You are on page 1of 24

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 6:
Talento Mo, Tuklasin,
Kilalanin at Paunlarin
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 6: Talento mo, Tuklasin, Kilalanin at Paunlarin
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Michelle L. Pardillo
Editor: April Eve Salvacion
Tagasuri: Reynaldo Tagala, Eps - 1
Tagaguhit: Jeffry C. Paglinawan
Tagalapat: Maylene F. Grigana
Cover Art Designer: Reggie D. Galindez
Management Team: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Gildo G. Mosqueda, CEO VI - Schools Division Superintendent
Diosdado F. Ablanido, CPA - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Cynthia Diaz – REPS, ESP
Donna S. Panes, PhD CID Chief
Elizabeth G. Torres – EPS, LRMS
Judith B. Alba – EPS, ADM Coordinator
Aurelio C. Cagang – EPS, EsP

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 6:
Talento Mo, Tuklasin, Kilalanin at
Paunlarin
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon ng Pagpapahalaga 7 ng


Self-Learning Module (SLM)) Modyul para sa araling Talento Mo, Tuklasin,
Kilalanin at Paunlarin!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon ng Pagpapahalaga 7 ng Self-Learning


Module (SLM) Modyul ukol sa Talento Mo, Tuklasin, Kilalanin at Paunlarin.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito

iv
Alamin

Hello! Kumosta? Sa nakaraang modyul, nakakatuwa na malaman mo


ang mga talento na kaloob saiyo ng Puong Maykapal. Handa ka na ba para
sa susunod na modyul? Hali ka na, umpisahan na natin!
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang
natutuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan:
1. Matutukoy ang mga aspekto ng sarili kung saan kulang ng tiwala
sa sarili.
2. Makagawa ng mga paraan kung paano malalampasan ang
kakulangan ng tiwala sa sarili.
Sa araling ito, inaasahang masasagot mo ang Mahalagang Tanong na:
Paano napakikinabangan ang mga talento at kakayahang iyong taglay sa
pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapwa?

Subukin

Talento Ko, Kalakasan ko


Panuto: Sasagutin ang mga tanong na “Ano ag kahulugan nng
talino o talento? sa pamamagitan ng pagkumpleto sa tsart sa
ibaba.
Talino at Talento
Ano ang kahulugan ng talino o Kailan maituturinnng na
talent? ito aay talino at talent?
________________________________ ________________________
________________________________ ________________________

5
Mga tamang halimbawa ng Paraan upang
talino at talent mapaunlad ang talino at
_______________________________ talennto
_______________________________ _________________________
_________________________

Bituing nagniningning
Panuto: Sa loob ng espasyo ng mga bituin, pumili ka ng iyong
mga katangian at isulat kung paano ito nakatulong sa
pagpapataas ng tiwala mo sa iyong sari

Halimbawa:

Halimbawa:

Sa pamamagitan
ng makatotohanan
sa sarili
natutunan kung
makipagkaibigan .

6
Quarter 1
AKO ITO! MAY TIWALA AKO SA
Week 3
SARILI KO
Session 2

COMPETENCY CODES:
▪ Natutukoy ang mga aspekto ng sarili kung saan kulang siya ng tiwala
sa sarili at nakikilala ang mga paraan kung paano lalampasan ang mga
ito. (ESP7PS-Ic-2.2)

Balikan

Gawain 1 Tungkulin ko bilang ako


Panuto: Sasagutin mo ang tanong na, “Ano-ano ang iyong mga tungkulin
bilang nagdadalaga/nagbibinata? Sa pamamagitan ng pagkumpleto sa tsart
sa ibaba.
Ang aking mga tungkulin bilang Ang aking mga tungkulin bilang
nagdadalaga/nagbibbinata sa aking nagdadalaga/nagbibbinata sa aking
pamilya ______________ komunidad ________________
Halimbawa: Halimbawa:
Tungkulin kung pagsilbihan ang aking Tungkulin kung manatili sa loob ng
mga magulang sa pamamagitan ng bahay sa panahon ng pandemic
paghugas ng pinggan pagkatapos upang mapanatili na covid-free ang
naming kumain. aming komunidad.

1. 1.

2. 2.

3. 3.

Gawain 2: Naniniwala ka ba sa mensahe ng sipi sa ibaba?


Nagagawa mo na ba ito?

Ang bawat tao ay may angking talento, kailangan


lamang may tiwala sa sarili.

