You are on page 1of 32

5

Filipino
Unang Markahan – Modyul 6:
Pagsasalaysay at Pagbibigay ng Paksa
ng Napakinggang Kuwento o Usapan
Filipino– 5
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 6: Pagsasalaysay at Pagbibigay ng Paksa ng
Napakinggang Kuwento o Usapan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Development Team of the Module


Writers: Rey A. Maderas, Tessie P. Pelaez, at Irene C. Balinbin
Editors: Teresa P. Dagnaos
Reviewers: Lorelie C. Salinas at Mercidita G. Antenor
Illustrator: Tracy Joy D. Palmares
Layout Artist: Madonna L. Sua
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Management Team: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Ruth L. Estacio, CESO VI - Schools Division Superintendent
Carlos G. Susarno - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera– Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, SLM
Leonardo B. Mission- REPS – Subject Area Supervisor
Lalaine SJ. Manuntag- CID Chief
Nelida A. Castillo- EPS In Charge of LRMS
Marichu R. Dela Cruz - SLM Coordinator
Hermie M. Jarra-EPS – Subject Area Supervisor

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
5

FILIPINO
Unang Markahan – Modyul 6:
Pagsasalaysay at Pagbibigay
ng Paksa ng Napakinggang
Kuwento o Usapan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 5 Self-Learning Module (SLM)


para sa araling Pagsasalaysay at Pagbibigay ng Paksa ng Napakinggang Kuwento
o Usapan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 5 Self-Learning Module (SLM)


para sa araling Pagsasalaysay at Pagbibigay ng Paksa ng Napakinggang Kuwento
o Usapan.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat upang matutuhan mo ang pagsasalaysay muli


ng napakinggang teksto sa tulong ng mga pangungusap at maibibigay ang paksa
ng napakinggang kuwento/usapan. Iyong mababatid sa tulong ng iba’t ibang
gawain
Ang modyul na ito ay nahahati sa apat na aralin. Ito ay ang mga sumusunod:
Aralin 1 – Ang Alamat ng Niyog
Aralin 2 – Si Onyok ang Batang Siga
Aralin 3 – Ang Alaga ni Ruth
Aralin 4 - Covid 19- Ang Pandemya
Mahalagang Pamantayan Pangnilalaman:
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Nakapagsasalaysay muli ng napakinggang teksto sa tulong ng mga
pangungusap, F5PS-IIh-c-6.2
2.Nakapagbibigay ng paksa ng napakinggang kuwento o usapan,F5PN-Ic-g-7
Bago magsimula sa ating aralin, subukan mong sagutin ang mga
sumusunod na gawain upang malaman natin ang dati mong kaalaman na may
kaugnayan sa araling pag-aaralan.

Subukin

A. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong at bilugan ang titik ng


wastong sagot.
Pagbibigay Kahulugan ng Salita
1. Noong unang panahon may mag-asawang taimtim na nagdarasal na
magkaroon ng anak.
A. madamdamin C. walang pagkukunwari
B. buong tapang D. ubod nang lakas
2. Busilak ang kaniyang puso dahil madali niyang napatawad si Onyok.
A. dalisay B. magara C. matingkad D. kumikinang
3. Dapat nating isadiwa at isapuso ang mga aral na dulot ng kuwentong ito.
A. gawin B. yakapin C. isipin D. iwasto
4. Nararapat lang ang pasyang siya’y ipakulong.
A. desisyon B. sagot C.petisyon D. karapatan
5. Ilang buwan ang nagdaan at may kakaibang halaman ang umusbong sa
pinaglibingan kay Petra.
A. lumabas B. namatay C. nalanta D. tumubo
6. Ano ang tawag natin sa pamilya ng mga virus na nagdudulot ng sakit
mula sa karaniwang sipon hanggang sa malubhang sakit?
A. Polio B. Cancer C. Covid-19 D. MERS
7. Isa sa mga pinaglilihian ni Petra ay ang prutas na hugis bilugan na may
________ sa loob at may puting laman.
A. buto B. laman C.mabaho D. tubig

1
8. Maraming pinaglilihiang pagkain si Petra ngunit may isa siyang prutas na
gustong kainin. Ito ay may tubig at _____ na laman.
A. dilaw B. puti C. berde D. pula
9. Sa patuloy na panghihina ni Petra siya ay namatay at inilibing ni Pedro sa
kanilang__________.
A. bukirin B. bakuran C. likod bahay D. silong
10. Tumubo ang isang matayog na puno sa lugar ng pinaglibingan kay Petra. Alin
sa mga pagpipilian ang maaaring maging susunod na pangyayari?
A. Nagkasakit si Pedro at namatay rin.
B. Paglipas ng panahon ito ay namunga at tinikman ni Pedro.
C. Pinangalanan niya ng Petra ang puno bilang pag-alala sa asawa
D. Pinutol ng mga tao ang puno.

2
Aralin

1 Ang Alamat ng Niyog


Kumusta? Ang makapagsasalaysay muli ng tekstong napakinggan ang
pangunahing layunin ng araling ito sa tulong ng mga pangungusap. Ating hihimay-
himayin ang mga pangyayari sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga
pangungusap ayon sa pagkakasunod-sunod nito para mas maging madali ang
pagsasalaysay muli nito pasulat man o pasalita.
Sa araling ito maisasagawa mo ang iba’t ibang gawain at kasanayan para
mas lalo mong mapaunlad ang iyong kakayahan sa pagsasalaysay muli ng
napakinggang teksto.
Pagkatapos mong mapag-aralan ang araling ito, ikaw ay inaasahang:
a. Nakapagsasalaysay muli ng napakinggang teksto sa tulong ng mga
pangugusap.
b. Nakasasagot ng mga tanong mula sa napakinggang teksto

Balikan

Sa ating nakaraang aralin, napag-aralan natin ang ukol sa


pagsusulat ng talata. Natutunan natin ang pagsulat ng talata
tungkol sa isang paksa o isyu.

