You are on page 1of 27

Araling Panlipunan

Unang Kwarter – Unang Linggo


Paghahating Heograpiko ng Asya
Araling Panlipunan – Grade 7
Most Essential Learning Competency (MELC) – Based Exemplar
Unang Kwarter – Unang Linggo: Paghahating Heograpiko ng Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa exemplar na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang
gamit maliban sa exemplar na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Development and Quality Assurance Teams

Writer: MELMARIE B. PAULINO, T-II


Illustrator: GERALD N. PLAZA, T-I
Layout Artist: JEUDET L. JADOL,T-I
Language Editor: HADJI L. LUNA,Ed. D.
Content Evaluator: ANUNCIACION S. QUIJADA, MT-I
Layout Evaluato: RAYMOND A. ROCOLCOL,T-I
Management Team: PSDS/DIC
MIRASOL G. TARAY,Ph.D.

1
Rationale

Ang proyektong PPE (Portfolio Predicated on Exemplar) ay angkop na tugon


ng Sangay ng mga Paaralan ng Surigao del Sur sa paghahatid ng mga
pampagkatutong pangangailangan ng mga mag-aaral na kahanay sa
pagsusumikap ng mga nakatataas na tanggapan sa Kagawaran. Ang gamit
nitong lesson exemplar ay may kaaya-ayang format para sa guro at mag-
aaral na pinaigsi bilang bagong pamamaraan sa gitna ng pangkalusugang
krisis dulot ng COVID-19. Ang mga exemplar na ito ay sasamahan ng portfolio
na tugma sa pansariling kakayahan ng mga mag-aaral.

Bilang koleksiyon ng mga gawain, ang isang portfolio ay nagbibigay diin sa


pagsisikap ng isang mag-aaral. Nagpapakita ito ng kaniyang pag-unlad,
kakayahang mapagnilayan ang sariling gawa, at kakayahang makabuo ng
mga mithiin para sa hinaharap na pagkatuto.

Pambungad na Mensahe

Para sa Guro:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan – Grade 7-


Quarter 1 Exemplar para sa araling Paghahating Heograpiko sa Asya.

Ang exemplar na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilikha at sinuri ng mga


edukador mula sa iba’t ibang paaralan ng Division upang tulungan ang mga
mag-aaral na makamit ang mga inaasahang layunin na nakaangkla sa Most
Essential Learning Competencies (MELC) na itinakda ng Kagawaran habang
patuloy na nilulutas ang mga suliranin sa pag-aaral na dulot ng pandemikong
COVID-19.

Bilang isang kagamitang pampagkatuto, nais nitong dalhin ang mga mag-
aaral sa mga gawain kung saan sila ay ginagabayan at hinahayaang tapusin
ang mga gawain nang naaayon sa sariling bilis at oras. Dagdag pa rito,
layunin din nitong matulungan ang mga mag-aaral na mapaunlad ang
kanilang pang-21 siglong kakayahan habang isinasaalang-alang ang
kanilang pangangailangan at kapakanan.

Bilang guro, inaasahan mula sa iyo ang paggabay sa mga mag-aaral kung
paano gamitin ang exemplar na ito. Kailangan mo ring subaybayan ang
kanilang pag-unlad habang hinahayaan silang pangasiwaan ang sariling
pagkatuto sa pamamagitan ng pagtatasa ng portfolio.

2
Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan-Grade 7-Quarter 1 Exemplar


para sa araling Paghahating Heograpiko ng Asya!

Ang exemplar na ito ay dinisenyo upang bigyan ka ng nakatutuwa at


makabuluhang oportunidad sa pagkatuto kung saan ikaw ay ginagabayan
at hinahayaang tapusin ang mga gawain nang naaayon sa iyong sariling bilis
at oras. Bilang aktibong mag-aaral, ipoproseso mo ang mga nilalaman nitong
pampagkatutong kagamitan, maging ikaw ay nasa tahanan o nasa
paaralan. Upang tulungan kang maisagawa ito, ang exemplar na ito ay may
Lingguhang Pagtatasa ng Portfolio. Ibibigay ng iyong guro ang template nito
upang mabigyan ka ng pagkakataong makagawa ng portfolio ayon sa iyong
malikhaing pamamaraan.

Ang exemplar na ito ay naglalaman ng mga bahagi at kaukulang icon:

Ito ay magbibigay sa iyo ng ideya kung anong


Alamin
kompetensi at inaasahan mong matutuhan sa
exemplar na ito at ang mga layuning dapat
mong matamo.
Nakapaloob sa bahaging ito ang isang gawain
Nalalaman
na susubok sa iyong kaalaman sa araling iyong
tatahakin.
Ang seksyong ito ay magbibigay ng maikling
Suriin
diskusyon sa aralin. Tutulungan ka nitong
matuklasan at lubos na maunawaan ang mga
bagong konsepto at kasanayan.
Sa seksyong ito nakapaloob ang mga gawain
Isagawa
na tutulong sa iyo upang mailipat ang iyong
(1,2 & 3)
bagong kaalaman at kasanayan tungo sa
panibagong sitwasyon o hamon ng buhay.
Layunin ng gawaing ito ang tayain ang iyong
Isaisip
antas ng kasanayan sa pagkamit ng mga
pampagkatutong layunin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga sagot sa lahat ng
Pagwawasto
gawaing nakapaloob sa exemplar na ito.

Dito ay mayroong instruksyon tungkol sa


Pagtatakda ng
pagtatala ng iyong positibo at
Mithiin sa Portfolio

3
makatotohanang mithiin bago ipagtuloy ang
paggamit ng exemplar.

