You are on page 1of 8

SHS

FILIPINO
Ikaapat na Markahan-Modyul 4:
Paggamit ng Katuwirang Lohikal at Ugnayan
ng mga Ideya sa Pagsulat ng Pananaliksik

May-akda: Merle R. Dela Paz


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo ng isang aralin.

Aralin 1–Paggamit ng Katuwirang Lohikal at Ugnayan


ng mga Ideya sa Pagsulat ng Pananaliksik

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang


sumusunod:

A. nakikilala ang katuwirang lohikal at ugnayan ng mga ideya sa


pagsulat; at
B. nagagamit ang mga katuwirang lohikal at ugnayan ng mga
ideya sa pagsulat ng isang pananaliksik

Subukin

Bago ka magpatuloy, lagyan mo ng (/) tsek ang pahayag ay


nagpapakita ng pangangatwiran at (O) bilog naman kung hindi.

_______1. Marami ang nawalan ng trabaho.


_______2. Hindi ko akalain na mangyayari sa atin ang ganitong
sitwasyon.
_______3. Ayokong habang buhay na umasa sa ibang tao.
_______4. Samakatuwid, dapat nating malaman ang tamang
pangangalaga ng katawan.
_______5. Manalangin tayo sa Maykapal na tayo’y kaniyang
patnubayan.

Paggamit ng Katuwirang Lohikal


Aralin at Ugnayan ng mga Ideya
1 sa Pagsulat ng Pananaliksik

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang paggamit ng katuwirang lohikal


at ugnayan ng mga ideya sa pagsulat ng pananaliksik. Upang ito ay
malinang, kailangan mong gawin nang matapat ang mga gawain.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
Balikan

Balikan ang tungkol sa paraan sa pagsulat ng isang pananaliksik.


Piliin mo sa kahon ang tamang sagot batay sa hinihingi ng pangungusap.

METODO GAMIT
LAYUNIN ETIKA

___________1. Tumutukoy sa paraan na gagamitin sa pagkuha ng datos.


___________ 2. Isinasaad ang mga dahilan ng pananaliksik.
___________3. Dapat may kamalayan o pagpayag ang mga kasangkot/
ang mga tutugon sa iyong pananaliksik.
___________4. Pagpapatunay, paglilinang, pagtitibay sa ginawang
pananaliksik
___________5. Ang detalye kung paano isinasagawa ang pag-aaral.

Tuklasin

A. Panimula

Alam kong alam mo na ang mga paraan sa pagsulat ng isang


pananaliksik. Ngayon ay pag-uusapan natin ang bagong paksang aralin.
Handa ka na ba?

Karaniwan na sa social media ang ilan sa palitan


ng kritikal na opinyon o usapin. Ano-ano ang
isinasagawa mo kapag gusto mong magpaliwanag o
mangatwiran sa ibang tao?

B. Pagbasa

Maging halimbawa: Pinuno Muna ang Magpabakuna


Pilipino Star Ngayon, February 10, 2021
TARGET ng pamahalaan na mabakunahan ang 1.4 milyong health
workers sa loob ng isang buwan. Sabi ni Presidential Spokesman Harry
Roque kahapon, posibleng masimulan ang pagbabakuna sa Pebrero 15.
Pero ayon naman kay vaccine czar Carlito Galvez, maaaring Marso pa
masimulan ang vaccination. Paparating pa lang umano sa
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
Marso ang unang batch ng bakuna.

Handa na ang local government units (LGUs) sa mga gagawing


pagbabakuna sa kani-kanilang lungsod. Preparado na ang mga gusali na
pagdadausan ng pagbabakuna. Nagkaroon na rin ng vaccination simulation
exercise. Noong nakaraang linggo, mismong si Health Sec. Francisco Duque
pa ang nanguna sa “pagtuturok” ng bakuna sa mga sumali sa mock
vaccination. Pati si Duque mismo ay nagpaturok sa isinagawang vaccination
dry run.