Gawain 1.1

Panuto: Sa tulong ng graphic organizer, isulat ang pagkakasunod-sunod ng mga


pangyayari ng tekstong napakinggan noong nakaraang aralin gamit ang sariling
salita. 5
4h
3 h tt
2 h t p
1 h t t s:
2 t t p/
h t ang
Sinasabing p niyog
s / ay puno ng buhay dahil sa napakaraming bagay o
t p s
pakinabang na makukuha
: w mula rito. Titingnan nga natin kung maibibigay mo ang
mga pakinabang
t s : nito/ wsa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga sumusunod na
gawain. : / /w
p
s / / w .y
: / w wo
/ w w wu
3
/ w w . t
w w . yu
w . y ob
Gawain 1.2

Panuto: Isulat sa patlang ang mga bagay o pakinabang na makukuha


mula sa puno ng niyog.

Ang Alamat ng Niyog

Noong unang panahon may mag-asawang taimtim na nagdarasal upang


magkaroon ng anak. May ilang taon ng nagsasama ang mag-asawang Pedro at
Petra ngunit wala pa rin silang supling.

Nawawalan na ng pag-asa ang mag-asawa nang sa wakas ay nabuntis si


Petra. Ngunit maselan ang kanyang pagbubuntis. Halos buong hapon siyang
nakahiga lamang sapagkat palagi siyang nahihilo at naduduwal. Hindi lamang
iyon, marami rin siyang hinihiling na kainin. Dahil sa matagal nilang hinintay ang
magkaroon ng anak, ibinibigay ni Pedro ang lahat ng pinaglilihian ng kanyang
asawa.
Isang araw, may iba na namang pinaglilihian si Petra. Gusto raw niya ng
prutas na bilugan ang hugis at sa loob nito ay may tubig at may puting laman na
parehong ubod ng sarap at nakakabusog. Naghanap si Pedro ng prutas na sinasabi
ng kanyang asawa ngunit wala siyang makita na may ganoong paglalarawan.
Umuwi si Pedro na bigo sa paghahanap ng nasabing prutas.
Dahil hindi nakakain ng pinaglilihian niyang prutas ay dinamdam ito ni
Petra. Siya ay unti-unting nanghina at nagkasakit. Patuloy na nanghina si Petra at
di kalaunan ay namatay. Dahil sa lungkot, inilibing ni Pedro ang asawa sa kanilang
likod bahay. Ilang buwan ang nagdaan at may kakaibang punong umusbong sa
pinaglibingan kay Petra. Inalagaan ito ni Pedro dahil naalala niya ang yumaong
asawa.
Dumaan ang dalawang taon at nagkabunga ang halaman na ngayon ay isa
ng matayog na puno. Kumuha ng bunga si Pedro at nang biyakin niya ito ay may
tubig at puting laman. Tinikman ni Pedro ang prutas at ito ay ubod ng sarap. Muli
niyang naalala ang prutas na pinaglihian ni Petra noon na ganoon-ganoon nga ang
pagkalalarawan. Sa pagkakataong iyon, alam niya na ang puno ay ang kanyang
namayapang asawa na si Petra. At iyon na nga ang naging unang prutas na niyog.
Para sa iyong dagdag kaalaman hinggil sa alamat.

4
Suriin

Gawain 1.3
Panuto: Ipaliwanag ang inyong sagot sa mga sumusunod na tanong. Isulat ang
sagot sa patlang.
1. Bakit nagkasakit si Petra sa kuwento?

2. Kung ikaw si Pedro, paano mo maililigtas sa pagkakasakit si Petra?

Pagyamanin

Ngayon susubukan natin ang iyong husay sa pagkukuwento muli ng


napakinggan/nabasang alamat.

Gawain 1.4
Panuto: Isalaysay muli ang napakinggan/nabasang alamat sa tulong ng mga
pangungusap. Isulat ang mga pangyayari sa loob ng kahon.

Panimula 1 Gitna 2

Wakas
3

5
Isaisip

Magaling! Aalamin natin ngayon ang iyong mga natutunan mula sa araling ito.

Gawain 1.5
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Paano nga ba maisasaayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ayon


sa napakinggan o binasang teksto?
__________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsasalaysay ng napakinggang teksto?
__________________________________________________________________________

Isagawa

Ngayon aalamin natin ang iyong husay sa pagsasalaysay muli ng alamat


ng niyog. Handa ka na ba?

Gawain 1.6
Panuto: Isalaysay muli ang alamat ng niyog sa tulong ng graphic organizer.

Karagdagang Gawain

Para mas lalo pang mahasa ang iyong kakayahan sa pagsasalaysay muli ng
napakinggang teksto narito ang dagdag na gawain.

Gawain 1.7

Panuto: Subukang makinig ng kuwento mula sa iyong lolo’t lola o kaya’y sa


magulang at gawan ito ng balangkas ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Isulat ang iyong sagot sa ibaba_______________________________________________

6
Aralin

2 Si Onyok ang Batang Siga

Magandang araw mga minamahal kong mag-aaral! Handa na ba kayo sa


ating panibagong aralin ngayong araw? Ating tatalakayin ang pagbibigay ng paksa
ng napakinggang kuwento. Halina, making at matuto.

Pagkatapos ng araling ito inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:

1. Naibibigay ang paksa ng napakinggang kuwento.

2. Nasasagot ang mga tanong hinggil sa kuwento.

Balikan

Sa nakaraang aralin ay natutuhan mong magsalaysay ng napakinggang


teksto sa tulong ng mga pangungusap. Binabati kita sa iyong ipinamalas na
kahusayan! Ngayon, sagutin mo ang tanong sa Gawain 2.1.
Gawain 2.1:
Panuto: Isulat ang napakinggan o narinig na balita sa inyongmga radyo at
telebisyon. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

Tuklasin

Natutunan mo na at magaling ka na sa pagsasalaysay ng napakinggang


teksto sa tulong ng mga pangungusap. Binabati kita sa iyong ipinamalas na
kahusayan. Maaari mo nang simulan ang ating bagong aralin sa “Pag-aralan Natin.
Panuto: Basahin ang talata mula sa kuwento ni Eloisa V. Diez.

