You are on page 1of 26

6

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Digmaang Pilipino-Amerikano
Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 6: Digmaang Pilipino-Amerikano
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Raybeth Joy L. Gumbao


Editor: Achremah M. Balayanan
Tagasuri: Ritchel E. Wong, Maria Runa C. Orbe, Ruth E. Lacasandili
Tagaguhit: Raybeth Joy L. Gumbao
Tagalapat: Jim Ryan S. Dela Cruz
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Leonardo M. Balala, CESE- Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr. - REPS, LRMS
Peter Van C. Amg-ug- REPS, ADM
Johnny M. Sumugat - REPS, Araling Panlipunan
Ismael M. Ambalgan- Chief, CID
Sheryl L. Osano- EPS, LRMS
Josevic F. Hurtada- EPS, ADM
Haron C. Kartil – EPS, Araling Panlipunan

Printed in the Philippines byDepartment of Education –SOCCSKSARGENRegion

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
6
Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Digmaang Pilipino-Amerikano
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Self-Learning


Module (SLM) para sa araling Digmaang Pilipino-Amerikano!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito ay naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.
.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 6 ng Self-Learning Module (SLM)


ukol sa Digmaang Pilipino-Amerikano!

Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

iii
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Pagwawasto gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Kumusta? Ako ay nagagalak na makakasama ka sa iyong paglalakbay


sa pagtuklas ng bagong kaalaman sa araling ito. Handa ka na bang
madagdagan ang iyong natutunan?
Ang modyul na ito ay naglalahad ng mga pangyayari tungkol sa
pinagsimulan ng labanan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano. Isa itong
malawakang digmaan na tumagal nang halos dalawang taon. Maraming
mga Pilipino ang nakipaglaban at nagbuwis ng buhay sa panahon ng
digmaang ito. Matututunan mo din dito, ang mga pagsisikap at
pagpupunyagi ng mga Pilipino na magtagumpay sa labanan para makamit
ang kalayaan. Subalit, dahil sa makabagong armas at kasanayan sa
pakikipagdigma ng mga Amerikano kung kaya tuluyang nilang nasakop ang
Pilipinas.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ay inaasahang matututunan ang
layuning ito:
1. Nasusuri ang pakikibaka ng mga Pilipino sa panahon ng Digmaang
Pilipino-Amerikano: (AP6PMK-Ig-10)
• Unang Putok sa Panulukan ng Silencio at Sociego, Sta. Mesa
• Labanan sa Tirad Pass
• Balangiga Massacre
Sa lahat ng gawain, intindihing mabuti ang binabasa at sumunod sa
bawat panuto. Isulat mo sa kalakip na sanayang papel ang mga sagot sa
bawat pagsasanay.
Handa ka na ba para sa ating paglalakbay sa araling ito? Halina at
iyong alamin ang mga pangyayari sa pagsiklab ng alitan na pinagsimulan
ng digmaang Pilipino-Amerikano.

1
Subukin

Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong para malaman


natin ang iyong kaalaman sa mga pangyayari noong Digmaang Pilipino-
Amerikano. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sanayang papel.

________1. Saan nagpaputok ang isang sundalong Amerikano nang makita


nito ang isang sundalong Pilipino noong gabi ng Pebrero 4, 1899?
a. Kalye ng Singco at Camp Dumlao
b. Kalye ng Don Buencamino at Luneta
c. Kalye ng Alamander at Camp Siongco
d. Kalye ng Silencio at Sociego sa Sta Mesa Maynila

________2. Ano ang iniutos ng pinuno ng mga Amerikano sa kanyang mga


sundalo matapos makita ang sundalong Pilipino?
a. hulihin at dalhin sa himpilan
b. patayin ang mga sundalong Pilipino
c. bitayin ang mga nahuling sundalong Pilipino
d. huwag magpaputok kung hindi lumalaban ang mga Pilipino

________3. Kailan nagsimula ang digmaan ng mga Pilipino at Amerikano?


a. Abril 10, 1899 c. Marso 6, 1898
b. Pebrero 4, 1899 d. Oktubre 16, 1896

________4. Sino ang tinamaan ng bala noong nagpaputok ang sundalong


Amerikano?
a. Corporal Anastacio Felix c. Corporal Aurelio Feliz
b. Corporal Cornelio De Juan d.Corporal Juanita De Chiva

