You are on page 1of 16

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 4:
Pasya Mo, Pasya Ko: Sa Ikabubuti ng
Ating Silid-Aralan
Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 4: Pasya Mo, Pasya Ko: Sa Ikabubuti ng Ating Silid-Aralan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rhoda C. Sustento, T-III


Editor: Ma. Sairah N. Hong, EPS-I
Tagasuri: Regina O. Baron, P-I
Ma. Bella A. Victorio, P-I
Mary Grace G. Hilarion, P-I
Tagalapat: Febie Lee B. Pelitro, T-II
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Miguel P. Fillalan, Jr. - SDS
Levi B. Butihen- ASDS
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Cynthia G. Diaz – REPS, Subject Area Supervisor
Arlene Rosa G. Arquiza- CID Chief
Ma. Dianne Joy R. dela Fuente- Division OIC-LRMDS In-Charge
Jesus V. de Gracia- Division ADM Coordinator
Sairah N. Hong – Subject Area Supervisor

Inilimbag sa Pilipinas ng Departamento ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.p
6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 4:
Pasya Mo, Pasya Ko: Sa
Ikabubuti ng Ating Silid-Aralan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng Self-


Learning Module (SLM) para sa araling Pasya Mo, Pasya Ko: Sa Ikabubuti ng Ating
Silid-Aralan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng leksyon o aralin na
nauukol sa pagdedesisyon sa sarili na
sinusuri nang mabuti bago bumuo ng
tiyak na desisyon. Ito rin ay naglalaman
ng mga gawain at gabay para sa mag-
aaral na angkop sa kanilang kasanayan
bilang mag-aaral sa ikaanim na baitang.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng Self-Learning Module


(SLM) ukol sa Pasya Mo, Pasya Ko: Sa Ikabubuti ng Ating Silid-Aralan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo upang maisakatuparan at maisabuhay ang


Yunit I-Pananagutang Pansarili at Mabuting Kasapi ng Pamilya ng Edukasyon sa
Pagpapakato 6. Ito ay may pamagat na Pasya Mo, Pasya Ko: Sa Ikabubuti ng Ating
Silid-Aralan na binubuo ng konseptong Mapanuring Pag-iisip (Critical Thinking) at
Pagkabukas-isipan (Open-mindedness).

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


 Maisagawa ang mga hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang
desisyon sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa pasya ng guro at mga
mag-aaral sa loob ng silid-aralan.

Subukin

Panuto: Iguhit ang isang tao ( ) kung ang saloobin o sitwasyon ay


nangangailangan ng personal na desisyon at iguhit ang tatlong tao
( ) kung ang saloobin ay nangangailangan ng pagpapasya ng
lahat sa loob ng silid-aralan.

Sitwasyon

1. Kailangan mong bumili ng bagong lapis.


2. Paglalagay ng dekorasyon sa silid-aralan.
3. Pagkakaroon ng proyekto sa silid-aralan.
4. Pagbili ng pagkain sa kantina ng paaralan.
5. Pagpapanatili ng kalinisan sa silid-aralan.
6. Pagtapon ng basura sa basurahan
7. Paggawa ng sagot sa pangkatang gawain
8. Pagbuo ng desisyon na naaangkop sa lahat
9. Pagpupursigi na makatapos sa pag-aaral
10. Pagkakaroon ng bagong gamit sa pag-aaral

1
Aralin Pasya Mo, Pasya Ko:
4 Sa Ikabubuti ng Ating
Silid-Aralan
Magaling!
Naipamalas mo ang iyong kagalingan sa ating nakaraang mga aralin.
Iyong naipakita at naisapuso ang iba’t ibang konsepto sa pagbuo ng
isang natatanging desisyon sa iyong sarili at sa inyong
buong pamilya.
Sa linggong ito matututunan mo naman ang isang
panibagong aralin.
Halika, simulan na natin!

