You are on page 1of 26

7

Araling Panlipunan
Unang Kwarter – Ikaapat at Ikalimang Linggo
Pagsusuri ng mga Yamang Likas at ang mga
Implikasyon ng Kapaligirang Pisikal ng Asya
Araling Panlipunan – Grade 7 (Araling Asyano)
Most Essential Learning Competency (MELC) – Based Exemplar
Unang Kwarter – Ikaapat at ikalimang Linggo: Nasusuri ang yamang likas at ang
mga implikasyon ng kapaligirang pisikal sa pamumuhay ng
mga Asyano noon at ngayon.

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa exemplar na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anu mang gamit maliban sa exemplar na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Development and Quality Assurance Teams

Writer: Danwil D. Bantolinao, T-I


Illustrator: Gerald N. Plaza, T-I
Layout Artist: Jeudet L. Jadol, T-I
Language Editor: Hadji L. Luna, ED.D.
Content Evaluator: Anunciacion S. Quijada, MT-I
Layout Evaluator: Raymond A. Rocolcol, T-I
Management Team: PSDS/DIC
Mirasol G. Taray, Ph. D

1
Rationale

Ang proyektong PPE (Portfolio Predicated on Exemplar) ay angkop na tugon ng


Sangay ng mga Paaralan ng Surigao del Sur sa paghahatid ng mga
pampagkatutong pangangailangan ng mga mag-aaral na kahanay sa
pagsusumikap ng mga nakatataas na tanggapan sa Kagawaran. Ang gamit
nitong lesson exemplar ay may kaaya-ayang format para sa guro at mag-aaral
na pinaigsi bilang bagong pamamaraan sa gitna ng pangkalusugang krisis dulot
ng COVID-19. Ang mga exemplar na ito ay sasamahan ng portfolio na tugma sa
pansariling kakayahan ng mga mag-aaral.

Bilang koleksiyon ng mga gawain, ang isang portfolio ay nagbibigay diin sa


pagsisikap ng isang mag-aaral. Nagpapakita ito ng kaniyang pag-unlad,
kakayahang mapagnilayan ang sariling gawa, at kakayahang makabuo ng
mga mithiin para sa hinaharap na pagkatuto.

Pambungad na Mensahe

Para sa Guro:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan – Grade 7-Quarter


1 Exemplar para sa ating Araling pagsusuri ng yamang likas at ang mga
implikasyon ng kapaligirang pisikal sa pamumuhay ng mga Asyano noon at
ngayon.
Ang exemplar na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilikha at sinuri ng mga
edukador mula sa iba’t ibang paaralan ng Division upang tulungan ang mga
mag-aaral na makamit ang mga inaasahang layunin na nakaangkla sa Most
Essential Learning Competencies (MELC) na itinakda ng Kagawaran habang
patuloy na nilulutas ang mga suliranin sa pag-aaral na dulot ng pandemikong
COVID-19.

Bilang isang kagamitang pampagkatuto, nais nitong dalhin ang mga mag-aaral
sa mga gawain kung saan sila ay ginagabayan at hinahayaang tapusin ang
mga gawain nang naaayon sa sariling bilis at oras. Dagdag pa rito, layunin din
nitong matulungan ang mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang pang-21
siglong kakayahan habang isinasaalang-alang ang kanilang pangangailangan
at kapakanan.

Bilang guro, inaasahan mula sa iyo ang paggabay sa mga mag-aaral kung
paano gamitin ang exemplar na ito. Kailangan mo ring subaybayan ang
kanilang pag-unlad habang hinahayaan silang pangasiwaan ang sariling
pagkatuto sa pamamagitan ng pagtatasa ng portfolio.

2
Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan-Grade 7- Quarter 1 Exemplar


para sa araling pagsusuri ng yamang likas at ang mga implikasyon ng
kapaligirang pisikal sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon.
Ang exemplar na ito ay dinisenyo upang bigyan ka ng nakatutuwa at
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto kung saan ikaw ay ginagabayan at
hinahayaang tapusin ang mga gawain nang naaayon sa iyong sariling bilis at
oras. Bilang aktibong mag-aaral, ipoproseso mo ang mga nilalaman nitong
pampagkatutong kagamitan, maging ikaw ay nasa tahanan o nasa paaralan.
Upang tulungan kang maisagawa ito, ang exemplar na ito ay may Lingguhang
Pagtatasa ng Portfolio. Ibibigay ng iyong guro ang template nito upang
mabigyan ka ng pagkakataong makagawa ng portfolio ayon sa iyong
malikhaing pamamaraan.