Maganda ang ginagawang ito para pagdating ng bakuna ay handang-


handa na ang lahat. Hindi mangangapa at maisasagawa nang maayos at
malinis ang pagbabakuna kapag dumating na ang pinakahihintay na araw.

Bagama’t marami pa rin sa mamamayan ang may pangamba sa


bakuna, inaasahang mawawala rin ang takot kapag lubusang nagkaroon ng
kampanya ang pamahalaan ukol dito. Sa pinakahuling survey ng Social
Weather Station (SWS), nabatid na 31 porsiyento ng mga Pilipino ang hindi
pa handang magpabakuna at nasa 32 percent naman ang nakahanda
habang 34 percent ang nag-iisip-isip pa kung sila ay magpapabakuna.

Kailangang magsagawa pa ng malawak na information campaign


upang ma-educate ang publiko ukol sa kahalagahan ng bakuna at para
hindi rin mangamba. Isa rin sa mga epektibong paraan para ganap na
mapanatag ang kalooban ng mamamayan at mahikayat na magpabakuna
ay ang makita na ang mga namumuno ang unang magpaturok.

Ipinahayag ng Malacañang noong Lunes na si President Duterte ang


unang makakatanggap ng bakuna kapag nagsimula ang vaccination
ngayong buwan. Una nang nagpahayag si Vice President Leni noong
Disyembre na magpapabakuna siya sa harap ng publiko. Noong nakaraang
linggo, sinabi ni Sen. Christopher “Bong” Go na handa siyang magpabakuna
in public.

Mas mapapanatag lalo ang mamamayan kung mismong ang DOH


Secretary at vaccine czar ay magpapaturok sa harap ng publiko. Magiging
magandang halimbawa sila para mawala ang alinlangan ng mamamayan sa
bakuna.

C. Pag-unawa sa Binasa (Sagutin nang Pasalita)

1. Ano ang nilalaman ng tekstong binasa?


2. Magkakaugnay ba ang kaisipan sa tekstong binasa?
3. Napukaw ba ng manunulat ang iyong kaisipan at damdamin?
Bakit?
4. Makatuwiran ba ang nilalaman ng binasang artikulo? Bakit?
5. Sang-ayon ka ba na ang mga namumuno ang dapat muna ang
mauna sa pagbabakuna? Bakit?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
Suriin

Ang terminong lohikal ay kasingkahulugan ng makatuwiran.


Ginagamit ang lohikal ng pangangatuwiran sa pagbibigay ng
makatuwirang kongklusyon sa proposisyong ipinahahayag ng isang
manunulat. May mga paraan tayo sa pagsulat na lohikal:
1. Kailangang may alam ka sa paksang susulatin at kailangan mong
magsaliksik tungkol sa paksang iyong kakailanganin kaugnay ng
paksa.
2. Alam mo ang mga proposisyong gagamitin kaugnay ng paksa
upang mapili ang argumentong gagamitin.
3. Alam mo ang paraan ng pangangatuwiran na angkop na gamitin.
4. Kailangang mangalap ka ng datos na magpapatibay sa iyong
argumentong gagawin.
Iwasan mo ang maling pangangatuwiran. May katangian ang
pagsulat ng pangangatuwiran, kailangang may katotohanan, may
lohika, may kaugnayan sa paksa, may maliwanag na pangangatuwiran
at di kailangang maligoy.

May tinatawag tayong dalawang kategorya sa


pangangatuwiran- pangangatuwirang pabuod at pangangatuwirang
pasaklaw. Ang pabuod ay nagsisimula sa maliit na halimbawa o kaya ay
sa mga partikular na bagay at katotohanan at nagtatapos sa isang
panlalahat na tuntunin kaisipan o konsepto. Maari itong magawa sa
pamamagitan ng pag-uugnay na sanhi sa pangyayari tinatawag itong
“Pababa-Pataas”. Ang pasaklaw na pangangatuwiran ay nagsisimula sa
pangkalahatan patungo sa tiyak at detalyado tinatawag itong “Pataas-
Pababa”. Ang manunulat ay maaring magsimulang mag-isip ng teoryang
tungkol sa teorya tungkol sa paksang nais niyang pag-aralan.
Magkasalungat ang dalawang kategorya.

