You are on page 1of 23

10

Filipino
Unang Kwarter – Unang Linggo
Ang Mitolohiyang Rome
Filipino – Grade 10
Most Essential Learning Competency (MELC) – Based Exemplar
Unang Kwarter – Unang Linggo: Ang Mitolohiyang Rome
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa exemplar na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
exemplar na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Development and Quality Assurance Teams

Writer: Precyl L. Elizalde


Illustrator: ___________________________
Layout Artist: Kay Tracey A. Urbiztondo
Language Editor: _______________________
Content Evaluator: _______________________
Layout Evaluator: ______________________
Management Team: PSDS/DIC
___________________

Rationale

1
Ang proyektong PPE (Portfolio Predicated on Exemplar) ay angkop na tugon ng Sangay ng mga
Paaralan ng Surigao del Sur sa paghahatid ng mga pampagkatutong pangangailangan ng mga
mag-aaral na kahanay sa pagsusumikap ng mga nakatataas na tanggapan sa Kagawaran. Ang
gamit nitong lesson exemplar ay may kaaya-ayang format para sa guro at mag-aaral na pinaigsi
bilang bagong pamamaraan sa gitna ng pangkalusugang krisis dulot ng COVID-19. Ang mga
exemplar na ito ay sasamahan ng portfolio na tugma sa pansariling kakayahan ng mga mag-aaral.

Bilang koleksiyon ng mga gawain, ang isang portfolio ay nagbibigay diin sa pagsisikap ng isang
mag-aaral. Nagpapakita ito ng kaniyang pag-unlad, kakayahang mapagnilayan ang sariling gawa,
at kakayahang makabuo ng mga mithiin para sa hinaharap na pagkatuto.

Pambungad na Mensahe

Para sa Guro:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino – Grade 10 - Quarter 1 Exemplar para sa araling


Ang Mitolohiyang Rome!

Ang exemplar na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilikha at sinuri ng mga edukador mula sa
iba’t ibang paaralan ng Division upang tulungan ang mga mag-aaral na makamit ang mga
inaasahang layunin na nakaangkla sa Most Essential Learning Competencies (MELC) na itinakda
ng Kagawaran habang patuloy na nilulutas ang mga suliranin sa pag-aaral na dulot ng
pandemikong COVID-19.

Bilang isang kagamitang pampagkatuto, nais nitong dalhin ang mga mag-aaral sa mga gawain
kung saan sila ay ginagabayan at hinahayaang tapusin ang mga gawain nang naaayon sa sariling
bilis at oras. Dagdag pa rito, layunin din nitong matulungan ang mga mag-aaral na mapaunlad
ang kanilang pang-21 siglong kakayahan habang isinasaalang-alang ang kanilang
pangangailangan at kapakanan.

Bilang guro, inaasahan mula sa iyo ang paggabay sa mga mag-aaral kung paano gamitin ang
exemplar na ito. Kailangan mo ring subaybayan ang kanilang pag-unlad habang hinahayaan
silang pangasiwaan ang sariling pagkatuto sa pamamagitan ng pagtatasa ng portfolio.

Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino-Grade 10 - Quarter 1 Exemplar para sa araling Ang


Mitolohiyang Rome!

Ang exemplar na ito ay dinisenyo upang bigyan ka ng nakatutuwa at makabuluhang oportunidad


sa pagkatuto kung saan ikaw ay ginagabayan at hinahayaang tapusin ang mga gawain nang
naaayon sa iyong sariling bilis at oras. Bilang aktibong mag-aaral, ipoproseso mo ang mga
nilalaman nitong pampagkatutong kagamitan, maging ikaw ay nasa tahanan o nasa paaralan.
Upang tulungan kang maisagawa ito, ang exemplar na ito ay may Lingguhang Pagtatasa ng

2
Portfolio. Ibibigay ng iyong guro ang template nito upang mabigyan ka ng pagkakataong
makagawa ng portfolio ayon sa iyong malikhaing pamamaraan.

Ang exemplar na ito ay naglalaman ng mga bahagi at kaukulang icon:

Ito ay magbibigay sa iyo ng ideya kung anong kompetensi


Alamin ang inaasahan mong matutuhan sa exemplar na ito at ang
mga layuning dapat mong matamo.
Nakapaloob sa bahaging ito ang isang gawain na susubok
Nalalaman sa iyong kaalaman sa araling iyong tatahakin.

