You are on page 1of 29

9

Panitikang Asyano 9
Self Learning Module
Ikalawang Markahan – Modyul 5: DULA
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rosalie N. Española
Editors: Perly Joy E. Gregorio at Lips F. Hiso
Tagasuri: Evelyn C. Frusa PhD, Prima A. Roullo, Rolex H. Lotilla, Arvin M. Tejada
Tagaguhit:
Tagalapat: Den R. Fernandez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV- Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V- Assistant Regional Director
Crispin A. Soliven Jr., CESE- Schools Division Superintendent
Roberto J. Montero CESE- Asst. Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. - REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug-REPS, ADM
Leonardo B. Mission- REPS, Filipino
Belen L. Fajemolin PhD- CID Chief
Evelyn C. Frusa PhD- Division EPS In Charge of LRMS
Bernardita M. Villano- Division ADM Coordinator
Prima A. Roullo-EPS, Filipino

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education-SOCCSKSARGEN Region


Department of Education – Region XII

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083)228-8825/ (083)228-1893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
9

Panitikang Asyano
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Dula
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 9 Panitikang Asyano ng Self Learning


Module (SLM) para sa araling 5 Dula !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtagumpayan ang pansarili, panlipunan at
pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
pantulong o estratehiyang magagamit na
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 9 Panitikang Asyano ng Self Learning Module (SLM)


Modyul ukol sa Dula !

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw,
bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na
kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa
iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi
sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin
Gawain ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Susi sa lahat ng mga gawain sa modyul.
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan
sa paglikha o paglinang ng modyul na
Sanggunian ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid
o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Magandang araw sa iyo! Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo upang
marami kang makukuhang kaalaman sa bawat tatalakayin. Kaya pagsikapan
mong mabuti na masagot ang mga gawaing inihahanda sa bawat yugto ng
pagkatuto. Tiyak na magugustuhan at maipamamalas mo ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa dulang pantanghalan na naglalarawan sa karaniwang
pamumuhay ng tao sa alinmang bansa sa Silangang Asya. Matutuhanan mo
rin ang kahalagahan ng mga cohesive device o kohesiyong gramatikal sa pagbuo
ng mga pahayag o diyalogo.

Sa araling ito, ay maiuugnay mo ang iyong mga ang karanasang pansarili


na maaari mong pagkunan ng iyong mga kasagutan. Tutulungan kang muli ng
mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mong sagutin ito. Kaya mo to!
Handa ka na ba? Simulan mo na.

Alamin

Ang modyul na ito ay nagtatalakay sa isang akdang pampanitikang dula na ang


layunin ay itanghal ang kaisipan ng may-akda sa pamamagitan ng pananalita,
kilos at galaw. Ito ay hango sa kasaysayan ng buhay ng tao, mayaman ito sa
mga makatotohanang pangyayari na ating nasaksihan sa pang-araw-araw na
pamumuhay.

Ang cohesive device reference o kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol ay


mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi paulit- ulit ang mga salita.

Panimula

Ang pamumuhay sa bansang Mongolia ay natatangi sanhi ng lokasyon nito.


Ito’y nakapagitan sa bansang Siberia at Tsina at napapalibutan ng mga
disyerto at mga ilog. Ang Mongolia ay binubuo ng iba’t ibang tribo at
karaniwang namumuhay silang mga lagalag. Ang kalagayang ito ay
masisilayan sa kanilang panitikan.

Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang pag-unawa at pagpapahalaga


sa dula na may pamagat na “Munting Pagsinta” na hinalaw ni Mary Grace A.
Tabora sa pelikula ni Sergei Bordrov na mula sa Mongolia. Matututuhan mo rin
ang kahalagahan ng mga cohesive device o kohesiyong gramatikal sa pagbuo ng
mga pahayag o diyalogo. Gayundin, sa pagtatapos ay makikibahagi ka sa
pagtatanghal ng isang dulang naglalarawan sa karaniwang pamumuhay ng tao
sa alinmang bansa sa Silangang Asya. Tatayain ang nasabing pagganap batay
sa sumusunod na pamantayan: kahusayan ng pagganap, orihinalidad ng iskrip,
kaangkupan ng mga elemento at makatotohananWalang dudang sa pagtatapos
ng araling ito ay masasagot mo nang may pag-unawa ang mga tanong na… Bakit
mabisa ang dula sa paglalarawan ng karaniwang buhay at paano mabisang
makabubuo ng mga pahayag o diyalogo ng dula?