7
Mga Tala para sa Guro
• Ang modyul na ito ay naglalaman ng individual na
gawain na angkop para sa mag-aaral. Ito ay
nakapagbibigay ng oportunidad sa bawat indibidwal
na kilalanin, tanggapin, paunlarin at ibahagi ang
sarili sa iba ng may pagmamahal at respeto sa bawat
kapwa tao. Bilang kapwa ko katulong sa paghubog
ng kaisipan at damdamin ng mga kabataan maari
nating yakapin ang buong pagkatao ng bawat mag-
aaral mula sa kani-kanilang sariling karanasan at
magbigay ng positibong pananaw at adhikain sa
buhay ng kabataan, ng kanilang pamilya at ng
lipunan. Nawa’y maging instrumento tayo sa pagbuo
at paghubog ng ganap at tiyak na mabuting nilalang
na may pananalig sa Diyos at tiwala sa sarili’t kapwa
tao. Magbigay daan tayo at maging simbolo ng
pagbabago na nagmumula sa ating sarili bilang
buhay na modelo sa buhay ng bawat kabataang
Pilipino. Manalangin tayo na sa bawat gawaing
nakapaloob dito ito ay kapupuotan ng Dakilang Guro
na atin ay nagpapala at nakabantay. Maari ninyong
basahin ang nilalaman sa link na ito
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-7-
learning-material-in-edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q2 at
maari ding gamitin itong module bilang sagutang
papel o di kaya ay sa ESP notebook

8
Tuklasin

Eskala sa Pagtitiwala sa Sarili


PANUTO: Suriin kung gaano ang tiwala mo sa sarili sa mga
sitwasyon na nasa ibaba. Lagyan ng tsek (/) sa tapat ng bawat
aytem kung ikaw ay may tiwala sa sarili at lagyan naman ng ekis
(X) kung wala.
Mga sitwasyon Ako ito Hindi ako ito
1. Tutulungan mo ang iyong
kapatid o kamag-anak sa
kanilang aralin sa on-line na
asignatura o sa pagsagot ng
kanilang gawain sa modyul.
2. Magpapahayag ka ng iyong
saloobin sa radyo o telebesyon
tungkol sa iyong karanasan sa
panahon ng pademya.
3. Magmumungkahi ka isang
gawain sa iyong tahanan.
4. Pangangasiwaan mo ang mga
gawain sa bahay habang nasa
trabaho ang iyong mga
magulang.
5. Sasali ka sa on-line na mga
gawain o gawain kasama ang
iyong pamilya para sa proyekto
sa EsP.
6. Magbahagi ka sa iyong mga
magulang ng mga ninais mong
gawin na maaring tangihan nila.
7. Sasali ka sa mga proyekto ng
inyong pamayanan na
naghikayat ng suporta ng
kabataan sa panahon ng
pandemya.
8. Nakibahagi ka ng iyong talento
sa ibang tao tulad ng pagkanta,
pagtula at iba pa.

9
Paraan ng Pagmamarka
Bilangin ang kabuuang iskor ng kolumn sa Ako ito at Hindi
ako ito. Tingnan sa ibaba ang paglalarawan o interpretasyon sa
bilang ng iskor upang matukoy ang antas ng iyong pagtitiwala
sa sarili.

Paglalarawan o Interpretasyon
0-2- Hindi pa naisasabuhay ang tunay na pagtitiwala sa sarili.
3-4- Nangangailangan pa ng paglinang sa kakayahan sa
pagsasabuhay ng tunay na pagtitiwala sa sarili
5-6- May kasanayan sa pagsasabuhay ng tunay na tiwala sa
sarili
7-8- Napakabuti sa pasasabuhay ng tunay na tiwala sa sarili.

10
Suriin

Poster, Ako ang bida


Panuto: Gumuhit ng isang poster o larawan na nagpapakita ng
mabuting naidudulot ng pagkakaroon ng positibong pananaw sa
iyong sarili.

Ano ang iyong naiisip o naramdaman tungkol sa gawain?


1. Ano ang maaaring kalabasan ng mga gawain ng isang walang
tiwala sa sarili? Bakit?
2. Paano mo mailalarawan ang taong may tiwala sa sarili?
3. Ipaliwanag kung bakit mahalaga ang pagkakaroon ng
positibong konsepto o pananaw sa sarili?

