan, sa Hilagang Luzon
noong Disyembre 10, 1941. Sumunod na dalawang araw, lumunsad naman sa Legaspi
ang iban pang pwersang Hapones. Noong Disyembre 20 linusob nila ang Davao at ang
pinakapunong puwersang panakop ng mga Hapones ay dumaong sa Lingayen, Leyte noong
Disyembre 22 sa pamumuno ni Tinyente Heneral Masaharu Homma.
Nang sumunod na mga araw, patuloy na dumadating ang mga Hapon sa iba’t ibang lugar ng
bansa. Noong Disyembre 24 ang Atimonan, at Mauban sa Tayabas (Quezon na ngayon)
ang kanilang binomba. Sinunod nilang wasakin ang mga barko ng Hukbong Pandagat ng
USAFFE at eroplano sa mga base militar.
Habang umaatras ang mga hukbong USAFFE, patungo naman sa Maynila ang puwersa ni
Hen. Homma pagkaraang umahon ang mga ito sa Aparri at Lingayen. Naiwan sa Maynila
bilang tagapamahala sina Kalihim Jose B. Vargas, Hukom Jose P. Laurel at iba pang
mataas na opisyal upang pangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan doon sa
sandaling masakop ng Hapones ang kamaynilaan. Dahil sa kawalan ng pwersang
panghimpapawid at pangdagat, tuluyang nawalan ng paraang ipagtanggol maging ng
mga sibilyang tagapamahala ang siyudad.
11
Upang mailigtas ang Maynila sa malaking pinsala ipinahayag ni Hen. Douglas MacArthur ang
Maynila bilang Open City noong Disyembre 26, 1941. Ibig sabihin ay maaari nang sakupin
ito nang walang paglalaban upang maiwasan na ang pambobomba at tuluyang pagkasira
ng lungsod. Ngunit hindi ito iginalang ng mga Hapones at binomba pa rin ang Maynila
noong Disyembre
27. Dahil dito marami ang nasawing sibilyan at nasirang mga ari-arian.
Mula sa hilaga at timog, malayang nakapasok ang mga tropang Hapones at nilikop ang
Maynila. Tuluyan nilang napasok ang loob ng Maynila noong Enero 2, 1942. Sa kanilang
pagdating, nanalanta ang mga Hapones, pinaslang pati ang mga sibilyan at dinakip ang
maraming kalalakihan. Ikinulong ang mga bihag sa Fort Santiago at iba’t iba pang
malalaking gusali na ginawa nilang mga garison o kulungan.
Nang masakop na ng mga Hapon ang Maynila, hinirang nila si Jose Vargas bilang
Tagapangulo ng Komisyong Tagapagpalaganap ng Pilipinas. Ang komisyong ito ang
siyang tumayong pamahalaang sentral na ang gawain ay ipahayag sa sambayanan sa
pamamagitan ng radyo ang mga patakaran ng mga Hapones. Sinasabing naghasik ng
lagim ang mga Hapones sa Maynila gayundin sa iba pang bahagi ng kapuluan. Pinahirapan
nila ng todo ang mga Pilipino, iba’t ibang paraan ang kanilang ginagawang pagpapahirap sa
mga ito. Dahilan sa digmaan at sa paninikil ng mga Hapones, nagkaubos ang mga pagkain,
maraming nagutom at namatay, at ang mga pamilya ay nagkahiwa- hiwalay. Mangyari pa,
ang mga sundalong USAFFE ay nahiwalay sa kanilang mga pamilya sa kanilang pag-atras
patungong Corregidor at Bataan.
12
Layunin ng Japan sa Pananakop
A. Panuto: Punan ng wastong titik ang bawat kahon upang mabuo ang salitang
tinutukoy. Isulat sa sagutang papel ang buong salita.
Y A
2. Sino ang pinuno ng USAFFE o United States of Armed Forced in the Far East?
D S
R
M C A
13
3. Sino ang Pangulo ng Pilipinas ng sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
M U Z
S H U O M
5. Saang mga bansa ang nais pag-isahin ng Greater East Asia Co-Prosperity
Sphere?