1. Nauuri ang mga tiyak na bahagi at katangian ng isang dula batay sa


napakinggang diyalogo o pag-uusap.
2. Nasusuri ang binasang dula batay sa pagkakabuo at mga elemento nito.
3. Napaghahambing ang mga napanood na dula batay sa mga elemento nito.
4. Naisusulat ang isang maikling dula tungkol sa karaniwang buhay ng isang
pangkat ng tao sa ilang bansa sa Asya.
5. Nagagamit ang mga angkop na pang-ugnay sa pagsulat ng maikling dula.

Subukin

Pangkalahatang Panuto: Isulat ang titik ng napili sagot sa iyong activity


notebook . Bahagi ng pagsusulit ang pagsunod sa panuto.

1. Ang isang akdang pampanitikang ang layunin ay itanghal ang kaisipan


ng may-akda sa pamamagitan ng pananalita, kilos at galaw.

A. Dula C. Sanaysay
B. Nobela D. Tula

2. Ano ang kadalasang ipinakikita sa isang dula?


A. kabayanihan ng mga tauhan
B. pinagmulan ng isang bagay
C. nagaganap sa buhay ng tao
D. kagandahan ng kapaligiran

3. Ano ang hindi kabilang sa pangkat?


A. direktor C. kariktan
B. iskrip D. tanghalan

4. Alin sa mga elemento ng dula ang sumasaksi sa pagtatanghal nito?

A. aktor C. iskrip
B. direktor D. manonood

5. Siya ang nagbibigay ng interpretasyon sa iskrip ng dula, siya ay ang


______.

A. aktor C. manonood

B. direktor D. tanghalan

6. Ano ang mga kohesiyong pangramatika na pagpapatungkol?

A. Anapora at Katapora C. Pangatnig na Pananhi at Temporal

B. Nominal at Berbal D. Pangatnig na Pandagdag at Panalungat

7. Ano ang pinakateksto ng dula?

A. aktor C. direktor

B. iskrip D. tanghalan

8. Ito ay kohesiyong gramatikal na ginagamit sa hulihan bilang pananda

sa pinalitang pangalan sa unahan.

A. anapora C. nominal

B. berbal D. katapora

9. “Makikita sa loob ng bahay ang kasangkapang antik o sinauna.”

Anong elemento ng dula ang lutang sa pahayag?

A. aktor C. manonood

B. iskrip D. tanghalan

10. Alin sa mga pahayag ang wasto tungkol sa kohesiyong gramatikal?

A. Binibigyang turing nito ang mga pangngalan

B. Iniiwasan nito ang pag-uulit ng mga pangangalan

C. Napaiikli nito ang mga pangnugusap

D. Napalalawak nito ang mga pangungusap

Aralin
5 DULA
Ang araling ito ay magpamamalas ng iyong pag-unawa at pagpapahalaga sa dula
na may pamagat na “Munting Pagsinta” na hinalaw ni Mary Grace A. Tabora sa
pelikula ni Sergei Bordrov na mula sa Mongolia. Matututuhan mo rin ang
kahalagahan ng mga cohesive device o kohesiyong gramatikal sa pagbuo ng mga
pahayag o diyalogo. Gayundin, sa pagtatapos ay makikibahagi ka sa
pagtatanghal ng isang dulang naglalarawan sa karaniwang pamumuhay ng tao
sa alinmang bansa sa Silangang Asya

Balikan

Sa nakaraang aralin ay natutunan mo ang kahalagahan ng maikling


kuwentong makabanghay at pagpapalawak ng pangungusap gamit ang
panuring (pang-uri at pang-abay). Subukin mong sagutin ang mga tanong
batay sa nakaraang modyul na pinag-aralan.

Gawain 1. Panuto. Tukuyin ang nais bigyang-pansin sa sumusunod na


bahagi ng kuwento. Gamitin mo ang mga simbolo na nasa ibaba. Isulat sa
activity notebook ang iyong sagot.

---Tauhan ---Lugar --- Pangyayari

1. Unti- unti, sa paningin ko’y nagkakahugis ang isang mapanglaw at


dahop na kapaligiran. Ang mga bahay na malalayo ang agwat,
nagliliitan, ang iba’y nakagiray na, pulos na yari sa kugon at kawayan,
ay waring nagsisipagbantang lumupasay sa anumang sandali. Sa
malayang hangin ay nagsasanib-sanib ang kahol ng mga aso, kakak
ng mga manok at itik, unga ng mga kalabaw, langitngit ng
nagtatayugang kawayan at pagaspas ng dahon. (mula sa Lugmok Na
Ang Nayon ni EdgardoReyes)