Ang seksyong ito ay magbibigay ng maikling diskusyon sa


Suriin aralin. Tutulungan ka nitong matuklasan at lubos na
maunawaan ang mga bagong konsepto at kasanayan.
Sa seksyong ito nakapaloob ang mga gawain na tutulong
Isagawa
(1,2 & 3) sa iyo upang mailipat ang iyong bagong kaalaman at
kasanayan tungo sa panibagong sitwasyon o hamon ng
buhay.
Layunin ng gawaing ito ang tayain ang iyong antas ng
Isaisip kasanayan sa pagkamit ng mga pampagkatutong layunin.

Naglalaman ito ng mga sagot sa lahat ng gawaing


Susi sa
nakapaloob sa exemplar na ito.
Pagwawasto
Dito ay mayroong instruksyon tungkol sa pagtatala ng
Pagtatakda ng Mithiin sa
Portfolio iyong positibo at makatotohanang mithiin bago ipagtuloy
ang paggamit ng exemplar.
Mayroon itong mga instruksyon tungkol sa pagsasagawa
Pagsagawa ng
Portfolio Pahiwatig ng mga bahagi ng portfolio. Mayroon din itong rubric na
ng Pag-unlad! gagabay sa iyo kung paano tatayain ang iyong portfolio.

Makikita mo rin sa huling bahagi ng exemplar ang:


Sanggunian Ito ay tala ng mga pinagkukunang konsepto o
impormasyon na ginamit sa paglikha ng exemplar
na ito.

3
Alamin

Sa modyul na ito, iyong masusuri ang mga kaugalian, paniniwala at kultura ng


bansang Rome na nagpaunlad sa panitikang Pilipino. Matutulungan ka din nito upang
mapalawak ang iyong kaalaman sa paggamit ng pandiwang pagpapahayag ng aksiyon,
karanasan at pangyayari. May mga angkop na gawaing inihanda para sayo upang lubusan
mong maunawaan ang aralin.

Most Essential Learning Competency:

Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda sa nangyayari sa:
• sariling karanasan
• pamilya
• pamayanan
• lipunan
• daigdig (F10PB-Ia-b-62)

Sub-Competency
4
1. Naipahahayag ang mahahalagang kaisipan/pananaw sa napakinggan, mitolohiya

2. Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito (F10PT-Ia-b-61)

3. Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang mitolohiya (F10PD-


Ia-b-61)

4. Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay (F10PS-Ia-b-64)

5. Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa (tagaganap, layon, pinaglalaaanan at


kagamitan)
 sa pagsasaad ng aksyon, pangyayari at karanasan;
 sa pagsulat ng paghahambing;
 sa pagsulat ng saloobin;
 sa paghahambing sa sariling kultura at ng ibang bansa; at
 isinulat na sariling kuwento

Layunin

Pagkatapos mong maisagawa ang mga gawaing nakapaloob sa exemplar na ito, ikaw ay
inaasahang:

A. Kaalaman: natatalakay ang mitolohiyang Rome at ang paggamit ng pandiwa;

B. Kasanayan: naisusulat ang sariling karanasan gamit ang pandiwang


pagpapahayag ng aksiyon, karanasan at pangyayari ; at

C. Pandamdamin: napapahalagahan ang mitolohiyang Rome sa pagpapaunlad


ng panitikang Pilipino.

P
Pagtatakda ng Mithiin sa Portfolio

Gamit Ang Portfolio Assessment Template na ibinigay sa iyo ng iyong guro kasama
ng exemplar na ito upang tatapusin mo ang lingguhang pagtatakda ng mithiin. Gawing
patnubay ang mga layunin sa itaas. Mag-isip ng mga positibo at makatotohanang mithiin na
maari mong makamit sa exemplar na ito. Itala ang mga ito bilang iyong mga plano. Tandaan:
Huwag ipagpatuloy ang pagsagot sa exemplar na ito kung hindi mo pa naisagawa ang
pagtatakda ng mga mithiin.

5
Nalalaman

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang napiling letra sa sagutang papel.