Pagsagawa ng Mayroon itong mga instruksyon tungkol sa


Portfolio –
pagsasagawa ng mga bahagi ng portfolio.
Pahiwatig ng
Pag-unlad! Mayroon din itong rubric na gagabay sa iyo
kung paano tatayain ang iyong portfolio.

Makikita mo rin sa huling bahagi ng exemplar ang:

Sanggunian Ito ay tala ng mga pinagkukunang


konsepto o impormasyon na ginamit sa
paglikha ng exemplar na ito.

Alamin

Sa exemplar na ito, matutunghayan mo ang konsepto ng Asya tungo


sa paghahating-heograpiko. Saklaw nito ang mga gawain na
magpapaunlad sa iyong kakayahan na matandaan at malaman ang mga
bansang nabibilang sa bawat rehiyon ng Asya. Ang mga gawain ay inayos
upang iyong masundan ang wastong pagkakasunod-sunod ng kursong ito.

Most Essential Learning Competency:


Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating – heograpiko:
Silangang Asya, TimogSilangang Asya, Timog-Asya, Kanlurang Asya, Hilagang
Asya at Hilaga/ Gitnang Asya (AP7HAS-Ia-1.1)

Sub-Competencies
1. Naipaliliwanag ang kinaroroonan ng Asya at ang mga hangganan nito.

2. Natatalakay ang limang rehiyon ng Asya;

3. Naipaliliwanag ang dahilan ng pagkakaiba-iba ng bawat rehiyon sa


katangian at klima;

Layunin
Pagkatapos mong maisagawa ang mga gawaing nakapaloob sa exemplar
na ito, ikaw ay inaasahang:

A. Kaalaman: natutukoy ang mga rehiyon ng Asya gamit ang iba’t


ibang klima nito.

4
.
B. Kasanayan: nauuri ang mga bansa ayon sa kinabibilangan nitong
rehiyon sa Asya (Silangang Asya, TimogSilangang Asya, Timog-
Asya, Kanlurang Asya, Hilagang Asya at Hilaga/ Gitnang Asya)
C. Pandamdamin: naipakikita ang pagmamahal at
pagpapahalaga sa mga magagandang lugar sa bawat rehiyon
ng Asya.

Pagtatakda ng Mithiin sa Portfolio

Gamit ang Portfolio Assessment Template na ibinigay sa iyo ng


iyong guro kasama ng exemplar na ito, tatapusin mo ang
lingguhang pagtatakda ng mithiin. Gawing patnubay ang mga
layunin sa itaas. Mag-isip ng mga positibo at makatotohanang mithiin na
maari mong makamit sa exemplar na ito. Itala ang mga ito bilang iyong mga
plano. Tandaan: Huwag ipagpatuloy ang pagsagot sa exemplar na ito kung
hindi mo pa naisagawa ang pagtatakda ng mga mithiin.

Nalalaman

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga nakasaad sa


bawat bilang. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ang pinakamalaking kontinente ng daigdig.


A. Aprika
B. Asya
C. Europa
D. Hilagang Amerika

2. Alin sa mga sumusunod ang walang disyerto?


A. Pilipinas
B. India
C. Arabia
D. Iran

3. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog-


Silangan, at Silangang Asya. Tinatawag na heograpikal at kultural na sona
ang mga rehiyong ito dahil isinaalang-alang sa paghahati ang mga
aspetong pisikal, historikal at kultural. Kumpara sa ibang mga rehiyon, bakit
ang Hilaga at Kanlurang Asya ay kadalasang tinitingnan bilang
magkaugnay?

A. Ang mga ito ay parehong napapailalim sa halos parehong


karanasan sa larangang historikal, kultural, agrikultural at sa klima.

5
B. bMagkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang
ng kapaligirang pisikal.
C. Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay
halos pareho
D. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga tao
rito.

4. Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba’t ibang salik


kabilang na rito ang lokasyon at topograpiya ng isang lugar. Kung sa
Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at hindi palagian ang klima, at sa
Hilagang Asya naman ay mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init,
ano naman ang katangian ng klima sa Timog-Silangang Asya?

A. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig,


tag-araw at tag-ulan.
B. May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng
rehiyon na nababalutan ng yelo.
C. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyot ang nararanasan sa
rehiyong ito sa iba’t-ibang buwan sa loob ng isang taon.
D. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.

5. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang


pisikal ng kontinente ng Asya?

A. Ang hanggahan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa


anyong lupa o anyong tubig.
B. Ang Asya ay tahanan ng iba’t ibang uri ng anyong lupa: tangway,
kapuluan, bundok, kapatagan, talampas, disyerto at kabundukan.
C. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa
mga tumutubong halamanan.
D. Ang iba’t ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima
na may malaking implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano.

6
Suriin

Sa pag-aaral ng kasaysayan, mahalagang maunawaan ang


kaugnayan ng heograpiya sa kasaysayan at kultura ng mga tao
sa mga bansang Asyano. Ang heograpiya ay nagmula sa dalawang salitang
Griyego – ang geo (daigdig) at graphein (magsulat). Ito ay nangangahulugan
ng paglalarawan ng ibabaw o balat ng lupa. Ang heograpiya ay maraming
kinukuhang datos sa iba’t ibang agham pisikal, bayolohikal, at sosyal. Ito ay
nagbibigay liwanag sa pagkakaayos o distribusyon ng bawat pangyayari at
kahulugan nito sa paninirahan ng tao sa isang pook.

