You are on page 1of 22

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Ang kaugnayan ng Konsensiya
sa Likas na Batas Moral
Eukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang
Self-Learning Module
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Ang kaugnayan ng Konsensiya sa Likas na Batas Moral
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Michelle L. Pardillo
Editor: April Eve Salvacion at Michelle L. Pardillo
Tagasuri: Reynaldo Tagala, EPS - 1
Tagaguhit: Jeffry C. Paglinawan
Tagalapat: Eliseo I. Flores,Jr.
Cover Art Designer: Reggie D. Galindez
Management Team: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Gildo G. Mosqueda, CEO VI - Schools Division Superintendent
Diosdado F. Ablanido, CPA - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Cynthia Diaz – REPS, ESP
Donna S. Panes, PhD CID Chief
Elizabeth G. Torres – EPS, LRMS
Judith B. Alba – EPS, ADM Coordinator
Aurelio C. Cagang – EPS, EsP
Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
7
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Ang kaugnayan ng Konsensiya sa
Likas na Batas Moral
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon ng Pagpapahalaga 7 ng


Self-Learning Module (SLM) Modyul para sa araling Ang kaugnayan ng Konsensiya
sa Likas na Batas Moral!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon ng Pagpapahalaga 7 ng Self-Learning


Module (SLM) Modyul ukol sa Ang kaugnayan ng Konsensiya sa Likas na Batas
Moral!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Magandang araw! Kumusta? Gumising ka ba ng maaga?


Kumusta naman ang pakiramdam mo sa oras na ito? Handang-
handa ka na ba sa leksyon natin gamit ang modyul na ito? Halika!
Umpisahan na natin.
Alam mo ba na bahagi na ng buhay ng tao ay ang gumawa ng
pagpapasiya araw-araw. Sa tuwing siya ay gigising sa umaga,
nagsisimula na ang kanyang maghapong pagpapasiya. Gigising ba
ng maaga o hindi, maliligo o maghihilamos, tutulong sa paglilinis
ng bakuran o hindi, ay iilan lamang sa mga pagpapasiya ng tao. Ito
ay mga pagpapasiya na kung minsan ay hindi na natin napapansin
bilang bahagi na ng ating araw-araw na gawain. Gayun man, sa
pagpili o paghuhusgang ginagawa ng tao, may kailangan siyang
may pag-ukulan ng pansin, ito ay ang pagpili sa pagitan ng tama
at mali na kaniyang gagawin.

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang


natutuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan:
1. Naipaliwanag ang kahalagahan ng Likas na Batas Moral
pagtungo sa kabutihan at kalayaan ng tao.
2. Natutukoy ang wastong ginagawa sa araw-araw na
nakapaloob sa batas moral.

Sa araling ito, inaasahang masasagot mo ang


Mahalagang Tanong:
Paano makatutulong ang batas moral sa tamang
pagpapakatao?

5
Subukin

“Sa kaibutuuran ng aking puso, ako’y nalulugod


sa Kautusan ng Diyos. Ngunit may ibang
kapangyarihan sa mga bahagi ng aking
katawan na salungat sa tuntunin ng aking isip;
ipinapapaalipin ako ng kapangyarihanng ito sa
kasalanang nannanatili sa aking katawan

Roma 7:22-23
Magandang Balita Bible (Revised)

Panuto: Basahin at unawain kung ano ang kahulugan ng kawikaang nasa


itaas. Isipin mo ang iyong mga karanasan. Ano-ano ang mga pangyayaring
naganap sa iyong buhay na hindi magkatugma ang gusto ng iyong isip at ang
gusto mong gawin? Isulat ang iyong sagot sa tsart sa ibaba.

Dapat Kong Gawin Gustong Gawin ng Katawan Ko

Halimbawa: Pagtulong sa Halimbawa: Hindi gawin ang paglilinis


paglilinis ng aming bakuran. at maglaro kasama ang mga kaibigan.

1.

2.

3.

4.

5.

6
Quarter 2 Batas Moral: Batayan
Week 3 ng Pagpapakatao

COMPETENCY CODES:

• Nakilala na natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang


pagtungo sa kabutihan ay may kamalayan at kalayaan. Ang unang
prinsipyo nito ay likas sa tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan
ang masama. (EsP7PS-IIc-6.1))

• Nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang mga pasya at kilos na
taliwas sa unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral. (EsP7PS-IIc-6.2)

Balikan

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang kolum na Tama kung ang pangungusap ay
tama, at ekis ( X) naman kung ito ay mali.