Si Onyok ang Batang Siga


Iginuhit nina: Raffy Clark T. Venus at Eloisa V. Diez
Lunes ng umaga.
“Magandang umaga,” ang animo’y nakangiting bati ni Haring Araw sabay
sabog ng kanyang liwanag. Tik-tak-tik-tak ang tunog ng orasan.
Ngunit ito si Onyo himbing na himbing pa sa kaniyang tulog. “Onyok, anak
gising na ,mahuhuli ka na naman sa klase mo,”ang malakas na tawag ni Nanay
Edes habang inihahanda ang baon ni Onyok. Ngunit si Onyok walang narinig.
Patuloy ang paghilik sa sarap ng pagtulog.

7
Hinihingal na nakarating sa paaralan si Onyok. Dahan-dahan siyang
pumasok sa klasrum ngunit napansin siya ni Titser Teri. “O,Onyok, andiyan ka
na pala ? Bakit nahuli ka na naman?” tanong ni Titser Teri.
“A, eh kasi , kasi...kasi,” nalilitong sagot ni Onyok. Ngunit hindi na niya
naituloy ang kanyang sasabihin habang kumakamot sa ulo .
Sige na Onyok, maari ka nang umupo sana bukas
maagap ka na ha?” ang mahinahong bilin at paalala ni
Titser Teri.
Sa loob ng klasrum, ilang minuto ang nakalipas.
Pasikretong kinuha ni Onyok ang lapis ni Rene. Maya-
maya naman ay itinali niya sa bangko ang bag ni Susan.
Sinipa papalayo ang tsinelas ni Dino at pangiti-ngiti
niyang nilagyan ng bubble gum ang buhok ni Grace.
Palinga-linga sa likod , sa gilid at tila pangiti-ngiti at
parang kinakati ang kamay na nagbabadyang may balak
pang gawin.
Matapos ang reses, isa-isang nagreklamo ang mga bata kay Titser Teri,
sinuntok daw siya ni Onyok nang hindi nito ibigay ang kanyang baon sumbong ng
isang batang mag-aaral sa unang baitang. Itinakbo rin ni Onyok ang isang tumpok
na lastiko ni Bert habang naglalaro sila. Itinapon daw ni Onyok ang tsinelas ni
Gardo ng matalo ito sa laro. Siniko daw siya ni Onyok para sumingit sa pila sa
kantina.
Matapos ang tanghalian, nagpahinga si Onyok Sa isang kubo na kung
tawagin ay Peace Hub. Tahimik at malamig ang simoy ng hangin dahil sa mga
punong nakapalibot dito. Napansin niya ang maraming karatulang nakapaskil sa
mga puno lahat ay tungkol sa pagiging mabuting tao at pagpapanatili ng
kapayapaan na pinagkibit balikat niya lang.
Ilang sandali ay may narinig siyang parang may nag-uusap. May isang
pagpupulong sa Peace Park. Sumilip, siya at minabuti niyang makinig.
Nakita niya ang grupo ng mga hayop at grupo ng mga batang mag-aaral na isa-
isang nagsusumbong sa isang napakagandang diwata na tinawag nilang Reyna ng
Kapayapaan.

Gawain 2.2
Panuto: Sagutin ang mga tanong kaugnay sa binasang kuwento. Isulat ang
iyong sagot sa patlang na inilaan.
1. Anong ugali mayroon ang batang si Onyok?
2. Humingi ba ng tawad si Onyok sa mga kasalanang ginawa niya? Paano siya
humingi ng tawad sa kanila?
3. Ano ang pinapaksa ng kuwentong ito?

Suriin

Nabasa at napakinggan mo ang ating kuwento. Maari mo nang simulan ang


ating bagong aralin sa “Gawain 2.3”.
Gawain 2.3
Panuto: Tukiyin ang paksa ng kuwento batay sa pangyayari. Isulat ang sagot
a patlang.

8
1. Ilang sandali ay may narinig siyang parang nag-uusap. May isang pagpupulong
sa Peace Park. Sumilip siya at minabuti niyang making. Nakita niya ang mga
hayop at grupo ng mga mag-aaral na isa-isang nagsumbong sa isang
napakagandang diwata na tinawag nilang Reyna ng Kapayapaan.
Ano ang paksa ng pangyayaring ito?________________________
2. Narinig ko ang lahat. “ Batid ko na labis ko kayong nasaktan, humihingi po
ako ng tawad sa inyong lahat. Ipinapangako ko po na hindi na mauulit
yon,”umiiyak na wika ni Onyok. At isa-isa niyang pinuntahan ang kaniyang
nasaktan at humingi ng paumanhin.
Ano ang paksa ng pangyayaring ito?___________________________

Pagyamanin

Gawain 2.4

A. Panuto: Batay sa narinig mong kuwento at batay sa larawan, ano kaya ang
paksa ng mga pangyayaring ito? Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. ________________ 2. _______________ 3. _______________

Isaisip

Gawain 2.5
Panuto: Buuin ang mga sumusunod na pangungusap at punan ng wastong
salita ang mga patlang.
Ang paksa ay isang mahalagang 1.______________ng isang 2. _____________
na tumutukoy sa 3.__________, o di kaya naman ay ang 4. __________ o kaisipan. Ito
ay nagpapahiwatig sa kung ano ang nais ilahad ng may akda.
Ito ay nangangahulugan nang buong diwa kung saan dito umiikot ang
bawat pangyayari na tinatampok sa kuwento. Ito ang binibigyan ng tuon o buong
atensiyon sa mga pangyayari. Ito ay tinatawag ding 5.______________.

9
Isagawa

Gawain 2.6
Panuto: Ikahon ang paksa ng kuwento sa bawat pangyayari.
1. Ang COVID-19 ay talagang mapanganib. Kapag hindi ito naapula, mabilis
humina ang ating resistensiya, hindi natin nakikita ang ating kalaban at kung
kailan ito aatake sa ating katawan.
2. Gusto ng kaniyang magulang na tumigil siya sa pagtatrabaho bilang isang nars.
Natatakot kasi ang kaniyang mga magulang sa COVID-19 at mawalan sila ng
pinakamamahal nilang anak.

