You are on page 1of 6

Pangalan: ________________________ Baitang/Pangkat: ____________

Guro: ____________________________ Petsa ng pagpasa: ___________

2018
Ang paksa ay nagpapahayag ng nilalaman ng kuwento. Ito ay kabuuang diwa
ng buong talata. Dito umiikot ang kuwento. Ito ang nagsasaad kung ano ang ideyang
pinagtutuunan ng pansin.
Mayroon itong tinatawag na mga pantulong na detalye para matukoy ang
paksa. Supporting details/information o pansuportang detalye. Mga mahahalagang
kaisipan o mga susing pangungusap na may kaugnayan sa paksang pangungusap.
Upang malaman ang pinakamabisang paksa ng isang kuwento ay dapat
makinig nang mabuti. Isaisip ang mahahalagang bahagi ng kuwento. Isipin ang
wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Makinig nang mabuti upang
matukoy ang paksa nito.
Isa sa sukatan ng isang mabisang pakikinig ang pagtukoy sa paksa o
pangunahing-diwa ng kuwento o seleksiyong napakinggan.
Ang bawat akda, lalo na ang maikling kuwento ay may nakapaloob na
pangunahing diwa o paksa. Sa pagkilala sa paksa/pangunahing diwa, mahalagang
malaman ang tao o bagay at pangyayaring pinag-uusapan sa kuwento o alinmang
akda.
Mahalaga ring lubusang maunawaan ang bawat talatang binabasa upang
masuri ang mahalagang puntong nais palutangin dito.

Naibibigay ang paksa ng napakinggangkuwento/usapan. (F5PN-Ic-g-7)

SDO-Cam Sur_Filipino_Baitang 5_K1_LP6


1
Gawain 1 :

Basahin ang kuwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang Kabayanihan ni Enteng

Noong Hulyo 12, 2000, isang kagimbal-gimbal na


trahedya ang nangyari sa Payatas sa Lungsod ng
Quezon. Umabot sa halos 12, 000 naghihikahos na
pamilya ang napinsala nang gumuho ang dambuhalang
bundok ng basura. Tinatayang umabot sa 217 tao ang
namatay sa pangyayaring ito at maraming pamilya ang
nawalan ng bahay.
Ang pangyayaring ito sa Payatas ay nagpakilala sa
kabayanihan ng isang batang bayani na si Vicente
“Enteng” Tagle.
Nang mangyari ang trahedya, si Enteng ay sampung taong gulang pa
lamang. Siya at ang kanyang pamilya ay nakatira sa tambakan ng basura. Dahil sa
kahirapan ng buhay, namulat siya sa maagang pagtratrabaho. Ngunit kahit salat sa
maraming bagay ang bata, mulat si Enteng sa kahalagahaan ng pagmamahal at
pagmamalasakit sa kaniyang pamilya at kapuwa. Panganay siya sa anim na
magkakapatid. Ang kaniyang mga magulang ay sina Rosalinda na dating tumutulong
sa isang day care center at Stimson na isang construction worker.
Nang mangyari ang pagguho ng bundok ng basura, agad na inisip ni Enteng
na kailangang maging ligtas ang kaniyang isang taong gulang na kapatid. Kaya sa
gitna ng pagkakagulo ng mga tao, mabilis niyang pinuntahan sa kuwarto ang
kapatid. Niyakap niya nang mahigpit ang kapatid habang naririnig nila ang
nakakaibang pagguho ng bundok ng mga basura.
Pagkaahon nila ay tuluyan nang gumuho ang kanilang bahay. Pagkatapos ay
narinig naman ni Enteng ang pag-iyak ng isang walong taong gulang na bata na si
Kikay,ang kaniyang kalaro na natabunan ng mga guho.
Noong Setyembre 2002, isa si Enteng sa itinampok sa Reader’s Digest
Everyday Heroes bilang “The Little Rescuer.” Siya ang kauna-unahang Pilipinong
napabilang sa Everyday Heroes.
Kahanga-hangang isipin na ang isang batang tulad ni Enteng ay nakaligtas ng
buhay ng mga kapuwa rin niya bata.
Batayang Aklat sa Filipino 5, Alab Filipino
pahina 228-231
SDO-Cam Sur_Filipino_Baitang 5_K1_LP6
2
1. Ano ang kagimbal-gimbal na nangyari sa Payatas sa Lungsod ng Quezon
noong Hulyo 12, 2000?
2. Sino ang bata sa kuwentong narinig na kinilala sa kanyang kabayanihan?
3. Paano ipinakita ni Enteng ang kanyang kabayanihan?
4. Para sa iyo, ano ang magandang katangian ang ipinakita ni Enteng?
5. Sa kuwentong inyong napakinggan tungkol saan ang pinag-uusapan?