Ang Kontinente ng Asya

Ang Asya ay isa sa pitong kontinente ng daigdig. Kontinente ang tawag


sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig. Isa sa mga paraan ng
pagkuha ng lokasyon ng isang kontinente at bansa ay sa pamamagitan ng
pagtukoy ng latitude (distansyang angular na natutukoy sa hilaga o timog ng
equator) at longitude (mga distansyang angular na natutukoy sa silangan at
kanluran ng Prime Meridian) nito. Ang Equator ay ang zero-degree latitude at
humahati sa globo sa hilaga at timog na hemisphere nito, at ang Prime
Meridian naman ay ang zero-degree longitude. Nasasakop ng Asya ang mula
10° Timog hanggang 90° Hilagang latitude at mula 11° hanggang 175°
Silangang longitude.

Pinakamalaki ang kontinente ng Asya kung ihahambing sa ibang mga


kontinente sa daigdig. Sa kabuuang sukat nitong humigit kumulang na
44,486,104 kilometro kwadrado, halos katumbas nito ang pinagsama-samang
lupain ng North America, South America, at Australia, at halos sangkapat (¼)
lamang nito ang Europe. Tinatayang sangkatlong (⅓) bahagi ng kabuuang
lupain ng daigdig ang kabuuang sukat ng Asya.

Kinaroroonan

Kung pag-aaralan ang mapa ng daigdig at bakasin ang kinaroroonan ng


Asya at ng mga hangganan nito.

Mapapansin ang sumusunod:

Sa hilaga, nasasakop ng Asya ang teritoryo mula sa paanan ng


kabundukang Ural hanggang sa baybayin ng Karagatang Arctic at tuloy-tuloy
sa Kipot Bering;

Sa silangan, ang hangganan ay mula Kipot Bering patungong


karagatang Pasipiko, kasama ang Hapon at Taiwan;

7
Sa timog, nakapaligid ang Dagat Timor hanggang Karagatang Indian
at Dagat Arabia;

Sa kanluran, ang mga hangganan ay ang Dagat Arabia papuntang


Dagat Mediterranean, tuloy-tuloy sa Dagat Aegean, Kipot Dardanelles at
Bosporus, Black Sea at Bundok Caucasus hanggang Kabundukang Ural.

Sukat at Hugis

Umaabot sa 44,339,000 kilometrong kwadrado, kasama ang mga pulo,


ang sukat ng Asya. Sumasakop ito ng ikatlong bahagi ng kapuluan ng daigdig.
Kung ihahambing ang laki nito sa ibang kontinente, katumbas ng Asya ang
pinagsamang sukat ng Hilaga at Timog Amerika, kasama ang Australia, at
mahigit pa sa apat na beses na laki ng Europa. Makikita sa talahanayan sa
ibaba ang sukat ng mga kontinente.

Talahanayan ng Sukat ng Mga Kontinente ng Daigdig


Kontinente Milya kwadrado Kilometro Kwadrado
1. Asya 17,120,000 44,339,000
2. Aprika 11,704,000 30,312,999
3. Hilagang Amerika 9,362,000 24,247,000
4. Timog Amerika 6,874,600 17,804,526
5. Antarktika 5,500,000 14,244,000
6. Europa 5,100,000 10,445,000
7. Australya 2,966,155 7,682,300
Kabuuan 58,626,765 149,134,825

https://www.google.com/search?q=kalupaan+ng+asya&tbm=isch&ved=2ahUKEwiwl8ze87DqAhUOD6YKHeScD
VIQ2cCegQIABAA&oq=kalupaan+ng+asya&gs_lcp=CgNpbWcQDFDMqyBYt9UgYKjqIGgAcAB4AoABlhOIAZlDkgEJ
NS0xLjgtMi4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=dAz_XrCNOI6emAXkubaQBQ&bih=640&biw=
1315#imgrc=D2fszlgLidQzdM

8
MGA REHIYON SA ASYA

https://www.google.com/search?q=mapa+ng+kanlurang+asya&tbm=isch&hl=en&hl=en&ved=2ahUKEwj_67XA
maTqAhWUAaYKHbjQA-YQrNwCKAF6BQgBEOkB&biw=1333&bih=591

Malawak ang lupang sakop ng Asya at malayo ito sa kanilang


kinalalagyang lugar kung kaya lumikha ng mga katawagan ang mga
kanluranin bilang pagkilala sa ilang bahagi ng kontinente. Dahil sa laki ng
Asya, lubhang malaki ang pagkakaibaiba ng heograpiyang pisikal. May
limang rehiyon ang Asya na tinatakdaan ng mataas na hanay ng bundok:
Hilagang Asya, Silangang asya, Timog Kanlurang Asya, Timog Asya at Timog
Silangang Asya. Nagkakaiba-iba ang bawat rehiyon sa katangian at klima.
Rehiyon sa Asya Katangian
Hilagang Asya Ang Hilagang Asya ay binubuo
ng mga bansang dating Soviet
Central Asia (Kazakhstan,
Kyrgyzstan, Tajikistan,
Azerbaijan, Turkmenistan,
Uzbekistan, Georgia, Armenia)
Mongolia at Siberia. Kilala ang
rehiyong ito sa katawagang
Central Asia o Inner Asia.