Ngayon naman ay palawakin mo ang iyong kaalaman sa paggamit ng


lohikal na pangangatuwiran sa pagsulat.
Magsaliksik ng mga pangyayari sa ating kapaligiran sa kasalukuyan,
bigyan ng lohikal na pangangatwiran sa paraang pasulat. Pumili lamang ng
isang paksa.
a. Dapat bang ipagpaliban ang pasukan at gawin na lang sa
susunod na taon?
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
b. Face to face class sa mga paaralan, nararapat na nga ba?

Pamantayan Puntos Puna ng Guro


Paglalahad ng kaisipan 20
Lohikal na 20
pangangatuwiran
Pagkakaugnay-ugnay ng 20
mga ideya
KABUOAN 60

Isaisip

Gamit ang tsart ng repleksiyon sa ibaba, ilagay ang kosepto o


kaisipan mula sa nakamit mo sa araling ito.

NALAMAN KO NAUNAWAAN KO NATUKLASAN KO

Isagawa
Ilapat natin sa tunay na buhay ang natutuhan mo sa ating aralin.
Isagawa ang aktibiti sa ibaba. Pumili lamang ng isang gawain.

Gawain 1
Mag-isip ng paksang tatalakayin. Gumawa ng video kasama ang
pamilya at pag-usapan ang napapanahong paksa na naglalahad
ng lohikal na pangangatuwiran.

Gawain 2
Sumulat ng sariling editorial o pananaw sa isang napapanahong
paksa. Ipakita ang kasanayan sa paggamit ng lohikal na
pangangatuwiran.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
Tayahin
Lagyan ng (/) tsek kung tama ang inilalahad sa
pangungusap ayon sa lohikang pangangatuwiran at (X) kung
hindi.

_____1. Sa pagsulat ng lohikal na pangangatuwiran kailangang


may alam ka sa paksa.
_____2. Ito ay naglalahad ng pangangatuwiran.
_____3. Nagbibigay ng makatuwirang kongklusyon.
_____4. Layunin nito makapagpahayag ng matitinong
kaisipan at kaalaman.
_____5. Nangangailangan ng patunay at binabase sa paksang
tatalakayin.
_____6. Naglalahad ito ng paliwanag at pagsasabi ng matuwid.
_____7. Dapat may sapat kang dahilan na maiuugnay sa paksa.
_____8. Hindi kailangang alamin pa ang mga proposisyong gagamitin.
_____9. Iwasan ang lihis na pangangatuwiran.
____10. Hindi na kailangang mangalap pa ng datos para sa patunay.

Karagdagang Gawain
Sumulat ng talumpati tungkol sa isang napapanahong paksa.
Pumili ng nais isulat ayon sa proseso o paraan ng pagkakasulat ng
lohikal na pangangatuwiran. Gamitin ang pamantayan na nasa
bahaging “Pagyamanin” ng modyul na ito.

Susi ng Pagwawasto

Sanggunian
Bernales, R. (2016), Pagbasa, Pagsusuri at Pagsulat ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Valenzuela City: JO-ES Publishing House, Inc.

https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2021/02/10/2076694/editoryal-maging-
halimbawa-pinuno-muna-ang-magpabakuna
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Merle R. Dela Paz (Guro, MHS)


Mga Editor: Gladys P. Rafols (Guro, FHS)
Christian Paul I. Camposano (Guro, CISSL)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)
Tagalapat:
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino
Ivy Coney A. Gamatero
Superbisor sa LRMS

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like