You are on page 1of 25

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 2
Ang Pahayag ng Personal na Misyon
sa Buhay o Personal Mission Statement
Edukasyon sa Pagapapkatao – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Ang Pahayag na Personal na Misyon o Personal
Mission Statement
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Mga Bumuo ng Modyul para sa Mag-aaral

Mga Manunulat: Jerome S. Catamio


Language Editor: Florenil M. Malabayabas
Tagasuri: Annabelle M. Marmol, Mariam B. Rivamonte, Nestor T. Rualo
Tagaguhit: Ulysis J. Galloniga
Tagalapat: Jerome S. Catamio
Tagapamahala: Benjamin D. Paragas, Mariflor B. Musa, Freddie Rey R. Ramirez,
Danilo C. Padilla, Annabelle M. Marmol, Lany M. Semilla, Mariam B. Rivamonte,
Nestor T. Rualo

Department of Education – MIMAROPA Region


Office Address: Meralco Ave., cor. St. Paul Road, Pasig, City
Telefax: 02-8631-4070
E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov.ph
7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 2
Ang Pahayag ng Personal na Misyon sa
Buhay o Personal Mission Statement
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling - Ang Pahayag ng Personal
na Layunin o Personal Statement!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa - Ang Pahayag ng Personal na Layunin o Personal
Statement!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksiyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


mayroon ka nang kaalaman sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksiyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhaan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang
marka o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pag-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa pagtatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang:


1. Nasusuri ang ginawang pahayag ng misyon sa buhay kung ito ay may
pagsasaalang-alang sa tama at matuwid na pagpapasiya.
a. Nalalaman ang kahulugan ng pahayag ng misyon sa buhay;
b. Naiisa-isa ang mga paraan sa pagbuo ng pahayag ng misyon sa buhay;
c. Nasusuri ang ginawang pahayag ng misyon sa buhay kung ito ay may
pagsaalang-alang sa tama at matuwid na pagpapasiya

Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang salita o pahayag na tinutukoy sa mga


pangungusap sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ano ang ibig sabihin ng personal mission statement o personal na pahayag
ng misyon sa buhay?
A. Mithiin na nais marating.
B. Pamantayan sa pag-abot ng mga pangarap sa buhay.
C. Isang personal o pansariling motto o kredo na nagpapahayag kung
ano ang kabuluhan ng iyong buhay.
D. Tunguhin o pakay na nais na marating o puntahan sa hinaharap.

2. Ang mga sumusunod ay pamantayan sa pagsulat ng personal na pahayag sa


buhay MALIBAN sa:
A. Mangolekta ng mga kasabihan
B. Gamitin ang paraang tinatawag na “Brain Dump”
C. Magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip.
D. Hayaan na ang magulang na lamang ang magpasiya ng magiging
layunin sa buhay.

Para sa bilang 3-5, basahin ang Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay sa


ibaba.

1
A n g a k i n g P a h a y a g n g P e r s o na l na M i s y o n s a B u ha y
Bilang isang mag-aaral na may pangarap na maging isang
matagumpay na Architect ay gagawa ako ng paraan upang maitawid ang
pinapangarap sa buhay maging sa pagtulong sa pamilya at sa lipunan. Ako’y
magiging masipag at magiging isang modelo sa mga kabataan. Hinding hindi
kakalimutan ang Diyos. Sa pamamagitan ng pagpapatibay sa pananampalataya,
ihahayag ko ang mga salita ng Diyos. Isasapuso ko ang lahat ng mga aral na
aking natutuhan. Maging sa mga gawain ay kailangang may puso at pinag-iisipan.
Ang pag-aaral nang mabuti, pagsasagawa ng kabutihan sa kapwa at higit sa lahat, ang
gabay ng Diyos ay isa sa mga hakbang upang maging matagumpay at umunlad ang
buhay sa balang araw.
-Misyon sa Buhay ni Kaye Yra A. Espinosa
https://www.coursehero.com/file/15220770/Pagsasabuhay/

3. Ano ang pangarap ni Kaye Yra?

A. Architect
B. Doktor
C. Nurse
D. Maging isang matagumpay na mag-aaral

4. Ano ang pinakalayunin ni Kaye Yra sa buhay?

A. Maitawid ang pinapangarap sa buhay at makatulong sa pamilya


at lipunan.
B. Maging isang modelo sa kabataan.
C. Isasapuso ang lahat ng mga aral na natutuhan.
D. Pagsasagawa ng kabutihan sa kapuwa.