2. Dinalaw siya mula noon ng pag-aagam-agam sa kaniyang pag-


aanluwage. Hinahanap-hanap niya mula noon ang bagay na dapat
niyang malikha; at sa palagay niya’y waring nagkukulang at hindi
tumpak ang bawat gawin at likhain niya. Dumaan ang mga taon at
siya’y nakaramdam ng panghihina. Mabilis ang pagtanda niya, ngunit
ang kanyang alalahanin ay hindi nababawasan. (mula sa Anluwage
ni Hilario L. Coronel)
3. May luha siya sa mata ngunit may galak siyang nadama.
Luwalhati. Hinagud-hagod niya ang mga kamao. Nadama niya ang
bagong tuklas na lakas niyon. Ang tibay. Ang tatag. Ang
kapangyarihan. Muli niyang tiningnan ang nakabulagtang si Ogor.
Pagkaraa’y nakapikit at buka ang labing nag-angat siya ng mukha.
(mula sa Impeng Negro ni Rogelio Sikat)

4. Tunay ngang isang malaking pangyayari ang nakaakit sa pansin ng


San Joaquin. Hindi sila magkasundo sa pagtinging ibibigay nila kay
Lea. Sa isang banda, siya ang anak ni Aling Clara na magpapaahon
sa kanya pamilya mula sa kahirapan; kaiinggitan, kamumuhian,
masarap siraan. Subalit siya rin ang anak ng San Joaquin na
kapupulutan ng pag-asa; pupurihin, tatangkilin, gagawing
pangunahing tauhan sa kwentong isasalaysay sa ilang henerasyon ng
kabataan. (mula sa Bagong Bayani ni Joseph Salazar)

5. Kung takipsilim ay isinusuot na lahat ni Marcos ang pulinas, ang gora,


at ang suwiter, saka dala ang latigong katulad ng pamalo ni Don Teong
Pagdating niya sa pook na kinapupugalan ay saka aasbaran ng palo
ang kalabaw hanggang ito’y umungol na ang alingawngaw ay ano’t
hanggang sa kalagitnaan ng bayan. Kung di niya makita na halos apoy
na ang lumalabas sa dalawang mata ng hayop ay hindi pa niya ito
titigilan. Sa gayon ay matulin siyang nagtatago upang umuwi na siya
sa bayan. (mula sa Walang Panginoon ni Deogracias Rosario)

Tuklasin

Gawain 2. Hulaan Tayo…


Panuto: Isulat sa loob ng maskara ang mga elemento ng dula na nasa
kahon.

Sukat Mahika Tanghalan Tugma Hayop


Direktor Ritmo Manonood Aktor Katwiran Iskrip
http://flightofideasver2.blogspot.com/2018/02/maskara.html

Gawain 3: Ibahagi Mo!

Panuto: Itala ang mga karaniwang pangyayari sa yugto ng iyong buhay batay sa
larawang ipinapakita sa ibaba.

A. Sanggol

______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
_
2. nasa elementarya

3. nasa hayskul ______________________________


______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
_

3. nasa hayskul

______________________________
______________________________
______________________________
Bago ______________________________
ka magpatuloy sa pagsagot sa
susunod ______________________________
na gawain, sagutin muna natin
ang sumusunod na tanong.
______________________________
1. Ano-anong pangyayari
_ ang
kadalasang ipinapakita ng isang
dula?
2. Ano ang nauunawaan mo sa
cohesive device o kohesyong
gramatikal?
Kung wala ka pang alam o ideya sa
dalawang mga tanong, huwag kang mag-
alala ay masasagot ito sa mga sumusunod
Suriin
Basahin at unawain ang isang dula ng serye ng mga pangyayari sa buhay ng
isang taga Mongolia na naglalarawan ng karaniwang pamumuhay ng tao na
hinalaw sa pelikula mula sa Mongolia.
Munting Pagsinta
mula sa pelikulang Mongol: The Rise of Genghis Khan
ni Sergei Bordrov
Hinalaw ni Mary Grace A. Tabora

Mga Tauhan:
Temüjin - anak ni Yesügei na mula sa Tribong Borjigin
Yesügei - ama ni Temüjin
Borte - isang dalaginding na taga - ibang tribo

