You are on page 1of 20

5

Araling
Panlipunan
Paglaganap at Katuruan ng
Islam sa Pilipinas
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 7: Paglaganap at Katuruan ng Islam sa Pilipinas
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nag-
tataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang ma-
kuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Anabella A. Valencia
Editor: Cesar Q. Antolin at Anabel D. Besona
Tagasuri: Ma. Dianne Joy Dela Fuente
Tagaguhit:
Tagalapat: Maria Isabel C. Bacea at Crizelle Biernes
Ilustrador ng Pabalat: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Miguel P. Fillalan, Jr. CESO VI - Schools Division Superintendent
Levi B. Butihen - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny M. Sumugat – Regional Araling Panlipunan Supervisor
Arlene Rosa G. Arquiza - CID Chief
Ma. Dianne Joy Dela Fuente – Officer In-Charge of LRMS
Jesus V. De Gracia - ADM Coordinator
Frank T. Nawal, Jr –Araling Panlipunan Supervisor

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon ng SOCCSKSARGEN

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
5

Araling
Panlipunan
Unang Markahan 1 – Modyul 7:
Paglaganap at Katuruan ng
Islam sa Pilipinas
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 5 na Self-


Learning Module (SLM) ukol sa Paglaganap at Katuruan ng Islam sa Pilipinas!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong ta-
gapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, pan-
lipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasa-
nayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panu-
long o estratehiyang magagamit sa pag-
gabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkat-
uto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-
aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 5 ng Self-Learning Module (SLM) ukol


sa Paglaganap at Katuruan ng Islam sa Pilipinas!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

2
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng mo-
dyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang
sagot (100%), maaari mong laktawan ang ba-
haging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipaki-


kilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pag-


talakay sa aralin. Layunin nitong matulun-
gan kang maunawaan ang bagong konsepto
at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa ma-


layang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwa-
wasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pu-


punan ang patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o reali-
dad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o ma-


sukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong pani-


bagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang ara-
lin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

3
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin hum-
ingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulu-


gang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

4
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyo. Ito ay upang matulungan
kang makabisado ang aralin ukol sa Paglaganap at Katuruan ng Islam sa Pilipinas.
Ang saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na magamit sa iba’t ibang mga
sitwasyon sa pag-aaral. Ang wika na ginamit ay kinikilala ang magkakaibang antas
ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos upang sundin ang ka-
raniwang pagkakasunod-sunod ng kurso. Ngunit ang pagkakasunod-sunod kung
paano mo ito basahin ay maaaring mabago upang tumugma sa aklat na ginagamit
mo ngayon.

Ang modyul na ito ay nakatuon sa mga araling sumusunod:


1. Natatalakay ang paglaganap ng relihiyong Islam sa Pilipinas

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Nakagagawa ng timeline ukol sa paglaganap ng Islam sa Pilipinas
2. Naiisa-isa at naipaliliwanag ang mga katuruan ng Islam
3. Napapahalagahan ang mga katuruan ng Islam

Subukin

Mayroon ka na bang ideya o kaalaman tungkol sa paksang


ating tatalakayin?

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Panuto: Tukuyin ang tamang sagot.

__________1. Ito ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim.


__________2. Siya ang nagtatag ng Islam.
__________3. Ito ang tawag sa nag-iisang Diyos ng mga Muslim.
__________4. Siya ang itinuturing na unang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas.
___________5. Ang Islam ay hango sa salitang Arabe na nangangahulugang ______.

__________6. Ang pinakamahalagang konseptong Islam ay ang kaisahan ng


________sa daigdig.
__________7. Ang _______ ay ang pagbigkas ng walang ibang Diyos maliban
kay Allah at si Muhammed ang huling propeta.
__________8. Ang ________ ay tawag sa pag-aayuno tuwing panahon ng Ramadan.
____________9. Ang ________ ay tawag sa pagdarasal ng limang beses sa isang araw

5
ng mga Muslim.
__________10. Ito ang tawag sa pagbibigay ng tulong o limos sa mga nangangailangan.

Aralin
Paglaganap at Katuruan ng
1 Islam sa Pilipinas

Magandang araw mahal kong mag-aaral! Ako pala si Titser


Ann, ang iyong guro sa Araling Panlipunan.

Ikaw ba ay isang Muslim o Kristiyano? Kahit saan ka nabib-


ilang sa mga ito ay mahalagang malaman mo kung paano
lumaganap ang Islam sa Pilipinas at ang mga katuruan nito.

Mahalagang maunawaan natin ito upang matutunan nating


igalang ang mga Muslim.

Balikan

Ating balikan ang iyong natutunan sa mga kultura ng mga


sinaunang Filipino.