11
Basahin at Unawain
Mga Kahalagahan ng Mahusay na Pananaw sa Sarili
Ang iyong pananaw sa sarili ay napakahalaga. Nasa iyo
ang pagpili kung tatangapin mo o hindi ang mga positibo o
negatibong pananaw ng ibang tao tungkol sa iyo. Ito ay maaring
nakatulong sa pagpapataas o pagpapababa ng iyong pananaw
sa iyong sarili. Tandaan na ang pananaw ng ibang tao ay may
epekto sa pananaw tungkol sa sarili. Halimbawa sa pamilya, ang
pagkumpara sa iyo ng iyong mga magulang sa magaling,
matalino o masipag mong kababata. Sa media, madalas na
patalastas ay ang magiging kapansin-pansin ka kung ikaw ay
matangkad. Ang ganitong pananaw ay maaring makaapekto sa
paningin mo sa iyong sarili. Dapat mapanuri ka sa pagtanggap
ng mga pananaw ng ibang tao, dahil hindi lahat ay makatulong
sa paghubog ng iyong pananaw sa sarili.
Mga katangian ng Positibong Konsepto sa Sarili
Punsalan, Twila G. (2019).Paano Magpakatao:
Batayan at Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7.

1. Madaling Makiangkop. 3. May Pagnanais na Magbago.


Ito ay ang katangiang may Ang taong may positibong
kakayahang makiangkop sa pananaw sa sarili ay laging handa
pagbabbagong hiningi ng sa pagbabago tungoo sa
pagkakataon. Ito ay may malawak pagpapakabuti. Taglay ng
na pananaw at kakayahang katangiang baguhin ang sarili
tumanggap sa mga puna ng iba. anng kakayahan- pagtanggap at
pagiging bukas—loob.

4. May Sapat na Kasanayan para


sa Pagbabago.

2. Makatotohanan. Tandaan na ang pagbabago


sa sarili ay isang mahabang
Ito ay isa sa positibong proseso . Mahalagang prosesong
katangian sa pagkakaroon ng introspeksiyon,, pakikipag-usap
makatotohanang pananaw o sa sarili, pagtanggap sa sarili,
persepsiyon tungkol sa sarili. pagkabukas-loob, pagpapahayag
Kailangang maging batayan nito ng sarili, at apirmasyon o
ang iyong mga karanasan o mga pagsang-ayon sa sarili. Ang
kilos, salita, o gawa. Ito ay ang introospeksiyon o pagsusuri ng
makatotohanang pangyayaring sarili ay isang prosesoo ng
naganap sa sarili. pagkakaroon ng malalim nnna
kamalayan at pagkakaroon ng
malalim na kamalayan at
12 pagkilala sa sarili.
Mga Hakbang Tungo sa Pagpapaunlad ng Tiwala sa Sarili

1. Mahalin mo ang iyong sarili. Marunong kang tumanggap


kung sino at ano ang mayroon ka. Ang pagmamahal sa sarili
ay ang pagtanggap ng iyong kalakasan at kahinaan. Ito ay ang
pagbigay halaga sa buhay na pinagkaloob sa iyo ng Diyos.
Ang pagmamahal sa sarili ay ang pagmamahal din sa kapwa.
Kung paano mo pinapahalagahan ang iyong sarili ganon na
din ang pagpapahalaga mo sa ibang tao.

2. Gawing batayan ang iyong mga kalakasan at katatagan sa


pagganap ng mga tungkulin. Mahalagang mapatibay mo
ang iyong tiwala sa sarili. Mahalagang linangin mo ang tiwala
sa sarili. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagkilala sa
iyong kalakasan, talento, kasanayan, at magandang ugali.
Hindi kailangang ikumpara ang sarili sa iba dahil bawat isa
ay biniyayahan ng Puong Maykapal ng taalento at
kalakasan.

3. Magtala ng makatotohanang gampanin sa sarili. Magplano


at magpasiya kung ano ang gusto mong makamit para sa
ikabubuti at ikauunladng iyong sarili. Ang mga tao na may
maliwanag na hakbang at pamaraann upang maabot ang
mga layunin itinakda ay nagiging matagumpay. Bago ka
kumilos ay nararapat lang na mayroon kang angkop na
kasanayan at kakayahan upang marating mo ang iyong
mitihin sa buhay.

4. Makipag-ugnayan at makipagkaibigan sa mga taong


makakatutulong sa iyo upang magkaroon ka ng
positibong pananaw at tiwala sa sarili. Piliing makihalobilo
at makisama sa mga taong may tiwala saiyo dahil sila ang
mga taong nakapagpapalakas ng iyong loob upang harapin
ang iyong gampanin. Sila din ng mga taong naniniwala at
matitiwala sa iyong kakayahan at talent. Hinndi
makatutulong sa pagpapataas ng tiwala mo sa iyong sarili
ang mga taong may negatibong pananaw sa buhay.