1. Ang _____ay ang sinaunang kuwentong may kaugnayan sa paniniwala o


pananampalataya at nagtataglay ng tauhan ng karaniwang diyos o diyosa na may
kapangyarihang hindi taglay ng pagkaraniwang mortal.
A. Alamat
B. Mitolohiya
C. Nobela
D. Tula

2. Sino ang mortal na kinaiinggitan ng diyosang si Venus dahil sa taglay nitong


kagandahan?
A. Ambriosa
B. Apollo
C. Cupid
D. Psyche

3. Dahil sa inggit ng mga nakakatandang kapatid ni Psyche ay nakabuo sila ng


masamang plano. Ano ang gamit na pandiwa?
A. Aksyon
B. Karanasan
C. Pangyayari
D. Wala

6
4. Kanino humingi ng payo ang ama ni Psyche sa pagkabahala nitong hindi na makapag-
aasawa ang anak?
A. Apollo
B. Jupiter
C. Psyche
D. Venus

5. Naging panatag na si Venus na mapangasawa ni Cupid si Psyche. Anong pandiwa ang


gamit?
A. Aksyon
B. Karanasan
C. Pangyayari
D. Wala
6. Ano ang gamit ng Ambrosia?
A. pananggalang laban sa kaaway
B. isang tinapay na para sa immortal
C. magiging immortal ang sinumang kakain nito
D. isang gamot nagbibigay lunas sa sakit ni Psyche

7. Anong pandiwa ang gamit sa pangungusap na ito? “Nagising si Psyche sa tabi ng ilog
at natanaw niya ang isang mansyon na tila ginawa para sa mga diyos”.
A. Aksyon
B. Karanasan
C. Pangyayari
D. Tagatanggap

8. Sino ang unang nakasalubong ni Wigan sa kanyang paglalakbay patungo sa mga


diyos?
A. Bathala
B. Bugan
C. Igat
D. Pating

9. Aling pangungusap ang may pandiwa na gamit ay karanasan?


A. Naawa ang buwaya kay Wigan.
B. Binigyan ni Venus ng pagsubok si Psyche.
C. Naglakbay si Wigan patungo sa mga Diyos.
D. Labis na kalungkutan ang nadarama ng mag-asawa sapagkat wala silang anak.

10. Anong ritwal ang itinuro kina Wigan at Bugan upang magkaroon ng masaganang
pamumuhay?
A. ritwal na bu-ad
B. ritwal na pagluluksa
C. ritwal na pasasalamat
D. ritwal para sa masagan na ani

11. Sino ang diyos na may matalas na pang-amoy?


A. Bumbakker
B. Igat
C. Kinin

7
D. Pating

12. Bakit napagdesisyunan nina Wigan at Bugan na magtungo sa tahanan ng mga diyos?
A. para lamang mamasyal
B. Magpaturo ng ritwal na bu-ad
C. upang magmakaawa na bigyan sila nito ng anak
D. Upang maawa ang mga diyos at mabigyan sila ng anak
13. Bakit gayon na lamang ang inggit at galit ni Venus kay Psyche?
A. Galit si Venus sa mga mortal.
B. Ninakaw ni Psyche ang ganda ni Venus.
C. Nagalit si Venus dahil inibig ng kanyang anak si Psyche.
D. Lahat ng pagpupuri ay napunta kay Psyche dahil sa taglay nitong ganda.

14. Ito ay salitang nag bibigay-buhay sa pangungusap dahil nagsasaad ito ng kilos o
galaw ng tao, hayop, o bagay.
A. Pandiwa
B. Pangungusap
C. Panlapi
D. Salitang-ugat

15. Pinapahayag ng pandiwang ito ay patungkol sa nararamdaman o damdamin ng actor o


ng tagaganap.
A. Aksyon
B. Karanasan
C. Pangyayari
D. Panlapi

8
Suriin

May ideya ka ba kung paano nakatulong ang mitolohiyang Rome sa pagpapaunlad ng


panitikang Pilipino? Paano kaya nakaimpluwensiya ang akda ng mga batikang Romanong
manunulat sa mga alagad ng sining sa buong mundo?

Sa araling ito, tatalakayin natin ang impluwensiya ng mitolohiyang Rome noong


Panahon ng Panitikang Katutubo – kung paano ito naging batayan ng ating sinaunang
panitikan. Matutulungan ka rin ng modyul na ito upang lubusang maunawaan ang paggamit
ng pandiwa sa pagpapahayag ng aksiyon, karanasan at pangyayari.