Sinasakop ng Hilagang Asya ang


rehiyon na nasa pagitan ng
bundok Ural sa dakong kanluran
hanggang sa Karagatang
Pasipiko. Ang malawak na

9
rehiyong ito ay tinatawag ding
Siberia, isang bahagi ng
malaking bansa ng dating Unyon
Sobyet. Walang anumang
punongkahoy na maaaring
tumubo rito bunga ng
napakahaba at napakalamig na
panahon ng taglamig at
napakaikling tag-araw. Ang
pag-init ng panahon ay
tumataas lamang ng 50°F (10°C).
Sa maikling panahon ng tag-
araw, nananatiling may yelo ang
buong kapaligiran. Ang
kalagayang ito ay tinatawag na
permafrost.
Mayroon ding makikitang
malalawak na damuhan na
tinatawag na steppe sa
pinakatimog na bahagi ng
rehiyon. Ilang hanay ng bundok
ang hangganan ng Hilagang
Asya sa dakong timog nito – ang
Tien Shan, Sayan, at Yablonovy.
Nasa dakong timog din ang
Lawang Baikal, ang lawang may
pinakamalalim na tubig sa
buong daigdig. Tatlong
malalaking ilog ang dumadaloy
patungong Karagatang Arctic –
ang Ilog Ob, Yenisey at Lena,
ang Ilog Amur. Ang ilog naman
ay umaagos pasilangan
patungong Karagatang
Pasipiko.
Silangang Asya
Ang Silangang Asya ay binubuo
ng China, Japan, North Korea,
South Korea, at Taiwan.
Sakop ng Silangang Asya ang
rehiyon na nasa pagitan ng
mataas na kapuluan ng Gitnang
Asya at ang Karagatang
Pasipiko. Matataba ang mga
kapatagan, malalalim ang mga
lambak at matataas ang mga
bundok sa rehiyong ito.

10
Dalawang malaking ilog ang
nasa rehiyon: ang Yangtze-Kiang
at ang Huang Ho. Nasa gawing
kanlurang baybayin ng Asya ang
mga tangwayng Kamehatka at
ang mga pulo ng Hapon at
Taiwan kabilang ang Hilagang
Korea, Timog Korea, Tsina at
Hong Kong sa rehiyong ito. Dito
rin matatagpuan ang Mongolia,
ang Sikiang at Tibet na sakop ng
Tsina. Karaniwang tanawin sa
Sinkiang at Mongolia ang mga
talampas. Naririto rin ang disyerto
ng takla Makan at Gobi.

Kanlurang Asya Sa Kanlurang Asya


matatagpuan ang hangganan
ng mga kontinenteng Africa,
Asya at Europa. Dito nakalatag
ang mga bansang Arabo (Saudi
Arabia, Lebanon, Jordan, Syria,
Iraq at Kuwait), Gulf States
(Yemen, Oman, United Arab
Emirates, Qatar, at Bahrain), Iran,
Israel, Cyprus, at Turkey.

Binubuo ng dalawang
malalaking tangway ang Timog
Kanlurang Asya: ang tangway ng
Arabia. Isang mabatong
talampas ang tangway ng
Anatolia. Karaniwang natutuyo
ang mga ilog at lawa sa rehiyong
ito. Ang Ang malaking bahagi ng
tangway ng Arabia ay mainit at
walang ulan. Ilang mahalagang
anyong-tubig ang matatagpuan
sa rehiyong ito. Ang Ilog Jordan
ay nagwawakas sa Dead Sea,
isang maalat na lawa at
itinuturing na may pinakamaalat
na tubig sa buong daigdig. Nasa
gawing hilagang silangan ng
rehiyon ang dagat Caspian.
Nasa dulong silangan ng Timog-
Kanlurang Asya ang Iran at

11
Afghanistan. Hindi gaanoong
tigang ang lupa rito kung kaya
sari-saring pananim ang
tumutubo rito. Madalang ang
pag-ulan ditto sa buong taon.
Ang klima ay napakalamig kung
taglamig at napakainit kung
tagaraw. Timog
Timog Asya Bahagi naman ng Timog Asya
ang India; mga bansang Muslim
ng Afghanistan, Pakistan at
Bangladesh; mga bansang
Himalayan ng Nepal at Bhutan;
at mga bansang pangkapuluan
ng Sri Lanka at Maldives.
Nasa Timog asya ang sub-
kontinente ng India at Sri Lanka
sa timog, ang Bhutan at Nepal sa
hilaga. Nagsisilbing hangganan
sa hilagang-silangan ang
kabundukang Hindu Kush.
Kahanay nito mula hilaga
pasilangan ang mga taluktok at
lambak sa Pamir Knot. Sa gawing
silangan ng Pamir Knot ay ang
kabundukan ng Karakorum at
ang Himalaya, ang
pinakamataas at pinakamatarik
na bundok. Dito matatagpuan
ang Bundok Everest, ang
pinakamataas na taluktok sa
daigdig. Nasa pagitan ito ng
Tibet at Nepal. Bukod sa
kabundukan, binubuo ng
dalawang rehiyon ang Timog
Asya: Ang mga ilog mula sa
Himalaya at ang Talampas
Deccan na sumasakop sa sentral
at timog India. Dito
matatagpuan ang tatlong
hanay ng kabundukang
Silangan Shate, Kanlurang Ghats
at ang Bundok Vindhya.
Dalawang lambak-ilog na
nagging sentro ng sinaunang
kabihasnan ang matatagpuan
sa rehiyon. Ang isa ay ang

