You are on page 1of 58

LEARNING ACTIVITY SHEET

1
TALAAN NG NILALAMAN
Bilang ng Sanayang
Nilalaman/Linggo Pahina
Papel
Pangalan ng aklat 1
Talaan ng Nilalaman 2
Unang Linggo
Sanayang Papel Blg. 1 3

Ikalawang Linggo
Sanayang Papel Blg. 2 8

Ikatlong Linggo
Sanayang Papel Blg. 3 15

Ikaapat na Linggo
Sanayang Papel Blg. 4 21

Ikalimang Linggo
Sanayang Papel Blg. 5 28

Ikaanim na Linggo
Sanayang Papel Blg. 6 39

Ikapitong Linggo
Sanayang Papel Blg. 7 46

Susi sa Pagawawasto
54

Bumuo ng Sanayang 59
Aklat

2
TXTBK + QUALAS
SANAYANG PAPEL Blg.1
Textbook based instruction
SA FILIPINO 8
paired with MELC-Based
Quality Assured Learner’s
Kwarter 1 Linggo 1
Activity Sheet (LAS)

Pangalan: ____________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________

\Guro: _______________________________________ Petsa ng Pagpasa: ________________________

MELC:
1. Naipapaliwanag ang mahahalagang kaisipan at sagot sa mga karunungang-bayang napakinggan. F8PN-Ia-c-20
2. Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay
na buhay sa kasalukuyan. F8PB-Ia-c-22
Aralin: Karunungang-bayan, Matalinhagang Pahayag, Eupemistikong Pahayag
Sanggunian: Pinagyamang Pluma Pahina: 7-25

Layunin: Natutukoy ang iba’t ibang uri ng Karunungang Bayan


Kasanayan Bilang: 1 Pagtukoy ng iba’t ibang Karunungang-bayan Araw: 1
KONSEPTO:

KARUNUNGANG - BAYAN

Bago sinakop ng mga dayuhan ang ating bansa, ang mga sinaunang Pilipino aynamumuhay nang malaya.
Kontrolado nila ang kanilang kapaligiran kung saan nagmumulaang kanilang kabuhayan at pinagkukunan ng kanilang
mga pangunahing pangangailangan. Samakatuwid, ang kanilang kapaligiran ay bahagi ng kanilang kultura at tradisyon.
Bunsod nito, hindi nakapagtataka na ang mga paksa ng karunungang-bayan na kanilangnalilikha ay patungkol sa mga
bagay na natatagpuan sa kanilang kapaligiran at maykaugnayan sa kanilang karanasan. Kadalasang paksa ng mga
salawikain at bugtong ay karaniwang karanasan ng mga mamamayan gaya ng paghahanapbuhay. Mga paksa rin ang
mahahalagang okasyon gaya ng kaarawan, kasal, at kamatayan; gayundin angugnayan sa pamilya, kapwa, at kalikasan.
Ito ay mga kayamanan ng ating lahi at wika na nagmula pa sa ating mga ninuno na ipinamana para sa susunod na
henerasyon. Tunay ngang mga ito ay nagtataglay ng karunungan at kaalaman sa tradisyonal na kulturang Pilipino. At
mababasa ninyo sa ibaba ang iba’t ibang karunungang-bayang ipinamana at naging gabay ng ating mga ninuno.
1.SALAWIKAIN – Ito ay nakaugalian nang sabihin at nagsilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga
ninunong naglalayong mangaral at umakay sa kabataan sa pagkakaroon ng kabutihang-asal. Kadalasang mahirap
ipaliwanag dahil ang mga salitang ginamit ay iba ang kahulugan. Proverbs sa English.
Halimbawa:
Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.
(Kahulugan: Kapag ginawan ka ng masama, gantihan mo ng kabutihan)
Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
(Kahulugan: Para saan pa ang tulong, kung huli na ang lahat)

3
2. SAWIKAIN - Ito ay nagtataglay ng talinghaga sapagkat ito ay may nakatagong kahulugan. Sa ibang sanggunian, ito
rin ay tinatawag na idyoma o Idioms sa English. Kadalasang mayroong 2 hanggang 3 salita lamang.
Halimbawa:
Balitang Kutsero (Kahulugan: balitang hindi totoo o fake news)
Nagsusunog ng kilay (Kahulugan: masipag mag-aaral)
3.KASABIHAN –Ito ay makaluma at maiksing pariralang nagpapahayag ng ideya na pinaniniwalaan ng nakararami na
tunay at totoo. Kadalasang madaling ipaliwanag dahil kung ano ang salitang ginamit ay ganun din ang kahulugan. Ito ay
Saying sa English.
Halimbawa:
Kung may tiyaga, may nilaga (Kahulugan: kapag nagsisikap ka, magtatagumpay ka)
Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim (Kahulugan: Ang buhay ay umiikot
lang, minsan masagan, minsan mahirap)
Ito rin ay ipinagpapalagay na mga sabihin ng mga bata at matatanda na katumbas ng mga tinatawag na Mother Goose
Rhymes kung saan ito ay karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao.
Halimbawa:

1. Putak, putak 2. Tiririt ng ibon


Batang duwag Tiririt ng maya
Matapang ka’t Kaya lingon nang lingon
Nasa pugad. Hanap ay asawa.

4. BUGTONG - Ang mga bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Ito ay binibigkas nang patula at may
lima hanggang labindalawang pantig. Ang mga Tagalog ang pinakamayaman sa bugtong. Ito ay Riddle sa English.
Halimbawa:
Bungbong kung liwanag, kung gabi ay dagat (banig)
Dalawang katawan, tagusan ang tadyang (hagdan)
5. PALAISIPAN - Ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan ng mga tao upang bumuo ng isang
kalutasan sa isang suliranin. Ito ay nangangahulugan lamang na ang mga sinaunang Pilipino ay sanay mag-isip at
kanilang ipinamana ito sa kanilang mga apo.
Halimbawa:
1. Sa isang kulungan ay may limang baboy na inaalagaan ni Mang Juan. Lumundag ang isa. Ilan ang natira?
(Sagot: lima, dahil lumundag lamang ang mga baboy)
2. May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang bola nang di man lang nagalaw
ang sombrero. (Sagot: Mula sa itaas na bahagi ng sombrero dahil ito ay may butas)
6. BULONG - Ito ay mga pahayag na may sukat at tugma na kalimitang ginagamit na pangkulam o pangkontra sa kulam,
engkanto, at masamang espiritu.
Halimbawa:
Huwag magagalit, kaibigan, kung aming pinuputol na puno’y inyong tahanan. Kami’y napag

4
utusan lamang. (Kahulugan: Nanghihingi ng paumahin o permiso sa mga nilalang na hindi nakikita)
Pagsasanay 1 Tukuyin kung anong karunungang-bayan ang ipinahahayag ng mga pangungusap.
_________1. Pag-iisa ng dibdib
_________2. Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap.
_________3. Ang lumakad nang matulin, kung matinik ay malalim.
_________4. Makapal ang palad
_________5. Hindi tao, hindi hayop damit ay sari-sari.
_________6. Kaanu-ano mo ang anak na babae ng iyong Lola?
_________7. Tabi-tabi po nuno, dadaan lang po.
_________8. May limang anak ang iyong tatay sina April, May, June, July. Sino ang pang-anim?
_________9. Ang anak na ‘di disiplinahin, ina ang paluluhain.
_________10. Usad-pagong

Pagsasanay 2 Sa pamamagitan ng graphic oraganizer ay bigyang kahulugan ang mga karunungan-bayan.

Karunungang-bayan

salawikain sawikain kasabihan palaisipan

bugtong bulong

Layunin: Naipapaliwanag ang mahahalagang kaisipang at sagot sa mga karunungang-bayang napakinggan

Kasanayan Bilang: 2 Mahalagang Kaisipan ng Karunungang-bayan Araw: 2


KONSEPTO:
Madalas na naririnig natin sa pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan ang mga karunungang-bayan at mahalagang
naipaliliwanag ang kaisipang nakapaloob sa mga ito. Mauunawaan ang mga ito kung naipaliliwanag ang kaisipan o sagot
sa pamamagitan ng pag-uugnay nito sa mga pangyayari sa sarili at lipunan o kapaligiran sapagkat kapupulutan ng aral at
ito ay nagsisilbing gabay. Maaari rin itong maging sandigan ng ilang mga magulang sa pagpapalaki ng kanilang mga
anak upang mapanatili ang kagandahang asal ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon. Tulad na lamang ng
salawikaing, “Ang ‘di lumingon sa kanayng pinaggalingan, ‘di makakarating sa paroronan”, na ang ibig sabihin ay kung
ang tao ay hindi marunong magpasalamat o hindi marunong tumanaw ng utang na loob ay hindi makakatamasa o
magkakamit ng totoo at lubos na tagumpay”.
Pagsasanay
Basahin at isulat ang titik ng kahulugan ng karunungang-bayang nakatala nang madiin. Pagkatapos ay maglahad ng
mahalagang kaisipang nais na ipahiwatig nito sa tunay na buhay sa kasalukuyan.
1. Pag may isinuksok, may madudukot.
A. Tiyak na may magagastos ang taong marunong mag-impok.
B. Madalas ay inilalagay ng mga Pilipino ang pera sa alkansiya para pagdumating ang oras ng
pangangailangan ay may magagasta.
C. Umuunlad ang mga bangko dahil sa mga perang iniipon ng mga tao

Sagot: __________________
Pagpapaliwanag:_____________________________________________________________________
_____________________________________.

2. Kung anong taas ng paglipad, siyang lakas ng pagbagsak.


A. Madalas bumabagsak sa buhay ang taong sobrang taas ang pangarap.
5
B. Ang taong mapagmataas ang siyang kadalasang nakararanas ng matinding pagsubok.
C. Hindi masamang mangarap nang mataas, huwag lamang sa paraang pag-isipan ng masama ang kapwa.

Sagot: __________________
Pagpapaliwanag:________________________________________________________________________
_______________________________________

3. Ngayon kakahigin, ngayon tutukain.


A. Maagang magtrabaho upang buhay ay umasenso.
B. Kung kailan lamang kailangan ang isang bagay ay doon lamang kikilos upang makamit ito.
C. Kailangang magtrabaho upang may kainin.

Sagot: __________________
Pagpapaliwanag:_________________________________________________________________________
_______________________________________.

4. Ang mahirap kunin ay masarap kainin.


A. Mas masarap lasapin at makamtan ang isang bagay na pinaghirapan.
B. Masarap kumain ng isang pagkaing mamahalin at mahirap kunin.
C. Ang masarap na kanin ay mahirap kainin.

Sagot: __________________
Pagpapaliwanag:__________________________________________________________________________
_____________________________________.

5. Kapag maaga ang lusong, maaga ang ahon.


A. Lumusong nang maaga upang makaahon sa buhay at matamo ang tagumpay.
B. Matutong umahon sa anumang pagsubok na iyong nilusong.
C. Kapag maagang nagsimula tiyak na maaga ring matatapos.

Sagot: __________________
Pagpapaliwanag:__________________________________________________________________________
____________________________________.

Layunin: Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay
na buhay sa kasalukuyan

Kasanayan Bilang: 3
Maiuugnay ang Mahahalagang Kaisipang Nakapaloob sa mga Karunungang-bayan
Araw: 3 at 4
KONSEPTO:

Ang mga Karunungang-bayan ay halos maituturing na pinaka- “Moral Code” mula sa simula. Hindi man ito
nakasulat o nakalimbag sa papel na nababasa ay naririnig at nakikita ito sa pamamagitan ng ating pagkilos at nagiging
salamin ng ating buhay. Ito ay buhay na naitatanim sa ating mga diwa na siyang nagbabatas sa ating pakikipagkapwa
tao. Maaaring maging iba-iba ang ating pagpapakahulugan, subalit iisa ang nagiging patutunguhan, ang maiwasto at

6
magabayan ang bawat isa sa kabutihang asal hindi lamang sa kasalukuyang panahon kundi sa mga susunod pang
henerasyon.

Pagsasanay 1 Kumpletuhin ang graphic organizer sa pamamagitan ng pagbigay o pagtala ng mga kahingian nito.
Pagkatapos ay iugnay mo ang mga kaisipang nakapaloob sa mga ito sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan.

Karunungang-bayan

Kaugnayan ng mga kaisipan nito sa


Mga Aral
tunay na buhay sa kasalukuyan

Pagsasanay 2 Sumulat ng sariling karunungang-bayan na maaari mong maiugnay sa iyo bilang anak, kapatid, kaibigan
at mag-aaral sa kasalukuyang panahon. Gawing gabay ang pamatayan sa ibaba.

PAMANTAYAN 1 2 3 4 5
A. Kahusayan ng pagkakasulat ng mga karunungang-bayan at
pagsasaalng-alang sa anyo at eksruktura ng mga ito.
B. Kaangkupan ng paksa ng mga karunungang-bayan sa kasalukuyang
panahon.
C. Kahusayan sa paggamit ng mga salita sa pagpapahayag.
D. Pagiging malikhain at pagkakaroon ng orihinalidad.
KABUUANG PUNTOS
Interpretasyon:
16-20 Napakamahusay
11-15 Mahusay
6-10 Katamtaman
1-5 Nangangailangan pa ng pagsasanay

7
TXTBK + QUALAS
SANAYANG PAPEL Blg.2
Textbook based instruction
SA FILIPINO 8
paired with MELC-Based
Quality Assured Learner’s
Kwarter 1 Linggo 2
Activity Sheet (LAS)

Pangalan: ______________________________________________Baitang at Pangkat: _____________________

Guro: ______________________________________________Petsa ng Pagpasa : _________________________

MELC:
3.Nabibigyang-kahulugan ang mga talinhaga, eupemistiko o masining na pahayag na ginamit sa tula, balagtasan,
alamat, maikling kuwento, epiko, ayon sa: kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan. (F8pt-ia-c-19)
Aralin: Matatalinghagang Salita o Masining na Pagpapahayag
Sanggunian: Pinagyamang Pluma Pahina: 91-101

Layunin: Nabibigyang-kahulugan ang mga talinhaga, eupimistiko o masining na pahayag na ginamit sa tula,balagtasan,
alamat, maikling kuwento, at epiko ayon sa: kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan.

Kasanayan Bilang: 1 Kahulugan ng Matalinghagang Salita at Eupimistikong Pahayag Araw: 1 at 2


KONSEPTO:

Matalinghagang Pahayag / Eupemistikong Pahayag:


Ano Nga Ba Ang Kahalagahan Ng Mga Idyoma?
Ito ay isa sa mga unang paraan ng pakikipagkomunikasyon noong panahon pa ng ating mga ninuno. Ito ay mistulang
nagbibigay kulay sa mga simpleng salita at kadalasan ring humahango ng bagong pangangahlugan sa isang salita o grupo
ng mga salita.
Pero bakit nga ba ito tinuturo sa paaralan? Ano ba ang kahalagahan na mayroon ito sa atin? Ang kahalagahan ng
idyoma ay lingid sa kaalaman ng marami. Ang dahilan ay nag uugat pa sa ating kasaysayan dahil ang pag aaral nito ay
makakapaalala sa atin ng ating pinanggalingan. Ito rin ay makakapaglawak at makakapaghasa ng ating pagka-Pilipino
sapagka’t hindi lang natin tinatangkilik ang sarili nating wika kundi binibigyan rin natin ito ng respeto.
Sa pag usbong ng iba’t ibang lenggwahe sa ating bansa ay tila nakakalimutan na natin ang sariling atin. Unti unti nang
nababaon sa limot ang pinapangalagaang kultura ng ating bansa. Ang paggamit ng mga idyoma ay isa lang sa maraming
paraan upang maibalik natin ang dating hiyang at kasaganaan ng ating lahi.
Wala ring mawawala kung atin itong pahalagahan. Sa halip ay magbibigay pa ito ng karagdagang kaalaman sa atin
tungkol sa ating pinagmulan. Huwag nating hintayin na tuluyang mawala ang mga bagay na nagpapabuklod sa atin dahil
darating ang araw na wala na talaga tayong magagawa kundi pagsisihan ang mga panahon na dapat ay nagawa pa tayo.

Ano ang idyoma?


Ito ay pahayag na di-tuwirang nagbibigay ng kahulugan. Ayon sa Wikipidia ang idyoma o sawikain ay isang
pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang

8
mga kanya-kanyang salita na nabuo. Hindi maiintindihan ang kahulugan ng idyoma kung titingnan lang ang payak na
kahulugan ng mga salitang bumubuo dito.
Para maunawaan ang isang idyoma, kailangan ay tingnan ang kabuoan ng sinasabi, at kadalasan kailangan ay may alam
ka sa pinagbabasehan ng idyoma, lalo na sa kultura ng mga nagsasalita.
Halimbawa: 1. mababa ang luha/ iyakin
Mababaw ang luha ko kapag pamilya ang pinag-uusapan.
2.tulog mantika / mahabang oras ng pagtulog.
Anak, gumising ka na! Tanghali na! Naku, tulog mantika kasi.
3.nagtataingang kawali / nagbibingi-bingihan.
Si Nińo ay nagtataingang kawali dahil ayaw nya mautusan.
4. pinagbiyak na bunga / magkamukha.
Si Hearty at Eve ay parang pinagbiyak na bunga.
5. bugtong na anak / kaisa-isang anak.
Ang bugtong na anak nina Dan at Kat ay isa nang Enhenyero.

Samantala, ang Euphemistikong Pahayag na sa wikang Ingles, ito ay tinatawag na euphemism. Ang mga ito ay salita
na sadyang pampalubagloob o pampalumay, upang ito ay hindi masama pakinggan o basahin. Kadalasan, ito ay
pumapalit sa mga matatalim o masyadong bulgar o malaswang mga salita
Halimbawa ng eupemismo tungkol sa pagkamatay o patay:
sumakabilang buhay
pantay na ang mga paa
kinuha na ng DiyosYY

Tayutay – Ito’y salita o isang pahayag na hindi ordinaryo o pangkaraniwang salita ang ginagamit upang maging kaakit-
akit, malikhain at mabisa ang pagpapahayag ng kaisipan o damdamin

1. 1. Pagtutulad (Simile) - Paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari, atbp.


