You are on page 1of 26

7

ARALING
PANLIPUNAN 7
Unang Markahan – Modyul 3
Mga Likas na Yaman ng Asya
Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang
Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 3: Mga Likas na Yaman ng Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Mia Calub, Clarisse Bucali, Maureen Arceno
Editor: April G. Formentera, Noralyn Joy O. Ramos, Arlan S. Ravanera, Emily E. Baculi,
Michael A. Adam, Merjorie Q. Ablay, Maria Fe N. Arca
Tagasuri: April G. Formentera, Noralyn Joy O. Ramos, Arlan S. Ravanera,
Emily E. Baculi, Michael A. Adam, Merjorie Q. Ablay, Maria Fe N. Arca
Tagaguhit: Nica Marie Pama
Tagalapat: April G. Formentera
Tagadisenyo ng Pabalat: Reggie D. Galindez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Romelito G. Flores - Schools Division Superintendent
Mario M. Bermudes - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny A. Sumugat – REPS, Araling Panlipunan
Juliet F. Lastimosa - CID Chief
Sally A. Palomo – Division EPS In-Charge of LRMS
Gregorio O. Ruales - Division ADM Coordinator
Lito S. Adanza- Divison EPS Araling Panlipunan

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
7

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Mga Likas na Yaman ng Asya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan sa ikapitong


baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Likas na
Yaman ng Asya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis
at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan sa ikapitong baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Likas na Yaman ng Asya !

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw,
bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na
kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa
iyong sarili o sa iyong mga kamay.

ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo


sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin,
tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at
mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Pagwawasto gawain sa modyul.

iii
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


Sanggunian
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi.

Kaya mo ito!

iv
Alamin

Malaki ang pakinabang natin sa ating likas na yaman. Ano man ang nasa ating
paligid na bahagi ng ating kalikasan ay tumutustos sa ating pangangailangan
upang mabuhay, at nalinang din ito ng tao para sa kanyang kabuhayan at
paghahanap buhay.

Essential Learning Competency:


 Nailalarawan ang Yamang Likas sa Asya. (AP7HAS-Ie 1.5)

Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang mga sumusunod:


 Natutukoy ang mga yamang likas sa Asya.
 Naihahambing ang mga likas na yaman sa Asya.

1
Subukin

Sa bahaging ito ay ating susubukin ang iyong paunang kaalaman tungkol sa mga
Yamang Likas sa Asya at pagtutuunan ng pansin ang mga bahaging kailangan ng
karagdagang paliwanag. Sagutan ang mga tanong sa ibaba patungkol sa paksang
tatalakayin.

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat sa sagutang papel ang titik ng
tamang sagot.

1. Alin sa mga likas na yaman ang napabilang sa uri ng yamang kagubatan?


a. Troso b. isda c. ginto d. palay

2. Anong rehiyon sa Asya ang sagana sa yamang mineral partikyular na sa


langis at petrolyo?
a. Timog Asya c. Kanlurang Asya
b. Hilagang Asya d. Silangang Asya

3. Bakit itinuturing na pangunahin at pinakamahalagang butil pananim ang


palay sa Timog Silangang Asya?
a. Maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais at barley.
b. Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog- Silangang Asya.
c. Sagana sa matabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa
pagtatanim.
d. Galay sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong
ito.

4. Sa pag- aalaga at pagpaparami ng mga hayop tulad ng baka, kambing at


tupa nagkakaroon ang tao ng __________________.
a. Lana, karne at gatas
b. Trigo, barley at gulay
c. Tanso, ginto at natural gas
d. Isda, damong- dagat at kabibe

5. Anong bansa sa Kanlurang Asya ang pinakamalaking tagapagluwas ng


petrolyo sa buong daigdig?
a. Turkey b.Kuwait c. Saudi Arabia d. Syria

6. Ano ang pangunahing produktong panluwas ng Heneral Santos?


a. Pinya b. Kabibe c. Niyog d. Tuna

2
7. Ano pinakamalaking kapuluan na makikita sa rehiyon ng Timog Silangang
Asya?
a.Indonesia b. Pilipinas c. Singapore d. Cambodia

8. Ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa mga bansang nabibilang


sa Timog Silangang Asya?
a. Pagsasaka at pagmimina
b. Pagsasaka at pangingisda
c. Paglililok
d. Pagnenegosyo

9. Dahil sa kakulangan ng Japan sa langis at depositong bakal at iba pang


mineral na mahalagang gamit sa malakihan at mabibigat na industriya,
bunga nito ay;
a. Kailangang umangkat ng langis at iba pang hilaw na sangkap ang
Japan.
b. Umaasa lang ang Japan sa mga mineral na mnamimina sa
sariling bansa
c. Hindi na binibigyang pansin ang industriya ng bansa.
d. May malawak na lupain ang Japan.

