You are on page 1of 14

5

Edukasyon sa Pagpapakatao
Kwarter 2 – Modyul 5:
Kapakanan Ko Ipapaubaya ko Para sa
Kabutihan Mo
Edukasyon sa Pagpapakatao – Baitang 5
Kwarter 2 – Modyul 5: Kapakanan ko Ipapaubaya ko Para sa Kabutihan Mo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Walang aangkin ng


anumang akda na gawang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan munang
humingi ng pahintulot mula sa ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay gagamitin upang pagkakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang karapatang –ari ng mga hiniram na kagamitan (tulad ng awit, kuwento, tula,
larawan,ngalan ng produkto,tatak atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay taglay ng may-
akda at ng taga paglathala nito. Ginawa ang lahat ng paraan upang mahanap at
makuha ang pahintulot ng may -akda upang magamit ang nabanggit na kagamitan.
Hindi kinakatawan o kaya ay maging inaangkin ng tagapaglathala at ng mga may-
akda ang karapatang-ari sa mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul


Manunulat: Eden V. Sentillas
Editor: Rechie O. Salcedo at Joselyn C. Sayson
Tagasuri ng Nilalaman: Alex B. Botor
Gumuhit ng Larawan: Alex Zeus J. Botor
Nagdisenyo ng Pahina: Rowel C. Luceña
Panimula

Magandang araw Kid! Kumusta ka na?

Paano mo ipinakikita ang


pagmamalasakit sa iyong kapwa?

Kaya mo bang magpaubaya para sa


kapakanan ng iba?

Layunin

➢ Sa modyul na ito ikaw ay inaasahang nakapagpapaubaya ng pansariling


kapakanan para sa kabutihan ng kapwa.

Talasalitaan

Gagabayan ka ng mga salitang ito upang lubos mong maunawaan ang aralin
sa modyul na ito:
kapakanan- kaligtasan, kabutihan
pagpapaubaya – pagbibigay ng kusa o bukal sa loob kahit pa mawalan para sa
kabutihan ng iba
kabutihan-hango sa salitang –ugat na buti na nangangahulugang kabaitan,
kaaya-aya at kaayusan.
nasalanta- nasira

3
T Paunang Pagsubok

Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon at piliin ang sagot na


nagpapahayag sa pagpapaubaya ng sariling kapakanan para sa kabutihan ng
kapwa. Piliin at isulat ang titik ng iyong kasagutan.

1. Si Ana at Carla ay matalik na magkaibigan at magkaklase sa ikalimang


baitang. Oras ng recess, agad inilabas ni Ana ang kanyang baong tinapay.
Napansin ni Ana na walang baon si Carla. Kung ikaw si Ana, ano ang gagawin
mo?
A. Bibigyan ko siya ng aking baon
B. Pagtatawanan ko siya
C. Hindi ko siya papansinin
D. Bibigyan ko siya ng perang pambili ng pagkain

2. Nakaramdam ng gutom si Carlo habang siya ay pauwi galing sa paaralan


kung kaya’t bumili siya ng pansit sa karinderya upang kainin pagdating sa
kanilang bahay. Sa kanyang paglalakad ay nadaanan niya ang isang pulubi
na nang hihingi ng pagkain.. Ano ang dapat gawin ni Carlo?
A. Dadaanan lamang niya ang pulubi
B. Ibibigay niya ang pansit sa pulubi.
C. Tatakbuhan niya ang pulubi
D. Babatuhin niya ang pulubi.

4
3. Habang nakasakay sa bus ay napansin ni Dave ang nakatayong matanda na
nakakapit sa bandang likuran ng kanyang upuan.Wala na itong maupuan
dahil sa dami ng pasahero. Kung ikaw si Dave , ano ang gagawin mo?
A. magtutulog-tulugan siya
B. Kakalungin niya ang matanda
C. Ibibigay niya ang kanyang upuan sa matanda.at tatayo na lang siya.
D. Hindi niya papansinin ang nakatayong matanda

4. Kabilang ang inyong pamilya sa nasalanta ng bagyo. Naubos ang lahat ng


mapagkukunan ng inyong ikabubuhay kung kaya hirap na hirap kayo at
talagang nakakaawa. Subalit higit na nakakaawa ang inyong kapitbahay na
si Aling Maring dahil biyuda na siya at naiwang may apat na maliliit na anak.
Wala silang makain. Ano ang gagawin mo?
A. Bibigyan ko sila ng pagkain kung ano man ang mayroon kami.
B. Pababayaan ko lang sila
C. Bibigyan ko sila ng damit
D. Aaalagaan ko ang kanyang mga anak.

5. Nagbakasyon sa probinsiya si Carla. Niyaya siya ng kanyang kaibigan na


maligo sa ilog subalit muntik na siyang malunod. Bilang kaibigan ni Carla,
ano ang gagawin mo?
A. Hihingi ako ng tulong.
B. Sasagipin ko siya sa pagkalunod manganib man ang aking buhay.
C. Titingnan ko na lamang siyang malunod.
D. Sisigaw ako ng malakas

5
T Paglinang ng Kaalaman

Basahin at unawain ang bawat sitwasyon sa ibaba.