Ginagamitan ng mga salitang, tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp.

Halimbawa : Siya ay katulad ng kandilang unti-unting nauupos.


Ang tao ay gaya ng halamang nararapat diligin

2. Pagwawangis - Pagwawangis ay isang tuwirang paghahambing, na ang dalawang bagay na pinagtutulad ay


ipinapalagay na iisa o nagkakaisa at ipinahahayag ito sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o
gawain ng isang bagay sa bagay na inihahambing. Narito ang mga halimbawa:

Ang kanilang bahay ay palasyo.


Ako ay agila.

9
3. Personipikasyon - Isang tayutay na nagkakapit ng katalinuhan at mga katangian ng tao sa mga bagay na walang
talion, tulad ng hayop, ibon, at bagay. Tinatawag din itong pagtatao, pagsasatao, o pagbibigay-katauhan. Narito ang mga
halimbawa:

• Humagulgol ang hangin.


• Lumipad ang mga oras.
• Napangiti ang bulaklak sa aking pagdating.
• Sumayaw ang mga bituin sa langit.
• Inanyayahan kami ng ilog na maligo.

4. Pagmamalabis o Eksaherasyon - lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan at kalagayan ng tao, bagay,
pangyayari, atbp. Narito ang mga halimbawa:

. Nabiyak ang kanyang dibdib sa tindi ng dalamhati.


Nabutas ang bambam ng tainga ni Popot dahil sa ingay.

5. Pag-uyam – ito ay mga pananalitang nagungutya sa tao o bagay, tila kapuri-puring pangungusap ngunit sa tunay na
kahulugan ay may bahid na pang-uyam. Isang pangungutya sa paggamit ng mga salitang kapuri-puri ngunit kabaliktaran
naman ang kahulugan.
Kay kinis ng mukha mong butas-butas sa kapipisil mo ng tigyawat.
Maganda ang boses ni Ana Kasing ganda ng kokak ng palaka.

Sa dalawang halimbawa ang mga talinghagang pahayag ay nagsasaad ng pag-uyam. Sa unang halimbawa akala mo pinuri
na ang makinis na mukha, iyon pala ay kabaliktran, dahil butas-butas na ito, dahil sa tigyawat. Sa pangalawa naman, ang
boses ni Ana ay aakalain mo na maganda, ngunit boses-palaka pala.

Ekspresyon - ito’y berbal o di-berbal na pagpapahayag ng kilos o reaksyon.


Halimbawa: (nandidiri) Nakasusulasok ang amoy ng halaman sa gubat.

Simbolo - ito’y salitang nagsasagisag ng isang ordinaryong bagay, pangyayari, tao o hayop na may nakakabit na
natatanging kahulugan.
- Nagpapahiwatig ng isang ideya, larawan, paniniwala, aksyon o kaya naman ng isang bagay.
- Kinukuha ng mga simbolo ang anyo nga mga larawan, at ginagamit upang magpahiwatig ng mga kaisipan
at paniniwala.
Halimbawa at kahulugan nito:
Adonis – matipuno, magandang lalaki
Si Pedro ay naghahangad ng mala - adonis na pangangatawan kaya't doble ehersisyo ang ginagawa niya.
Tigre- kabagsikan Leon- katapangan

10
Tigre kung magalit ang tatay ni Darney.
Tinik – mga pasakit Luha- kalungkutan Hayop-kalupitan
Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng lumabas ang swab test result na negatibo ako.
Pagsasanay 1

Panuto: Basahin ang mga pahayag at piliin ang letra ng ibig sabihin ng matalinhagang nakasulat nang nakahilig?
1. Si Chelsea ay madalas maglubid ng buhangin kaya hindi agad pinaniniwalaan ng mga tao ang kaniyang ibinabalita.
A. Magsabi ng katotohanan B. Magsinungaling C. Maglaro ng buhangin D. Magpagawa ng lubid
2. Ano ang nangyari? Para kang natuka ng ahas sa iyong kinatatayuan.
A. Hindi nakakibo at nakakilos B. Nakagat ng ahas C. Namumutla D. Nawalan ng malay
3. Puro balitang kutsero ang naririnig ko sa ating mga kapitbahay kaya tuloy ayaw kong makinig sa mga sinasabi nila.
A. Balitang walang katotohanan
B. Balitang batay sa totoong pangyayari
C. Balitang masasama
D. Balitang nagmula sa kutsero
4. Huwag sanang magpang-abot ang magkaaway na grupo ng kabataang iyon, kundi ay baka maghalo ang balat sa
tinalupan.
A. Pinagsama-sama ang mga balat at tinalupan
B. Matinding labanan o awayan
C. Nagkamabutihan
D. Nagkaisa

5. Mayroong isang prinsesa, nakaupo sa tasa.


A. Bayabas ang tinutukoy nito dahil ito ay may korona na gaya sa isang prinsesa.
B. Balimbing ang tinutukoy nito dahil kakaiba ang hugis nito na maihahalintulad sa tasa.
C. Kaimito ang tinutukoy nito dahil mataas ang puno ng prutas na tila trono ng maharlika.
D. Kasoy ang tinutukoy nito dahil nasa labas ang buto nito na parang nakaupo sa tasa.
6. Sa kabila ng kabutihan ni Raquel sa kaniyang sutil na pamangkin, inahas pa rin siya nito.
A. Maasahan B. Masamang tao C. Taksil o traydor D. Magnanakaw
7. Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka ang kalagayan ng buhay.
A. May maliit na kita na kailangang paghirapan, bago matanggap.
B. May sapat na kita para matugunan ang pangunahing pangangailangan ng pamilya.
C. May kakarampot na kita na hindi makasapat sa ibang pangangailangan.
D. May malaking kita na maaaring makapaglaan sa pag-iimpok.
8. Mahina ang loob ni Elvie kaya sumusuko siya sa pagharap sa mga pagsubok.
A. Duwag B. Mayabang C. Maingat D. Matapang
9. Kung ano ang puno, siya ang bunga.
A. Magulang B. Kapatid C. Ninuno D. Kabuhayan
10.Si Ginoong Martinez ay bukas ang palad sa mga taong nangangailangan.
11
A. Magastos B. Matulungin C. Masungit D. Matapobre
Pagsasanay 2 Piliin ang uri ng tayutay sa loob ng kahon. Isulat ang sagot bago ang bilang.

Pagwawangis Pag-uyam Pagtutulad


Personipikasyon/Pagtatao Pagmamalabis o Eksaherasyon

______________________1. Ikaw ay bulaklak


______________________2. Napakaganda niya kapag nakatalikod
______________________3. Kaya nga… sobrang talino mo walang nakakaintindi sa pinagsasabi mo.
______________________4. Ikaw ay tulad ng bituin.
______________________5. Ang bundok ay umurong.
______________________6. Ahas siya sa grupong iyan.
______________________7. Bumubulong ang mga bulaklak sa akin.
______________________8. Sumigaw ang mga bituin sa kaniyang paglisan.
______________________9. Nilipad ng hangin ang aking pangarap.
______________________10. Ang pag-ibig mo ay parang tubig − walang lasa.
______________________11. Ang mga pangako mo ay parang hangin.
______________________12. Lumuha ng dugo.
______________________13. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
______________________14. Pag-asa, halika rito at ako’y nalilito na sa mga problema.
______________________15. Umiiyak ang puno habang pinuputol ito.
______________________16. Kinain ng lupa ang aking kahihiyan.
______________________17. Ang bandila sa hangin ay kawangis ng malaking ibon na
nakaladlad ang pakpak.
. _____________________18. Maganda ang boses niya… kasing-ganda ng kokak ng palaka
______________________19. Humagulgol ang hangin.
______________________20. Ang ulap ay kawangis ng mukha ng tao.

Layunin: Nailalahad ang mga ginamit na talinghaga alinman sa tula, balagtasan, alamat/maikling-kwento, epiko ayon
sa kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan

Kasanayan Bilang:2 Paglalahad ng ginamit na Talinghaga ayon sa Araw:3 & 4


Kasingkahulugan at Kasalungat na Kahulugan
KONSEPTO:
Sa pang araw-araw natin na pamumuhay ay palagi tayong gumagamit ng mga salita. At sa ating paggamit ay
nalilinang natin ang ating wika. Isa ang mga talinhaga sa nakakatulong sa atin upang maipahayag ang ating mga kaisipan
sa ibang tao. Ang talinhaga ay nagbibigay sa atin ng inspirasyon, gabay at nagpapalawak ito sa ating bokabolaryo. Kaya
naman sa pagkakataong ito ay uunawain natin ng mabuti ang mga talinghaga na madalas ginagamit sa tula, balagtasan,
alamat/maikling-kwento. epiko. Pagdating sa pagbibigay o pagtukoy ng kahulugan ng mga talinhaga ay marami tayong

12
mga paraan na ginagamit. Pero sa pagkakataong ito ay gagamitin natin ang paraan kung saan ay inaalam natin ang
kasingkahulugan at kasalungat na pagpapakahulugan dahil madali itong paraan.
Halimbawa: Talinhaga sa Tula
Basahin natin ang isang saknong mula sa tula ni Lope K. Santos na pinamagatang “Kabayanihan”.

Sa tulong mo’y naging maalwan ang dukha,


sa turo mo’y naging mulat ang mulala,
tapang mo’y sa duwag naging halimbawa’t
ang kamatayan mo ay buhay ng madla.

Pagbibigay Kahulugan:
1. maalwan (Kasingkahulugan: guminhawa)
Naging maalwan ang buhay ni Alice ng pumunta sa Europe ang kanyang ina.
2. dukha (Kasalungat: mayaman)
Kinukutya si Alex ng kanyang mga kaklase dahil sa kanyang pagiging dukha.
3. mulala (kasalungat: edukado)
Maraming maling impormasyon ang kumakalat sa Facebook dahil karamihan sa gumamit nito ay mulala.
4. madla (kasingkahulugan: mga tao)
Natatakot lumabas ang madla dahil sa pagkalat ng sakit na COVID-19.

Pag-unawa:
Bigyang pansin ang mga salitang kulay pula, na kung saan mga salitang bumubuo sa mga matatalinghagang
pananalita, makukuha mo ang tunay na kahulugan ng isang matalinghagang pahayag sa pagbibigay ng kasingkahulugan
at kasalungat na mga salita. Sa tulang sinipi sa Kabayanihan ni Lope K. Santos, pinapakita ang naging epekto ng mga
ginawang kabutihan ng isang bayani sa ibang tao. Ipinakita sa sinipi ang ginhawang naidulot ng bayani sa mga tao, ang
karunungan na kanyang ibinahagi at pagbibigay niya ng tapang. At sa pagkamatay ng bayani ito ay nagbigay pag-asa sa
mga tao.

Hitik sa talinghaga ang tula. Ito ang nagsisilbing palamuti ng tula upang manatili ang kasiningan at kariktan nito.
Ayon kay Lope K. Santos, ang talinghaga ay hindi lamang sumasakop sa mga tayutay tulad ng sinkedoke, metapora,
metonimiya, kundi sa kabuuan ng retorika (masining na pagpapahayag) at poetika na tumatalakay sa mga kaisipan at
sari-saring pamamaraan ng pamamahayag nito.
Pagsasanay 1 Piliin sa loob ng kahon ang salitang kasingkahulugan ng salitang may diin o salitang matatalinghaga sa
pangungusap.

a. hindi nadidisiplina D. pinag-isipan


b. katalinuhan E. problema
c. matalino F. walang magandang hinaharap

13
1. ____________ Hindi maiiwasang makaranas ng bagyo sa buhay ang mga tao.
2. ____________Inisip niya nang makapito ang bagay na ito bago niya gawin.
3. ____________Matigas ang ulo ng anak na hindi napaluha.
4. ____________Malayo ang mararating ng batang matalas ang isip.
5. ____________Marami siyang masasamang bisyo kaya’t sigurado akong nakatunganga na iyan bukas.
Pagsasanay 2 Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga salitang matatalinghaga na
nakasalungguhit. Ang unang bilang ay ginawa na para sa iyo.

Mga Salawikain,Sawikain at Kasabihan sa tula kasingkahulugan kasalungat


1. Sa aking paanan ay may isang batis, Nagdadalamhati Nagsasaya
maghapo’t magdamag na nagtutumangis
2. Organong sa loob ng isang simbahan ay
nananalangin sa kapighatian
3. sa mga sanga ko ay nangakasabit
ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
4. ang buwang tila nagdarasal,
ako’y binabati ng ngiting malamlam.
5. batis sa paa ko’y may luha nang daloy.

14
TXTBK + QUALAS
SANAYANG PAPEL Blg.3
Textbook based instruction
SA FILIPINO 8
paired with MELC-Based
Quality Assured Learner’s
Kwarter 1 Linggo 3
Activity Sheet (LAS)

Pangalan: ____________________________Baitang at Pangkat: _____________________

Guro: _____________________________Petsa ng Pagpasa: _________________________

MELC:4. Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan
(eupemistikong pahayag) (F8WG-Ia-c-17
MELC:5. Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na angkop sa kasalukuyang kalagayan
(F8PS-Ia-c-20)

Sanggunian: Pahina: -Pinagyamang Pluma


7-25
Aralin: Paghahambing at Dalawang Uri ng Paghahambing

Layunin: 1. Matutukoy ang mga ginamit na paghahambing sa kaisipang nakapaloob


Kasanayan Bilang: 1 Pagtukoy sa mga ginamit na paghahambing Araw: 1
KONSEPTO:
Alam mo ba?
Sa isang mabisang paraan ng pagpapahayag at paglalarawan ang paghahambing ay makakatulong upang
maipabatid nang malinaw at maayos ang isang kaisipang pinaghahambing. Ayon sa Wikipedia.org ang paghahambing
ay isang paglalarawan sa antas o lebel na katangian ng tao, bagay, hayop, ideya at pangyayari.Sa karunungang-bayan na
nagiging batayan ng ating mga ninuno at nagsisilbing batas o paalala, kaya naman nangangailangan ito nang maayos
paglalahad sa paggamit ng paghahambing ay mas nagiging mabisa ito sapagkat ay naiapapakita ang pagkokompara ng
dalawang kaisipan gaya ng pag-uugali, katangian ng isang tao na tila walang natatanging pagkakatulad.
Dalawang Uri ng Paghahambing
Sa paghahambing mayroon dalawang paraan para ihambing ang isang ng tao, bagay, hayop, ideya at pangyayari
sapagkat nakadepende sa antas o lebel ang paglalarawan. Kaya may dalawang uri ang paghahambing paghahambing na
makatulad at paghahambing na di magkatulad.
Ginagamit ito kung patas o
magkatulad ang katangian ng
inihahambing. Ginagamitan ito
Pahambing na Magkatulad ng mga panlaping magka, kasing,
sing, sim, magsing o kaya mga
salitang gaya, tulad, kapwa,
pareho at paris.
Halimbawa:
• Kapag gumawa ng mabuti sa kapwa, higit ang balik sa iyo ng ginhawa gaya ng ginawa ng mabuting Samaritano
sa Bibliya.
• Parehong may pusong mamon sina Ted at Tad, kaya sila ay kinalulugdan ng lahat.

15
BIGYANG-PANSIN!!!
Pansinin ang halimbawa sa unang pahayag, ikinukompara ang paggawa ng kabutihan sa kapwa sa kabutihang
ginawa ng isang Samaritano, sa madaling salita ang paghahambing na ito ay magkatulad kaya ginamitan ng salitang gaya
bilang patunay na ang katangian ng bawat isa ay magkapareho.
Sa pangalawang pahayag ang inihahambing ay ang pagkakaroon ng pusong mamon nina Ana at Ben kapwa sila may
parehong katangian kaya gumamit din ng salitang pareho.

Sa paghahambing hindi lamang ang magkapareho ang ihinahambing maaari rin ihambing ang mga ideya na hindi
magkatulad at may dalawang uri ito:

Maaari ding paghambingin ang mga bagay na


hindi magkatulad.
a. Palamang Kung ang inihahambing ay mas
Pahambing na malaki o nakahihigit sa isa sa
pinaghahambing. Ginagamit ang mga salitang
higit, lalo, mas, o di- hamak.
Di-magkatulad
b. Pasahol Kung ang inihahambing ay mas
maliit o kulang sa katangian ang isa sa
pinaghahambing. Ginagamit ang mga salitang
di-gaano, di-gasino, o di-masyado
Halimbawa:
1. Palamang
• Higit na may pusong mamon si Ana kaysa kay Ben, kaya sila ay nagkakaroon ng sigalot.
• Di-hamak na busilak ang puso ni Ginoong Rafael kaysa sa kaniyang asawa.

BIGYANG-PANSIN!!!
Bigyang-pansin ang unang halimbawa, sa puntong ito ay nagkaroon ng hambingan sa pagitan ni Ted at Tad na
kung saan ay mas nakakalamang o may katangian si Ted na nakahihigit kaysa kay Tad sa madaling salita sa ganitong
klaseng hambingan na ang isa ay nakalalamang sa isa at ginamitan ng salitang higit ito ang paghahambing na di
magkatulad Palamang.
Ganoon din sa pangalawang halimbawa hindi pareho ang katangian na pinaghahambing sapagkat mas di hamak na
may busilak na puso si Ginoong Rafael kaysa sa kanyang asawa.
2. Pasahol
• Ang bagong tagapagsalita ay di-gaanong mabulaklak ang dila kaysa kay Ginoong Sancho.
• Ang tiangge ay di-masyadong mahulugang karayom ngayon kaysa noong nakaraang linggo.

