You are on page 1of 22

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Modyul 4:
Ang Kaugnayan ng
Konsensiya sa Likas na
Batas Moral
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang
Self-Learning Module
Ikalawang Markahan – Modyul 4 : Ang Kaugnayan ng Konsensiya sa Likas na Batas Moral
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Gypsy G. Atibula
Editor: April Eve A. Salvacion at Michelle Pardillo
Tagasuri: Reynaldo Tagala, EPS - 1
Tagaguhit: Jeffry C. Paglinawan
Tagalapat: Eliseo I. Flores, Jr.
Cover Art Designer: Reggie D. Galindez
Management Team: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Gildo G. Mosqueda, CEO VI - Schools Division Superintendent
Diosdado F. Ablanido, CPA - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Cynthia Diaz – REPS, ESP
Donna S. Panes, PhD CID Chief
Elizabeth G. Torres – EPS, LRMS
Judith B. Alba – EPS, ADM Coordinator
Aurelio C. Cagang – EPS, EsP
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Ang Kaugnayan ng Konsensiya sa Likas
na Batas Moral
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon ng Pagpapahalaga 7 ng


Self-Learning Module (SLM) Modyul para sa araling Ang Kaugnayan ng Konsensiya
sa Likas na Batas Moral
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon ng Pagpapahalaga 7 ng Self-Learning
Module (SLM)) Modyul ukol sa Ang Kaugnayan ng Konsensiya sa Likas na Batas
Moral
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin
mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


Subukin
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


Tuklasin
sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


Pagyamanin
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


Isaisip
ang patlang ng pangungusap o talata upang

iii
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
Isagawa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
Tayahin
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Susi sa Pagwawasto
mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Magandang buhay! Bahagi na ng buhay ng tao ang gumawa ng pasiya araw-


araw. Simula pagkagising nagsisimula na ang maghapong pagpapasiya. Sa
pagpapasyang ito mahalagang matutunan ng tao ang pagpili sa pagitan ng
tama at mali na kaniyang gagawin.
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang natutuhan mo
ang mga sumusunod na kasanayan:
1. Natutukoy na ang Likas na Batas Moral ay natatangi sa tao dahil sa
kabutihan may kamalayan at kalayaan.
2. Nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang mga pasya at kilos na
taliwas sa unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral.
3. Nahihinuha na nalalaman agad ng tao ang mabuti at masama sa
kongkretong sitwasyon batay sa sinasabi ng konsensiya. Ito ang likas na
Batas Moral na itinatanim ng Diyos sa isip at puso ng tao.
4. Nakabubuo ng mga hakbang upang mapaunlad ang mga pasya at kilos
na ginagawa araw-araw.

Sa araling ito, inaasahang masasagot mo ang Mahalagang Tanong na: Ano


ang Kaugnayan ng Konsensiya sa Likas ng Batas Moral?

1
Subukin

Panuto: Pag-aralan ang case study sa ibaba. Ano ang iyong


gagawin kung ikaw ay nahaharap sa ganitong situwasyon?
Sagutin ang mga tanong pagkatapos.

K1. Niyaya ka ng kaibigan


mon a magnakaw sa bahay ng
isang matandang mayaman.
Dahil hirap nga ang buhay
dulot ng pandemyang COVID
19.

K2. Nagmamadali ka
dahil late kana sa klase,
habang binabaybay mo
ang kalye patungo sa
paaralan, nakita mo ang
isang matandang babae
na hirap tamawid dahil
hirap itong maglakad.

Sagutin:
1. Papayag ka ba sa alok ng iyong kaibigan?
Oo, bakit?____________________________________________________
Hindi, bakit?__________________________________________________

2. Hihinto ka ba para tulungan ang matanda?


Oo, bakit?_____________________________________________________
Hindi, bakit?___________________________________________________

3. Ano ang nakatulong sa iyo sa paggawa ng desisyong ito?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Ano ang pinagbatayan mo para sabihing tama o mali ang isang kilos?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2
Quarter 2 Ang Kaugnayan ng Konsensiya sa
Week 4 Likas na Batas Moral

COMPETENCY CODES:

• Nahihinuha na nalalaman agad ng tao ang mabuti at masama sa


Kongkretong sitwasyon batay sa sinasabi ng konsiyensiya. Ito ang
Likas na Batas Moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao.
(EsP7PS-IId-6.3)

▪ Nakabubuo ng tamang pangangatwiran batay sa Likas na Batas Moral


upang magkaroon ng angkop na pagpapasiya at kilos araw-araw.
(EsP7PS-IId-6.4

Balikan

PANUTO: Batay sa iyong natutunan sa nakaraang leksiyon, magbigay


ng dalawang sitwasyon na ngpapakita kung paano hinuhubog ang
konsensiya.