Gabay na tanong Tama Mali

1. Ang kilos-loob ay may kapangyarihang


pumili kung ano ang tama o mali.
2. Magnakaw kung para sa kapakanan ng
aking pamilya.
3. Magkaroon ng isang boyfriend o girlfriend
sa kaparehong kasarian

4. Sumali sa mga organisasyong


pangkabataan na makatulong sa
paghubog ng iyong talento.

5. Manalig sa Diyos kahit nakaranas ng mga


pagsubok sa buhay.

7
Mga Tala para sa Guro

• Ang modyul na ito ay naglalaman ng individual na gawain na


angkop para sa mag-aaral. Ito ay nakapagbibigay ng
oportunidad sa bawat indibidwal na kilalanin, tanggapin,
paunlarin at ibahagi ang sarili sa iba ng may pagmamahal at
respeto sa bawat kapwa tao. Bilang kapwa ko katulong sa
paghubog ng kaisipan at damdamin ng mga kabataan maari
nating yakapin ang buong pagkatao ng bawat mag-aaral
mula sa kani-kanilang sariling karanasan at magbigay ng
positibong pananaw at adhikain sa buhay ng kabataan, ng
kanilang pamilya at ng lipunan. Nawa’y maging instrumento
tayo sa pagbuo at paghubog ng ganap at tiyak na mabuting
nilalang na may pananalig sa Diyos at tiwala sa sarili’t kapwa
tao. Magbigay daan tayo at maging simbolo ng pagbabago na
nagmumula sa ating sarili bilang buhay na modelo sa buhay
ng bawat kabataang Pilipino. Manalangin tayo na sa bawat
gawaing nakapaloob dito ito ay kapupuotan ng Dakilang
Guro na atin ay nagpapala at nakabantay. Maari ninyong
basahin ang nilalaman sa link na ito
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-7-learning-
material-in-edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q2 at maari ding
gamitin itong module bilang sagutang papel o di kaya ay sa
ESP notebook.

8
Tuklasin

Panuto:

A. Kompletuhin ang tsart sa ibaba at ipaliwanag ang iyong sagot. 15 puntos.

Pinagmulan ng Mga alituntunin Ano ang mabuting


Alituntunin na gumagabay sa dulot sa akin ng
aking pag-unlad alituntunin?
bilang kabataan

Halimbwa: Halimbawa: Halimbawa:


Mula sa Magulang Mag-aral ng mabuti at Naging honor student
huwag lumiban sa sa klase.
klase.

1. Mula sa Simbahan

2. Mula sa Guro

3. Mula sa Kapitan ng
iyong Barangay

B. Batay sa iyong sagot, gawin ang sumusunod:


1. Bumuo ng sariling pananaw tungkol sa kahulugan ng alituntunin o batas.
Ano ang kahulugan nito at bakit ito kailangang sundin?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Ipalaggay mong mayroon kang kamag-anak na nsa sitwasyon ng naligaw


na landas na kabatann, ano ang iyong damdamin at kaisipan tungkol dito?
Ano ang iyong gagawin at bakit?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

9
Suriin

Panuto: Tingnan ang bahagi ng awit sa ibaba.


Maaringsaliksikin ang naibahagi na una at ikaapat na
saknong ng awit at tingnan kung ano ang mabuting
mensahe ng kabuuan nito. Sagutin at ipaliwanag ang
iyong sagot sa bawat tanong.

I. Gusto kong bumait pero di ko magawa


Gusto kong bumait pero di ko magawa
Gusto kong bumait pero di ko magawa
Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa

IV. Ngunit sa aking ginawa ako’y nasaktan, nalungot


Ako raw ay laki sa layaw, jeproks
May ugaling aso na dehins oks sa itaas
Humingi kaya ako ng tawad, bahala nabukas.

1. Ano ang ibig sabihin ng huling linya sa unang


saknong.”Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.”
Ipaliwanag ang iyong sagot.
_________________________________________________________
_________________________________________________________
____
2. Mayron bang batas na nasusunod ang batang laki sa
layaw? (Saknong IV)
_________________________________________________________
_________________________________________________________
__
3. Bakit kailangang ihingi ng tawad sa Diyos ang maling
gawain o pagkasala?
___________________________________________________________
____________________________________________________________________

