You are on page 1of 4

First Aid DANG: Ngayon na alam nyo na po ang tamang pagkuha ng presyon ng dugo.

Matutunghayan nyo po ngayon ay ang talakayan ukol sa pagbibigay ng paunang lunas sa mga hindi inaasahang pangyayari tulad ng kagat ng hayop o insekto, pagdurugo ng ilong, pagkasunog o paso at hiwa, pagkalason, nabulunan o nabilaukan at ang pagkawalang malay o ulirat. Bago po natin isa isahin kung paano ito, ANO nga po ba ang paunang lunas? Ang paunang lunas o First Aid ay ang madalian at mabilis na pansamantalang paggamot na ibinibigay sa naaksidenteng tao hanggang dumating ang isang propesyunal. Malaki ang naitutulong ng first aid upang protektahan ang buhay, pawiin ang sakit at upang maiwasan ang kapansanan. Kami po ay maghahandog ng isang maliit na dula dulaan upang maintindahan po natin ang pagbibigay ng paunang lunas sa bawat pangyayari. CASTRO: SCENE 1: KAGAT NG HAYOP O INSEKTO CINCO: (Sumisigaw) ARAAAAYYYY! (Tumatakbo papunta kay gaile) Tulungan nyo po ako!! GAILE: Iho, ano ang nagyari sa iyong binti? CINCO: Nakagat po ako ng aso sa may kabilang kanto. GAILE: Kilala mo ba ang may ari ng aso? Gaano na katagal ang kagat bago ka sumangguni dito? Tara at maupo ka nang magamot ka na. CINCO: Pinsan ko po ang may ari ng aso. Mga wala pa pong 10 minuto ang nakakalipas. CASTRO: Ang kagat ng anumang hayop o insekto ay dapat na bigyan agad ng pansin. Tanging ang manggagamot lamang ang makakagamot at nakakaalam ng pangganib ng tetanus o rabies: (GAILE HABANG NAGSASALITA SI ATE IKAW AY NAGAACTING NA) CAS: Unang Hakbang: Kontrolin ang pagdurugo 2 Hakbang: Hugasang mabuti ang sugat ng sabon at tubig 3 Hakbang: Lagyan ng benda o gasa ang apektadong lugar 4 Hakbang: Isangguni sa manggagamot DANG: SCENE 2: Pagdurugo ng ilong DANG: Ang kadalasan na sanhi ng pagdurugo ng ilong ay mula sa pagkaputol ng maliliit na ugat sa loob ng ilong. Ito ang karaniwan sa mga batang na may edad 3-10. Ang pagdurugo ng ilong ay kusang titigil at maaring gamutin sa bahay. SANHI NG PAGDURUGO NG ILONG: - Madalas o malakas na pagsinga o pagubo - Pangkaraniwang sipon - Pagkalikot ng ilong - Allergies - Sobrang lamig o sobrang tuyong hangin

ALDRIN: Mama!!! Nagdurugo yung ilong ko! GAILE: Anak ano ang ginawa mo at biglang nagdugo ang ilong mo? ALDRIN: Mama naglalaro lang po ako ng jolen sa labas tas biglang may pumatak sa ilong ko. =( GAILE: Tara dito anak at maupo ka. DANG: 1. Manatilihing kalmado at Bantayan ang bata 2. Hayaang nakaupo ang bata na nakayuko ng bahagya; Huwag papasandalin ang bata dahil ang dugo ay maaring pumunta ang dugo sa may lalamunan at maaring magdulot ito ng pagsusuka o pagubo. 3. Pisilin ang bandang ilalim na mabutong bahagi ng ilong gamit ang hinlalaki at hintuturo, o gamitan ng tissue o malinis na tela. Panatilihing ang ganitong posisyon hanggang 10-15 minuto (Hayaang huminga ang bata sa bibig.) 4. Lagyan ng yelo ang bahagi ng ilong. 5. Hayaang makapahinga nag bata pagkatapos ng pagdurugo ng ilong. Pagbawalan suminga, pagkalikot & pagkamot sa ilong, bawalan maglaro o magbuhat ng mabibigat na bagay. 6. Para sa susunod na 24 oras, siguraduhin ang ulo ng bata ay mas mataas sa lebel ng puso. TUMAWAG NG DOKTOR KAPAG ANG BATA AY: - Madalas ang pagdurugo ng ilong - Pagmeroong naipasok na bagay sa ilong - Mabilis magpasa o malakas na pagdurugo sa maliit na sugat - Pag gamit ng bagong gamut SHY: Scene 3: Pagkasunog o paso at hiwa SHY: A. SANHI NG APOY O INIT 1. First Degree Burn- pamumula at sobrang pananakit ng balat 2. Second Degree Burn- pamumula, pamamaga & pamamaltos ng balat 3. Third Degree Burn- balat ay namumuti, tuyo at di gaanong masakit Lapatan o bigyan ng agarang atensyong medical kapag: - may paso sa mukha, kamay, mata, paa o maselang bahagi ng katawan mahigit sa 10% ng katawan ang napaso may 3rd Degree burn ang biktima ay maaring 14 taong gulang pababa o 65 gulang pataas

