You are on page 1of 27

6

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Himagsikang Pilipino
Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 3: Himagsikang Pilipino
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang
parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rowelyn S. Lamery


Editors: Acremah M. Balayanan
Tagasuri: Ritchel S. Wong, Maria Runa C. Orbe, Ruth E. Lacasandili
Tagaguhit: Rowelyn S. Lamery
Tagalapat: Jim Ryan S. Dela Cruz
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Leonardo M. Balala, CESE- Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr. - REPS, LRMS
Peter Van C. Amg-ug- REPS, ADM
Johnny M. Sumugat - REPS, Araling Panlipunan
Ismael M. Ambalgan- Chief, CID
Sheryl L. Osano- EPS, LRMS
Josevic F. Hurtada- EPS, ADM
Haron C. Kartil – EPS, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education- SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
6
Aralin Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Himagsikang Pilipino

/
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Self-Learning


Module (SLM) para sa araling Himagsikang Pilipino!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan ng Self-Learning Module (SLM) ukol


sa Himagsikang Pilipino!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Magandang araw! Kumusta ka? Ako ang iyong guro na gagabay sa iyo upang
patuloy na alamin ang kasaysayan ng ating bansa. Paano kaya tayo nakalaya sa
kapangyarihan ng mga Espanyol? Ano-ano kayang mga hakbang ang ginawa ng
ating mga makabayang Pilipino noon upang labanan ang mga mapang-aping
dayuhan?

Ang modyul na ito ay nakatuon sa pag-usbong ng himagsikan. Malalaman


mo ang pagnanais ng mga Pilipino na makalaya sa Kolonyalismong Espanyol.
Matututuhan din sa modyul na ito ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa pagbuo
ng iba’t ibang hakbang ng kilusan at matatalakay din ang naging implikasyon kung
bakit hindi naging matagumpay ang bawat kilusan sa kanilang mga layunin.

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay:


• napahahalagahan ang mga pangyayaring naganap sa Panahon ng
Himagsikang Pilipino.
• natutukoy ang ginampanang papel ng mga natatanging tao sa
Kasunduan sa Biak-na-Bato.
• nasusuri ang mga dahilan at pangyayaring naganap sa Panahon ng
Himagsikang Pilipino (AP6PMK-Id-6).

Subukin

Bago mo lakbayin ang modyul na ito na magdadala sa iyo sa


makasaysayang kaganapan sa ating bansa ay subukin mong sagutin ang mga
sumusunod na tanong.

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang
sagot sa kalakip na sanayang papel.

1. Kailan unang naganap ang Sigaw sa Pugad Lawin?


a. Agosto 19, 1896 c. Agosto 23, 1896
b. Agosto 22, 1896 d. Agosto 29, 1896

1
2. Anong pangyayari ang naging hudyat ng himagsikan ng mga Pilipino laban
sa Espanyol?
a. Republika ng Biak na bato
b. Tejeros Convention
c. Pagkamatay ni Andres Bonifacio
d. Unang Sigaw sa Pugad Lawin

3. Alin ang sabay-sabay na isinigaw ng mga Katipunero pagkatapos nilang


punitin ang kanilang sedula?
a. Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Katipunan!
b. Mabuhay Tayong Lahat! Mabuhay ang Katipunan!
c. Para sa Pagbabago! Mabuhay ang Katipunan
d. Para sa Kalayaan! Mabuhay ang Katipunan!

4. Ano ang naidulot ng kawalang pagkakaisa ng mga lider ng kilusan?


a. kabiguan c. katiwalian
b. kapangyarihan d. tagumpay

5. Sino ang tinaguriang Ama ng Katipunan?


a. Andres Bonifacio c. Emilio Aguinaldo
b. Emilio Jacinto d. Dr. Jose Rizal

6. Ito ang kasunduang nilagdaan ni Emilio Aguinaldo at ng Pamahalaang


Kastila para sa kapayapaan.
a. Kasunduan sa Biak na Bato c. Kasunduan sa Espanya
b. Kasunduan sa Bulacan d. Kasunduan sa Paris

7. Ano ang layunin ng pagpupulong ng dalawang grupo ng katipunan sa


Tejeros?
a. Bumuo ng bagong kilusan
b. Palakasin ang depensa sa Cavite
c. Maghalal ng bagong pinuno ng grupo
d. Pagsuko sa kapangyarihan ng Pamahalaang Kastila