________5. Sino ang namuno sa kabataan sa Pasong Tirad sa Pilipinas?


a. Hen. Gregorio del Pilar c. Marcelo H. del Pilar
b. Emilio Aguinaldo d. Hen. Antonio Luna

________6. Sino ang nagturo ng isang lihim na daanan sa mga Amerikano para
matunton ang kinalalagyan nina Heneral Gregorio del Pilar?
a. Juan Miquel Gallon c. Juanito Asuncion
b. Januario Galut d. Januan Silva

________7. Sa labanan sa Samar, maraming namatay na sundalong


Amerikano at bilang ganti minasaker nila ang mga taga Samar.
Pati ang mga batang lalaking may gulang 10 pataas ay kanilang
pinatay. Ano ang tawag sa kaganapang ito?
a. Balangiga Massacre c. Pasong tirad
b. Labanan ng Maynila d. Mock Battle of Manila

2
________8. Paano gumanti ang mga sundalong Amerikano sa mga Pilipino
matapos silang mamatayan ng higit kumulang 40 katao?
a. pagsunog ng mga sundalong Amerikano ng mga kabahayan
at ari-arian ng mga Pilipino
b. pagpatay ng mga bihag na gerilya, pati ng mga sibilyan at
alagang hayop
c. pagmasaker sa mga taga-Samar
d. lahat ng nabanggit

________9. Anong katangian ang ipinakita ng mga Pilipino sa


pakikipaglaban sa
mga Espanyol at Amerikano?
a. pagtulong sa kapwa c. katapangan
b. pagmamahal sa bansa d. lahat ng nabanggit ay tama

________10. Bakit tinaguriang pinakatanyag na labanan sa pagitan ng mga


hukbong Pilipino at Amerikano ang “Balangiga Massacre”?
a. dahil sa labanang ito namatay si Hen. Emilio Aguinaldo
b. dahil sa labanang ito puro mga Pilipino lamang ang namatay
c. dahil ang labanang ito ang unang pagkatalo ng mga
Amerikano
d. dahil ang labanang ito ang tinaguriang “Mock Battle”

3
Aralin
Digmaang
1 Pilipino-Amerikano

Balikan

Kumusta ang iyong pagsagot sa katanungan? Mayroon ka na bang


ideya tungkol sa ating aralin ngayon? Alam kong ikaw ay nasasabik na, pero
bago mo simulan ang pag-aaral ng bagong aralin, magbalik-aral ka muna.

Masdan mo ang larawan.

Source: www.google.com

Naaalala mo pa ba ito? Anong mahahalagang pangyayari ang


ipinahihiwatig sa larawan? Gaano kahalaga sa isang bansa ang
pagkakaroon ng kalayaan?

Magaling at iyo pang naalala ang iyong nakaraang aralin. Ngayon,


siguradong handa ka na para sa iyong bagong matututunan. Halina at
simulan na natin!

4
Mga Tala para sa Guro
Sa modyul na ito ay mapupukaw ang iyong damdaming
makabayang Pilipino at masubok ang iyong tiyaga sa
pagtugon sa mga gawain, mapapaunlad nito ang iyong
kakayahan sa pagbasa at galing sa pag-iisip para masagutan
ang katanungan.
Maaaring humingi ng tulong sa mga magulang,
nakatatandang kapatid o tumawag sa telepono ng guro kung
kinakailangan.

Tuklasin

Gawain 1: Halo-halo Espesyal!

Panuto: Ayusin ang mga letra sa ibaba upang makabuo ng isang salita
batay sa kanyang nakasaad na kahulugan. Isulat ang sagot sa loob ng
kahon. Sagutin ito sa iyong sanayang papel.

MIAKEARON

-tawag sa taong ipinanganak at nakatira sa Amerika

AANIGDM

-alitan, labanan, di-pagkakaunawaan

ILONIPPI

-taong ipinanganak at nakatira sa Pilipinas

5
GOERGIOR LED RILAP

-isa siyang Pilipinong siyentipiko at magiting na Pilipinong heneral na


nakipaglaban noong sakupin ang Pilipinas ng mga Amerikano.

AKLWA

-nangangahulugang sundalo

RAMSA

-isang lalawigan sa Visayas kung saan naganap ang Balangiga Massacre


KOGUL
-tabak, itak, kampit

Nabuo mo ba ang mga salita? Ano-ano ang mga salitang iyon?


Magaling! Ito ang mga salitang iyong mababasa sa patuloy na pag-
aaral ng iyong aralin.
Handa ka na bang matuto? Simulan mo na!