5. Iwasang bigyang at isiping mapasaya ang lahat na tao.


Gaano man kabuti ang iyong ginagawa at gaano man ka
ganda ang iyong hangarin, hindi lahan ng tao ay iyong
mapasaya. Isipin mo na lang kung ano ang makabubuti para
sa lahat at para sa iyong sarili. Ang patuloy na pagpupumilit
na mabigyang kasiyahan at ang lahat ng tao ay magdudulot
ng pagkabigo. Magtiwala sa sarili at gawing inspirasyon ang

13
iyong mabuting hangarin hindi ang pagbibigay kasiyahan sa
lahat na tao.

6. Makilahok at makibahagi sa mga makabuluhang samahan


o programa. Magpili ng mabuting mga organisasyon o
samahan na nagdudulot ng kabutihan. Ang pagsali sa mga
organisasyon ay magbibigay saiyo ng pagkakataon na
makibahagi ng iyong mga talento at kakayahan. Ito din ang
magdudulot ng kasiyahan at maitaas ang iyong tiwala sa
sarili.

7. Ugaliin ang may tiwala at pananalig sa Puong Maykapal sa


kahit anong gawain. Sa ano mang gawain, maliit man o sa
malaking bagay tandaaan na kung wala ang Diyos wala
tayong magagawa, pero pagkasama natin siya at may
pananalig tayo, magkakaroon tayo ng lakas na loob at
kaalaman sa ating sarili at sa ano mang gawain. Ayon sa sa
Banal na kasulatan ng mga Krisyano, sinasabi sa Salawikai
1:10, “Ang pagkatakot sa Panginoon ay pagsimula ng
karunungan at pagkakikaka sa Banal ay kaunawaan.”

Napakahalaga at napakalaki ng tulong ng pagkakaroon ng


positibong konsepto at tiwala sa sarili. Ang taong may tiwala sa
sarili ay madaling makatanggap ng mga pagbabagong nagaganap
sa sarili. Hindi agad sumusuko sa mga pagsubok dahil may
tiwala siya na malampasan ang mga ito.

14
Pagyamanin

PANUTO: Buuin ang mga pangungusap sa loob ng espasyo.

Ang positibong konsepto ng sarili ay nahuhubog sa pamamagitan


ng pagkakkaroon ng mga katangian tulad nng _______________________,
_____________________ at _______________.
Gaano man kahirap ang gawain o sitwasyon, ito ay napagagaan
kapag ang tao ay may sapat na ______________________.

Ano ang kaugnayan ng pagkakaroon ng positibong pananaw at


tiwala sa sarili sa wastong pamamahala sa mga pagbabbbago at
pagharap sa tungkulinn ng mga kabataan?

Paglalagom ng mga Natutuhan:

• Napakahalaga ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa iyong


sarili dahil ito ay nangangahulugan ng patitiwala sa iyong mga
kakayahan at talino.

• Ang pagkakaroon ng tiwala o kompyansya sa iyong sarili ay


makakamtan kapag nagggagampanan ang mga gawain nang buong
husay at galling.

• Ang positibong konsepto o pananaw sa sarili ay nakatulong sa


pagharap ng mga pagbabago. Ang taong may tiwala sa sarili ay
hindi agad sumusuko sa mga pagsubok dahin naniniwala siya sa
kaniyang sarili na malampasan at mapagtagumpayan ang mga ito.

15
Isaisip

PANUTO: Tukuyin mo ang mga paraang iyong ginagawa upang maitaas ang
tiwala mo sa iyong sarili. Isulat ang iyong sagot sa loob ng
kahon sa ibaba.
Halimbawa: Binibigyan ko ng halaga ang aking sarili bilang
isang mabuting tao.

Tiwala
sa
Sarili

16
Isagawa

Tsart ng Plano para sa Pagpapakatao Bilang Kabataan


PANUTO: Gumawa ng tsart para sa pagbuo ng plano sa
pagpapakatao bilang kabataan. Sa unang kolumn, isulat
ang tiyak na hakbang para mapagtibay ang positibong konsepto
ng iyong sarili. Sa pangalawang kolumn naman ay itala ang mga
tiyak na hakbang para sa pagkakaroon ng mataas na tiwala sa
sarili.
Mga Tiyak na Hakbang Mga Tiyak na
para Mapagtibay ang Hakbang para sa
Positibong Konsepto ng Pagkakaroon ng Mataas
iyong Sarili. na Tiwala sa Sarili.