Ang mga sinaunang Filipino ay nanininwala sa animismo na


pagsamba sa mga ispiritu o kaluluwa.

Magbigay ng mga kasalukuyang paniniwala o gawain na


sumasalamin sa paniniwala sa animismo ng mga Filipino.

Halimbawa: Pag-aalay ng pagkain o inumin sa mga puntod


6
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Mga Tala para sa Guro


Upang higit na munawaan ng mag-aaral ang aralin, maaaring pa-
noorin ang isang bidyo sa youtube tungkol sa paglaganap ng
katuruang Islam sa Pilipinas sa link na ito:

https://www.youtube.com/watch?v=a8C003SzUoY

Tuklasin

Alam mo ba?
Ang Islam ang pangalawa sa pinakamalaking relihi-
yon sa mundo. Itinatag ito ni Propetang Muhammed
sa Saudi Arabia.

Ito ay hango sa salitang Arabe na ang ibig sabihin ay


“pagsuko o pagsunod”. Ang tawag sa Diyos ng Is-
lam ay Allah at ang tawag naman sa mga tagasunod
nito ay Muslim.

Ang banal na aklat ng Islam ay Qur’an o Kor’an.


Naglalaman ito ng mga salita at katuruan ni Allah
na inihayag kay Propetang Muhammed.

Ang pinakamahalagang konsepto ng Islam ay ang


kaisahan ng Diyos na Panginoon ng buong daigdig.
Siya ang dapat sambahin at sundin.

7
Ang relihiyong Islam ay nagtataglay ng mga katangian at katuruan.

Narito ang ilan sa mga katangian ng relihiyong Islam:

• Ito ay nagbuhat mula kay Allah.


• Ito ay naglilinaw sa simula ng tao at sa wakas niya.
• Ito ay relihiyon ng kalikasan at pagkalalang.
• Ito ay relihiyon ng katarungan.
• Ito ay relihiyon ng pag-ibig.
• Ito ay relihiyon ng kaalaman.
• Ito ay nagpapahalaga sa damdaming makatao.
• Ito ay relihiyon ng teolohiya at batas ni Allah.

Ayan! Ano ang masasabi mo sa katangian na ito?

Ngayon naman ay alamin natin ang ilan sa mga aral o


katuruan ng relihiyong Islam.

Mga Aral ng Islam:

8
Nakapaloob sa limang haligi ng Islam ang mga pangunahing aral ng Islam. Ito ay
ang mga sumusunod:

1. Shahada. Ito ang pagbigkas ng


“walang ibang Diyos kundi si
Allah at si Muhhamed ang
huling propeta ni Allah”.

2. Salat. Ito ang pagdarasal ng limang


ulit sa isang araw ng
nakaharap sa Mecca.

3. Zakat. Ito ang pagbibigay ng


tulong o limos na pananalapi sa
mga mahihirap na kapatid na
mga Muslim.

4. Saum. Ito ang pag-aayuno sa


panahon ng Ramadan. Larawa Blg. 1. Larawan ng Qur’an o Koran
Halaw sa:
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2
5. Hajj. Ito ang paglalakbay sa Mecca. F%2Fen.shafaqna.com%2F35478%2Fsaving-human-
ity-without-holy-quran-not-possible%2F&psig=AOv-
Vaw3k9HAOyJZGRhLVkI1hTmT0&ust=1591885057
053000&source=images&cd=vfe&ved=0CAI-
QjRxqFwoTCKjPuKS49-kCFQAAAAAdAAAAABAD

Larawa Blg. 2. Larawan ng haligi ng Islam


Halaw sa:
https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2
Fwww.learnquranonline.uk%2Fpillars-of-Islam&psig=AOv-
Vaw3Ywa_uXQqQALbC-
VaYH0Ze&ust=1591885564940000&source=im-
ages&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKCy5YC69-
kCFQAAAAAdAAAAABAO

Pinapayagan ng Islam ang polygamy o ang pagkakaroon ng higit sa isang asawa kung
may kakayanan ang mga lalaki na buhayin ang mga ito. Pinagbabawal din nito ang
pagsusugal, paggawa ng mga imaheng panrelihiyon, pag-inom ng alak at lalo na ang
pagkain ng karne ng baboy.

Ayan! Mayroon ka nang konting kaalaman sa mga aral o


katuruan ng Islam.

Kaya pa ba? Dahil tutungo naman tayo sa kung paano


lumaganap ang Islam sa ating bansa.