Suriin

Alam mo ba na nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at


Amerikano noon? Marahil ay itinatanong mo sa iyong sarili kung bakit
naganap ang digmaang ito. Para maunawaang mabuti, halina at ating
tuklasin ang mga pangyayari at pakikibakang naganap sa pagitan ng mga
sundalong Pilipino at Amerikano. Handa ka na ba? Sige simulan mo na.

Basahin Natin

Source:http://dlrciligan.weebly.com

6
Ang Digmaang Pilipino-Amerikano ay isang makasaysayang yugto sa
pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan nila matapos ang pananakop
ng Espanya. Ang digmaang ito ang armadong hidwaan sa pagitan ng Unang
Republikang Pilipino at ng Estados Unidos na nagsimula noong Pebrero 4,
1899 hanggang Hulyo 2, 1902. Matatandaan na habang malapit nang
matalo ng mga mandirigmang Pilipino ang hukbong Espanyol, dumating
ang mga Amerikano sakay ng mga barko na dumaong sa baybayin ng
Maynila. Ipinalabas nila na magiging kasangga at kakampi sila ng mga
Pilipinong Rebolusyonaryo sa pakikipaglaban sa mga Espanyol para sa
kalayaan. Matatandaang nag deklara ng kasarinlan ang Pilipinas at tinawag
itong Unang Republika ng Pilipinas subalit, hindi ito kinilala ng mga
Amerikano. Kung kaya napilitan ang mga Pilipino sa pamumuno ng
kanilang pangulong Emilio Aguinaldo na labanan ang mga Amerikano at
bawiin ang kanilang kalayaan mula sa mga mapanlinlang na Amerikano.

Unang Putok sa Panulukan ng Silencio at Sociego, Sta. Mesa


Sa simula ng pamamahala ng mga Amerikano, nagkaroon ng
kasunduan sa pagitan nila at ng mga Pilipino sa pamumuno ni Pangulong
Emilio Aguinaldo na huwag lumapit sa teritoryo na pinamamalagian ng
bawat pangkat. Subalit nagbago ang pangyayari noong ika-4 ng Pebrero,
1899 sa ganap na ikawalo at kalahati ng gabi nang naganap ang barilan na
siyang naging hudyat ng labanan. Ito ay nangyari ng pinaputukan ni
Private Willie W. Grayson ang isang sundalong Pilipino na si Corporal
Anastacio Felix at ang kanyang mga kasama sa panulukan ng mga
Kalyeng Sociego at Silencio sa Santa Mesa, Maynila. Gumanti naman ng
putok ang mga sundalong Pilipino at sa loob ng isang oras, ang dalawang
hukbo ay ganap na humanda sa pagsimula ng Digmaang Pilipino-
Amerikano. Tumagal ng humigit kumulang na dalawang taon ang itinagal
ng digmaan at batay sa estatistika, tinatayang 4,234 na sundalong
Amerikano at 16,000 sundalong Pilipino ang nasawi.

Ninais sana ng pangkat ni Pangulong Emilio Aguinaldo sa tulong ni


Pedro Paterno na pigilin ang lumalaganap na labanan. Katunayan,
ipinaabot ni Emilio Aguinaldo kay Heneral Elwell Otis na ang barilang
naganap ay hindi ayon sa kaniyang kagustuhan. Gayunpaman, ikinagalit
ito ng mga Amerikano at ipinahayag ni Heneral Otis ang pagpapatuloy ng
nasimulang laban hanggang sa matapos ito. Mabilis na lumaganap ang
labanan sa paligid ng Maynila gaya ng La Loma, Quezon City, at Daang
Azcarraga (Claro M. Recto Avenue ngayon). Pinamunuan ni Heneral
Antonio Luna ang mga sundalong Pilipino sa pakikipaglaban sa Maynila.
Ngunit sila ay natalo sa may bahaging Caloocan. Maging sa mga karatig
lalawigan ay lumaganap din ang digmaan. Dahil sa lakas ng pwersa at

7
armas ng mga Amerikano ay madali nilang nalusob ang maraming lugar sa
Maynila at mga karatig lalawigan nito. Kanila ring tinugis ang mga Pilipino
at pinagpapatay ito. Isinunod nila ang pagkubkob sa kabisera ng
pamahalaang Rebolusyunaryo sa Malolos, Bulacan noong ika-30 ng Marso
1899. Umatras ang grupo ni Aguinaldo pahilagang Luzon at inatasan niya
ang kanyang pinakapinagkatitiwalaang heneral na si Gregorio del Pilar na
maiwan nang magkaroon ng distansiya ang pwersa ng mga Amerikano at ng
kaniyang pwersa.

