You are on page 1of 26

6

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Pagbabahagi ng Isang
Pangyayaring Nasaksihan
Filipino – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Pagsasabi ng Paksa/Mahalagang Pangyayari sa
Binasang/Napakinggang Sanaysay at Teksto.
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Melona P. Dela Cruz
Editor: Lilibeth D. Meliton
Tagasuri: Susan J. Quistadio
Junry M. Esparar
Celestino S. Dalumpines IV
Tagaguhit: Jonard A. Villarde and Jeffrey P. Julian
Tagalapat: Jeson A. Telesforo
Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma
Salvador O. Ochavo, Jr.
Elena P. Gonzaga
Jerry A. Oquindo
Segundina F. Dollete
Shirley A. De Juan
Merlie J. Rubio

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region VI


Office Address: Duran Street, Iloilo City
Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653
E-mail Address: region6@deped.gov.ph
6

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Pagbabahagi ng Isang
Pangyayaring Nasaksihan
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 6 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Pagbabahagi ng Isang Pangyayaring Nasaksihan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka at
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 6 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Pagbabahagi ng Isang Pangyayaring Nasaksihan!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa huling bahagi ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang


marka o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Pagbati mahal na mag-aaral. Sa muli ako si Kokoy!


Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat na
isinaalang-alang ang inyong kakayahan.
Makatutulong ito upang mabatid ninyong maaigi
ang kaalaman tungkol sa pagbabahagi ng isang
pangyayaring nasaksihan sa pamamagitan ng mga
sitwasyong ibibigay. Ang mga wikang ginamit ay
ayon sa antas ng pang-unawa ng mag-aaral. Ang
aralin ay inihanay sa pamantayan ng kagawaran.

Ngayon ay magpapatuloy tayo sa paglalakbay


patungo sa pagbabahagi ng isang pangyayaring
nasaksihan sa pamamagitan ng pagkakaroon
ng kaisipan hinggil sa maikling kathang
kinapapanabikang malaman sa susunod na
pahina.
Pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-
aaral ay inaasahang:
• nakababahagi ng isang pangyayaring
nasaksihan (F6PS-IIh-3.1)

1
Subukin

Kaibigan subukin natin ang talas


ng isip mo. Maraming pagbabago
ang nagaganap ngayong “new
normal”. Pag-aralan ang makikita
sa larawan. Sumulat ng
pangungusap ng pangyayaring
nasasaksihan na kaugnay ng
makikita sa ibaba.

2
Aralin
Pagbabahagi ng Isang
1 Pangyayaring Nasaksihan

Maraming pangyayari sa iyong paligid ang nakikita mo sa araw-araw. Sa


araling ito, masusubukan ang iyong kakayahan sa pagbabahagi ng isang
pangyayaring iyong nasaksihan.

Balikan

Natatandaan mo pa ba ang tinalakay


natin sa modyul 1? Sige tingnan nga
natin. Basahin ang talaarawan na
inihanda at sagutin ang mga tanong
sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

3
15 Marso, Linggo
Sabay-sabay kaming magpamilya na nagsimba. Buong puso akong
nanalangin na sana’y sa darating na pagtatapos ay magkaroon ng magandang
resulta ang aking pagsusunog ng kilay sa pag-aaral.

16 Marso, Lunes
Aalis na ako patungong paaralan nang tumawag ang aking kaibigan na wala
kaming pasok dahil sa COVID19. Nakinig ako ng balita at doon ko nalaman na
isinailalaim ang buong bansa sa total lockdown.
17 Marso, Martes

Hindi ako nakasama sa Inay na magtinda sa palengke dahil bawal lumabas


ang nasa edad 20 pababa kaya naglinis na lang ako ng bahay.
18 Marso, Miyerkules
Nagtext ang aming guro na hindi muna matutuloy ang aming pag-eensayo sa
nalalapit na pagtatapos dahil nga isinailalim ang bansa sa lockdown at bawal
lumabas.

19 Marso, Huwebes

Nalulungkot man dahil matagal-tagal pa kaming makababalik ng eskwela at


magkikita-kitang magkaklase ay nagpapasalamat pa rin ako sapagkat nasa mabuti
kaming kalagayan at hindi nagkakasakit. Nababahala man ako sa kasalukuyang
nangyayari sa buong mundo na dumarami ang kaso ng nagkakasakit dala ng virus
ngunit hindi pa rin ako tumitigil sa pagdarasal na matapos na ang pandemya sa
lalong madaling panahon.
Sariling Katha: Melona P. Dela Cruz

4
Mga tanong:

1. Ano ang nakita ni Ria sa ilalim ng kaniyang kama?


2. Saan pumunta ang pamilya noong araw ng linggo?

3. Ano ang naging aksiyon ng gobyerno upang maiiwas ang mga tao sa virus?

4. Bakit ganoon na lamang ang pag-aalala ni Ria sa kasalukuyang pandemya?


5. Kung ikaw si Ria, ano ang iyong gagawin upang makatulong na hindi tumaas ang
bilang ng mga nagkakasakit dulot ng COVID19?

