You are on page 1of 20

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
– Modyul 5:
Kalayaan
Eukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang
Self-Learning Module
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Kalayaan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jeffry C. Paglinawan
Editor: April Eve A. Salvacion at Michelle L. Pardillo
Tagasuri: Reynaldo Tagala, EPS- 1
Tagaguhit: Jeffry C. Paglinawan
Tagalapat: Eliseo I. Flores, Jr.
Cover Art Designer: Reggie D. Galindez
Management Team: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Gildo G. Mosqueda, CEO VI - Schools Division Superintendent
Diosdado F. Ablanido, CPA - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Cynthia Diaz – REPS, ESP
Donna S. Panes, PhD CID Chief
Elizabeth G. Torres – EPS, LRMS
Judith B. Alba – EPS, ADM Coordinator
Aurelio C. Cagang – EPS, EsP
Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
7
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Kalayaan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon ng Pagpapahalaga 7 ng


Self-Learning Module (SLM) Modyul para sa araling Kalayaan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

i
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon ng Pagpapahalaga 7 ng Self-Learning
Module (SLM) Modyul ukol sa Kalayaan!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o

ii
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iii
Alamin

Malaya ka! Ikaw ay natatanging nilikha na may sariling isip, damdamin at


kilos- loob na malayang gawin ang anumang naisin. Hindi ka isang laruan na
dinidiktahan upang gumalaw.
Isang mahalagang biyaya na ipinagkaloob sa atin ang kalayaan upang
magampanan at mapamahalaan ang buhay na ito.

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang natutuhan mo


ang mga sumusunod na kasanayan:

1. Makauunawa sa responsabling paggamit ng kalayaan.


2. Makasusuri sa pagkakaiba ng pagkakaroon o kawalan ng kalayaan.

Sa araling ito, inaasahang masasagot mo ang Mahalagang Tanong na: Paano


mo ginagamit ang iyong kalayaan? Tugma kaya ito sa layunin kung bakit
ito ipinagkaloob sa iyo?

1
Subukin

Panuto: Magbigay ng mga salitang naglalarawan sa salitang “KALAYAAN”.


10 puntos.

1.___________

5.___________ 2.___________

KALAYAAN

4.___________ 3.___________

2
Quarter 2
KALAYAAN
Week 5

COMPETENCY CODES:

• Nakikilala ang mga indikasyon / palatandaan ng pagkakaroon o kawalan ng


kalayaan. (EsP7PT-IIe-7.1)

• Nasusuri kung nakikita sa mga gawi ng kabataan ang kalayaan. (EsP7PT-IIe-7.2)

Balikan

PANUTO: Magtala ng mga angkop sa kaalaman sa salitang


Konsensiya. 10 puntos

KONSENSIYA

3
Tuklasin

PANUTO: Suriin ang sumusunod na larawan. Tukuyin kung


alin sa mga ito ang nagpapakita ng pagkakaroon ng kalayaan at
alin sa mga ito ang walang kalayaan. Isulat ang letra ng larawan
na nagpapakita ng kalayaan sa unang hanay. Isulat din ang letra
ng larawan na nagpapakita ng kawalan ng kalayaan.

Nagpapakita ng Kawalan ng
Nagpapakita ng Kalayaan
Kalayan

A. Paggawa ng gawaing bahay B. Pag-inom ng alak C. Bayanihan

D. Maagang E. Pag-aaral ng leksiyon F. Pakikipag-away


pakikipagrelasyon sa kabaligtarang kasarian

G. Paninigarilyo H. Kahirapan I. Masayang pamilya

4
Suriin

PANUTO: Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:

1. Bakit mo nasabing may kalayaan sa mga larawan sa unang


hanay? 5 puntos.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Bakit mo nasabing walang kalayaan sa mga larawan sa ikalawang


hanay? 5 puntos
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Ano ang ipinakikita nitong kahulugan ng kalayaan? 5 puntos.


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

KALAYAAN
May mga kabataang nag-aakala na ang kalayaan ay
kapangyarihan na gawin ang anumang naisin ng tao.
Ang tao ay walang kakayahang gawin palagi ang anumang
kanyang naisin. Maraming bagay ang nais niyang mangyari at
gawin subalit hindi niya magawa ang mga ito. Nais ng taong
hindi magkasakit, hindi tumanda, manatiling buhay, malaman
ang lahat ng bagay – ngunit wala siyang kalayaan upang magawa ang mga
ito (de Torre).
Kung ganoon, ano nga ba ang tinutukoy na kalayaan ng tao?

5
“Katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos
tungo sa kanyang maaring hantungan at ang paraan upang
makamit ito” ni Santo Tomas de Aquino.
Ayon sa paliwanag ni Sr. Felicidad C. Lipio ang
kaugnayan ng kalayaan sa batas na ito katulad ng
kaugnayan ng dalampasigan sa baybay-dagat. Ang
dalampasigan ang nagbibigay hugis sa tubig at ang siyang nagbibigay
hangganan dito. Gayundin, ang Likas na Batas-Moral ang nagbibigay-hugis
sa paggamit ng tunay na kalayaan at nagtatakda ng hangganan nito. Ang
batas-moral kung gayon ay alituntuning kailangang sundin na nagbibigay-
hugis at direksiyon sa kalayaan.