8. Kailan nilagdaan ang kasunduan sa Biak-Na-Bato?


a. Nobyembre 1, 1897 c. Disyembre 24, 1897
b. Disyembre 14, 1897 d. Disyembre 30, 1897

2
9. Saang bansa nais ng mga Kastila na magtungo si Emilio Aguinaldo na
nakasaad sa Kasunduan sa Biak-Na-Bato?
a. Guam c. Japan
b. Hongkong d. Paris

10. Bakit hindi nagtagumpay ang Kasunduan sa Biak-Na-Bato?


a. dahil sa pagtutol ng ibang Katipunero
b. dahil sa pag-aalinlangan ng mga Kastila at Pilipino
c. dahil sa pagpapaalis kay Emilio Aguinaldo papuntang Hongkong
d. dahil sa paghahati-hati ng pera ng mga Pilipino sa ibinayad ng mga
Kastila

Nasagutan mo ba ang katanungan? Huwag mag-alala kung ang mga


ito ay hindi mo nasagot nang tama. Sa pagpapatuloy mo sa pag-aaral ng
modyul na ito, mas marami ka pang matututunan. Magkakaroon ka pa ng
pagkakataon na maitatama ang mga maling konsepto o ideya tungkol sa
aralin. Handa ka na bang matuto? Maaari ka nang magsimula.

3
Aralin

1 Himagsikang Pilipino

Maligayang araw! Alam kong mayroon ka ng natutunan sa kasaysayan


ng ating bansa. Napag-aralan mo kung ano ang naging epekto ng kaisipang
liberal ng mga Pilipino na nag-udyok sa kanila upang ipangtanggol ang bansa
at ang mamamayan nito sa ilalim ng kapangyarihan ng mga Espanyol.

Sa pagpapatuloy mo sa paglalakbay ng iyong kaalaman, ang modyul na


ito ang magbibigay sa iyo ng mga mahahalagang impormasyon sa iba’t ibang
pag-aaklas na ginawa ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol.
Handa ka na ba sa muli mong paglalakbay-aral?

Balikan

Maalala mo pa ba ang iyong nakaraang aralin tungkol sa


pagkakatatag ng Propaganda at Katipunan? Susuriin muna natin kung alin
ang mga naaalala mo.

Panuto: Tukuyin ang inilalarawan ng hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik


ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang. Gawin ito sa kalakip na
sanayang papel.
A B

___1. Ito ay samahang itinatag ng mga ilustradong a. La Liga Filipina


Pilipino upang isulong ang pagbabago
o reporma sa mapayapang paraan.
___2. Ito ang opisyal na pahayagan ng mga b. Kilusang
Propaganda
Propagandista.
___3. Siya ay tinaguriang Supremo ng Katipunan. c. La Solidaridad
___4. Ito ay samahang itinatag ni Dr. Jose P. Rizal. d. Andres Bonifacio
___5. Layunin ng kilusang ito na magkaisa e. Katipunan
ang mga Pilipino para sa kalayaan
ng bansa mula sa Espanya sa pamamagitan
ng himagsikan.

4
Mga Tala para sa Guro

Paalalahanan ang mag-aaral na ang modyul na ito ay pupukaw


sa damdaming makabayang Pilipino, masubok ang tiyaga sa pagtugon
sa mga gawain, at mapauunlad ang kakayahan sa pagbasa at galing
sa pag-iisip.
Maaaring humingi ng tulong sa mga magulang, nakatatandang
kapatid o tumawag sa telepono ng guro kung kinakailangan.

Tuklasin

Handa, Hanap at Sulat!


Panuto: Subukin mo ang iyong kakayahan sa paghahanap ng mga salita na
may kaugnayan sa himagsikang Pilipino. Maaaring ito ay tao, grupo ng tao, o
pangyayari. Bilugan ang iyong sagot at isulat ito sa hanay na nasa ibaba.
Gawin ito sa kalakip na sanayang papel.

Halimbawa:
K A S U N D U A N K I B H O R
U N B I A K N A B A T O M Q E
M D A N I E L T I R O N A K B
B R I C W J K B G S C H G E O
E E B D J E L D A Y B R D X L
N S T I G R D W F T N D I U U
S B I A C N K B L M O P W P S
I O Y D U S F G Y E R Y A F Y
Y N E T I K W L Z L W A N D O
O I S O Y H P I X C K B G S N
N F C P O I U N Q H L O L I A
M A G B C L O M K O U W R J R
K C A V I T E B I R Z V S K Y
L I B K H Y C R M A G D A L O
S O K U S U T I Y F S P T N N
E M I L I O A G U I N A L D O

5
Sagot:
1. kasunduan 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

Sagutin Mo:

Sa iyong palagay, ano kaya ang kaugnayan ng mga salitang iyong


nahanap sa kasaysayan ng ating bansa?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

Nahanap mo ba ang lahat ng mga salita? Magaling! Aalamin natin


ngayon kung ano ang kaugnayan ng mga salitang iyong nahanap sa
kasaysayan ng ating bansa. Basahin mo ang mga sumusunod na teksto nang
malaman mo kung tama ang iyong sagot. Handa ka na ba?

