You are on page 1of 14

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 6:
Tamang Impormasyon sa
Telebisyon at Radyo,
Sinisiguro Ko Bago Gamitin
Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 6: Tamang Impormasyon sa Telebisyon at Radyo,
Sinisiguro Ko Bago Gamitin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Arlene D. Agao-Agao, T-III


Editor: Ma. Sairah N. Hong, EPS-I
Tagasuri: Regina O. Baron, P-I
Ma. Bella A. Victorio, P-I
Mary Grace G. Hilarion, P-I
Tagalapat: Febie Lee B. Pelitro, T-II
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Miguel P. Fillalan, Jr. - SDS
Levi B. Butihen- ASDS
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Cynthia G. Diaz – REPS, Subject Area Supervisor
Arlene Rosa G. Arquiza- CID Chief
Ma. Dianne Joy R. dela Fuente - Division OIC- LRMS In-Charge
Jesus V. de Gracia- Division ADM Coordinator
Sairah N. Hong – Subject Area Supervisor

Inilimbag sa Pilipinas ng Departamento ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 6:
Tamang Impormasyon sa
Telebisyon at Radyo,
Sinisiguro Ko Bago Gamitin
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng Self-


Learning Module (SLM) para sa araling Tamang Impormasyon sa Telebisyon at
Radyo, Sinisiguro Ko Bago Gamitin!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng leksyon o aralin na
nauukol sa pagdedesisyon sa sarili na
sinusuri nang mabuti bago bumuo ng
tiyak na desisyon. Ito rin ay naglalaman
ng mga gawain at gabay para sa mag-
aaral na angkop sa kanilang kasanayan
bilang mag-aaral sa ikaanim na baitang.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng Self-Learning Module


(SLM) ukol sa Tamang Impormasyon sa Telebisyon at Radyo, Sinisiguro Ko
Bago Gamitin!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iii
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Susi sa Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo upang maisakatuparan at maisabuhay ang


Yunit I-Pananagutang Pansarili at Mabuting Kasapi ng Pamilya ng Edukasyon sa
Pagpapakato 6. Ito ay may pamagat na Tamang Impormasyon sa Telebisyon at
Radyo, Sinisiguro Ko Bago Gamitin na binubuo ng konseptong Pagmamahal sa
Katotohanan (Love of Truth) at Mapanuring Pag-iisip (Critical Thinking).

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


 Naisagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng
isang desisyon na makabubuti sa pamilya sa paggamit ng impormasyon
ng telebisyon o radyo.

Subukin
Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung ang salita ay nakapagbibigay ng mga
impormasyon at ekis (x) naman kung hindi.

________1. libro
________2. dyaryo
________3. radyo
________4. telebisyon
________5. gunting
________6. Twitter
________7. Instagram
________8. Google
________9. lapis
________10. Facebook

1
Aralin Tamang Impormasyon sa
1 Telebisyon at Radyo,
Sinisiguro Ko Bago Gamitin
Mahusay! Naipamalas mo ang iyong kagalingan sa ating nakaraang
mga aralin. Iyong naipakita at naisapuso ang iba’t ibang konsepto
sa pagbuo ng isang natatanging desisyon sa iyong sarili at sa inyong
buong pamilya.
Ngayon, ating susukatin ang iyong kaalaman tungkol sa bagay na
ating tatalakayin sa modyul na ito.
Tara, simulan na natin!

Balikan

Panuto: Isulat ang T sa patlang kung ang pangungusap o sitwasyon ay tama at M


naman kung mali.
________ 1. May pagpupulong na gaganapin sa inyong barangay sa
Lunes. Naisipan mong dumalo at iparating sa iba ang
nasabing pagpupulong.
________ 2. Nais mong magkulong sa bahay habang may clean up drive
sa inyong barangay.
________ 3. Nakikinig ka ng balita sa radyo/tv upang malaman ang
kaganapang mangyayari sa iyong komunidad.
________ 4. Nakikiisa ka sa mga gawain pampurok/pambayan.
________ 5. Ginagawang kapakipakinabang ang mga nakukuhang
impormasyon sa radyo o telebisyon.