Ang Mitolohiya

Ang mito/myth ay galing sa salitang Latin na mythos at mula sa Greek na muthos, na


ang kahulugan ay kwento. Mitolohiya ang tawag sa sinaunang kuwentong may kaugnayan sa
paniniwala o pananampalataya na ang mga tauhan ay karaniwang diyos o diyosa na may
kapangyarihang hindi taglay ng pagkaraniwang mortal. Samakatuwid, ang mitolohiya ay ang
pag-aaral ng mga myth at alamat na tumutukoy sa kalipunan ng mga mito mula sa isang
pangkat ng tao sa isang lugar.
Ang kahalagahan ng mitolohiya ay ang mga sumusunod:
1. sa kuwentong mitolohiya ay nagiging mapanaliksik ang mga tao para sa ikakaunlad ng
mga gawaing panlipunan
2. sa pamamagitan ng kwentong mitolohiya ay nagbibigay ng buhay at lalong umuunlad ang
paniniwalang panrelihiyon at nagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos.
Ito ay ilan sa mga halimbawa ng mga mitolohiya ng Pilipinas:
 Bathala
 Idionale
 Apolaki
 Agawe
 Tala
 Hanan

Malaki ang naging impluwensiya ng mga Romanong manunulat tulad nina Virgil
na sumulat ng Iliad at Odyssey at Ovid na may-akda ng Metamorphoses sa mga alagad ng
sining sa buong mundo. Ang mga akdang ito ay masasalamin sa ating literatura noong
Panahon ng Panitikang Pilipino na naging pasalin-dila tulad alamat, epiko, karunungang
bayan, kuwentong-bayan at mito.
Pinagkaiba ng Mitolohiya ng Romano at Pilipino

9
 Sa Pilipinas, pinaniniwalaang si Bathala ang Supremong diyos ng mga Pilipino at
hari ng mga diwata.
Halimbawa: Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan

 Ang mitolohiyang Romano naman ay kadalasang tungkol sa pulitika, ritwal at


moralidad.
Halimbawa: Cupid at Psyche

 Mayroon ding pagkakatulad ang mga Romano at Pilipino kagaya ng matibay na


paniniwala sa mga kaugalian ng kanilang mga ninuno.

Gamit ng Pandiwa

Ang pandiwa ay salitang nagbibigay-buhay sa pangungusap dahil nagsasaad ito ng


kilos o galaw ng tao, hayop, o bagay. Ito ay binubuo ng salitang-ugat at mga panlaping tualad
ng: na, ma, ag, mag, um, in, at hin.

Salitang Maylapi Salitang-Ugat Panlapi


Umiyak Iyak Um

Ang pandiwa ay ginagamit sa pagpahayag ng aksiyon, karanasan, at pangyayari.


1. Aksiyon - ang tawag sa pandiwa kapag may actor o tagaganap ng aksiyon o kilos.
Ang mga mga sumusunod ang panlaping maaaring gamitin: -um, nag, ma-, mag-,
mang-, maki- at mag-an.
Halimbawa:
a. Umuwi si Cupid sa kanyang ina upang pagalingin ang sugat sa balikat.
b. Naglakbay si Wigan upang puntahan ang mga diyos.

2. Karanasan- ang pandiwang ito ay nagpapahayag ng nararamdaman o damdamin


ng actor o ng tagaganap.
Halimbawa:
a. Labis na kalungkutan ang nadarama ni Wigan at Bugan dahil wala pa rin
silang anak.
b. Nadismaya si Cupid dahil sa pagtataksil ni Psyche.

3. Pangyayari - kung ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari.


Halimbawa:
a. Naging panatag na si Venus na mapangasawa ni Cupid si Psyche sapagkat
isa na din itong diyosa.
b. Narating ni Bugan ang tahanan ng mga diyos, at naamoy agad ni
Bumabbaker na may tao.

10
Isagawa 1 - A

Panuto: Basahin at unawain ang mitolohiyang Rome. Sagutan ang mga


inihandang gawain. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Cupid at Psyche

Noong unang panahon, may isang hari na may tatlong anak. Si Psyche ang bunso at
pinakamaganda sa tatlo. Labis siyang hinangaan ng mga kalalakihan at kahit ang diyosa ng

11
kagandahan na si Venus ay hindi ito mapapantayan.

Dahil dito, ang lahat ng papuri ay napunta kay Psyche at lubos itong ikinagalit ni
Venus. Agad nitong inatasan ang kanyang anak na si Cupid upang paibigin si Psyche sa isang
halimaw. Ngunit taliwas ito sa nangyari sapagkat si Cupid ay agad na umibig kay Psyche
nung unang beses pa lamang niya itong nakita. Nang makauwi na si Cupid sa kanilang
kaharian ay inilihim nito sa ina ang nangyari at tiwala naman dito si Venus.