1. Dahil sa kahirapan ay kusang sinabi ni Adrian sa mga magulang na titigil na


muna siya sa pag-aaral upang ang ate na muna niya ang magpatuloy at
makapagtapos ng pag-aaral. Saka na lamang siya magpapatuloy ng pag-aaral kung
tapos na ang kanyang ate.
2. Buong pusong ibinigay ni Carl ang kanyang baong tinapay sa isang batang
lansangan dahil napansin niyang ito ay gutom na gutom.Uminom na lamang siya ng
tubig.
3. Inabot ng malakas na ulan habang naglalakad pauwi galing sa paaralan ang
magkapatid na Andrew at Cyril. Maliit lamang ang payong na dala nila kung kaya
sinabi ni Andrew na si Cyril na lang ang gumamit ng payong at magpapaulan na lang
siya.
4. Napansin ni Alex na parang may hinahanap ang isang babae na naiiyak at
pababalik -balik sa daan kung kaya’t tinanong niya ito kung bakit. Nalaman niyang
nawawala ang wallet nito. Hindi alam kung nalaglag o nadukot sa kanyang
bag.Nalaman din niyang kailangan nitong bumili ng gamot para sa kanyang may sakit
na ina subalit wala na itong pera. Sa awa sa babae ay sinamahan niya ito sa botika
at ibinili ng gamot na kailangan nito. Pagkatapos ay binigyan pa ito ng pamasahe
pauwi. Umiiyak na nagpasalamat ang babae sa kanya. Ngumiti si Alex at parang
napakagaan ng kanyang pakiramdam na nakatulong sa kapwa. Sa isip niya saka na
lang siya bibili ng bagong pantalon.

6
Talakayin Natin:

1.Paano ipinaubaya ni Adrian sa kanyang ate ang kaniyang pag-aaral?


Bakit niya ito ginawa?
2. Bakit ibinigay ni Carl ang baon niyang tinapay sa batang lansangan? Ano ang
kanyang ginawa pagkatapos?
3. Bakit ipinaubaya na lamang ni Andrew kay Cyril ang payong habang umuulan?
Kung ikaw si Andrew, ganon din ba ang gagawin mo?
4. Ano ang bibilhin sana ni Alex bago niya napansin ang babaeng nawalan
ng wallet?
Bakit hindi niya nabili ang pantalon?
5. Masarap ba sa pakiramdam ang tumulong sa kapwa? Paano mo maipakikita ang
pagmamalasakit sa iyong kapwa?

Pagpapalalim

Upang lubos na maintindihan ang modyul na ito mahalagang ilagay sa isipan ang
mga konseptong ito:

❖ Ang pagmamalasakit sa kapwa ay naipakikita sa pamamagitan ng


pagpapaubaya ng pansariling kapakanan para sa kabutihan ng kapwa.
❖ Ang pinakamataas na gantimpala para sa paggawa ay hindi ang makukuha
ng tao dito, kundi kung naging ano siya dahil dito.
❖ Ang pagtulong sa kapwa ay isang gawaing dakila.
❖ Laging tandaan na kung hindi man makaganti saiyo ang taong tinulungan mo,
Diyos ang magbabalik nito sa iyo.

7
Pagsasapuso

Gawain 1: Matapos matuklasan ang kaalaman tungkol saan pagpapaubaya nang


pansariling kapakanan para sa kabutihan ng iba, paano mo maipakikita ang
pagmamalasakit mo sa iyong kapwa. Ilahad ang iyong magiging damdamin.

1. Isang araw, bumili ka sa grocery ng gatas para sa kapatid mo. Di sinasadyang


nakakita ka ng isang lalaking kumukuha ng paninda. Ano ang iyong gagawin?
2. Nakita mong hirap ang isang matanda sa pagtawid sa kalsada. Tutulungan mo
ba siya? Bakit?
3. Namamasyal kayo ng nakababatang kapatid mo sa mall. Bigla ninyong
naramdaman na yumayanig ang kapaligiran. Ano ang iyong gagawin?
4. Humihingi ng tulong sa iyo ang iyong kamag-aral para sa inyong takdang-aralin.
Alam mong tinatamad lamang siya at nais lamang niyang makapangopya ng
sagot. Tutulungan mo ba siya? Ano ang iyong gagawin?
5. May kapitbahay kang hirap sa buhay. May sakit ang kanyang anak at
nangangailangan ng tulong upang makabili ng gamot. Ano ang iyong gagawin?

Gawain 2

Isulat sa iyong journal ang kahalagahan ng pagmamalasakit sa kapwa


at ang iyong pangako na tutulong sa iba sa abot ng makakaya.

8
Pagsasabuhay

Ipaliwanag kung ano ang gagawin mo sa bawat sitwasyon. Isulat ang mga sagot
saiyong Journal.