Tuklasin
Basahin at unawaing mabuti ang talata sa ibaba.

May iba’t ibang paraan ang bawat komunidad sa pagbibigay ng paalala o


babala. Ito ay pinadadaan sa pamamagitan ng barangay assembly, pamamahagi ng
fliers, pagdidikit ng poster o billboard, mga patalastas sa telebisyon, radyo, at
pahayagan. Lahat ng ito ay ginagawa upang maging mulat at edukado ang mga
mamamayan sa uri ng hazard at dapat nilang gawin sa panahon ng pagtama nito.
Bukod sa pagbibigay ng paalala o babala, mayroon pang iba’t ibang gawain
na dapat malaman ng mamamayan bago at sa panahon ng pagtama ng sakuna,
kalamidad, at hazard upang sila ay maging ligtas at maiwasan ang isang
malawakang pinsala.

1
Sa yugto ng disaster preparedness ay binibigyan ng sapat na impormasyon at pag-
unawa ang mga mamamayan sa dapat nilang gawin bago, habang, at pagkatapos
ng hazard at kalamidad upang maihanda sila sa mga posibleng epekto nito.
Source: https://www.slideshare.net/ruthferrer2/mga-hakbang-sa-pagbuo-ng-communitybased-
disaster-risk reduction-and-management-plan

Suriin
Gaano mo kaya naunawaan at naisapuso ang
kuwentong binasa/napanood?
Halika, sagutin natin ang mga sumusunod
na katanungan!

1. Ano ang naging papel o gamit ng radyo at telebisyon sa panahon ng sakuna


o kalamidad?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Sa panahon ng kalamidad, sa anong paraan nakakaimpluwensiya sa pagbuo
ng desisyon ang napanood at naririnig sa telebisyon at radyo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Ano ang posibleng pamagat ng talatang binasa?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pagyamanin
Panuto: Ilagay sa unang kahon ang positibong naidudulot ng mga sumusunod na
larawan at sa ikalawang kahon naman ang negatibong naidududulot ng
mga ito.

Media Positibong Negatibong


Naidudulot Naidudulot

https://www.scientificamerican.com/podcas
t/episode/unread-books-at-home-still-spark-
literacy-habits/

https://www.thedrum.com/news/2016/11/
30/newspapers-woes-spotlight-project-junos-
flaws

2
http://abollywoodnews.com/live-
radio/bombay-radio/

https://www.vizio.com/tvs/v505g9.html

Isaisip

Ang mapanuring pag-iisip ay ang kakayahan na mag-isip nang malinaw at


may pagmamahal sa katotohanan sa pagkuha ng datos at paghahanap ng
katiyakan ng tamang impormasyon.

Isagawa
Panuto: Dugtungan ang sumusunod na sitwasyon ayon sa iyong nasasaloob.

1. Ang pamilya Aquino ay may planong magbakasyon sa Baguio sa susunod na


Linggo ngunit napanood nila sa balita sa telebisyon na may paparating na
bagyo sa araw din na ito. Kung ako ay isa sa kasapi sa pamilya, ang nararapat
kong gawin ay
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Narinig ni Jomar sa radyo na mali ang naging balita sa nangyaring insidente sa
kanilang lugar. Kung ako si Jomar, ang gagawin ko ay
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Napanood ni Arlene sa telebisyon na mas pinatindi ng mga pulisya ang
panghuhuli sa mga taong nagtutulak at gumagamit ng ipinagbabawal na gamot
at alam nitong ang kuya niya ay lulong dito. Kung ikaw si Arlene, ano ang
iyong gagawin?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Narinig ni Elke sa radyo na walang pasok sa Lunes ngunit ayaw maniwala ng
kaniyang nanay. Kung ako si Elke, ang gagawin ko ay
________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3
Tayahin

Panuto: Isulat sa patlang ang salitang Tama kung wasto ang pahayag at Mali kung
hindi wasto.
______1. Napanood ni Mang Tomas na malakas ang bagyong Ambo na parating
sa kanilang lugar, ngunit ayaw niyang lumikas dahil maiiwan ang mga
alaga niyang hayop.
______2. Pinuntahan ni Margarita ang istasyon ng radyo na nagbalita ng maling
pangyayari na naganap kahapon. Isinalaysay niya ang totoong nangyari.
______3. Hindi naniwala ang nanay ni Lourdes sa balitang walang pasok ang
kaniyang anak kahit na narinig niya sa radyo ang balita.
______4. Hinayaan lang ng magulang ni Carla na manood siya ng TV kahit na
ang palabas ay hindi akma sa kaniyang edad.
______5. Agad pinagkalat ni Mang Berting ang balitang narinig niya sa radyo na
may aswang na gumagala sa kanilang lugar kahit hindi pa
ito napatunayan.
______6. Laging ginagabayan ni Ginoong Gomez ang kaniyang mga anak sa
panonood ng mga palabas sa telebisyon.
______7. Dahil sa paalala ng PAGASA na narinig ni Mang Gardo sa radyo na
posibleng magkaroon ng baha sa kanilang lugar, kaya sila ay agad
na lumikas.
______8. Pinapaalalahanan ng mga tagapaghatid – balita na ang palaging
paggamit ng cellphone ay nakakasama sa kalusugan kaya dapat gamitin
lang ito sa nakalaang oras.
______9. Mayroong balita tungkol sa nalalapit na vaccination ng mga bata mula
apat na taon pababa kung kaya’t agad mo itong ipinaalam sa kanila.
______10. Ang pamilya Alcantara ay hindi basta-basta bumibili ng gamot na hindi
nirereseta ng doktor sa kadahilanang lagi nilang napapanood sa
telebisyon ang paalala ng mga eksperto.

Karagdagang Gawain

Magbigay ng iyong paboritong programa sa telebisyon o radyo at ipaliwanag kung


bakit mo ito nagustuhan sa isang malinis na papel.

4
5
Isagawa
Tayahin
Posibleng sagot:
1. Sabihin na 1. Mali
ipagpaliban muna 2. Tama
ang pagbakasyon 3. Mali
dahil sa darating na 4. Mali
bagyo. 5. Mali
2. Puntahan ang
6. Tama
himpilan ng radyo
at ipaalam ang 7. Tama
totoong nangyari. 8. Tama
3. Ipaalam sa kapatid 9. Tama
ang gawain ng 10.Tama
pulisya kontra
droga at sabihin na
magbago na. Pagyamanin
4. Sabihin na iyon ang Positibong Naidudulot
balita sa radyo at  Makakakuha ng
Suriin
talagang walang kaalaman.
pasok. 1. Ang naging papel o
 Makakakuha ng
gamit ng radio at
kaalaman at bagong
telebisyon sa
balita.
panahon ng sakuna
o kalamidad ay  Makarinig balita o
pagbibigay ng impormasyong
paalala o babala. totoo.
2. Nakakaimpluwensiy  Makapanood ng
a sa pagbuo ng balita at mga
desisyon ang nakakaaliw
napanood at narinig Negatibo Naidudulot
sa radio at 1. Makakakuha ng
telebisyon sa kaalaman.
panahon ng 2. May mga
kalamidad lalong- malaswang
Subukin
lalo na sa mga babasahin na di-
1. √
bagay-bagay sa akma sa mga bata.
2. √
dapat ihanda at 3. Pweding hindi
3. √
kung ano ang dapat akma sa mga
4. √
gawin. batang nakikinig
5. X
3. Ang posibleng ang ibang
6. √
pamagat ay gamit programa.
7. √
ng telebisyon at 4. May malaswang
8. √
radio sa panahon ng panoorin ang
9. X
kalamidad. maaaring makita.
10.√
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Ferrer, Ruth E., Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community Based Disaster Risk
Reduction and Management Plan AP 10, Accessed May 24, 2020,
https://www.slideshare.net/ruthferrer2/mga-hakbang-sa-pagbuo-
ngcommunitybased-disaster-risk-reduction-and-management-plan
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa
bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag-aaral sa pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming
hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like