A A
B. Pagtapat-tapatin
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang titik ng wastong sagot
sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
14
Panuto: Punan ang patlang ng wastong salita o sagot upang mabuo ang pangungusap o
pahayag. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Bilang batasa iyong palagay ano ang mga maaring maging dahilan kung bakit nagkakaroon ng
digmaan? Magbigay ng tatlong dahilan. Isulat sa sagutang papel ang sagot.
a.
b.
c.
15
Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap o pahayag yungkol sa
pananakop ng mga Hapones. Isulat sa sagutang papel ang Tama kung wasto ang
pangungusap o pahayag at Malikung hindi.
4. Dahil sa malakas na puwersa ng USAFFE hindi nasakop ng mga Hapones ang Maynila.
7. Nais ng Japan na kikilalaning lider ng mga Asyano at papaniwalain ang mga Asyano
na ang Asya ay para sa mga Asyano.
16
Ang awit sa ibaba ay isinulat ni Florante de Leon o kilala sa tawag na Florante, isang Pilipinong
mang-aawit noong dekada 1970. Ito ay isang awit tungkol sa digmaan. Subukin mong
awitin ito ng may damdamin.
Digmaan
ni Florante de Leon
17
Sagutin Mo:
3. Ikaw bilang kabataan, ano ang maari mong gawin upang maiwasan ang digmaan o
labanan ng mga bansa o kahit dito sa loob ng ating bansa? Itala sa iyong kwaderno ang
tatlong simpleng bagay na maari mong gawin upang maiwasan ang digmaan at
makamitang kapayapaan ng sanlibutan.
a.
b.
c.
18
Aralin
2 Labanan sa Bataan
Ang Maynila ay lubusang nasakop ng mga Hapones noong Enero 2, 1942. Ang mga
sundalong Pilipino at Amerikano ay umurong mula sa Bataan patungo sa kuta ng
Corregidor. Dahil sa maraming tao na ang namatay napilitan silang sumuko at ito ang
dahilan ng pagbagsak ng Bataan sa kamay ng Hapones.
Tukuyin ang sumusunod na pahayag. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Piliin
at isulat lamang ang titik.
19
A. “I shall return.” B. Heneral MacArthur
G. Hawaii H. Australia
Bago mo basahin ang iyon aralin, sagutin mo muna ang mga katanungan sa ibaba.
Ang pagbagsak ng depensa ng USAFFE (United States Army Forces in the Far East) sa
baybayin ng Lingayen at Lamon sa Luzon at ang walang humpay na pag-atake ng hukbong
panghimpapawid ng Japan ang nagtulak upang isulong ni Douglas Mac Arthur ang War
Plan Orange 3. Ang nasabing plano ang nagsimula ng pag-atras ng pwersang USAFFE at
mga gerilyang Pilipino patungong Bataan. Nanatili sila sa Bataan at naghintay ng tulong
mula United States ngunit hindi ito dumating. Lumaganap ang gutom at sakit sa mga
sundalong nakipaglaban.
20
Ang Abucay Line ang kauna-unahang depensa sa Bataan. Tuloy tuloy ang paglusob na
ginawa ng mga Hapones dito at sa bayang ng Mauban ngunit hindi sila nagtagumpay. Sa
pamumuno ng Brigadier General Vicente Lim naging matatag ang 41st Division sa
pakikipaglaban sa mga Hapones kaya tinagurian itong “Rock of Bataan”.
1. 2. 3. 4.
21
May mga mahalagang pangyayaring nagaganap naganap sa Labanan sa Bataan tulad ng:
22
Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Isulat sa sagutang papel ang titik ng
wastong sagot.
23
7. Kailan bumasak ang Bataan sa kamay ng Hapones?
A. Abril 9, 1942 C. Mayo 9, 1942
B. Abril 9, 1932 D. Enero 9, 1942
10. Saan nanatili ang mga gerilya at naghintay ng tulong mula sa Estados Unidos?
A. Corregidor C. Maynila
B. Bataan D. Tarlac
24
Panuto: Narito ang isang awit na akma sa mga Pilipinong gerilya noon. Basahing mabuti
ang awit.