5. Isa sa mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng ano ang posibleng maging


balakid nito sa pagabot ng kaniyang mithiin/pangarap sa takdang oras, ano
ang posibleng maging balakid ni Yra sa pagakamit ng kanyang misyon?

A. Magkasakit at huminto sa pag-aaral


B. Kawalan ng sapat na pananalapi
C. Hindi makapagtapos ng pag-aaral dahil sa pandemya
D. Lahat ng nabanggit

6. Mahalaga ang pagbuo ng personal na pahayag sa buhay upang _____.

A. mapantiling matatag sa anomang unos na dumating sa iyong buhay.


B. bigyan ng tuon ang pagtupad sa mga itinakdang mithiin sa buhay.
C. maging gabay sa ating mga pagpapasya.
D. lahat ng nabanggit.

2
7. Ayon kay Sean Covey, ang pahayag ng personal na misyon sa buhay ay
maihahalintulad sa isang punong malalim na ugat. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ito ay matatag at hindi mawawala, ngunit ito ay buhay at patuloy na
lumalago.
B. Ito ay pangmatagalang layunin upang makamit ang iyong misyon sa
buhay.
C. Ito ay magsisilbing lakas upang mabuhay nang matagal.
D. Wala sa nabanggit.

8. Si Paul ay isang mabuting anak, estudyante, at kaibigan. Nais niyang maging


isang matagumpay na abogado sa hinaharap. Ano ang dapat niyang gawin
upang maisakatuparan ang kaniyang mithiin sa buhay?

A. Kumuha ng maraming kurso


B. Magsimba tuwing Linggo
C. Sumali sa patimpalak sa debate ng Barangay
D. Mag-aral ng mabuti upang makatapos at makapasa sa BAR exam

9. Ano ang benepisyong makukuha ni Paul at ng kanyang kapwa kung magiging


ganap siyang abogado?

A. Yayaman ang pamilya


B. Maging sikat sa kanilang lugar
C. Makatulong sa mga naapi na ipagtanggol ang kanilang karapatan
D. Makapagtayo ng Negosyo

10. Ang pahayag ng personal na misyon sa buhay (PPMB) ay posibleng magbago


o mapalitan. Ang pahayag ay________.
A. Mali, dahil ang ating PPMB ay pangmatagalan
B. Tama, dahil patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga
sitwasyon na nangyayari sa kaniyang buhay.
C. Mali, dahil ito ang ating gabay sa pagkamit na ating mithiin
D. Tama, dahil ito ay dikta ng Diyos sa atin

3
Ang Pahayag ng Personal
Aralin
na Misyon o Personal Mission
2 Statement

Sa unang aralin ay iyong naunawaan ang proseso ng paggawa ng mabuting


pagpapasya at nasubok ang iyong sarili kung paano pumili ng tamang desisyon
upang magkaroon ng kabuluhan at maging ganap ang iyong pagkatao. Sa
pagkakataong ito, lubos mong mauunawan kung paano bumuo ng isang pahayag
ng personal na misyon sa buhay o personal mission statement.

Balikan

Gawain 1: BALIK – TANAW

Panuto: Gamit ang mind map, isulat ang mahahalagang konsepto tungkol sa paksa o
salitang nasa loob ng bilog. Magdagdag ng bilog kung kinakailangan. Gawin ito sa
kwaderno.