12
lambak-ilog ng Indus na
umaabot sa Pakistan at
nagwawakas sa Dagat Arabia at
ang ikalawa ay ang lambak-ilog
Ganges na dumaraan sa
hilagang India hanggang
Bangladesh at nagtatapos sa
Look Bengal. Naapektuhan ng
mga monsoon ang Timog Asya.
Paiba-iba ang direksyon ng mga
hanging ito sa iba’t ibang
panahon sa buong taon. Mula
Hunyo hangang Setyembre ang
timog-kanlurang monsoon mula
sa Karagatang India ay
nagdadala ng malakas na pag-
ulan na sanhi ng
nakapipinsalang paghaba sa
delta ng Ilog Ganges sa
Bangladesh. Mula Oktobre
hangang Marso, ang banayad
na hangin mula sa Himalaya ay
nagdudulot ng mainam na klima.
Timog Silangang Asya Ang Timog-Silangang Asya ay
minsang binansagang Farther
India at Little China dahil sa
impluwensya ng mga nasabing
kabihasnan sa kultura nito. Ang
rehiyong ito ay nahahati sa
dalawang subregions: ang
mainland Southeast Asia
(Myanmar, Thailand, Vietnam,
Laos, Cambodia) at insular
Southeast Asia (Pilipinas,
Indonesia, Malaysia, Brunei,
Singapore, East Timor). Sa
bandang hilaga ng mga pulong
ito ang kapuluan ng Pilipinas.
Ang bahagi ng rehiyon sa
kapuluang Asya ay magugubat
na kabundukan sa hilaga at mga
lambak-ilog sa timog. Ang ilang
kapatagan ay may matabang
lupa at ang iba ay mga pook na
latian at matubig. Ganito rin ang
kalagayan sa mga pulo. May
dalawang ilog na umaagos sa

13
rehiyon: ang Irrawaddy sa
Myanmar at ang Mekong sa
Indochina. Nasa rehiyon ng mga
bulkan at paglindol ang Pilipinas
at Indonesia. Lumilindol din sa
Anatolia at sa ilang bahagi ng
Timog-Silangang Asya.

Ang Mga Klima ng Asya

Ang karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng isang


lugar sa loob ng mahabang panahon ay tinatawag na klima.
Narito ang isang talahanayan na nagpapakita ng iba’t-ibang uri ng
klima sa mga rehiyon ng Asya. Basahin at unawain mo itong mabuti at batay
sa mga datos at paglalarawan dito ay bumuo ka ng paghihinuha kung
paanong ang klima ay nakaimpluwensya sa pamumuhay ng mga Asyano.

Mga uri ng Klima sa Asya


Rehiyon Katangian ng Klima
Hilagang Asya Sentral Kontinental. Mahaba ang taglamig na
karaniwang tumatagal ng anim na buwan, at maigsi
ang tag-init, ngunit may ilang mga lugar na
nagtataglay ng matabang lupa. Gayunpaman,
malaking bahagi ng rehiyon ay hindi kayang panirahan
ng tao dahil sa sobrang lamig.
Kanlurang Asya Hindi palagian ang klima. Maaaring magkaroon ng
labis o di kaya’y katamtamang init o lamig ang lugar
na ito. Bihira at halos hindi nakakaranas ng ulan ang
malaking bahagi ng rehiyon. Kung umulan man, ito’y
kadalasang bumabagsak lamang sa mga pook na
malapit sa dagat.
Timog Asya Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon.
Mahalumigmig kung Hunyo hanggang Setyembre,
taglamig kung buwan ng Disyembre hanggang
Pebrero, at kung Marso hanggang Mayo, tag-init at
tagtuyot. Nananatiling malamig dahil sa niyebe o yelo
ang Himalayas at ibang bahagi ng rehiyon.
Silangang Asya Monsoon Climate ang uri ng klima ng rehiyon. Dahil sa
lawak ng rehiyong ito, ang mga bansa rito ay
nakakaranas ng iba-ibang panahon: mainit na
panahon para sa mga bansang nasa mababang
latitude, malamig at nababalutan naman ng yelo ang
ilang bahagi ng rehiyon.
Timog

14
Timog Silangang Halos lahat ng bansa sa rehiyon ay may klimang
Asya tropical. Nakararanas ang mga ito ng tag-init,
taglamig, tag-araw at tag-ulan.

Isagawa 1
Panuto: Tukuyin kung sa anong rehiyon ng Asya nakapaloob
ang sumusunod na mga klima. (Silangang Asya, TimogSilangang
Asya, Timog-Asya, Kanlurang Asya, Hilagang Asya at Hilaga/
Gitnang Asya)

1. Mahabang taglamig.

2. May klimang tropical.

3. Hindi palagian ang klima.

4. Monsoon Climate ang uri ng klima rito.

5. Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon.

15
Isagawa 2
Panuto: Tingnan at basahin ang mga bansang nakapaloob sa
kahon. Isulat sa Hanay A ang mga bansang nabibilang sa
rehiyon ng Silangangang Asya, sa Hanay B sa TimogSilangang
Asya, sa Hanay C para sa Timog Asya, sa Hanay D sa Kanlurang Asya at sa
Hanay E naman kung sa Hilagang Asya.

Gawing halimbawa ang naunang sagot.