9
Ang Paglaganap ng Islam sa Pilipinas

Ang Islam ay unang ipinahayag sa Arabia. Mula Arabia ay naikalat ito sa iba’t-ibang
bahagi ng daigdig. Nakarating ito sa Spain gayundin sa India. Sa tulong ng mga
mangangalakal at mga misyonerong Arabong Muslim, nakarating sa Timog Si-
langang Asya ang Islam at pinaniniwalaan na ito ang nagdala ng Islam sa Pilipinas.

Ang ilan sa kanila ay nanirahan sa Jolo, Sulu. Sa Bud Datu sa Sulu matatagpuan
ang puntod ni Tuan Mashaika ang pinaniniwalaang nagpahayag ng Islam sa Jolo
noong 1280. Ayon sa tarsila na naglalaman ng mga dokumento tungkol sa Islam, si
Sharif Karim Ul Makdum, isang misyonerong iskolar ay dumating sa Sulu noong
1280 at nangaral ng Islam. Noong 1390 naman dumating si Rajah Baguinda ng
Palembang sa Sulu na humikayat sa maraming katutubo na maniwala sa relihiyong
Islam. Noong 1450 dumating naman si Abu Bakr na nagmula din sa Palembang.
Siya ang kinilalang nagtatag ng unang Sultanato ng Sulu.
At noong huling bahagi ng ika-15 siglo,
nanguna sa pagpapalaganap ng Islam sa
Mindanao si Sharif Kabungsuan mula
sa Johor, Malaysia. Siya ang nagtatag at
naging unang Sultan ng pamahalaang
itinatag sa Mindanao. Mula sa Sulu at
Mindanao ay mabilis na lumaganap ang
Islam sa Luzon at Visayas.

Noong ika-16 na siglo, mabilis ding


natuldukan ang pagpapalaganap ng
Islam sa Pilipinas ng sakupin ito ng
mga Espanyol. Tinangkang sakupin
ng mga Espanyol ang Mindanao
upang mapasailalaim sa kapangyari-
han nito at mabinyagan sa kristi-
yanismo ang mga katutubo ngunit
nagpamalas ng katapangan ang mga
Muslim upang ipagtanggol ang kanil-
Larawa Blg. 3 Larawan ni Sharif Kabungsuan ang kalayaan at relihiyon.
Halaw sa: http://nightskylie.blog-
spot.com/2016/01/sultanate-of-maguindanao.html

10
Suriin

Maliwanag na ba sa inyo kung anu-ano ang katuruang Islam


at kung paano ito lumaganap sa ating bansa?
Para malaman natin, sabay nating sagutin ang mga sumusu-
nod na tanong.
1. Sino ang pinaniniwalaang nagtatag ng relihiyong Islam?

2. Sinu-sino ang tumulong mula sa karatig bansa natin sa Ti-


mog Silangang Asya na magdala ng pananampalatayang Is-
lam sa Pilipinas?

3. Sino ang itinuturing na nagtatag ng unang Sultanato


sa Sulu?
4. Batay sa katangian ng Islam, ano ang iyong masasabi sa
pananampalatayang ito?

5. Paano pinagtitibay ng limang haligi ng Islam ang pagi


gingisang Muslim? Magbigay ng mga sitwasyon.

Pagyamanin

Ayan! Ang galing mo naman sa pagsagot mo sa mga katanun-


gan? Isang masigabong palakpak para sa iyong kahusayan.

Ngayon ay mas lalo nating patingkarin ang iyong kaalaman sa


pamamagitan ng paggawa ng timeline tungkol sa paglaganap
ng Islam sa bansa.

Gawing gabay ang naunang salaysay sa paglaganap ng Islam


sa bansa.

11
Panuto: Isulat sa kahon ang mga pangyayaring kaugnay sa pagpalaganap ng Islam
sa Pilipinas sa bawat siglo sa timeline sa ibaba.

1200

130

140

150

Isaisip

Maraming salamat sa iyong masusing paggawa sa mga naunang


gawain at pagsagot sa mga katanungan.

Narito ang mga mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan.

12
TANDAAN:
Ang Islam ay nagtataglay ng mga katangian na nag-
tatangi kung ano nga ba ang tunay na layunin ng relihi-
yong ito. Ito ay nagtuturo kung paano maging isang
mabuting tao o anak ni Allah o Diyos.

Ito ay ipinalaganap sa Pilipinas ng mga mangangalakal


na misyonerong Muslim. Una itong ipinakilala sa bansa
ni Tuan Mashaika noong 1280 sa Jolo na sinundan nina
Sharif Karim Ul Makdum sa Sulu. Noong 1390 naman
dumating sa Sulu si Rajah Baguinda mula sa Palem-
bang (Malaysia) na nagpalawak ng relihiyong ito sa Min-
danao. Samantalang si Abu Bakr naman ang nagtatag
ng unang Sultanato sa Sulu batay sa relihiyong ito
noong 1450. Si Sharif Kabungsuan mula sa Johor, Ma-
laysia ang nagtatag ng unang Sultanatong Pamahalaan
sa Mindanao noong ika-15 siglo.