Basahin at Unawain

10
Ang Likas na Batas Moral ng Tao
Ang likas na batas moral ng tao ay nababatay sa batas ng Diyos na
nagsisilbing gabay sa pagkilos ng tao upang malaman at maisip kung ano
ang tama o mabuti. Ang likas na batas moral ay napakahalaga dahil ito ay
ang nagsisilbi kung ang kilos ng tao ay nagpapakita ng kabutihan ng
pagkatao. Ayon kay Esteban (1990), ang kahalagahan ng likas na batas
moral ay nakabatay sa Sampung Utos ng Diyos at ito ay unibersal o totoo
sa buong mundo. Ito ay tunay para sa lahat ng lahi o kultura, saan mang
dako sa mundo.
Sa pamamagitan ng batas na ito, ang bawat tao ay may kakayahang
makilala kung ano ang mabuti at ano ang masama. Dahil sa kalayaan
naman, ang tao ay may kakayahang gumawa ng mabuti o masama, may
kakayahan siyang pumili kung ano ang kanyang gusto. Nakaugat ito sa
malayang kilos-loob ng tao dahil ang pagtungo sa kabutihan o sa
kasamaan ay may kamalayan at kalayaan.

Mga Katangian ng Likas na Batas Moral:


1. Batas na Walang Hanggan o Batas ng Diyos (Eternal Law o Divine Law)
Bilang mga Kristiyano, Lumad at Muslim, naniniwala tayo na ang lahat
ng bagay dito sa mundo ay sakop sa batas ng Diyos. Ang Diyos ang siyang
nagtatakda ng lahat ng tungkulin at layunin ng nilikha. Ang batas ng Diyos
ay nagpapakita ng kaniyang kalooban para sa lahat ng tao. Naglalaman ito
ng kaayusan para sa sandaigdigan upang magabayan ang lahat ng tao at
nilikha sa kanilang patutunguhan.
2. Batas Kalikasan (Natural Law)
Ang tao ay binubuo ng kalikasang materyal at espiritwal. Ayon sa mga
aral ni Aquinas, ang mga kalikasang ito ang humubog ng mga batas para
magabayan ang tao ayon sa kung ano ang mabuti at tama. Ang isip natin
ay ginagawa ng Diyos para maging gabay ng tamang pagkilos.
Sinasabi ni Aquinas na “Ang Sampung Utos ng Diyos ay inihahayag
ang simulain ng batas ng kalikasan ng pagkatao. Isinasaad nito ang mga
pamantayan ng mga gawang dapat at hindi dapat.

Ang bawat tao ay may kakayahang makilala kung


ano ang mabuti at ano ang masama.

11
3. Obhetibo
Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa
katotohanan. Ito ay nagmula sa mismong katotohanan – ang
Diyos. Ang katotohanan ay hindi nililikha; kaya hindi ito
imbensyon ng tao. Ito ay natutuklasan lamang ng tao.
Pangkalahatang katotohanan ito na may makatuwirang
pundasyon. Naaayon sa reyalidad ito at hindi nakabatay sa tao.
Hindi ito naiimpluwensyahan ng anumang bagay lalo na ng
pagtingin ng tao dito. Palagi itong umiiral dahil hindi ito
naaapektuhan, kilalanin man ito ng tao o hindi.

4. Pangkalahatan (Unibersal)
Dahil ang Likas na Batas Moral ay para sa tao, sinasaklaw nito
ang lahat ng tao. Nakapangyayari ito sa lahat ng lahi, kultura, sa
lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay dahil nakaukit
ito sa kalikasan ng tao; kaya’t ito ay nauunawaan ng lahat at ito
ay katanggaptanggap sa lahat ng tao.

Ang batas ng Diyos ay nagpapakita ng kaniyang


kalooban para sa lahat ng tao.

Pagyamanin

12
Sundin ang panuto sa bawat aytem. Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon

1. Bigyan ng ibang
interpretasyon. 3. Ipaliwanag: “May mga
“Ang batas ng Diyos ay ang kabataang malakas ang
batas kalikasann at ang likas loob na umiwas sa
na batas moral ay ang batas masama.”
ng lipunan.” ________________________
________________________ _______________________
_______________________ _________________________
_________________________

4. Sa isang sitwasyong
2. Kilalanin ang iyong sarili: sangkot ang kabataan,
patunayan ang kasabihang:
“Gaano ka kasigasig at sa
anong paraan mo matatamo “Maaaring hindi ka
ang katotohanan sa pag- maparusahan sa masamang
aaral ng bbatas ng Diyos at ginagawa sa lipunan ngunin
likas na batas moral? maparurusahan ka pa rin ng
kawalan ng kapangyarihan
________________________ ng isip.”
_______________________ ___________________________
_________________________ ____________________________
____________________________

13
Isaisip

PANUTO: Tukuyin kung ang ginagawa sa araw-araw ay


nakapaloob sa batas moral. Gawing gabay ang tsart. Tayain ang
ginawang balangkas ng mga batas na sinusunod araw-araw para
sa mabuting gawa sa pamamagitan ng sumusunod:
1. Pagkilala ng pananagutan sa pamilya, paaralan, at pamayanan.
2. Pagkilala sa kautusan ng likas na batas moral na batayan ng
bawat natukoy na mabuting gawain.
3. Gamitin ang rubric sa ibaba.