Malaysia Vietnam Laos Iran Iraq


Saudi Arabia Armenia India Japan Kuwait
South Korea Bhutan China Thailand Jordan
Singapore Sri Lanka Azerbaijan Uzbekistan Lebanon
Pilipinas Nepal Indonesia Mongolia Pakistan
Myanmar Maldives Brunei Syria Siberia

Hanay A Hanay B Hanay C Hanay D Hanay E


(Silangang (TimogSilangang (Timog (Kanlurang (Hilagang
Asya) Asya) Asya) Asya) Asya)
South Korea Malaysia Pakistan Syria Mongolia

16
Isagawa 3 (Tara na sa Asya!)

Panuto: Tukuyin kung sa anong rehiyon at bansa ang


kinaroroonan nito sa pamamagitan ng paglalagay ng linyang
mag-uugnay sa larawan at sa bansang kinabibilangan nito

1. Banaue Rice Terraces


Rehiyon: _____________________

Bansa: _______________________
Paglalarawan:
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_____________________
https://asianspots.files.wordpress.com/2014/08/banaue-rice-terraces-1-600x270.jpg

2. Lake Baikal
Rehiyon: _________________________

Bansa: ____________________________
Paglalarawan:
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________
https://www.google.com/search?q=larawan+na+magkakasama+ang+lake+baikal%2Cilog+huang+Ho+at+Caspi
an+Sea&tbm=isch&ved=2ahUKEwjk-sLUxaTqAhXzIaYKHVuZBwkQ2-cCegQIABAA#imgrc=VVAd_KGi3UU1SM

3. Caspian Sea
Rehiyon: _________________________

Bansa: ___________________________
Paglalarawan:
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
17
__________________________________
____________________
https://www.google.com/search?q=larawan+ng+Caspian+Sea&tbm=isch&ved=2ahUKEwiIrJ7uxaTqAhVM7ZQK
HbWVD0AQ2-
cCegQIABAA&oq=larawan+ng+Caspian+Sea&gs_lcp=CgNpbWcQA1AAWABg8OABaABwAHgAgAEAiAEAkgEAmA
EAqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=vJH4XojeMsza0wS1q76ABA#imgrc=5cZuGxSjrtkwpM

4.Ilog Huang Ho

Rehiyon: _________________________
Bansa: ___________________________
Paglalarawan:
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
________________________
https://www.google.com/search?q=ilog+huang+ho&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=TzmaOyQR4c8R3M%252
_______________________________________
C0REEPwvkRJWbXM%252C_&vet=1&usg=AI4_-kQpXy7U-L-
_______________________________________
JXxg91c3pP0dmyFuKMQ&sa=X&ved=2ahUKEwiyndaCzaTqAhWTBogKHS-
_______________________________________
bAoYQ9QEwC3oECAYQPQ&biw=1350&bih=591#imgrc=TzmaOyQR4c8R3M
______________
5. Mount Everest
Rehiyon: ________________________

Bansa: __________________________
Paglalarawan:
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
___________________________
https://thehill.com/changing-america/sustainability/environment/498941-mount-everest-visible-from-more-
than-120-miles _________________________________
_________________________________
_________________________________
_____________________________

18
Rubric para sa Pagtataya ng Paglalarawan

Kabuu-
Krayterya 1 2 3 4
an
Napakababa Mababaw Malalim na Napakalali
w na walang at hindi nakikita m na
paguugnay gaanong ang pag nakikita ang
ang dati at nakikita uugnayan paguugnay
bagong ang pag- ng dati sa an ng
kaalaman at uugnayan bagong dating
makikita ng dati sa kaalaman. kaalaman
lamang kung bagong at
ano ang kaalaman. karanasan
tinalakay sa sa bagong
klase. kaalaman.

Isaisip

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang napiling letra
sa sagutang papel.

1. Isang katangiang pisikal ng kapaligirang matatagpuan sa Hilaga o Gitnang


Asya ay ang pagkakaroon ng malawak na damuhan o grasslands.
Tinatayang ang sangkapat (¼) ng kalupaan sa mundo ay ganitong uri. Alin
sa mga uri ng grasslands ang may mga damuhang mataas na malalalim
ang ugat na matatagpuan sa ilang bahagi ng Russia at maging sa
Manchuria?
A. steppe
B. prairie
C. savanna
D. tundra

19
Tunghayan ang kasunod na mapa upang masagot ang susunod na tanong

https://www.google.com/search?q=mapa+ng+hilagang+asya&tbm=isch&ved=2ahUKEwiL_t30maTqAhUIAKYK
HT1FARMQ2cCegQIABAA&oq=mapa+ng+hilagang+asya&gs_lcp=CgNpbWcQDDICCAAyAggAMgYIABAFEB4yBgg
AEAUQHjoGCAAQBxAeOggIABAHEAUQHjoICAAQCBAHEB5QoegvWIGdMGCGrzBoAHAAeACAAZYCiAGKFpIBBjA
uMTMuNJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=p2P4XsuOEoiAmAW9ioWYAQ&bih=591&biw=13
33&hl=en&hl=en#imgrc=tFVtm6Un9--KBM

2. Sa iyong pagtingin sa mapa, paano mo ilalarawan at bibigyang


interpretasyon ang kinalalagyan ng kontinente ng Asya?
A. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente
ay pare-pareho
B. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay may mainit na panahon.
C. Ang malaking bahagi ng hangganan ng Asya ay mga anyong
tubig.
D. Insular ang malaking bahagi ng kontinente ng Asya.

3. Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, itinuturing na pangunahin


at napakahalagang butil pananim ang palay. Bakit?
A. Maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais at barley.
B. Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa TimogSilangang
Asya.
C. Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na
angkop sa pagtatanim
D. Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto
ng rehiyong ito.