6
Suriin

Bago ka magpapatuloy, tandaan na sa pagbabasa mo ng teksto, ito ay iyong


isaisip at unawain ng sa gayon ay lubos mong maintindihan ang mga kaganapan
noong panahon ng himagsikan ng mga Pilipino laban sa mga mananakop na
Espanyol. Simulan mo na ang pagbabasa!

Sigaw sa Pugad Lawin


Nang matuklasan ng mga Espanyol
ang Katipunan noong ika-19 ng Agosto
1896, maraming napahamak na mga
katipunero. Ngunit, nakatakas sina
Andres Bonifacio, Emilio Jacinto,
Procopio Bonifacio, at ilang mga pinuno.

Kasabay ng pagtakas nila ay ang


pagpapatawag ng pulong sa Balintawak
na gaganapin sa ika-24 ng Agosto upang
source:https://www.vigattintourism.com talakayin ang kanilang marapat na
hakbang. Ngunit, noong ika-20 ng Agosto ay natunton sila ng Espanyol na si
Pio Valenzuela kung kaya’t sina Andres Bonifacio kasama ng 500 pang
mahigit na katipunero ay tumulak patungong Kangkong, tumuloy sa bakuran
ni Apolonio Samson at noong ika-22 ng gabi ng Agosto ay dumating sila sa
Pugadlawin sa tahanan ni Juan A. Ramos, anak ni Melchora Aquino, kilala
bilang “Tandang Sora” at “Ina ng Katipunan.”

Kinabukasan ng Agosto 23, 1896, itinakda sa mismong bakuran ni


Juan A. Ramos ang pulong. Pinagpasyahan ng lahat na simulan ang
himagsikan laban sa Espanyol noong Agosto 29 ng taon ding iyon. Sa utos ni
Andres Bonifacio, sabay-sabay nilang pinunit ang kanilang sedula at
sumigaw ng “Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Katipunan!” Ito ang
naging hudyat ng rebolusyon sa Pilipinas.

Sa pagpapatuloy ng kaganapan, nilusob ng hukbong Espanyol ang


pook ng mga katipunero noong Agosto 26, 1896. Napaatras ang grupo ni
Bonifacio dahil sa napakaraming kalaban. Noong Agosto 30, 1896, nilusob
naman ng mga katipunero ang garison ng mga Espanyol sa San Juan del
Monte. Maraming Pilipino ang nasawi sa labanang ito ngunit hindi sila
natinag sa hangaring makamit ang kalayaan.

7
Tejeros Convention

Mayroong dalawang grupo ng


katipunan, ang Magdiwang na
pinamumunuan ni Mariano Alvarez,
tiyuhin ni Andres Bonifacio at ang
Magdalo na pinangungunahan ni
Baldomero Aguinaldo na pinsan ni
Emilio Aguinaldo. Nagkaroon ng
pagpupulong noong Marso 22, 1897
ang dalawang grupo sa lalawigan ng
Source: https://www.pinterest.ph
Tejeros, isang baryo sa San
Francisco de Malabon Cavite. Ito ngayon ay tinatawag na Kumbensyong
Tejeros. Layunin ng pulong na ito na palakasin ang pwersa sa Cavite.
Gayunpaman, hindi naisakatuparan ang nasabing plano. Sa halip
nagdesisyon ang mga lider ng katipunan na magkaroon ng bagong gobyerno
at ito ay ang rebolusyonaryo kapalit ng katipunan.

Hindi ito sinang-ayunan ni Andres Bonifacio dahil ayon sa kanya may


kasalukuyan pang kilusan at gobyernong umiiral at ito ay ang katipunan.