1. 2.

3
Mga Tala para sa Guro

• Ang modyul na ito ay naglalaman ng individual na


gawain na angkop para sa mag-aaral. Ito ay
nakapagbibigay ng oportunidad sa bawat indibidwal
na kilalanin, tanggapin, paunlarin at ibahagi ang
sarili sa iba ng may pagmamahal at respeto sa bawat
kapwa tao. Bilang kapwa ko katulong sa paghubog
ng kaisipan at damdamin ng mga kabataan maari
nating yakapin ang buong pagkatao ng bawat mag-
aaral mula sa kani-kanilang sariling karanasan at
magbigay ng positibong pananaw at adhikain sa
buhay ng kabataan, ng kanilang pamilya at ng
lipunan. Nawa’y maging instrumento tayo sa pagbuo
at paghubog ng ganap at tiyak na mabuting nilalang
na may pananalig sa Diyos at tiwala sa sarili’t kapwa
tao. Magbigay daan tayo at maging simbolo ng
pagbabago na nagmumula sa ating sarili bilang
buhay na modelo sa buhay ng bawat kabataang
Pilipino. Manalangin tayo na sa bawat gawaing
nakapaloob dito ito ay kapupuotan ng Dakilang Guro
na atin ay nagpapala at nakabantay. Maari ninyong
basahin ang nilalaman sa link na ito
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-7-
learning-material-in-edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q2 at
maari ding gamitin itong module bilang sagutang
papel o di kaya ay sa ESP notebook.

4
Tuklasin

PANUTO: Isulat mo sa mga kahon sa ibaba ang mga salitang


nagbibigay kahulugan sa salitang konsensiya.

Ano ang KONSENSIYA para sayo?

1. 4.

2.

3.

Sagutin:
1. Ano ang naging batayan mo sa mga pagpapasya at kilos mo
ayon sa binigay mong kahulugan ng konsensiya?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
______________________________________________________

2. Epektibo bang gabay ang konsensiya sa pagdedesisyon?


Ipaliwanag.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
______________________________________________________

5
Suriin

PANUTO: Pag-aralan ang sumusunod na situwasyon at gumawa


ng sariling pagpapasiya. Isulat ang iyong pasiya at paliwanag
kaugnay nito sa iyong kuwadernno.

1.
..makatapon nga
ng basura dito sa
tubig…..

2.

walang
nakatingin..

PANUTO: Pag-isipan at sagutin mo ang mga katanungang:

1. Ano ang sinasabi ng iyong konsensiya sa kanilang ginawa?


Nagpapakita ba ito ng kabutihan o kasamaan? Ipaliwanang.