Mga Tala para sa Guro

Ito ay panimulang pagtatasa lamang. Maaaring itala ang iskor


para matukoy ang kahinaan ng mag-aaral.

5
Tuklasin

Sa araling ito ay matututuhan mo ang


pagbabahagi ng isang pangyayaring
nasaksihan. Ito ay ang pag-uulat kung
paano, kailan at kung kailangan o di
kailangang ibahagi ang sitwasyon.
Maaaring makuha ang impormasyon
sa nabasa, nakita o napakinggang
pangyayari.

Basahin ang editoryal sa ibaba at sagutin ang mga katanungan. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Nahuli ang Sana’y Inuna!

Lubhang masalimuot ang dulot ng COVID-19 hindi lamang sa


kalusugan ng tao kundi maging sa pamamahala ng bansa. Sa kasagsagan ng
pakikipaglaban sa naturang nakamamatay na sakit, naturingan ang bansang
Pilipinas bilang bansang nakararanas ng may pinakamatagal na lockdown sa
buong mundo na siyang umani ng samu’t saring pagbatikos sa pamahalaan.
Kasunod nito ang sunod-sunod na problemang naidudulot sa
ekonomiya. Karamihan sa mga kababayan natin ngayon ang nawalan ng
trabaho at humihingi ng tulong para makauwi ng probinsiya. Siksikan ang
mga ospital ng mga dumaranas ng sakit at mga pagod na frontliners.
Maraming mga magulang ang pinoproblema ang pambili ng gadyets para sa
mga anak na mag-aaral sa nalalapit na pasukan.

6
Sa kabilang dako, habang lumalala ang sitwasyon ng bansa,
bumulaga ang balitang pagpapa-rehabilitate ang Department of Natural
Resources (DENR) sa Manila Bay.
Ayon sa ulat, nanggaling pa sa Cebu ang tone-toneladang puting
buhangin na nagmula sa giniling na dolimite, isang uri ng bato, ang
itinambak sa Manila Bay.
Nagsimula ang naturang planong pagpapaganda at pagpapalinis sa
Manila Bay noong 2018. Upang masiguro ang pagpapabalik ng kagandahan
nito ay pinondohan ang naturang proyekto ng P389 milyon. Dagdag ng
DENR na noong nakaraang taon pa ito pinalano subalit ngayon lamang
naisagawa.
Hangad ng ating pamahalaan na mapanatiling maganda at malinis
ang mga makasaysayang lugar sa ating bansa subalit ang gawin ito sa gitna
ng kinakalabang krisis ay nagdulot ng hindi magandang imahe sa
gobyerno. Umani ito ng batikos sa nakararami sa kadahilanang bakit hindi
na muna lamang ito ipagpaliban at ilaan ang pondo sa mas
nangangailangan ng tulong?
Ganito na nga ba talaga ka lubha ang bansa? Na ang sana’y P389
milyon na pondo para sa beautification ng Manila Bay ay marami ng
mapapauwi sa probinsiya. Dahil dito, hindi lamang ang pangkalusugang
suliranin ang kinakaharap ng marami. Maraming mga magulang ang
natulungan para hindi problemahin ang pambili ng gadyets para sa
blended learning. Marami ang mapapakain, mabibigyan ng ayuda upang
hindi na gumawa ng kasamaan ang mga nawalan trabaho. Ngunit ang
lahat ng ito ay naging sana dahil hinuli ang sana’y inuna!
Sariling Katha: Melona P. Dela Cruz

Mga tanong:

1. Anong proyekto ng DENR ang ipinagpapatuloy kahit may pandemya?

2. Bakit itinuloy ng ahensya ang pagsasakatuparan ng nasabing proyekto?

3. Nakatulong kaya ang proyektong ito sa paglutas sa kinakaharap na krisis


ng bansa? Bakit?

4. Para sa iyo, ano ang nararapat na gawin ng pamahalaan upang matugunan


ang problema ng mga mamamayan?

7
5. Kung ikaw ang isa sa mga pamilya na naapektuhan ang pamumuhay dahil
sa COVID19, sang-ayon ka ba o hindi sa isinasagawang hakbang ng ahensiya
ng DENR na ipagpatuloy ang rehabilitasyon sa Manila Bay gayong alam mo na
makabubuti rin ito sa kalikasan?