Ang exemplar na ito ay naglalaman ng mga bahagi at kaukulang icon:

Ito ay magbibigay sa iyo ng ideya kung anong


kompetensi at inaasahan mong matutuhan sa
exemplar na ito at ang mga layuning dapat
Alamin
mong matamo.

Nakapaloob sa bahaging ito ang isang gawain


Nalalaman
na susubok sa iyong kaalaman sa araling iyong
tatahakin.

Ang seksyong ito ay magbibigay ng maikling


diskusyon sa aralin. Tutulungan ka nitong
matuklasan at lubos na maunawaan ang mga
Suriin
bagong konsepto at kasanayan.

Sa seksyong ito nakapaloob ang mga gawain


na tutulong sa iyo upang mailipat ang iyong
Isagawa bagong kaalaman at kasanayan tungo sa
(1,2 & 3)
panibagong sitwasyon o hamon ng buhay.

3
Layunin ng gawaing ito ang tayain ang iyong
Isaisip
antas ng kasanayan sa pagkamit ng mga
pampagkatutong layunin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga sagot sa lahat ng
Pagwawasto
gawaing nakapaloob sa exemplar na ito.

Dito ay mayroong instruksyon tungkol sa


Pagtatakda ng
pagtatala ng iyong positibo at
Mithiin sa
Portfolio makatotohanang mithiin bago ipagtuloy ang
paggamit ng exemplar.
Mayroon itong mga instruksyon tungkol sa
Pagsagawa ng
pagsasagawa ng mga bahagi ng portfolio.
Portfolio –
Pahiwatig ng Mayroon din itong rubric na gagabay sa iyo
Pag-unlad! kung paano tatayain ang iyong portfolio.

Makikita mo rin sa huling bahagi ng exemplar ang:


Sanggunian Ito ay tala ng mga pinagkukunang
konsepto o impormasyon na ginamit sa
paglikha ng exemplar na ito.

Alamin

Sa exemplar na ito, matutunghayan mo ang pagsusuri ng yamang likas at


ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal sa pamumuhay ng mga Asyano
noon at ngayon.
Sa Araling ito ay maaring maitanong mo kung ano-ano ang
ipinagmamalaking yamang likas ng Asya.Ano ang mga implikasyon nito sa
pamumuhay ng mga Asyano noon ar ngayon sa larangan ng agrikultura,
ekonomiya, pantahanan, at kultura?

Most Essential Learning Competency:

Nasusuri ng yamang likas at ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal sa


pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon.

Sub-Competency

Nailalarawan ang mga yamang likas ng Asya.

4
Natataya ang implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas ng mga
rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon.

Layunin
Pagkatapos mong maisagawa ang mga gawaing nakapaloob sa exemplar na
ito, ikaw ay inaasahang:

Kaalaman:
Naiisa-isa ang mga yamang likas na matatagpuan sa Asya

Kasanayan:
Nailalahad ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas ng mga
rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon sa larangan ng
Agrikultura, Ekonomiya, Pananahanan at Kultura.

Pandamdamin: Napapahalagahan ang mga biyaya ng kalikasan na


matatagpuan sa lokal na komunidad at implikasyon nito sa pamumuhay ng mga
tao.

Pagtatakda ng Mithiin sa Portfolio

Gamit ang Portfolio Assessment Template na ibinigay sa iyo ng


iyong guro kasama ng exemplar na ito, tatapusin mo ang lingguhang
pagtatakda ng mithiin. Gawing patnubay ang mga layunin sa itaas. Mag-isip ng
mga positibo at makatotohanang mithiin na maari mong makamit sa exemplar
na ito. Itala ang mga ito bilang iyong mga plano. Tandaan: Huwag ipagpatuloy
ang pagsagot sa exemplar na ito kung hindi mo pa naisagawa ang pagtatakda
ng mga mithiin.