4. Ikaw ay isang “Ambassador of Goodwill” na naatasang manghikayat at


makaimpluwensiya ng mga kabataang Asyano na magpalaganap ng
mga programa na susuporta sa ikakabuti ng kapaligiran at kapakanan ng

20
mga Asyano sa tungkol sa pamamagitan ng paggawa ng isang multi–
media advocacy. Alin sa sumusunod na pamantayan ang dapat mong
isaalang-alang?
A. organisasyon, bilang ng pahina, pagkamalikhain
B. kaangkupan ng salita, kawastuhan ng datos, pagkamalikhain
C. nilalaman, pagkamalikhain, impact, organisasyon,
kapakinabangan
D. kawastuhan ng mga datos, madaling maunawaan

5. Ano ang pinakamaliit na bansa sa Kanlurang Asya.


A. Israel
B. Iran
C. Turkey
D. Lebanon

21
22
Isagawa 3 (Hulwarang Sagot)
1.Timog Silangang Asya, Pilipinas/Isa sa Pitong
Isaisip
Kahanga-hangang Lugar sa Mundo
1. C
2. C 2. Hilagang Asya, Siberia/Pinakamalalim na
3. B Lawa sa Mundo
4. C
5. D
3. Hilagang Asya, Kazakhstan, Turkmenistan,
Iran, Azerbaijan, Armenia at
Georgia/Pinakamalaki at Pinakamahabang
Lawa sa Buong Mundo.
4.Silangang Asya, China/River of Sorrow
5. Timog Asya, Kabundukan ng Himalayas
/Pinakamataas na Bundok sa Buong Mundo
Isagawa 2 Isagawa 1 Nalalaman
Hanay A Hanay B Hanay Hanay Hanay
(Silangang (Timog C(Timog D(Kanlu- E(Hila- 1. Hilagang Asya 1. B
Asya) silangang Asya) rang gang 2. Timog 2. A
Asya) Asya) Asya) Silanangang 3. A
Asya 4. A
South Malaysia Pakistan Syria Mongolia
Korea
3. Kanlurang
5. D
China Singapore Bhutan Saudi Uzbekistan Asya
arabia 4. Silangang
Japan Pilipinas Sri Lanka Iran Azerbaijan Asya
Myanmar Maldives Syria Armenia
5. Timog Asya
Vietnam Nepal Iraq Mongolia
Laos India Kuwait Siberia
Indonesia Pakistan Jordan
Brunei Lebanon
Thailand
Susi sa Pagwawasto
Pagsagawa ng Portfolio – Pahiwatig ng Pag-unlad!
Balikan mo ang iyong portfolio at gawin ang mga bahagi na
sumusunod sa iyong itinakdang mithiin. Tandaan na ang iyong
portfolio ay koleksiyon ng iyong gawa sa tulong ng exemplar.
Binibigyang diin nito ang iyong kakayahang makita at
mapagnilayan ang iyong pag-unlad, saka sa natamo mong kakayahang
maisagawa ang mga mithiin. Bilang pagtatapos nitong portfolio, gawing
patnubay ang rubric sa ibaba.

ANTAS
Krayterya Baguhan Nagsasanay Mahusay Napakahusay Iskor
(1-3) (4-6) (7-8) (9-10)
1. Pagtatakda ng Di maka- Positibo at Ang Maliwanag ang
Hangarin totohanan ang makatotohana pangkalahatang paglalarawan ng
(Lingguhang mga hangarin n ang mga proseso at mga itinakdang
Talaan ng para sa pag- hangaring hangaing hangarin na ____ sa
Hangarin) unlad ng itinakda. itinakda ay kayang abutin at 10
kakayahan. positibo at angkop sa pag-
makatotohanan. unlad ng
kakayahan
2. Ang Aking Nagpapakita Nagpapakita Nagpapakita ng Nagpapakita ng
Sariling Pagsusuri ng munting ng sapat na mainam na napakainam na
sa Pagsusulit ebidensya ng ebidensya ng ebidensya ng ebidensya ng
____ sa
repleksiyon at repleksiyon at repleksiyon at repleksiyon at
10
sariling sariling sariling sariling pagtatasa
pagtatasa pagtatasa pagtatasa at mayroong
dokumentasyon
3. Ang Maliit lamang Sapat ang Mainam ang Napakainam at
Mapanuring Ako ang ebidensya ebidensya ng pagsagawa at napakalinaw ang
____ sa
ng pag-unlad pag-unlad at kakikitaan ng pagsagawa at
10
at pagkatuto pagkatuto pangkalahatang pangkalahatang
pag-unlad pag-unlad
4. Ang Aking
Pinakamahusay
na Sinagutang
Pagsusulit
5. Ang Aking Maliit lamang Sapat lamang Malinaw ang Napakalinaw at
Malikhaing ang ebidensya ang ebidensya ebidensya ng natatangi ang
Koneksiyon ng malikhain at ng malikhain at malikhain at ebidensya ng ____ sa
mapanuring mapanuring mapanuring malikhain at 10
gawa gawa gawa mapanuring
gawa
[1-2] [3] [4] [5]
Pangkabuuang Di maayos na Naipakita ang Nailahad ang Nailahad nang
Presentasyon nailahad ang halos lahat ng lahat ng aytem malinaw, maayos
mga aytem; at aytem; at ang na may at kumpleto ang
tila magulo ang portfolio ay pagkasunod- mga ayte; at ang
____ sa 5
kinalabasan ng maayos na sunod; at ang portfolio ay malinis
portfolio. nailahad. portfolio ay at elegante.
maayos na
naisagawa.
Bilis ng Pagpasa Naipasa nang Naipasa nang Naipasa nang Naipasa sa
huli sa oras (5-6 huli sa oras (3-4 huli sa oras (1-2 tamang oras ____ sa 5
araw). araw). araw).