Labanan sa Tirad Pass


Tumalima si Hen. Gregorio Del Pilar sa utos ni Hen. Emilio Aguinaldo
na magpaiwan sa Pasong Tirad upang mapigilan ang tropang Amerikano na
humahabol sa kanila. Ang Pásong Tírad ay isang makitid na lagusan sa
Bundok Tirad na matatagpuan sa Ilocos Sur. Estratehiko ang lokasyong ito
para sa digmaan dahil sa taas nito kitang-kita ang mga paparating na
tumutugis sa kanila. Pinili ni Heneral Gregorio del Pilar ang nasabing lugar
upang harangin at gulatin ang pangkat ng Amerikano na nais hulihin si
Pangulong Emilio Aguinaldo na tumatakas nang pahilaga. Inutusan niya
ang kaniyang 59 na piling sundalo na maghukay sa tatlong lebel ng paso.
Dito, maaari nilang barilin at tapunan ng bato ang mga paakyat na
Amerikano.

Source: https://philippineculturaleducation.com.ph

Puspusang tinugis ng mga Amerikanong sundalo ang puwersa ng mga


Pilipinong mandirigma. Noong Disyembre 2, 1899, dumating ang mahigit
500 na mga sundalong Amerikano na pinamunuan ni Major Peyton C.
March. Subalit nahirapan silang makausad dahil pinaulanan na sila ng bala
ng mga Pilipinong nagtatago sa kabundukan. Gayunman, nakapasok din
ang mga Amerikano sa Pasong Tirad sa tulong ng isang Igorot na si
Januario Galut. Itinuro niya ang tanging daan papunta sa itaas ng Pasong
Tirad sa mismong likuran nina del Pilar. Nabigla ang grupo ni del Pilar sa
pagsalakay ng mga Amerikano kaya’t sinubukan nilang tumakas subalit
nang papasakay na siya ng kabayo ay may biglang bumaril sa kanya.

8
Nasawi si del Pilar noong Disyembre 2, 1899 at nilapastangan ng mga
kalaban ang kanyang bangkay. Ngunit sa kabila ng matinding labanan,
sinikap ng isang Igorot na bigyan ng dangal ang kamatayan ni Heneral
Gregorio del Pilar sa pamamagitan ng paglilibing dito. Dahil sa
kabayanihang ito ni Heneral Gregorio del Pilar, hinirang siyang “Bayani ng
Pasong Tirad”.

Masaker sa Balangiga
Noong ika-28 ng Setyembre, 1901 naitala sa Samar ang isa sa mga
tagumpay ng hukbong Pilipino sa panahon ng Digmaang Pilipino-
Amerikano. Ito ay tinawag nilang “Masaker sa Balangiga”. Pero ito rin ang
isa sa pinakamalagim na karanasan ng mga Pilipino sa kamay ng mga
Amerikano.
Ang Balangiga ay isang maliit na bayan
sa gawing timog ng Samar. Dito nagtayo ng
garison ang Company C ng 9th US Infantry
Regiment noong Agosto 11, 1901. Layon nila
ang magmanman sa mga gawain ng mga
Pilipinong gerilya sa pamumuno ni Heneral
Vicente Lukban. Ipinasara din nila ang
daungan ng bayan at hinarang ang suplay para
sa mga gerilya.
Mainam sa simula ang ugnayan ng mga
Pilipino sa mga Amerikano. Ngunit nabalitaan
ng mga Amerikano ang pagdalaw ng isang
pangkat ng gerilya kung kaya’t naghigpit sila.
Itinipon ang mga lalaki sa bayan at hindi
pinakain magdamag. Sinamsam din nila ang
Source :https://upload.wikimedia.org
mga gulok sa mga kabahayan. Dahil dito
nagplano ng ganti ang mga taga-Balangiga.
Ilang araw bago ang planong pagsalakay, nagkunwaring abala ang
kalalakihan sa paghahanda sa pista. Nagpasok sila ng maraming tuba para
malasing ang mga sundalo. Ilang oras bago ang pagsalakay, pinatakas nila
lahat ng mga babae at bata. Nagbihis babae ang mga lalaki at kunwari ay
pupunta ng misa. Sa pamumuno ni Valeriano Abanador, hepe ng pulisya
sa bayan, sinunggaban nila ang mga Amerikano at halos hindi
makapaputok dahil sa kabiglaan at kalasingan. Sa 74 tauhan ng Company
C, 36 ang napatay sa labanan, kasama sina Kapitan Thomas W. Connell at
Medyor Richard S. Griswold, 22 ang nasugatan, at apat ang ay nawawala
samantalang sa parte naman ng mga Pilipino ay 28 ang nasawi at 22 ang
sugatan. Nakakuha din ng mahigit 100 na riple at maraming amyunisyon
ang mga taga-Balangiga.