5
Nalalaman

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang napiling letra
sa sagutang papel.

______1. Ang yamang-likas ay binubuo ng mga ______________.


a. yamang lupa at tubig
b. yamang mineral at kagubatan
c. yamang kagubatan, lupa, mineral at tubig
d. yamang kagubatan at mga produktong agrikultura.

______2. Anong rehiyon sa Asya na mayaman sa langis at iba pang


depositing mineral?
a. Silangang Asya c. Timog-silangang Asya
b. Kanlurang Asya d. Timog Asya

______3. Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansa na dati ay kasapi sa


USSR. Anong yamang mineral mayroon ang lahat ng bansa sa
rehiyong ito?
a. ginto, tanso at natural gas
b. karbon, langis at natural gas
c. natural gas, tinnga at tungsten
d. tanso, phosphate at natural gas

______4. Anong bansa ang maituturing na salat sa likas na yaman ngunit


nangunguna sa Industriyalisasyon?
a. Pilipina c. India
b. China d. Japan

______ 5. Palay ang pangunahing butil na pananim sa maraming bansa sa


Timog-Silangang Asya. Bakit ito ang itinuturing na napakahalagang
butil pananim.
a. Pamalit ito sa mga butil ng mais, barley, at trigo
b. Maraming panluwas na produkto ang galling sa palay.
c. Pangunahing pagkain ito ng mga tao sa Timog Silangang Asya.
d. Maraming matatabang lupa at bukirin ang angkop sa
pagtatanim nito.

6
Suriin

Magkakaiba ang likas na yaman ng mga rehiyon sa Asya.


Hilagang Asya-
Caviar
May malawak na damuhan na mainam
pagpastulan ng mga alagang hayop ang
Hilagang Asya bagamat dahil sa tindi ng lamig
dito ay halos walang punong nabubuhay. Ang
mga troso mula sa Siberia ang tanging yamang
gubat sa rehiyong ito. Sa yamang pangisdaan,
produktong panluwas ng rehiyon ang caviar (itlog)
ng mga sturgeon, ang malalaking isdang likas dito.

Gold bars o Gintong Bareta Tinatayang pinakamalaki sa


mundo ang deposito ng ginto sa
Kyrgyzstan, samantalang ang Tajikistan
ay may tatlong uri ng yamang mineral;
ang metalikong mineral tulad ng ginto,
mineral na panggatong tulad ng natural
gas, at industriyal na mineral tulad ng
phosphate. Pangunahing industriya ng
Turkmenistan ang natural gas,
pangalawa sa Russia sa produksyon nito,
at langis, samantalang isa sa mga
nagunguna sa produksyon ng ginto sa
buong mundo ang Uzbekistan.

Sa mga lambak-ilog at sa mabababang burol ng mga bundok may


produksyon ng pagkaing butil na nakatuon sa pagtatanim ng trigo, palay at
barley, gayundin ng bulak, gulay, tabako, sugar beets, sibuyas, ubas at
mansanas. Sa pag-aalaga at pagpaparami ng mga hayop tulad ng baka at
tupa nagkakaroon ang mga tao ng lana, karne at gatas.

A B C D

Trigo (A), Palay (B), Bulak (C), Tabako (D)

7
Timog Asya-

Pagsasaka ang pangunahing


ikinabubuhay ng mga tao sa mga bansang
nabibilang sa Timog Asya. Palay ang
mahalagang produkto dito bagamat may
mga pataniman din ng trigo, jute, tubo at
mga gulay. Pinakamahalagang likas na
yaman sa India ang lupa lalo’t higit ang mga
kapatagan at lambak na pinagyayaman ng
mga ilog ng Indus, Ganges, at Brahmaputra.
Malaki rin ang reserba ng bakal at karbon sa
bansang ito.

Bagamat ipinagbabawal ng pamahalaan,


tanyag ang Afghanistan sa pagtatanim ng opyo.
Ang mga kagubatan sa Nepal ay matatagpuan sa
mga gulod ng bulubunduking Himalayas. Sa mga
baybaying dagat ng Pakistan ay matatagpuan ang
mga gubat bakawan. Makapal at mayabong ang
gubat sa timog-kanlurang Sri Lanka na hitik sa puno
ng mahogany at iba’t-ibang uri ng palm.