Suriin ang larawan ng mga batang tulung-tulong na naglilinis o gumagawa ng


bawat gawain (hal. naglalampaso, nagwawalis, nagpupunas ng mga bintana,
naglilinis ng C.R.)

http://www.depedbataan.com/resources/21/gr._2 https://www.freepik.com/free-vector/children-
_mother_tongue_based_-_learning_module_.pdf cleaning-school-hallway_4228221.htm

Sagutin mo!
 Ano sa palagay mo ang ginagawa ng mga bata na nasa larawan?
 Nakabubuti ba ito sa ating kapaligiran? Sa ating silid-aralan?
 Ginagawa mo din ba ito?

Balikan

Iyong sukatin ang nakaraang konseptong natutunan


sa pamamagitan ng pagsagot sa susunod na gawain

2
Isulat sa loob ng hagdan ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa
pagdedesisyon sa pamilya o silid-aralan.

Tuklasin
Suriin ang mga larawan sa ibaba at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.

http://www.depedbataan.com/resources/21/gr._2_ https://www.freepik.com/free-vector/children-cleaning-
mother_tongue_based_-_learning_module_.pdf school-hallway_4228221.htm

Mga Tanong:
1. Ano ang ginagawa ng mga bata sa larawan?
2. Ano kaya ang mabuting maidudulot ng kanilang ginawa?
3. Ginagawa mo din ba ito sa inyong silid-aralan?
Basahin at unawain ang tula sa ibaba.

Tayo’y Makilahok…………Makilahok

Tayo’y makilahok sa lahat ng gawain


Sa ating samahan lalo na’t may usapin
Pagkat ang desisyon sa bawat gagawin
Ay dapat maging mabuti ang simulain.
Saan man dumako ang usapan
Sumaling palagi sa plano ng samahan
Pagkat desisyon ng lahat ay kailangan
Kaya makisama sa lahat ng talakayan.
Tayo’y makilahok sa tuwi-tuwina
Upang di tayo magmistulang tanga
Kapag may nangyari tayo’y may alam na
At di magtatanong na tila ibang-iba.
3
Suriin
Gaano mo kaya naunawaan at naisapuso ang
tulang nabasa?
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba.

1. Ano ang nais iparating ng tula sa mga mambabasa?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang pakikilahok sa mga gawain sa samahan/silid aralan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Ipaliwanag: “Tayo’y makilahok sa tuwi-tuwina upang di tayo
magmistulang tanga”.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Bakit mahalaga ang paglahok sa pagpaplano ng proyekto ng samahan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Ipaliwanag: “Ang pasya ng nakararami ay dapat na laging mamayani”.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Basahin at suriing mabuti ang sitwasyong nakasulat sa


ibaba. Bigyan ito ng mabuting desisyon bago gumawa ng
anumang hakbang.

Pagyamanin

Ang Grade VI-Rizal ay magkakaroon ng pagpupulong para sa isasagawang


outreach program ng kanilang klase upang makatulong sa mga nangangailangan
sa isang purok. Bilang lider sa inyong silid-aralan, isaalang-alang ang mga
sumusunod na katanungan:

1. Ano ang una ninyong dapat pag-usapan?


_____________________________________________________________________
2. Ano ang inyong nabuong plano sa isasagawang outreach program?
_____________________________________________________________________
3. Mahalaga ba ang pagbuo ng komite sa pagsagawa ng plano? Bakit?
_____________________________________________________________________

4
Isaisip
Ang pagpapasiya ay maituturing bilang isang prosesong pangkaisipan na
nagreresulta sa pagpili ng pinakamabuting kalalabasan. Ang pasiya ay pinagtibay
sa isip at kalooban na dapat gawain. Malaki ang maitutulong ng mapanuring pag-
iisip at pagkabukas-isipan kapag pinag-usapan ang magiging pasiya sa loob ng
isang silid-aralan.
Sa pagpaplano o pagpapasya, ang mungkahi ng bawat isa ay mahalaga.
Dapat isaalang-alang ang tinig niya o tinig nila upang ito’y maging isa.

Isagawa

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung tama ang saloobing naipahayag at
isulat naman sa linya ang tamang hakbangin kung ang sitwasyong nais
ipahayag ay mali.