9
Isang malaking dagok ito sa mga
Amerikano kung kaya’t galit na galit na
iniutos ni Heneral Jacob Smith na
puksain ang mga taga-Samar. Ipinasunog
niya ang mga bahay, ipinapapatay ang
mga bihag na gerilya, pati ang mga
sibilyan na may kakayahang humawak ng
armas, kabilang na ang mga batang
sampung gulang pataas at mga alagang
hayop, hanggang magmistulang
tiwangwang ang maraming bayan ng
Source: https://news.abs-com/news Samar. Ayon sa mga historyador libo-libo
ang napuksa sa Samar bago matapos ang
digmaan. Ninakaw din ng mga Amerikano ang tatlong batingaw ng
Balangiga, bilang “war booty”.
At dahil din sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay pormal
ng isinauli ng pamahalaang Amerika ang tatlong “Balangiga Bells”
pagkalipas ng 117 taon. Ito ay dumating sa Villamor Airbase noong
Disyembre 11, 2018 at tuluyang naibalik sa simbahan sa Samar noong
Disyembre 15, 2018.

Pagwawakas ng Digmaang Pilipino-Amerikano

Sa patuloy na pakikipaglaban ng mga Pilipino ay maraming buhay


ang nasawi. Unti-unti nang natatalo ang mga rebolusyunaryong Pilipino.
Noong Marso 23, 1901 nahuli si Heneral Aguinaldo sa Palanan, Isabela.
Sunod na sumuko sa mga Amerikano si Hen. Miguel Malvar sa Lipa,
Batangas at huling sumuko naman si Hen. Simeon Ola sa Guinobatan,
Samar.

Naunawaan mo ba ang iyong binasa?


Anong nararamdaman mo habang binabasa mo ang teksto? Bakit?
Sa iyong palagay, bakit tuluyang nasakop ng mga Amerikano ang
Pilipinas?

10
Pagyamanin

Gawain 2: Hanapin Mo!


Panuto: Tukuyin ang mga salitang inilalarawan sa loob ng kahon. Isulat
ang mga sagot sa patlang na katapat nito at bilugan ito sa cross word puzzle
sa ibaba.

1. Isang pangalan ng kalye sa Sta. Mesa, Maynila: _______________


2. Tawag sa mga taong taga Espanya: ________________
3. Bumaril sa isang sundalong Pilipino: ________________
4. Isa sa mga namuno sa mga sundalong Pilipino: ________________
5. Kasingkahulugan ng kawal: ________________
6. Kasingkahulugan ng kontrata: ________________
7. Kasingkahulugan ng digmaan: ________________
8. Nangangahulugan kanto o sulok: ________________
9. Kabisera ng Pilipinas: ________________
10. Unang Pangulo ng Pilipinas: ________________

11
Gawain 3: Isip-isip!
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang iyong sagot sa
iyong sanayang papel.

1. Bakit pinili ng pangkat ni Heneral Gregorio del Pilar na tumigil sa


Pasong Tirad?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Ipaliwanag ang naging papel ni Hen. Gregorio del Pilar sa Labanan
sa Pasong Tirad.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Paano napasok ng mga Amerikano ang kuta ng mga Pilipino sa
Pasong Tirad?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
4. Ano ang nangyari kay Hen. Del Pilar sa labanan sa Pasong Tirad?
Bakit?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Gawain 4: Kilala Mo Ba Ako?


Panuto: Ilarawan o bigyang katuturan ang mga nakatalang salita na
maaaring karakter, bagay, lugar o pangyayari sa ibaba. Sagutin ito sa iyong
sanayang papel.