Sa dakong gitna ng pulong ito lalo na sa


matataas na lugar ay makikita ang mga kagubatang evergreen samantalang
sa hilaga at silangang bahagi nito ay naroon ang mga punong ebony at
satinwood. Malaki ang kapakinabangan ng Indian Ocean sa rehiyon dahil sa
pagtustos nito ng iba’t- ibang yamang dagat. Sa ibang bahagi ng rehiyon tulad
ng Afghanistan at Bangladesh ay may paghahayupan. Batong apog, bakal,
karbon, natural gas, langis, tanso, asin, at gypsum ay ilan sa mga pangunahing
yamang mineral ng Timog Asya.

8
Timog-Silangang Asya-
Sa Timog Silangang Asya, nasa mga
lupain ng Myanmar at Brunei ang malalawak
na kagubatan. Tinatayang nasa 84% ng
kagubatan sa Brunei ang nagsisilbing
panirahan ng iba’t-ibang uri ng unggoy, ibon
at reptile. Sa kagubatan ng Myanmar
matatagpuan ang pinakamaraming
punong teak sa buong mundo, samantalang
ang maraming punong palm at matitigas na
kahoy gaya ng apitong, yakal, lauan,
kamagong, ipil, pulang narra, mayapis at
iba’t ibang species ng dapo ay nasa
kagubatan ng Pilipinas.
Matatagpuan sa mga lambak ng Irrawaddy River at Sittang River ang
pinakamatabang lupa sa Myanmar. Sa Cambodia, ito ay sa paligid ng Mekong
River at Tonle Sap. May iba’t ibang pananim sa rehiyon. Ang Pilipinas ay isa sa
mga bansang nangunguna sa buong daigdig sa produksyon ng langis ng niyog
at kopra. Ang kalabaw, baka, baboy, kabayo, kambing at manok ang
karaniwang inaalagaang hayop sa rehiyon.
Sa yamang mineral, malaki ang deposito ng langis at natural gas sa
Indonesia at ang mahigit sa 80% ng langis sa Timog Silangang Asya ay
nanggagaling sa bansang ito, gayundin ang mahigit sa 35% ng liquefied gas sa
buong daigdig. Liquefied gas din ang pangunahing mineral ng Malaysia
habang tanso naman ang sa Pilipinas. Ang malalaking ilog ay pinagtatayuan
ng dam ng ilang mga bansa at nililinang para sa hydroelectric power na siya
namang pinagkukunan ng kuryente.

9
Silangang Asya-

Ang mga bansang China, North Korea at


Tibet ay mayaman sa depositing mineral. Nasa
China ang pinakamalaking reserba ng antimony,
magnesium, at tungsten sa buong daigdig,
gayundin ang reserba ng karbon dito na isa sa
mga pinakamalaki sa buong daigdig. Salat sa
yamang mineral ang Japan bagamat
nangunguna ang bansang ito sa
industriyalisasyon.

Gayunpaman,
nagtatanim sila ng mga punong mulberry upang maging
pagkain ng mga silkwork kaya nangunguna ang Japan
sa industriya ng telang sutla.
Ang yamang lupa ng Silangang Asya ay
matatagpuan sa iba’t ibang anyo nito, maliban lamang
Silkworms sa mabuhangin o tigang na lupa sa Mongolia. Sakop ng
China ang 7% ng lupa sa buong mundo na maaaring
bungkalin at ito’y pinagtataniman ng iba’t ibang uri ng
pananim.
Pangunahing pananim nito ang palay, at siyang
nangunguna sa produksiyon nito sa buong mundo. Ang
ilang mga bahagi ng Silangang Asya ay nakatuon din sa
Silk o Sutla pagtatanim at paghahayupan. Sa China at sa ibang
mga bansa ng rehiyon, ang malalaking hayop ay
ginagamit din bilang katulong sa paghahanapbuhay.
Ang mga anyong tubig ay nililinang din para sa kapakinabangan ng mga
nakatira rito.