Tayahin

Gawain 2.7
Panuto: Tukuyin ang paksa ng mga sumusunod na pangyayari. Bilugan ang
Titik ng wastong sagot.

1. Ang kandilang may sindi ay hindi laruan. Ito ay maaaring dahilan


ng sunog. Makabubuting ilayo ito sa mga bata. Kunin mo ang flashlight.
A. Kunin mo ang flashlight.
B. Makabubuting ilayo ito sa mga bata.
C. Ang kandilang may sindi ay hindi laruan.
D. Ito ay maaaring dahilan ng sunog.
2. Kapag ang damit ay nasusunog, huwag mataranta o tumakbo. Lalo lamang
itong magliliyab. Ang pamatay-sunog ay darating na. Humiga sa lupa at
magpagulong-gulong upang mamatay ang apoy sa nasunog na damit.
A. Lalo lamang ito magliliyab.
B. Ang pamatay sunog ay darating na.
C. Kapag ang damit ay nasusunog, huwag mataranta o tumakbo.
D. Humiga sa lupa at magpagulong-gulong upang mamatay ang apoy.
3. Kaysarap ng hangin sa bukid. Si Benjie ay nasa ospital. Ipinagagamot niya
ang paso sa kanyang kamay. Hinahawakan kasi niya ang mainit na plantsa.
Pinaalalahanan na siya ni Nanay subalit hindi siya nakinig.
A. Si Benjie ay nasa ospital.
B. Kaysarap ng hangin sa bukid.
C. Hinahawakan niya ang mainit na plantsa.
D. Ipinapagamot niya ang kaniyang paso sa kanyang kamay.
4. Ang loob ng bahay-langgam ay may mga kuwarto at daanang magkakaugnay.
Mistula itong apartment. Ginagawa ng mga langgam ang mga kuwarto at
daanan sa pamamagitan ng paghukay, gamit ang kanilang paa.
A. Ang bahay ng langgam.
B. Mistula itong apartment.
C. Ginagawa ng mga langgam ang mga kuwarto.
D.Ginagawa nilang daanan sa pamamagitan ng paghukay, gamit ang
kanilang paa.

10
5. Ang kasipagan ng langgam ay ugaling kahanga-hanga. Kung ito’y ating
pamarisan, matututo tayong gumawa nang sama-sama at tulong-tulong. Ito
ay mabisang paraan upang buhay natin ay maging maunlad.
A. Magsipag tayo.
B. Matuto tayong gumawa nang sama-sama at tulong-tulong.
C. Ang kasipagan ng langgam ay ugaling kahanga-hanga.
D. Ito ay mabisang paraan upang buhay natin ay maging maunlad.

Karagdagang Gawain

Gawain 2.8

Panuto: Tukuyin ang paksang inilalahad sa larawan. Isulat ang sagot sa


patlang.

___________________________________________________________________________

11
Aralin
Ang Alaga ni Ruth
3
Magandang araw kaibigan. Kahapon mahusay nating napag-aralan ang
pagbibigay ng paksa ng napakinggang kuwento. Sa pagpapatuloy ng araling ito,
ating matutunan ang pagtukoy ng detalye na sumusuporta sa pangunahing diwa o
paksa ng kuwento. Maging handa at galingan mo ang pagsagot sa mga tanong.

Sa araling ito inaasahang magagawa mong:


1. Natutukoy ang detalye na sumusuporta sa pangunahing diwa o paksa ng
kuwento.

Balikan

Naintindihan mo na at may ideya ka na sa pagbibigay ng paksa ng kuwento.


Malugod kitang binabati sa ipinakitang sipag at tiyaga sa ating leksiyon. Bago tayo
tutungo sagutin mo muna ang mga gawain sa Gawain 3.1.

Gawain 3.1:

Panuto: Basahin ang talata at tukuyin ang paksa nito. Isulat ang sagot sa
patlang.

Ang asong gubat naman ay nag-iisip pa kung ano ang gagawin niya.
Nakarating na ang mga mangangaso ay natataranta pa sa pagtakas ang asong
gubat. Nahuli tuloy siya. Hinila siya patungo sa kanyang kamatayan.

Paksa:

12
Tuklasin

Mahusay mong nasagot at magaling ka na sa pagbigay ng paksa batay sa


leksiyong tinalakay. Binabati kita sa iyong husay at galing! Maaari mo nang
ipagpatuloy ang ating aralin sa Pag-aralan Natin.

Pag-aralan Natin

Ang Alaga ni Ruth


(Maikling Kuwento)
Ang pagtanaw ng utang na loob ay makikita kahit na sa hayop.
Sabado ng umaga.
Maagang nagising si Ruth. Nakagawian niyang tumulong sa pagwawalis ng
bakuran kapag walang pasok.
Di-kaginsa-ginsa’y may narinig siyang mahinang tahol.
“Aw! Aw! Aw!”
“Parang tuta iyon ngunit wala naman kaming tuta.”
Agad niyang binuksan ang kanilang trangkahan. Sa may gilid ng mga
halamang San Francisco, may nakita siyang nakabaluktot. Agad niyang nilapitan
ito.
“Tuta! Itim na tuta! Kawawa naman! Nangangaligkig sa ginaw. Halika nga.”
Tuwang-tuwang niyakap ni Ruth ang tuta. Umingit-ingit ito nang
naramdaman ang init ng katawan ng bata. Dinala ni Ruth sa kusina ang tuta at
binigyan ng gatas. Nakita siya ng ina.
“Naku, baka may dalang sakit iyan! Itinapon siguro iyan. Saka baka mangagat.”
“Pabakunahan po natin, Nanay. Kawawa naman po kung pabayaan ko sa
labas. Doon ko po siya palalakihin sa garahe,” samo ni Ruth.
“Hintayin natin may maghanap. Kung wala ay pababakunahan natin sa
Health Center at nang ligtas siya kahit mangagat,” sabi ng ina ni Ruth.
“Opo,” Tuwang-tuwa na sabi ni Ruth.
Mula noon, naging lalong masigla ang magkapatid na Ruth at Totoy. Nilinis
nila ang isang bahagi ng garahe na naging bahay ni Tootsie, ang kanilang alaga.
Kung walang pasok, ipinapasyal nila si Tootsie sa loob ng bakuran. Lagang-alaga
nila si Tootsie.
Nang malaki na si Tootsie, ibinili na nila ng tali dahil nakakagala na.
Natatakot sila na baka makawala ito.
Isang gabi, mahimbing ang tulog nina Ruth at Totoy. Kakatapos lamang ng
eksamen nila. Maghapon iyon at lubusang napagod ang dalawa. Dakong
hatinggabi, nagising ang dalawa at sa tahol ni Tootsie. Naalimpungatang lumabas
sila ng silid. Nakita nilang magkasabay na lumabas din ang Tatay at Nanay nila.
“Ruth, ano bang nangyayari kay Tootsie? Napakaingay! Itinali mo ba?”
naiinis na tanong ng ina.
“Opo, binisita po naming ni Totoy bago kami natulog,” sagot ni Ruth.
“Teka, parang maliwanag sa labas!” puna ng tatay ni Ruth.
“Buksan mo nga ang bintana!”
Agad dumungaw ang tatay at nanay ni Ruth. Nakita nilang malapit ang
sunog sa kanila. Nagsisimulang pa lamang ito.