SALIK HAKBANG
MABUTING
PAGPAPASYA

4
Gabay na Tanong:
1. Ano ang kahalagahan ng pagbuo ng mabuting pagpapasya?
Ipaliwanag.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
__________________________________.

2. Ano ang maaaring mangyari kung hindi matutuhan ng kabataang


tulad mo ang mabuting pagpapasya?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_______________________________________.

3. Paano makatutulong ang mabuting pagpapasya sa pagtatamo ng


buhay na ninanais sa hinaharap?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_______________________________________.

Tuklasin

Gawain 1: AWIT/TULA NG BUHAY


Panuto: Humanap ng isang tula o awitin na may kaugnayan sa iyong mga mithiin
sa buhay at sa pagpapasyang gagawin upang matupad ang iyong mga
mithiin/layunin. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

5
Gabay na tanong:
1. Ano ang kaugnayan ng tula o awit sa iyong mithiin o pangarap sa buhay?
Ipaliwanag.

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
___________________________.

2. Bakit mahalagang magkaroon ng malinaw na pangarap sa buhay?


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_______________________________.

3. Paano makakatulong ang mabuting pagpapasya sa pagkamit ng mithiin sa


buhay?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_________________________________.

4. Ano ang mga paraan na maaari mong gawin upang magkaroon ng malinaw
na mithiin at layunin sa
buhay?___________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_______________________________________________.

6
Suriin

Ang Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay o Personal Mission Statement

Isang mabuting gabay sa ating mga


pagpapasiya ang pagkakaroon ng personal na Ang pahayag ng layunin
pahayag ng misyon sa buhay o personal sa buhay ay maihahalintulad
mission statement. Ayon nga kay Sean Covey sa isang personal o pansariling
na isang Amerikanong guro, may-akda, motto o kredo na
negosyante, at pangunahing tagapagsalita, sa
nagpapahayag kung ano ang
kaniyang aklat na The Seven Habits of Highly
kabuluhan ng iyong buhay.
Effective Teens, “Begin with the end in mind”,
Para itong balangkas ng iyong
kung sa simula pa lang ay alam na natin ang
gusto nating mithin para ating buhay, hindi na buhay.
magiging mahirap para sa atin ang mga
mahahalagang pagpapasya sa buhay. Ang pahayag ng personal na misyon sa
buhay ay maihahalintulad sa isang personal o pansariling motto o kredo na
nagpapahayag kung ano ang kabuluhan ng iyong buhay. Para itong balangkas ng
iyong buhay. Iba’t iba ang paraan ng pagpapahayag ng mission statement o layunin
sa buhay. Ang iba ay mahaba; ang iba naman ay maikli. Ang iba ay awit; ang iba
ay tula. Ang iba naman ay ginagamit ang kanilang paboritong salawikain o
kasabihan bilang pahayag ng layunin sa buhay.

Ayon pa kay Covey (1998), ang pahayag ng personal na misyon sa buhay ay


maihahalintulad sa isang punong may malalim na ugat. Ito ay matatag at hindi
mawawala, ngunit ito ay buhay at patuloy na lumalago. Kailangan natin ang
matibay na makakapitan upang malampasan ang anomang unos na dumarating
sa ating buhay. Walang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ay nagbabago at
maraming bagay ang hindi natin mapipigil o kontrol. Halimabawa, maaaring
ngayon ay mayaman kayo, bukas naman ay naghihirap; malakas ang iyong
pangangatawan maaaring sa susunod ay hindi. Ibig sabihin ang ating pahayag ng
personal na misyon sa buhay ay maaring magbago o mapalitan dahil sa patuloy
na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyn na nangyayari sa buhay.
Ngunit magkagayon man, ito pa rin ang magsisilbing gabay sa pagtahak sa tamang
landas ng kaniyang buhay.