10. Ano ang pangunahing yamang mineral ng Malaysia?


a. Magnesium b. Natural Gas c. Gypsum d. Liquefied Gas

11. Anong uri ng halaman na ginagawang papel, bag at tela sa bansang


Nepal na naging hanapbuhay ng mga mamamayan dito?
a. Abaka b. Jute c. Pinya d. Cotton

12. Bakit mahalaga ang yamang gubat?


a. Ito ay pinagkukunan ng tao ng maraming produkto tulad ng goma,
troso, papel, tabla muwebles, mga herbal at marami pang iba.
b. Ito ay nagsisilbing tahanan ng mga mababangis na hayop.
c. Ito ay nakakatulong upang mapigilan ang pagbaha.
d. Ang mga puno sa gubat ay nagbibigay ng lilim at preskong hangin.

13. Isa sa mga pangunahing suliranin pangkapaligiran ay ang polusyon o


kontaminasyon sa mga anyong tubig dulot ng pagtatapon ng mga basura at
kemikal. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na paraan upang ito ay
mapigilan?
a. Magsagawa ng coastal clean up
b. Ipagbawal ang paninirahan sa tabing dagat.
c. Bumuo ng kilusan na naglalayong mapangalagaan ang mga dagat at
ilog.
d. Mahigpit na pagpapatupad ng mga batas ukol sa pagprotekta at
preserbasyon ng mga yamang tubig.

3
14. Paano nakatutulong ang yamang mineral sa ekonomiya ng isang
bansa?
a. Ang pagmimina ng yamang mineral ay nakapagbibigay trabaho sa mga
mamayan.
b. Nagkakaroon ng maraming ginto at pilak ang isang bansa.
c. Ang yamang mineral ay pinagkukunan ng enerhiya at mga hilaw na
sangkap sa paggawa ng mga gusali, sasakyan, tulay at marami pang
iba.
d. Pinauunlad nito ang turismo.

15. Bakit kailangan pangalagaan ang yamang lupa?


a. Kailangan itong pangalagaan dahil dito tayo kumukuha ng
ikinabubuhay tulad ng mineral, pagkain, halaman, punongkahoy at
iba pang hilaw na materyales.
b. Kailangan itong pangalangaan upang hindi tayo makulong at
makapagmulta.
c. Kailangan itong pangalagaan dahil dito tayo nakakapagtanim ng palay.
d. Kailangan itong pangalagaan upang maiwasan mga kalamidad.

4
Aralin

3 Likas na Yaman ng Asya

Naging madali lang ba sa pagsagot sa paunang pagtataya? Nais mo bang


matuto at malinang ang iyong kaalaman tungkol sa paksa? Narito ang isa sa mga
paraan upang matulungan kang maiugnay ang iyong mga ideya sa tamang
direksyon tungo sa pagtuklas mo sa bawat kaalaman sa modyul na ito.

Balikan
Gawain 1: Larawan-suri : Suriin ang mga larawan sa ibaba.

(Photo courtesy: Jane Astang) (Photo courtesy: Kathy Ali)


_____________________ ______________________

(Photo courtesy: Laisa Hassan) (Photo courtesy: Jan Ceriales)

_____________________ _____________________

5
Pamprosesong Tanong

1. Ano ang iyong napansin sa mga larawan sa Gawain 1?

2. Ano- anong uri ng likas na yaman ang makikita mo sa mga


larawan?

6
Tuklasin

Sa bahaging ito ay iyong susuriin ang mga larawan sa ibaba at tutukuyin kung
anong uri ng Yamang Likas ang pinapakita rito. Isulat mo sa patlang ang iyong
kasagutan

Gawain 2: Yaman Ko. Kilalanin Mo!

1. 4.

2. 5.

3.

Yamang likas

Ang Asya ay biniyayaan ng masaganang likas na yaman. Ang bawat rehiyon ay


nagtataglay ng yamang mineral ngunit pinaka sagana dito ang Kanlurang Asya.
Ang mga lupain a lambak ilog ay mainam na pagtaniman at nakakapagpoprodyus
ng sapat na produktong agrikultura. Ang mga sobrang produkto ay inululuwas sa
ibang rehiyon.