____1. Ipinagyayabang ang tamang mungkahi sa loob ng silid-aralan


________________________________________________________________________
____2. Kusang-loob na nakikiisa sa mga gawain sa nais isagawa ng mga kaklase
________________________________________________________________________
____3. Pamimintas sa maling desisyon ng kagrupo
________________________________________________________________________
____4. Pagtulong sa paghanap ng solusyon para maisaayos ang silid-aralan
________________________________________________________________________
____5. Pagrespeto sa mga naging mungkahi ng kanyang mga kaklase sa
isinagawang pagpupulong
________________________________________________________________________

Tayahin

Iguhit ang sa patlang kung ito ay hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang


desisyon sa loob ng silid-aralan at naman kung hindi.

____1. Tanggapin ang mga mungkahi ng mga kaklase tungkol sa suliranin o


sitwasyong pinag- uusapan.
_____2. Isaalang-alang ang mga ideya ng mga kaklase tungkol sa
proyektong gagawin.

5
_____3. Ipagsawalang bahala ang mga suhestiyon ng bawat kasapi ng grupo.

_____4. Igalang ang magiging pasya ng nakakarami.

_____5. Tanggapin nang maluwag sa loob kung hindi mapili ang iyong ideya
o suhestiyon.

_____6. Aktibong makilahok sa mga gawaing ibinigay ng guro.

_____7. Gumawa ng paraan upang hindi matuloy ang gawaing pinapagawa ng guro.

_____8. Mayroong positibong pananaw na maisakatuparan ang ninanais ng grupo.

_____9. Pakikipagtulungan sa ibang pangkat upang matapos sa takdang oras ang


mga gawaing ibinigay ng guro.
_____10. May pagpapahalaga sa kapakanan ng bawat isa.

Karagdagang Gawain

Gumawa ng slogan tungkol sa hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang


desisyon sa silid-aralan.

6
Subukin Balikan Suriin
1. Mga posibleng sagot: Mga posibleng sagot:
1. Alamin ang 1. Ang nais iparating
2.
suliranin ng tula sa mga
2. Pag-aralan ang mambabasa ay
3.
lahat ng posibleng makilahok sa lahat
4. solusyon. ng mga gawain.
3. Isaalang ang mga 2. Mahalaga ang
5. maaaring ibunga ng pakikilahok sa mga
bawat solusyon. gawain ng
6. 4. Gumawa ng pasiya. samahan/silid-
5. Pag-aralan ang aralan upang hindi
7. kinalabasan ng tayo magmistulang
solusyon. tanga.
8. 3. Ang ibig sabihin,
tayo’y makilahok
9. upang kapag may
nangyari tayo ay
10. may alam at hindi
magtatanong na tila
isang dayuhan.
4. Mahalaga ang
paglahok sa
pagpaplano ng
proyekto ng
samahan sapagkat
ang desisyon ng
lahat ay kailangan
na dapat
pakisamahan sa
lahat ng talakayan.
5. Ang ibig sabihin
nito dapat sundin
ang pasiya ng lahat.
Susi sa Pagwawasto
Pagyamanin
Mga posibleng sagot:
1. Ang mga dapat pag-
usapan ay
kungpaano
maisasagawa ang
outreach program. Isagawa Tayahin
2. Ang nabuong plano
na isasagawang Posibleng sagot: 1.
outreach program 1. Huwag dapat 2.
ay ang dapat na ipagmayabang ang
dalhin na mga 3.
tamang mungkahi
bagay-bagay na 2. √ 4.
ipamimigay at ang 3. Huwag dapat
pagbuo ng komite 5.
pintasan ang maling
para ang lahat ay desisyon ng 6.
maisaayos. kagrupo
7.
3. Oo, upang ang 4. √
lahat- lahat na 5. √ 8.
napag-uusapan ay
9.
maisakatuparan.
10.
Sanggunian

Diivision of Laguna, “Learners’ Materials ESP V, p.33”, slidesharenet, Accessed,


May 20, 2020 https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-learners-
material-in-edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q4
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa
bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag-aaral sa pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming
hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like