Tagpuan: Kawangis ng madilim na kalangitan ang nadarama ng magiting na


mandirigmang naninimdim sa takbo ng kapalarang sinapit na nakatalungko sa
isang sulok ng makipot at karima-rimarim na piitan.
Temüjin: Anong saklap na mapiit sa kulungang malupit? Ito ay silid ng
kalungkutan. Tila kailan lamang nang kasa-kasama ko si Ama . . . .
Yesügei: Temüjin, bilisan mo na riyan. Kailangan nating magmadali?
Temüjin: Bakit Ama?
Yesügei: Malayo ang ating lalakbayin. Kailangang huwag tayong magpatay- .
Mahalaga ang ating sasadyain.
Temüjin: Naguguluhan ako sa iyo Ama. Kanina ka pa nagmamadali at
sinasabing mahalaga ang ating sadya sa ating pupuntahan? Ano ba iyon?
Yesügei: Ika’y siyam na taong gulang na, sa edad mong iyan Temüjin ay dapat
ka nang pumili ng iyong mapapangasawa.
Temüjin: Itay ako’y masyado pang bata para sa bagay na iyan. Ang kasal ay sa
matatanda lamang.
Yesügei: Aba’t ang batang ito, hindi naman ibig sabihin na kapag nakapili ka na
ng babaeng pakakasalan mo ay magsasama na kayo. Isang simpleng pamimili
lamang ng babae ang gagawin mo at pangakong siya’y iyong pakakasalan.
Temüjin: Ganoon po ba iyon?
Yesügei: Oo, anak. Tayo’y nabibilang sa Tribong Borjigin kaya’t ikaw ay pipili ng
babaeng mapapangasawa sa Tribong Merit.
Temüjin: Bakit sa Tribong Merit siya kailangang magmula? Hindi naman iyon
ang ating tribo.
Yesügei: Malaki ang atraso ko sa tribo, kaya’t sa ganitong paraan ako’y
makababawi sa kanila.
Temüjin: Sa tingin mo ba Ama sa ating gagawin ay kalilimutan na nila ‘yon nang
ganoon na lamang?
Yesügei: Hindi ko alam. Tingnan natin kung ano ang mangyayari. Mas mabuting
may gawin akong paraan kaysa sa wala.
Temüjin: Kung iyan po ang sa tingin ninyo’y tama.
Tagpo: Sa maliit na nayong liblib na kinatatayuan ng ilang kabahayan.
Yesügei: Temüjin, magpahinga muna tayo.
Temüjin: Mabuti ‘yan Ama. Napagod na rin ako. Gagalugarin ko lamang ang
paligid.
Yesügei: Huwag kang lalayo at mag-iingat ka.
Tagpo: Mapapadpad si Temüjin sa isang dampa kung saan nakatira ang
dalaginding na si Borte. Mabibigla siya sa di inaasahang pagbagsak ng pinto ng
kanilang kusina na likha ng aksidenteng pagkabuwal ni Temüjin.
Borte: Aaay! May magnanakaw!
Temüjin: Shhh (Tatakpan ang bibig ni Borte). ‘Wag kang sumigaw, wala akong
gagawing masama.
Borte: (Pipiliting magsalita kahit nakatakip ang bibig.)
Temüjin: Tatanggalin ko ang pagkakatakip ng bibig mo kung mangangako kang
hindi ka na mag-iingay. Magtiwala ka sa akin hindi ako masama (Habang dahan-
dahang inaalis ang kamay sa bibig ni Borte.)
Borte: (Sa isang mahinang tinig) Bakit kita paniniwalaan? Di naman kita kilala.
Temüjin: Kahit di mo ako kilala, kaya kong patunayan sa iyo na ako’y mabuti.
Borte: (Mariing pagmamasdan si Temüjin) Aber paano mo patutunayan ‘yang
sinasabi mo? Sige nga! (Taas noo)
Temüjin: Basta ba di mo ako pagtatawanan sa sasabihin ko sa iyong patunay.
Borte: Tingnan natin.
Temüjin: (Tila seryosong nag-iisip na may ngiti sa labi)
Borte: Anong nginingiti mo riyan? Sabi mo ‘wag akong tatawa, ikaw lang pala
ang tatawa.
Temüjin: Heto na, handa ka na ba?
Borte: Kanina pa, ang bagal mo naman.
Temüjin: Nais ko sanaaaannnng (magkakandautal) sa…sanang ikaw ang
babaeng mapangasawa ko. (Mababa ang tono)
Borte: Siraulo ka ba? Niloloko mo ako no? Kabata-bata pa natin.
Temüjin: Seryoso ako. Ano payag ka ba?
Borte: Ganon-ganon lamang ba iyon?
Temüjin: Alam kong mahirap akong paniwalaan, hayaan mong ipaliwanag ko sa
iyo. Kasama ko si Itay, kami’y papunta sa tribo ng mga Merit upang pumili ako
ng aking mapapangasawa. Ngunit ikaw ang ibig ko, ikaw ang pinipili ko.
Borte: Anong mayroon sa akin, bakit ako ang pinili mo?
Temüjin: Di ko rin alam. Ang tanging alam ko lamang ay ito ang ibinigay ng
pagkakataon sa akin. Ikaw ang aking nakita. Kaya naman pagbigyan mo na ako.
Hindi naman ibig sabihin na pumayag ka ay pakakasal na tayo.
Borte: (Di pa rin makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari) Di ko malaman kung
ano ang dapat kong sabihin sa iyo. (Nag- aalangan) Pero… sige na nga.
Temüjin: Salamat sa iyo, ako’y labis mong pinaligaya. Asahan mong hindi ka
magsisi sa iyong desisyon.
Borte: (Nahihiya at halos di makapagsalita) Paano na ngayon?
Temüjin: Siyempre tuloy pa rin ang buhay natin. (Masuyo ang pagkakatingin
kay Borte) Pero darating ang panahon na tayo’y mamumuhay sa iisang bubong.
Magkatuwang na aarugain ang ating mabubuting anak.
Borte: Matagal pa iyon.
Temüjin: Oo, pangako babalikan kita pagkatapos ng limang taon. Halika
puntahan natin si Ama. (Kukunin ang kamay ni Borte.)
Tagpo: Magkahawak kamay na naglalakad sina Temüjin at Borte sa paghahanap
sa ama kay Yesügei na kanilang makikita na nakatunghay sa ilog.
Temüjin: Ama!
Yesügeii: (Mapapaharap at magpapalipat-lipat ang tingin sa dalawa pati sa
kanilang kamay) Anong…Sino siya…Bakit?
Temüjin: Ama, siya po ang babaing napili ko. Si Borte.
Borte: Magandang hapon po. Kumusta po kayo?
Yesügei: Pero…
Temüjin: (Agarang magsasalita) Paumanhin po sa pagdedesisyon ko nang di
nagpapaalam sa inyo pero buo po ang loob ko sa aking ginawa. Sana’y
maunawaan n’yo po ako.
Yesügei: Ganang desidido ka na, sino ba ako para di-sumang-ayon sa iyong
kagustuhan. Ang iyong buhay naman ang nakataya rito. (Matiim na titingnan si
Borte) Okay lang ba sa iyo?
Borte: Opo!
Yesügei: Kung gayon, halina kayong dalawa at kausapin natin ang mga
magulang mo Borte. Matapos makipagkasundo sa mga magulang ni Borte, ang
mag-ama ay naglakbay pauwi sa kanilang dampa sa malayong nayon ng
Mongolia. (Si Temüjin ay si Genghis Khan.)
Gawain 4: Ayusin Mo!
Panuto: Isulat sa inyong activity notebook ang kahulugan ng mga salita sa bawat
bilang sa pamamagitan nang pagsasaayos ng mga titik na nasa loob ng bubble
balloon
limIagw
1. piitan gknlunua 2. masuyo