Gawain 2:

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga talata. Piliin ang paksang
pangungusap at isulat sa iyong kuwaderno.

1. May iba’t ibang kahulugan ang bawat kulay. Ang asul ay kapayapaan at ang
pula ay katapangan. Pag-ibig naman ang kahulugan ng rosas at panibugho
naman ang dilaw. Kasaganahan naman ang berde at kalungkutan ang itim.
Marami pang kulay ang may kahulugan.

Paksa: __________________________________________________________

2. Ang aklat ay nagbibigay ng iba’t ibang impormasyon. Ito rin ang nagdadala sa
atin sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng pagbabasa. Ang dating
pagkatao ay nababago rin. Ang lahat ng bagay ay natutuhan natin sa aklat.
Ito ang mga kahalagahan ng aklat.

Paksa: __________________________________________________________

3. Malalaki at matataas na gusali ang matatagpuan sa Ayala, Makati. Kilalang-


kilala ang lungsod na ito dahil na rin sa mga subdibisyong magagara at
malapalasyong bahay ng mga milyonaryo. Narito rin ang iba’t ibang mga hotel
at restawran na tanyag. Ang Makati ay isa sa pinakamayamang lungsod ng
bansa.

Paksa: __________________________________________________________

4. Maaga pa ay gising na lahat ang mga tao sa bahay ni Mang Isidro. Ang bawat
isa ay abalang nagbibihis at naghahanda papunta sa simbahan. Nakasuot ng
magandang puting damit si Eloisa. Ito ang araw ng kanyang kasal.

Paksa: __________________________________________________________

SDO-Cam Sur_Filipino_Baitang 5_K1_LP6


3
5. Ipinaglaban ni Padre Jose Burgos ang karapatan ng mga Paring Pilipino na
mabigyan ng sariling parokya. Sumulat siya sa matataas na pinuno ng
pamahalaan sa Espaňa upang mabigyan ng katarungan ang maling
pamamalakad ng mga namumunong Espaňol sa Pilipinas. Ngunit hindi
pinakinggan ng pamahalaan ang kaniyang mga isinulat na liham at artikulo sa
mga pahayagan. Pinagbintangan siyang kasali sa Cavite muli’y kasama ni
Padre Gomez at Padre Zamora. Nahatulan silang bitayin sa kasalanang hindi
nila kailanman ginawa.

Paksa: __________________________________________________________

Gawain 3:

Panuto: Basahin ang kuwento. Gamit ang graphic organizer sa ibaba, isulat
sa mga nakapalibot na bilog ang mga pansuportang mga detalye at sa gitnang
pentagon isulat ang paksa nito.