2. Saan nkabatay ang iyong paghuhusga?

Ang Kaugnayan ng Konsensiya sa Likas na Bataas Moral

6
Naaalala mo pa ba noong ikaw ay bata pa? Ang sinasabi ng
iyong ama at ina, o iyong lolo at lola sa tuwing gumagawa ka ng
mabuti o ng masama? Ayon sa kanila, may dalawang katauhan
sa iyong tabi, isa sa iyong kanan at sa sa kaliwa. Pareho silang
nagsisikap impluwensyahan ka na pumili sa mabuti o masama
na dapat mong gawin sa isang sitwasyon. Ayon sa kanila, kapag
pinili mo ang mabuti, sinusunod mo ang katauhan na nasa iyong
kanan. Kapag pinili mo ang masama, sinusunod mo ang
katauhan na nasa iyong kaliwa.
Ngayon naman, marahil naririnig mo ang mga katagang:
“Malinis ang konsensiya ko” o kaya naman “ Hindi maatim ng
aking konsensiya…” Ano nga ba ang kosensiya?
Ang salitang konsensiya ay mula sa salitan Latin na cum
ibig sabihin ay “with” o mayroon at Scientia, na ibig sabihin ay
knowledge” o kaalaman. Samakatuwid, ang konsensiya ay
nagangahulugang “with knowledge” o mayroong kaalaman.
Ipinahihiwatig nito ang kaugnayan ng kaalaman sa isang bagay;
sapagkat naipakikita ang paglalapat ng kaalaman sa
pamamagitan ng kilos na ginawa.
Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang paglalapat ng
kalaman ay maarin magawa sa pamamagitan ng mga
sumusunod na paraan:
a. Sa tulong ng konsensiya, nakikilala ng tao na may bagay
siyang ginagawa o hindi ginawa. Halimbawa nito, iniwan sa
pangangalaga moa ng iyong nakababatang kapatid dahil
umalis ang iyong ina. Ngunit sinaayan moa ng pag-aalaga ng
panonood ng telebisyon. Dahil ditto, nahulog ang kapatid mo.
Nagkaroo ito ng gasgas sa braso. Pagdating ng iyong ina, hindi
lang pala gasgas ang tinamo ng iyong kapatid, nakita ng
nanay mo may bukol din ito s oo. Nang tanungin ka, sinabi
mong napadikit lang sa dingding kaya’t nagkaroon ng
agasgas, subali’t di mo alamm bakit may bukol ito. Hindi mo
man aminin ang iyong ginawa at itanggi ang katotohanan,
makumbinsi mo man ang iba at ika’y paniwalaan, ang iyong
konsensiya testigo sa pagkakataong ito spagkat
nagpapatunay ito sa kilos na ginawa o hindi ginawa ng tao.

b. Sa pamamagitan ng konsensiya, nahuhusgahan ng tao kung


may bagay na dapat sana’y isinagawa subalit hindi niya
ginawa o hindi niya dapat isinagawa subalit ginawa. Sa
pagpapatuloy ng halimbawa sa itaas, sa iyong pag-iisa hindi
ka mapakali, nararamdaman mong dapat mong sabihin sa
iyong ina ang tunay na nagyari sa iyong kapatid. Ang
konsensiya sa sitwasyong ito ay pumupukaw sa tao upang
magpaalala ng dapat at hindi dapat gawin.

7
c. Gamit ang konsensiya, nahuhusgahan kung ang bagay na
ginawa ay nagawa nang maayos a tama o nagawa nang di-
maayos o mali. Hamlimbawang binalewala moa ng bulong ng
konsensiya na sabihin sa iyong ina ang tunay na pangyayari,
hindi na natahimik ang iyong kalooban. As tumindi pa ang
pagkakabagabag nito lalo na nang nilagnat ang kapatid mo.
Kaya’t sinabi moa ng toong nangyayari sa iyong ina.
Napagalitan ka man subali’t nawala ang iyong pag-aalala at
nakadama ka ng kapayapaan ng kalooban. Sa kalagayang ito,
ang konsiya ay mararamdamang nagpapahintulot,
nagpaparatang o maaring nagpapahirap sa tao. Ang
konsensiya ang bumbagabag sa tao kapag gumawa siya ng
masama. Io ang tinutukoy ng katagang “hindi ako matahimik,
inuusig ako ng aking konsensiya”.

Ipinapakita ditto na ang konsensiya ang batayan ng isip sa


paghuhusga ng tama o mali. Paano ng aba nalalaman ng
konsensiya ang tama at mali? Ibinabatay ng konsensiya
ang pagsukat o paghusga sa kilos sa obhetibong
pamantayan ng Likas na Batas Moral.

Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya ay


likhain. Ito ay sa dahilang nakikibahagi siya sa karunungan at
kabutihan ng Diyos. Sa pamamgitan ng batas na ito, ang tao ay
may kakayahang makilala ang mabuti at masama. Dahil sa
kalayaan, ang tao ay may kakayahang gumawa ng mabuti o
masama. Nakaugat ito s kanyang malayang kilos-loob dahil ang
pagtungo sa kabutihan o sa kasamaan ay may kamalayan at
kalayaan.
Narito ang mga Katangian ng Likas na Batas Moral
a. Obhetibo
b. Pangkalahatan (Unibersal)
c. Walang Hanggan (Eternal)
d. Di-nagbabago (Immutable)

Uri ng Konsensiya

1. Tama. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung lahat ng


kaisipan at dahilan na kakailaganin sa paglapat ng obhektibong
pamantayan ay naisakauparan nang walang pagkakamali. Tama
ang konsensiya kung hinuhusgahan nito ang tama bilang tama
at bilang alia ng mali (Agapay).

Halimbawa, inutusan kang bumili ng isda isang araw.


Napansin mong sobra ng tatlong piso ang sukling ibinigay
sa iyo ng tinder. Nang araw ding iyon hindi ka binigyan ng
baon ng iyong ina dahil kulang ang kinita ng iyong ama sa
pamamasada. Wala ka mang baon subali’t isinauli moa ng

8
sobrang sukli na ibinigay sa iyo. Katuwiran mo, hindi sa
iyo ang pera kaya’t nararapat na ito ay isauli mo.

2. Mali. Ang paghusga ng konsensiya ay nagkakamali kapag ito ay


nakabatay sa mga maling prinsipyo o nailapat ang tamang
prinsipyo sa maling paraan. Ayon pa rin kay Agapay, mali ang
konsensiya kung hinuhusgahan nito ang mali bilang tama at ng
tama ang mali. Gamit pa rin ang halimbawa sa itaas.

Naisip mong biyaya sa iyo ang sobrang sukli dahil


nagkaroon ka ng baon sa araw na iyon. Katwiran mo pa,
hindi mo naman ginusto na magkamali ang tindera sa
pagsukli. Hindi masama na itnago mo ang pera
nagpasalamat ka pa dahil nagkamali ang tindera.
Itinuring ang konsensiya bilang batas moral na itinanim ng Diyos
sa isip at puso ng tao. Sa pamamgitan ng konsensiya nakagagawa ang
tao ng mga pagpapasiya at nasusunod ang batas-moral sa kaniyang
buhay. Dahil dito, ang konsensiya ang pinakamalapit na pamantayan
ng moralidad. Ang konsensiya ay likas sa tao upang maghusga sa
mabuti o masam na maaring gawin. Ang tao mismo ang naghuhusga
ng mbauti o masama na kaniyang gagawin gamit ang kaniyang
konsensiya.
May pagkakataong na inaakala ng tao na ang maliit na bagay ay hindi
nagkakaroon ng malaking epekto sa kanyang pagkatao. Ito ang nagaganap sa
kaniyang konsensiya nang hindi niya namamalayan. Karaniwang sinasabi
ang mga katagang: maliit na bagay lang naman, ngayon lang o minsan lang
ipang pangatwiran ang maling ginawa. Kung patuloy na babalewalain ng tao
ang kaniyang konsensiya, darating ang pagkakataon na ito ay magiging
manhid sa pagkilala ng tama.

9
Pagyamanin

PANUTO: Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan sagutin mo


ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno.
a. Ano dapat batayan ng tao sa kanyang gagawing pagpapasya at
pagkilos? Pangatwiran?
b. Ang Likas na Batas Moral ay sinasabing natatangi sa tao, bakit?
c. Saan dapat nakabatay ang pagkahubog ng konsensya? Ipaliwanag.
d. Paano nauugnay ang Likas na Batas Moral sa konsensiya ng tao?
e. May tao bang walang konsensya? Ipaliwanag ang ibig sabihin nito?

Punan ang kahon na nasa graphic organizer ayon sa iyong naunawaan


tungkol sa kaugnayan ng konsensiya sa Likas na Batas Moral

LIKAS NA BATAS MORAL

KONSENSIYA

1. Mga 1.
Mga
mabuting masamang
2. kilos na gawain na 2.
dapat dapat mong
3. mong iwasan 3.
gawin

10
Isaisip

PANUTO: Ilalapat mo ang mga natutunan mong konsepto


tungkol sa konsensiya sa pang-araw-araw mong buhay. Basahin
at sagutan ang mga kasunod na tanong.