nkalaa
3. nakataya 4. galugarin
a s a yl

5. patay-patay l a m b a a g1.

Isa-isahin ang
Gawain 5. 5.
mga bahagi ng 2. Unawain Mo!
dula na
Panuto: naglalarawan Sagutin ang mga
tanong. Isulat sa ng karaniwang iyong activity
pamumuhahay
notebook ang iyong sagot.

4. 3.
2. Bakit kaya pinili ni Temujin si Borte kaysa sa isang babae mula sa tribong
Merit?
3. Tama bang hilingin ang bendisyon ng mga magulang sa pagpapasya? Bakit?
4. Anong damdamin ang nangibabaw pagkatapos basahin ang akda?
Ipaliwanag.
5. Ibigay ang sariling pananaw tungkol sa mga magulang na nagpapasya para
sa kanilang anak?
6. Ibigay ang ipinahihiwatig ng maagang pagpili ng babaing mapapangasawa ng
isang lalaking taga-Mongolia? Ipaliwanag.
7. Magbigay ng reaksiyon tungkol sa maagang pag-aasawa? Sang- ayon ka ba
rito o hindi? Pangatuwiranan

Pagyamanin

Alam mo ba na…
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming
tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o
entablado. Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal
sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang
ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango


sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at
malayang kaisipan.

Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na


tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula,
sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na
pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.

Elemento ng Dula
1. Iskrip

-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip

2. Gumaganap o Aktor

iskrip

3. Tanghalan
n ng isang dula ay tinatawag na
tanghalan

4. Direktor

-iinterpret sa iskrip mula sa pagpasya sa kaayusan ng tagpuan,


ng kasuotan ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng
mga tauhan

5. Manonood

Gawain 6. Paghambingin Mo!