BIGYANG-PANSIN!!!
Tumungo tayo sa isa pang uri ng paghahambing na di-magkatulad na pasahol. Suriin ang unang halimbawa, sa
pagkakataong ito ang ikinokompara ay may kulang sa katangian. Isinasaad diyan na hindi gaano kaganda magsalita ang
bagong tagapagsalita na kung saan ikonompara siya kay Ginoong Pasta, hindi man lantad na sinabi na mabulaklak ang
dila niya ngunit ang pagkompara sa kanya ay nangangahulugan na angat ang kanyang katangian. Pareho rin sa
pangalawang pangungusap inihahambing ang dami ng tao ngayon sa Tiannge sa nakaraang Linggo.Nagiging pasahol
ang hambingan sapagkat gumagamit din ng mga salitang di-gaano o di-gasino.
Sa kabuoan ang paghahambing ay malaking tulong sa pagpapahayag ng isang kaisipan sapagkat dito natin matutukoy
ang klase o uri ng antas, lebel o katangian ng isang tao, bagay, pangyayari at kaisipan.
Sa mga nabanggit ding halimbawa gamit ang mga karunungang-bayan ay napaghambing natin ang iba’t-ibang kaisipan
at sa tulong ng paghahambing ay nabigyan ng halaga ang paggamit ng karunungang-bayan.

16
Pagsasanay 1:
PANUTO: Suriing Mabuti ang bawat pahayag ng bawat bilang, tukuyin ang panlapi o mga salitang ginamit sa
paghahambing. Pagkatapos ay tukuyin muli kung anong uri ng paghahambing ito, Paghahambing na Magkatulad o Di
Magkatulad (Pasahol o Palamang)
1. Ang mga karunungang-bayan gaya ng salawikain, sawikain, bugtong at kasabihan ay parehong sumasalamin
sa ating kultura at tradisyon ng mga katutubong Pilipino, na naging batayan sa kanilang pamumuhay.

Panlapi o salitang ginamit sa paghahambing Uri ng paghahambing

2. Ang karunungang-bayan at iba pang anyo ng panitikan sa Pilipinas ay magkasing halaga sapagkat pareho itong
nagbibigay ng aral sa buhay.

Panlapi o salitang ginamit sa paghahambing Uri ng paghahambing

3. Di-tulad ng salawikain at sawikain, higit na madaling unawain ang mga kasabihan dahil halos literal ang mga
kahulugan nito.
Panlapi o salitang ginamit sa paghahambing Uri ng paghahambing

4. Ang buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim
Panlapi o salitang ginamit sa paghahambing Uri ng paghahambing

5. Ang mabuting halimbawa ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila.

Panlapi o salitang ginamit sa paghahambing Uri ng paghahambing

6. Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda

Panlapi o salitang ginamit sa paghahambing Uri ng paghahambing

7. . Ang tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak.

Panlapi o salitang ginamit sa paghahambing Uri ng paghahambing

Aralin 2: Paggamit ng Paghahambing sa Pagbuo ng alinman sa Karunungang-bayan

Layunin: 1. Makabubuo ng alinman sa bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan gamit ang paghahambing

Kasanayan Bilang:2 Paggamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain, sawikain o
kasabihan (eupemistikong pahayag) Araw:2

KONSEPTO: (Ang konsepto sa araw na ito ay natalakay na noong nakaraan araw.)

Pagsasanay
PANUTO: Bumuo ng 5 na alinmang sa karunungang bayan tulad ng salawikain, sawikain, bugtong at kasabihan gamit
ang tinalakay na paghahambing. Isulatt mo ang iyong nabuong karunungang-bayan sa facebook na kahon. Isaalang-
alang ang pamantayan sa paggawa. (Pagbatayan ang halimbawa sa konsepto)
• “Parang alitaptap, gamit sa panghanap.” Sagot -Flashlight-Bugtong

17
PAMANTAYAN SA PAGBUO NG ALINMANG SA KARUNUNGANG-BAYAN
4=Napakagaling 3=Mahusay 2=Nalilinang 1=Nagsisimula

4 3 2 1
1. Nagagamit ang mga gabay sa pagbuo ng karunungang-bayan
2. Kahusayan sa konsepto
3. Kalinawan ng mensahe
4. Dating sa madla
5. Kabuuang puntos

FILIBOOK

1.

2.

3.

4.

5.

Aralin 3: Pagsulat ng Karunungang-Bayan Angkop sa kasalukuyan Kalagayan


Layunin: Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na angkop sa kasalukuyang kalagayan

Kasanayan Bilang: 3 Pagsulat ng Sariling bugtong, sawikain o kasabihan na angkop sa kasalukuyang


panahon Araw:3 & 4

Konsepto:

Paraan ng Pagsulat ng alinman sa Bugtong, Saliwikain, Sawikain o Kasabihan


Sa kasalukuyan ang mga kabataan ay sumasabay sa agos ng buhay, sila ay nakiki-uso sa kung ano ang mga bago.
Kaya naman, isa sa mga napakalaking hamon ay kung paano din ang mga millennial na mga mag-aaral makiayon sa ating
mga katutubong panitikan. Bagamat sinaunang panitikan ay malaki naman ang ambag sa kasalukuyan kaya kinakailangan
pa rin itong paunlarin at pagyamanin. Sa pagsulat ng alinmang sa karunungang-bayan maaari ri tayo gumamit ng
paghahambing upang mas lalong mailarawan at mailahad ang isang kaisipan. Narito ang ilang gabay sa pagsulat ng
alinmang sa bugtong, salawikain, sawikan at kasabihan.

18
Nakabatay sa
panahon at
nakapupukaw
ang interes ng Gawin itong
Isaalang-alang mga tao simple, maikli at
ang kultura at kinakailangan
tradisyon may sukat at
tugma

Pamamaraan
Paggamit ng sa Pagsulat
Paggamit ng
matatalinghagang ng mga
paghahambing
salita karunungan
g-bayan

▪ Paggamit ng matalinghagang salita- Sa pagbuo ng isang karunungang-bayan dapat isaalang-alang ang


paggamit ng kariktan at indayog upang maging masining ang anyo ng isang pahayag. Sa paggamit nito
ay mas maging matarok ang kanilang pag-iisip.
▪ Kultura at Tradisyon-Kinakailangan na nakabatay ito sa kultura at tradisyon dahil ito ang nagiging
batayan sa paniniwala at pamumuhay ng isang pamayanan.
▪ Nakabatay sa panahon at nakapupukaw ang interes ng mga tao.- Ang ating karunungang-bayan ay
umusbong sa panahon ng katutubo,inaangkop nila ito sa kanilang panahon upang madaling maiugnay
ang kanilang mga sarili.Kaya naman kinakailangan na angkop di sa panahon ngayon ang mga tema o
himig ng isang karunungang-bayan. Mainam rin na ito ay nakapupukaw ang interes ng tao upang agad
itong tumatak sa kanilang isipan.
▪ Kinakailangan may sukat at tugma- Isa sa mga anyo at estilo sa pagbuo ng karunungang-bayan katulad
ng paggamit ng mga matatalinghagang salita na nagbibigay sining sa anyo ng pahayag.
▪ Paggamit ng Paghahambing- Upang mas mailarawan at maipakita ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
antas ng katangian.

Halimbawa:
• Aanhin mo ang pag-ibig na wagas kung mula sa isang hudas
mas Mabuti pa ang mukhang ungas kung mamahalin ka hanggang wakas-Salawikain
• “Parang alitaptap, gamit sa panghanap.” Sagot -Flashlight-Bugtong
BIGYANG-PANSIN!!!
Bigyang-pansin ang mga halimbawa, simulan natin sa una ang salawikain. Nabuo ang pahayag na ito dahil
pinaghambing ang pag-ibig ng isang nababalat-kayo sa isang hindi kaaya-ayang kaanyuan pero wagas naman magmahal,
gumamit din ng talinghaga katulad ng salitang hudas na ibig sabihin ay trydor, may sukat at tugma. May pareho ang
tunong ng huling pantig ng taludtud at ang sukat ay may 19 na pantig bawat taludtud.nito.Naayon din ito sa panahon
ngayon dahil sa iba’t-ibang paraan ng pagmamahal na minsan nakabatay sa paniniwala ng isang tao, at doon pumapasok
ang kultura at tradisyon.Ganoon din sa pangalawang halimbawa ang bugtong,kung susuriin inihambing ang liwanag ng
isang flashlight sa isang alitaptap,kapag sinabing alitaptap sa gabi makikita na kung saan ang flashlight ay ginagamit sa
madilim may sukat at tugma rin ang bawat taludturan,
Sa pagsulat ng alinmang sa karunungang-bayan mahalagang isaalang-alang ang mga nabanggit upang
magkaroon ng isang makabuluhang karunungang-bayan na maaaring kapulutan ng aral o magkapagbigay ng paalala, at
gumabay para sa mga kabataan natin ngayon sa kasalukuyan.

Pagsasanay 1 Suriin mabuti ang mga larawan sa ibaba. Pumili ng 3 larawan na nagpapakita ng kaganapan sa
kasalukuyan. Sumulat ng alinmang sa bugtong, sawikain, salawikain, o kasabihan na aakma sa larawan na iyong napili.

19
Isaalang-alang ang mga paraan sa pagsulat ng karunungang-bayan at isulat sa nakalaang kahon sa mismong ibaba ng
lawaran ang anumang sagot.

Salawikain/Sawikain/Kasabihan/
Larawan Bugtong
1 Halimbawa:

Karunungan ay kayamanan higit na mas mahalaga


kaysa sa gintong kumikinang

Salawikain/Sawikain/Kasabihan/
Larawan Bugtong
2 ___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
______________________

Salawikain/Sawikain/Kasabihan/
Bugtong
Larawan
3 _________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
____________________________

Salawikain/Sawikain/Kasabihan/
Larawan Bugtong
4
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
____________________________

Rubriks sa Pagsulat ng sariling Bugtong, sawikain, salawikain angkop sa kasalukuyang pangyayari

Naisalang-alang ang mga paraan sa pagsulat ng mga karunungang-bayan=5 pts


Naipapakita ang kaangkupan sa kasalukuyang pangyayari=5pts
Nagpapakita ng pagiging malikhain sa pagsulat= 5pts
Total ng puntos bawat larawan=15pts.

20
TXTBK + QUALAS

SANAYANG PAPEL Blg.4


Textbook based instruction
SA FILIPINO 8
paired with MELC-Based
Quality Assured Learner’s
Kwarter 1 Linggo 4
Activity Sheet (LAS)

Pangalan: ____________________________Baitang at Pangkat: _____________________


Guro: _____________________________Petsa ng Pagpasa : _________________________

MELC
6: Nakikinig nang may pag-unawa upang:-mailahad ang layunin ng napakinggan,-maipaliwanag ang pagkakaugnay-
ugnay ng mga pangyayari (F8PN-Ig-h-22)
7: Napapaunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng:-paghihinuha batay sa mga ideya o
pangyayari sa akda, -dating kaalaman kaugnay sa binasa (F8PB-Ig-h-24)

Aralin 3: Epiko at Ang Katuturan Nito


Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8 Pahina: 54-57
www.google.com

Layunin: Naibibigay ang katuturan, uri, at katangian ng Epiko


Kasanayan Bilang: 1 Katuturan, Uri at Katangian ng Epiko Araw:1

KONSEPTO:
Epiko - Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyego na “epos.” Ito ay may kahulugang awit. Ito ay may tema
ng kadakilaan ng kabayanihan. Ang epiko ay isang tulang pasalaysay tungkol sa paglalakbay, pakikidigma, mga
pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng kamangha-mangha, kagila-gilalas o di kapani-
paniwalang pangyayari ng kapangyarihan at lakas na hindi ipinamamalas ng karaniwang nilalang.

MGA URI NG EPIKO

1. Epikong Sinauna
Sinasabing sinauna, sapagkat ang mga uring ito ay lumitaw noong unang panahon. Kilala rin sa taguring
Epikong Pambayan na naglalahad ng isang sambayanan o bansa sa pagtataguyod ng isang layunin o mithiin. Ito’y
karaniwan nang may katangian. pangunahing tauhan na nag-aangkin ng kahima-himala at kumakatawan sa adhikain
ng isang lahi o isang bansa. Sinauna, sapagkat nagpasalin-salin ito mula sa sinaunag panahon hanggang ngyaon.

2. Epikong Masining
Tinatawag din itong Epikong Makabago o Epikong Pampolitika, hindi nagpasalin-salin ngunit isinulat ng
isang makata.

3. Epikong Pakutya
Kabalangkas ng Epikong pambayani, ngunit ang paksa ay naglalahad na kutyain ang gawaing walang
kabuluhan at pag-aaksayahan lamang ng panahon ng tao.

KATANGIAN NG EPIKO
1. Matalinghaga o malalim ang mga pananalita sa epiko.

21
Ang epiko ay hitik sa mga metapora o iba pang mga tayutay. Dahil hindi literal ang mga pananalita sa epiko,
kailangan itong basahin nang mabuti upang maunawaan ang kahulugan ng bawat mga taludtod.
2. Ang mga tauhan ay may bansag o pagkakakilanlan.
Kadalasang may ikinakabit na paglalarawan sa pangalan ng tauhan upang mas madali itong maalala ng mga
mambabasa. Napapadali rin nito ang pagkilala sa personalidad ng naturang tauhan.
3. Direktang pananalita mula sa mga tauhan.
Mababasa sa epiko ang mismong dayalog na sinasalita ng tauhan. May mga linyahan ng tauhan na tumatatak
sa mga mambabasa. Kadalasang dito nagmumula ang mga sikat na kawikaan.
4. Naglalaman ng mga kababalaghan o di-kapanipaniwalang pangyayari.
Madalas na eksaherado ang mga eksena sa mga epiko. May taglay na kapangyarihan rin ang mga pangunahing
tauhan na ginagamit nila upang matalo ang kalaban.
5. Nagpapakita ng agwat sa pagitan ng mga tao at mga diyos.
Ipinakikita sa epiko na ang mga diyos ay laging nakahihigit sa mga tao dahil sa taglay nilang kapangyarihan.
6. Malawak o maraming tagpuang nasasangkot.
Ang pangunahing tagpuan sa epiko ay maaaring hango sa isang tunay na umiiral na lugar sa mundo, mayroon
rin namang piksyon na tagpuan. Pero hindi lang sa isang tagpuan umiikot ang epiko. Maaari maging sa ibang panig
ng mundo o sa kalawakan pa nga.
7. Buhay pag-ibig ng pangunahing tauhan.
Bukod sa pakikipagdigma at paggapi sa kalaban. Layunin din ng pangunahing tauhan na mahanap ang
kaniyang iniibig at masaya silang mamumuhay nang magkasama sa wakas ng kwento.
8. Aral ng kabayanihan.
Ang ipinakitang kabayanihan at magagandang katangian ng pangunahing tauhan ay isang huwaran para sa
mga katutubo.
Pagsasanay 1 Sagutin ang sumusunod ng mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang maling ideya tungkol sa Epiko?
A. Ito ay nagmula sa salitang “epos”\
B. Isinasalaysay nito ang kabayanihan ng lahat ng tauhan
C. Orihinal itong nagmula sa anyong patula
D. Ang pangunahing tauhan ay may natatanging lakas at di-pangkaraniwang kakayahan.

2. Alin sa mga sumusunod na konsepto ang hindi gaanong binibigyang diin sa isang epiko?
A. Bayani B. Pagsubok C. Pag-ibig D. Pakikipagsapalaran

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng Epiko?


A. Naglalaman ng aral ng kabayanihan
B. Nagpapakita ng agwat sa pagitan ng tao at diyos
C. Pakikidigma at paggapi sa kalaban ang takbo ng pangyayari.
D. Seryoso at makatwirang pangyayari ang itinatampok

4. Ang mga uring ito ay lumitaw noong unang panahon. Kilala rin sa taguring Epikong Pambayan na naglalahad ng
isang sambayanan o bansa sa pagtataguyod ng isang layunin o mithiin.
A. Epikong Sinauna
B. Epikong Masining
C. Epikong Pakutya
D. Epikong Makabago

5. Paano naiiba ang epiko sa iba pang akdang pampanitikan?


A. Dahil sa taglay nitong romansa at pag-iibigan
B. Dahil sa mga tauhang may kakaibang kakayahan
C. Dahil ito ay mahabang salaysay
22
D. Dahil ito ay nagsisilbing pagkakakilanlang panrehiyon at pangkultura.
Pagsasanay 2 Basahin at unawain ang mga gabay na tanong, sagutan ito upang malaman natin ang iyong kaalaman
tungkol sa Epiko.
1. Ano ang Epiko? Bakit mahalagang pag-aralan ang Epiko?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_____________________________________________
2. Paano naiiba ang katangian ng Epiko sa ibang akdang pampanitikan?

_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_____________________________________________
3. Anong uri ng epiko ang masasabi mong lumaganap sa kasalukuyang panahon?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_______________________________________________

Layunin: Naisasalaysay ang mga kaisipang napakingan at ang pagkaka-ugnay ng mga pangyayari

Kasanayan Bilang: 2 Kaisipan at Pangyayaring Nakapaloob sa Epiko Araw:2

KONSEPTO:
Ang epiko o epic ay isang anyo ng panitikan na tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagsapalaran ng
pangunahing tauhan laban sa kaniyang mga katunggali; mga diwata o anito at mga mabubuting espiritu. Ang Epiko
o Epic sa wikang Ingles ay uri ng panitikan na matatagpuan sa ibat ibang grupong etniko. Ito ay mga tulang pasalaysay
na naglalarawan sa buhay at kabayanihan ng isang tao, partikular sa isang lalaki. Ito ay nagtuturo ng magagandang
asal at kabayanihan sa pamamagitan ng mga paggamit ng salitang nakakapagsaad ng mabilis na pangyayari, mga
masalimuot na paksa at mga kababalaghang hindi maabot ng pag-unawa.

