You are on page 1of 5

Pangalan: ________________________ Baitang/Pangkat: ____________

Guro: ____________________________ Petsa ng Pagpasa: ___________

2018
Ang graph at talahanayan ay mga grapikong pantulong upang
madalingmaunawaan at nagagawang payak ang mga datos na inilalahad sa isang
teksto.

Iba’t ibang Uri ng Graph

Ang Bar Graph ay naglalarawan ng


mga datos sa paraang biswal. Binubuo ito
ng mga pahalang at patayong bar na
kumakatawan sa bilang o porsiyento ng
isang ipinapaliwanag na datos.

Ito ay may iba-ibang bahagi:

a. Pamagat- nagbibigay ng impormasyon kung tungkol saan ang grap.


b. Label- nagbibigay ng impormasyon tungkol sa baryabol
c. Mga Aksis na Pahiga at Patayo- dito makikita ang mga datos na mahalaga
para sa pagbibigay-kahulugan sa bar graph.
d. Grid Lines- tumutulong upang makita agad ang sukat ng bar.

Paboritong Prutas
Ang Pie Graph ay gumagamit ng
bilog na hugis na pinaghati-hati sa iba’t Mangga
ibang bahagi upang kumatawan sa Dalandan
kabuuan. Ang bawat hati nito ay
Mansanas
kumakatawan sa bawat bahagdan ng mga
Pinya
datos.

SDO-Cam Sur_Filipino_Baitang 5_K1_LP8


1
Ang Line Graph ay gumagamit ng
mga tuldok na kumakatasa bawat
bahagdan ng datos.

Ang Talahanayan o Table ay isang


paraan nagpapapakita ng impormasyon o
datos gamit ang mga linyang pahiga at
patayo (Horizontal at Vertical axis). Ang
paksa ay hinahanay para sa mabilis na
pagbasa at pag-unawa.

Nabibigyang-kahulugan ang bar graph, pie, talahanayan at iba pa.


(F5PN-Ic-g-7)

SDO-Cam Sur_Filipino_Baitang 5_K1_LP8


2
Gawain 1 :
Panuto: Pag-aralan ang graph. Bigyan ito ng interpretasyon sa pamamagitan
ng pagsagot sa mga tanong.

1. Anong uri ng graph ang nasa itaas?


2. Ano ang pamagat ng bar graph?
3. Sa anong buwan ang maraming may kaarawan na mag-aaral?
4. Aling buwan may kaunting bilang ng may kaarawan?
5. Sa anong buwan mayroong parehong bilang ng may kaarawan?

Gawain 2:
Panuto: Suriin ang graph at isulat ang sagot sa sagutang notebook.

SDO-Cam Sur_Filipino_Baitang 5_K1_LP8


3
1. Anong hayop ang pinakapaboritong alagaan ng mga mag-aaral?
2. Ilang porsiyento ng hayop ang pinakamababang alagaan ng mga mag-aaral?
3. Anong hayop ang pangalawa sa pinakamataas na bahagdan?
4. Ilang porsiyento ng hayop ang pinakapaboritong alagaan ng mga mag-aaral?
5. Aling hayop ang nakakuha ng pinakamababang bahagdan?

Gawain 3:
Panuto: Suriin at unawain ang graph. Sagutin ang sumusunod tanong.

Mga Punong Itinanim ng Ika-5 Baitang sa


Paaralang Sentral ng Goa
80
60
40
20
0

1. Anong puno ang may pinakamaraming naitanim ng mga mag-aaral?


2. Ilang puno ng langka ang naitanim ng mga mag-aaral?
3. Anong mga puno ang magkasindami ang naitanim ng mga mag-aaral?
4. Ilan lahat ng mga puno ang itinanim ng mga Girls Scout nang mag-Tree-
Planting?
5. Ilang puno ng santol ang naitinanim ng Ikalimang Baitang?

Gawain 1:
1. Bar Graph
2. Kaarawan ng mga Mag-aaral
3. Agosto
4. Hulyo
5. Hunyo at Disyembre

SDO-Cam Sur_Filipino_Baitang 5_K1_LP8


4
Gawain 2:
1. Aso
2. 10%
3. Kalapati at Pusa
4. 40%
5. Kuneho

Gawain 3:
1. Rambutan
2. 20 na puno
3. Wala
4. 265 na puno
5. 55 na puno

Magsulat sa iyong papel ng iyong nararamdaman o realisasyon mula sa ating


aralin ngayong araw.

Naunawaan ko na ___________________________________________________ .
Nabatid ko na _______________________________________________________ .
Naisasagawa ko na ___________________________________________________

Obias, Victoria P., Kuwarter 1 – Modyul 10: Bigyan Mo ng Kahulugan ang Graph,
Talahanayan at Iba Pa, DepEd SDO, San Jose Pili, Cam. Sur
Agarrado,P.,Francia, M., Guerrero, P., at Gojo Cruz, G., (2016), Alab Filipino 5, Vibal
Group, Inc.
Agarrado,P.,Francia, M., Guerrero, P., at Gojo Cruz, G., (2016), Alab Filipino
5,Patnubay ng Guro sa Filipino, Vibal Group, Inc.
Kontekstuwalisadong Banghay-aralin sa Filipino 5, Kuwarter 1

Manunulat: PINKY P. DE LOS SANTOS


Editor: SONNY A. TAUGAN EdD
JAYCEL P. LAURENTE
MARISSA P. BAGACINA
Gumuhit ng Larawan: EVAN LEE LEONEM
SDO-Cam Sur_Filipino_Baitang 5_K1_LP8
5

You might also like