7
Suriin

Pagbabasa ng Teksto
Para lalo mong mapapahalagahan at makilala ang mga likas na yaman ng
mga rehiyon ng Asya ang mga sumusunod na teksto sa ibaba ay iyong babasahin
at susuriin.

Ang Mga Likas na Yaman sa Hilaga


Magkakaiba ang likas na yaman ng mga rehiyon sa Asya. May
malawak na damuhan na mainam pagpastulan ng mga alagang hayop ang
Hilagang Asya bagamat dahil sa tindi ng lamig dito ay halos walang punong
nabubuhay. Ang mga troso mula sa Siberia ang tanging yamang gubat sa
rehiyong ito. Sa yamang pangisdaan, produktong panluwas ng rehiyon ang
caviar (itlog) ng mga sturgeon, ang malalaking isdang likas dito. Tinatayang
pinakamalaki sa mundo ang deposito ng ginto sa Kyrgyzstan, samantalang
ang Tajikistan ay may tatlong uri ng yamang mineral; ang metalikong
mineral tulad ng ginto, mineral na panggatong tulad ng natural gas, at
industriyal na mineral tulad ng phosphate. Pangunahing industriya ng
Turkmenistan ang natural gas, pangalawa ang sa Russia sa produksiyon nito at
langis, samantalang isa sa mga nangunguna sa produksiyon ng ginto sa buong
mundo ang Uzbekistan.Sa mga lambak ilog at sa mabababang burol ng mga
bundok may produksyon ng pagkaing butil na nakatuon sa pagtatanim ng trigo,
palay, at barley, gayundin ang bulak, gulay, tabako, sugar beets, sibuyas, ubas, at
mansanas. Sa pag-aalaga at pagpaparami ng mga hayop tulad ng baka at tupa
nagkakaroon ang mga tao ng lana, karne at gatas.

Ang Mga Likas na Yaman sa Kanlurang Asya


Ang Kanlurang Asya ay sagana sa yamang mineral particular na sa langis at
petrolyo. Pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo sa buong daigdig ang Saudi
Arabia, at malaki rin ang produksiyon ng langis ng mga bansang Iran, Iraq, United
Arab Emirates (UAE), Kuwait at Oman. Karamihan sa mga bansa ng rehiyong ito
ay may natural gas, tanso, bauxite, potash, zinc, magnesium, phosphate, at iba pa.
Sa agrikultura, nagtatanim ang mga taga Kanlurang Asya ng trigo, at barley sa
mga oasis. Pangunahing produkto sa Iran ang trigo, barley, palay, bulak, mais,
tabako, at mga prutas. Nangunguna naman ang Iraq sa produksiyon ng dates
at dalandan ang Israel. Panghahayupan ang karaniwang gawain ng mga
naninirahan sa mga lugar na bulubundukin at sa mga disyerto sa Iran, Iraq,
Syria, Saudi Arabia at Turkey.

8
Ang Mga Likas na Yaman sa Timog Asya
Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa mga bansang
nabibilang sa Timog Asya. Palay ang mahalagang produkto rito bagama’t may mga
patanim din ng trigo, jute, tubo at mga gulay. Pinakamahalagang likas na yaman
sa India ay ang lupa lalo’t higit ang mga kapatagan at lambak na pinagyayaman ng
mga ilog Indus, Ganges at Brahmaputra. Malaki rin ang reserba ng bakal at
karbon sa bansang ito. Sa India rin matatagpuan ang Sundarbans, ang
pinakamalaking coastal mangrove forest sa buong daigdig at ang pangalawa ay ang
Pichavaram Mangroves. Bagama’t ipinagbabawal ng pamahalaan, tanyag ang
Afghanistan sa pagtatanim ng opyo. Ang mga kagubatan sa Nepal ay matatagpuan
sa mga gulod ng bukubunduking Himalayas. Nagluluwas din ang Nepal ng oil seed,
tubo, jute at tabako. Ang jute ay isang uri ng halaman na ginagawang papel, bag,
tela, sako at marami pang iba. Ang Nepal ay mayaman din sa mineral tulad ng
bakal, tanso at mica. Sa mga baybaying dagat ng Pakistan ay matatagpuan ang
mga gubat bakawan. Makikita rin sa hangganan ng Pakistan at China ang
ikalawang pinakamataas na bundok sa daigdig, ang K2 na may taas na 28, 250
talampakan. Makapal at mayabong ang gubat sa timog- kanlurang Sri Lanka na
hitik sa puno ng Mahogany at iba’t ibang uri ng palm. Sa dakong gitna ng pulong
ito lalo na sa matataas na lugar ay makikita ang mga kagubatang evergreen
satinwood. Malaki ang kapakinabangan ng Indian Ocean sa rehiyon dahil sa
pagtustos nito ng iba’t ibang yamang dagat. Sa ibang bahagi ng rehiyon tulad ng
Afghanistan at Bangladesh ay paghahayupan. Maraming species ng puno ang
matatagpuan sa Bhutan tulad ng pine, oak, willow, aspen, magnolia, cypress, fir,
spruce at juniper. Nagsisilbing tahanan din ng mga hayop tulad ng sambar deer,
gaurs, rhinoceros, elepante, tigre at iba pa ang mga gubat sa Bhutan. Batong apog,
bakal, karbon, natural gas, langis, tanso, asin at gypsum ay ilan sa mga
pangunahing yamang mineral ng Timog Asya.