1. Balangiga, Eastern Samar:


______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. gerilya:
______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. Heneral Jacob Smith:
______________________________________________________________
______________________________________________________________

12
4. Setyembre 28, 1901:
______________________________________________________________
______________________________________________________________

5. Batingaw ng Balangiga:
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Isaisip

Matapos mong nagawa ang mga pagsasanay at napag-aralan ang mga


konsepto at ideya ng aralin, kumpletuhin ang pangungusap para matukoy
kung naunawaan mo ang nais ipabatid ng modyul na ito. Punan ang mga
patlang ng tamang salita o mga salita upang mabuo ang pangungusap.
Sagutin ito sa iyong sanayang papel.

1. Nagsimula ang Digmaang Pilipino-Amerikano


noong___________________________ sa panulukan ng Kalye
___________________________at ________________________, Sta. Mesa, Maynila.

2. Si _______________________________ ang pinuno ng mga Pilipino sa


panahon ng digmaang Pilipino-Amerikano. Siya rin ang naging unang
Pangulo ng Unang Republika ng Pilpinas.

3. Si Heneral ______________________ ang namuno sa mga rebolusyunaryo sa


Caloocan.

4. Tinaguriang pinakabatang heneral na nakipaglaban sa mga Amerikano si


____________________________________. Siya rin ay kinilalang “Bayani ng
Pasong Tirad” dahil sa kanyang ipinakitang tapang at talino bilang pinuno
ng mga Pilipino.

5. Ang ______________________________ ay isang makitid na lagusan sa


Bundok Tirad kung saan pumosisyon ang grupo ni Hen. Del Pilar.

13
6. Ang ______________________________________ ay isang tagumpay ng
hukbong Pilipino sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano na naganap
sa Lalawigan ng Samar. Dahil sa pangyayaring ito naghiganti ang mga
________________________ at pinadanas nila ng matinding hirap ang mga
Pilipino.

Isagawa

1. Kung anak ka ng isang sundalong Pilipino noong panahon ng


Digmaang Pilipino-Amerikano, sasang-ayon ka ba sa ipinaglalaban ng
iyong mga magulang? Bakit?
____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

2. Ang ating mga bayani ay nagbuwis ng kanilang mga buhay para


ipagtanggol ang kalayaan ng ating bansa. Ito ang paraan nila ng
pagpapadama ng kanilang pagmamahal sa ating lupang sinilangan.
Bilang isang batang Pilipino ng makabagong henerasyon, paano mo
maipakikita ang iyong pagmamahal sa ating bansa? Magbigay ng 3
paraan. Sagutin ito sa iyong sanayang papel.

a. ____________________________________________________________________

b. ___________________________________________________________________

c. ____________________________________________________________________

14
Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang. Isulat ng letra ng tamang sagot
sa iyong sanayang papel.
________1. Sino ang tinamaan ng bala noong nagpaputok ang sundalong
Amerikano?
a. Corporal Anastacio Felix c. Corporal Aurelio Feliz
b. Corporal Coenelio De Juan d.CorporalJuanita De Chiva

________2. Sino ang namuno sa mga Pilipino sa labanang Pasong Tirad?


a. Hen. Gregorio del Pilar c. Marcelo H. del Pilar
b. Emilio Aguinaldo d. Hen. Antonio Luna

________3. Kailan nagsimula ang digmaan ng mga Pilipino at Amerikano?


a. Abril 10, 1899 c. Oktubre 16, 1896
b. Marso 6, 1898 d. Pebrero 4, 1899

________4. Ano ang utos ng pinuno ng mga Amerikano sa kanyang mga


sundalo?
a. patayin ang mga sundalong Pilipino
b. hulihin at dalhin sa himpilan
c. bitayin ang mga nahuling sundalong Pilipino
d. huwag magpaputok kung hindi lumalaban ang mga

________5. Saan nagpaputok ang isang sundalo na Amerikano nang makita


nito ang sundalong Pilipino noong gabi ng Pebrero 4, 1899?
a. Kalye ng Silencio at Sociego sa Sta Mesa Maynila
b. Kalye ng Singco at Camp Dumlao
c. Kalye ng Don Buencamino at Luneta
d. Kalye ng Alamander at Camp Siongco

________6. Bakit tinaguriang pinakatanyag na labanan sa pagitan ng mga


hukbong Pilipino at Amerikano ang “Balangiga Massacre”?
a. dahil sa labanang ito namatay si Hen. Emilio Aguinaldo
b. dahil sa labanang ito puro mga Pilipino lamang ang namatay
c. dahil ang labanang ito ang unang pagkatalo ng mga
Amerikano
d. dahil ang labanang ito ang tinaguriang “Mock Battle”