Hindi naganap ang nais mangyari ni Venus kay Psyche na paibigin sa isang halimaw.
Sa halip ay sinamba lamang ito ng mga kalalakihan maliban doon ay walang nangahas na
umibig kay Psyche. Lalong nabahala ang mga magulang ni Psyche kaya't lumapit ito kay
Apollo upang himingi ng payo. Ngunit hindi alam ng mga magulang ni Psyche na nauna nang
humingi ng tulong si Cupid kay Apollo at gumawa na ito ng plano.

Sinabi ni Apollo sa ama ni Psyche na bihisan ng damit pamburol ang anak na dalaga
at dalhin sa tuktok ng bundok. Dito ay susunduin daw ito ng mapapangasawa na isang
halimaw. Malungkot na umuwi ang amang hari ni Psyche. Gayunman ay sinabi ng hari ang
kapalaran ng anak at buong tapang itong hinarap ng dalaga.

Nang nasa tuktok na ng bundok si Psyche ay unti-unti na itong napalibutan ng dilim.


Nangamba ang dalaga sa kung ano ang naghihintay sa kanya. Umihip ang malambing na
hangin at inilipad siya nito patungo sa isang damuhan na parang kama sa lambot at
napapaligiran ng mababangong bulaklak.

Napakapayapa ng lugar at sandaling na nalimutan ni Psyche ang kalungkutan at agad


na nakatulog sa kapayapaan ng gabi. Nagising si Psyche sa tabi ng ilog at natanaw niya ang
isang mansyon na tila ginawa para sa mga Dyos. Napakaganda nito, gawa sa ginto at pilak
ang mga haligi. Maya maya lamang ay may narinig na tinig si Psyche at ang sinabi ng tinig
na sila ay mga alipin at sinabihang mag-ayos ang dalaga sapagkat sila'y may inihandang
piging.

Lubos na naaliw si Psyche at kumain ito ng kumain ng masasarap na pagkain.


Pagsapit ng gabi ay dumating na ang mapapangasawa nya. Tulad ng mga tinig na di nya
nakikita ay ganoon din ang kanyang mapapangasawa ngunit nawala rin ang takot nya na
akala nya'y halimaw ito ngunit sa wari nya ito pala ay isang lalaking matagal na nyang
hinihintay.

Isang gabi ay kinausap sya ng lalaki at binalaan na darating ang dalawang kapatid ni
Psyche doon sa bundok kung saan siya ay inihatid ng mga ito. Ngunit pinagbawalan si
Psyche na magpakita sa mga kapatid. Ganoon nga ang nangyari at walang nagawa si Psyche
kahit naririnig nya ang pag iyak nang kanyang mga kapatid. Sa mga sumunod na araw ay
nakiusap si Psyche na kung pwede ay makita ang mga kapatid at malungkot na sumang ayon
ang lalaki.

Kinaumagahan ay inihatid ng ihip ng hangin ang mga kapatid ni Psyche at agad


nagkita ang magkakapatid, dahil sa inggit na naramdaman dahil sa ari-arian ng napangasawa
ni Psyche gumawa ang dalawa nyang nakakatandang kapatid ng plano. Dito nalaman ni
Psyche na alam pala ng kanyang mga kapatid na halimaw ang lalaki ayon sa saad ni Apollo
sa kanilang ama at bawal makita ang mukha nito. Naguluhan si Pysche at napagtanto na kaya
pala hindi nagpapakita ng mukha ang lalaki marahil ay tama nga ang sinabi ng kanyang

12
kapatid. Humingi ng payo si Psyche sa kanyang mga kapatid ay siya'y binigyan ng punyal at
lampara upang makita sa dilim ang mukha ng lalaking mapapangasawa.

Nang mahimbing nang natutulog ang lalaki ay sinindihan ni Psyche ang lampara at
kinuha ang punyal. Lumapit ito sa higaan ng lalaki at laking tuwa nya ng malamang hindi
naman pala ito halimaw bagkus ay napakagwapo pala nito. Wari nya ay ito na ang pinaka
gwapong nilalang sa mundo. Sa pagnanais na makita ang mapapangasawa ay inilapit pa ni
Psyche ang lampara at natuluan ito ng mainit na langis sa dibdib na syang dahilan upang
magising ito. nalaman ng lalaki ang pagtataksil ni Psyche at agad itong umalis. Sinundan ni
Psyche ang lalaki sa labas ngunit hindi na nya ito nakita. Narinig na lamang niya ang tinig
nito at ipinaliwanag kung ano talaga ang pagkatao nito.