Layunin ng Epiko
1. Nagbibigay impormasyon ukol sa mga sinaunang tao at kultura.
Karamihan sa mga epiko ay natagpuan sa grupo ng mga tao na hindi pa nagagalaw ng makabagong proseso ng
pagpapaunlad ng kultura tulad ng mga katutubo at etnikong grupo sa Mountain Province at sa Mindanao, sa grupo ng
mga Muslim. Ang mangilan-ngilan ay makikita sa mga mamamayang Kristiyano.
2. Kumakatawan ito sa mga paniniwala, kaugalian at mabubuting aral ng mga mamamayan.
Ang mga epikong Pilipino ay mas nararapat na tawaging ethno-epic, dahil may mga epiko na kumakatawan sa
bawat pangkat etniko at tumatalakay sa mga bayani ng bawat rehiyon at tribo.
3. Nagpapakita ng kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang-araw-araw na buhay at
kalikasan.
Kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kanyang mga sagupaan sa mga mahihiwagang nilalang, anting-
anting, at ang kanyang paghahanap sa kanyang minamahal o magulang. Ito rin ay maaaring tungkol sa panliligaw o
pag-aasawa.
4. Pagpapalawig at pagpapalaganap ng kultura, paniniwala at sining.
Isinasaad ang mga mahahalagang layunin na nais ipabatid ng may-akda na tungkol sa kabayanihan at
pamumuhay ng mga tao. Nagpapakita ng mga kaugaliang taglay ng isang Pilipino at tradisyon na isinasagawa batay
sa kultura ng mga Pilipino. Sa kabilang dako ang mga epiko ay sumasalamin sa mga ritwal at pagdiriwang ng isang

23
lugar upang maisapuso at mapanatili sa isipan ng mga mamamayan ang mga kinagisnang kaugaulian at paniniwala,
gayundin ang mga tuntunin sa buhay na pamana ng ating mga ninuno.
Pagpapakita ng Halimbawa:
Bantugan
(Epikong Mindanao)

Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran. Ang prinsipe ay balita sa
tapang at kakisigan, kaya't maraming dalaga ang naaakit sa kanya. Dahil sa pangyayaring ito, si Haring Madali ay
naiinggit sa kapatid. Nag-utos siya na ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang
sinumang mahuling makipag-usap sa prinsipe ay parurusahan. Nalungkot si Prinsipe Bantugan at siya'y naglagalag.
Siya'y nagkasakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat. Ang
hari rito at ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang ay naguluhan. Hindi nila kilala si Bantugan. Tumawag sila ng
pulong ng mga tagapayo. Habang sinasangguni nila ang konseho kung ano ang gagawin sa bankay, isang loro ang
pumasok. Sinabi ng loro na ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na mula naman sa Bumbaran at ibinalita naman
ang pangyayari kay Haring Madali.
Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin ang kaluluwa ni
Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali, dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay dumating din si Prinsesa Datimbang
na dala naman ang bangkay ni Bantugan. Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Bantugan. Nabuhay na muli si
Bantugan at nagdiwang ang buong kaharian pati na si Haring Madali.
Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si Bantugan, ang matapang na kapatid ni
Haring Madali. Nilusob ng mga kawal niya ang Bumbaran. Itinigil ang pagdiriwang at nakilaban ang mga kawal ng
Bumbaran. Nanlaban din si Prinsipe Bantugan, subalit dahil sa siya ay nanglalata pa dahil sa bagong galing sa
kamatayan, siya ay nabihag. Siya'y iginapos, subalit nang magbalik ang dati niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang
kanyang gapos at buong ngitngit niyang pinuksa ang mga kawal ni Haring Miskoyaw. Nailigtas ni Bantugan ang
kaharian ng Bumbaran. Ipinagpatuloy ng kaharian ang pagdiriwang. Nawala na ang inggit sa puso ni Haring
Madali. Dinalaw ni Bantugan ang lahat ng mga prinsesang kanyang katipan. Pinakasalan niyang lahat ito at iniuwi
sa Bumbaran na tinanggap naman ni Haring Madali nang malugod at buong galak. Namuhay si Bantugan nang
maligaya ng mahabang panahon.
Panitikang Asyano 8, p.54-57
Karagdagang Batis:
Ang Bantugan ay isang epiko ng Mindanao na nagmula sa isang alamat ng tribu ng mga Mohammedan o ang
tinatawag na Moro. Ang Moro ay salitang Espanyol ng Mohammedano Mussulman. Ito ay patungkol sa isang prinsipe
ng Bumbaran na nakikipagsapalaran para sa kanyang kaharian. Ang epikong ito ay masasabing patok na alamat para
sa mga bata mula noon hanggang ngayon. Ito ang kauna-unahang orihinal na alamat na nagmula mismo sa mga taga-
Mindanao. Noong 1900, isinalin ito nina Major Ralph S. Porter, Surgeon U.S.V. Bantugan at marami pang iba.
Pagsasanay
Panuto: Basahin muli at unawaing mabuti ang epikong Bantugan (Epikong Mindanao). Isasalaysay ang mga
kaisipang nabasa at ang pagkaka-ugnay ng mga pangyayari. Punan ang graphic organizer.

Epikong Bantugan

Layunin ng Epiko

Kaugalian at
Kulturang
Pilipino

24
Layunin: Nasusuri ang elemento ng epikong binasa

Kasanayan Bilang: 3 Elemento ng Epiko Araw: 3

KONSEPTO:
Tinatawag namang “macro-epic” ang isang epiko kung ito ay sobrang haba at maaring umabot o humigit pa sa
isang-daang araw ang pagkukwento nito. Ang macro-epic ay naglalaman ng “micro-epic” o isang parte o bahagi ng
kwento na maaring ihiwalay at makabuo ng isa pang bukod na kwento.

Mga Elemento ng Epiko


Ang mga sumusunod ay ang elemento na bumubuo sa isang epiko:

Tagpuan – Ang tagpuan ay ang lugar at oras kung saan naganap ang mga pangyayari. Naapektuhan nito ang takbo
ng kwento, kaugalian at desisyon ng mga tauhan. Nagbibigay-daan din ito, upang malinawan ang mga mambabasa
sa banghay, paksa, at tauhan ng kwento.

Tauhan – Ang tauhan ang siyang nagbibigay ng buhay sa epiko. Sa madaling salita, ang tauhan ay ang mga kumikilos
sa akda. Sa kwento ng kabayanihan, ang mga tauhan ay karaniwang may taglay o angking kapangyarihan.

Banghay – Ito ay ang pagkakasunod ng mga pangyayari. Ito ay maaring maging payak o kompikado. Ang banghay
ng isang epiko ay nahahati sa limang bahagi: ang simula, saglit na kasiglahan, kasukdulan, kakalasan, at wakas.

Pagsasanay Suriin ang mga element mg epikong Bantugan. Ano ang masasabi mo sa estilo nito sa bahaging simula,
gitna, at wakas gamit ang graphic organizer.

Pamagat

Tauhan Tagpuan

Suriin ang Simula:

Suriin anf Gitna:

Suriin ang Wakas:

Layunin: Naibabahagi ang mga hinuha, mula dating kaalaman kaugnay sa mahalagang kaisipan na nakapaloob sa
binasang akda
25
Kasanayan Bilang: 4 Paghihinuha sa Mahahalagang Kaisipan sa Akda Araw: 4

KONSEPTO:
Ang Paghihinuha ay isang proseso kung saan naglalayong maipaliwanag o mabigyang-kahulugan sa
tulong ng mga pahiwatig o ng sariling kaalaman ang pangyayari. Ito din pagbibigay ng saloobin sa binasa o pagbubuo
ng sariling palagay, pasiya, o resulta ng pangyayari ayon sa mga detalyeng inilahad o binasa.
Sa bahaging ito, mabibigyan mo ng pansin ang kahalagahan ng epiko bilang akdang pampanitikan. Ang
antas ng iyong pag-unawa ay mahalaga sa mga mahihunuha sa mga kaisipang nakapaloob sa epiko at makakatulong
ang iyong dating kaalaman. Paano mo ito magagawa? Sundan ang mga halimbawa:

Pagpapakita ng Halimbawa:

MAHAHALAGANG KAISIPAN MAHAHALAGANG KAISIPAN


SA EPIKONG BANTUGAN SA EPIKONG BANTUGAN

Ang Prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, Nalungkot si Haring Madali sa pagkamatay ni


kaya't maraming dalaga ang naaakit sa kanya. Prinsipe Bantugan. Dali-dali siyang lumipad
Dahil sa pangyayaring ito, si Haring Madali ay patungo sa langit, upang bawiin ang kaluluwa ni
naiinggit sa kapatid. Bantugan.

HINUHA SA MGA PANGYAYARI HINUHA SA MGA PANGYAYARI

Sa tagpong ito pinapaalam sa mga mambabasa na Sa pangyayaring ito, ipinapakita ng akda ang
bilang isang Prinsipe kailangan maging maayos at pagmamahal ng isang kapatid. Kahit anuman ang
maganda ang iyong pagkatao. Pero di mawawaglit sigalot sa pagitan nila, di pa rin maiaalis na sila ay
ang kainggitan sa pamilya. magkadugo.

Pagsasanay Bigyan ng tamang paghihinuha ang mga kaisipan o pangyayaring naganap pa sa epikong Bantugan. Sa
nakalaang linya ay magbigay ng mga hinuha batay sa iyong dating kaalaman o karanasang may kaugnayan sa mga
nakatalang ideya o pangyayari.

1. Pinag-utos ni Haring Madali na ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan.
Hinuha:
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
____________________________________

2.Nalungkot si Prinsipe Bantugan sa ginawa ni Haring Madali at siya'y naglagalag, siya'y nagkasakit at namatay sa
pintuan ng palasyo ng Kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat.
Hinuha:
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
___________________________________

3. Dinalaw ni Bantugan ang lahat ng mga prinsesang kanyang katipan. Pinakasalan niyang lahat ito at iniuwi sa
Bumbaran na tinanggap naman ni Haring Madali nang malugod at buong galak.

26
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
____________________________________

TXTBK + QUALAS SANAYANG PAPEL Blg. 5

Textbook based instruction paired SA FILIPINO 8


with MELC-Based Quality
Assured Learner’s Activity Sheet
(LAS) Kwarter 1 Linggo 5

Pangalan: _______________________________Baitang at Pangkat_____________________________________

Guro: _________________________________Petsa ng Pagpasa: _______________________________________

MELC 8: Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari (dahil, sapagkat, kaya, bunga
nito, iba pa) (F8WG-Ig-h-22)
Aralin: Kahulugan, at Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga
Sanggunian: Youtube.com

Layunin: Nasusuri ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari


Kasanayan Bilang: 1 Pagsuri ng Sanhi at Bunga ng Pangyayari sa Balita Araw:1
KONSEPTO:
Sanhi at Bunga ng Pangyayari
Ang Sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ito ay nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga
pangyayari.
Halimbawa:
1. Magdamag na umiyak ang sanggol sa loob ng bahay, kaya hindi nakatulog nang maayos si Aling Emma.
2. Biglang napahagulhol ng iyak si Aling Tess, dahil naalala niya ang pumanaw na ama.
Ang Bunga naman ay ang resulta o kinalabasan o dulot ng pangyayari. Ito ay ang epekto ng kadahilanan ng
pangyayari.
Halimbawa:
1. Nalalason ang ating kapaligiran, dahil sa pagtatapon ng mga basura kung saan-saan.
2. Nadulas sa daanan ang babae, nang maapakan niya ang balat ng saging.

Bukod sa ‘kaya at dahil’ ay mayroon pang ibang mga hudyat ang maaaring gamitin sa pagtatalakay ng sanhi at bunga
ng mga pangyayari lalo na sa iba’t ibang mga teksto at ito ang mga sumusunod:

A. Mga hudyat na nagsasaad ng Sanhi Mga Halimbawa:

27
dahil/ dahil sa bunsod ng 1. Bunsod ng malakas na pag-ulan, tuloy bumaha.
sa dahilang sapagkat 2. Mangyari ay iniwan siya ng syota, kaya naglasing.
sanhi ng paano ay 3. Paano ay mahal nila ang isa’t isa, kaya naman sila’y nagpakasal.
kasi mangyari ay 4. Palibhasa ay nag-iisang anak, kaya sunod sa layaw.
palibhasa ay
B. Mga hudyat na nagsasaad ng Bunga
bilang resulta kaya tuloy
bilang bunga kaya
Halimbawa:
Ang mga pagbabago sa buhay ay isang karaniwang sanhi ng stress. Ang kabataan, mga teenager, mga
nagtatrabahong magulang, at matatanda ay nakararanas ng mga karaniwang stressors na may kaugnayan sa mga
pagbabago sa kanilang buhay. Ang mga taong kulang sa timbang at hindi nakakakain ng tama, kulang sa tulog, o hindi
maganda ang pisikal na kalusugan ay mas nahihirapan na harapin at solusyunan ang mga pang-araw-araw na stress sa
buhay.
Bilang resulta, ang mga taong stressed ay karaniwang balisa, may nerbiyos, walang konsentrasyon, madalas
mag-alala o mabahala. Bunga rin nito, ang tao ay nakararamdam ng sobrang pagkapagod, depresyon, pag-iisip na
nakasasakit ng sarili o kapwa, pananakit ng ulo, pagkahilo, pagsusuka, pagtatae, pananakit ng dibdib, mabilis na
pagtibok ng puso, hyperventilation o pakiramdam na sinasakal.

Pagsasanay Basahin at suriin ang sanhi at bunga ng iyong mababasa sa balita sa ibaba. Isulat sa loob ng talahanayan
ang sanhi at bunga ng pangyayari

MAYNILA – Tinatayang nasa 800 stranded individuals ang nananatili pa rin sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila habang
naghihintay ng biyahe papauwi sa kani-kanilang probinsiya. Matapos ito nang pag-alis ng nasa 1,000 stranded nitong
Miyerkoles ng umaga patungong Caraga Region. Noong nakaraang linggo, libo-libong mga papauwing probinsya ang naipon
sa stadium sa ilalim ng Hatid Tulong program ng gobyerno, kung saan hindi na nasunod ang physical distancing sa harap ng
patuloy na banta ng COVID-19. Humingi ng paumanhin ang mga opisyal matapos umani ng batikos. Bagama’t marami na
ang nabawas sa bilang ng mga nasa stadium, may ilan pa ring nananatili si Lorna Borja, na isang araw munang nanatili sa
ilalim ng LRT 1 sa Pasay bago nabigyang tulong. Matapos umalis sa kaniyang trabaho bilang kasambahay sa loob ng 6 na
taon, umaasa siyang makakauwi na sa kaniyang pamilya sa Bicol.”Nagkaproblema po ako sa amo ko, so nandon po ako sa
ilalim ng LRT sa Pasay Libertad, nag-iiyak po ako humihingi ng tulong sa magulang ko… Opo, inabutan po ng ulan doon,
mga isang araw pong buo, isang araw… Hindi ako kumain walang kain walang tulog, nanghihina na po ako,” ani Borja. Sa
tulong ng lokal na pamahalaan ng Maynila, inihatid si Borja sa Rizal Stadium para makasama sa mga biyaheng Bicol. Ang
bawat stranded na dumarating sa stadium kailangang sumalang muna sa rapid testing bago makasama sa mga pauuwiin sa
probinsya. Noong Martes, umabot na sa 25 sa mga stranded sa stadium ang nagpositibo sa COVID-19. Ang mga ito ay
nakatakdang sumalang sa confirmatory swab test. Ayon kay Presidential Management Staff Assistant Secretary Joseph
Encabo, pinuno ng Hatid Tulong program, target nilang mapauwi ang lahat ng mga ito hanggang Huwebes. Noong nagdaang
weekend, marami ang nabahala nang makitang nagsiksikan ang mga stranded sa Rizal stadium, kung saan ipinoproseso ang
kanilang pag-uwi sa ilalim ng Hatid Tulong program ng pamahalaan.

-- Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

28
Sanhi ng Pangyayari Bunga ng Pangyayari
1.
2.
3.
4.
5.
B. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang wastong hudyat ng sanhi at bunga sa patlang upang mabuo ang
pahayag. Nasa kahon ang pagpipilian.
1. Nakaranas ng matinding kahirapan ang buong bansa ________ pandemya.
2. Hindi na nga nakapag-aral si Bel _____________natanggal sa trabaho ang ama.
3. Napakakinis ng kanyang balat ______________anak ng mayaman.
4. Napakasipag mag-aral ni Julia ________________nakapagtapos ng may karangalan.
5. Sa sobrang dami ng gawain ____________nakalimutan ng kumain ng agahan.

Tuloy kaya naman palibhasa


Sapagkat bunga ng

Layunin: Natutukoy ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa maikling kwento at isang balita.

Aralin: Maikling Kuwento: Ang Kalupi at isang Balita


Sanggunian: www.google.com, youtube.com-VDC Channel
Slideshare.net
Kasanayan Bilang: 2 Pagtukoy ng Sanhi at Bunga ng Pangyayari Araw: 2 at 3

Konsepto: Kahulugan ng Maikling Kuwento

Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang


maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.
Maikling
Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung Kwento
ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang Panitikang
Pilipino
pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si
Deogracias A. Rosario ang tinuturing na "Ama ng Maikling
Kuwento". Tinawag rin itong dagli noong panahon ng mga
Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

29
ALAM MO
BA?

Benjamin P. Pascual
Ang nobelistang si Benjamin P. Pascual ay ipinanganak sa lungsod ng Laoag, Ilocos Norte.
Marami na siyang naisulat na maikling kuwento sa wikang Ilokano at nakasulat na rin ng
dalawang nobela sa wikang ito. Naisalin niya sa wikang Ilokano ang Rubaiyat ni Omar
Khayam. Ilan sa mga isinulat ni Benjamin P. Pascual ay ang Babaeng Misteryoso, Lalaki sa
Dilim, Landas sa Bahaghari at isa sa mga sikat na maikling kuwento na kanyang nailimbag
ay Ang Kalupi. Isa sa mga bagay na nag-udyok sa kanya upang likhain ang kuwentong ito ay
gusto niyang ibahagi sa mga tao ang kawalan ng hustisya sa ating lipunan at ang sanhi ng
maling akala.

Pagsasanay Talasalitaan
Hanapin sa hanay B ang kahulugan ng mga salita sa hanay A. Pagkatapos ay gamitin
ang salita sa hanay A sa pangungusap.

