You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

National Capital Region


Department of Education
Division Of City Schools, Manila
SILAHIS NG KATARUNGAN SPECIAL SCHOOL
Paz Street, Paco, Manila

Pang-Distritong Pakitang-Turo sa Sining


IKAAPAT NA BAITANG

I. Layunin
1. Nakikilala ang iba’t ibang disenyo ng banig na hinahabi sa Pilipinas sa
pamamagitan ng mga larawan.

2. Natatalakay ang ilang halimbawa ng paglalala ng banig sa iba’t ibang lugar sa


Pilipinas

3. Nailalarawan ang iba’t-ibang disenyo ng banig sa piling lugar sa Pilipinas.

4. Nakalilikha ng isang disenyo ng paglalala gamit ang papel.

II. Paksang Aralin: Disenyo ng mga Banig na Hinahabi sa Pilipinas


A. Kagamitan: Mga Larawan, ginupit na mga papel, AVP, checklist
B. Sanggunian: ARTS 4, Quarter 4, Week 3, Module 3 pah.1-6

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Magbigay ng iba’t-ibang simbulo ng mga katutubo o pangkat etniko na ipinakikita
sa kanilang mga disenyo.
2. Balik-aral
Buuin ang jumbled letters na ito na ayon sa ating nakaraang aralin, upang
maiugnay sa mga larawan.

B-N-I-G-A

N-I-H-A-H-A-I-B

M-A-T N-I-W-E-G-V-A
3. Pagganyak
Pagkukuwentuhan ng mga naganap sa kanilang pagtulog kagabi.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Virtual Tour- Papasok si Teacher sa TV at doon nya tatalakayin ang mga uri
ng banig at kanilang pinagmulan.
Pagpapakita ng video lesson tungkol sa mga banig.
Pag-usapan ang mga banig na matatagpuan sa iba’t-ibang lugar at kung ano-
anong materyales na ginagamit dito.
2. Pagpapalalim sa Pag-unawa

Pagpapakitang muli ng mga larawan ng mga banig na yari sa iba’t ibang rehiyon.
Magkaroon ng open forum o talakayan ukol dito. Ilagay sa loob ng disenyong
banig ang inyong kasagutan sa tanong sa ibaba.
1. Alin sa mga disenyo ng banig ang pinakanagustuhan mo? Bakit mo ito
nagustuhan? Idikit ang iyong sagot sa larawan ng banig.

3. Paglalahat
Dahil sa likas na pagkamalikhain ng mga Pilipino ay nakagagawa ng mga
nakaka-akit na disenyo na naging daan upang makilala sa buong mundo. Ang
katangian ng kulay, disenyo at anyo ay mga likhang sining ng iba’t ibang pamayanang
kultural na nababatay sa kanilang paniniwala, tradisyon, at kultura.

C. Pangwakas na Gawain

1. Pagtataya
Bumuo ng 3 pangkat na may 5 miyembro. Ilala ang mga makukulay na papel upang
makabuo ng banig, Gamitin ang mga disenyong etnikong inihanda para sa grupo .
Sundin ang mga panuto sa paggawa ng banig.
2. Gawain sa Pagkatuto
Sagutin ang tseklis. Lagyan ng ang hanay ng napiling sagot sa bawat
sukatan.

IV. Takdang-Aralin
Pumili ng isang lugar sa ating bansa kung saan gumagawa ng banig. Magsulat
ng isang maigsing sanaysay ukol sa kung paano nakatutulong sa ating kultura
ang paggawa ng banig sa kanilang lugar.

Inihanda ni: Ginabayan ni:

Josephine L. Pama Rowena Corazon P. Muli


SPET-I DALUBGURO II

Binigyang-Pansin ni:
Arsebeth M. Pera
DALUBGURO I
Mrs. Myrna G. Soriano
Public Schools District Supervisor Pinagtibay ni:

Luis M. Anchillo
Education Program Supervisor in MAPEH Carol H. Salba
Punongguro I
Pandistritong

Pakitang-Turo
sa Sining
Ika-apat na Baitang

Josephine L. Pama
Gurong Magpapakitang Turo

You might also like