Umuwi si Cupid sa kanyang ina upang pagalingin ang sugat sa balikat. Agad naman
nitong nalaman ang pangyayari at determinado si Venus na ipakita dito kung paano magalit
ang isang Dyosa.

Naglakbay si Psyche at humingi ng tulong sa ibang Dyos ngunit bigo sapagkat ang
mga ito ay tumangging makaaway si Venus. Nang dumating si Psyche sa palasyo ni Venus ay
napahalakhak na lamang ito at nabatid na nagpunta doon si Psyche upang hanapin ang
mapapangasawa.

Binigyan nito ng mahihirap na pagsubok si Psyche kabilang na dito ang pagbuo ng


hiwa-hiwalay na buto bago dumilim, pagkuha ng gintong balahibo ng mapanganib na tupa,
pagkuha ng itim na tubig sa malalim na talon at kahon na may lamang kagandahan mula kay
Proserpine.

Magaling na si Cupid bago bumalik si Psyche ngunit ang kanyang inang si Venus ay
ibinilanggo siya upang di makita si Psyche. Masayang bumalik si Psyche sa palasyo ni Venus
at si Cupid naman ay nagtungo sa kaharian ni Jupiter upang humingi ng tulong na wag na
silang gambalain ng kanyang ina.

Nagpatawag ng pagpupulong si Jupiter kasama na doon si Venus at ipinahayag na si


Cupid at Psyche ay pormal nang ikinasal. Dinala ni Cupid si Psyche sa kaharian ng mga Dyos
at doon ay iniabot ang "Ambrosia" na kapag kinain ay magiging imortal.

Naging panatag na si Venus na mapangasawa ni Cupid si Psyche sapagkat isa na din


itong Dyosa.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit ganun na lamang ang galit at inggit ni
Venus kay Psyche?

2. Bakit tinanggap ni Psyche ang hamon ni Venus?

3. Ano ang magandang aral kuwento?

13
Isagawa 1 - B

Panuto: Basahin at unawain ang epikong Pilipino na pinamagatang “Nagkaroon ng Anak


sina Wigan at Bugan.” Sagutan ang mga inihandang gawain. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan

Matagal ng mag asawa si Wigan at Bugan, ngunit wala pa silang anak. Napag
desisyonan nilang dalawa na magtungo sa tahanan ng mga diyos na sina Ngilin, Bumabbaker,
Bolang at ang diyos ng mga hayop.

Sinimulan ni Bugan ang paglalakbay at marami itung napagdaan, nagtungo siya sa


silangan papuntang Nahbah, Tumawid ng ilog ng Kinakin at nakarating sa lawa ng Ayangan.
Nakita siya ng igat at tinanung kung saan siya paroroon at sumagot naman si Bugan na
patungo siya sa silang upang maghanap ng lalamon sa kanya sapagkat wala silang anak ni
Wigan na labis niyang kinalulungkot, Ngunit natawa lamang ang igat at sinabing wag itong
malungkot at magtungo ito sa silangan at makipagkita sa mga diyos.

Pinagpatuloy parin ni Bugan ang kanyang paglalakbay patungo sa lugar ng mga


diyos. Narating niya ang lawa sa Lagud. At nakita siya ng buwaya inusisa siya nito kung saan
siya patungo at sumagot si Bugan na naghahanap ng Lalamon sa kanya dahil hindi sila
magkaanak ng kanyang asawa na si Wigan, ngunit humikab lamang buwaya dahil hindi niya
kayang lamunin dahil sa taglay na kagandahan. Sa pagpapatuloy muli ni Bugan nakaharap
niya ang Pating at muli itung nakiusap kung maari siya nitong lamunin dahil sa labis na
kalungkutan, ngunit hindi pumayag ang pating sa kanyang pakiusap sa halip pinasabay ng
pating sa hapagkainan si Bugan.

14
Sa wakas ay narating ni Bugan ang tahanan ng mga diyos, at naamoy agad ni
Bumabbaker na may tao, Lumabas ito upang hanapin ang naamoy na tao, at nakita ang isang
magandang babae na nakaupo sa kanyang lusong. Kita sa mata ni Bugan na nais niyang
kitilin ang kanyang buhay at natawa nalamang sa kaniya si Bumabbker. Sa awa ay binigyan
nila ng regalo si Wigan at tuturuan ng ritual na bu-ad upang mabiyayaan ng anak,
masaganang ani at pamumuhay.