Hanay A Hanay B
_____1. kalupi A. makaalis
_____2.ikabuwal B. galit na galit
_____3.makaalpas C. nagmamadali
_____4.maaliwalas D. pitaka; lalagyan ng pera
_____5.humahagibis E. ikatumba
_____6.nagpupuyos F. maliwanag

(Basahin at unawain)
Ang Kalupi
ni Benjamin Pascual
Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barongbarong. Aliwalas
ang kanyang mukha at naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan. Araw ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa
gabing iyon ay tatanggapin nito ang diploma bilang katunayang natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas na
paaralan. Ang sandaling pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin namang panahon ng pagpapaaral ay dumating na.
Ang pagkakaroon ng isang anak na nagtapos ng high school ay hindi na isang maliit na bagay sa isang mahirap na
gaya niya, naiisip niya. Sa kanyang diwa ay para niyang nakikita ang kanyang anak na dalaga sa isang kasuotang
putting-puti, kipkip ang ilang libro at nakangiti, patungo sa lalo pang mataas na hangarin sa buhay, ang makatapos sa
kolehiyo, magpaunlad ng kabuhayan at sumagana. Maaaring balang araw ay magkaroon din siya ng mamanuganging
may sinabi rin naman. Nasa daan na siya ay para pa niyang naririnig ang matinis na halakhak ng kanyang anak na
dalaga habang paikot-ikot nitong sinusukat sa harap ng salamin ang nagbuburdahang puting damit na isusuot sa
kinagabihan. Napangiti siyang muli.
Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ng isang sisidlan ng kanyang pamimiling uulamin. Habang
daan, samantalang patungo sa pamilihang bayan sa Tondo, ay mataman niyang iniisip ang mga bagay na kanyang
pamimilhin. Hindi pangkaraniwang araw ito at kailangang magkaroon silang mag-anak ng hindi pangkaraniwang

30
pananghalian. Bibili siya ng isang matabang manok, isang kilong baboy, gulay na panahog at dalawang piling na
saging. Bibili na rin siya ng garbansos. Gustong-gusto ng kanyang magtatapos na anak ang minatamis na garbansos.
Mag-ikakasiyam na nang dumating siya sa pamilihan. Sa labas pa lamang ay naririnig na niya ang ingay na
nagbubuhat sa loob, ang ingay ng mga magbabangus na pag kanta pang isinisigaw ang halaga ng kanilang paninda,
ang salit-salitang tawaran ng mga mamimili.
Sa harapan niya piniling magdaan. Ang lugar ng magmamanok ay nasa dulo ng pamilihan at sa panggitnang
lagusan siya daraan upang magdaan tuloy sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng mantika. Nang dumating
siya sa gitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok, ay siyang paglabas na humahangos ng isang batang
lalaki, at ang kanilang pagbabangga ay muntik na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang dibdib.
“Ano ka ba?” ang bulyaw ni Aling Marta. “Kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!”
Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang-lilis ang laylayan. Nakasuot ito
ng libaging kamiseta, punit mula sa balikat hanggang pusod, na ikinalitaw ng kanyang butuhan at maruming dibdib.
Natiyak ni Aling Marta na ang bata ay anak-mahirap.
“Pasensya na kayo, Ale” ang sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangus. Tigbebente, sa loob-loob
ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya, “Hindi ko ho kayo sinasadya. Nagmamadali ho ako e.”
“Pasensya!” – sabi ni Aling Marta. “Kung lahat ng kawalang-ingat mo’y pagpapasensiyahan nang
pagpapasensiyahan ay makakapatay ka ng tao.”
Agad siyang tumalikod at tuloy-tuloy na pumasok. Paano’t pano man, naisip niya, ay ako ang huling
nakapangusap. Dumating siya sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng ilang kartong mantika.
“Tumaba yata kayo, Aling Gondang,” ang bati niya sa may kagulangan ng tindera na siya niyang nakaugaliang
bilhan. Nakangiti siya at ang babae ay ngumiti rin.
“Tila nga ho,” ani Aling Gondang. “Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda.”
Natawa si Aling Marta at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad. Saglit na
nangulimlim ang kanyang mukha at ang ngiti sa maninipis niyang labi ay nawala. Wala ang kanyang kalupi! Napansin
ng kaharap ang kanyang anyo.
“Bakit ho?” anito.
“E…e, nawawala ho ang aking pitaka,” wala sa loob na sagot ni Aling Marta.
“Ku, e magkano ho naman ang laman?” ang tanong ng babae. Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay
pitumpong piso na siyang bigay na sahod ng kanyang asawa nang sinundang gabi. Sabado. Ngunit aywan ba niya kung
bakit ang di pa ma’y nakikiramay ang tonong nagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang loob upang sabihing, “E,
sandaan at sampung piso ho.”
Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari’y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng mga nakaraang
pangyayari. Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga.
Tumama ang siko nito sa kanyang dibdib, sa kanyang katawan! Dali-dali siyang tumalikod at patakbong lumabas.
Hindi pa marahil iyon nakakalayo; nagpalinga-linga siya. Patakbo uli siyang lumakad, sa harap ng mga bilao ng gulay
na halos matapakan na niya sa pagmamadali, at sa gawing dulo ng prosisyon na di kalayuan sa natatanaw niyang
karatig na outpost ng mga pulis, ay nakita niya ang kanyang hinahanap. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng
kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Hindi siya maaari magkamali: ang wakwak na kamiseta nito at ang
mahabang panahon na ari’y salawal ding ginagamit ng kanyang ama, ay sapat nang palatandaan upang ito ay madaling
makilala. At ang hawak nitong bangus na tigbebente.
Maliksi siyang lumapit at binatak ang bata sa leeg. “Nakita rin kita!” ang sabi niyang humihingal. “Ikaw ang
dumukot sa pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!”
Tiyak ang kanyang pagsasalita. Ngunit ang bata ay mahinang sumagot:
“Ano hong pitaka?” ang sabi. “Wala ho akong kinukuha sa inyong pitaka.”
“Ano wala!” pasinghal na sabi ni Aling Marta. “Ikaw nga ang dumudukot ng pitaka ko at wala ng iba. Kunwa
pa’y binangga mo ‘ko, ano ha? Magaling, magaling ang sistema ninyong iyan! Kikita nga kayo rito sa palengke!”

31
Marami nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at babaeng namimili. Hinigpitan ni Aling
Marta ang pagkakahawak sa leeg ng bata at ito’y pilit na iniharap sa karamihan.
“Aba, kanina ba namang pumasok ako sa palengke e banggain ako,” ang sabi niya. “Nang magbabayad ako
ng pinamimili ko’t kapain ang bulsa ko e wala nang laman!”
“Ang mabuti ho’y ipapulis ninyo,” sabing nakalabi ng isang babaeng nakikinig. “Talagang dito ho sa
palengke’y maraming naglilipanang batang gaya niyan.”
“Tena,” ang sabi ni Aling Marta sa bata. “Sumama ka sa akin.”
“Bakit ho, saan ninyo ako dadalin?”
“Saan sa akala mo?” sabi ni Aling Marta at pinisil ang leeg ng bata. “Ibibigay kita sa pulis. Ipabibilanggo kita
kapag di mo inilabas ang dinukot mo sa akin.”
Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na bangos upang dalawahing-kamay ang pag-alis ng
mabutong daliri ni Aling Marta na tila kawad sa pagkakasakal ng kanyang leeg. May luha nang nakapaminta sa
kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang leeg. Buhat sa likuran ng mga manonood
ay lumapit ang isang pulis na tanod sa mga pagkakataong tulad niyon, at nang ito ay malapit na ay sinimulan ni Aling
Marta ang pagsusumbong. “Nasiguro ko hong siya dahil nang ako’y kanyang banggain, e, naramdaman ko ang
kanyang kamay sa aking bulsa,” patapos niyang pagsusumbong. “Hindi ko lang ho naino kaagad pagkat ako’y
nagmamadali.”
Tiningnang matagal ng pulis ang bata, ang maruming saplot nito at ang nagmamapa sa duming katawan,
pagkatapos ay patiyad na naupo sa harap nito at sinimulang mangapkap. Sa bulsa ng bata, na sa pagdating ng pulis ay
tuluyan nang umiyak, ay lumabas ang isang maruming panyolito, basa ng uhog at tadtad ng sulsi, diyes sentimos na
papel at tigbebenteng bangos.
“Natitiyak ho ba ninyong siya ang dumukot ng inyong pitaka?” ang tanong ng pulis kay Aling Marta.
“Siya ho at wala ng iba,” ang sagot ni Aling Marta.
“Saan mo dinala ang dinukot mo sa aleng ito?” mabalisik na tanong ng pulis sa bata. “Magsabi ka ng totoo,
kung di ay dadalhin kita.”
“Wala ho akong dinukot na maski ano sa kanya,” sisiguk-sigok na sagot ng bata. “Maski kapkapan ninyo ‘ko
nang kapkapan e wala kayong makukuha sa akin. Hindi ho ako mandurukot.”
“Maski kapkapan!” sabad ni Aling Marta. “Ano pa ang kakapkapin namin sa iyo kung ang pitaka ko e naipasa
mo na sa kapwa mo mandurukot! O, ano, hindi ba ganon kayong mga tekas kung lumakad…dala-dalawa, tatlu-talto!
Ku, ang mabuti ho yata, mamang pulis, e ituloy na natin iyan sa kuwartel. Baka roon matulong matakot iyan at magsabi
ng totoo.”
Tumindig ang pulis, “Hindi ho natin karakarakang madadala ito ng walang evidencia. Kinakailangang kahit
paano’y magkakaroon tayo ng maihaharap na katibayang siya nga ang dumukot ng inyong kuwarta. Papaano ho kung
hindi siya?”
“E, ano pang ebidensya ang hinahanap mo?” ang sabi ni Aling Marta na nakalimutan ang pamumupo. “Sinabi
nang binangga akong sadya, at naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa. Ano pa?” Sa bata nakatingin ang
pulis na wari’y nag-iisip ng dapat niyang gawin, maya’y maling naupo at dumukot ng isang lapis at isang maliit na
kuwaderno sa kanyang bulsa.
“Ano ang pangalan mo?” ang tanong niya sa bata.
“Andres Reyes po.”
“Saan ka nakatira?” ang muling tanong ng pulis. Lumingon ang bata sa kanyang paligid, inisa-isa ang mga
mukhang nakatunghay sa kanya. “Wala ho kaming bahay,” ang sagot. “Ang tatay ko ho e may sakit at kami ho, kung
minsan, ay sa bahay ng Tiyang Ines ko nakatira, sa Blumentritt, kung minsan naman ho e sa mga tiyo ko sa Kiyapo at
kung minsan e sa bahay ng kapatid ng nanay ko rito sa Tondo. Inutusan nga lang ho niya ‘kong bumili ng ulam para
Mamayang tanghali.”

32
“Samakatuwid ay dito kayong mag-ama nakatira ngayon sa Tondo?” ang tanong ng pulis.
“Oho,” ang sagot ng bata. “Pero hindi ko nga lang ho alam ang kalye at numero ng bahay dahil sa noong
makalawa lang kami lumipat at saka hindi ho ako marunong bumasa e.”
Ang walang kaawa-awang tanong at sagot na naririnig ni Aling Marta ay nakabagot sa kanyang pandinig; sa
palagay ba niya ay para silang walang mararating. Lumalaon ay dumarami ang tao sa kanyang paligid at ang pulis na
umuusig ay tila siyang-siya sa kanyang pagtatanong at pagsusulat sa kuwaderno. Nakaramdam siya ng pagkainis.
“Ang mabuti ho yata e dalhin na natin iyan kung dadalhin,” ang sabi niya. “Pinagkakaguluhan lamang tayo
ng mga tao rito at wala namang nangyayari. Kung hindi naman ninyo kaya ay sabihin ninyo at tatawag ako ng ibang
pulis.”
“Hirap sa inyo ay sabad kayo ng sabad, e” sabi ng pulis. “Buweno, kung gusto n’yong dalhin ngayon din ang
batang ito, pati kayo ay sumama sa akin sa kuwartel. Doon sabihin ang gusto ninyong sabihin at doon ninyo gawin
ang gusto ninyong gawin.”
Inakbayan niya ang bata at inilakad na patungo sa outpost, kasunod ang hindi umiyak na si Aling Marta at ang
isang hugos na tao na ang ilan ay pangiti-ngiti habang silang tatlo ay pinagmamasdan. Sa harap ng outpost ay huminto
ang pulis.
“Maghintay kayo rito sa sandali at tatawag ako sa kuwartel para pahalili,” ang sabi sa kanya at pumasok.
Naiwan siya sa harap ng bata, at ngayon ay tila maamong kordero sa pagkakatungo, sisiguk-sigok, nilalaro ng payat
na mga daliri ang ulo ng tangang bangus. Luminga-linga siya. Tanghali na; ilan-ilan na lamang ang nakikita niyang
pumasok sa palengke. Iniisip niya kung ilang oras pa ang kinakailangan niyang ipaghintay bago siya makauwi; dalawa,
tatlo, o maaaring sa hapon na. naalala niya ang kanyang anak na dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala
ay naiinip na sa paghihintay; at para niyang narinig ang sasabihin nito kung siya’y darating na walang dalang ano man,
walang dala at walang pera. Nagsiklab ang kanyang poot. Hinawakan niya ito sa isang bisig, at sa pagdidilim ng
kanyang paningin ay pabalingat niyang pinilit sa likod nito.
“Tinamaan ka ng lintek na bata ka!” ang sabi niyang pinanginginigan ng laman. “Kung walang binabaing
pulis na makapagpapaamin sa iyo, ako ang gagawa ng ikaaamin mo! Saan mo dinala ang dinukot mo sa ‘kin? Saan?
Saan?”
Napahiyaw ang bata sa sakit; ang bisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa kanyang balikat sa likod. Ang
mga nanonood ay parang nangangapatdan ng dila upang makapagsalita ng pagtutol. Ang kaliwang kamay ni Aling
Marta ay pakabig na nakapaikot sa baba ng bata; sinapo ito ng bata ng kanyang kamay at nang mailapit sa kanyang
bibig ay buong panggigil na kinagat.
Hindi niya gustong tumakbo; halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matitigas
na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon, nang siya ay bitiwan ng nasaktang si Aling Marta at makalayong papaurong,
ay naalaala niya ang kalayuan, kay Aling Marta at sa dumakip na pulis, at siya ay humahanap ng malulusutan at nang
makakita ay walang lingun-lingon na tumakbo, patungo sa ibayo nang maluwag na daan. Bahagya na niyang narinig
ang mahahayap na salitang nagbubuhat sa humahabol na si Aling Marta, at ang sigaw ng pulis at ang sumunod na
tilian ng mga babae; bahagya nang umabot sa kanyang pandinig ang malakas na busina ng ilang humahagibis na
sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim sa kanya ang buong paligid at sa pagmumulat na muli ng kanyang paningin,
sa pagbabalik ng kanyang ulirat, ay wala siyang nakita kundi ang madilim na anino ng kanyang mukhang nakatunghay
sa kanyang lupaypay at duguang katawan.
Hindi umimik si Aling Marta habang minamasdan ang bata. Maputla ang kulay ng kanyang mukha at aywan
ba niya at pati siya ay tila nawalan ng lakas. Malamig na pawis ang gumigiit sa kanyang noo at ang tuhod niya ay
parang nangangatog. Hindi siya makapag-angat ng paningin; sa palagay ba niya ay sa kanya nakatuon ang paningin
ng lahat at siyang binuntunan ng sisi.
Ang pulis ay nakabalik na sa outpost at sa isang ospital na tumatawag. Ang bata ay napagtulungan ng ilan na
buhatin sa bangketa upang doon pagyamanin at ipaghintay ng ambulansiya kung aabot pa. Ang kalahati ng kanyang
katawan, ang dakong ibaba, ay natatakpan ng diyaryo at ang gulanit niyang kasuotang ay tuluyan nang nawalat sa
kanyang katawan. Makailang sandali pa, pagdating ng pulis ay muling nagmulat ito ng paningin at ang mga mata ay
ipinako sa maputlang mukha ni Aling Marta.