Mga Gawain sa Kautusan ng Batas


Araw-Araw Moral

Halimbawa: Halimbawa:
Pinapakinggan Igalang ang iyong
ang payo ng ama at ina. (Mula sa
magulang Bibliya)
1.Sa tahanan

2. Sa paaralan

3. Sa Paaralan

Rubrik
Iskala ng Pagmamarka: PAMANTAYAN:
5-Napakahusay 1. Lalim ng refleksyon ______
4- Mahusay 2. Tama ang Natukoy ______
3- Katamtaman Ayon sa Batas Moral ______
2-1- Nangangailangan pa ng kasanayan 3. Mapanagutan ______

Kabuuan: ___________________

14
Isagawa

Gawain A.
PANUTO: Buuin ang dayagram sa ibaba at sumulat ng maikling
pagpapaliwanag ng kahalagahan ng Batas moral sa kalayaan ng tao ayon sa
uri nito.Isulat sa loob ng kahon ang iyong sagot.

Batas na Walang Hanggan

Batas Kalikasan

Obhetibo

Pangkalahatan

Gawain B.
PANUTO: Pagninilayan ang konsepto ng pagpapahalaga at sagutin ang
kasunod na tanong. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

Paano makatulong ang batas moral sa tamang


pagpapakatao?

Tayahin

15
I. PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang
titik ng pinakaangkop na sagot.
1. Ang likas na batas moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan
lamang. Ito ay pangkalahatang katotohanan na may makatwirang pundasyon.
Anong katangian ng likas na batas moral ang tinutukoy sa pangungusap?

a. di nagbabago c. walang hanggan


b. Unibersal d. Obhetibo
2. Siya ay naninidigan at nagsasabi na “Ang Sampung Utos ng Diyos ay
inihahayag ang simulain ng batas ng kalikasan ng pagkatao. Isinasaad nito
ang mga pamantayan ng mga gawang dapat at hindi dapat.
a. Aristotle c. Aquinas
b. Cunfuciius d. Luther
3. Ang likas na batas moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat
ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay nangangahulugan na ang likas
na batas na moral ay ________

a. Obhektibo c. walang hanggan


b. Unibersal d. di nagbabago
4. Alin sa sumusunod na batas ang nababatay sa batas ng Diyos na nagsisilbing
gabay sa pagkilos ng tao upang malaman at maisip kung ano ang tama o
mabuti.
a. Batas Militar c. Batas Moral
b. Batas ng Goberno d. Batas ng Bahay
5. Ito ay ang uri ng batas moral na naglalaman ng kaayusan para sa
sandaigdigan upang magabayan ang lahat ng tao at nilikha sa kanilang
patutunguhan.
a. di nagbabago c. walang hanggan
b. Obhektibo d. Unibersal

II. PANUTO: Ipaliwanag ang iyong sagot sa tanong nasa ibaba.


Paano makatutulong ang batas moral sa tamang pagpapakatao?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Rubrik
Iskala ng Pagmamarka: 16 PAMANTAYAN:
5-Napakahusay 1. Lalim ng refleksyon _____
4- Mahusay 2. Tama ang Natukoy _____
Karagdagang Gawain

PANUTO:

Sumulat ng pagninilay tungkol sa natuklasan mo kung paano makatutulong


ang batas moral sa tamang pagpapakatao?. Gawin ito sa iyong dyornal.

Magaling! Matagumpay mo na namang natapos ang napakahalagang


leksyon sa araw na ito. Gamitin palagi ang batas moral upang
magabayan ka sa iyong pagpili ng kung ano ang tama at mabuti.

17
18
Tayahin: Balikan:
1. D 1. /
2. C 2. X
3. B 3. X
4. C 4. /
5. A 5. /
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Learners Module (Pahina 148- 153)
Punsalan, Twila G, et.al. (2013).Paano Magpakatao:Batayan at Aklat sa Edukasyon sa
Pagpapakatao 7. Manila:Rex Bookstore.

https://www.google.com/amp/s/www.bible.com/tl/bible/399/ROM.7.22-23.RTPV05

19
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential
Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay
pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng
SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021.
Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul sa
ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay
ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like