Panuto: Punan ang graphic organizer batay sa paghambing ng iba pang
dula na iyong napanood/ nabasa na nagtataglay ng mga katangian at elemento
ng dulang binasa. Isulat sa iyong activity note ang iyong sagot.
Elemento ng Dula Munting Pagsinta Isang Dula (Pamagat)
Pangunahing Tauhan/
Aktor (Makatotohanan ba
ang pagganap ng mga
tauhan batay sa diyalogo?
Patunayan.
Tagpuan/ Tanghalan (Akba
ba ang tanghalan/ tagpuan
sa mga pangyayari sa
akda? Ipaliwanag.
Banghay/ Iskrip (Suriin:
Malinaw ba at maayos ang
daloy ng mga dayalogo?)
Bakit?
Nailarawan ba ang
karaniwang pamumuhay
ng tao sa dula? Ipaliwanag.
Galaw ng mga pangyayari
(Paano winakasan ang
dula?)
Mahalagang eksenang
nakaantig sa iyong puso?
Naiugnay mo ba sa iyong
buhay ang mga pangyayari
sa akda? Patunayan.

Gawain 7: Uriin Mo!


Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na pahayag. Kung ito ay nagpapakita
ng katotohanan, Isulat ang titik T. Kung ito naman ay nagpapakita kabatiran,
B at kung kagandahan naman ay isulat ng G. Pagkatapos, ipaliwanag kung bakit
kinakitaan ito ng katotohanan, kabatiran o kagandahan. Isulat ang iyong sagot
sa activity notebook.
1. Ibang klase ang kaso mo at naiiba rin ang basehan mo sa paghuhusga sa iyo.
2. Lahat ng tao’y makasalanan, at hindi ako naiiba sa karamihan.
3. Sa wakas, sumulong ang ating tagahuli ng ibon pabalik sa mundo upang doo’y
simulan ang ikalawang buhay.
4. Ika’y siyam na taong gulang na, sa edad mong iyan ay dapat ka nang pumili
ng iyong mapapangasawa.
5. Oo, pangako babalikan kita pagkatapos ng limang taon.

Isaisip

Ang cohesive device reference o kohesiyong gramatikal na


pagpapatungkol ay mga salitang nagsisilbing pananda upang
hindi paulit-ulit ang mga salita. Nakatutulong ito sa pagbuo
ng mga pahayag o diyalogo.

Mga halimbawa: ito, dito, doon, dito, iyon (para sa


lugar/bagay/hayop) sila, siya, tayo, kanila, kaniya (para sa
tao/hayop)

Nahahati ang kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol sa


dalawa, ang anapora at katapora.

1. Anapora- ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilang


pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan.

Halimbawa: Kung makikita mo si Manoling, sabihin mo


lamang na ibig ko siyang makausap.

2. Katapora- Ito ang panghalip na ginagamit sa unahan


bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan.
Gawain 8. Isipin Mo!
A. Panuto: Suriin ang mga pahayag. Isulat ang kohesiyong gramatikal na ginamit
sa pangungusap at kilalanin kung ito ay Anapora o Katapora.

1. Nakiusap ang pangulo sa kanila, pumayag naman ang mga pulis at sundalo.

2. Dito naganap ang isang himala, tunay na natatangi ang Simbahan ng


Lourdes.

3. Ang mga kababaihan ngayon ay hindi pahuhuli sa pagsabay sa pagbabagong


bunsod ng modernisasyon, sila’y namamayagpag sa iba’t ibang karera katulad
ng mga kalalakihan.

4. Iyan ang mga kinasangkapan niya sa pag-angat sa buhay, sipag at tiyaga


talaga ang karaniwang susi sa pagtatagumpay.

5. Mamamayan ang buhay ng isang bansa kayat tayo’y nagsisipag sa


paghahanap-buhay.

B. Panuto: Basahin ang mga pahayag. Isulat ang wastong kohesiyong


gramatikal sa pamamagitan ng inilaan na WORDART sa ibaba. Tukuyin kung
ito ay anapora o katapora. Isulat ang iyong sagot sa activity notebook.

siya iyong dito nila ito

1. Matutuwa ______ dahil higit na pinagbubuti ang kurikulum para sa mga mag-
aaral.
2. Nagwika _____ na “Kabataan ang Pag-asa ng Bayan,” ipinaliwang ni Jose Rizal
ang tungkuling ginagampanan ng mga kabataan sa lipunan.
3. Ang pagmamahal ng guro sa kaniyang mag-aaral ay hindi mapasusubalian,
____ay taglay niya hanggang kamatayan.
4. Maraming natutuhan ang mga kabataan gamit ang ICT, _____ nila nakukuha
ang mga mahahalagang impormasyon kailangan sa pag-aaral.
5. Sa panahon ng ________ pag-aaral, matinding pagsusunog ng kilay ang
kailangan upang makamit ng mga mag-aaral ang inaasam na diploma.
Isagawa

Ito ang yugto kung saan magkakaroon na ng bunga ang pagtitiyaga mo sa pag-aaral ng
dula at kohesiyong gramatikal. Mailalapat mo na ang mahahalagang konseptong iyong
natutuhan.