URI NG KALAYAAN
May dalawang uri ng kalayaan:
1. Panloob na Kalayaan. Ayon sa obserbasyon ni Santo Tomas de
Aquino, nakasalalay sa kilos-loob ng tao ang kanyang kalayaan.
Tinutukoy ng Panloob na Kalayaan ng kilos-loob ang:
a) kalayaang gumusto (freedom of exercise) – ito ang kalayaang
magnais o hindi magnais.
b) kalayaang tumukoy (freedom of specification) – ito naman ang
kalayaan upang tukuyin kung alin ang nanaisin.
2. Panlabas na Kalayaan. Ito ang kalayaan upang isakatuparan ang
gawain na ninais ng kilos-loob. Naiimpluwensiyahan ng mga panlabas na
salik ang kalayaang ito. Maaaring mabawasan o maalis ang kalayaang ito
sa pamamagitan ng puwersa sa labas ng tao. Kapag ang tao ay ikinulong,
mawawala ang kanyang panlabas na kalayaan.

6
Pagyamanin

PANUTO: Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon, masasabi


mo bang may kalayaan sa mga ito? Sa bawat sitwasyon sa unang
hanay, sabihin kung may kalayaan o wala sa pamamagitan ng
paglalagay ng tsek (/) kung mayroon o ekis (×) kung wala, sa
ikalawang kolum. Isulat ang iyong patunay sa iyong sagot, sa
ikatlong kolum. 10 puntos.

MGA SITWASYON MAY KALAYAAN O PATUNAY


WALA?
1. Pagbibisyo (pagsusugal,
pagsisigarilyo, pag-inom ng
alak, pagkalulong sa
droga)

2. Maagang pag-aasawa

3. Pakikinig sa leksiyon

4.Pagtanim ng mga
halaman

5. Pinasama sa maling
barkada

7
Isaisip

PANUTO: Tukuyin kung anong uri ng kalayaan ang ipinapakita


sa mga larawan. Ilagay ang letra sa tamang kulom.

A B C

D E F

Panlabas na Kalayaan Panloob na Kalayaan

1. 1.

2. 2.

3. 3.

8
Isagawa

PANUTO: Punan ang Graphic organizer para mabuo ang konsepto ng


kalayaan.

Ang kalayaan ay …

Uri ng
1. 2.
kalayaan

Kalayaang Kalayaang Halimbawa:


gumusto tumukoy
a.
Halimbawa: Halimbawa:
b.
a. a.
c.
b. b.
c. c.

9
Tayahin

I. Enumerasyon
PANUTO: Magtala ng sampung (10) gawain na nagpapakita ng kalayaan
sa mga kabataan.

1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

II. Sanaysay

PANUTO: Ipaliwanag ang tanong sa ibaba.


1. Ano ang kahulugan ng hilig para sa iyo? at papaano ito nakatutulong
sa iyong paghahanapbuhay sa hinaharap? 10 puntos.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________

10
Karagdagang Gawain

PANUTO: Sumulat ng isang maikling pangako sa


sarili na naglalaman ng pagpapahalaga na gagamitin
ang ipanagkaloob na kalayaan sa mabuti.

________________
Manunulat

Kraytirya Deskripsiyon Puntos


Pagkakabuo Angkop at wasto ang mga 10
salitang ginamit sa pagbuo
Nilalaman Mabisang naipahayag ang 15
pangako sa sarili na naglalaman
ng pagpapahalaga na gagamitin
ang ipanagkaloob na kalayaan
sa mabuti.
Kabuuan: 25

11
12
Nagpapakita
Nagpapakita ng
ng Kawalan
Kalayaan
ng Kalayan
Kalayaan-
A B
C D
kalayaan E F
Uri ng
I G
na Kalayaan kalayaan
Panalabas Panloob na H
Halimbawa: Halimbawa:
SITWASYON MAY PATUNAY
KALAYAAN O
gumusto tumukoy Halimbawa:
WALA
Kalayaang Kalayaang
1. Pagbibisyo (pagsusugal, x
pagsisigarilyo, pag-inom ng
alak, pagkalulong sa droga)
2. Maagang pinag-aasawa X
3. Pakikinig sa lmga leksiyon /
Pagtataya
I. Enumerasyon 4. Pagtatanim ng mga /
II. Multiple Choice halaman
1. C 5. Pinasama sa maling x
2. D barkada
3. B
4. A
5. D Isaisip
III. Sanaysay Panlabas na Kalayaan Panloob na Kalayaan
1. Ang kalayaan ay katangian ng
kilos-loob na itakda ng tao ang
kanyang kilos tungo sa kanyang
maaaring hantungan at ang F E
paraan upang makamit ito.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Learners Module (Pahina 142-
153)
• MELCS

13
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential
Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay
pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng
SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021.
Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul sa
ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay
ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

14

You might also like