Halimbawa: Halimbawa:
Pagnais na magtiwala sa Pagmamalaki sa sariling
aking sarili ng kakayahan. kakayahan.

1. __________________________ 1. __________________________
2. __________________________ 2. __________________________
3. __________________________ 3. __________________________
4. __________________________ 4. __________________________
5. __________________________ 5. __________________________

Rubric
Gamitin ang rubric na nasa ibaba pasa sa patataya ng “Mga Tiyak na
Hakbang para Mapagtibay ang Positibong Konsepto Mataas na Tiwala sa
Sarili ng iyong Sarili.”
Pamantayan Antas 1 Antas 2 Antas 3 Antas 4
Malinaw na Hindi May isang May dalawang Maliwanag ang
hakbangin malinaw ang malinaw na malinaw na tatlo at higit pang
hakbangin hakbagin hakbangin hakbang
Makatotohanan Hindi original May isang May dalawang May tatlong
ng hakbangin nahakbangin original original original
nahakbangin nahakbangin nahakbangin
Nababagay sa Hindi angkop May isang May dalawang Angkop ag gulang
gulang ang mga sa gulang ang hakbangin na hakbangin na ang tatlo at higit
hakbangin mga angkop ang angkop sa pang hakbanngin
hakbangin gulang gulang

17
Tayahin

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem. Isulat ang


titik ng tamang sagot.
________1. Alin sa sumusunod ang organisado at magkaugnay na mga
katangian tungkol sa sarili?
A. Pananaw sa Buhay C. Pagkabuo sa pagkatao
B. Pananaw sa Sarili D. Kosepto sa sarili
________2. Ito ay ang katangian ng mahusay na konsepto sa sarili na may
makatotohanang pananaw tungkol sa sarili batay sa karanasan o
mga kilos, salita o gawa.
A. Panalig sa sarili C. Pagnanais na magbago
B. Makatotohanan D. Kasanayan sa sarili
________3. Alin sa mga sumusunod na konsepto sa sarili na nagsasabing
ang pagbabago sa sarili ay isang mahabang proseso . Mahalagang
prosesong introspeksiyon,, pakikipag-usap sa sarili, pagtanggap
sa sarili, pagkabukas-loob, pagpapahayag ng sarili, at apirmasyon
o pagsang-ayon sa sarili.
A. May Sapat na Kasanayan para sa Pagbabago.
B. May pagnanais na magbbago
C. Ang Madaling Makiangkop
D. May Makatotohanan
________4. Si Martha ay napakagaling sa mathematics ngunit may problem
siya sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao, dahilang malimit siyang
lumalabas sa kanilang tahanan upang makakilala ng mga kaibigan.
Alin sa mga katangian ng positibong kosepto sa sarili ang
kinakailang niya upang matulungan ang kanyang pangangailangan
sa pakikipagkapwa?
A. Makatotohanan
B. Madaling Makiangkop
C. May pagnanais na magbago
D. May sapat na kasanayan sa pagbabago

18
________5. Ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa iyong sarili ay
nangangahulugan ng ______________________________ .
A. maorganisadong tao sa pagharap ng hapon sa buhay
B. may tungkulin na dapat gampanin sa sarili
C. may tiwala sa iyong kakayahan at talino
D. may tunguhin ka para sa kapwa

Karagdagang Gawain

PANUTO: Ipaliwanag kung paano mo maisasabuhay ang kasa


kasabihang ito:

“ Sarilin kakayahan at talino ay pagtiwalaan mo upang


pananaw ay maging positibo. “
-Resty dela Cruz

19
20
Tayahin ang iyong Pag-unawa:
1. D
2. B
3. A
4. B
5. C
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Learners Module (pahina 35-41)

Punsalan, Twila G. (2019).Paano Magpakatao:Batayan at Aklat sa


Edukasyon sa Pagpapakatao 7. Manila:Rex Bookstore.

Search.yahoo.com/search;_ylt=Awr9CWyqHBFfJ90ALxlXNyoA;_ylc=X1MDMjc2NjY3
OQRfcgMyBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2ItdG9wBGdwcmlkAzdVT2xjSEZoU19PeEsycS
5NSEpsa0EEbl9yc2x0AzAEbl9zdWdnAzEEb3JpZ2luA3NlYXJjaC55YWhvby5jb20Ec
G9zA

21
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihikayat
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

22

You might also like