Carmen Velasquez

Si Carmen Velasquez ay isang National Scientist ng Pilipinas. Siya ay


dalubhasang parasitologist. Una siyang kinilala sa kaniyang pagkakatuklas ng 32 uri
ng parasito sa isda mula sa iba’t ibang pamilya ng isda na matatagpuan sa Pilipinas.
Marami siyang ambag sa mundo ng agham na kinikilala at napakikinabangan hindi
lamang ng mga siyentipikong Pilipino kundi maging ng iba pang mga siyentipiko sa
daigdig. Dahil sa mga kontribusyong ito, maraming natanggap na pagkilala si Dr.
Velasquez, sa Pilipinas at sa iba pang bahagi ng mundo. Kabilang na ang
pagkakasama ng kaniyang pangalan sa American Men and Women of Science,
International Scholars Directory, International Who’s Who of Intellectuals at ang
World Who’s Who of Women. Noong 1983, siya ay ginawaran ng pagkilala bilang
National Scientist.

SDO-Cam Sur_Filipino_Baitang 5_K1_LP6


4
Gawain 1:

1. Ano ang kagimbal-gimbal na nangyari sa Payatas sa Lungsod ng


Quezon noong Hulyo 12, 2000? ( Gumuho ang bundok ng basura.)

2. Sino ang bata sa kuwentong narinig na kinilala sa kanyang


kabayanihan? ( Si Vicente “Enteng” Tagle)

3. Paano ipinakita ni Enteng ang kanyang kabayanihan?

(Iniligtas ang kaniyang isang taong gulang na kapatid nang mangyari ang
pagguho ng bundok ng basura.)

4. Para sa iyo, ano ang magandang katangian ang ipinakita ni Enteng?


(Iba-iba ang maaaring sagot ng mga mag-aaral.)

5. Sa kuwentong inyong napakinggan tungkol saan ang pinag-uusapan?


(Iba-iba ang maaaring sagot ng mga mag-aaral.)

Gawain 2:

1. May iba’t ibang kahulugan ang bawat kulay.


2. Ito ang mga kahalagahan ng aklat.
3. Ang Makati ay isa sa pinakamayamang lungsod ng bansa.
4. Ito ang araw ng kanyang kasal.
5. Ipinaglaban ni Padre Jose Burgos ang karapatan ng mga Paring Pilipino
na mabigyan ng sariling parokya.

Gawain 3:
Paksa:

Si Carmen Velasquez ay National Scientist ng Pilipinas.


Pansuportang Detalye:

1. Siya ay dalubhasang parasitologist.


2. Natuklasan niya ang 32 uri ng parasito sa isda.
3. Kinilala siya sa mundo ng agham na maraming ambag.

SDO-Cam Sur_Filipino_Baitang 5_K1_LP6


5
4. Maraming natanggap na pagkilala si Dr. Velasquez, sa Pilipinas at sa iba
pang bahagi ng mundo.

5. Napabilang ang kaniyang pangalan sa American Men and Women of


Science, International Scholars Directory, International Who’s Who of
Intellectuals at ang World Who’s Who of Women.

Punan ang mga patlang ayon sa iyong nararamdaman o reyalisasyon


patungkol sa araling iyong napag-aralan.

Naunawaan ko na mahalagang ______________________________________


upang ______________________________________ at maisagawa ko ng maayos
ang ______________________________________ .

De Los Santos, Pinky P.,Kuwarter 1 – Modyul 8: Ibigay ang Paksa, DepEd SDO,
San Jose Pili, Cam. Sur
Agarrado,P.,Francia, M., Guerrero, P., at Gojo Cruz, G., (2016), Alab Filipino 5, Vibal
Group, Inc.
Ylarde, Z. at Peralta, G. (2016). Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5, Vibal
Group,Inc.
Sonza, Josan N., Kuwarter 1-Modyul 8: Ang Paksa
DepEd Rehiyon V, Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Manunulat: PINKY P. DE LOS SANTOS


Editor: SONNY A. TAUGAN EdD
JAYCEL P. LAURENTE
MARISSA P. BAGACINA
Gumuhit ng Larawan: EVAN LEE LEONEM

SDO-Cam Sur_Filipino_Baitang 5_K1_LP6


6

You might also like