6. Sa kalagayan ngayon ng buong mundo na humaharap sa kinakalabang


krisis, ano ang maitutulong mo upang mabawasan ang paglala ng sitwasyon at
paghihirap ng mga tao? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Suriin

Alam mo ba na ang pagkakaroon mo ng


kaalaman at kamalayan sa mga
nangyayari sa iyong paligid ay
napakahalagang bagay upang
maibahagi mo ang iyong karanasan
hinggil sa mga bagay na nasasaksihan?
Maibabahagi ang isang pangyayaring
nasaksihan batay sa kung ano ang
nakita, nabasa o naranasan.
Maibabahagi mo ito sa pamamagitan ng
pasalita o pasulat na paraan.

Pasulat:
• Basahing mabuti at unawain ang nakalahad sa bawat sitwasyon.
• Suriin kung ano ang mga kaganapang nangyayari nang masagot ang
katanungan.

Pasalita:
• Suriing mabuti ang pangyayaring nasaksihan bago mo ibahagi. Kung ito
ay iyong naranasan na, maaari mong gamitin ang iyong sariling
karanasan para maiugnay dito at maibahagi nang naaayon sa iyong
niloloob.

8
Halimbawa:

Isa ka sa tagasubaybay ng mga programang ipinasara sa panahon ng


pandemya. Nang ipasara ito ay nakaramdam ka ng lungkot at galit dahil
para sa iyo ay hindi nabigyan ng patas na pagdinig sa senado ang isyu ng
franchising. Bilang isang tagahanga ng ng network na yaon ano kaya ang
maaaring mangyari sa mga empleyado ng kompanya na nawalan na ng
trabaho batay na rin sa mga napapanood at naririnig mo sa mga balita sa
radio at telebisyon?

Maaaring napapaisip ka na magiging kawawa ang mga emplayado dahil nga


wala na silang trabaho. Wala na silang gagamiting pera na panggastos para sa
kanilang pamilya. Madaragdagan na naman ang bilang ng mga Pilipinong
nawalan ng trabaho.
Kung kagaya nito ang iyong naging opinyon, ibig sabihin lamang ay naging
mapanuri ka sa pangyayaring iyong nasaksihan kaya nakalahad ka ng isang
maayos at konkretong ideya.
Sa pagbabahagi ng isang pangyayaring nasaksihan o naranasan gumagamit
ka ng mga salitang kawili-wili upang maging maganda sa pandinig ng
tagapakinig. Kung ito naman ay iyong isinusulat, gumagamit ka ng malaking
titik at mga bantas. Naisasaayos mo nang wasto ang pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari batay na rin sa nabasa o nakita.

Pagyamanin

Gawain 1

Magbahagi o magkuwento ng isang pangyayari na iyong nasaksihan tungkol sa


larawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_______________
1. _______________
_______________
_______________

9
2.
_______________
_______________
_______________
_______________

3.
_______________
_______________
_______________
_______________

4.
_______________
_______________
_______________
_______________

_______________
5. _______________
_______________
_______________

10
_______________
6. _______________
_______________
_______________

_______________
7. _______________
_______________
_______________

8. _______________
_______________
_______________
_______________

9.
_______________
_______________
_______________
_______________

11
10. _______________
_______________
_______________
_______________

Gawain 2

Buoin ang Story Train. Itala ang pagkasusunod-sunod ng mga kaganapang


iyong napansin o nasaksihan simula pagkagising sa umaga, pagdating ng
tanghali at pagsapit sa gabi. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

umaga tanghali gabi

Gawain 3
Suriing mabuti ang bawat larawan. Mula sa mga ito, pumili ng tatlo na iyo
nang naranasan at magbahagi ng iyong mga nasaksihan tungkol dito. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. 2.

12
3. 4.

5.

Isaisip

A. Punan ang sumusunod na talahanayan.

Ano ang iyong mga natutuhan? Gaano ito kahalaga?

B. Kompletuhin ang mga sumusunod:

Mahalagang matutuhan kung paano maibabahagi ang mga


pangyayaring nasaksihan sapagkat ____________________________________
__________________________________________________________________.

13
Isagawa

Basahin ang diyalogo. Kung ikaw ay nasa ganitong sitwasyon sa ibaba, paano
mo bubuoin ang usapan nang naaayon sa pangyayaring nasaksihan. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.