Gayunpaman, pinanguluhan pa rin niya ang halalan at ito ay igagalang


ng nakararami ano man ang maging resulta. Sa halalang ito ay nanalo si
Emilio Aguinaldo, bilang presidente kahit wala siya sa pagpupulong; Mariano
Trias, bilang bise-presidente; Artemio Recarte, bilang kapitan-heneral;
Emiliano Riego de Dios, direktor ng digma; at si Andres Bonifacio, bilang
direktor ng interyor. Inusisa ni Daniel Tirona ang naging posisyon ni Bonifacio
bilang direktor ng interior. Ayon sa kanya, dapat may pinag-aralan ang mag-
ukopa ng posisyon. Bunga ng pangyayaring ito, ipinawalang-bisa ni Andres
Bonifacio ang nasabing halalan.

Ngunit nanaig pa rin ang kagustuhan ng Magdalo na ituloy ang


pagpapairal ng halalan sa Tejeros at mabilisang ipinanumpa si Emilio
Aguinaldo bilang bagong pinuno. Itinuring na hadlang si Bonifacio sa bagong
gobyerno, ipinadakip at hinatulan siya ng kamatayan.

8
Kasunduan sa Biak-na-Bato
Nang mamatay si Andres Bonifacio,
nawalan ng sigla ang mga rebolusyonaryo.
Gayunpaman, ipinagpatuloy ng hukbo ni
Emilio Aguinaldo ang paghihimagsik
ngunit naging sunod-sunod rin ang
kanilang pagkatalo.

Nang dahil sa panggigipit ng mga


Source:https://www.flickr.com Espanyol, nagdesisyon si Emilio
Aguinaldo na ilipat ang kanyang punong
himpilan sa Biak-na-Bato sa San Miguel, Bulacan dahil sa lokasyon nitong
mahirap matunton. Dito niya itinatag ang Republika ng Biak-na-Bato noong
Nobyembre 1, 1897 at nagpatawag siya ng isang pagpupulong kasama ang
mga rebolusyonaryong mamamayan upang ilahad ang pansamantalang
kostitusyon. Ito ay ang Konstitusyon ng Biak-na-Bato. Ayon sa konstitusyon,
pamumunuan ito ng Kataas-taasang Kapulungan. Subalit, hindi rin ito
naisakatuparan dahil sa panahong iyon nakipagkasundo si Aguinaldo sa
pamahalaang Espanyol.

Sa kasunduan ng dalawang panig, si Gobernador-Heneral Primo de


Rivera ay ang kinatawan ng Espanya at si Pedro Paterno naman para sa
Pilipinas. Nilagdaan ang kasunduan noong Disyembre 14, 1897. Ayon sa
kasunduan, magbigay ng 400,000 ang mga Espanyol kung ang pangkat ni
Aguinaldo ay magtutungo sa Hongkong at 200,000 kapag isinuko na ang mga
armas. May karagdagan pang 1,700,000 bilang bayad-pinsala sa mga ari-
ariang nasira ng digmaan. Ngunit sa kadahilanang kawalang-tiwala ng
magkabilang panig, hindi naisakatuparan ang nasabing kasunduan.

9
Pagyamanin

Ngayong alam mo na ang mga pangyayaring naganap sa himagsikang


Pilipino, maaari mo na itong gawin sa susunod na pagsubok sa modyul na
ito. Maaari ka nang magsimula.

Gawain 1- Punan Mo!


Panuto: Sa pamamagitan ng graphic organizer, ipakita ang mga pangyayaring
naganap sa Sigaw sa Pugad Lawin. Gawin ito sa kalakip na sanayang papel.

Kaganapan Petsa

Agosto 19, 1896

Unang Sigaw sa Pugad


Lawin

Agosto 30, 1896

10
Gawain 2- Isa, Dalawa, Tatlo, Liwanag Ayusin Mo Ako!

Panuto: Sa kalakip na sanayang papel, pagsunod-sunurin ang mga


pangyayaring naganap sa Kumbensiyon sa Tejeros. Lagyan ng bilang 1-5 ang
mga araw sa ibaba, 1 ang pinakaunang naganap at 5 ang pinakahuli.

Paghalal kay Andres Bonifacio bilang Direktor ng Interyor

Pagtatag ng Pamahalaang Rebolusyonaryo

Nahalal na Presidente si Emilio Aguinaldo

Pagpawalang bisa ni Andres Bonifacio ng halalan

Pagtanggi ni Daniel Tirona ky Andres Bonifacio bilang


Direktor ng Interyor

Gawain 3 - Saloobin Mo, Ihayag Mo!

Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang iyong saloobing tungkol sa nangyari sa


Kumbensyong Tejeros. Gawin ito sa kalakip na sanayang papel.