33
“Maski kapkapan ninyo ako, e, wala kayong makukuha sa akin,” ang sabing paputol-putol na nilalabasan ng
dugo sa ilong. “Hindi ko kinuha ang inyong pitaka.”
May kung anong malamig na naramdaman si Aling Marta na gumapang sa kanyang katawan. Ilang sandali pa
ay lumungayngay ang ulo nito at nang pulsuhan ng isang naroroon ay marahan itong napailing. Patay na, naisaloob ni
Aling Marta sa kanyang sarili.
“Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo,” matapang na sabi ng pulis sa kanya. Nakatayo ito sa kanyang tabi
at hawak naman ang kuwaderno at lapis. “Siguro’y matutuwa na kayo niyan.”
“Sa palagay kaya ninyo e may sasagutin ako sa nangyari?” ang tanong ni Aling Marta.
“Wala naman, sa palagay ko,” ang sagot ng pulis. “Kung may mananagot niyan ay walang iba kundi ang
pobreng tsuper. Wala rin kayong sasagutin sa pagpapalibing. Tsuper na rin ang mananagot niyan,” may himig
pangungutya ang tinig ng pulis.
“Makakaalis na po ako?” tanong ni Aling Marta.
“Maaari na,” sabi ng pulis. “Lamang ay kinakailangang iwan ninyo sa akin ang inyong pangalan at direksyon
ng inyong bahay upang kung mangangailangan ng kaunting pag-aayos ay mahingan namin kayo ng ulat.”
Ibinigay ni Aling Marta ang tinitirhan at pagkatapos ay tuwid ang tinging lumalayo sa karamihan. Para pa
siyang nanghihina at magulong-magulo ang kanyang isip. Sali-salimuot na alalahanin ang nagsasalimbayan sa
kanyang diwa. Lumakad siya ng walang tiyak na patutunguhan. Naalala niya ang kanyang anak na ga-graduate, ang
ulam na dapat niyang iuuwi na, at ang nananalim, nangungutyang mga mata ng kanyang asawa sa, sandaling malaman
nito ang pagkawala ng pera. Magtatanong iyon, magagalit, hanggang sa siya ay mapilitang sumagot. At hindi sinasadya
ay muling nadako ang pinag-uugatang diwa sa bangkay na bata na natatakpan ng diyaryo, na siyang pinagmulan ng
lahat.
Kung hindi sa tinamaan ng lintik na iyon ay hindi ako masusuot sa suliraning ito, usal niya sa sarili. Kasi
imbis, walang pinag-aralan, maruming palaboy ng kapalarang umaasa sa taba ng iba. Mabuti nga sa kanya!
Kinakailangan niyang kumilos, umisip ng paraan. Kinakailangang kahit papaano’y makapag-uwi siya ng ulam
sa pananghalian. Ililihim din niya ang nangyaring sakuna sa bata; ayaw ng kanyang asawa ng iskandalo; at kung
sakali’t darating ang pulis na kukuha ng ulat ay ililihim niya ito. At tungkol sa ulam mangungutang siya ng pera sa
tindahan ni Aling Gondang at iyon ang kanyang ipamimili – nasabi niya rito na ang nawala niyang pera ay isang daan
at sampung piso at halagang iyon ay napakalaki na upang ang lima o sampu ay ipagkait nito sa kanya bilang panakip.
Hindi iyon makapaghihindi. May ngiti ng kasiyahang naglalaro sa manipis na labi ni Aling Marta nang ipihit niya ang
kanyang mga paa patungong pamilihan.
Tanghali na nang siya ay umuwi. Sa daan pa lamang bago siya pumasok sa tarangkahan, ay natanaw na niya
ang kanyang anak na dalaga na nakapamintana sa kanilang barung-barong. Nakangiti ito at siya ay minamasdan, ngunit
nang malapit na siya at nakita ang dala ay napangunot-noo, lumingon sa loob ng kabahayan at may tinawag.
Sumungaw ang payat na mukha ng kanyang asawa.
“Saan ka kumuha ng ipinamili mo niyan, Nanay?” ang sabi ng kanyang anak na ga-graduate,
“E…e,” hindi magkandatutong sagot ni Aling Marta. “Saan pa kundi sa aking pitaka.”
Nagkatinginan ang mag-ama.
“Ngunit, Marta,” ang sabi ng kanyang asawa. “Ang pitaka mo e naiwan mo! Kanina bago ka umalis ay kinuha
ko iyon sa bulsa ng iyong bestidong nakasabit at kumuha ako ng pambili ng tabako, pero nakalimutan kong isauli.
Saan ka ba kumuha ng ipinamili mo niyan?” Biglang-bigla, anaki’y kidlat na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa gunita
ni Aling Marta ang larawan ng isang batang payat, duguan ang katawan at natatakpan ng diyaryo, at para niyang
narinig ang mahina at gumagaralgal na tinig nito; Maski kapkapan ninyo ako, e, wala kayong makukuha sa ‘kin. Saglit
siyang natigilan sa pagpanhik sa hagdanan; para siyang pinanganga-pusan ng hininga at sa palagay na niya ay umiikot
ang buong paligid; at bago siya tuluyang mawalan ng ulirat ay wala siyang narinig kundi ang papanaog na yabag ng
kanyang asawa’t anak, at ang papaliit na lumalabong
salitang: Bakit kaya? Bakit kaya?

34
Pagsasanay Tukuyin ang sanhi at bunga ng mga pangyayari mula sa kwentong nabasa. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.

____1. Ano ang dahilan ng pagpunta ni Aling Marta sa palengke ng araw na iyon?
A. Bibili ng lulutuin para sa masaganang pananghalian, pagkat magtatapos ang kanyang anak.
B. Dahil kaarawan ng kanyang asawa
C. Dahil may bibilhin na mahalaga.
____2. Ano ang naging sanhi ng hindi pagbayad ni Aling Marta sa kanyang mga pinamili?
A. Nawawala ang kanyang kalupi
B. Naiwan sa bahay ang kanyang pera
C. Sadyang wala siyang pera.
____3. Bakit napagbintangan ni Aling Marta ang bata?
A. Dahil sa itsura nitong gusgusin.
B. Dahil siya lamang ang nakasalubong nito.
C. A at B
____4. Alin sa mga sumusunod ang naging bunga o resulta ng maling panghuhusga ni Aling Marta?
A. ang pagkamatay ng inosenteng bata
B. ang pagpapapulis nito
C. A at B
____5. Alin sa mga sumusunod ang naging resulta nang makita si Aling Marta ng mag-ama na
maraming pinamili?
A. nagkatinginan at nagtaka kung saan niya kinuha ang kanyang ipinambili.
B. nalaman niya ang totoo na kinuha pala ng kanyang asawa ang kalupi sa bulsa.
C. A at B.

Pagsasanay Basahin at unawain ang balita na nasa kahon, kilalanin mo kung ang pangungusap ay sanhi o bunga.
Isulat sa patlang ang iyong sagot.
_____ 1. Kawawa ang kabataan ngayon.
_____ 2. Hindi marunong magbasa ang karamihan sa mag-aaral sa high school.

35
_____ 3. Isa sa dahilan nito ay ang kakulangan ng pagsasanay sa guro.
_____ 4. Ang edukasyon ng Pilipinas ay nasa krisis.
_____ 5. Hindi nakaiintindi ng binabasa ang maraming estudyante ngayon.
______6. Manggyari’y kakulangan ng silid -aralan.

Layunin: Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga sa pagbuo ng mga pahayag o pangungusap.

Aralin: Pagbuo ng mga Pahayag o Pangungusap


Kasanayan Bilang: 3 Pagpapahayag gamit ang Sanhi at Bunga Araw: 4

Pagsasanay Makabuluhang Pagbuo


Bumuo ng dalawang pangungusap sa bawat larawan sa ibaba, gamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga na iyo ng
napag-aralan. Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon

36
B. Buoin o kumpletuhin ang mga sumusunod na parirala gamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga upang mabuo ang
mga pangungusap.
Sanhi Bunga
1. Pag-init ng kapaligiran
2. Pagdami ng positibo ng COVID 19
3. Pagpapasara ng mga resorts.
4. Dumarami ang nahilig sa pagtatanim.
5. Maagang pag-aasawa

37
TXTBK + QUALAS
SANAYANG PAPEL Blg. 6

Textbook based instruction SA FILIPINO 8


paired with MELC-Based
Quality Assured Learner’s
Activity Sheet (LAS) Kwarter 1 Linggo 6

Pangalan: ___________________________________Baitang at Pangkat: ____________________________

Guro: ________________________________________Petsa ng Pagpasa : ____________________________

MELC 9: Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa:-paghahawig o pagtutulad –


pagbibigay depinisyon - pagsusuri F8PS-Ig-h-22

MELC 10: Naisusulat ang talatang: -binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap -
nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan -nagpapakita ng simula, gitna, wakas
F8PU-Ig-h-22
Aralin: Pagsulat ng Talatang Gamit ang Iba’t Ibang Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa

Sanggunian: Panitikang Filipino 8 at Internet Pahina:


https://www.youtube.com/watch?v=G_aJAP6Wtw

Layunin: Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa:-paghahawig o pagtutulad, pagbibigay
depinisyon at pagsusuri

Kasanayan Bilang: 1 Mga Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa Araw:1-2

KONSEPTO:
Mga Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa

Ang Paksa o tema ay ang pangunahing ideya na pinag-uusapan o tinatalakay sa isang pangungusap o talata.

Halimbawa: Si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang nanguna sa selebrasyon ng Buwan ng Wikang


Pambansa.

Ang Pangungusap ay ang kalipunan ng mga salitang nagsasaad ng isang buong diwa. Ito ay may patapos na
himig sa dulo na nagsasaad ng diwa o kaisipang nais niyang ipaabot. Ito ay tinatawag na Sentence sa wikang Ingles.

Halimbawa: Ang pakikinig ay maaaring makatulong upang makapasa ka sa iyong pagsusulit.

1. Pagbibigay-kahulugan o Depinisyon
Ito ay paraang eksposisyon na tumatalakay o nagbibigay-kahulugan sa isang salita. Ito rin ay paglilinaw sa
kahulugan ng isang salita upang tiyak na maunawaan. Bawat disiplina o larangan ay may tiyak na mga salitang
ginagamit kaya’t kailangang ipaliwanag ito sa pamamagitan ng depinisyon.

38
Mga Uri ng Pagbibigay-kahulugan o Depinisyon

a. Maanyong Depinisyon
Ito ay tumutukoy sa isang makatuwirang pagpapahayag ng mga salita na nagbibigay ng malaking kaalaman.
Ito ay tumutugon sa mga patakaran ng anyong nasa diksyonaryo at ensayklopedya.

Halimbawa:

Ang Parabula ay isang Maikling Kuwentong naglalayong mailarawan ang isang katotohanang moral
o espirituwal sa isang matalinghagang paraan.

b. Depinisyong Pasanaysay
Isang uri ng depinisyong nagbibigay ng karagdagang pagpapaliwanag sa salita. Ito ay kawili-wili,
makapangyarihan at makapagpapasigla kaya higit itong binabasa ng mga mambabasa. Walang tiyak na haba ito
basta’t makapagpapaliwanag lamang sa salitang binibigyang-kahulugan.

Halimbawa:
Ang kalayaan ay hindi iba kundi kapangyarihang sumunod o sumuway sa sariling kalooban. Ang tinatawag
nating malaya ay yaong panginoon ng kanilang kalooban.

Ang kalayaan ay isa sa mahahalagang biyaya ng Diyos sa tao, dahil sa kalayaan ay nakaiilag tayo sa masama
at makagagawa ng inaakala nating magaling…

Sipi mula sa “Ang Kalayaan” ni Marcelo H. del Pilar

2. Pagtutulad
Ang pagtutulad ay naghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, o pangyayari na ginagamitan ng mga
salitang tulad ng, parang, kagaya, kawangis, kapara, katulad, atbp.

Halimbawa:
Ang buhay ay parang gulong. Minsan nasa ibabaw at minsan ay nasa ilalim. Ngunit gaano man
kahirap ang buhay ay hindi dapat agad sumuko.

3. Pagsusuri
Ang pag-aanalisa o pag-oobserba ay isang teknik na mapag-aralan at mabigyang-kasagutan ang mga
suliranin. Dito hihimayin ang paksa sa maliliit na bahagi upang maunawaang mabuti ang bawat detalyeng nakapaloob
dito. Kalimitan itong ginagamit sa siyentipiko at pang-akademikong pamamaraan. Maaari ding gamitin kahit sa
simpleng pag-oobserba gamit ang limang pandama (paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pandama).

Halimbawa:
Nang mamatay ang kanilang ama, ang kanyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali ang
hinirang na bagong hari. Nagkaroon ng protesta sa mga ranggo. Nais nilang si Prinsipe Bantugan ang maging
bagong hari. Kahit ang mga ordinaryong mamamayan ay nagsasabing si Prinsipe Bantugan ang mas karapat-
dapat maging hari sa dalawang Prinsipe.

39
Pagsasanay 1 Tukuyin ang mga ginamit na iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa. Piliin lamang ang letra ng
tamang sagot.

1. Marami pa ring Pilipino hanggang sa ngayon, ang sumusuway sa batas. Kahit na simpleng ordinansa lang
ay hindi pa rin masunod, katulad na lang ng tamang pagtatapon ng basura. Kailangan na sigurong lagyan
ng pangil ang batas. Ang ibig sabihin nito ay maging mahigpit sa batas na ipatutupad.
Ano ang teknik na ginamit sa tekstong binasa?
a. Paghahawig o Pagtutulad
b. Pagbibigay Depinisyon
c. Pagsusuri
d. Pagsalungat
2. Dahil sa pandemya nagging matumal ang benta ngayon ng ilang mga produkto. Ang pariralang matumal
ang benta ay kasingkahuluan ng pariralang mahina ang benta.
Ano ang teknik na ginamit sa tekstong binasa?
a. Paghahawig o Pagtutulad
b. Pagbibigay Depinisyon
c. Pagsusuri
d. Pagsalungat
3. Ang natutuwang baliw yaman ay pinagyabang dahil ari niya raw ang araw pati ang buwan may isang sa
yaman ay salapi ang hinihigan ngunit ang gintong baul panay kasalanan ang laman.
-mula sa awitin na “Sino Ang Baliw?” ni Kuh Ledesma
Ano ang teknik na ginamit sa tekstong binasa?
a. Paghahawig o Pagtutulad
b. Pagbibigay Depinisyon
c. Pagsusuri
d. Pagsalungat
4. Katulad ng isang agilang mataas lumipad, ang isang taong mataas ang pangarap sa buhay. Kahit anong
balakid ang kanyang kahaharapin matibay ang kanyang mga pakpak sap ag-abot ng mga bagay na gusto
niyang makamit.
Ano ang teknik na ginamit sa tekstong binasa?
a. Paghahawig o Pagtutulad
b. Pagbibigay Depinisyon
c. Pagsusuri
d. Pagsalungat
5. “Walang pagkakaiba ang pananaw ng president at programa ng Department of Education hinggil sa
physical, face-to-face classes. Ayaw ni Presidente, ayaw din Deped na ma-endanger ang mga bata”.
-Sec. Leonor Briones
Department of Education
May 28, 2020
Ano ang teknik na ginamit sa tekstong binasa?
a. Paghahawig o Pagtutulad
b. Pagbibigay Depinisyon
c. Pagsusuri
d. Pagsalungat

40
Pagsasanay 2 Gumawa ng sanaysay gamit ang mga konseptong nabuo mula sa iyong mga sagot sa Gawain 1.
Huwag kalimutang gamitin ang mga teknik sa pagpapalawak ng paksa.

NARITO ANG ISANG HALIMBAWA UPANG MAGING


GABAY NINYO SA PAGSAGOT NG INYONG GAWAIN.

ISANG PAALALA, ITO AY ISANG GABAY LAMANG AT


KINAKAILANGAN MONG GUMAWA NG IYONG
SARILING KASAGUTAN UPANG MASUKAT NG IYONG
GURO ANG IYONG NATUTUNAN.

Edukasyon sa New Normal


ni David Jr. Baluarte

Handa ba talaga ang mga kaguruan, mag-aaral at mga magulang sa pagharap ng pagsubok dulot ng
pandemyang sa bayan? Iyan ang dapat masagot ng bawat indibidwal upang mapagtagumpayan ang hamon na sa
atin ay nakaatang. Ika nga’y ibayong pagmamalasakitan at pagtutulungan ang kailangan para sa magandang buhay
sa kinabukasan. Maingay ang usapin sa pagbubukas ng pasukan sa ating bayan kaya naman kailangan nating
malaman konsepto ng edukasyon sa New Normal.

Ang edukasyon sa New Normal ay ang isang matinding hamon sa mga mamamayan. Ito ay walang
“face to face” na interaksyon sa pagitan ng mag-aaral at guro. Maaaring birtwal ang komunikasyon dahil iniwasan
ang pagtitipon-tipon sa isang lugar alinsunod sa health and safety protocol na umiiral. Kaya naman gumagamit
ang mga mag-aaral ng mga modernong kagamitan tulad ng cellphone, tablet, laptop at computer desk. Tunay
ngang malaki ang tulong ng teknolohiya bilang kaagapay sa pagbibigay ng serbisyong pang-edukasyon sa mga
mamamayan. Sa katunayan ay online ang isa sa paraan ng pagtuturo ng mga guro at online rin ang paggawa at
pagpasa ng mga awtput ng mga mag-aaral. Pwede rin gumamit ng mga printed material bilang medium ng
pagtuturo ang mga guro upang sa ganoon ay maibigay ang kaalaman at mapaunlad ang kasanayan ng mga mag-
aaral. Ilan lamang iyan sa marami pang paraan ang inilatag ng Kagawaran ng Edukasyon upang maipagpatuloy
ang serbisyong totoo sa taong bayan.

Anuman ang mangyari ay tuloy ang laban at pakikibaka ng bawat indibidwal, malampasan lamang
ang pandemyang ating kinahaharap sa buhay kaya nananatili ang mga mag-aaral sa kanya-kanyang tahanan
habang isasagawa ang gawing pampaaralan upang patunayan na walang hadlang o pwedeng magpahinto sa mga
kabataan sap ag-asang makamit ang pangarap sa buhay. Tuloy ang pagbibigay serbisyong pang-edukasyon ngunit
di nawawala ang aspetong pangkalusugan dahil tinitiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at kaguruan mula sa
simula at matapos ang pagsubok sa bayan.

41
Layunin: Naisusulat ang talatang binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap - nagpapahayag ng
sariling palagay o kaisipan -nagpapakita ng simula, gitna, wakas.

Kasanayan Bilang: 2 Pagsulat ng talata Araw: 3-4

KONSEPTO:

Pagsulat ng talata

Ang Komposisyon o Katha ay binubuo ng talata. Ang talata naman ay binubuo ng lipon ng mga
pangungusap na naglalahad ng isang bahagi ng palagay o paksang diwa.

Upang maging mabisa ang paksang diwa, buong diwa, may kaisahan , maayos ang pagkakalahad, at may
tamang pagkakaugnay at pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan:

May iba’t ibang uri ng talata ayon sa kinalalagyan sa komposisyon. Ito ay ang mga sumusunod:

Panimulang Talata – ito ang nasa unahan ng isang komposisyon. Dito nakasaad ang paksang nais
talakayin ng manunulat at kung ano ang kanyang ipinapaliwanag, isinasalaysay, inilalarawan o binibigyang-
katwiran.

Talatang Ganap - ito naman ang nasa bahaging gitna ng isang komposisyon. Ito ay may tungkuling
paunlarin o palawakin ang pangunahing paksa. Binubuo ito ng mga sumusuportang ideya upang ganap na
matalakay ang paksang nais bigyang-linaw ng manunulat.

Talatang Pabuod – ito naman ang kadalasang pangwakas ng isang komposisyon. Dito nakasaad
ang mahahalagang kaisipan na nabanggit sa gitna ng talata. Minsan ginagamit ito upang bigyang-linaw ang
kabuuan ng komposisyon.

https://filipinotagalog.blogspot.com/2011/10/talata-updated.html#.WBwjkpSSy68

TANDAAN

Sa pagsulat ng talata nangangailangan ito ng masusing pag-aaral upang mabuo ito nang maayos at
tama.

