You are on page 1of 5

TXTBK + QUALAS

SANAYANG PAPEL Blg.2

Textbook based instruction paired
with MELC-Based Quality SA FILIPINO 6
Assured Learner’s Activity Sheet
(LAS) Kwarter 4 Linggo 2

Pangalan: ____________________________Baitang at Pangkat: _____________________

Guro: _____________________________Petsa ng Pagpasa : _________________________

MELC: 1. Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksiyon sa isang napakinggan o nabasang
balita
isyu o usapan (F6PS- IVc-1)
2. Nasusuri ang pagkakaiba ng kathang-isip at di-kathang-isip na teksto (F6PB-IVc-e-22)
Aralin: 1. Pagpapahayag ng sariling opinyon o reaksiyon sa isang napakinggan o nabasang
balita, isyu o usapan
2. Kathang- isip at Di- kathang isip na teksto
Sanggunian: Yamang Filipino 6 Pahina: 350-351

Layunin: Nakakapagpahayag ng sariling opinyon o reaksiyon

Kasanayan Bilang: 1 Pagpapahayag ng opinyon o reaksiyon Araw:1 at 2

KONSEPTO:

Ang opinyon o reaksyon ay isang mabuting kasanayan dahil naipapahayag natin ang sariling
salooobin o pananaw hinggil sa kaisipang inilalad. Ito ay saloobin at damdamin ng tao at hindi ito maaring
magpatunay kung tama o hindi. Bahagi na ng pang- araw- araw na buhay ang pagbibigay ng opinyon sa
mga pangyayaring nagaganap o namamalas sa ating paligid. Sa pagbibigay ng opinyon, makabubuti kung
tayo ay may sapat na kaalaman sa paksang pinag- uusapan upang masusing mapagtibang- timbang ang
mga bagay at maging katanggap tangap ang ating opinyon. Ang pagbibigay ng opinyon ay maaaring sa
pagsang- ayon o pagsalungat sa kaisipan ng nagsasalita o kausap. Sa pagbibigay ng opinyon, mahalagang
matutunan ang wastong gamit ng mga salita at sikapin lamang na maging magalang upang maiwasan ang
makasakit ng damdamin ng kapuwa.

Pagsasanay 1

Panuto: Basahin ang sanaysay. Ibigay ang sariling reaksiyon tungkol dito.

1
______________________________________________________________________________

_________

Pagsasanay 2

Basahin ang balita at ibigay ang sariling reaksyon tungkol dito.

balita.net.ph

______________________
______________________________________________________________________________
2
__

Pamantayan sa pagbuo ng Sariling Opinyon

5 4 3 2 1
Nilalaman
-Pagsunod sa anyong
hinihingi
-Lawak at lalim ng
pagtalakay
-Balirala
Wastong gamit ng wika
-Paglimita sa paggamit
ng salitang hiram
Engganyo
-Paraan sa pagtalakay
sa paksa
-Pagsunod sa tiyak na
panutong ibinigay
5- Pinakamahusay 2-Mapaghuhusay
4- Mahusay 1- Nangangailangan pa ng pantulong na pansanay
3- Katangap tangap

Layunin: Nasusuri ang pagkakaiba ng kathang-isip at di-kathang isip na teksto

Kasanayan Bilang:2 Pagpapangkat sa mga salitang magkakaugnay_ Araw:3 at 4

KONSEPTO

Kathang-isip (Piksyon) – binubuo ng mga likhang isip o imahinasyon ng may akda na inilalahad sa
paraang pasalaysay o pakuwento. Ito ay ginagampanan ng mga likhang isip na mga tauhan, lugar at
mga pangyayari. Katangian rin ng kathang-isip ay ang pag-iimbento ng kwento, pagmamalabis,
pagpapanggap, at pagsisinungaling.

Halimbawa: Ang Leon at ang Daga, Biag ni Lam-ang (Epiko), Ang Gintong Bibe, Juan Tamad,
Cinderella, Ang Alamat ng Pinya.

Di-kathang-isip (Di-piksyon) – pagpapahayag ng mga tunay at tiyak na pangyayari sa buhay ng

tao. Bumabatay ang may akda sa mga tunay na balita at iba pang kaganapan, ayon sa kanyang mga
kaalaman hinggil sa paksa.

Halimbawa: Balita, Talambuhay, Kasaysayan

Pagsasanay 1

Panuto: Suriin ang mga paglalarawan sa katangian ng teksto. Pagpasiyahan kung ito ay
tumutukoy sa kathang-isip o di-kathang-isip. Lagyan ng tsek (/) ang hanay ng wastong
sagot.

Katangian ng Teksto Kathang-isip Di-kathang-isip

1. Naglalahad ng tunay na pangyayari
2. Naglalahad ng kathang may kababalaghan o pantasya.
3. Nagpapakita ng makatotohanang balangkas ng mga

3
maaaring maging kaganapan sa hinaharap na ibinatay sa
nakalipas na kasalukuyan.
4. Nagpapakita ng paksang nakikita sa mga aklat, sining,
telebisyon, pelikula, at tanghalan.
5. Naglalahad ng tiyak na mga nangyayari na ibinatay sa
kaganapan sa buong mundo
6. Naipapakita ang mga pangyayaring hindi maaaring
mangyari.
7. Nailalahad ang bunga ng malikhaing imahinasyon ng
sumulat
8. Naipapakita ang mga pangyayaring nakabatay sa mga
impormasyon at detalye ng mga balita at totoong
kaganapan.
9. Naisasalaysay ang mga pangyayaring bahagi na ng
kasaysayan.
10. Natatalakay ang iba’t ibang maaaring mangyari at
magbago sa tauhan, pook, o pinangyarihan.

SUSI SA PAGWAWASTO

KASANAYAN BILANG 1

Pagsasanay 1

Malayang Sagutan

Kailangan ang pagkakaisa para umunlad ang bansang Pilipinas. Kailangan simulant natin ito na may pagkakaisa at
layunin para sa bansa. Ang pagkakaisa at pagtutulungan para sa pag- unlad ng ekonomiya ang higit nating
kailangan ngayon. Napag- iiwanan na tayo ng mga karatig nating bansa. Hindi napapanahon ang pagsisishan
ngayon. Sa kabila ng mga problema ngayon ng ating bansa, nagging matatag naman ang ating pamahaalan sa
pagtaguyod ng mga programa at proyekto nito at nagiging maayos ang takbo nito.
Pagsasanay 2

Malayang Sagutan

Maganda kung maisasakatuparan na ito at magkaroon ng national ID ang mga kawani ng gobyerno at mga Pilipino.
Magiging mabilis na ang transaksiyon ng bawat isa. Kapaki pakinabang ang pagkakaroon ng ID system lalo pa’t
ngayon ay dumarami na ang kriminalidad at ang pag pag- usbong ng terorismo.

KASANAYAN BILANG 2

PAGSASANAY 1:

1. Di-kathang-isip 6. Kathang-isip
2. Kathang-isip 7. Kathang-isip
3. Di-kathang-isip 8. Di-kathang-isip
4. Kathang-isip 9. Di-kathang-isip
5. Di-kathang-isip 10. Kathang-isip
4
5

You might also like