11
Gawain 4: Sino Ako? Ano ang Ginampanan Ko!

Panuto: Ibigay ang ginampanang papel ng mga sumusunod sa Kasunduan


sa Biak-na-Bato. Isulat ang sagot sa linya sa kalakip na sanayang papel.

Emilio Aguinaldo
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

Fernando Primo de Rivera


____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

Pedro Paterno
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

12
Isaisip

Panuto: Ang sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa mga pangyayaring


naganap sa himagsikang Pilipino. Punan ng salita ang bawat patlang upang
mabuo ang diwa ng pahayag. Gawin ito sa kalakip na sanayang papel.

1. Naganap ang pagpunit ng sedula at Sigaw sa _____________ noong


Agosto 23, 1896 sa bakuran ni ___________________na anak ni Melchora
Aquino.

2. Ang katipunan ay nahati sa dalawang pangkat ito ay_________ at


__________.

3. Sa pamunuan ng____________________ ang nagdesisyon na magkaroon


ng bagong pamahalaan ito ay ang _____________________________.

4. Itinatag ni _________________________ ang Republika ng


____________________.

5. Nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga naghihimagsik ng mga


Pilipino at Kastila ngunit masasabing hindi ito nagtagumpay dahil sa
__________________ ng magkabilang panig.

13
Isagawa

Sa lahat ng iyong natutunan sa modyul na ito, alam kong handang


handa ka na at may tiwala sa sarili sa gawaing ito.

Gawain 5- Gawin at Damhin

Panuto: Sa mga nabasang kasaysayan, isulat sa loob ng bawat puso ang


pangyayaring tumatak sa iyong damdamin at isipan. Gawin ito sa kalakip na
sanayang papel.

______________________ _______________________
_______________________ ________________________
____________________ ____________________
__________ _____________
_____ _____

Sigaw sa Pugad Lawin Tejeros Convention

_______________________
_______________________
___________________
____________
_____

Kasunduan sa Biak-na Bato

14
Gawain 6- Malikhaing Panghihikayat

Panuto: Gumawa ng islogan tungkol sa pagkakaisa at pagtutulungan para


sa kapayapaan.

Halimbawa:

“Kapayapaan Hindi Digmaan ang Susi


sa Magandang Kinabukasan”

“Pagkakaisa at Pagtutulungan ng
Sambayan ang Daan tungo sa
Kapayapaan”

Gamitin ang rubriks na nasa ibaba bilang gabay.

Rubriks para sa Paggawa ng Islogan


5 3 1 Puntos

Ito ay
Ito ay Ito ay
nagpapakita
nagpapakita nagpapakita
nang di-
Nilalaman nang nang hindi
gaanong
mahusay na mahusay na
mahusay na
mensahe mensahe.
mensahe

May Di- gaanong Kunti lang


malaking may ang
Kaugnayan sa
kaugnayan kaugnayan kaugnayan
Paksa
sa paksa ang sa paksa ang sa paksa ng
islogan islogan. islogan.

Maganda
Napakaganda ngunit di-
Maganda at
at malinaw gaanong
Pagkamalikhain malinaw ang
ang malinaw
pagkakasulat
pagkakasulat ang
pagkasulat

15
Tayahin

Galingan mo ang pagsagot! Alam kong kayang-kaya mo. Sana mataas


ang iyong makuhang marka.

Panuto: Basahin at suriing mabuti. Piliin ang titik ng tamang sagot ayon sa
inilalarawan nito. Isulat ito sa hanay bago ang bilang. Gawin ito sa kalakip
na sanayang papel.

a. Agosto 19, 1896 f. Kasunduan sa Biak-Na-Bato


b. Pedro Paterno g. Republika ng Biak-Na-Bato
c. Daniel Tirona h. Magdiwang
d. Emilio Aguinaldo i. Gobernador-Heneral Primo de Rivera
e. Magdalo j. Tejeros
k. Disyembre 14, 1897

____1. Siya ang kinatawan ng mga Kastila sa Kasunduan sa


Biak-na-Bato.

____2. Ito ang petsa ng pagtuklas ng mga Kastila ng samahang


katipunan.

____3. Siya ang kinatawan ng Pilipino sa Kasunduan sa Biak-na-Bato.

____4.Dito naganap ang pagpupulong sa pagitan ng Magdalo at


Magdiwang na ang layunin ay palakasin ang depensa sa Cavite.

____5. Siya ay nahalal na Pangulo ng Rebolusyonaryo.

____6. Ito ay ang grupong pinamumunuan ni Baldomero Aguinaldo.

____7. Ito ay ang pinamumunuan ni Mariano Alvarez, tiyunin ni Andres


Bonifacio.