Ang Gerilya
bayan
ko ng Granada
25
Aralin
3 Death March
Nang bumagsak ang Bataan pinamartsa ng mga Hapones ang mga sundalong Amerikano at
Pilipino mula sa mariveles Bataan hanggang San Fernando, Pampangga. Marami sa mga
kawal ang namatay dahil sa pagod, gutom, at sakit kaya tinawag ito na “Death March.”
2. Tinalo ng mga Pilipino ang mga Hapones dahil sapat ang sandata.
26
7. Hindi sumuko ang mga Pilipino at mga Amerikano sa mga Hapones.
27
Pagsunod-sunurin ang mga pangyayaring naganap sa Death March. Lagyan ng bilang 1-5 ang
bawat pangyayari.
28
May mga mahalagang natutuhan mula sa aralin , ang mga ito ay:
A. Alin sa mga katangiang ito ang ipinakita ng mga Pilipino noong lumaban sila sa mga
Hapones? Piliin at isulat sa sagutang papel.
1. Katapangan 5. Pagkamaparaan
29
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. Ito ay ang paglakad ng 100 kilometro kung saan marami ang namatay, pinahirapan
at pinagmalupitan ng mga Hapon?
30
7. Ilang kilometro ang kanilang nilakad?
A. 500 km C. 10 km
B. 100 km D. 200 km
10. Anong sandata ang ginamit ng mga Hapones sa mga sumukong sundalo?
A. baril C. espada
B. bayoneta D. kutsilyo
a.
b.
31
Aralin
4 Labanan sa Corregidor
Kumusta na? Natapos mong mapag-aralan ang pagsiklab ng Digmaan sa Pilipinas, ang
Death March, at ang Labanan sa Bataan. Ngayon sa aralin ito iyong pag-aaralan ang
tungkol sa mahalagang pangyayari ng labanan sa Corregidor ang pinakahuling tanggulan
ng bansa bago ito mapasakamay ng mga Hapones. Muling aalalahanin ang kagitingan ng mga
sundalong Pilipino at Amerikanong lumaban para sa ating kalayaan.
Pagtapat-tapatin
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang titik ng wastong sagot
sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
32
Panuto: Bago ka pumunta sa iyong aralin, ayusin mo muna ang mga titik upang mabuo ang
salita o mga salita.
1. I O R R D C G O R E
2. A H N J T O A N
T A I N R W I G H W
3. S E A F U F
4. S A M A R A H U O M M A H
5. P P L I I I O N
Noong Enero 2, 1942, bago pa man bumagsak ang Bataan at Corregidor, matagumpay na
nasakop ng mga Hapones ang Maynila at naitatag ang pamahalaang military ng Japan.
Mabilis na ginawang pagsakop ng Japan ang Maynila kaya napagtanto ni Hen. Douglas
MacArthur na hindi na kakayaning makipagsabayan ng USAFFE sa mga Hapones. Dahil sa
walang sapat na kagamitang pandigma at kaunting nalalabi sa Clark ay inilaan niya sa
Bataan. Dito naisipan niyang umurong at tumungo sa Bataan. Sa gitna ng miserableng
kalagayan ng mga kawal, si Hen. Edward P. King ay sumuko sa mga Hapones na naging
hudyat sa pagwawakas ng labanan sa Bataan.
33
Ang Huling Tanggulan
Ang pagbagsak ng Bataan ay parang hudyat na rin ng pagbagsak ng Pilipinas. Subalit hindi ito
lubusang tinanggap ng mga sundalong Pilipino at Amerikano. Nananalig pa rin ang ilang
mga heneral na maaaring dumating ang mga hukbong sasaklolo mula sa Estados Unidos
at bumalik na si Hen. MacArthur. Sa Corregidor huling nagtanggol ang mga nalalabing
kawal.