Ang Likas na Yaman ng Timog Silangan at Silangang Asya


Sa Timog Silangang Asya, nasa mga lupain ng Myanmar at Brunei ang
malalawak na kagubatan. Tinatayang nasa 84% ng kagubatan sa Brunei ang
nagsisilbing panirahan ng iba’t-ibang uri ng unggoy, ibon at reptile. Sa kagubatan
ng Myanmar matatagpuan ang pinakamaraming punong teak sa buong mundo,
samantalang ang maraming punong palm at matitigas na kahoy gaya ng apitong,
yakal, lauan, kamagong, ipil, pulang narra, mayapis at iba’t ibang species ng dapo
ay nasa kagubatan ng Pilipinas.
Matatagpuan sa mga lambak ng Irrawaddy River at Sittang River ang
pinakamatabang lupa sa Myanmar. Sa Cambodia, ito ay sa paligid ng Mekong
River at Tonle Sap. May iba’t ibang pananim sa rehiyon. Ang Pilipinas ay isa sa
mga bansang nangunguna sa buong daigdig sa produksyon ng langis ng niyog at
kopra. Ang kalabaw, baka, baboy, kabayo, kambing at manok ang karaniwang
inaalagaang hayop sa rehiyon. Sa yamang mineral, malaki ang deposito ng langis
at natural gas sa Indonesia at ang mahigit sa 80% ng langis sa Timog- Silangang
Asya ay nanggagaling sa bansang ito, gayundin ang mahigit sa 35% ng liquefied
gas sa buong daigdig. Liquefied gas din ang pangunahing mineral ng Malaysia
habang tanso naman ang sa Pilipinas. Ang malalaking ilog ay pinagtatayuan ng

9
dam ng ilang mga bansa at nililinang para sa hydroelectric power na siya namang
pinagkukunan ng kuryente.
Ang mga bansang China, North Korea at Tibet ay mayaman sa depositing
mineral. Nasa China ang pinakamalaking reserba ng antimony, magnesium, at
tungsten sa buong daigdig, gayundin ang reserba ng karbon dito na isa sa mga
pinakamalaki sa buong daigdig. Salat sa yamang mineral ang Japan bagamat
nangunguna ang bansang ito sa industriyalisasyon. Gayunpaman, nagtatanim sila
ng mga punong mulberry upang maging pagkain ng mga silkworm aya
nangunguna ang Japan sa industriya ng telang silk o sutla
Ang yamang lupa ng Silangang Asya ay matatagpuan sa iba’t ibang anyo
nito, maliban lamang sa mabuhangin o tigang na lupa sa Mongolia. Sakop ng
China ang 7% ng lupa sa buong mundo na maaaring bungkalin at ito’y
pinagtataniman ng iba’t ibang uri ng pananim. Pangunahing pananim nito ang
palay, at siyang nangunguna sa produksiyon nito sa buong mundo. Ang ilang mga
bahagi ng Silangang Asya ay nakatuon din sa pagtatanim at paghahayupan. Sa
China at sa ibang mga bansa ng rehiyon, ang malalaking hayop ay ginagamit din
bilang katulong sa paghahanapbuhay. Ang mga anyong tubig ay nililinang din para
sa kapakinabangan ng mga nakatira rito.
( Hango sa Asya; Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba LM p. 44)

10
Pagyamanin

Ang lahat ng nasa kapaligiran mga kabundukan, dagat, hayop, halaman at mineral
ay mga likas na yaman na siyang puhunang nililinang ng tao upang matugunan
ang kanyang mga pangangailangan.