23
_______
(Pinaka
Kabuuan mataas
na
puntos:
50)

Sanggunian

AKLAT:

1.EASE II Module 1

2.Asya: Pagusbong ng Kabihasnan II. 2008. Pp.2-10

3. Asya: Noon, Ngayon at sa Hinaharap II. 2000. Pp.3-4,912

4. Mateo Ph.D, Grace Estela C., et. al., Asya:


Pag-Usbong ng Kabihasnan, Vibal Publishing House, Quezon City, 2008,
pp. 3-9 De Leon, Zenaida M., et al.,ASYA: Tungo sa Pag-unlad, Makabayan
Serye, Vibal Publishing House, Quezon City, 2003, pp. 4-6

Website:

1. https://www.google.com/search?q=mapa+ng+hilagang+asya&tbm=isch
&ved=2ahUKEwiL_t30maTqAhUIAKYKHT1FARMQ2-
cCegQIABAA&oq=mapa+ng+hilagang+asya&gs_lcp=CgNpbWcQDDICC
AAyAggAMgYIABAFEB4yBggAEAUQHjoGCAAQBxAeOggIABAHEAUQHjoIC
AAQCBAHEB5QoegvWIGdMGCGrzBoAHAAeACAAZYCiAGKFpIBBjAuMTM
uNJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=p2P4XsuOEoiAmA
W9ioWYAQ&bih=591&biw=1333&hl=en&hl=en#imgrc=tFVtm6Un9--KBM

2. https://www.google.com/search?q=mapa+ng+hilagang+asya&tbm=isch
&ved=2ahUKEwiL_t30maTqAhUIAKYKHT1FARMQ2-
cCegQIABAA&oq=mapa+ng+hilagang+asya&gs_lcp=CgNpbWcQDDICC
AAyAggAMgYIABAFEB4yBggAEAUQHjoGCAAQBxAeOggIABAHEAUQHjoIC
AAQCBAHEB5QoegvWIGdMGCGrzBoAHAAeACAAZYCiAGKFpIBBjAuMTM
uNJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=p2P4XsuOEoiAmA
W9ioWYAQ&bih=591&biw=1333&hl=en&hl=en#imgrc=tFVtm6Un9--KBM

3. https://thehill.com/changing-america/sustainability/environment/498941-
mount-everest-visible-from-more-than-120-miles

24
4. https://www.google.com/search?q=ilog+huang+ho&tbm=isch&source=iu
&ictx=1&fir=TzmaOyQR4c8R3M%252C0REEPwvkRJWbXM%252C_&vet=1&u
sg=AI4_-kQpXy7U-L-
JXxg91c3pP0dmyFuKMQ&sa=X&ved=2ahUKEwiyndaCzaTqAhWTBogKHS-
bAoYQ9QEwC3oECAYQPQ&biw=1350&bih=591#imgrc=TzmaOyQR4c8R3
M

5. https://www.google.com/search?q=larawan+ng+Caspian+Sea&tbm=isch
&ved=2ahUKEwiIrJ7uxaTqAhVM7ZQKHbWVD0AQ2-
cCegQIABAA&oq=larawan+ng+Caspian+Sea&gs_lcp=CgNpbWcQA1AA
WABg8OABaABwAHgAgAEAiAEAkgEAmAEAqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclie
nt=img&ei=vJH4XojeMsza0wS1q76ABA#imgrc=5cZuGxSjrtkwpM

6. https://www.google.com/search?q=larawan+na+magkakasama+ang+la
ke+baikal%2Cilog+huang+Ho+at+Caspian+Sea&tbm=isch&ved=2ahUKEw
jk-sLUxaTqAhXzIaYKHVuZBwkQ2-cCegQIABAA#imgrc=VVAd_KGi3UU1SM
7. https://asianspots.files.wordpress.com/2014/08/banaue-rice-terraces-1-
600x270.jpg

8. https://www.google.com/search?q=mapa+ng+kanlurang+asya&tbm=isc
h&hl=en&hl=en&ved=2ahUKEwj_67XAmaTqAhWUAaYKHbjQA-
YQrNwCKAF6BQgBEOkB&biw=1333&bih=591

9. file:///C:/Users/User/Desktop/modyul%201-
AP8.HEOGRAPIYA%20NG%20ASYA.pdf

10. file:///C:/Users/User/Desktop/Modyul%201%20-
%20Heograpiya%20ng%20Asya.pdf

11. file:///C:/Users/User/Desktop/grade8-AP%20teachers%20Guide.pdf

12. file:///C:/Users/User/Desktop/grade_8_patnubay_ng_guro_sa_pagtuturo_n
g_araling_panlipunan.pdf

13. https://www.google.com/search?q=sample+cover+page+para+sa+lesso
n+na+paghahating+Heograpiko+ng+Asya&tbm=isch&source=iu&ictx=1&f
ir=RqXVsRpbIaCp7M%252Cq7oO08WJzkavpM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kSLZfbHlskuqSoYm412WBSIHyGR6A&sa=X&ved=2ahUKEwjKi7Pd3qTqAhXGB
IgKHZ1bDCIQ9QEwAHoECAoQBQ&biw=1315&bih=640

14. https://www.google.com/search?q=kalupaan+ng+asya&tbm=isch&ved=
2ahUKEwiwl8ze87DqAhUOD6YKHeScDVIQ2cCegQIABAA&oq=kalupaan+n
g+asya&gs_lcp=CgNpbWcQDFDMqyBYt9UgYKjqIGgAcAB4AoABlhOIAZlDk
gEJNS0xLjgtMi4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=dAz_X
rCNOI6emAXkubaQBQ&bih=640&biw=1315#imgrc=D2fszlgLidQzdM

25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

DepEd Surigao del Sur Division – Schools District of Lingig II

Address: Lingig , Surigao del sur


_______

Contact Numbe: 09757070452


Email Address:

26

You might also like