Gawain 9: Komenteryuhan Natin!

Panuto. Suriin mabuti ang isang editoryal. Pagkatapos, ipaliwanag ang mensahe nito.
Lakipan ng kohesiyong gramatikal sa pagpapaliwanag.Isulat ito sa iyong activity
notebook
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2020/09/12/2041800/editoryal-daming-pinoy-wala-pa-ring-face-mask

______________________
Gawain 10: Ikuwento Mo
______________________
Panuto: Sumulat ng isang maikling iskrip tungkol______________________ sa karanasan mo sa
______________________
kasalukuyang sitwasyon na ginagamitan ng kohesiyong gramatikal na anapora at
________
katapora. Salungguhitan ang salitang may kohesiyong gramatikal. Isulat ang
iyong sagot sa activity notebook.

Narito ang batayan sa pagbibigay ng marka sa pagsulat ng talata.

PAMANTAYAN 5 4 3 2 1 ISKOR ________________________


Pamagat
Masining at
magkakaugnay ______________________________
na ideya ______________________________
______________________________
Paraan ng ______________________________
paggamit ng ______________________________
kohesiyong ______________________________
gramatikal na ______________________________
salita. ______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
Malinaw at
organisado ang
mga salita

KABUUAN

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat bilang.


Piliin at isula bilugan ang titik ng tamang sagot sa activity notebook.

1. “Ang tanging alam ko lamang ay ito ang ibinigay ng pagkakataon sa akin.


Ikaw ang aking nakita.” Ano ang panlaping ginamit sa pahayag ilang kohesiyong
gramatikal?
A. akin C. ikaw
B. ito D. ko
2. Anong uri ng kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol ang sagot sa bilang
1?
A. anapora C. nominal
B. berbal D. katapora
2. _____ ay kahanga-hanga, ipinaglaban ni dating senador Ninoy Aquino

ang kaniyang pinaniniwalaang tama.

A. Nila C. Sila
B. Niya D. Siya
3. Sila ang sumasaksi sa pagtatanghal ng mga aktor sa isang dula.
A. Direktor C. Manonood
B. Aktor D. Tanghalan
4. Isa sa mga pangunahing pinagkakakitaan ng buwis ng bansa ang turismo
dahil ito ay nagbibigay ng napakalaking pera sa kaban ng bansa. Ano ang
kohesiyong gramatikal ang makikita sa pangungusap?
A. isa B. ito
B. dahil D. ng
5. Siya ay huwarang pinuno ng bayan, sapagkat namuhay si Jesse robredo nang
may katapatan sa sinumpaang serbisyo. Ang salitang may salungguhit sa
pangungusap ay ____________________.

A. pang-ugnay B. pang-abay

B. kohesiyong gramatikal D. pandiwa

6. Ang ________ ay panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa


pinalitang pangngalan sa hulihan.

A. kohesiyong gramatikal C. anapora

B. pag-abay D. katapora

7. Si Laurice Guillen ay nakatanggap ng parangal sa ginanap na 2001 FAMAS


Best Director sa pelikulang tanging Yaman (2000). Siya ay isang_______.

A. manonood C. direktor

B. aktres D. pinuno

Temüjin: Itay ako’y masyado pang bata para sa bagay na iyan. Ang
kasal ay sa matatanda lamang.
Yesügei: Aba’t ang batang ito, hindi naman ibig sabihin na kapag
nakapili ka na ng babaing pakakasalan mo ay magsasama na kayo.
Isang simpleng pamimili lamang ng babae ang gagawin mo at
pangakong siya’y iyong pakakasalan.
Temüjin: Ganoon po ba iyon? Yesügei: Oo, anak. Tayo’y nabibilang sa
Tribong Borjigin kaya’t ikaw ay pipili ng babaing mapapangasawa sa
Tribong Merit.
Temüjin: Bakit sa Tribong Merit siya kailangang magmula? Hindi
naman iyon ang ating tribo.
Yesügei: Malaki ang atraso ko sa tribo, kaya’t sa ganitong paraan ako’y
makababawi sa kanila.
Halaw sa “Munting Pagsinta”
Hinalaw ni Mary Grace A. Tabora
8. Anong kulturang Mongolia ang litaw sa diyalogo?
A. pambayad atraso ang anak
B. maagang pag-aasawa
C. pagpili ng mapangangasawa sa murang edad
D. pag-iisa ng dalawang tribo bunsod ng kasal

9. Anong pangyayari ang nakita sa diyalogo na karaniwang nagaganap sa


iyong pamumuhay?
A. pagkumbinsi ng magulang sa anak
B. pagpapaliwang ng magulang sa anak ukol sa isang paksa
C. pagtatalo ng magulang at anak
D. pagpapasya ng magulang para sa anak

10. Anong kaugaliang Pilipino ang masasalamin sa diyalogo sa itaas?


A. pagsasaalang-alang sa damdamin ng nakaalitan
B. pagpili ng babaing mapapangasawa mula sa ibang angkan
C. paggalang sa kapasyahan ng magulang
D. pagsunod sa utos ng nakatatanda

Karagdagang Gawain

Gawain 10: Ipakita Mo!