Gawain 3 : Bayong ko Punuin ng Yaman Mo


Ngayon naman ay pipili ka ng apat na yamang likas sa bawat rehiyo ng Asya at
isusulat mo ito sa loob ng bayong sa ibaba.
HILAGANG ASYA KANLURANG ASYA

SILANGANG ASYA TIMOG ASYA

11
TIMOG SILANGANG ASYA

Isaisip

Gawain 4 : Magbasa Tayo !


Ilarawan ang likas na yaman sa mga rehiyon sa Asya. Punan ang patlang ng
tamang sagot upang mabuo ang talata. Piliin sa loob ng panaknong ang kasagutan.

Magkakaiba ang likas na yaman ng mga rehiyon sa Asya. Ang Hilagang Asya

bagama’t dahil sa tindi ng lamig dito ay halos walang punong nabubuhay dito. Ang

mga 1. ___________ (troso, ginto) mula sa Siberia ang tanging yamang gubat sa

rehiyong ito. Ang pangunahing industriya ng Turkmenistan ay 2. __________

( langis, natural gas). Pagsasaka naman ang pangunahing ikinabubuhay ng mga

tao sa mga bansang napabilang sa Timog Asya. 3. _________ (Gulay, Palay) ang

pinakamahalagang produkto rito. Sa Timog- Silangang Asya partikular sa

Myanmar matatagpuan ang pinakamaraming 4.___________________ (punong teak,

punong niyog). Sa Silangang Asya ay nakatuon din sa pagtatanim at

5.___________________ (paghahayupan, pagmimina). Gaya ng ibang bansa sa Asya,

ang Pilipinas ay isang bansang 6. ____________ (agrikultural, industriyal).

12
7.___________(Bigas, ginto) ang pangunahing ani ng bansa na karaniwang

ginagapas sa malaawak na kapatagan ng Luzon. Tahanan din ng di

pangkaraniwang uri ng hayop at ibon ang bansa .

Karamihan sa mga bansa sa rehiyon ng Kanlurang Asya ay walang ulan at

madisyerto. Ngunit kahit pa sa mdisyertong lokasyon nito ang mga bansa sa

rehiyon ay sagana sa 8. ____________ (yamang gubat, yamang mineral) na naging

pangunahing produktong panluwas ng rehiyon. Pinakamalaking tagapagluwas ng

petrolyo ang bansang 9. ___________(Saudi Arabia, Myanmar). Bagamat may

kakulangan sa matabang lupain dahil sa ma disyertong lugar ng mga bansa sa

Kanlurang Asya nangunguna naman ang Iraq sa produksyon ng 10. ___________

(dates, palay).

Isagawa

Gawain 5: Reflective Journal

Bilang mag- aaral, paano ka makatutulong upang mapangalagaan at


maprotektahan ang mga likas na yaman sa ating bansa at sa inyong komunindad?
Ipaliwanag.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

13
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat sa sagutang papel ang titik ng
tamang sagot.

1. Alin sa mga likas na yaman ang napabilang sa uri ng yamang kagubatan?

a. Troso b. isda c. ginto d. palay

2. Anong rehiyon sa Asya ang sagana sa yamang mineral partikyular na sa langis


at petrolyo?

a. Timog Asya c. Kanlurang Asya


b. Hilagang Asya d. Silangang Asya

3. Bakit itinuturing na pangunahin at pinakamahalagang butil pananim ang palay


sa Timog Silangang Asya?

a. Maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais at barley.


b. Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog- Silangang Asya.
c. Sagana sa matabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim.
d. Galay sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito.

4. Sa pag- aalaga at pagpaparami ng mga hayop tulad ng baka, kambing at tupa


nagkakaroon ang tao ng __________________.

a. Lana, karne at gatas


b. Trigo, barley at gulay
c. Tanso, ginto at natural gas
d. Isda, damong- dagat at kabibe

5. Anong bansa sa Kanlurang Asya ang pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo


sa buong daigdig?

a. Turkey b.Kuwait c. Saudi Arabia d. Syria

6. Ano ang pangunahing produktong panluwas ng Heneral Santos?

a. Pinya b. Kabibe c. Niyog d. Tuna

14
7. Ano pinakamalaking kapuluan na makikita sa rehiyon ng Timog Silangang Asya?

a.Indonesia b. Pilipinas c. Singapore d. Cambodia

8. Ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa mga bansang nabibilang sa


Timog Silangang Asya?

a. Pagsasaka at pagmimina
b. Pagsasaka at pangingisda
c. Paglililok
d. Pagnenegosyo

9. Dahil sa kakulangan ng Japan sa langis at depositong bakal at iba pang mineral


na mahalagang gamit sa malakihan at mabibigat na industriya, bunga nito ay;

a. Kailangang umangkat ng langis at iba pang hilaw na sangkap ang Japan.


b. Umaasa lang ang Japan sa mga mineral na mnamimina sa
sariling bansa
c. Hindi na binibigyang pansin ang industriya ng bansa.
d. May malawak na lupain ang Japan.