Araw ng Sabado, Hulyo 1. Ipinagdiwang ni Fe ang kaniyang ika-11 na


kaarawan. Halos lahat ng kaniyang kamag-aaral ay dumalo sa nasabing
okasyon.
Lorena: Maligayang kaarawan Fe! Ang dami mo palang bisita.
Fe: Salamat Lore! Halika at ipakikilala kita sa mga kaklase ko.
Ipinakilala ni Fe si Lorena sa kaniyang mga kaklase bilang kaniyang
kababata.
Fe: _______________________________________________________________________.
Ryan: Hi, kamusta ka Lorena?
Lorena: Mabuti naman. Kumusta ang party ni Fe?
Juvey: __________________________________________________________________.
Melvin: Busog na busog nga ako. ______________________________________.
Fe: Salamat naman at nabusog kayo.
Lowela: _________________________________________________________________.
Meryl: Uy, tingnan ninyo, may payaso pa!
Erno: ____________________________________________________________________.
Lorena: Ang babait naman ng mga kaklase mo Fe.
Fe: ________________________. Halika at manood tayo kasama nila.

14
Tayahin

Ang galing naman


napagtagumpayan mo na naman
ang mga Gawain. Tiyak kong
malayo na ang mararating mo.
Tayahin na tayo pagbutihin mo ha?

Sumulat ng isa o dalawang talata na nagbabahagi ng pangyayaring iyong


nasaksihan batay sa mga paksa sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

A. Mga makabuluhang gawain sa loob ng bahay habang naka-lockdown.

B. Mga pagbabagong nagaganap sa tinatawag na new normal.

C. Preparasyong ginagawa sa darating na pasukan.

D. Pagbibigay ayuda ng gobyerno sa mga mamamayan sa ilalaim ng


programang Social Amelioration Program o SAP.

E. Pagbabawal ng angkas sa motorsiklo.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

15
Karagdagang Gawain

Dala ng sakit na COVID, ang problema sa kalusugan at kahirapan sa buhay ng


mga Pilipino. Dahil sa pandemyang ito, nagsimula ang tinatawag na “new
normal”. Bilang isang mag-aaral paano ka makatutulong upang maiwasan o di
kaya’y mabawasan ang bilang ng mga nagkakasakit at naghihirap? Sumulat
ng limang (5) paraan o hakbangin na maaari mong gawin. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Tala para sa Guro


Iwawasto ng guro ang posibleng sagot ng mag-aaral.

Nasagot mo ba nang tama ang mga


tanong? Binabati kita dahil natapos mo ang
lahat ng pagsubok sa ating paglalakbay.
Batid kong naging masaya ka sa ating
paglalakbay kaya naman sa susunod mong pag-
aaral, asahan mong ako ay iyong makakasama
sa Modyul 3: Pagbibigay ng wakas sa
napakinggang Teksto.

16
17
Isaisip
A. Ang aking natutuhan ay kung paano ibahagi ang pangyayaring
nasaksihan maaaring pasalita o pasulat.
Mahalagang maging matapat sa pagbabahagi ng mga
pangyayari.
B. Mahalaga ito upang malaman ang mga katotohanan ng
pangyayari sa iyong nasaksihan.
Pagyamanin
Nakabatay ang sagot sa nasaksihang pangyayari ng bata.
Tuklasin
1. ang pagrehabilitate ng Manila Bay
2. dahil noon pa ito pinlano at ngayon lamang nasagaw
3. Maaaring iba-iba ang sagot ng mag-aaral batay sa pangyayaring
nasaksihan.
4. Maaaring iba-iba ang sagot ng mag-aaral batay sa pangyayaring
nasaksihan.
5. Maaaring iba-iba ang sagot ng mag-aaral batay sa pangyayaring
nasaksihan.
6. Maaaring iba-iba ang sagot ng mag-aaral batay sa pangyayaring
Balikan
1. ang kanyang talaarawan
2. nagsimba
3. isinailalim ang bansa sa lockdown
4. dahil dumarami na ang nagkakasakit (Maaaring tanggapin ang iba
pang sagot na may kaugnayan)
5. Maaaring iba-iba ang sagot ng mag-aaral batay sa pangyayaring
nasaksihan.
Subukin
Maaaring iba-iba ang sagot ng mag-aaral batay sa pangyayaring nasaksihan.
Susi sa Pagwawasto
18
Karagdagang Gawain
Maaaring iba-iba ang sagot ng mag-aaral batay sa pangyayaring nasaksihan.
Tayahin
Maaaring iba-iba ang sagot ng mag-aaral batay sa pangyayaring nasaksihan
Isagawa
Maaaring iba-iba ang sagot ng mag-aaral batay sa pangyayaring nasaksihan.
Sanggunian

• Most Essential Learning Competencies 2020 (F6PS-IIh-3.1


pah. 222)
• 2016 K to 12 Gabay Pangkurikulam Filipino (F6PS-IIh-3.1
pah. 123)
• Sariling Katha

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

20

You might also like