Malapit na ang pasukan. Dahil sa pandemya dulot ng Covid-19, nagging


“online” na ang isa sa mga paraan ng mga estudyante sa pag-aaral. Dahil
dito gusto ni Jean na bilhan siya ng bagong cellphone kahit na may
cellphone na siya na pwede pa namang magamit. Kinausap niya ang
kanyang ina. At kahit hirap ang buhay nagawa pa rin ng kanyang
magulang na ibigay ang kanyang kagustuhan.

Tanong:
1. Anong paghuhusga ang iyong nkikita batay sa iyong konsensiya
sa sitwasyong binasa mo?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
________________________________________________________

2. Ipaliwanag naman ang pinagbatayan mo ng iyong konsensiya sa


paghusga nito.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
________________________________________________________

11
Isagawa

PANUTO: Sumulat ng pagninilay tungkol sa tatlong karanasang


kaugnay ng tama at maling pagpapasiyang may mabigat na
epekto sa buhay mo at sa ibang tao. Isulat ang paraan o
estratehiya sa paglinang mo ng tamang konsiyensiyang kaugnay
nito. Kompletuhin ang tsart.

Karanasang Paraan o Estratehiya sa


Pinagnilayan Paglinang ng Tamang
konsiyensiya
1.

2.

3.

Tayahin

PANUTO: Tama o Mali. Isulat sa iyong kwaderno ang tamang


sagot.
__________1. Uri ng konsensiya na hinuhusgahan ang tama
bilang tama at bilang mali ang mali.
_________2. Unang katangian ng konsensiya.
__________3. Sa batas na ito mahalaga ang taong gumawa ng
mabuti o masama.
_________4.Uri ng konsensiya na nakabatay sa maling
prinsipyo o nailapat ang tamang prinsipyo sa maling paraan.
__________5. Ang ibig sabihin ng konsiya ay “with knowledge”
may kaalaman sa isang bagay.
__________6. Ang likas na batas moral ang may kakayahang
makilala ang mabuti o masama.
__________7. Sa pamamagitan ng konsensiya mahuhusgahan
ang tao kng my bagay na dapat sana’y isiganawa sabalit hindi
ginawa.

12
__________8. Sa tulong ng konsensiya kilala ang tao na may
bagay siyang ginawa o hindi ginawa.
__________9. Ang batas na namamahala sa tao na nakabatay
sa katotohanan ay tinatawag na eternal.
__________10. Obhetibo and tawag sa batas na ito ay walang
hanggan, walang katapusan at walang kamatayan dahil ito ay
permanente

Karagdagang Gawain

PANUTO: Gumawa ng isang tula batay sa natutunan mo tungkol


sa kaugnayan ng konsensiya at Likas na Batas Moral.

Rubric para sa maikling panalangin


Kraytirya Deskripsiyon Puntos
Nilalaman Mabisang naipahayag ang mensahe ng tula.
10
Pagkakabuo Angkop at wasto ang mga salitang ginamit sa
pagbubuo 5
Pagkakasulat Malinis at wasto ang pagkakasulat
5
Kabuuan 20 puntos

13
14
Pagyamanin:
(Graphic Organizer) Ang Likas na Batas Moral ang pinagbabatayan
ng paghuhusga ng konsensiya na gawin ang mabuti at iwasan ang
masama sapgkat may kamalayan at kalayaan ang pagtungo sa
KABUTIHAN.
(Ilan lamang ito sa maaaring magng sagot )
Mabuting Kilos:
• Sundin ang payo ng mga magulang
• Gawin ang takdang-aralin at mga proyektong nakatakda sa
tamang oras
• Sundin ang mga alituntunin na ipinatutupad ng pamayanan.
Masamang Kilos:
• Pag-imbento ng dahilan para payagan lumabas ng bahay
upang makapaglaro ng computer games.
• Pagti-text habang nagtuturo ang guro
• Pagpapakawala ng aming aso tuwing umaga upang dumumi
sa kalsada
Tayahin: 1. Tama 2. Tama 3. Tama 4. Mali 5. Tama 6. Tama
7. Tama 8. Tama 9. Mali 10. Mali
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Learners Module

15
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential
Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay
pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng
SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021.
Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul sa
ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay
ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

16

You might also like