1. May isa kang kapitbahay na madalas na pumupunta sa inyo upang humingi


ng pagkain. Nakikita mong lagi siyang umuupo lang sa inyong sala at
walang ginagawa. Ano ang gagawin mo?

2. Biktima ng sunog na puminsala sa maraming ari-arian noong linggong


nagdaan ang ilan sa iyong mga kaibigan. Ano ang maaari mong gawin
upang maipakita mo ang pagmamalasakit sa iyong mga kaibigan?

3. Kabilang ka sa isang pangkat ng mga mananayaw. Nakita mong nakapaskil


sa bulletin board ng paaralan ang paligsahan sa pagsayaw na inorganisa
ng lokal na pamahalaan.Gustong-gusto mong sumali dito subalit ang
matalik mong kaibigan ay gustong sumama sa iyo? Ano ang gagawin mo?

9
Pagtataya

Gamit ang iyong Journal, kopyahin ang mga aytem sa ibaba. Sagutin sa
pamamagitan ng paglalagay ng tsek (/) sa patlang ang pahayag na nagpapakita
ng pagpapaubaya sa pansariling kapakanan para sa kabutihan ng kapwa at
ekis (X) kung hindi.

1. Pagpapaalala sa mga kaibigan na bawasan ang oras naginugugol sa paglalaro.

2. Pagtulong sa mga gawaing bahay.

3. Pagkukumpuni sa halip na itapon ang mga bagay na maaari pang ayusin katulad ng

bag at sapatos.

4. Naatasan kang mag-ayos ng entablado na gagamitin sa programa sa inyong

paaralan subalit tinanggihan mo ito.

5. Hinayaan mo lamang ang isang matandang tatawid sa kalsada.

Kasunduan

Isulat sa graphic organizer na ito kung paano mo maipakikita ang


pagmamalasakit sa kapwa.

10
Binabati kita…………..
Matagumpay mong natapos ang aralin
sa modyul na ito….

11
Susi sa Pagwawasto

Paunang Pagsubok

1. A

2. B

3. C

4. A

5. B

Paglinang ng kaalaman

1. Titigil sa pag-aaral si Adrian para makatapos muna ang kanyang ate sa pag-
aaral.
2. Dahil napansin ni Carl na gutom na gutom na ang batang lansangan at iinom
na lng siya ng tubig.
3. Kasi maliit lamang ang payong na dala ni Andrew. Opo.
(Tanggapin kung may ibang sagot ang mga bata )
4. Si Alex ay bibili ng bagong pantalon. Dahil sa nakita niya ang isang babae na
nawalan ng wallet, tinulungan niya ito na makabili ng gamot at binigyan pa ng
pamasahe pauwi.
5. Oo, kasi nakatutulong ka sa iyong kapwa.

12
Pagsasapuso

1. Ipagbibigay alam sa may-ari ng tindahan para maabisuhan siya sa nangyari.


(Tanggapin ang iba pang sagot ng mga bata)
2. Oo, tutulungan ko ang matanda kasi di na niya kayang tumawid mag-isa.
3. Dali-daling bababa sa mall at pupunta sa lugar na ligtas kayong magkapatid.
(Tanggapin ang iba pang sagot ng mga bata)
4. Hindi ko po siya tutulungan at sasabihin ko sa kanya na kailangan sagutan
niya mag-isa ang takdang aralin kasi madali at kaya niya itong gawin.
5. Bibigyan ko siya ng pambili ng gamot para sa kanyang anak na maysakit.

Pagsasabuhay

(May iba’t ibang sagot ang mga bata.)

Pagtataya

1. /
2. /
3. /
4. X
5. X

13
Sanggunian

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+isang+guro&tbm=isch&chips=q:drawing+la
rawan+ng+isang+guro,g_1:drawing:xUyIqpyyBNI%3D,online_chips:cartoon&hl=en&ved=2ah
UKEwjN4tWkxJ7qAhWZA6YKHf4JDEMQ4lYoBXoECAEQHQ&biw=1263&bih=689#imgrc=Zx4C
U7AjYh22cM

Peralta, Gloria A. at Ylarde, Zeniada R, Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon


(2016) Vibal Group, Inc. ,1253 Gregorio Araneta Avenue, Ouezon City

Ugaliing Pilipino sa Makabagong Panahon Manwal ng Guro, pp.1-4

Edukasyon sa Pagpapakatao, Region IV –A Calabarzon, Division of Laguna

Contextualized and Prototype Daily Lesson Plan in EsP 5 Quarter

Ugaliing Pilipino saMakabagongPanahon

BatayangAklat pp. 3-11

Ugaliing Pilipino saMakabagongPanahonManwalngGuro, pp. 1-4

Kagamitanng Mag –aaral

EdukasyonsaPagpapakatao

Region IV – A Calabarzon

Division of Laguna

Contextualized and prototype daily lesson plan in ESP 5.

Quarter 1

14

You might also like