7
Narito ang ilang mga paraan na iminungkahi ni Sean Covey sa kaniyang aklat:

1. Mangolekta ng mga kasabihan o motto. Pumili ng ilang mga kasabihan na


may halaga sa iyo at tunay na pinaniniwalaan mo. Maaaring ang mga ito na
ang gamitin mong pahayag ng iyong personal na misyon sa buhay.

2. Gamitin ang paraang tinawag na “Brain Dump”. Sa loob ng labinlimanng


minuto ay isulat mo ang anomang nais mong isulat tungkol sa iyong misyon.
Huwag kang mag-abalang magsala ng mga ideya o itama ang mga
pagkakamali dito. Matapos ang labinlimang minuto ay maaari mo na itong
salain at itama ang mga pagkakamali sa bararila o gramatika. Sa loob
lamang ng 30 minuto ay nakapagsulat ka na ng iyong pahayag ng misyon sa
buhay.

3. Magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip. Magtungo sa isang lugar kung


saan ka maaaring mapag-isa. Doon mo pagtuunan ng panahon ang paggawa
ng iyong misyon sa buhay sa anomang paraang makatutulong sa iyo.

4. Huwag labis na alalahanin ang pagsulat nito. Hindi kinakailangan ang


perpektong pagkakasulat ng misyon sa buhay. Hindi naman ito isang
proyekto sa isang asignatura na kinakailangan ng marka ng guro. Ito ay
personal mong sekreto. Ang mahalaga, nagsisilbi itong inspirasyon sa iyo.
Itanong sa iyong sarili, “Ako ba’y naniniwala na makakamtam ko ang aking
isinulat?” Kung masasagot mo ito ng oo, mayroon ka nang pahayag ng
layunin sa buhay.

Sa pagbuo mo ng Pahayag ng Personal na Misyon sa buhay, maaring


isaalang-alang ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang layunin ko sa buhay?
2. Ano-ano ang aking mga pagpapahalaga?
3. Ano ang mga nais kong marating?
4. Ano-ano ang mga benepisyong maari kong makuha at paano ito
makatutulong sa akin at sa ibang tao?
5. Ano-ano ang mga magiging balakid na maaring harapin?
6. Sino ang mga tao na maari kong makasama at maging kaagapay sa aking
buhay?

8
✓ Halimbawa ng Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay o Personal
Statement

Tunghayan ang Halimbawang Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay bilang


tagapangalaga ng kalikasan at bilang isang Guro.
Pahayag ng Personal na Misyon bilang Tagapangalaga ng Kalikasan

Maibahagi sa mga kasama sa tahanan, mga kaibigan at sa ibang mga kabataan


ang mga kaalaman na natutunan tungkol sa pangangalaga ng kalikasan. Hihikayatin ko
ang aking pamilya na makibahagi sa pagtulong sa barangay isang beses sa isang linggo
upang iligtas ang kalikasan sa tuluyan nitong pagkasira sa pamamagitan ng paglilinis,
pagrerecyle at pagtatanim ng mga puno.

Layunin Maibahagi ang kaalaman tungkol sa


pangangalaga sa kalikasan

Hikayatin ang pamilya na makibahagi sa


pagtulong sa barangay upang iligtas ang
kalikasan
Pagpapahalaga Pagmamahal sa Kalikasan
Nais Marating/Matupad Mapangalagaan ang kalikasan at iligtas sa
tuluyang pagkasira
Benepisyong makukuha Malinis na kapaligiran
Mailigtas ang kalikasan
Maaaring Balakid sa Pagtupad Oras ng pamilya
Trabaho
Ugali
Sino-sino ang makatutulong Pamilya
Kaibigan
Kabarangay
Kabataan
Pahayag ng Personal na Misyon ng Isang Guro

Isang mabuting instrumento ng karunungan na gumagabay sa mga kabataan


sa paglinang ng mga kasanayan at pagpapahalagang kailangan nila upang maging
mabuting miyembro ng pamilya at pamayanan. Magsasaliksik ng mga bagong kaalaman
na kapaki-pakinabang sa pagtuturo at makikipagtulungan sa mga kasamang guro upang
maging madali ang pagkatuto at pagsasagawa ng gawain. Patuloy na gagawin ang mga
ito bilang paraan ng paglilingkod sa kapuwa at sa Diyos.