13
“Aba’y may sunog sa kusina nina Pareng Ben! Tulog pa sila. Ruth, Totoy,
sumama kayo sa inyong ina. Tatawag ako ng bombero!” sunod-sunod na sabi ng
tatay.
Hindi nakalimutang dalhin ni Ruth si Tootsie na noo’y tahol pa rin nang
tahol. Kasama ang ina at ilang mahahalangang dala-dalahan, pumunta agad sila
sa ligtas na lugar.
Hindi naman nagtagal at naapula ang sunog. Maagap kasing dumating ang
bumbero.
Nang makauwi na sila sa bahay ay mag-uumaga na. Patang-pata sila ngunit
nagpapasalamat sa maagap na pagkakapatay sa sunog.
Yakap-yakap ni Ruth si Tootsie.
“Kung hindi tumahol si Tootsie, baka nasunog pati bahay natin,” sabi ni
Totoy.
“Oo nga, salamat, Tootsie,” maluha-luhang sabi ng ina ni Ruth sabay himas
sa ulo nito. Dinilaan naman ni Tootsie ang kamay na humihimas sa kaniya.
Espesyal ang almusal ni Tootsie nang umagang iyon longganisa at sinangag
na may hiwa-hiwang pritong itlog. Hindi na sa garahe pinatutulog si Tootsie.
Mayroon na itong bahay sa tabi ng kusina. At araw-araw, lagi nang may
pasalubong si Tootsie mula sa nanay at tatay ni Ruth.

Gawain 3.2

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Paano nakita ni Ruth ang tuta?


2. Paano inaalagaan nina Totoy at Ruth si Tootsie?

3. Bakit tahol nang tahol si Tootsie nang gabing iyon?

4. Paano sila nakaligtas sa sunog?


5. Ano ang naging gantimpala ni Tootsie

14
Suriin

Nabasa at napakinggan mo ang ating kuwento. Maaari mo nang simulan


ang ating bagong aralin sa “Gawain 3.3.”

Gawain 3.3
Panuto: Ang mga sumusunod na talata ay hinango sa kuwento. Punan ng angkop
na detalye ang sumusunod na kahon na sumusuporta sa pangunahing kaisipan o
paksa.

1. Sabado ng umaga. Maagang gumising si Ruth. Nakagawian na niyang tumulong


sa pagwawalis ng bakuran kapag walang pasok.

Maagang gumising si Ruth.

2. Tuwang-tuwang niyakap ni Ruth ang tuta. Umingit-ingit ito


nangmaramdaman ang init ng katawan ng bata. Dinala ni Ruth sa kusina ang tuta
at binigyan ng gatas.

Dinala ni Ruth sa kusina ang tuta.

Pag-aralan Natin:

Ang mga talata sa kuwento ay may pangunahing paksa o diwang iniikutan.


Sa ilalim ng mga paksang ito, may mga detalyeng nagpapalinaw o sumusuporta sa
pangunahing paksa. Maaaring ang talata ay may ganitong kayarian.

Pangunahing diwa o Paksa


Detalye

Maaari namang nauuna ang mga detalye kaysa pangunahing diwa.

Detalye
Pangunahing diwa o Paksa

Maaari namang nasa gitna ang pangunahing paksa o diwa.

Detalye
Pangunahing diwa o Paksa

- Detalye

15
Pagyamanin

Nabasa at napakinggan mo ang kuwento at matagumpay na nasagot ang


mga katanungan. Natutunan mo ring tukuyin ang mga pangunahing paksa o diwa
sa talata o kuwentong iyong binasa. Ngayon, sagutin mo ang mga sumusunod na
mga gawain sa “Gawain 3.4”.
Gawain 3.4
A. Panuto: Tukuyin ang pangunahing paksa o diwa batay sa kuwento. Isulat
ang sagot sa patlang.

1. “Oo nga salamat, Tootsie,” maluha-luhang sabi ng ina ni Ruth sabay himas
sa ulo nito. Dinilaan ni Tootsie ang kamay na humihimas sa kanya.
B. Panuto: Tukuyin at isulat ang pangunahing diwa at mahalagang detalye ng
teksto. Isulat ang sagot sa patlang
1. Ang paruparo ay maraming pinagdaanang yugto sa buhay. Nagsisimula ito sa
itlog na kapag napisa ay nagiging uod. Matagal itong natutulog at
nagpapatubo ng pakpak. Paglabas ng uod ay isa nang paruparo.
Pangunahing Paksa:____________________________________________________

Isaisip

Dahil nasagot mo nang wasto ang naihandang gawain, muli naman nating
subukin kung talagang naiintindihan mo ang mga paksang iyong pinag-aralan.
Subukan mong buuin ang mga sumusunod na paglalahat sa “Gawain 3.5”.