ARNOLD: Babe, okay na ba yung pinakuluang mo

na tubig? Malalate na ksi ako sa work ee. ABASTA: Babe, kunin mo nlng sa may kalan kulong kulo na yun. ARNOLD: (Lakad- Kuha-Mabibitawan sa may arms) WAHHHHHH! Arayyyyyy!! BABBBEEE! AB: Babe bakit mo agad binuhos sa sarili mo? Late na late ka na ba sa trabaho? Tara dito at gagamutin kita. SHY: 1. Huwag gagamit ng anumang ointment sa bahaging napaso. 2. Palamigin ang bahaging nasunog sa pamamagitan ng tubig hanggang huminto ang pananakit. 3. Kung malaking bahagi ng katawan ang napaso, di ito kinakailangan lagyan ng malamig na bagay dahil maaring sobrang bumaba ang temperature ng katawan. 4. Alisin o putulin ang damit na nakalaylay sa tabi ng bahaging nasunog. Huwag piliting tanggalin ang damit na nakadikit sa balat na nasunog. 5. Tanggalin ang alahas bago pa magsimula ang pamamaga ng bahaging napaso 6. Takpan ang napasong bahagi ng isang tuyo, malinis at maluwag na benda. 7. Takpan ng malinis na kumot para di malamigan. ARNOLD: (naglilinis ng cr gamit ang muryatic acid- Brush brushh- careless-buhos again sa kamay. So careless) ARRRAAAAYYY! Babyyyyyyyy ang balat koooo! Siraaa na! AB: Ano nanaman ang nakapaso sayo?? ARNOLD: Ito oo. (Sabay bigay ng muryatic acid) AB: Ohhh nooo. SHY: - Alisin ang natuyong kemikal Alisin ang damit na nalagyan ng kemikal Linisin ng dumadaloy na tubig ang bahaging napaso sa loob ng 15-30 minuto Palitan ang kasuotan Takpan ng malinis na benda ang apektadong bahagi

Kung ang dugo ay malakas o mahirap pahintuin. Kung ang biktima ay nakakaramdam ng matinding pananakit o may malalang sugat.

*Dalhin KAAGAD sa malapit na pagamutan kung makikita ang mga nabanggit. Pagkatapos ay gawin ang pangunahing lunas: ABASTA: Makapaglinis na nga ng bakuran. Ang haba na ng talahib ee. Babe asan yung itak? ARNOLD: Bakt babe? Aanhin mo? AB: Lilinisin ko bakuran natin kasi bibisita mama mo bukas e. AR: Ahh. Sipag talaga ni babe!! (Sabay kiss. Joke. Sabay kurot sa pisngi) Anduun sa may ilalim ng gripo. AB: Okay. (KuhaCut cut) Lalalalallalalaa....... ( HIWAA sa kamay) ARRRAAYYY. Nakooo magamot na nga baka matetano pa ko. SHY: 1. Manatiling kalmado kapag lalo na ang biktima ay bata. 2. Pahintuin ang pagdurugo. Diinan gamit ang malinis na tela , benda o gasa. Kung napuno na ito ng dugo palitan ng panibagong benda at ipagpatuloy ang pagdiin. 3.Kung maari, Itaas ang sugat na mas mataas sa lebel ng puso. 4. Balutan ng benda para hindi matanggal ang nilagay na gasa. Kung itoy puno na ng dugo dagdagan ang gasa sa ilalim ng benda. 5. Sigoraduhin na ang tinawag na tulong ay paparating na. CASTRO: Scene 4: pagkalason (Sanhi ng kagat ng ahas o insekto, pagkalanghap o paginom ng lason o pagkapit sa balat ng mga halamang nakakalason) CINCO: (Baby ka. Gapang gapang.. dampot ng bote.. lagok..deads) ABASTA: (walis waliss- Tingin kay sinko- iyak!) ANAKKKKKK. Ano nangyari sayo? Tulongggg! GAILE: Mare, ano nangyare? AB: Nakainum ng gaas yung anak ko. Nalingat lng ako na sandali tapos nakita ko ganito na sya. G: Mare tara sa BHC. Madali!! (punta kay aldrin) G: Ginoo tulungan nyo po kami, nakainom po sya ng gaas. AL: Nakoo. Madali Ipasok mo sya dito. (Hihiga) CASTRO: Alisin ang biktima sa lantad na lugar Alamin kung may ulirat o wala Alamin ang sirkulasyon at paghinga