Layunin Gumabay at maglinang ng mga kasanayan


ng mga kabataan

Pagpapahalaga Dedikasyon at pagmamahal sa pagtuturo

9
Nais Marating/Matupad Maturuan ang mga mag-aaral na maging
isang mabuting miyembro ng pamilya at
pamayanan
Benepisyong makukuha Bagong kaalaman sa asignatura at
pagtuturo

Irerespeto at igagalang ng mga mag-aaral


Maaaring Balakid sa Pagtupad Ugali ng mga mag-aaral
Hilig at interes ng mga mag-aaral
Panahon sa pagsasaliksik
Sino-sino ang makatutulong Kapwa guro
Punongguro
Kaibigan
Mga magulang

Bilang isang kabataan at mag-aaral ay kailangan mong maging tiyak sa kung


ano ang iyong nais na marating o plano sa iyong buhay upang maging matagumpay
ka sa pagkamit ng iyong mga pangarap. Kung kaya’t kailangan ang personal na
pahayag ng misyon sa buhay upang panatilihing matatag sa anomang unos na
dumating sa iyong buhay. Kailangan ito upang bigyan ng tuon o direksyon ang
pagtupad sa mga itinakdang mithiin sa buhay.

Pagyamanin

Gawain 3: BUNGA NG KAALAMAN


Panuto: Suriin ang halimbawa ng Pahayag ng Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay bilang isang mag-aaral gamit ang gabay sa ibaba. Gawin ito sa kwaderno.

A n g a k i n g P a h a y a g n g P e r s o na l na M i s y o n s a B u ha y
K u ku h a a k o n g a r t s a n d d e s ig n n a t ra c k sa S e n io r H i g h S ch o o l .
M a g - a a r a l n g m a b u t i a t h ih i n g i n a n g g a b a y n g a k in g m g a m a g u la n g ,
k a i b ig a n , a t p i n a g k a k a t i w a a l a n u p a n g m a ka k u h a n g m a t a a s n a m a r k a
a t m a g i n g in sp i r a sy o n . Ma g s a sa n a y a k o sa p a g g u h i t n g m g a d e s in y o
n g g u sa l i a t i st r a kt u r a n g p i s i k a l. M a g i g i n g m a su n u r i n a ko s a a k in g m g a
g u r o a t m a g p a p a sa n g m g a g a wa i n s a t a kd a n g o ra s n a m a y ka l i d a d .
S u su k l i a n k o a n g m g a s a k r i p i s yo n g a k in g m g a m a g u la n g u p a n g a ko
a y m a k a p a g t a p o s n g p a g - a a r a l s a p a m a m a g i t a n n g p a g -a a ra l n g
m a b u t i a t m a g in g is a n g m a t a g u m p a y n a a r ch i t e c t .

10
Misyon Pagpapahalaga Nais Benepisyong Balakid Sino-sino ang
sa Marating makukuha at sa pwedeng
Buhay paano ito pagtupad makakatulong
makakatulong sa pagtupad
nito

Gabay na tanong:
1. Ano ang ibig sabihin ng personal mission statement o peronal na pahayag ng
misyon sa buhay? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
___________________.

2. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng Pahayag ng Personal na Layunin sa


Buhay? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
________________.

Isaisip

Gawain 5: TALA NG KAISIPAN


Panuto: Sumulat ng sanaysay tungkol sa batayang konsepto ng pahayag ng
personal na misyon sa buhay na tinalakay. Sa pagsulat ng sanaysay,
gamitin ang tatlong bahagi ng sanaysay (panimula, katawan, at
pagwawakas).
Sa pagsulat ng sanaysay, kailangang masagot ang mga sumusnod na
katanungan:
1. Ano ang mga dapat mong isaalng-alang sa pagbuo ng pahayag ng
personal na misyon sa buhay?
2. Paano mas magiging makatotohanan at makabuluhang iyong
pahayag ng personal na misyon sa buhay?