Inihatid ng mga diyos si Bugan kay Wigan.Tinuruan nila ang mag-asawa ng


panalangin, at makalipas ang ilan buwan ay laking tuwa ng mag asawa dahil buhay na ang
tumitibok sa sinapupunan ni Bugan.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ninanais nila Wigan at Bugan? Anu-ano ang hakbang na kanilang ginawa
upang mangyari ito?

2. Anong magandang kaugaliang Pilipino ang ipinakita sa epikong ito?

3. Mapapatunayan mo bang may impluwensiya ang mitolohiyang Rome sa panitikang


Pilipino? Paano?

15
Isagawa 2

Panuto: Lagyan ng TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng tamang kaganapan at


MALI kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Si Wigan at Bugan ay matalik na magkaibigan.


2. Humikab lamang ang buwaya sa pakiusap ni Wigan na lamunin siya nito.
3. Natakot si Bugan sa Pating kaya hindi na lang niya pinagpatuloy ang kanyang
paglalakbay.
4. Si Bugan ay may kagandahang taglay.
5. Naawa ang diyos kila Wigan at Bugan kaya tinuruan nila ito ng ritual na bu-ad upang
mabiyayaan ng anak, masaganang ani at pamumuhay.

16
Isagawa 3

Panuto: Batay sa mitolohiyang Rome na “Cupid at Pscyhe”, isulat sa sagutang papel kung
ang pandiwa na may salungguhit ay karanasan, aksyon, o pangyayari.

1. Naguluhan si Pysche at napagtanto na kaya pala hindi nagpapakita ng mukha ang


lalaki marahil ay tama nga ang sinabi ng kanyang kapatid.

2. Umuwi si Cupid sa kanyang ina upang pagalingin ang sugat sa balikat

3. Isa sa mga pagsubok ni Venus kay Psyche ay ang paghihiwalay-hiwalay ng mga buto
bago mag dilim.

4. Dahil sa inggit ng mga nakakatandang kapatid ni Psyche ay nakabuo sila ng


masamang plano.

5. Lalong nabahala ang mga magulang ni Psyche kaya't lumapit ito kay Apollo upang
humingi ng payo.

17
Isaisip

Panuto: Gamit ang Venn diagram, ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mitolohiyang
Rome sa panitikang Pilipino. Gawin ito sa sagutang papel.

Mitolohiyang Panitikang
Rome Pilipino

18
Susi sa Pagwawasto

Nalalaman Isagawa 1 - A

1. c “Ang mga sagot ay Isagawa 1 – B


2. d naka dependi sa
pagkakaintindi ng “Ang mga sagot ay naka
3. b
mga mag-aaral.” dependi sa pagkakaintindi ng
4. b
mga mag-aaral.”
5. c
6. a
7. a
8. c
9. c
10.a
11.c
12.c
13.a Isagawa 3 Isaisip
14.d
15.c 1. Aksyon “Ang mga sagot ay
2. Aksyon naka dependi sa
3. Aksyon pagkakaintindi ng
4. Karanasan mga mag-aaral.”
5.Pangyayari

Isagawa 2

1. Mali
2. Tama
3. Mali
4. Mali
5. Tama

19
Pagsagawa ng Portfolio – Pahiwatig ng Pag-
unlad!

Balikan mo ang iyong portfolio at gawin ang mga bahagi na sumusunod sa iyong
itinakdang mithiin. Tandaan na ang iyong portfolio ay koleksiyon ng iyong gawa sa tulong
ng exemplar. Binibigyang diin nito ang iyong kakayahang makita at mapagnilayan ang iyong
pag-unlad, saka sa natamo mong kakayahang maisagawa ang mga mithiin. Bilang pagtatapos
nitong portfolio, gawing patnubay ang rubric sa ibaba.

Rubric para sa Pagtatasa ng Sanaysay

Krayterya Kabuung puntos


Kabuuang presentasyon 5
Kaangkupan sa aralin 5
Kalinisan, kaayusan at pagkamalikhain 5
Kabuuan 15

Sanggunian

20
Filipino 10-Unang Edisyon: Panitikang Pandaigdig

21
22

You might also like