10
Kanlurang Asya-

Sagana sa yamang mineral partikular na


sa langis at petrolyo. Pinakamalaking
tagapagluwas ng petrolyo sa buong daigdig
ang Saudi Arabia, at malaki rin ang produksyon
ng langis ng mga bansang Iran, Iraq, United
Arab Emirates (UAE), Kuwait, at Oman.
Karamihan sa mga bansa ng rehiyong ito ay
may natural gas, tanso, bauxite, potash, zinc,
magnesium, phosphate, at iba pa.

Sa agrikultura, nagtatanim ang mga


taga-Kanlurang Asya ng trigo at barley sa mga oasis. Pangunahing produkto sa
Iran ang trigo, barley, palay, bulak, mais tabako, at mga prutas. Nangunguna
naman ang Iraq sa produksyon ng dates at dalandan, ang Israel. Paghahayupan
ang karaniwang gawain ng mga taong naninirahan sa mga lugar na
bulubundukin at sa mga disyerto sa Iran, Iraq, Syria, Saudi Arabia at Turkey.

11
Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay
ng mga Asyano.

12
Isagawa 1

Panuto: Batay sa nabasang impormasyon sa itaas. Gamitin ang Data Retrieval


Chart at sagutin ang mga sumusunod.

Pangunahing Implikasyon sa pamumuhay ng mga tao sa


Mga larangan ng:
Rehiyon Likas na
Bansa
Yaman Agrikultura Ekonomiya Panahanan Kultura

13
Isagawa 2

Panuto: Ikaw ay gagawa ng isang sanaysay tungkol sa mga


sumusunod na paksang aangkop sa rehiyon ng Asya na naitakda sa ‘yo.

1. Paanong ang langis at petrolyo ay nagbunsod sa paglago at pag-


unlad ng ekonomiya ng Kanlurang Asya?

2. Ano-ano lawak ng ambag ng mga yamang dagat sa kaunlaran ng


Timog Silangang Asya?

3. Ang pag-unlad ng kabuhayan ng Hilagang Asya dahil sa ginto.

4. Paano hinubog ng agrikultura ang kabuhayan ng mga tao sa Timog


Asya?

5. Ang kapakinabangan ng mayamang depositong mineral at yamang


lupa sa pamumuhay ng mga bansa sa Silangang Asya?

Sa paggawa ng sanaysay pagbatayan ang inihandang Rubric.

1. Mensahe 10 puntos
2. Pagpapaliwanag 5 puntos
3.Organisasyon 5 puntos
Kabuuan 20 puntos

14
Isagawa 2- Pagsulat ng sanaysay.

15
Isagawa 3

Panuto: Gumawa ng campaign poster na nagpapakita o naghihimok kung


paano makakatulong sa wastong paglinang o development, preserbasyon, at
pangangalaga ng mga likas na yaman sa ating probinsya ng Surigao del Sur.
Pamantayan sa Pagtaya ng Campaign poster
Pamantayan Katangi-tangi 4 Mahusay 3 Nalilinang 2 Nagsisimula 1

Ang campaign Ang campaign Ang campaign Ang campaign


poster ay poster ay poster ay poster ay kulang
naglalaman ng naglalaman ng naglalaman ng sa impormasyon
komprehensibo, tumpak at may tumpak tungkol sa kung
tumpak at may kalidad na impormasyon paano
kalidad na impormasyon tungkol sa kung makakatulong
Nilalaman (30%) impormasyon tungkol sa kung paano sa
tungkol sa kung paano makakatulong sa pangangalaga
paano makakatulong pangangalaga ng Yamang
makakatulong sa ng Yamang Likas Likas ng
sa pangangalaga ng Probinsya. Probinsya.
pangangalaga ng Yamang
ng Yamang Likas ng
Likas ng Probinsya.
Probinsya.

Maayos, May wastong May lohikal na Hindi maayos at


detalyado at daloy ng organisasyon hindi
madaling kaisipan at ngunit hindi sapat maunawaan
maunawaan madaling upang mailahad ang mga
ang daloy ng maunawaan ang tungkol sa impormasyong
mga kaisipan at ang kung paano inilahad tungkol
impormasyong impormasyong makakatulong sa sa kung paano
inilahad tungkol inilahad tungkol pangangalaga makakatulong
Organisasyon
sa kung paano sa kung paano ng Yamang Likas sa
(20%)
makakatulong makakatulong ng Probinsya. pangangalaga
sa sa ng Yamang
pangangalaga pangangalaga Likas ng
ng Yamang ng Yamang Probinsya.
Likas ng Likas ng
Probinsya. Probinsya.