11
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA:
Pamantayan Laang Marka ng
Marka Guro
Nilalaman
May kauganayan sa paksa ang nilalaman ng 5
sanaysay
Organisasyon
Malinaw ang kaisipang inilahad, maayos ang 5
pagkakasunod-sunod ng mga inilahad na
kaisipan
Kakintalan
Nag-iwan ng malalim na impresyon sa isipan ang 5
mambabasa upang makahikayat
KABUOAN 15

Isagawa

Gawain 1: PAGLALAPAT NG KAALAMAN


Sumulat ng Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay bilang isang kabataan
na magagamit mo sa pagbuo mabuting pagpapasya. Suriin ito gamit ang mga
gabay na tanong sa loob ng kahon sa ibaba. Gawin ito sa iyong kwaderno.

Pahayag ng Personal na Misyon sa


Buhay Bilang Kabataan

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
___.

12
Misyon Mga Nais Benepisyong Balakid Sino-sino
bilang Pinapahalagahan Marating/ makukuha at sa ang
kabataan binuong misyon matupad paano ito pagtupad makaktulong
makakatulong ng mo sa
sa pagbuo ng misyon pagtupad
iyong pasya nito

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat sa papel ang titik ng tamang
sagot.
Panuto: Piliin ang titik ng tamang salita o pahayag na tinutukoy sa mga
pangungusap sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Mahalaga ang pagbuo ng personal na pahayag sa buhay upang _____
A. mapantiling matatag sa anomang unos na dumating sa iyong buhay
B. bigyan ng tuon ang pagtupad sa mga itinakdang mithiin sa buhay.
C. maging gabay sa ating mga pagpapasya
D. Lahat ng nabanggit

2. Ayon kay Sean Covey, ang pahayag ng personal na misyon sa buhay ay


maihahalintulad sa isang punong malalim na ugat. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ito ay matatag at hindi mawawala, ngunit ito ay buhay at patuloy na
lumalago.
B. Ito ay pangmatagalang layunin upang makamit ang iyong misyon sa
buhay.
C. Ito ay magsisilbing lakas upang mabuhay ng matagal.
D. Wala sa nabanggit.

13
Para sa bilang 3-5, basahin ang Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay sa
ibaba.

A n g a k i n g P a h a y a g n g P e r s o na l na M i s y o n s a B u ha y
Bilang isang mag-aaral na may pangarap na maging isang
matagumpay na Architect ay gagawa ako ng paraan upang maitawid ang
pinapangarap sa buhay maging sa pagtulong sa pamilya at sa lipunan. Ako’y
magiging masipag at magiging isang modelo sa mga kabataan. Hinding hindi
kakalimutan ang Diyos. Sa pamamagitan ng pagpapatibay sa pananampalataya,
ihahayag ko ang mga salita ng Diyos. Isasapuso ko ang lahat ng mga aral na
aking natutuhan. Maging sa mga gawain ay kailangang may puso at pinag-iisipan.
Ang pag-aaral nang mabuti, pagsasagawa ng kabutihan sa kapuwa at higit sa lahat,
ang gabay ng Diyos ay isa sa mga hakbang upang maging matagumpay at umunlad
ang buhay sa balang araw.
-Misyon sa Buhay ni Kaye Yra A. Espinosa
https://www.coursehero.com/file/15220770/Pagsasabuhay/

3. Ano ang pangarap ni Kaye Yra?


A. Architect
B. Doctor
C. Nurse
D. Maging isang matagumpay na mag-aaral

4. Ano ang pinakalayunin ni Kaye Yra sa buhay?


A. Maitawid ang pinapangarap sa buhay at makatulong sa pamilya
at lipunan
B. Maging isang modelo sa kabataan
C. Isasapuso ang lahat ng mga aral na natutuhan
D. Pagsasagawa ng kabutihan sa kapuwa

5. Isa sa mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng ano ang posibleng maging


balakid nito sa pagabot ng kaniyang mithiin/pangarap sa takdang oras, ano
ang posibleng maging balakid ni Yra sa pagakamit ng kanyang misyon?