Gawain 3.5

Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang
pangungusap.

Ang mga 1. ____________ay may pangunahing paksa o diwang iniikutan. Sa


ilalim ng mga paksang ito, may mga detalyeng 2.______________ o
3._______________sa 4._________________. Ang talata ay may maaring ganito ang
kayarian.

Maaari namang 5._______________ang mga detalye kaysa pangunahing diwa.


Maari namang nasa 6._______________ng pangunahing diwa.

16
Isagawa

Mahusay mong nasagot ang paglalahat sa paksang pinag-aralan. Marahil ay


handa ka na ring ilapat ang iyong mga natutunan sa pamamagitan ng mga
sumusunod na gawain sa “Gawain 3.6”. Pagsikapan mong magawa ito.
Gawain 3.6
Panuto: Tukuyin ang mga sumusuportang detalye at paksa batay sa
kuwento. Isulat ang sagot sa patlang.
Malungkot si Alitaptap. Tatlong araw na siyang hindi kumakain. Masakit na
ang kaniyang tiyan. Kahit malakas ang ulan, hinanap niya ang kaibigang si
Paruparo. Hihingi siya ng tulong dito.
Nabigla si Paruparo nang makita si Alitaptap. Basa at nanghihina ito. Dali-
dali niya itong pinatuloy at pinakain. Niyakap niya ito pagkatapos. Mahal niya ang
kaibigang si Alitaptap.
“Dalhin mo itong pagkain. Sa susunod, mag-imbak ka ng pagkain. Sumama
man ang panahon, di ka magugutom, “ payo ni Paruparo.
“Tatandaan ko, kaibigan. Salamat muli,” nakangiting wika ni Alitaptap.
Masaya itong lumipad pauwi.
pakpak.
Mga sumusuportang detalye:
1. __________________________________________________________________________
2. ___________________________________________________________________________

Karagdagang Gawain

Gawain 3.7

Panuto: Sumulat ng maikling kuwento tungkol sa iyong alagang hayop o


halaman. Isulat kung paano ito inaalagaan.

17
Aralin

4 Covid 19-Ang Pandemya


Magandang araw kaibigan! Maging handa at galingan mo ang pagsagot sa
mga tanong tungkol sa bagong leksiyong tatalakayin na matutunan mo sa modyul
na ito.

Pagkatapos mong mapag-aralan ang araling ito, ikaw ay inaasahang:


1. Naibibigay ang paksa ng napakinggang usapan.
2. Nasasagot ang mga tanong hinggil sa usapan.

Balikan

Magaling ka na sa pagtukoy ng mga sumusuportang detalye batay sa


kuwento. Ngayon, titingnan natin kung naintindihan mo ang leksiyong tinalakay.
Sagutin mo ang sumusunod na gawain sa Gawain 4.1.
Gawain 4.1

Panuto: Tukuyin ang mga sumusuportang detalye o paksa batay sa kuwento.


Isulat ang sagot sa patlang na inilaan.

Si Marcelo H. del Pilar ay tinaguriang Dakilang Propagandista. Isa siyang


abogado na kilala sa pagsulat ng mga artikulo laban sa pang-aabuso ng mga
Paring Espanyol. Ipinagpatuloy niya ang gawaing ito sa Espanya kung saan naging
patnugot at taga paglathala siya ng La Solidadaridad. Sa kakulangan ng pera at
pangungulila sa pamilya, nagkasakit siya at namatay sa Espanya.

Mga sumusuportang detalye:


1.____________________________________________________________________________
2.____________________________________________________________________________

18
Tuklasin

Ngayong panahon ng pandemya kinakailangan nating mag-ingat sa ating


sarili at dapat nating pangalagaan ang ating kalusugan nang sa gayon mailayo
tayo sa kahit anomang sakit. Sagutin mo ang mga tanong sa Gawain 4.2.

Gawain 4.2

Panuto: Basahin ang usapan at sagutin ang mga sumusunod na katanungan


sa ibaba.

Isang umaga sa bahay ng pamilyang Cruz, naghahanda si Aling Cindy ng


kanyang sarili para mag grocery sa mall. Naagaw ang pansin niya ng kanyang
anak.

Kyla: Nanay, pwede po ba akong sumama sa inyo papuntang palengke?

Nanay Cindy: Anak, pasensiya ka na. Hindi pa talaga puwede sumama sa akin.
Kyla: Bakit naman po nanay?
Nanay Cindy: Dahil ito sa Covid-19 anak. Pinag-iingat tayo ng gobyerno. Kaya ang
mga taong may edad 20 pababa ay pinagbabawalang pumunta sa mga pampubliko
at mataong lugar.
Kyla: Ano po ba ang Covid-19 nanay?
Nanay Cindy: Anak, ang Covid-19 ay ang pandemyang hinaharap ng buong
daigdig ngayon. Ito ay mga pamilya ng mga virus na nagdudulot ng sakit mula sa
karaniwang sipon hanggang sa mas malubhangnsakit tulad ng Middle East
Respiratory Syndrome (MERS) atnSevere Acute Respiratory Syndrome (SARS)
Kyla: Ganoon po ba nanay.Ano po ang sintomas ng Covid-19?
Nanay Cindy: Ang mga karaniwang sintomas na dulot ng Covid-19 o Coronavirus
ay lagnat, ubo’t sipon, hirap at pag-iksi ng paghinga at iba pang problema sa
daluyan ng hangin.
Kyla: Ano naman po ang mga dapat gawin para maiwasan ang pagkalat ng sakit
na ito?
Nanay Cindy:Una: Manatili sa bahay. Ikalawa: Ugaliin ang madalas napaghuhugas
ng kamay gamit ang sabon at tubig, Ikatlo: lumayo at takpan ang bibig at ilong
kapag umuubo at bumabahing gamit ang panyo/tissue. Ikaapat, umiwas sa
paghawak ng mga hayop na apektado ng coronavirus. Ikalima, Siguraduhing
naluto nang maayos ang mga pagkaing tulad ng karne at isda. At panghuli,
kumain ng masustansiyang pagkain tulad ng mga gulay at prutas.
Kyla: Salamat po nanay sa pagpapaliwanag mo.Hindi na kita pipiliting isama ako.
Dito na lng ako sa bahay,Maglilinis ako ng bahay at magbabasa ako ng mga aklat
ni kuya.

B. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Sino-sino ang mga nag-uusap sa binasang usapan?
2. Sa usapang ito, tungkol saan kaya ang kanilang pinag-uusapan?
3. Bilang isang bata paano ka makatutulong sa kasalukuyang sitwasyon na ating
kinakaharap?

19
Suriin

Nabasa at nasagot mo nang wasto ang mga tanong batay sa kuwento.


Binabati kita sa iyong ipinamalas na husay at galing. Ngayon, maaari mo nang
simulan ang ating bagong aralin sa Pag-aralan Natin

Gawain 4.3

Panuto: Batay sa nabasa at napakinggang usapan, tukuyin ang paksa nito.


Isulat ang sagot sa patlang na inilaan.

Nanay, pwede
po ba akong
Anak, pasensiya ka sumama sa
na. Hindi pa talaga inyo sa papunta
pwede sumama sa sa palengke?
akin.

Pag-aralan Natin:

Ang paksa ay sentro o pangunahing tema sa usapan at kadalasan ito


makikita sa unang pangungusap at huling pangungusap.

Pagyamanin

Mapalad ka dahil naunawaan mo nang wasto ang naihandang gawain batay


sa leksiyong tinalakay. Ngayon, ating susubukin ang iyong kakayahan sa pagsagot
sa mga sumusunod na gawain. Galingan mo!

Gawain 4.4
A. Panuto: Punan ng angkop na detalye ang usapan sa comics strip.
1. Paksa: Pagbigay ng ulam sa kapitbahay.

____________

20
B. Panuto: Basahin ang usapan at sagutin tanong. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
Isang hapon, nagkita sa tindahan ang magkumpareng sina Marco at Joey.

Marco: Pareng Joey kumusta ka?

Joey: Heto, mabuti naman.


Marco: Napanood mo ba ang bagong episode ng teleseryeng “Ang Probinsiyano”?

Joey: Oo naman, nahuli nga niya ang mga kriminal.

Marco: Ang galing naman ng idol nating si Cardo Dalisay.


1. Ano ang paksa ng kanilang pinag-uusapan?

A. tungkol sa paborito nilang pagkain


B. tungkol sa paborito nilang teleserye
C. tungkol sa paborito nilang laro
D. tungkol sa paborito nilang pasyalan

Isaisip

Subukan mong buuin ang mga sumusunod na paglalahat sa Gawain 4.5.


Gawain 4.5
Panuto: Punan ng wastong salita ang mga sumusunod na patlang upang
mabuo ang pangungusap.

Ang 1. _________ay sentro o 2. ____________sa usapan at kadalasan ito


makikita sa 3.________________ at 4. ______________.

Isagawa

Gawain 4.6
A. Panuto: Tukuyin ang paksa ng mga sumusunod na usapan na makikita sa
comics strip. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
“ Batay sa resulta ng iyong test
1. “Maraming salamat ay wala ka namang sintomas
po Doc.Kinabahan po ng COVID-19.
ako talaga ako kaya
Ang dahilan ng iyong pag –ubo
nagpatingin ako
ay allergy.Narito ang reseta ng
agad.”.
iyong gamot Misis.”

_______________________________________

21
Karagdagang Gawain

Gawain 4.7
Panuto: Gumawa ng sitwasyon o usapan tungkol sa naging karanasan
ngayong COVID-19 habang naka-home quarantine.

Panapos na Pagtataya

A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag at tukuyin ang kahulugan ng mga
salitang may salungguhit.Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ipinaiiral ang batas na bawal manakit ng kapwa. Alin sa mga sumusunod ang
ibig sabihin ng may salungguhit?
A. sinasabi C. binubuhay
B. ipinatutupad D. ipinapakita
2. Halos buong araw siyang nakahiga sapagkat palagi siyang nalilito.
Ang ibig sabihin ng naliliyo ay _________.
A. nasusuka C. naiihi
B. nahihilo D. nalilito
3. Patuloy na nanghina si Petra at di-kalauna’y namatay. Alin sa mga sumusunod
ang kasinkahulugan ng may salitang may salungguhit?
A. hindi nagduda C. hindi nag-alala
B. hindi nag-alinlangan D. hindi nagtagal
B. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
4. Ano ang tawag natin sa kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag
ang kaniyang ideya, paniniwala at nadarama?
A. pagsasalita C. pagsusulat
B. pagsasayaw D. pagguguhit

C. Panuto: Tukuyin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa alamat ng


niyog. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Hindi nahanap ni Pedro ang pinaglilihiang prutas ni Petra.
2. Tumubo ang isang matayog na puno sa lugar ng pinaglibingan kay Petra.
3. Sumubok ng iba’t ibang paraan ang mag-asawa at kalauna’y nabuntis si Petra.
4. Isang araw, may ibang kakaibang prutas na gustong kainin si Petra.
5. Patuloy na nanghina si Petra at di nagtagal siya ay nagkasakit.
A. 1, 2, 3, 4, 5 C. 5, 4, 3, 2, 1
B. 3, 5, 1, 4, 2 D. 3, 4, 1, 5, 2