16
May malinaw at May malinaw Limitado ang Malabo at
malawak na na mensahe mensahe tungkol limitado ang
mensahe tungkol sa kung sa kung paano mensahe
tungkol sa kung paano makakatulong sa tungkol sa kung
paano makakatulong pangangalaga paano
makakatulong sa ng Yamang Likas makakatulong
Mensahe (20%) sa pangangalaga ng Probinsya. sa
pangangalaga ng Yamang pangangalaga
ng Yamang Likas ng ng Yamang
Likas ng Probinsya. Likas ng
Probinsya. Probinsya.

Ang Ang Ang Ang


pagkakagawa pagkakagawa pagkakagawa at pagkakagawa
at paglalahad at paglalahad paglalahad ng at paglalahad
ng campaign ng campaign campaign poster
ng campaign
poster ay poster ay ay hindi gaanong
Pagkamalikhain poster ay hindi
nilapatan ng nilapatan ng nilapatan ng
(20%) nilapatan ng
mataas na malikhaing malikhaing
anumang
antas ng pamamaraan pamamaraan
malikhaing
pagkamalikhain
pamamaraan

Ang dating sa , Ang dating sa Mahina ang Walang dating


mambabasa ay mambabasa ay dating sa sa mga
lubos na nakahihikayat. mambabasa o mambabasa
nakahihikayat tagapakinig ang photo
at upang essay
Hikayat (10%)
nakakatawag
makapanghikayat
pansin. .

17
ISAGAWA 3: Pagawa ng campaign poster

18
Isaisip

Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang pangungusap at MALI


naman kapag ka hindi wasto.

_______ 1. Ang Asya ay mayaman sa iba’t ibang uri ng mga likas na


yaman.
_______ 2. Ang rehiyon ng Timog-Silangang Asya ang pangunahing
tagalinang ng petrolyo at langis.
_______ 3. Karaniwang pagtotroso ang ikinabubuhay ng mga tao na
naninirahan sa Hilagang Asya.
_______ 4. Ang Pilipinas ang pangunahing tagapagluwas ng langis na
nagmumula sa niyog.
_______ 5. Ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa Timog Asya
ay pagmimina.

19
20
Nalalaman Isaisip
1. c 1. Tama
2. b 2. Mali
3. b 3. Mali
4. d 4. Tama
5. c 5. Mali
Susi sa Pagwawasto
Pagsagawa ng Portfolio – Pahiwatig ng Pag-unlad!

Balikan mo ang iyong portfolio at gawin ang mga bahagi na sumusunod sa iyong
itinakdang mithiin. Tandaan na ang iyong portfolio ay koleksiyon ng iyong gawa
sa tulong ng exemplar. Binibigyang diin nito ang iyong kakayahang makita at
mapagnilayan ang iyong pag-unlad, saka sa natamo mong kakayahang
maisagawa ang mga mithiin. Bilang pagtatapos nitong portfolio, gawing
patnubay ang rubric sa ibaba.

Rubric para sa Pagtatasa ng Portfolio

ANTAS
Krayterya Baguhan Nagsasanay Mahusay Napakahusay Iskor
(1-3) (4-6) (7-8) (9-10)
1. Pagtatakda Di maka- Positibo at Ang Maliwanag ang
ng Hangarin totohanan makatotoha pangkalahat paglalarawan
(Lingguhang ang mga nan ang ang proseso ng mga
Talaan ng hangarin mga at hangaing itinakdang
Hangarin) para sa pag- hangaring itinakda ay hangarin na ____ sa 10
unlad ng itinakda. positibo at kayang abutin
kakayahan. makatotohan at angkop sa
an. pag-unlad ng
kakayahan
2. Ang Aking Nagpapakita Nagpapakit Nagpapakita Nagpapakita ng
Sariling ng munting a ng sapat ng mainam napakainam na
Pagsusuri sa ebidensya na na ebidensya ebidensya ng
Pagsusulit ng ebidensya ng repleksiyon at
____ sa 10
repleksiyon ng repleksiyon at sariling
at sariling repleksiyon sariling pagtatasa at
pagtatasa at sariling pagtatasa mayroong
pagtatasa dokumentasyon
3. Ang Maliit Sapat ang Mainam ang Napakainam at
Mapanuring lamang ang ebidensya pagsagawa napakalinaw
Ako ebidensya ng pag- at kakikitaan ang
ng pag- unlad at ng pagsagawa at ____ sa 10
unlad at pagkatuto pangkalahat pangkalahatan
pagkatuto ang pag- g pag-unlad
unlad
4. Ang Aking
Pinakamahus
ay na
Sinagutang
Pagsusulit