Pagsasanay

Masusubok sa yugtong ito ang angking talino mo.

Sumulat ng isang talata tungkol sa iyong sarili. Ang iyong talata ay dapat maglaman ng mga sumusunod na paksa
tungkol sa iyong sarili:

- Pangarap o Adhikain
- Mga Hamong Pinagdaanan

42
NARITO ANG ISANG HALIMBAWA UPANG
MAGING GABAY NINYO SA PAGSAGOT NG
INYONG GAWAIN.

ISANG PAALALA, ITO AY ISANG GABAY


LAMANG AT KINAKAILANGAN MONG
GUMAWA NG IYONG SARILING
KASAGUTAN UPANG MASUKAT NG IYONG
GURO ANG IYONG NATUTUNAN.

Ang Hamon kay Nene at Nonoy sa Panahon ng Daluyong

Masasabing tunay na ginagawa ng bawat indibidwal ang kanilang responsibilidad sa panahon ng


pandemya sa bayan. Makikita sa mga tahanan na abala ang mga mag-aaral pagsasagawa na gawing pampaaralan.
Nariyan ang hawak ang ballpen, lapis at sagutang papel na tunay na abala sa pagsusulat ng mgasagot sa tanong ng
mga kaguruan. Sila ay may kailangang habulin na takdang oras at araw sa pagpasa ng awtput. Nariyan din nakagabay
ang mga ilaw ng tahanan na silang nagiging guro sa bahay. Ngunit nakakalungkot isipin na mayroon mga mag-aaral
na di nakakasabay dahil sa kahirapan. Ibibili pa ba ng mga kagamitang kailangan sa pag-aaral ang kakarampot na
barya na kita ng haligi ng tahanan? Minsan mapapaisip ka na lang talaga ano kaya ang kanilang nararamdaman.

Ito si Nene at Nonoy nahihirapan na makasabay dahil walang cellphone, laptop at anupaman. Wala rin
makain dahil mahina ang kita ni ama. Hindi naman dahil sa sinisi ko ang ibang tao kung bakit kami ay dumaranas ng
hirap sa panahon ng pandemya dahil may isa akong tanong ang ginawa ni ina at ama bago pumasok sa pagpapamilya?
Sadyang may mga tanong talagang dulot ay kirot sa puso kapag nahanap mo ang sagot. Sana kung may pera kami ay
sana nasa isang kumportableng bahay kami kahit hindi sinlaki ng mansion basta di tinutuluan ang katawan naming
tuwing umuulan at umaambon. Gustuhin ko man sumunod sa tinatakda ng edukasyon ay tila sing bagal ko ang
pagong. Magbabasa na lang ako ng libro sa halip na isang pindot lang sa Google ay may sagot na ako. Ika nga, sipag
at tiyaga na lamang ang aking magagawa para di rin ako mahuli sa pag-aayos ng mga gawain dapat isagawa.

Sa huli may awa ang Maykapal! Pagpapalain ang katulad naming ni Nonoy na nagtitiyaga na maabot ang
pangarap sa buhay. Ito ay isang daluyong na dapat naming malagpasan. Kakampi ang guro at aking mga mahal sa
buhay. Salamat sa sakripisyo na inyong ibinibigay . ito ay pagsubok lamang kaya tayo ay mananatiling matatag tungo
sa maginhawang buhay at kinabukasan.

- Mula sa panulat ni David Jr. A. Baluarte

43
MAIKLING PAGSUSULIT:

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa tanong. Isulat sa sagutang papel ang letra ng napiling sagot.
1. Ang mga karunungang-bayan, alamat at _____ ay lumaganap sa Pilipinas bago pa man dumating ang mga
Espanyol.
a. bugtong b. kuwentong bayan c. epiko d. dula
2. Alin sa pagpipilian ang hindi teknik sa pagpapalawak ng paksa?

a. pagtutulad b. paggamit ng tayutay c. pagbibigay depinisyon d. pagsusuri


3. May ilang teknik ang ginagamit sa pagpapalawak ng paksa.
a. isa b. tatlo c. dalawa d. apat
4. Ang ____________ay paraan sa pagpapalinaw sa kahulugan ng salita.
a. pagtutulad b. paggamit ng tayutay c. pagbibigay depinisyon d. pagsusuri
5. Ang depinisyong ito ay nagbibigay ng karagdagang pagpapaliwanag sa kahulugan ng salita. Ito ay depinisyong
_________.
a. maanyo b. pormal c. pasanaysay d. di-pormal
6. Ang mga depinisyong matatagpuan sa diksyonaryo ay depinisyong _________.
a. maanyo b. pormal c. pasanaysay d. di-pormal
7. Ang _______ ay paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao o pangyayari.
a. pagtutulad b. paggamit ng tayutay c. pagbibigay depinisyon d. pagsusuri
8. Ang pag-aanalisa para mapag-aralan at mabigyang kasagutan ang problema ay mga gawain sa _____________.
a. pagtutulad b. paggamit ng tayutay c. pagbibigay depinisyon d. pagsusuri
9. Ang pagsusuri sa mga karunungang-bayan, epiko at alamat ay nangangailangan ng masusing pag- ___________.
a. aanalisa b. matyag c. hambing d. himay-himay
10. Sa teknik na ito ay hinihimay ang paksa sa maliliit na paksa.
a. pagtutulad b. paggamit ng tayutay c. pagbibigay depinisyon d. pagsusuri

44
TXTBK + QUALAS
SANAYANG PAPEL Blg. 8
Textbook based instruction
sa FILIPINO 8
paired with MELC-Based
Quality Assured Learner’s
Kwarter 1 Linggo 7 Araw 1-4
Activity Sheet (LAS)

Pangalan: _________________________________Baitang at Pangkat: _________________________

Guro: _______________________________Petsa ng Pagpasa : __________________________

MELC:

11. Naipaliliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik ayon sa binasang datos (F8PB-Ii-j-25)

12. Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pag- aayos ng datos (una, isa pa, iba pa) (F8WG-Ii-j-23)

13. Nagagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang awtentikong datos na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
katutubong kulturang Pilipino (F8PU-Ii-j-23)
Aralin: Sistematikong Pananaliksik

Sanggunian: Pinagyamang Pluma Pahina.:

Layunin: Naipaliliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik ayon sa binasang datos

Kasanayan Bilang: 1 Pananaliksik at Mga Hakbang sa paggawa ng Sistematikong Pananaliksik Araw: 1

KONSEPTO:

PANANALIKSIK
Likas sa tao ang pagiging isang matalino. Dahil dito, hindi tumigil
ito sa pagtuklas ng panibagong kaalamang makatutulong sa pag-
angat at pag-unlad ng kanyang sariling buhay. Kaya naman, naisilang
ang salitang PANANALIKSIK. Ito ay isang sitematiking paghahanap
ng impormasyon ukol sa isang partikular na paksa o suliranin.
Dagdag pa nina Manuel at Model na ito ay siyentipikong proseso ng
pangangalap ng mga datos sa kalutasan ng isang tiyak na problema.

45
MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG SISTEMATIKONG PANANALIKSIK

Hakbang Deskripsiyon
1. Pagpili ng Paksa Sa pagpili ng paksang isusulat unang bagay na dapat mong isaalang-
alang ay kung ito ba ay kawili-wili o naaayon sa iyong interes.
Ikalawa, kailangang masiguro kung kakayanin mong gawin ang
pananaliksik, at huli ay ang pagpili sa paksa na may sapat na
malilikom na datos.
2. Paglilimita ng Paksa Mahalagang bigyang-limitasyon ang paksang pipiliin upang hindi ito
masyadong maging masaklaw at matapos sa tamang panahon. Sa
paglilimita ng paksa, gawing batayan ang sakop ng panahon, sakop
ng edad, sakop ng kasarian, sakop ng grupong kinabibilangan, sakop
ng anyo o uri, at sakop ng perspektiba.

Halimbawa:
• Paksa: Ang Pagpapahalaga sa Kulturang Pilipino
• Nalimitang Paksa: Ang mga Pagpapahalaga sa Kulturang Pilipino
sa Rehiyon I

3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya Sunod sa gawin ang paghahanda ng pansamantalang bibliyograpiya.


Tandaang ang paghahanda nito ay isang patuloy na proseso.
Ang bibliyograpiya ay talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad ng
mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin, at iba pang
nalathalang materyal maging sa Internet. Siguraduhing ang mga aklat
o impormasyong isasama sa talaan ay may kaugnayan sa paksang
tinatalakay. Hindi kailangang basahin nang masinsinan ang mga
aklat sa artikulong nasa talaan. Subalit mahalagang basahin ito nang
pahapyaw upang matiyak ang kaugnayan nito sa paksa. Ito ang mga
bagay na dapat isaalang-alang sa paggawa ng pansamantalang
bibliyograpiya:
• Pangalan ng awtor
• Pamagat ng kanyang isinulat
• Impormasyon ukol sa pagkakalathala
• Mga naglimbag
• Lugar at taon ng pagkakalimbag
• Pamagat ng aklat
• Ilang mahahalagang tala ukol sa nilalaman

4. Ang Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas Ang pagbabalangkas ay isinasagawa upang maisaayos ang mga
ideyang nakalap mula sa inisyal na paghahanap ng mga datos.
Makatutulong ito upang mabigyan ng gabay at direksiyon ang
pananaliksik sa simula pa lamang. Sa pagbuo ng balangkas
kailangang isulat ang pangunahing ideya o pinakabuod ng
pananaliksik na isinasagawa. Isunod na ilista ang mga pantulong na
ideya. Sumunod na tiyakin kung paano ilalahad nang maayos ang
mga ideya – kung ito ba’y kronolohikal o ayon sa lugar at saka
isaayos ang pormat.
5. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Dito na susuriing mabuti ang inihandang tentatibong balangkas
Outline upang matiyak kung may mga bagay pang kailangang baguhin o
ayusin. Balansehin ang lagay ng bawat punto. Tantiyahin ang bawat
bahagi kung nasosobrahan o nakukulangan ng detalye.
6. Pagsulat ng Burador o Rough Draft Mula sa iyong iwinastong balangkas at mga kard ng tala ay maaari
ka nang magsimulang sumulat ng iyong borador. Ang sulating
pananaliksik ay dapat magkaroon ng panimula na kababasahan ng
mga ideyang matatagpuan sa kabuoan ng sulatin, ang katawan na
kababasahan ng pinalawig na balangkas, at ang iyong kongklusyon
na nagsasaad ng buod ng mga natuklasan sa iyong pananaliksik.

7. Pagrerebisa Makatutulong ang muling pagbasa sa sinulat para mamataan ang


mga kamaliang nagawa na kailangang maiwasto. Huwag madaliin
ang pagrerebisa upang maingat na maiwasto ang bawat
pangungusap at walang makalampas na mali. Dito pag-ukulan ng

46
pansin ang pagbabaybay, kaangkupan ng pagkakagamit ng salita,
ang gamit ng mga bantas, at ang estruktura ng mga pangungusap.
8. Pagsulat ng Pinal na Manuskrito Manuskrito ang tawag sa pinal na sipi ng isang sistematikong
pananaliksik. Ito ay dapat na nakaayon sa pamantayan o istandard na
ibinigay ng guro. Bago ipasa ang pinal na gawa, tandaang
repleksiyon ng sarili ang anumang ginagawa kaya’t kailangan
pagbutihin ang pagsulat bilang pagpapabuti rin sa sarili.

Pagsasanay 1: Tukuyin Mo Na!


Punan ng mga titik ang mga patlang upang mabuo ang mga salitang binibigyan ng kahulugan na matatagpuan sa proseso
ng pananaliksik. Sagutin mo lamang sa sagutang papel ang mga sumusunod na katanungan.

1. p__k__a bagay na pinag- uusapan o tinatalakay


2. e__i__ensi__a saligan ng paniniwala o katibayan ng pag-aaral
3. li__ it __ __yon ito ang saklaw ng pag-aaral o pagbibigay hangganan
4. __ala__ __kas banghay ng pag-aaral
5. di__ __k__ __on patnubay o saklaw ng paksa
6. su__ __in masusing pag-aanalisa
7. ide__ __ bagay na binuo o inilarawan sa isip lamang
8. man__ __l__ __ magtipon o mangolekta ng mga datos para sa pananaliksik
9. __a__a maikling record o sulat ng mga katibayan, paksa, mga naisip at iba pa bilang
tulong sa memorya na gamit sa pagsulat
10. kon__ __ __to panlahat na kaalaman o ideya

Pagsasanay 2: Ipaliwanag mo!

Ngayong alam mo na ang mga hakbangin sa paggawa ng pananaliksik. Sukatin na natin ang iyong natutuhan sa
gawaing ito.
Isa-isang ipaliwanag ang hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik ayon sa halimbawang pananaliksik. sa ibaba
ni Katie Suleta na may pamagat na “Paano maiwasan ang Hinaharap na Pandemic: Pananaliksik. Isulat ang iyong sagot sa
graphic organizer sa ibaba.

Paano maiwasan ang Hinaharap na Pandemic: Pananaliksik


by Katie Suleta
https://www.coaccess.com/tl/pandemics4/

Kumusta at maligayang pagdating sa ika-apat na pag-install ng aking mga ministeryo sa kung paano maiwasan ang mga
pandemika sa hinaharap! Mayroong maraming mga iba't ibang mga aspeto upang maiwasan ang hinaharap na pandemika,
ngunit tututuon ako sa apat na pangunahing mga lugar: pagbabakuna, imprastraktura, imprastraktura sa kalusugan ng publiko,
at pananaliksik. Itutuon namin ang isa sa mga lugar na ito sa paglipas ng apat na magkakaibang mga post. Ang post na ito ay
tututok sa pananaliksik.

Ang pananaliksik ay tumutulong upang makilala, magbigay kaalaman, at magdala ng aming mga pagpapasya at
prayoridad. Ayon sa Institute of Medicine, ang pananaliksik ay nagbibigay ng "mahahalagang impormasyon tungkol sa mga
trend ng sakit at mga kadahilanan sa peligro, mga kinalabasan ng paggamot o mga interbensyon sa kalusugan ng publiko,
mga kakayahan sa pag-aalaga, mga pattern ng pangangalaga, at mga gastos sa paggamit at pangangalaga sa kalusugan. 1 Ang
pamumuhunan sa pananaliksik sa kalusugan ay tumutulong sa pagsulong ng ating lipunan at pinapanatili tayong mas malusog
nang mas mahaba. Narito ang ilang mga halimbawa ng mga tool sa kalusugan ng publiko at tagumpay na mayroon tayo dahil
sa pananaliksik.

1. Ang HIV-noong unang inilarawan ang HIV noong 1980s, ito ay isang parusang kamatayan sa mga nasuri.
Gayunpaman, salamat sa pananaliksik sa pagtukoy ng mga pagpipilian sa virus at paggamot, mayroon na ngayong
isang lubos na mabisang paggamot, HAART. Ang HAART ay nagbago ng HIV mula sa isang parusang kamatayan sa
isang talamak na kondisyon na maaaring pamahalaan. Nakatulong din ito upang mabawasan ang paghahatid upang
mas kaunting mga tao ang kumontrata nito.

2. Hepatitis C-Ayon sa National Institute of Diabetes at Digestive and Kidney Diseases, ang nangungunang sanhi ng mga
transplants ng atay ay cirrhosis dahil sa impeksyon sa hepatitis C2. Gayunpaman, salamat sa pananaliksik sa mga

47
opsyon sa paggamot, mayroon nang magagamit na paggamot na epektibong nagpapagaling sa higit sa 90% ng mga
may talamak na impeksyon sa hepatitis C3.

3. HPV-Ayon sa CDC, mayroong anim na magkakaibang uri ng cancer na nauugnay sa human papillomavirus (HPV)4.
Ang pananaliksik ay itinatag ang link na ito. Bilang karagdagan, mayroon ding isang bakuna na pumipigil sa
impeksyon sa HPV at sa gayon pinipigilan din ang cancer na sanhi ng HPV. Nabuo ng pananaliksik ang bakunang
iyon.

4. Ang mga bakuna sa pangkalahatan-pinag-uusapan ko ang mga ito dahil isa ito sa pinakamatagumpay at pinaka kapaki-
pakinabang na tool sa kalusugan ng publiko. Hindi ko na ito harapan muli dito kung sakaling napalampas mo ito
(https://www.coaccess.com/pandemics1/). Muli, salamat sa pananaliksik!

Ang mga halimbawa na ibinigay ko ay magdadala sa iyo sa mga pangunahing lugar na sinaliksik ng mga bolster:
pagkilala sa mga pathogens at problema (halimbawa, HIV at HPV), paggamot (hal., HIV, hepatitis C), at pag-iwas (hal., HIV,
HPV, bakuna sa pangkalahatan). Sa pandemyang ito, ang pananaliksik ay nakatulong sa amin upang makilala ang pathogen
(SARS-CoV-2). Kasalukuyan kaming nagtatrabaho sa pagtukoy ng mga paggamot at pagbuo ng isang bakuna (pag-iwas).
Ang pananaliksik ay kung ano ang gumagawa ng lahat ng mga bagay na ito. Kung walang pananaliksik, ang aming mga pag-
asa sa buhay ay magiging mas mababa kaysa sa kasalukuyan. Lahat ng napag-usapan ko sa mga serbisyong ito ay
naapektuhan ng pananaliksik. Ang pamumuhunan sa pananaliksik sa kalusugan ng publiko at pampublikong ay nakakatulong
upang isulong ang ating lipunan at mapanatili tayong mas malusog nang mas mahaba

Ano ang maaari mong gawin:

• Kung ikaw ay may sakit na COVID-19, makipag-usap sa iyo sa doktor tungkol sa posibilidad na magboluntaryo
para sa isang klinikal na pagsubok na nagsasaliksik ng isang paggamot. Gayunpaman, hindi lamang ito naaangkop
para sa COVID-19. Maraming mga sakit at kundisyon na may patuloy na pananaliksik na maaari kang
magboluntaryo. Makipag-usap sa iyong doktor at bisitahin https://www.nih.gov/health-information/nih-clinical-
research-trials-you/finding-clinical-trial para sa karagdagang detalye.