Nang bumagsak ang Bataan, nailikas na mula sa Corregidor si Pangulong Quezon at ang
kanyang pamilya kasama rin ang pangalawang Pangulong Sergio Osmeña Sr. nagtungo
sila sa Australia at nagtuloy sa Estados Unidos. Nagsilbing himpilan niya ang Corregidor
upang mapangalagaan siya sa mga Hapones. Ginawa ring ospital ang isang bahagi ng
Corregidor upang ang mga sugatang heneral at mga opisyal ay maalagaan. Pagkaraang
mapabagsak ang Bataan, ibinaling ni Hen. Homma ang kanyang buong puwersa sa
Corregidor. Binomba ito araw at gabi at pinalibutan ng hukbong pandagat. Ang mga
gusali sa loob ng isla ay natupok. Ang mga nalalabing armas at mga kagamitan ay
nawasak. Sapagkat ang Corregidor ay isang isla, walang maaring maurungan ang mga
sundalo. Napilitang sumuko ang mga sundalo.
Matapos sumuko ni Hen. Wainwright, dinala siya sa Maynila upang basahin sa radyo KZRH
ang kautusan sa lahat ng kumander sa buong Pilipinas upang sumuko sa mga Hapones.
Sinunod ang kautusang ito ng lahat ng mga nakabababang mga opisyal.
Subalit ang mga Pilipino sa ibang pulo, ay nakipaglaban pa rin gaya ng Panay, Cebu at
Mindanao isinuko ni Hen. William F. Sharp Jr, kumander ng mga puwersa sa Visaya at
Mindanao,ang mgabahaging ito noong Mayo 10, 1942.
34
kabundukan at nagtatag sila ng pangkat gerilya at patuloy na nakipaglaban sa mga
Hapones. Dahil para sa sa kanila hindi pa tapos ang laban.
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga pangungusap at piliin sa loob ng panaklong ang
tamang sagot. Isulat ito sa inyong sagutang papel.
( Bataan , Corregidor )
35
Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot
1. Sa iyong palagay, bakit hindi lahat ng mga sundalong Pilipino sumunod sa utos ni Hen
Wainwright na sumuko sa mgaHapones?
2. Ano ang katangiang ipinakita nila sa hindi pagsunod sa pagsuko sa mga Hapones?
Katangian ng mga
Sundalong
Pilipino
36
B. Bilang kabataang Pilipino, paano mo maipakita ang iyong pagpapasalamat sa mga
sundalong Pilipino lumaban sa mga Hapones? Isulat ang iyong sagot sa loob ng puso
(Magbigay ng dalawa).
1.
2.
A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat sa sagutang papel ang
titik ng tamang sagot.
37
3. Kailan isinuko ni Hen. William F. Sharp ang puwersa ng Visayas at Mindanao?
A. Enero 2, 1942 C. Mayo 6, 1942
B. Abril 9, 1942 D. Mayo 10, 1942
5. Matapos sumuko ni Hen. Wainwright, saan siya dinala upang ipahayag sa radio ang utos
na lahat ng sundalo ay sumuko sa mga Hapones?
A. Panay C. Cebu
B. Mindanao D. Maynila
B. Tama o Mali. Isulat ang Tama kung ang ipinahahayag sa pangungusap ay wasto at Mali
kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
38
Panuto: Isulat ang tsek () sa sagutang papel kung dapat gawin sa panahon ng digmaan o
kahirapan. Lagyan ng ekis (X) kung hindi.
10. Magtago sa lugar kung saan ikaw at ang iyong pamilya ay ligtas.
39
40
41
42
43
Alvenia P. Palu-ay. Makabayan Kasaysayang Pilipino, Batayang Aklat sa Ikalimang Baitang
Quezon City: LG & M, 2006, 180-194.
Eleanor D. Antonio, et al., Makabayan 5 Manila, Philippines: Rex Printing Company, Inc.,
2004, 354-355
Estelita B. Capiña and Gloria P. Barrientos. Pilipinas: Bansang Malaya, Batayang Aklat
Heograpiya, Kasaysayan at Sibika Quezon City: SD P ublications, Inc., 2000, 164-
168.
Florencia C. Domingo, Ph.D. et al., Pilipinas: Isang Sulyap at Pagyakap, Batayang Aklat sa
Araling Panlipunan 1 Makati City: EdCrisch International, Inc., 2006, 206-210.
44
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: