You are on page 1of 14

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 7:
Tamang Impormasyon sa
Magasin/Pahayagan,
Sinisiguro Ko Bago Gamitin
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 7: Tamang Impormasyon sa Magasin/Pahayagan,
Sinisiguro Ko Bago Gamitin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Ma. Josie A. Silva , MT-I
Editor: Ma. Sairah N. Hong, EPS-I
Tagasuri: Regina O. Baron, P-I
Ma. Bella A. Victorio, P-I
Mary Grace G. Hilarion, P-I
Tagalapat: Febie Lee B. Pelitro, T-II
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Miguel P. Fillalan, Jr. - SDS
Levi B. Butihen- ASDS
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Cynthia G. Diaz – REPS, Subject Area Supervisor
Arlene Rosa G. Arquiza- CID Chief
Ma. Dianne Joy R. dela Fuente - Division OIC- LRMS In-Charge
Jesus V. de Gracia- Division ADM Coordinator
Sairah N. Hong – Subject Area Supervisor

Inilimbag sa Pilipinas ng Departamento ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 7:
Tamang Impormasyon sa
Magasin/Pahayagan,
Sinisiguro Ko Bago Gamitin
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng Self-


Learning Module (SLM) para sa araling Tamang Impormasyon sa
Magasin/Pahayagan, Sinisiguro Ko Bago Gamitin.

Sinisiguro Ko Bago Gamitin Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo,


nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon
sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng leksyon o aralin na
nauukol sa pagdedesisyon sa sarili na
sinusuri nang mabuti bago bumuo ng
tiyak na desisyon. Ito rin ay naglalaman
ng mga gawain at gabay para sa mag-
aaral na angkop sa kanilang kasanayan
bilang mag-aaral sa ikaanim na baitang.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng Self-Learning Module


(SLM) ukol sa Tamang Impormasyon sa Magasin/Pahayagan, Sinisiguro Ko
Bago Gamitin.
Sinisiguro Ko Bago Gamitin Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala
ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
Pagwawasto ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo upang maisakatuparan at maisabuhay ang


Yunit I-Pananagutang Pansarili at Mabuting Kasapi ng Pamilya ng Edukasyon sa
Pagpapakato 6. Ito ay may pamagat na Tamang Impormasyon sa Magasin/Pahayagan,
Sinisiguro Ko Bago Gamitin na binubuo ng konseptong Pagmamahal sa Katotohanan
(Love of Truth) at Mapanuring Pag-iisip (Critical Thinking).

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


 Naisasagawa ang mga hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang
desisyon na makabubuti sa pamilya sa paggamit ng impormasyon sa
pamamagitan ng magasin o pahayagan.

Subukin

Panuto: Lagyan tsek (√) kung ang isinasaad ay tungkol sa magasin o pahayagan at
ekis (x) naman kung hindi.
_____ 1. Ito ay naglalaman ng editoryal, tungkol sa isports at showbiz na balita,
at iba pa
_____ 2. Napapanood mo rito ang iba’t ibang mga programa o teleserye at
pelikula ng mga sikat na artista
_____ 3. Nababasa ang iba’t ibang artikulo hinggil sa mga kaganapang lokal
at internasyonal
_____ 4. Mga babasahing pinagkukunan ng mga impormasyon ng mga tao
_____ 5. Napapakinggan rito ang mga balita at mga dramang pang-radyo
_____ 6. Makikita o mababasa ang palitan ng peso sa dolyar
_____ 7. Malalaman ang kaganapan hinggil sa mga pangyayaring naganap sa
labas ng bansa
_____ 8. Napapanood ang mga balitang lokal at ang ulat panahon
_____ 9. Napapakinggan ang mga programa at drama sa radyo
_____10. Nakikita at nababasa ang mga trabahong pwedeng aplayan

1
Aralin Tamang Impormasyon sa
7 Magasin/Pahayagan,
Sinisiguro Ko Bago Gamitin
Magaling! Naipamalas mo ang iyong kagalingan sa ating nakaraang
mga aralin.
Ngayon, ating susukatin ang iyong kaalaman tungkol sa bagay na
ating tatalakayin sa modyul na ito.
Tara, simulan na natin!

Balikan

https://www.vizio.com/tvs/v505g9.html http://abollywoodnews.com/live-
radio/bombay-radio/

Ang telebisyon at radyo ay naging mahalagang bahagi na ng ating buhay. Ito ang
nagbibigay ng mga impormasyon na kinakailangan natin sa ating pang-araw-araw
na pamumuhay.
Tingnan ang mga larawan sa ibaba at magbigay ng tatlong gamit ng mga ito.

https://medium.economist.com/why-
https://cnnphilippines.com/news/2018/0 does-the-economist-call-itself-a-newspaper-
5/04/Duterte-Strongman-Putin-TIME- 39e25e2c8d25
magazine-cover.html

1. _____________________________________________________________________

2. _____________________________________________________________________
3. _____________________________________________________________________

2
Tuklasin
Tingnan ang larawan sa ibaba.
Alamin ang kanilang ginagawa.

https://www.a
lamy.com/joint-
family-reading-
a-newspaper-
image9609002.
html

Suriin
Base sa larawan na nasa itaas, sagutin ang mga sumusunod
na tanong.

1. Ano ang napapansin mo sa larawan?


___________________________________________________________________________
2. Sino-sino ang mga nasa larawan?
___________________________________________________________________________
3. Ano ang mahalagang impormasyon na makukuha sa pagbasa ng magasin
o dyaryo?
___________________________________________________________________________
4. Maaari bang maging basehan ang impormasyong makuha sa magasin o
dyaryo sa paggawa ng pasiya sa pamilya?
___________________________________________________________________________

Pagyamanin
Panuto: Lagyan tsek (√) ang tamang kolum kung ang nais ipahayag ng bawat
sitwasyon ay nakabubuti ba o nakasasama sa mga mambabasa.
Sitwasyon Nakabubuti Nakasasama
1. Pagbabasa ng dyaryo na hindi angkop sa edad
ng mag-aaral.
2. Pagbabasa ng mga magasin na nakakatulong at
may napupulot na magagandang asal.
3. Nalalaman kung ano ang nagaganap sa loob at
sa labas ng bansa sa pamamagitan ng
pagbabasa ng dyaryo.
4. Binabasa ang mga magasin na naglalaman ng
mga hindi karapat-dapat sa mga bata.
5. Pagbabasa ng magasin na naglalaman ng
malalaswang larawan.

3
Isaisip
Tandaan: Bago ibigay ang iyong desisyon, tiyaking gumamit ng mga impormasyon na
pagbabatayan o sumasangguni sa mga kaalaman at kasanayan. Gamitin ang
mapanuring pag-iisip sa pagsuri sa mga impormasyon.

Isagawa

Panuto: Magbigay ng limang (5) mahahalagang bagay na magagawa ng magasin o


dyaryo sa inyong buhay.
1. ______________________________________________
2. ______________________________________________
3. ______________________________________________
4. ______________________________________________
5. ______________________________________________

Tayahin

I. Panuto: Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na mga sitwasyon.


Piliin ang titik ng tamang sagot at bilugan ito.
1. Nabasa sa magasin ni May na may paligsahan sa pag-awit. Ang mga kalahok ay
kailangang magdeposito ng isang libong piso sa nakalagay na bank account sa
magasin. Ano ang dapat gawin ni May?
a. Magdeposito kaagad ng pera para makasali.
b. Ipagbigay alam sa magulang at suriin kung ito ay legal na patimpalak.
c. Mang-engganyo ng iba pang kasama para makasali.
d. Manghihingi ng pera sa magulang at hindi ipagbigay alam kung saan
gagastusin ito.
2. May patalastas sa pahayagan tungkol sa isang produkto na pampakinis ng kutis.
Gustong-gusto mo rin na kuminis at maging maputi ang iyong kutis ngunit alam
mo na nagkaka-allergy ka sa balat tuwing ikaw ay gagamit ng pampakinis.
Gagamit ka din ba ng produktong ito?
a. Oo, dahil makatotohanan ang nababasa mong patalastas.
b. Hindi, ipapatsek mo muna ito sa iyong doktor kung mabisa ang produktong ito
sa iyong balat at kung wala itong masamang epekto.
c. Oo, dahil ito na ang sagot mo sa iyong mithiin na maging makinis ang
iyong balat.
d. Oo, dahil murang-mura lang ang produkto.

4
3. Nabalitaan mo sa dyaryo na sa sangkot ang inyong alkalde sa illegal na droga sa
inyong bayan. May kaklase ka na anak ng inyong alkalde. Bilang isang mag-aaral,
paano mo pakikitunguhan ang nasabing kaklase?
a. Pagtawanan siya
b. Hindi mo ito kikibuin at layuan dahil hindi siya mabuting kaibigan
c. Bigyan mo siya ng lakas na loob at hindi kaagad manghusga tungkol sa
kanyang ama.
d. Ipamalita sa mga kaklase ang nabalitaan at lalayuan ninyo siya.
4. Nagbabasa kayong magkakaibigan ng isang kuwento at napili ng isa mong
kaibigan ay isang kuwento na may malalaswang eksena. Bilang kaibigan, ano ang
dapat mong gawin?
a. Hayaan lamang ang kaibigan sa nais nitong kwentong babasahin.
b. Magsawalang kibo na lamang.
c. Palitan ang binabasa na kwento na angkop sa inyong magkakaibigan.
d. Paalisin na lang siya.
5. May sakit na leukemia ang iyong kapatid na babae. Ikaw ay naawa na sa kanya
sapagkat nakikita mo siyang naghihirap sa kanyang dinaramadam na sakit. Isang
araw, may nabasa ka sa dyaryo na lunas sa leukemia. Bilang isang kapatid, ano
ang dapat mong gawin?
a. Komunsulta muna sa doktor kung ito ay mabisa o hindi.
b. Ipainom kaagad ito upang gumaling na ang iyong kapatid.
c. Magsawalang kibo lamang sa nabasang impormasyon.
d. Ipapa-sa Diyos na lamang ang sitwasyon ng kapatid.
II. Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung ang sitwasyong isinasaad ay tama at ekis (x) kung
ito ay mali.
____1. Paggamit ng pahayagan sa komunikasyon sa pamilya na nasa
ibang bansa
____2. Pagbabasa ng magasin habang kumakain
____3. Pagbabasa ng mga mararahas na mga kwento sa magasin
____4. Pagbabasa ng dyaryo/magasin na hindi angkop sa edad ng mambabasa
____5. Pagbabasa ng magasin na rated PG

Karagdagang Gawain

Gumupit ng isang artikulo sa magasin at gawan ito ng sariling repleksyon.

5
6
Isagawa Tayahin
Posibleng sagot: I.
1. Nakakatulong sa 1. B.
paghahanap ng
trabaho. 2. B.
2. Nababasa ang iba’t
ibang artikulong 3. C.
hinggil sa
4. C.
kaganapan lokal at
internasyonal. 5. A.
3. Nababasa dito ang
mga impormasyon II.
tungkol sa mga
iba’t-ibang mga 1. √
personalidad sa 2. X
pulitika. 3. X
4. Nalalaman ang 4. X
tungkol sa mga 5. √
isport at showbiz na
mga balita.
5. Nababasa ang
patalastas ng iba’t
ibang mga Suriin
produkto.
Posibleng sagot:
1. Sama-sama ang
buong pamilya sa
pagbabasa ng
Subukin pahayagan.
2. Ang nasa larawan
1. √
ay sina lolo, lola
2. X nanay, tatay, tito,
3. √ tita, ate, kuya, at Pagyamanin
4. √ bunso.
5. X 3. Nababasa ang iba’t 1. Masama
6. √ ibang artikulo 2. Mabuti
7. √ hinggil sa mga 3. Mabuti
8. X kaganapang lokat at 4. Masama
internasyonal. 5. Masama
9. X
4. Opo
10. X
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

“Joint family reading”alamy.com, Accessed May 30, 2020,


https://www.alamy.com/joint-family-reading-a-newspaper-image9609002.html
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa
bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag-aaral sa pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming
hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like