21
5. Ang Aking Maliit Sapat Malinaw ang Napakalinaw at
Malikhaing lamang ang lamang ang ebidensya ng natatangi ang
Koneksiyon ebidensya ebidensya malikhain at ebidensya ng
____ sa
ng malikhain ng malikhain mapanuring malikhain at
10
at at gawa mapanuring
mapanuring mapanuring gawa
gawa gawa
[1-2] [3] [4] [5]

Pangkabuuang Di maayos Naipakita Nailahad ang Nailahad nang


Presentasyon na nailahad ang halos lahat ng malinaw,
ang mga lahat ng aytem na maayos at
aytem; at tila aytem; at may kumpleto ang
magulo ang ang portfolio pagkasunod- mga ayte; at ____ sa
kinalabasan ay maayos sunod; at ang portfolio ay 5
ng portfolio. na nailahad. ang portfolio malinis at
ay maayos elegante.
na
naisagawa.
Bilis ng Naipasa Naipasa Naipasa Naipasa sa
Pagpasa nang huli sa nang huli sa nang huli sa tamang oras ____ sa
oras (5-6 oras (3-4 oras (1-2 5
araw). araw). araw).

_______
(Pinaka
Kabuuan mataas
na
puntos:
50)

22
Sanggunian

Blando, R. et. al. Unang edisyon 2014.ASYA: Pagkakaisa sa Gitna


ng Pagkakaiba sa Araling Asyano 7. Aralin 3: Mga Yamang Likas ng Asya.
Enduresources publishing, Inc. Patnubay ng Guro pp. 40-42

Agno, L. et al. Binagong edisyon 2010. ASYA: Pag-usbong ng


Kabihasnan. Aralin 3: Mga Likas na Yaman ng Asya. Vibal Publishing House,
Inc. Manwal ng Guro para sa Araling panlipunan. Pp. 14-16

Mateo. G. et. al. Binagong edisyon 2010. ASYA: Pag-usbong ng


Kabihasnan. Aralin 3: Mga Likas na Yaman ng Asya. Vibal Publishing House,
Inc. Batayang Aklat para sa Araling panlipunan. Pp. 36-42.

Websites

https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/hand-drawn-set-of-red-caviar-vector-
16098626

https://www.123rf.com/photo_97920625_stock-vector-gold-bar-illustration-drawing-
engraving-ink-line-art-vector-.html

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pinterest.com%2Fpin%2F51
8547344595592869

rice-five-grains-cereal-png-favpng-VfYgHMWV9fc5CtEjc6kq7Jh3B

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pinterest.com%2Fpin%2F47
6607573051021630

7950f4f91086939b9e54f9f5b9cef486

vietnamese-peasants-plant-rice-farmers-260nw-1636355353

https://www.google.com/search?q=petrolyo+images&source=lnms&tbm=isch&sa=X&v
ed=2ahUKEwiL5P2438jqAhULM94KHcOPCFAQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1138&bih=4
96&dpr=1.2#imgrc=vLs7v7xv7lPUOM

https://www.google.com/search?q=sesame+images&tbm=isch&ved=2ahUKEwjPjrq738j
qAhXCI6YKHaegAAUQ2-
cCegQIABAA&oq=sesame+images&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBggAEAcQHjIG
CAAQBxAeMgYIABAHEB4yBggAEAcQHjIGCAAQBxAeMgYIABAHEB4yBggAEAcQHjIG
CAAQBxAeMgYIABAHEB46BAgAEENQyqEGWM-
4BmCEvwZoAHAAeACAAYkBiAG4BZIBAzAuNpgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&scl
ient=img&ei=bIwLX8-oDsLHmAWnwYIo&bih=496&biw=1138#imgrc=rDTy-743nU18tM

https://www.google.com/search?q=kalabawimages&tbm=isch&ved=2ahUKEwjyr6Hv38
jqAhUYzIsBHXgUASoQ2-
cCegQIABAA&oq=kalabawimages&gs_lcp=CgNpbWcQAzIGCAAQBxAeMgYIABAH