15
________7. Sa labanan sa Samar maraming namatay na sundalong Amerikano
at bilang ganti minasaker nila ang mga taga Samar. Pati ang mga
batang lalaking may gulang 10 pataas ay kanilang pinatay. Ano
ang tawag sa kaganapang ito?
a. Balangiga Massacre c. Pasong tirad
b. Labanan ng Maynila d. Mock Battle of Manila

________8. Sino ang nagturo ng isang lihim na daanan sa mga Amerikano para
matunton ang kinalalagyan nina Hen. Gregorio del Pilar?
a. Juan Miquel Gallon c. Juanito Asuncion
b. Januario Galut d. Januan Silva

________9. Paano gumanti ang mga sundalong Amerikano sa mga Pilipino


matapos silang mamatayan ng higit kumulang 40 katao?
a. pagsunog ng mga sundalong Amerikano ng mga kabahayan
at ari-arian ng mga Pilipino
b. pagpatay ng mga bihag na gerilya, pati ng mga sibilyan at
alagang hayop
c. pagmasaker sa mga taga-Samar
d. lahat ng nabanggit

________10. Anong katangian ang ipinakita ng mga Pilipino sa


pakikipaglaban sa mga Espanyol at Amerikano?
a. pagtulong sa kapwa c. katapangan
b. pagmamahal sa bansa d. lahat ng nabanggit

16
Karagdagang Gawain

Gawain 6: Saliksikin Mo!


Panuto: Magsaliksik tungkol sa mga posibleng dahilan ng pagsakop ng
Estados Unidos sa Pilipinas gayong isa na silang mayaman at
makapangyarihang bansa. Isulat ang iyong sagot sa concept map sa ibaba.
Sagutin ito sa iyong sanayang papel.

Dahilan ng Pagsakop
ng Estados Unidos sa
Pilipinas

Magaling! Binabati kita dahil ikaw ay nagpamalas ng kahusayan


at kasipagan para maunawaan at masagot mo ang katanungan at gawaing
inihanda. Sigurado akong ikaw ay handang handa nang tumuloy sa
susunod na modyul.

Hanggang sa muli!

17
Susi sa Pagwawasto

18
Sanggunian
Agno, Lydia N., Ed.D., Tadena, Rosita D., Ph.D., Balonso, Celinia L., Ph.D., Dela
Cruz, Marvie M., Ph.D. Kultura, Kasaysayan, at Kabuhayan. Philippines: Vibal
Publishing House, Inc., 2010.

Almario, Vicente S. (Ed.). “Digmaang Flipino-Americano – Sagisag Kultura (Vol. 1).”


2015. https://philippineculturaleducation.com.ph/digmaang-filipino-americano/.

Almario, Vicente S. (Ed.). “Masaker sa Balanggiga – Sagisag Kultura (Vol. 1).” 2015.
https://philippineculturaleducation.com.ph/masaker-sa-balanggiga/.

Almario, Vicente S. (Ed.). “Pasong Tirad – Sagisag Kultura (Vol. 1).” 2015.
https://philippineculturaleducation.com.ph/pasong-tirad/.

Autor, Noel. The Bells of Balangiga. 2016.


https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commonss/3/34.

Batang, Jay Son and Noel M. Pamaran. Mga Hamon at Tugon sa Pagkabansa.
Valenzuela City: JO-ES Publsihing House, Inc., 2016.

guest67d3d4d. Digmaang-Pilipino-Amerikano. https://www.slideshare.net.

Mortel, Daryl A. Bayanihan 6. Quezon City: Inteligente Publishing Inc., 2017.

Placido, Dharel. “Duterte to Skip Catholic Mass for Balangiga Bells Homecoming.”
Dec. 13, 2018. https://news.abs-cbn.com/news.

wordpress.com. “Independence Day. 2011.


https://padidioni.files.wordpress.com/2011/06/independence-day1.jpg.
PAHATID-LIHAM

Ang Sariling Pagkatutong Modyul naito ay nilinang ng Kagawaran ng


Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay ay batay sa Most Essential Learning Competencies
(MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan na
gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampubikong paaralanng Rehiyon XII
simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang prosesong paglinang ay
tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit
naming hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like