16
____8. Siya ang tumutol sa pagkahalal kay Andres Bonifacio bilang
Direktor ng Interyor.

____9. Ito ay ang pamahalaang itinatag ni Emilio Aguinaldo na kilala


rin bilang Konstitusyon ng Biak-na-Bato.

___10. Ito ang kasunduang nilagdaan ni Emilio Aguinaldo para sa


kapayapaan.

Karagdagang Gawain

Magaling at natapos mo ang mga pagsasanay sa modyul na ito. Para


magkaroon ka pa ng pagkakataong malinang ang iyong kasanayan, gawin ang
karagdagang gawain sa ibaba.

Ano ang ipinagdiriwang sa bansang Pilipinas tuwing ika-30 ng


Nobyembre? Gawin ito sa kalakip na sanayang papel.

___________________________________________________________________________
________________________________________________________________

17
18
Karagdagang Tayahin Isaisip
Gawain 1. I -Agosto 23, 1896
2. A -Juan A. Ramos
3. B -Magdalo at Magdiwang
4. J -Tejeros Convention
5. D -Pamahalaang Rebolusyonaryo
Bonifacio Day 6. E -Emilio Aguinaldo
7. H -Biak-na-Bato
8. C -kawalang tiwala
9. G
10. F Isagawa
Gawain 5
Ang sagot ng bata ay nakabatay
sa kanyang kakayahan at pag-
unawa sa aralin.
Gawain 6
Ang sagot ng bata ay nakabatay
sa kanyang kakayahan at pag-
unawa sa aralin.
Pagyamanin Subukin
Gawain 1
Tuklasin 1. C
2. D
Maaaring hindi magkasunod-
1.Natuklasan ang katipunan 3. A
sunod ang sagot.
2. Agosto 23, 1896 4. A
1. Kasunduan
3. Unang Pagsiklab ng Digmaan 5. A
2. Biak-na-Bato
Gawain 2 3. Daniel Tirona 6. A
3, 1, 2, 5 at 4 4. Kumbensiyon 7. B
Gawain 3 5. Cavite 8. B
1. Nakipagkasundo para sa 6. Emilio Aguinaldo 9. B
kapayapaan 7. Melchora Aquino 10. B
2. Kinatawan ng 8. Magdalo
Pamahalaang Kastila sa 9. Magdiwang
10. Rebolusyonaryo
Balikan
kasunduan sa Biak-na-Bato
3. kinatawan ng Pilipinas sa 1. B
Kasunduan sa Biak-na Bato
Suriin 2. C
Gawain 4 3. D
Ang sagot ng bata ay nakabatay 4. A
Ang sagot ng bata ay sa kanyang kakayahan at pag- 5. E
nakabatay sa kanyang unawa sa aralin.
kakayahan at pag-unawa sa
aralin.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Almario, Virgilio S. Kumbensiyong Tejeros, Sagisag Kultura (Vol 1) 2015.


https://philippineculturaleducation.com.ph/kumbensiyong-tejeros/.

Almario, Virgilio S. Unang Sigaw, Sagisag Kultura (Vol 1) 2015.


https://philippineculturaleducation.com.ph/unang-sigaw/.

Antonio, Cánovas del Castillo y Vallejo. “Fernando Primo de Rivera.” August 10,
2019. https://en.wikipedia.org/wiki/Fernando_Primo_de_Rivera.

Guia, Jhaypee. “Cry of Pugad Lawin Monument: The Beginning o the Philippine
Revolution.” August 7, 2017. https://www.vigattintourism.com/tourism/articles
/Cry-of-Pugad-Lawin-Monument-The-Beginning-of-the-Philippine-Revolution.

Montemayor, Shang. “Tejeros Convention Site.” March 23, 1897.


https://www.pinterest.ph/pin/550142910700499474/visualsearch/?cropSource=
6&h=217&w=445&x=14&y=10.

Mortel, Daryl A. Bayanihan 6. Quezon City: Inteligente Publishing Inc., 2017.

NCCA Official. “Biyak-na-bato.” June 3,


2015.https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18250500789/player/d7f3d6e2
de.

NCCA Official. “0001-Emilio Aguinaldo.” May 28, 2015.


https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18187031611/in/photostream/.

Sevilla, Jose N. “Mga Dakilang Pilipino.” 1922.


https://tl.wikepedia.org/wiki/Pedro_Paterno.

19
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihikayat
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like