SHY: Ang hiwa ang malala kung: - Ito ay malalim o malaki at patuloy nitong pagdurugo, kahit na pagkatapos itong diinan at lagyan ng benda ay maari paring mapuno ng dugo ang. Ito ay galing sa kagat ng hayop Ito ay may bahagyang o tuluyang pagkaputol ng bahagi ng katawan Bagay na malalim na bumaon sa sugat

ng biktima Tumingin sa lalagyan ng nainom kung may direksyon itong pang unang lunas at sundin ang nakasulat ditto Tumawag agad sa pinakamalapit na Poison Ceneter o Ospital at ihanda ang mga detalyeng ibibigay tulad ng kamalayan ng biktima o sanhi ng pagkalason Huwag bibigyan ng anumang inumin hanggat di sinasabi ng manggagamot Dalhin sa ospital ang biktima kung kinakailangan

2. Yakap ang biktima mula sa likuran, ipuwesto ang nakasarang kamay (Fist) sa dakong sikmura nito (Navel). 3. Diinan ang tiyan at mabilis na itulak pataas. 4. Ulitin hanggang maalis ang bagay na nakabara. C. KUNG ANG BIKTIMA AY DI NA KUMIKILOS O NATAGPUANG DI KUMIKILOS 1. Humingi ng saklolo o tumawag ng tulong 2. Habang nakataas ang mukha ng biktima, hayaan itong makasagap ng hangin 3. Hanapin ang nakabarang bagay & tanggalin ito. Huwag kapain ng daliri kung hindi kita ang nakabarang bagay. 4. Siguraduhin ang daanan ng hangin ay hindi barado hanggang dumating ang tulong medical. SHY: Scene 6: Walang malay o ulirat ABASTA & GAI: Kanta ng pangchurch.. Gaile: Uyy ate okay ka lng ba? Parang namumutla ka? AB: HINIMATAY NA. Galie: ATee... 1. SHY: Tingnan ang tibok ng puso o galaw ng dibdib. 2. Pakinggan ang paghinga. Ilapit sa dibdib ang tainga upang malaman kung humihinga. Kung ito ay humihinga ngunit malala ang pinsala nito, huwag itong galawin. Kung ito ay walang malay ngunit humihinga at di apektado ang ulo at leeg, idapa ang biktima. 3. Alamin ang kalagayan ng kamalayan ng biktina: Tapikin nang bahagya ang biktima. Tanungin nang malakaa, okay ka ba? Humingi ng saklolo upang ipaalam ang pangyayari Kung sa palagay ay may pinsala ang ulo o leeg, huwag galawin ang biktima kung hindi kinakailangan.

B. Sanhi ng Tingga o Lead Ang tingga o lead ay isang uri ng metal na kulay asul-abo na minimina sa lupa. Ito ay maaring matagpuan sa ating kapaligiran. Karamihan nito ay nanggagaling sa pagsunog ng fossil fuel, pagmimina o sa mga pagawaan. Palatandaan ng pinsala: Pananakit ng lalamunan Pagsusuka Kombulsyon Pananakit ng sikmura Pagkawala ng malay

LUNAS: - Piliting palabasin ang nalulon nito kapag ang pagkalason ay malubha Painumin ng maraming gatas at pasukahing muli

DANG: Scene 5: Nabulunan o Nabilaukan KUMAKAIN ANG BOYS: Mabubulunan si Arnold. (adlib na kayo. Kunyare pare okay ka ba?) A. KUNG ANG BIKTIMA AY NAKAPAGSASALITA O UMUUBO - Piliting umubo para mailabas ang nakabara Huwag hahampasin ang likod ng biktima Kung patuloy ang pag-ubo, isangguni na sa manggagamot

B. KUNG ANG BIKTIMA AY DI MAKAPAGSALITA AT DI UMUUBO NGUNIT MAY MALAY Tanungin mo, Nabulunan ka ba? Kung OO ang sagot: 1. Mula sa likuran, ilusot ang braso sa baywang ng biktima.

5. Kung nawalan ng malay, itihaya ang biktima 6. Upang magkaroon ng daanan ng hangin, ihiga na nakataas ang ulo.

You might also like