• Ang mga pagpapasya sa pagpopondo para sa pananaliksik ay madalas na nangyayari sa antas ng pederal at antas ng
estado.

Mga sanggunian

1. Institute of Medicine Committee on Health Research at ang Pagkapribado ng Impormasyon sa Kalusugan: Ang
Patakaran sa Pagkapribado ng HIPAA; Nass, SJ, Levit, LA, Gostin, LO, mga editor. Washington (DC): Pambansang
Akademya Press; 2009.

2. Mga National Instituto ng Kalusugan. Ang National Institute of Diabetes at Digestive at Kid
Diseases. https://www.niddk.nih.gov/-/media/Files/Liver-Disease/livertransplant_508.pdf

3. American Association para sa Pag-aaral ng Mga Karamdaman sa Atay (AASLD) at ang Nakakahawang sakit na
Lipunan ng America (IDSA). Mga rekomendasyon para sa pagsubok, pamamahala, at pagpapagamot ng hepatitis C.
Pagsubok at pag-ugnay sa HCV sa pangangalaga. Magagamit sa: https://www.hcvguidelines.org

4. Mga Sentro para sa Kontrol at Pag-iwas sa Sakit (CDC). Human Papillomavirus (HPV). Mga Sakit at Kanselasyon ng
HPV. https://www.cdc.gov/hpv/parents/cancer.html

Unang Hakbang:
1 Paliwanag:

Ikalawang Hakbang:

2 Paliwanag:

48
Ikatlong Hakbang:
3 Paliwanag:

Ikaapat na Hakbang:
4 Paliwanag:

Ikalimang Hakbang:
5 Paliwanag:

Ikaanim na Hakbang:
6 Paliwanag:

Ikapitong Hakbang:

7 Paliwanag:

Ikawalong Hakbang:
8 Paliwanag:

Layunin 2: Nakasusulat ng teksto gamit ang mga pahayag sa pag- aayos ng datos (una, isa pa, iba pa)

Pagsasanay Bilang: 1 Mga Pahayag sa Pag- aayos ng Datos Araw: 2

KONSEPTO:
MGA PAHAYAG SA PAG- AAYOS NG DATOS

1. Pag-uulit – sa madaling sabi, gaya ng nasabi ko, tulad ng nabanggit ko, gaya ng napag-usapan
Hal., Gaya ng nasabi ko, hindi kasali ang paksang iyan sap ag-uusapan sa pulong sa ito.

2. Pagbibigay-diin – siyempre, talaga naman, sa katunayan, siyang tunay, natural, walang duda, walang pasubali,
walang pag-iimbot, walang pagdadalawang-isip, siguradong-sigurado
Hal., Siguradong-sigurado, siya ang lalaki sa CCTV na dumampot ng bag.

3. Pagsusunod-sunod – una, ikalawa, ikatlo, at iba pa, A, B, C, at iba pa, sumunod, pagkatapos, pagkaraan, sa
puntong ito, ngayon, sa huli, nauna rito, bago ito, kasabay nito, kaya naman, sa susunod
Hal., Una, mag-set ng appointment sa DFA sa pamamagitan ng kanilang Web site. Ikalawa, dumating sa
itinakdang petsa at oras dala ang kompletong mga kahingian, ikatlo, ipasa ang mga kahingian at magpakuha
ng larawan at biometrics.

49
4. Pagbibigay-halimbawa – halimbawa, kunwari, sa kasong ito, sa sitwasyong ito, sa sandaling
ito, sa pagkaktaong ito, sa isa pang pagkakataon, tingnan ang nangyari sa/kay, upang ipakita, upang
ilarawan
Hal., Halimbawa, insurance para sa kanila at sa kanilang pamilya, iskolarsyip para sa kanilang
mga anak karagdagang suweldo kapag isinasabak sila sa giyera, at dagdag na benepisyong
medical para sa kanila.
5. Paglalagom o Pagbibigay ng Konklusyon – sa madaling salita, sa kabuuan, bilang paglalagom,
bilang kongklusyon, gyaa ng naipakita ko, gyaa ng nasabi ko, samakatuwid, bilang resulta, bilang
bunga
Hal., Sa kabuuan. Maganda ang pelikula at masasabing sulit ang ibinayad ng mga manonood.
Sa pagsulat ng isang akademikong teksto gaya ng pananaliksik, batayang aklat,
artikulo, at iba pa, mahalagang mapanatili ang lohikal na pagkakaayos ng mga datos. Ito’y
upang mas madaling masundan ng mga mambabasa ang daloy ng pagtalakay at walang maging
abala sa tuloy-tuloy at ganap nilang pag-unawa dito.

Ayon sa Purdue University Online Writing Lab (huling binisita noong Agosto 2015), napangkat
ang mga transitional devices sa mga sumusunod:
6. Pagdaragdag – at saka, muli, bukod ditto, singhalaga ng…ang…, sa huli, ni, rin/din,
sumunod, sa huli, bilang karagdagan, dagdag pa rito, una (ikalawa, ikatlo, at iba pa)
Hal., Dagdag pa rito, wala ring artipisyal na sangkap ang produkto kaya makatitiyak sa
kaligtasan nito.
7. Paghahambing – samantala, ngunit, sa kabilang banda, gayunpaman, magkagayunman,
bilang pag-iiba / bilang pagtuutlad, kunh ihahambing / ikokompara sa, kung iiba sa, laban sa,
bagaman, sa kabaligtaran, pagkatapos ng lahat, bagama’t maaaring totoo…
Hal., Samantala, malakas ang ikalawang kandidato sa Class C, D, at E ng lipunan o iyong
tinatawag na “masa.”

8. Pagpapatunay – dahil, sapagkat/pagkat, kasi, sa gayon ding dahilan, kita naman, sa


katunayan, ang totoo niyan, iyon na nga na…
Hal., Kakanselahin na lang daw ang palabras dahil di matapos-tapos ang mga nagrereklamo
dito.

9. Pagtatangi – kahit pa, sa kabila ng/nito, minsan


Hal., Kahit pa anak siya ng president, kailangan pa rin niyang sumailalim sap ag-
iinspeksiyon sa airport.
10. Pagpakita ng Panahon – kaagad, pagkaraan, pagkatapos, paglaon, pagkalipas ng ibang
saglit/minuto/araw/buwan/taon, at iba pa, sa wakas, nauna, sumunod, una (ikalawa, ikatlo, at
iba pa)
Hal., Pagkalipas ng ilang taon, unti-unitng naubos ang mga bukid at napalitan ng
magkakatabing subdibisyon.

50
Pagsasanay 1

Panuto: Sumulat ng teksto tungkol sa protocol na ipinatutupad ng IATF ngayong panahon ng pandemiya gamit ang
mga pahayag sa pag- aayos ng datos. Gawing gabay ang pamantayang ito:

Krayterya Puntos
Kaugnayan sa paksa (may kaugnay sa paksa) 30
Organisado (Maayos at malinaw ang mga ideya) 30
Tamang gamit ng ng mga pahayag sap ag- aayos ng datos 40
(Naayon ang gamit ng mga transitional devices)
Kabuoang Puntos 100

Layunin 3: Nakasusulat ng resulta ng pananaliksik gamit ang mga awtentikong datos na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
katutubong kulturang Pilipino

Pagsasanay Bilang: 1 Pagsulat ng Resulta ng Pananaliksik Gamit ang Awtentikong Datos Araw: 3-4

KONSEPTO:

PAGSULAT NG RESULTA NG PANANALIKSIK

Pagsusuri

Ayong kina Marshall at Rossman (1990), ang pagsusuri ng datos ay binubuo ng pagsasaayos, kategorisasyon, at
pagsisisyasat ng mga ebidensya upang mapatunayan o mapasublian ang inisyal na mga prosisyon ng pag- aaral.

Ang paglalahad at pagpapakahulugan ng mga datos sa pananaliksik ay naglalahad ng mga resulta at mga
pagtalakay.

Ang mga talahanayan, graphs at iba pang mga kagamitang grapik ay nakatutulong sa kalinawan ng presentastyon.

CALDERON AT GONZALES (1993)

1. Tekstwal na Presentasyon - Ito ay gumagamit ng mga patalatang pahayag upang ilarawan ang mga datos.
Mga kagamitan sa Tekstwal na Presentasyon:
✓ Kaisahan
✓ kaugnayan
✓ Diin
✓ Malinaw
✓ Tuwiran
✓ Maikli
✓ Wasto ang grammar
✓ Lohikal

2. Tabular na Presentasyon
➢ ang ginagamit ay isang istatistikal na talahanayan
➢ ang bawat numerical na datos ay itinatala sa ilalim ng isang kolum at katapat ng isang hanay (row)
3. Grapikal na prersentasyon
➢ ang grap ay isang Biswal na presentasyong kumakatawan sa kwantitatibo na baryasyon o pagbabago ng mga
baryabol

➢ kwantitatibong comparison ng pagbabago ng isang baryabol sa iba pang baryabol o mga baryabol na anyong
paglalarawan o diagramatik

51
Sa paglalahad o pagsulat ng resulta ng pananaliksik ay maaring gumamit ng mga sumusunod:

Bar graph
Pie graph
Line graph
Pictograph
Flow chart
Istruktural na organisasyon
Talahanayan

Tandaan:
Upang matiyak na ang mga nakalap na mga datos ay kailangan na suriin kung saan nagmula ang
impormasyon, kung galing ba ito sa mapagkakatiwalaan na ahensiya, isang sangay ng gobyerno o sa
isang mapagkakatiwalaang taong pinagmulan ng impormasyon. Kapag ang impormasyon naman ay
galing sa net ay maari itong ipasuri sa isang fact- checking website.

Pagsasanay 1: Kaya Mo Itong Gawin!

Ikaw ay isang magiging mananaliksik. Subukan mong maghanap ng isang Papel Pananaliksik na nagpapakita ng katutbong
kultura ng Pilipino. Pagkatapos, sumulat ng iyong sariling resulta ng pananaliksik batay sa mga datos na iyong nakalap.
Gawing gabay ang sumusunod na pamantayan:

Nilalaman Puntos
Nakasulat ng angkop at tamang resulta ng pananaliksik batay sa nakalap na 30
mga datos
Nailahad nang malinaw ang resultang inilabas ukol sa mga datos na nakalap 40
mula sa pananaliksik
Nakabuo ng resulta ng pananaliksik nang nakakamaayos at napaorganisado 30
KABUOANG PUNTOS 100
Pagmamarka:

90-100 - NAPAKAMAGALING
80-90 - MAGALING
70-79 - KATAMTAMAN ANG GALING
60-69 - NANGANGAILANGAN NG PAGGABAY
50 PABABA - MAGSAGAWANG MULI NG GAWAIN

52
53
Kasanayan Bilang 1:
Pagsasanay 1:
Kasanayan Bilang 3 & 4:
Pagsasanay 1: 1. Sawikain 6. Palaisipan
2. Kasabihan 7. Bulong
Maaring iba-iba ang kasagutan ng mga 3. Salawikain 8. Palaisipan
mag-aaral at nasa guro ang pagpapasya 4. Sawikain 9. Kasabihan
5. Bugtong 10. Sawikain
6. Palaisipan
Kasanayan Bilang 2:
Pagsasanay 2:
Pagsasanay 1:
Maaaring iba-iba ang kasagutan ng mga
Maaring iba-iba ang kasagutan ng mga mag-aaral at nasa guro ang pagpapasya
mag-aaral at nasa guro ang pagpapasya
UNANG LINGGO
SUSI SA PAGWAWASTO
IKALAWANG LINGGO

Kasanayan Bilang 1 & 2:


5. IYAK-TAWA
Pagsasanay 1:
4. MAALIWALAS-MAKULIMLIM
1. B 3. NAKALAGAY-NAWALA
2. A 2.KALUNGKITAN-KASIYAHAN
3. A
4. B Pagsasanay 2:
5. D
6. C F 5.
7. C C 4.
8. A A 3.
Pagsasanay 2: D 2.
E 1.
1. Pagwawangis
2. Pag – uyam Pagsasanay 1:
3. Pag – uyam
4. Pagtutulad Kasanayan Bilang 2:
5. Pagmamalabis o Eksaherasyon
6. Pagwawangis
7. Personipikasyon
8. Pagwawangis
9. Personipikasyon
10. Pagmamalabis o Eksaherasyon
11. Pagtutulad
12. Pagmamalabis o Eksaherasyon
13. Pagwawangis
14. Tayutay
15. Personipikasyon
16. Personipikasyon
17. Pagtutulad
18. Pag – uyam
19. Personipikasyon
20. Pagtutulad

54
IKATLONG LINGGO

Kasanayan Bilang 1 & 2:


Pagsasanay 1:
1.parehong-Paghahambing na magkatulad
2. magkasing-Paghahambing na magkatulad
3. Di-tulad-Pasahol
4. Parang-Paghahambing na magkatulad
5. Higit-Palamang
6. Higit-Palamang
7. Parang-Paghahambing na Magkatulad
Pagsasanay 2:
(Ang mga sagot ay nakabatay sa pagbuo ng sariling mapipili nila sa alinmang sa bugtong,
sawikain, salawikain at kasabihan ng mga mag-aaral at ito ay may halimbawa na)

Pagsasanay 3:
(Ang mga sagot ay nakabatay sa pagbuo ng sariling mapipili nila sa alinmang sa bugtong,
sawikain, salawikain at kasabihan ng mga mag-aaral at ito ay may halimbawa na)

IKAAPAT NA LINGGO

Kasanayan Bilang 1:
Maaring iba-iba ang kasagutan ng mga mag-aaral at nasa guro ang pagpapasya

Kasanayan Bilang 2:
Maaring iba-iba ang kasagutan ng mga mag-aaral at nasa guro ang pagpapasya

Kasanayan Bilang 3:
Maaring iba-iba ang kasagutan ng mga mag-aaral at nasa guro ang pagpapasya

Kasanayan Bilang 2:
55
Maaring iba-iba ang kasagutan ng mga mag-aaral at nasa guro ang pagpapasya
IKALIMANG LINGGO

Kasanayan Bilang 1:

Pagsasanay 1:
A: B:

Sanhi Bunga 1. bunga ng


2. sapagkat
1.Walang kain at walang tulog kaya nanghina ang babaeng si Lorna
3. palibhasa
Borja. 4. kaya naman
2.Sa sobrang dami ng tuloy hindi nasunod ang social 5. tuloy
nastranded distancing.
3. Bago makauwi ng probinsya bilang resulta kailangang sumalang
muna sa rapid testing.
4.Nang makitang nagsisiksikan tuloy marami ang nabahala.
ang mga sranded sa Rizal
stadium
5. Bunsod ng mara kaya naman humingi ng paumanhin
mi ang umani ng batikos ang mga opisyal.

Kasanayan Bilang 2: Kasanayan Bilang 3:


Talasalitaan: Pagsasanay 3:

1. bunga ng 1. bunga

2. sapagkat 2. bunga

3. palibhasa 3. sanhi

4. kaya naman 4. bunga

5. tuloy 5. bunga

Pagsasanay 2: Kasanayan Bilang 4:


1. A Pagsasanay 4 A at B:

2. A (May Kalayaan ang mga mag-aaral bumuo ng pangungusap

3. C Gamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga. )

4. C
5. C

56
IKAANIM NA LINGGO

Kasanayan Bilang 1:
Pagsasanay : Pagpapalawak ng paksa
Malayang Sagutan (Nakabatay sa pananaw ng mga mag-aaral)

Kasanayan Bilang 2:
Pagsasanay 1: Pagtatalata
Malayang Sagutan (Nakabatay sa pananaw ng mga mag-aaral)

Pagsasanay 2: Pagtatalata
1. C 2. B 3. B 4. C 5. C 6. A 7. A 8. D 9. A 10. D

IKAPITONG LINGGO

Kasanayan Bilang 1:
1. paksa 2. ebidensiya 3. limitasyon 4. balangkas 5. direksyon
6. suriin 7. ideya 8. mangalap 9. tala 10. konsepto

Kasanayan Bilang 2:
Maaring iba-iba ang kasagutan ng mga mag-aaral at nasa guro ang pagpapasya

Kasanayan Bilang 3:
Maaring iba-iba ang kasagutan ng mga mag-aaral at nasa guro ang pagpapasya

57
Development Team of the Learning Activity Sheet
FILIPINO 8
Management Team
Thelma Cabadasan-Quitalig, PhD, CESO V Schools Division Superintendent
Sherlita A. Palma, EdD., CESO VI Asst. Schools Division Superintendent
Renato S. Cagomoc, EdD,DM CID Chief
Noel E. Sagayap Learning Resources Manager
Lourdes L. Matan Subject Area EPS

Writers:
Vevencia M. Escareal Master Teacher II Oquendo NHS
Mary Flor Delos Santos Teacher III Calbayog City NHS
Lizhmer Jane Suarez Teacher III Calbayog City NHS
Hazel A. Salino Master Teacher I Calbayog City NHS
Evelyn E. Danes Teacher III Calbayog City NHS
Ruthel D. Conchas Teacher III Calbayog City NHS
Gente Corsiga Teacher III Calbayog City NHS
Jay Angue Teacher III Calbayog City NHS
Reviewers:
Teresa S. Simon PSDS Tinambacan II District
Lourdes L. Matan EPS CID
Noemi S. Castante OIC-PSDS Oquendo 3 District
Maria Teresa Macabidang P2 Cabatuan Elem. School
Melanie P. Enriquez Master Teacher III Calbayog City SPED
Center
Chinky F. Baculanta Master Teacher 1 Calbayog City NHS
Rosalita G. Data Principal 1 Roxas Cluster
Illustrators/ Lay-out Artist:
Razle Jabelo Teacher III Danao Elem. School
Louie Mercader Teacher III Bante Elem. School

58

You might also like