Ang mga aral ng Islam ay nakapaloob sa limang haligi


nito. Ito ay ang Shahada, Salat, Zakat, Saum at Hajj.

Sa araling ito, ano ang pinakamahalaga mong natutunan? Bakit?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

13
Isagawa

Panuto: Isulat ang iyong saloobin tungkol sa katangian, katuruan at paglaganap ng


relihiyong Islam sa Pilipinas. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng pagguhit
ng larawan o paggawa ng poster, tula, awit o hugot.

Rubrik sa Pagtataya ng Gawain:

Mga Pamantayan Puntos


Malinaw ang mensaheng
hatid 10

Malikhain at kawili-wiling
presentasyon 5

Naipapakita ang tunay na


saloobin sa katuruan at
paglaganap ng relihiyong 10
Islam sa Pilipinas

Kabuuang Puntos 25

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

14
Tayahin

Panuto: Tukuyin ang tamang sagot.


________1. Ito ang tawag sa pagbibigay ng tulong o limos sa mga nangangailangan.
________2. Ang ________ ay tawag sa pag-aayuno tuwing panahon ng Ramadan.
________3. Ito ang tawag sa nag-iisang Diyos ng mga Muslim.
________4. Ang ________ ay tawag sa pagdarasal ng limang beses sa isang araw ng
mga Muslim.

________5. Ang Islam ay hango sa salitang Arabe na nangangahulugang ________.


________6. Ang pinakamahalagang konseptong Islam ay ang kaisahan ng _______
sa daigdig.

________7. Ang _______ ay ang pagbigkas ng walang ibang Diyos maliban kay Allah
at si Muhammed ang huling propeta.
________8. Siya ang nagtatag ng Islam.
________9. Siya ang itinuturing na unang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas.
________10. Ito ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim.

Karagdagang Gawain

Panuto: Magsagawa ng isang panayam (interview) sa isang kaibigan, kapamilya o


kakilala kung paano nila pinahahalagahan ang aral o katuruang Islam sa
kanilang pamumuhay.

Gabay na tanong:
1. Ikaw ba ay naniniwala sa Islam?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. Bilang isang Muslim, ilahad ang inyong nakagawiang mga paniniwala.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
3. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga katuruang Islam sa iyong
pang-araw-araw na pamumuhay?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

15
16
Subukin Pagyamanin Tayahin
1. Qur’an/Kor’an 1200-Pagdating ng mga 1. Zakat
2. Muhammed arabong mangangalakal 2. Saum
3. Allah sa katimugang bahagi 3. Allah
4. Tuan Mashaika ng kapuluan 4. Salat
5. Pagsuko o pag- 5. Pagsuko o pag-
sunod 1280-Dumating sa Sulu sunod
6. tao si Tuan Mashaika. 6. tao
7. Shahada Itinuturing na kauna- 7. Shahada
8. Saum unahang nagpakilala ng 8. Muhammed
9. Salat Islam sa Pilipinas 9. Tuan Mashaika
10.Zkat 10.Qur’an/Kor’an
1360-Mula Malacca ay
dumating si Karim-Ul-
Makdum sa Sulu na
nangaral ng Islam
1390-Dumating si Ra-
jah Baginda ng Palem-
bang sa Sulu.
Matagumpay niyang
nahikayat ang ilang ka-
tutubo na lumipat sa
relihiyon Islam
1450-Dumating si Abu
Bakr mula sa Palem-
bang. Siya ang kiniki-
lalang nagpalaganap ng
relihiyong Islam sa
Sulu.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Batayang Aklat:

Agno, Lydia N., Ed.D., Marangal na Pilipino Batayang aklat sa Heograpiya, Ka-
saysayan at Sibika Ikalimang Baitang, Bagong Edisyon 2006 ng Vibal Publishing
House

Gabuat, Maria Analyn P., et. al. 2016. Pilipinas Bilang Isang Bansa. Quezon City,
Philippines: Vibal Group Inc.

Palu-ay, Alvenia P., Makabayang Kasaysayang Pilipino Batayang Aklat Ikalimang


Baitang. Binagong Edisyon 2010
Vilaria, Evelina M., et. Al. 2003. Hamon sa Pagbabago

Websites:

https://www.youtube.com/watch?v=a8C003SzUoY

17
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa ta-
ong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag
ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihikayat ang pag-
bibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like