23
EB46BAgAEEM6AggAUMScAlijqAJgvKwCaABwAHgAgAF5iAH-
BZIBAzAuN5gBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=2IwLX_LjNZiYr7wP-
KiE0AI&bih=496&biw=1138#imgrc=ktpC4nc197ZRuM

https://www.google.com/search?q=sheep+images&tbm=isch&ved=2ahUKEwjn7rqC4M
jqAhU3xYsBHXQLDcwQ2-
cCegQIABAA&oq=sheep+images&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggAMgIIADICC
AAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAA6BAgAEAo6BggAEAcQHlDRnwFYwc4B
YIXTAWgDcAB4AIABhwGIAdgHkgEDMS44mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient
=img&ei=AY0LX6fqCLeKr7wP9Ja04Aw&bih=496&biw=1138#imgrc=0UrrcXSf-8C0ZM

https://www.google.com/search?q=palm+oil+images&tbm=isch&ved=2ahUKEwi34aSQ
4MjqAhUNUJQKHeqaBOoQ2-
cCegQIABAA&oq=palm+oil+images&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggAMgYIABA
HEB4yBggAEAcQHjIGCAAQBxAeMgYIABAHEB4yBggAEAcQHjIGCAAQBxAeMgYIABA
HEB4yBggAEAcQHjoECAAQQ1C2nQFYn6sBYMmwAWgAcAB4AIABd4gB2waSAQMxL
jeYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=Ho0LX7faCI2g0QTqtZLQDg&b
ih=496&biw=1138#imgrc=EZZtQ16mYSZCVM

https://www.google.com/search?q=soybean

https://www.google.com/search?q=horse+images&tbm=isch&ved=2ahUKEwjt8sPc4Mj
qAhVK15QKHa2PAHQQ2-
cCegQIABAA&oq=horse+images&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzIECAAQQzIECA
AQQzIECAAQQzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoGCAAQBxAeOgQIABA
KUIiVAliorAJgtrQCaABwAHgAgAF2iAGxBJIBAzAuNZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1
n&sclient=img&ei=vo0LX-
2bAsqu0wStn4KgBw&bih=496&biw=1138#imgrc=9PnXM1Mi--aKDM

https://www.google.com/search?q=tobacco+images&tbm=isch&ved=2ahUKEwjHy5Tw
4MjqAhVFUpQKHYliBUgQ2-
cCegQIABAA&oq=tobacco+images&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggAMgIIADIC
CAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgYIABAHEB4yBggAEAcQHjoECAAQQ1CoiAJY-
JQCYKmbAmgAcAB4AIABc4gB8gWSAQMxLjaYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&s
client=img&ei=540LX4e8DMWk0QSJxZXABA&bih=496&biw=1138#imgrc=_Sjk7Z04zMN
JPM

https://www.google.com/search?q=palay+images&tbm=isch&ved=2ahUKEwjt_pyE4cj
qAhVowIsBHWFgBtsQ2-
cCegQIABAA&oq=palay+images&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBggAEAcQHjIGCA
AQBxAeMgYIABAHEB4yBggAEAcQHjIGCAAQBxAeMgYIABAHEB4yBggAEAcQHjIGCA
AQBxAeMgYIABAHEB46BAgAEENQhuABWJvnAWDc6gFoAHAAeACAAZABiAHKBJIBA
zAuNZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=EY4LX62yEeiAr7wP4cCZ2A
0&bih=496&biw=1138#imgrc=gTxNWuI1H6Yw9M

24
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

DepEd Surigao del Sur Division – Schools District of Lingig II

Address: Sitio Mahogany, Tagpupuran, Lingig, Surigao del Sur

Contact Number:
Email Address:

25

You might also like