10. Ano ang pangunahing yamang mineral ng Malaysia?

a. Magnesium b. Natural Gas c. Gypsum d. Liquefied Gas

11. Anong uri ng halaman na ginagawang papel, bag at tela sa bansang Nepal na
naging hanapbuhay ng mga mamamayan dito?

a. Abaka b. Jute c. Pinya d. Cotton

12. Bakit mahalaga ang yamang gubat

a. Ito ay pinagkukunan ng tao ng maraming produkto tulad ng goma, troso, papel,


tabla muwebles, mga herbal at marami pang iba.
b. Ito ay nagsisilbing tahanan ng mga mababangis na hayop.
c. Ito ay nakakatulong upang mapigilan ang pagbaha.
d. Ang mga puno sa gubat ay nagbibigay ng lilim at preskong hangin.

13. Isa sa mga pangunahing suliranin pangkapaligiran ay ang polusyon o


kontaminasyon sa mga anyong tubig dulot ng pagtatapon ng mga basura at
kemikal. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na paraan upang ito ay
mapigilan?

a. Magsagawa ng coastal clean up


b. Ipagbawal ang paninirahan sa tabing dagat.
c. Bumuo ng kilusan na naglalayong mapangalagaan ang mga dagat at ilog.
d. Mahigpit na pagpapatupad ng mga batas ukol sa pagprotekta at preserbasyon
ng mga yamang tubig.

15
14. Paano nakatutulong ang yamang mineral sa ekonomiya ng isang bansa?

a. Ang pagmimina ng yamang mineral ay nakapagbibigay trabaho sa mga


mamayan.
b. Nagkakaroon ng maraming ginto at pilak ang isang bansa.
c. Ang yamang mineral ay pinagkukunan ng enerhiya at mga hilaw na sangkap sa
paggawa ng mga gusali, sasakyan, tulay at marami pang iba.
d. Pinauunlad nito ang turismo.

15. Bakit kailangan pangalagaan ang yamang lupa?

a. Kailangan itong pangalagaan dahil dito tayo kumukuha ng ikinabubuhay tulad


ng mineral, pagkain, halaman, punongkahoy at iba pang hilaw na materyales.
b. Kailangan itong pangalangaan upang hindi tayo makulong at makapagmulta.
c. Kailangan itong pangalagaan dahil dito tayo nakakapagtanim ng palay.
d. Kailangan itong pangalagaan upang maiwasan mga kalamidad.

Karagdagang Gawain

Gawain 6: Magmasid at Magsaliksik Tayo

1. Panuto: Magsaliksik ng mga pangunahaing produkto ng isang lugar o


lungsod sa SOCCSKSARGEN . Gamitin ang tsart sa ibaba para gabayan ka
sa iyong pagsagot.
LUGAR/ LUNGSOD PRODUKTO O LIKAS NA PINAGDADALHAN NG
YAMAN PRODUKTO

Hal. General Santos City Tuna Produktong panluwas

16
Susi sa Pagwawasto

17
Sanggunian
Alama, F., Alamb,Q., Rezac, S., Khurshid-ul-Alamc, SM,. Salequeb, K., &
Chowdhurya, H. (2017).
Sourcing Green Power in Bhutan: A Review

Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral, DepEd-IMCS, Pasig,


Philippines,
2014. pp. 36-4

Lozanta, Alfredo Jr. A., Lopez, Jodi Mylene M., Vargas, Hermes P.
Araling Panlipunan sa Makabagong Siglo: Araling Asyano 7, Don Bosco
Press, Makati, Philippines, 2014. pp. 28-33.

Natural Resources & Products of South Asia. (n.d.) Retrieved from


https://bit.ly/2XoAWXh

The World Bank in Bhutan. (n.d.) Retrieved from


https://bit.ly/2ZtHXbO

18
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming
hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like