22
23
Gawain 2.5 Subukin:
1. sangkap 1. C 2. A 3. C 4. A 5. D 6. C 7. D 8. B 9. C
10. B
2. kuwento
Gawain 1.2
3. nilalaman Walis tingting, Gata, panggatong, table
4. kabuuang diwa Gawain 1.3
5. tema Sa Antas ng Pag-unawa
Gawain 2.6 1. Dahil sa hindi niya nakain ang pinaglihiang
1. Ang Covid-19 ay talagang prutas na may tubig sa loob at puti ang laman.
mapanganib. 2. (sariling opinyon ng mag-aaral)
2. Gusto ng kaniyang
Gawain 1.4
magulang na tumigil siya sa Panimula:
pagtatrabaho bilang nars Noong unang panahon may mag-asawang Pedro at
Gawain 2.7 Petra na matagal nang nagnanais na magkaroon ng
Ang mga bata ay naglalaro ng anak.
basketbol. Gitna:
Di nagtagal ay nabuntis si Petra at pinagsikapang
ibigay ni Pedro ang kanyang pinaglilihian. Ngunit
may isa siyang prutas na gusting kainin na hindi
Gawain 2.1 Balik aral
mahanap ni Pedro na nagging dahilan ng kanyang
Gawain 2.4 Sariling Sagot ng
pagkakasakit at tuluyang pagkamatay.
bata)
Wakas:
1. Pakiusap ng mga nasaktan ni Nang inilibing ni Pedro si Petra sa kanilang likod
Onyok na bigyan ng parusa si bahay ay may tumubong matayog na puno na may
Onyok. bilugang bunga at nang pinitas ito ni Pedro at
kinain, naalala niya ang kanyang asawa. At iyon
2. Pagsusumbong ng mga bata ang naging simula ng puno ng niyog.
sa Reyna ng Kapayapaan ng
kanilang hinaing at sama ng Gawain 1.5
loob. 1. Sa pamamagitan ng paghahati ng bawat bahagi
3. Pag-uusap nila ni Onyok ng teksto sa mahahalagang pangyayari sa simula,
kung ano ang nangyari sa sa gitna, at wakas. Maaari ring gumamait ng
hudyat ng pagkasusunod-sunod ng pangyayari
kaniya.
gaya ng una, ikalawa, sunod, pagkatapos, bago at
Gawain 2.2 sa huli.
1. palaaway, pasaway, 2. Ang dapat tandaan ay kukunin lamang ang
magnanakaw, mapang-api esensyal o pangunahing kaisipan ng bawat talata o
2. Oo, humingi siya ng tawas sa pangungusap sa teksto. Makatutulong din ang
mga bata at hayop. Inisa-isa paggawa ng balangkas ng pangyayari.
niyang hinarap at naghingi ng Gawain 1.6
tawad ukol sa nagawang 1. Sinubukan ng mag-asawang Pedro at Petra ang
kasalanan. iba’t ibang paraan para magkaanak.
3. Si Onyok ang Batang Siga. 2. Nabuntis si Petra at sobrang saya ng mag-asawa.
Gawain 2.3 3. Gustong-gusto ni Petrang kumain ng prutas na
1. May isang pagpupulong sa bilugan ang hugis at sa loob nito ay may tubig at
putting laman.
peacepark.
4. Hindi nahanap ni Pedro ang prutas na naging
2. Humingi ng tawad si Onyok
dahilan ng pagkakasakit at tuluyang pagkamatay ni
sa kanyang mga nasaktan. Petra.
5. May tumubong mataas na puno sa pinaglibingan
kay Petra.
Aralin 2 Aralin 1
Susi sa Pagwawasto
24
Gawain 4.1 Balik aral
1. Isa siyang abogado na
kilala sa npagsulat ng
Gawain 3.5
artikulo laban sap ag-aabuso
1. talata
ng mga Paring Espanyol.
2. Sa kakulangan ng pera ay
2. nagpapalinaw
nangungulila sa pamilya,
3. sumusuporta
nagkasakit siya at namatay sa 4. pangunahing paksa
Espanya. 5. nauuna
Gawain 4.2 Gawain 3.6
A. Ang mga sagot ay batay sa 1. Kahit malakas ang ulan, hinarap niya ang
opinion ng mga mag-aaral. kaibigang Paruparo.
B. 1. Sina Alin, Cindy at Kyla 2. Mahal niya si Alitaptap.
2. Covid-19
3. Sariling opinion ng bata
Gawain 4.3
1. Pagsama papuntang
palengke.
Gawain 4.4. Gawain 3.1
A. 1. Ang mga sagot ay batay Ang asong gubat ay nag-isip ng kanyang
sa opinion ng mga bata. gagawin.
B. 1. B Gawain 3.2
Gawain 4.5 1. Nakita ni Ruth ang aso habang siya’y
1. paksa nagwawalis sa bakuran.
2. pangunahing tema 2. Pinapakain nila si Tootsie at inaalagaang
3. unang pangungusap mabuti.
4. huling pangungusap 3. Nakita ni Tootsie na nasusunog ang kusina ng
Gawain 4.6 kapitbahay.
1. Naging masaya sa resulta 4. Dahil dumating ang mga bomber.
ng konsultasyon dahil hindi 5. Pinaghanda siya ng espesyal na almusal.
siya naging positibo sa COvid- Gawain 3.3
19. 1. Nakagawian niyang tumulong sa pagwawalis
Panapos na Pagtataya ng bakuran kapag walang pasok.
1. B 2. B 3. B 4. D Araw ng sabao.
5. A 2. Tuwang-tuwang niyakap ni Ruth ang tuta.
6. A 7. B 8. D 9. D Umingit-ingit ito nang maramdaman ang init
10. C ng katawan ng bata.
Gawain 3.4
1. Dinilaan ni Tootsie ang kamay na humihimas
sa kaniya.
Ang paruparo ay maraming pinagdadaanang
yugto sa buhay.
1. Nagsimula ito sa itlog na kapag napisa ay
nagiging oud.
2. Matagal itong natutulog at nagpapatubo ng
pakpak.
3. paglabas ng oud ay isa nang paruparo
Aralin 4 Aralin 3
Sanggunian
The Philippine Informal Reading Inventory Manual 2018

Mga Aklat:
Lalunio, L. et al. Hiyas sa Pagbasa 5 SD. Publication Inc. 2010
Diez, E. Si Onyok ang Batang Siga. Mga Kuwento ni Teacher Loise.
Pandayan Wika at Pagbasa 4 Babas, C. et. Al. Bookman. Inc.

Websites:
<https://www.scribd.com/doc/230753948/Ang-Alamat-Ng-Niyog,> [Accessed 16
June 2020].

<https://www.youtube.com/watch?v=xlSoGjhugT4,> [Accessed 16 June 2020]

25
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming
hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like