A. Magkasakit at huminto sa pag-aaral


B. Kawalan ng sapat na pananalapi
C. Hindi makapagtapos ng pag-aaral dahil sa pandemya
D. Lahat ng nabanggit

6. Ano ang ibig sabihin ng personal mission statement o personal na pahayag


ng misyon sa buhay?
A. Mithiin na nais marating.
B. Pamantayan sa pag-abot ng mga pangarap sa buhay.
C. Isang personal o pansariling motto o kredo na nagpapahayag kung
ano ang kabuluhan ng iyong buhay.
D. Tunguhin o pakay na nais na marating o puntahan sa hinaharap.
14
7. Ang pahayag ng personal na misyon sa buhay (PPMB) ay posibleng magbago
o mapalitan. Ang pahayag ay________
A. Mali, dahil ang ating PPMB ay pangmatagalan
B. Tama, dahil patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga
sitwasyon na nangyayari sa kaniyang buhay.
C. Mali, dahil ito ang ating gabay sa pagkamit na ating mithiin
D. Tama, dahil ito ay dikta ng Diyos sa ati

8. Ang mga sumusunod ay pamantayan sa pagsulat ng personal na pahayag sa


buhay MALIBAN sa:
A. Mangolekta ng mga kasabihan
B. Gamitin ang paraang tinatawag na “Brain Dump”
C. Magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip.
D. Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasya

9. Si Paul ay isang mabuting anak, estudyante, at kaibigan. Nais niyang maging


isang matagumpay na abogado balang araw. Ano ang dapat niyang gawin
upang maisakatuparan ang kaniyang mithiin sa buhay?

A. Kumuha ng maraming kurso


B. Magsimba tuwing Linggo
C. Sumali sa patimpalak sa debate ng Barangay
D. Mag-aral ng mabuti upang makatapos at makapasa sa BAR exam

10. Ano ang benepsiyong makukuha ni Paul at ng kanyang kapuwa kung


magiging ganap siyang abogado?

A. Yayaman ang pamilya


B. Maging sikat sa kanilang lugar
C. Makatulong sa mga naapi na ipagtanggol ang kanilang karapatan
D. Makapagtayo ng Negosyo

15
Karagdagang Gawain

Panuto: Upang mas maging makabuluhan ang iyong pag-aaral sa modyul na ito,
sa iyong kwaderno, kopyahin ang matrix sa ibaba at itala ang iyong misyon sa
iyong sarili, pamilya, kapwa, at bansa.

Misyon
Sarili

Pamilya

Kapwa

Bansa

16
17
Tayaahin
Paunang Pagtataya
1. C
2. D 1. D
3. A 2. A
4. A 3. A
5. D 4. A
6. D 5. D
7. A 6. C
8. D 7. B
9. C 8. D
10. B 9. D
10. A
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Aklat

Kagawaran ng Edukasyon sa Pagpapakatao. “ Edukasyon sa


Pagpapakatao-Kagamitan ng Mag-aaral (Ikalawang Bahagi)”
Unang Edisyon, 2012:pahina 97-121

Kagawaran ng Edukasyon sa Pagpapakatao. “ Edukasyon sa


Pagpapakatao-Kagamitan ng Mag-aaral” Unang Edisyon, 2017,
Muling limabg 2020 :pahina 283-284

Internet

Gabriela Aguilar, Pagsasabuhay: “PERSONAL NA PAHAYAG NG


MISYON SA BUHAY”, date retrieved. June 10, 2020,
https://www.coursehero.com/file/15220770/Pagsasabuhay/

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like