Panuto: I- video at i-upload mo ang iyong malikhaing pagkukuwento. Padalhan
ng kopya ang guro. Maaari mo ring i-post sa discussion board ang inyong
ginawang video upang makita ng iyong mga kamag-aral at makapagbigay sila ng
komento. Sundin ang rubric sa pagtatanghal ng masining na pagkukuwento.
Gumamit din ng kohesiyong gramatikal sa pagkukwento.
“Paksa: Pagsusugal: Sumpa Hindi Biyaya!”

Kategorya Napakagaling 4 Magaling 3 Nalilinang 2 Nagsisimula 1

Nilalaman Kahanga-hanga Makabuluhan May ilang mga Maraming


ang lahat ng ang detalye o pahayag ang di pahayag ang
pahayag hinggil pahayag na sumuporta sa walang
sa pagiging inilahad. paksa. kaugnayan sa
sumpa ng sugak
paksa.
at hindi biyaya.
Tinig/ Nauunawaang Sapat lang ang Di-gaanong Hindi marinig at
lubos dahil sa lakas at marinig at maunawaan.
Pagbigkas
napakaliwanag n nauunawaan maunawaan.
pagbigkas. din.

Galaw at Kakaiba at May ilang Nakagugulo Hindi akma ang


Kumpas/ nakapanghihikay galaw at ang maraming mga kumpas at
at ang mga galaw kumpas na di galaw at galaw.
ekspresyon
at kumpas. akma. kumpas na
ginamit.

Dating sa Napapahanga ang Nakatatawag- Di gaanong Nakababagot ang


mga manonood pansin ang nakakuha ng presentasyon.
Madla.
sa palabas. presentasyon. atensyon.

Pagkama- Orihinal at Sapat lamang Di gaanong Hindi kinakitaan


likhain namumukod- ang ipinamalas kinakitaan ang ng
na pagkamalikhai pagkamalikhain.
tangi ang
pagkamalikhai n at ilang
presentasyon.
n sa bahagi ay
presentasyon. halaw lamang
sa ibang
nagawang
presentasyon.

BINABATI KITA! Maluwalhati mong natapos ang mga gawaing nakatulong sa iyo
upang madagdagan ang iyong kaalaman sa konsepto sa modyul na ito.

Susi sa Pagwawasto

5. Iskrip
4. Manonood
3. Aktor 10. B
2. Tanghalan 9. D
1. Direktor 8. A
Gawain 2 7. B
Tayahin
Tuklasin 6. A
5. Panyayari 5. B
5. kanila- katapora
4. Lugar 4. D
4. dito- anapora
3. Tauhan 3. C
3. ito- anapora
2. Tauhan 2. C
2. siya- katapora
1. Lugar 1. A
1. sila- katapora
Balikan Subukin
B.
5. tayo- anapora
1. kulungan
2. magiliw
3. nakasalalay
4. libutin
5. mabagal
Gawain 5.
1. Paggawa ng paraan ni Yesügei
upang makasundo ang kaalitang tribo
2. Pagsunod ni Temujin sa utos ng
kanyang ama na mamili ng
mapapangasawa
3. Pagpili ni Temujin ng babaeng
kaniyang pakakasalan ayon sa sariling
kagustuhan
4. Pagdadalawang-isip ni Borte sa
pakikipagkasundo ng kasal kay
Temujin
5. Pghingi ng bendisyon sa mga
magulang ni Borte tungkol sa
kasunduang naganap
Sanggunian
Mga Aklat

Lontoc, Nestor S. et.al. Pinagyamang Pluma 9. Quezon City: Phoenix Publishing


House, Inc.,2017.

Peralta,Romulo N. et.al.Panitikang Asyano 9 Modyul ng Mag-aaral sa


Filipino.Pasig City:Bureau of Learning Resources(DepEd-BLR)
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran
ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing layunin na ihanda
at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng
modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na
gagamitin ng bawat mag-aaral ng SOCCSKSARGEN Region simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming
hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893

You might also like